Ang Modernong Maria Clara ni...

By hannahbax

7.3K 287 85

Si Penny ay masasabing isa sa mga modernong kababaihan ng panahon ngayon - moderno sa dahilang isa siyang dru... More

Pasimula
Author's Note
Kabanata 1: Si Penny
Kabanata 2: Ang Mansyon ni Lola
Kabanata 3: Si Jose...Ano?
Kabanata 5: Pagbabago
Kabanata 6: Dati
Kabanata 7: Mga Katanungan
Kabanata 8: Palaisipan
Kabanata 9: Ilang Sandali
Kabanata 10: Kaibigan
Kabanata 11: Kaguluhan
Kabanata 12: Ang Nakaraan
Kabanata 13: Kapatawaran
Kabanata 14: Bagong Simula

Kabanata 4: Kasunduan

523 24 1
By hannahbax

Kabanata 4:  Kasunduan

Napaupo ako sa kama. Siya ba talaga si Rizal?

Inaalala ko lahat ng sinabi niya, pati ang pananamit niya. Magkamukha nga sila ni Dr. Jose Rizal as far as I could remember the hero's image.

Binuklat ko ulit ang notebook niya. Lahat ng nakasulat ay Spanish. At sa tinta ng panulat niya, I doubt that he used a modern ballpen.

Oh yeah. Mukhang napapaniwala na ako ng mokong na iyon. Hanggang sa napansin ko ang backpack ko. Naalala ko ang special project ko. A documentary about Rizal! Parang automatic na nagkaroon ng light bulb sa ulo ko. What if I'll make a deal with him? I won't have any problems about making my work kung ang mismong Dr. Jose Rizal himself ang tutulong sa akin.

Mabilis akong lumabas ng kwarto ko at hinanap siya. Narinig kong parang may nagkakagulo sa labas. Pumunta naman ako doon.

I heard Kristoff's voice na parang may ini-interrogate.Nandoon ang lahat ng family members ko, si Manang Puring at ilang katulong.  Tiningnan ko naman ang kausap ni Kristoff. Patay. Si Rizal iyon!

I made my way papunta sa kanya. "Hey bro! Nandito ka na pala!" acting ko sabay akbay sa kanya.

"Kilala mo siya, Penny?" tanong ni Lola.

"Yes Lola, pinapunta ko po siya dito para tulungan po ako sa project ko. Siya po si... si Joey. Joey, ang  pamilya ko. Pasensya ka na na-interrogate ka agad ah, haha," habang sinasabi ko iyon, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ang weird naman ng kaibigan mo, Penny. Di nagsasalita eh tapos ang damit niya pa, parang makaluma," parang yamot naman si Kristoff habang sinasabi niya iyon.

"Ah, medyo introvert kasi itong si Joey eh. Tapos pinagsuot ko na siya ng ala-Rizal costume kasi documentary ang gagawin ko. He's also studying in UST."

"Rizal? Paano mo nalaman ang aking pangalan?" narinig kong bulong niya sa akin.

Hindi ko na muna siya sinagot. Nagpaalam na ako na papasok na kami ng friend-kuno ko na si Joey.

"Ano iha, sa kwarto kayo gagawa?" alalang tanong ni Lola. Okay, di ko naisip na conservative nga pala si Lola.

"Don't worry, Lola. Beki po itong si Joey. Tago lang po, kaya please keep his secret po. Una na po kami," paliwanag ko sabay hatak kay Joey, este kay Dr. Jose Rizal. Nakahinga na lang ako nang maluwag noong makapasok na kami ng room.

"Hoo! Buti na lang nakalusot ako," I sighed.

"Ngunit hindi ba't ako ay pinaaalis mo na? At paano mo nalaman ang aking apelyido?" tanong ni Rizal sa akin.

Tinuro ko naman ang notebook niya na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. "Iyon naman pala. Ako'y iyong kilala na. Maaari ko na muna bang malaman ang iyong pangalan, binibini?"

"Penny. Penelope Dimaisip. At hindi lang dahil sa notebook kaya kita kilala," sabi ko sabay upo sa gilid ng kama. Kinuha ko ang laptop sa loob ng backpack ko at nag-search about sa kanya sa internet. Pero ang nakakapagtaka, hindi lumalabas ang biography or picture niya. Bakit kaya ganito?

"Binibini, tungkol sa iyong sinasabi na hindi lamang sa aking kwaderno mo ako nakilala?" tanong niya sa akin.

"Wait, may hinahanap lang ako," sabi ko na lang. Naka-ilang search na ako pero di ko talaga mahanap. Teka. 'Yung book ko! Binuksan ko ulit ang backpack at kinuha ang book ko about Rizal. I checked it at buti na lang nadala ko iyon. Ibinigay ko iyon sa kanya.

"Iyan. Dahil diyan. Ikaw ang pambansang bayani namin, Sir."

Nakita ko kung gaano nanlaki ang mga mata niya habang binubuklat niya ang bawat page ng book. "Ako ito? Ako'y isang bayani?"

"Oo. At sa tingin ko, hindi mo pa nagagawa ang mga amazing na ginawa mo for the country. Ilang taon ka ngayon?"

"Ako'y bente anyos." I nodded. On that age, nag-aaral pa lang siya noon. Mas bata lang ako sa kanya ng isang taon. Nagsalita siya ulit. "Maaari ko bang hiramin ang iyong aklat?"

"Okay fine. Pero tutulungan mo akong gawin ang project ko. Ikaw kunwari si Rizal. Well, ikaw naman talaga si Rizal, pero kailangan mong umarte para matapos ang documentary ko. Habang tinutulungan mo ako, I will help you find a way kung paano makabalik sa panahon mo. Sa ngayon, help me. Deal?"

Malalim siyang nag-isip-isip habang naglalakad. Napatigil siya sa tapat ng mahiwagang aparador. Binuksan niya ito at tiningnang mabuti. Pumasok siya doon at isinara iyon. Napaisip ako. Oo nga ano, kung i-try niya kayang magtago ulit doon di ba? Baka sakaling mag-work ulit. Doon siya nanggaling, doon din siguro siya makakabalik. Ang talino niya talaga.

Mga ilang minuto din siyang nandoon. Binilangan ko ang pag-stay niya doon. 10, 20, 30 minutes na siyang nandoon. Siguro, nakabalik na ulit siya sa panahon niya. Pero para makasiguro, binuksan ko ang aparador at nakita kong nakaupo pa rin siya doon habang nakayuko.

"Sir?" tawag ko sa kanya. Inangat naman niya ang kanyang ulo. Napailing siya. Nagsimula na siyang gumalaw at tumayo.

"Mukhang ako'y walang ibang pagpipilian kundi ang ika'y tulungan," may himig ng kalungkutan niyang sabi. Bigla din naman akong nakaramdam ng lungkot. Kung sa akin kaya nangyari iyon? Malamang nagwawala na ako ngayon.

"Thank you, Sir. I swear, tutulungan ko po talaga kayo. Kahit araw-arawin natin ang pagpunta dito para i-try ninyong makabalik. I'll help you. Sa ngayon, kumain muna tayo?" sabi ko sa kanya. Narinig ko kasi kanina ang pagtunog ng tiyan niya. Ngumiti naman siya. Inaya ko na siyang lumabas ng kwarto at dinala sa dining room.

"Ahm, Manang, pwede pong mauna na kaming kumain ni Sir, este ni Joey? Gutom na po kasi kami eh," sabi ko kay Manang Puring pagkakita ko sa kanya sa may dining area habang nag-aayos ng mga plates  and utensils sa table.

"Pero gusto nang Lola mo na sabay-sabay kayo," sagot naman niya.

"Ako na pong bahala kay Lola," I just told her at umupo na. Pinasunod ko na rin si Sir. Baka masanay akong tawagin siyang Sir kaya kinausap ko siya nang pabulong.

"Ah, eh, Sir. Pwede bang Joey na muna ang itawag ko sa inyo? Baka kasi malito sila pag narinig nilang tinatawag ko kayong Sir. Okay lang ba?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti ulit siya. "Walang problema, binibini. Ako ay hindi rin namang sanay na tinatawag nang ganyan."

"And Sir, I mean Joey. You can call me Penny na lang. Hindi rin ako sanay na may tumatawag sa aking binibini, masyadong baduy. I don't mean to offend you and your time, gusto ko lang masanay kayo sa modern era habang nandito kayo para di kayo matawag na jologs, makaluma or weirdo nang ibang tao," paliwanag ko sa kanya. Tumango naman siya.

Napagkwentuhan namin ang naging buhay niya as a student. Talagang usong-uso noon ang discrimination noong panahon niya. Hindi basehan ang talino mo para makapag-aral ka kundi ang influence, power and money ng pamilya mo. Sinabi ko din naman sa kanya ang mga changes sa current time.Napapangiti siya sa balita kong iyon. Napakamapalad daw namin dahil abot-kamay daw namin ang edukasyon. Bigla naman akong nahiya. Hindi ko dapat ibagsak ang Rizal at ang mga susunod ko pang subjects sa fourth year.

Dumating naman sa dining area si Lola. Agad naman akong nagsabi kung bakit nauna kaming kumain. Ayaw na ayaw kasi niyang hindi kami lahat magkakasabay kumain.

"Ganoon ba, apo. Ay kaawa-awa naman pala ang batang iyan at magdamag pang di kumakain. Ikaw naman kasi,  Penny, pinaluwas mo pa siya dito sa Bataan para lang matapos ang proyekto nyo," sabi ni Lola.

"Lola, di naman po pwedeng hindi ako umuwi dito dahil magtatampo kayo. Kaya po, heto, pinakiusapan ko na lang si Joey. Okay lang po bang mag-stay din siya dito for two weeks? Sabay na po kaming babalik ng Manila. Hassle po kasi kung mag-uuwian siya eh. Please, Lola," pakiusap ko kay Lola.

Napakaseryoso ng mukha ni Lola habang nakatitig sa akin. Medyo tinablan ako ng takot pero bigla din namang nawala iyon nang agad ding ngumiti si Lola.

"O siya, sige na. Joey, iho, ang kwarto mo ay 'yung malapit sa may veranda. Teka, napansin kong wala kang mga gamit na dala. Paano ka magpapalit niyan?"

Patay. Di ko naisip yon. Di naman pwedeng iyon pa rin ang isuot niya for two weeks. Napatingin ako kay Joey at halatang wala din siyang alam na maisasagot sa tanong ni Lola.

"Ah Lola, ipapahatid na lang po niya sa family driver nila 'yung mga gamit niya dito. Di ba Joey?" magkasunod kong tiningnan sina Lola at Joey. Mukha namang naniniwala si Lola samantalang naguguluhan pa rin si Joey. Bigla na lang din siyang napatango pagkatapos ko siyang bigyan ng bilis-na-kumagat-ka-na look.

Pagkatapos naming mag-usap ni Lola ay nagpaalam na kaming dalawa ni Joey. Nang makarating kami sa kwarto ko, tinanong ako agad ni Joey.

"Penny, ako ay walang kaalam-alam kung paano akl magkakaroon ng ibang damit. Iyong nalalaman na ang tanging dala ko lamang ay itong aking kasuotan at ang aking kwaderno," pag-aalala niya. Ngumiti lang ako sa toxic niyang sitwasyon.

"Wag mo na alalahanin yon, akong bahala. Bukas, pupunta tayo sa Balanga, may mga malls doon at ibibili kita ng damit and iba pang gamit mo. Basta pag tinatanong ka nina Lola, sumakay ka na lang sa lahat ng sasabihin ko, okay? Ahm, pwede bang kwentuhan mo ako ng naging buhay mo noong bata ka? Para maisip ko na kung anong magandang introduction sa documentary ko," tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at nagsimula ng ikwento ang buhay niya.

Sa malumanay niyang boses, nakakatuwang pakinggan ang lahat ng kwento niya. Kagaya ng mga biography books about sa kanya, ganoon din ang laman ng storya niya. Kagaya ng nakasulat doon, isa siyang bata na nangarap na maging doktor para sa kanyang ina. Medyo maluha-luha pa nga siya noong ikwento niya ang tungkol dito .

Marami pa siyang sinabi kaya hindi ko namalayan na gabi na pala. Kinatok na kami ni Mama para kumain. Sumunod naman kami.

Medyo masaya naman ang naging dinner namin. Sa tuwing tatanungin ni Lola si Joey, medyo ramdam pa rin ang kaba sa kanya pero super amazed ako sa galing niyang gumawa ng kwento tungkol sa sarili niya. No wonder na nagawa niya ang Noli and El Fili sa pagiging magaling niyang novelist.

Mabuti na lang at mabilis natapos ang dinner dahil parang nasa interrogation room ang feeling. Sinabi ko naman kay Joey na magpahinga na rin sa kwarto niya dahil alam kong masyadong maraming nangyari sa buhay niya ngayon. Kung sa akin nangyari 'yon, I'm wishing I'm dead at this very moment.

Ilang oras na akong nakahiga sa kama and I think it's already midnight but I really can't sleep. So many thoughts are circling my head. Paano ko siya tutulungan kung 'yung mismong pagpunta niya dito ay hindi ko ma-gets? Paano pa kaya 'yung pagbalik niya? Hay. I was just having my peace of mind this morning kasi after some years, nakabalik na ako dito. Tapos, tapos. Hay naku, ito pa ang nangyari.

Bukas ko na lang siguro ako mag-iisip because I'd probably look like a zombie bukas kung ipagpapatuloy ko pa ang pag-iisip. That would not be cool.

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
31.8M 812K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
Noli Me Tangere | √ By Nia

Historical Fiction

320K 1.4K 64
Buod ng bawat kabanata ng nobelang Noli Me Tangere From the book of completed and published Filipino Version translated by Leon Ma. Guerrero of Adarn...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.3M 290K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...