SEASONS of LOVE 1 The Series...

By quosmelito

30.9K 1.4K 85

Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers... More

Read
Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise
Episode 2 - My Boo
Episode 3 - His Highness
Episode 4 - Hello and Goodbye
Episode 5 - A Drunken Request
Episode 6 - Just Like In The Movies
Episode 7 - The Other Side
Episode 8 - Not All Darklords Tell A Joke
Episode 9 - Lucky Spoon
Episode 10 - Confused
Episode 11 - Morning Surprises
Episode 12 - Almost A Kiss
Episode 13 - A Lovely Villainess
Episode 14 - Sparks Fly
Episode 15 - Date
Episode 16 - What Happened?
Episode 17 - Jealous Heart
Episode 19 - I'm Here For you
Episode 20 - Giggles
Episode 21 - In The Name Of Love
Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak
Episode 23 - Sunset
Episode 24 - Beginnings and Endings
Epilogue - Stand By You

Episode 18 - Magic Soup And Warm Cuddles

1K 56 4
By quosmelito

*Haru*

•••

   "Rain."

   "Hmm."

   "Babangon lang ako saglit."

   "Saan ka pupunta?" Namamaos ang boses na tanong niya.

   "Igagawa lang ulit kita ng soup. Saka bibili tuloy ako ng gamot. Last na 'yung ininom mo kanina."

   Parang may humaplos sa dibdib ko nang bahagyang humigpit ang yakap niya sa akin.

   "Babalik ka ha?"

   Hindi ako sanay nang ganito siya. Mula nang makilala ko siya ay hindi ko nakitang dumepende siya sa iba.

   Lalo na sa akin.

   Kung may kailangan man siya ay iuutos niya iyon. Sa pagalit na paraan pa.

   Ngayon naman ay ganito siya.

   Pero sa halip na bigyan ko iyon ng ibang kahulugan ay inisip ko na lang na baka nahihibang siya dahil sa lagnat. Hindi naman ganito ang normal na Rain na kilala ko.

   Gayun pa man ay hindi ko pa rin napigilan ang mapangiti.

  "Oo, saglit lang. May botika naman diyan sa ibaba."

   Lumipas ang ilang sandali ay hindi pa rin siya kumakalas ng yakap.

   "Rain?"

   "Giniginaw ako." Nakapikit pa rin niyang tugon.

   "Alam ko. Kaya nga gagawan kita ng soup para mainitan ang sikmura mo. Saka para makainom ka ng gamot."

   Alam kong hindi siya nagdadahilan lang dahil bahagya pa ring nanginginig ang katawan niya.

   Hindi ko alam kung anong oras na. Pero sa palagay ko ay tanghali na dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.

   "Bilisan mo."

   Nang bumitaw siya ay tumayo na ako at inayos ang kumot niya.

   Naghanap ako ng shorts sa closet niya na sa tingin ko ay hindi niya isinusuot.

   "Rain."

   "Hmm."

   "Nasaan 'yung card ng pinto mo? Kailangan ko iyon 'pag balik ko rito."

   Umiling lang siya sa halip na sumagot.

   Hindi ko na siya muling tinanong at nagsimulang maghanap. Siguro ay nahihirapan siyang magsalita dahil sa pamamalat ng boses niya.

   Nakita ko ang card sa bulsa ng suot niyang pantalon kahapon at dali-dali na akong bumaba diretso sa botika. Hindi ko na inalala kung ma-short man ako sa budget dahil sa mahal ng gamot. Ang mahalaga ay bumuti ang lagay ni Rain.

   Malaking tulong din ang mabait na staff ng botika na nagrekomenda ng mas mabisang gamot sa trangkaso at lalamunan.

   Bumili rin ako ng cool fever patch para makatulong sa pagbaba ng temperatura ng katawan niya.

   Sa kagustuhan kong makabalik kaagad ay parang wala pang sampung minuto ang ginugol ko sa ibaba.

   Marami pa namang pagkain sa fridge ni Rain. Siguro ay pinamili iyon ni Mrs. Monteclaro. Anak na rin ang turing niya kay Rain. At malabong si Rain ang mag-grocery.

   Iiling-iling akong lumabas ng elevator diretso sa unit ni Rain.

   Sinilip ko muna siya bago magluto pero wala siya sa kama.

   "Rain?"

   Walang sagot.

   Dumiretso ako sa banyo nang makarinig ako ng pagduwal.

   Nababahalang napaluhod ako sa tabi niya.

   "Hay. Bakit kasi uminom ka na naman? Tapos ang dami mo pang ininom. Eh kahit tatlong tao malalasing sa ininom mong alak." Hindi ko mapigilang mag-alala habang hinihimas ang likod niya.

   Gamit ang likod ng kamay, pinahid niya ang labi at lumingon sa akin.

   "May sakit na nga ako, sinesermunan mo pa 'ko." Paputol putol ang boses na reklamo niya.

   Akma siyang tatayo matapos akong tabigin. Sa hina niyon ay halos hindi ko naramdaman. Gusto kong itirik ang mga mata ko sa inaasal niya.

   "Sorry. Nag-aalala lang ako sayo. 'Lika, tutulungan na kita." Inalalayan ko siya sa pagtayo hanggang sa makabalik siya sa kama.

   Nilagyan ko ng fever patch ang noo niya saka lumabas ng kwarto at nagluto ng soup.

   Maya't maya ay sumisilip ako sa kwarto para i-check kung kailangan ulit niyang gumamit ng banyo.

   Kahit hindi ayon sa gusto kong mangyari ang kinalabasan ng pag-uusap namin noong nakaraang araw ay hindi ko pa rin siya matiis.

   I guess gano'n talaga kapag nagmamahal.

   Wait.

   Nagmamahal? Ako?

   Napakagat ako sa pang ibaba kong labi. Mahal ko si Rain?

   Mahal ko si Rain.

   Saglit akong napangiti pero agad din iyong napawi. Ilang araw na lang ay matatapos na ang kontrata ko sa kanya at balik na sa normal ang lahat.

   Makakaya na niyang mag-isa. Nang wala ang serbisyo ko.

   Muli akong napangiti. Pero ngayon ay mapait iyon. Mapait iyon dahil sa katotohanang hindi niya gusto ng kahit anong koneksiyon sa akin.

   Gusto nga niyang kalimutan ang nangyari sa amin.

   Sumang-ayon ako roon. Sumang-ayon akong kalimutan ang gabing iyon. Pero sino ba ang niloloko ko?

   Hindi iyon nawawala sa isip ko. Para iyong sirang plakang paulit-ulit na naglalaro sa alaala ko.

   Kung paano niya inangkin ang mga labi ko. Ang mga labi niyang walang direksiyon at sa kaparehong pagkakataon ay nag-uutos. Nag-uutos na tumugon. Nag-uutos na pagbuksan at papasukin.

   Ang mga haplos at yakap na tumunaw sa mga buto ko. Ang mga bulong at impit na ungol na kumausap sa kaluluwa ko. Ang mga matang puno ng paghanga na tila ako lang ang nakikita nang mga oras na iyon.

   Ang lahat ng iyon.

   Ang lahat ng iyon ay malinaw na malinaw na nakatatak sa isip at puso ko.

   Pero...

   Ang lahat din ng iyon ay gusto niyang kalimutan. At wala akong magagawa kundi ang sumang-ayon.

   Sumang-ayon para kahit paano ay may matira pa sa akin.

   Naputol ang pagmumuni ko nang makarinig ako ng kalabog sa kwarto ni Rain. Agad akong napatakbo upang tingnan kung ano iyon.

   Maayos naman ang lahat. Pwera na lang sa digital na orasan na natisod ko sa bungad ng pinto. Pinulot ko iyon at isinauli sa ibabaw ng side table.

   "Rain? Okay ka lang?"

   Dumapo sa akin ang medyo namumula niyang mga mata.

   "Bakit ang tagal mo?"

   "Sandali na lang. Makakaluto na ako. Hinihintay ko na lang..." Nakapikit na siyang muli habang nakatago ang labi sa kumot. "Kumulo." Pabulong kong pagtatapos ng sagot ko.

   Iiling-iling akong lumabas at bumalik sa kusina. Nang maluto ang soup ay nagsalin ako niyon sa bowl at ipinatong sa malaking plato.

   Marahan kong niyugyog si Rain.

   "Upo ka."

   Inalalayan ko siyang maupo at matiyagang sinubuan. Makaraan ang ilang higop ng sabaw ay umiling na siya.

   "Isa na lang." Inilapit ko sa bibig niya ang kutsara pero muli ay umiling lang siya.

   Inilapag ko ang bowl sa side table at inabutan siya ng gamot.

   Ako na rin ang humawak ng baso nang uminom siya. Matapos niyon ay muli na siyang nahiga.

   "Why are you doing this?"

   Napahinto ako sa akmang pagtayo at lumingon sa kanya.

   Ngumiti ako at nagkibit-balikat.

   "Wala namang ibang nandito. Kaya sino pa ba ang mag-aalaga sayo?"

   "I know. But why? I'm mean, and rude."

   "'Di ko alam." Alam ko, pero wala akong lakas ng loob para sabihin. "Gano'n siguro talaga ang mga tao. May pakialam sa isa't isa. Human nature."

   Tiningnan lang niya ako na para bang mayroon pa siyang hinihintay na sasabihin ko. Pero lumabas na ako bitbit ang mga gamit saka iyon hinugasan.

   Tumawag na rin ako sa housekeeping at agad naman nilang kinuha ang carpet.

   "Huwag niyo nang palitan. Pakilabhan niyo na lang. Baka kasi hanapin ni Sir Rain iyan kapag nakita niyang bago ang carpet." Pakisuyo ko sa staff.

   "Okay, sir. Bukas ho ay malinis na ito."

   "Salamat."

   Isinara ko ang pinto nang makaalis ang staff.

   Pagbalik ko sa kwarto ay pinalitan ko ang fever patch sa noo ni Rain at pumwesto sa computer table.

   Inilabas ko ang cellphone saka naglaro.

   "Dito ka."

   Lumipat ako sa kama at naupo saka sumandal sa headboard.

   "Ano nang pakiramdam mo?"

   "Not good."

   Dinama ko ang leeg niya at ganoon pa rin ang temperatura niya.

   "Eh kung dalhin na kaya kita sa ospital?"

   Umiling siya at pumikit. "I hate hospitals."

   "Pero mas maaalagaan ka nila roon."

   Muli ay umiling lang siya at dumilat.

   "I need warmth."

   Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin kaya sumukob ako sa kumot at niyakap siya.

   Napangiti ako nang marinig ko ang kuntento niyang pagbuntong-hininga. Gumanti siya ng yakap at pumikit.

   "Thank you."

   Dumoble ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Ito ang unang beses na narinig kong pinasalamatan niya ako mula nang magkakilala kami.

   "Hmm. Matulog ka lang. At kapag hindi pa bumaba ang lagnat mo, dadalhin na kita sa ospital, okay?"

   Umungol lang siya ng pagtutol at hindi sumagot. Hinayaan ko na lang siya. Basta buo na ang desisyon ko. Kung hindi bababa ang temperatura ng katawan niya ay tatawag na ako kay Mrs. Monteclaro.

•••

   Hindi ko namalayang nakatulog din pala ako. Nang magising ako ay agad kong dinala ang palad ko sa leeg at pisngi ni Rain na nananatiling nakayakap sa akin.

   Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na ganoon kataas ang lagnat niya. Iniangat ko ang kamay niya para tumayo at gumawa ng makakain niya.

   Umungol siya at muli ay yumakap sa akin. "I'm cold."

   "Kailangan mo na ulit uminom ng gamot. Saka igagawa kita ng maiinom para sa lalamunan mo. Saka soup na rin."

   Wala naman siyang pwedeng kainin kundi soup o prutas. Ni hindi niya nauubos ang sabaw. Pero ang mahalaga ay may nailalaman siya sa sikmura.

   "Later."

   Don't get me wrong, gusto ko rin ang feeling na nasa mga bisig niya. Gustong gusto. Pero mas gusto kong asikasuhin siya at gumaling kaya kailangan kong kumilos.

   "Gusto mo bang gumaling?" Nakatingalang tanong ko sa kanya.

   Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakapikit.

   "Papalitan ko rin ang patch mo. Mukhang effective 'yan eh. Bumababa na ang lagnat mo."

   Mabigat siyang bumuntong-hininga bago kumalas ng yakap.

   Naiiling akong bumangon at inasikaso ang mga kailangan niya. Kung ganito lang din sana siya kalambing kapag wala siyang sakit. Siguro ay hindi ko na gugustuhing umalis pa sa tabi niya.

   Pero kailangan kong manatili sa reyalidad. Reyalidad na hindi na niya ako kakailanganin kapag okay na ang lahat.

   Kapag okay na siya.

   Kapag okay na siya, sana ay maging ganoon din ako.

   "Papadilim na pala." Bulong ko nang mapalingon ako sa bukas na kurtina ng balkonahe.

   Mukhang dito na naman ako magpapalipas ng gabi. Habang nakasalang ang pagkain ay inilibas ko ang cellphone para tawagan sina Mama at Mrs. Monteclaro.

   "'Wag kang mag-alala sa amin anak. Okay lang kami ng mga kapatid mo."

   "Sigurado ka, 'Ma?"

   "Oo. Asikasuhin mo lang 'yang honey bunch mo, anak."

   "'Ma!" Angal ko pero hindi ko naman mapigilang mapangiti.

   Matapos ng pag-uusap namin ay si Mrs. Monteclaro naman ang tinawagan ko at ipinaliwanag kung bakit hindi ko maisasauli ang kotse.

   "Naku, maraming salamat, hijo, at nandiyan ka. Ano nang lagay ngayon ni Rain?"

   "Ah, 'wag ho kayong mag-alala, ma'am. Bumaba na ho ang lagnat niya. Gusto ko nga ho na sana kayong tawagan kanina para dalhin siya sa ospital, kaso ayaw naman po ni Rain."

   "Matigas talaga ang ulo ng batang 'yan. But I understand kung bakit ayaw niya sa ospital."

   Gusto ko sanang tanungin kung bakit pero wala namang sense. Sino ba ang gustong ma-ospital? Wala.

   "Haru, hijo."

   "Po?"

   "Tawagan mo ako agad kung may kailangan kayo ha? Anytime. Kahit dis-oras ng gabi, okay?"

   "Opo. Tatawag po ako."

   "Oh sige. Maraming salamat sa'yo, hijo."

   "Walang anuman ho."

   "No, I mean it. Thank you. Kung wala ka baka kung ano na ang nangyari sa batang 'yan."

   Ngumiti ako kahit hindi niya ako nakikita.

   "Okay lang ho. Madali lang naman ho siyang alagaan. Kaya wala pong problema."

   Matapos niyon ay nagpaalam na kami sa isa't isa at muli ay mahigpit siyang nagbilin na tumawag ako kahit anong oras.

   "Bakit ba ang tagal mo?" Iyon ang bungad ni Rain nang makapasok ako sa kwarto.

   "Tumawag ako kay Mama. Saka kay Mrs. Monteclaro." Inilapag ko ang baso at bowl ng soup sa mesa at inalalayan siyang umupo.

   "Tsss. Nagsumbong ka pa kay Tita ha?" Nakasimangot na sita niya habang nakasandal sa pinagpatong na unan.

   "Hindi. Sinabi ko lang na may sakit ka at hindi ako makakauwi dahil wala kang kasama."

   Naiiling na lang ako sa akusa niya. Ganito pala siya kapag may sakit. Kung ano-ano lang ang naiisip.

   "Saka kailangan din malaman ni Mrs. Monteclaro ang nangyayari sayo. Ang swerte mo nga eh."

   Kinunotan lang niya ako ng noo habang sinusubuan ko siya.

   "Kasi, may taong nag-aalala sayo kahit.."

   "What? Kahit ano?"

   "Kahit masungit ka." Alanganin akong ngumiti at muli siyang sinubuan.

   "Hindi ako masungit. I just don't need a lot of people in my life."

   "Masaya sa pakiramdam ang maraming taong nandiyan para sayo. Iyong maraming nag-aalala para sayo."

   "Maybe for you."

   Hindi na ako kumibo para hindi na kami magtalo. Hindi makakabuti sa kanya ang makipagdiskusyon ngayong hindi pa siya lubusang gumagaling.

   Pero gusto ko sanang ipilit sa kanya na masarap naman talaga sa pakiramdam kapag maraming kaibigan. Maraming nagmamahal. Kailangan lang niyang buksan ang pintuan ng puso niya para sa mga taong gustong pumasok sa buhay niya.

   Gaya ko.

   Lihim akong umiling at iwinaksi ang mga imposibleng hiling ng puso ko.

   "Gusto mo bang mag-toothbrush?" Naalala kong itanong matapos niyang kumain.

   May nakita kasi akong bagong toothbrush kanina at ginamit ko iyon nang makakain ako habang nagluluto.

   "Why? Does my breath stink?"

   "Hindi naman. Para guminhawa lang ang bibig mo. Mapait kasi ang panlasa kapag may lagnat."

   "Okay. You brush my teeth then."

   "Tara."

   Pagpasok sa banyo ay nanatili siyang nakahalukipkip habang nakasandig sa dingding.

   Kinuha ko ang toothbrush niya at sinimulang sepilyuhin ang ngipin niya habang may nakasalong bimpo sa baba niya. Pati ngipin niya ay perpekto. Maputi at maganda ang tubo.

   Gusto ko mang tumingin sa mga mata niya ay hindi ko magawa dahil nakatitig ang mga iyon sa akin habang sinisepilyo ko siya.

   Huwag mo na akong tanungin kung bakit kita pinagsisilbihan. Hindi mo naman magugustuhan ang isasagot ko, dahil ako mismo ay hindi mo gusto. Sa loob-loob ko.

   Inabutan ko siya ng basong may tubig para magmumog. Malalay pa ang tayo niya kaya naman kailangan ko pa rin siyang alalayan. At alam niya iyon sa sarili niya kaya naman hindi ako nakarinig ng pagtutol mula sa kanya.

   "I need to pee."

   Napapahiya akong napatango at inakay siya palapit sa toilet bowl.

   Napatingala ako sa kanya nang lumipas ang ilang saglit ay hindi pa rin siya nagsisimula.

   "Oh. Ahm. Lalabas muna ako."

   "Stupid. I can't use my other hand." Tukoy niya sa naka-cast na braso niya. Ang kaliwa naman ay nakaakbay sa akin para sa suporta para hindi siya bumagsak.

   "Oh. Okay." Inalis ko ang kamay niya at inalalayan siya sa beywang.

   Tumingala ako at nagkunwaring mas interesado sa ilaw nang makarinig ako ng pag-agos ng tubig.

   "Stop acting like you haven't seen this."

   Kahit malat siya ay malinaw na malinaw sa pandinig ko ang sinabi niya. Na nakapagpainit ng pisngi ko.

   "Parang diring-diri kang makita 'to. You even touched it and played with it the other night." Tila naiiritang patuloy niya.

   Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. I mean, kailangan pa ba talaga niyang i-detalye iyon?

   "May usapan na tayong kakalimutan na natin iyon, 'di ba? Kaya 'wag mo nang ipaalala." Siguradong sa mga oras na ito ay namumula na ang mukha ko sa kahihiyan.

   Parang lumalabas sa mga salita niya na ako lang ang naglaro nang gabing iyon at wala siyang kalaban-laban. Pfft. You know better, Dark Lord.

   "Tsss. I'm done. Flush it down."

   Papagaling na nga siya. Unti-unti na siyang bumabalik sa normal na ugali niya.

   Walang kibong sumunod na lang ako at inalalayan siyang makabalik sa kama. Bago siya tuluyang mahiga ay hinila niya ang kamay ko palapit sa kanya.

   "I'm cold."

   Ngayon ay maamong tupa na naman siya. Hindi na ako nag-abalang magligpit ng gamit at nahiga na rin sa kama nang mayroon akong maalala.

   "Rain?"

   "Hmm."

   "Hindi ka naghugas ng kamay."

   "So what? Nandidiri ka na naman?"

   "Hindi, pero..."

   "Nonsense. We already touched each other's---."

   "Oo na. Sige na. 'Wag ka nang maghugas." Putol ko sa sasabihin niya.

   Pinagpasensyahan ko na lang siya sa ikalawang beses na pag-ungkat niya sa nangyari. Inisip ko na lang na wala siya sa sarili dahil sa lagnat.

   Sigurado namang hindi niya iyon babanggitin kapag wala siyang sakit.

   "Rain." Mayamaya ay tawag ko sa kanya.

   "Hmm."

   "Gusto mo bang hilutin ko ang ulo mo?" Napansin ko kasing salubong ang kilay niya habang nakapikit na tila nasasaktan.

   "Hmm."

   Bumangon ako at naupo habang nananatili siyang nakayakap sa beywang ko at nakasiksik ang mukha gilid ng dibdib ko.

   Inabot ko ang vapor rub sa side table at sinimulang masahihin ang kilay at sentido niya. Bahagya ko ring hinihila ang buhok niya. Masarap iyon sa pakiramdam kapag ginagawa iyon sa akin ni Mama sa tuwing sumasakit ang ulo ko. At mukhang nagiginhawahan naman si Rain dahil maaliwalas na ang mukha niya ngayon.

   Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha na payapang nakapikit. Pantay na rin ang paghinga niya indikasyon na nakatulog na siya.

   "Kahit mahirap kang intindihin, hindi lang minsan kundi madalas, ay hindi ko pa rin magawang mainis sayo. Kahit magaspang ang ugali mo, hindi ko pa rin maiwasang unawain ka. Lagi." Bulong ko sa hangin.

   Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Agad kong binisita kung may lagnat pa rin si Rain. At laking pasasalamat ko na hindi na siya ganoon kainit. Kung meron man ay sinat na lang.

   Kailangan na lang niya ng pahinga at tuluyan na siyang gagaling.

   Maingat akong umalis sa kama at sinimulang magligpit ng mga pinaggamitan nang nagdaang gabi.

   Nang makayari ako ay hinanap ko ang mga damit ni Rain na isinuot ko noong unang beses na matulog ako rito at naligo.

   Gumawa rin akong chicken soup na kapareho ng soup ni Seo-jin. Wala nga lang noodles pero medyo magkalapit na rin ang lasa. Naupo ako at nagbalat ng mansanas para kay Rain.

   Napaangat ang paningin ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Rain.

   "Rain, bakit? Mahiga ka lang." Nilapitan ko siya para salubungin. "Baka mabinat ka."

   "I thought you left."

   May kung anong kislap sa mata niya. Relief? Hindi ako sigurado dahil agad din iyong nawala.

   "Hindi. Ipinaghahanda lang kita ng pagkain."

   "Nauuhaw ako."

   "Sige, teka lang mag-iinit ako ng tubig. Maupo ka muna." Ipinaghila ko siya ng bangko at inalalayang umupo. "Mabilis lang 'to."

   Nagsalang ako sa heater ng kaunting tubig para hindi malamigan ang sikmura niya.

   "Kumusta ang pakiramdam mo?"

   "Okay lang."

   Tumango tango ako habang minamasdan siya.

   "Mmm. Ahm, huwag ka munang pumasok sa trabaho. Tatawagan ko na lang si Jake."

   "You have his number?"

   Tumango ako.

   "Tsss. Are you an item?" Medyo malat pa rin siya pero hindi na kasing lala ng boses niya kahapon. Mabisa talaga ang mga gamot na inerekomenda ng botika.

   "Hindi. Bakit mo nasabi?"

   "How was your date with him?"

   "Hindi naman siya dumating."

   "At nanghihinayang ka?"

   "Hindi."

   "Really?" Tila hindi naniniwalang tanong niya.

   Tumango lang ako at isinalin sa tasa ang tubig saka ko iyon hinaluan ng malamig.

   "Oh. Uminom ka na."

   Tahimik siyang uminom. Sakto namang luto na ang soup kaya hinainan ko na siya.

   "Kumain ka na."

   "I still feel weak. Feed me."

   Wala namang pagdadalawang isip na sinunod ko siya. Naupo ako sa tabi niya at matiyaga siyang sinubuan.

   "Pagkatapos mong kumain ipaghahanda kita ng panglinis mo. Huwag ka munang maligo. Baka makasama sayo." Inabutan ko siya ng ubas pero sa halip na kuhanin ay ngumanga siya kaya pati iyon ay isa isa ko ring isinilbi sa kanya.

   Okay lang.

   Kahit nga sina Junno at Jinn ay malambing din kapag may sakit. Hindi nga lang kasing lambing ni Rain.

   Naisip ko tuloy na baka nasasabik lang siya na mayroong nag-aalaga sa kanya dahil masyado siyang malayo sa mga tao at laging nag-iisa.

   Para tuloy may kung anong humaplos sa damdamin ko sa isiping iyon. Hindi bale, aalagaan ko na lang siyang mabuti hanggang sa bumalik na siya sa masungit na Rain.

   "I can't do that alone."

   Alanganin man at gustong mag-init ng pisngi ko ay pilit akong nagpakakaswal at tumango.

   "Tutulungan kita. Kumain ka lang nang kumain para lumakas ka na."

   "Why are you so good to me?"

   Napatingin ako sa mata niyang diretsong nakatingin sa akin.

   Ngumiti lang ako at nagkibit ng balikat.

   "Kung hindi, sinong mag-aalaga sayo?"

   Dahil mahal kita. Iyon ang gusto kong isagot pero pinigilan ko ang sarili ko.

   Hindi na niya iyon kailangang malaman dahil wala ring mangyayari sa nararamdaman ko. Gaya ng nangyari sa amin, malamang na hilingin din niyang kalimutan ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya.

   At mas mainam nang kusa ko iyong gawin dahil mas masakit kung sa kanya mismo iyon manggagaling.

   Matapos niyang kumain ay inalalayan ko siyang pumwesto sa salas bilang mas malapit iyon sa kusina.

   Ihinanda ko na rin ang mga damit at mainit na tubig na panglinis niya.

   "Rain. Tara. Pwede ka nang maglinis."

   Nang makarating kami sa banyo ay tinulungan ko siyang maghubad at alam ng Diyos kung gaano kataimtim ang dasal kong matapos na agad ito.

   Ihiningi ko rin ng tawad ang mga imaheng pumasok sa isip ko na nagpainit ng magkabila kong pisngi.

   Hinubad ko rin ang cast niya at boxers lang ang itinira. Kaswal kong pinunasan ang buong katawan niya gamit ang bimpo at maligamgam na tubig na may alcohol.

   "Why are you blushing?"

   "Ha? Hindi ah. M-mainit lang dito sa banyo."

   Lihim akong napakagat sa labi ko. Shems. Lahat na lang napapansin niya.

   Hinila ko palapit ang isa pang palanggana na may lamang maligamgam na tubig at ibinabad doon ang mga paa ni Rain habang nakaupo siya sa nakatakip na toilet.

   "What about this?" Turo niya sa gitnang bahagi ng kanyang katawan.

   "Ikaw na." Iniabot ko sa kanya ang kababanlaw lang na bimpo.

   "I can't. And I'm still in my underwear."

   "Ano? Ayoko nga. Ikaw na."

   Tiningnan niya ako nang masama na tila uungkatin na naman ang nangyari.

   "Fine. Tumayo ka."

   Tinulungan ko siyang tumayo. Umalalay siya sa lababo gamit ang available na kamay. Malamang na nanghihina pa rin siya at nanlalambot.

   "So?" Pukaw niya sa akin. "Nilalamig na ako. Bilisan mo na."

   Tumango ako nang mapansin ko ang bahagyang pagkinig sa boses niya at baba.

   Kaya napapahiya man at gusto ko mang pagpawisan ay kinapalan ko na ang mukha ko at ibinaba ang boxers niya.

   Oo. Nakita at.. Shems.. Sige na, nahawakan ko na ito pero lasing ako noon at wala kahit kaunting hiya at wisyo sa katawan.

   Pero iba ngayon.

    Normal ang pag-iisip ko at wala ako sa impluwensya ng alak.

   Kinuha ko ang bimpo at sinimulan iyong punasan. Hindi ko napigilan ang panginginig ng kamay ko at ang pagtriple ng kabog ng dibdib ko nang dumapo roon ang palad ko.

   Kahit pa sabihing may bimpo ay ramdam ko pa rin iyon kaya mas pinilit kong hindi alisin ang mata ko sa hita niya.

   "You're weird. Meron ka rin niyan."

   "Rain, pwede manahimik ka?" Hindi ko napigilang saway sa kanya dala ng matinding kahihiyang nadarama ko.

   Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay natapos ko na siyang punasan. Ayaw ko mang pansinin pero imposibleng mapigilan ko ang panlalaki ng mga mata ko nang mabuhay ang bagay na iyon.

   "What? I'm a healthy man. So don't make it a big deal." Pabalewala lang na depensa niya.

   Hindi ako kumibo at sinuotan siya ng bathrobe.

   Tinulungan ko rin siyang magbihis at this time ay hindi ko na kinailangang makita ang lahat dahil may suot naman siyang robe.

   "Turn the TV on."

   "Baka mabinat ka."

   "I wanna watch a movie."

   "Pero.."

   Tiningnan lang niya ako nang masama at sapat na iyon para sumunod ako. Pfft. Papagaling na nga siya.

   "Remote."

   Iniabot ko sa kanya ang remote at nagsimula siyang magbrowse sa Netflix. Ngayon ko lang nalaman na smart pala ang TV niya at konektado sa internet.

   Lalabas na sana ako para magtabi ng kalat nang muli siyang magsalita.

   "Come here. Giniginaw ako."

   Napakamot ako sa likod ng tenga ko. Matapos ng nangyari sa banyo ay hindi ko na mapigilang maging awkward.

   At giniginaw siya, ibig sabihin kailangan niya ng yakap.

   "Naka-jacket at sweat pants ka naman."

   "I'm still ill."

   Hinawakan ko ang leeg at noo niya. Pakiramdam ko ay medyo tumaas na naman ang temperatura niya. Pero hindi iyon ganoon kataas para maalarma ako.

   "Wait."

   Kumuha ako ng fever patch sa med kit at itinapal iyon sa noo niya saka ako pumwesto sa tabi niya.

   Kumunot ang noo ko nang mahiga siya at pumikit.

   "'Kala ko ba manonood ka?"

   "I just wanna hear the sound." Nakapikit na sagot niya saka ako hinila pahiga.

   Hindi na ako nagsalita at hinayaan siya sa trip niya.

   "Thank you." Mayamaya ay bulong niya sa namamaos pa ring boses.

   Nakangiti akong tumingala pero nakapikit pa rin siya. Ngunit sapat na iyon at hindi na niya kailangang isa-isahin ang mga bagay na ipinagpapasalamat niya.

   Kahit kagigising lang ay muli na naman siyang nakatulog.

   At kung komportable siya, lalo't higit ako.

   Kaysarap damhin ng mabining pag-angat at pagbaba ng dibdib niya.

   Ang mainit na yakap niya.

   At ang payapang tibok ng puso niya na tila isang napakagandang musika na tumutugtog at sumusuyo sa aking pandinig.

   Kung pwede lang sana na ganito kami lagi.

   Na ganito kami habang-buhay.

   Kung pwede lang sana.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

923K 4.8K 6
[COMPLETED] Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin...
1.4M 19.7K 42
Dice and Madisson
84.8K 3.6K 22
When Alex was 'hired' to put on a little show, he had no idea that his life was about to change. Though his intentions were pure, the result of his '...
29.5K 2.2K 39
Kisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa...