RETRIBUTION

By xzeckergreigh

3.9K 208 13

10 years ago, they locked him up, no one even stood up for him. And now, 12 years later after the abandonment... More

𝑨 𝒍𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓 𝒇𝒐𝒓 π’šπ’π’–, 𝒇𝒐𝒓 π’Žπ’†, 𝒂𝒏𝒅 𝒇𝒐𝒓 π’†π’—π’†π’“π’šπ’π’π’†...
RETRIBUTION
Characters | Portrayers | Words
Chapter 01 : The Young Criminal βœ“
Chapter 02 : The Ex-Convict, the fourth Victim and the Letter 1 βœ“
Chapter 02 : The Ex-Convict, the fourth Victim and the Letter 2
Chapter 03 : Ill Intention 1 βœ“
Chapter 03 : Ill Intention 2 βœ“
Chapter 04 : The Captain 1 βœ“
Chapter 04 : The Captain 2 βœ“
Chapter 06 : The Captain's Little Secret βœ“
Chapter 07 : The Crime Scene βœ“
Chapter 08 : The Case 1 βœ“
Chapter 08.02 : A Silhouette
Chapter 08.03 : The Case
Chapter 09 : Naya Velasquez
Chapter 10 : A husband's death
Chapter 11 : A smile under a moonlight
Chapter 12 : Not a police officer who loves a chocolate βœ“
Chapter 13 : Attacked
Chapter 14 : The one that got away
Chapter 15 : A running cat
Chapter 16 : Silenced

Chapter 05 : Headless βœ“

167 10 2
By xzeckergreigh

Isa. . .

Dalawa. . .

Tatlo. . .

Isang malabo't impit na sigaw ang kumawala mula sa kan'yang labi na nabubusalan ng makapal na tela oras na ibinaong muli ng salarin ang kutsilyo sa kan'yang binti.

Apat...

Nangintab ang binunot nitong kutsilyo sa gitna ng madilim na silid oras na tumapat ito mula sa kaunting liwanag ng buwan na sumisilip sa bintana.

Lima...

Muli nitong ibinaon ang kutsilyo, binunot at ibinaon ng paulit-ulit—Binabasag ang katahimikan ng madilim na gabi.

Anim. . .

Pito...

Walang ekspresyong makikita sa matalim nitong mga mata at walang imik itong patuloy lamang sa ginagawa animo'y abala ito sa gawain kung kaya't maya't-maya ang nagiging pagpulsit ng sariwang dugo. Walang ibang iniisip, tanging ang pagbunot at pagbaon lamang ang s'yang kailangan gawin.

Walo. . .

S'yam...

"Hmmp...! Hmmp!" Nagpumiglas s'ya nang nagpumiglas habang patuloy sa pagbuhos ang masaganang luha mula sa kan'yang mga mata kahit alam n'yang napaka-imposibleng kumawala mula sa makakapal na lubid na tumatali sa kan'yang mga pulso't paa.

'Parang awa mo na! Tama na! Tama na!' iyon na iyon ang mga katagang nagsusumigaw sa kan'yang bibig na nabubusalan ng makapal na tela habang nakikiusap sa taong tila walang naririnig sa pagbabaon nito ng patalim. Wala s'yang magawa kun'di ang umiyak na lamang nang umiyak at sumigaw nang sumigaw sa likod ng tela't lubid sa kan'yang bibig hanggang sa manikip na ng labis ang kan'yang dibdib. Walang humpay rin sa pagbuhos ang kan'yang mga luha animo'y mga patak ito ng sirang gripo na tila bagang walang katapusan kung hindi titigil ang salarin. Maliban doon ay patuloy rin sa pagdaloy paibaba ng kan'yang leeg ang kan'yang mga laway na may halo nang dugo. Nagmumula ang mga dugo sa sugat na gawa ng lubid sa pagitan ng kan'yang itaas at ibabang labi.

Nakatali s'ya sa isang silya habang ang kan'yang mga paa'y mahigpit na magkadikit kaya't ramdam na ramdam n'ya ang kan'yang mga butong nagtatama rito habang pilit kumakawala.

Napapalahaw s'ya sa ginawa nitong pag-baon muli ng kusilyo at wala s'yang magawa kun'di ang umiyak lamang nang umiyak habang nag-pupumiglas. Pakiramdam n'ya mawawala na s'ya sa katinuan anumang sandali nang dahil sa sobrang lamig ng metal na bumabaon sa kan'yang mga binti. 'Parang awa mo na!' Pilit n'yang sinundan ang mga walang ekspresyon nitong mga mata, nagbabasakaling magkaroon ng awa ang mga iyon. Gayunpaman tila bagang hindi iyon umiiral sa taong kaharap n'ya ngayon dahil sandali lamang s'ya nitong pinagmasdan at inayos ang hibla ng kan'yang mga buhok na basa ng pawis at humaharang sa kan'yang mga mata. Inipit ito sa likod ng kan'yang mga tainga at hinaplos ang kan'yang buhok pagkunwa'y muling nagpatuloy sa pagbaon ng kusilyo...

Wala s'yang magawa kun'di ang mapakagat labi, umiyak habang tinitiis ang bawat pagbaon ng malamig na metal sa kan'yang kalamnan. Hindi. Hindi pa s'ya mawawala sa katinuan.

Isang malakas na paghampas ang s'yang nakapagpahinto sa kan'ya. Umalingawngaw ang nakabubulabog na ingay na iyon at sinundan ng kalabog animo'y isang silyang gawa sa kahoy ang inihampas sa isang tao. Pagkunwa'y kumalansing ang isang nahulog na kutsilyo sa tiles. Sa kan'yang pagmulat ay napapalahaw na lamang s'ya sa pag-iyak. Napakagulo na ng kan'yang isipan, mistulan itong porcelain na nagkandibasagbasag sa maliliit na piraso, hindi n'ya alam ang gagawin sa puntong napahagulgul na lamang s'ya nang masilayan ang pamilyar na lalaki.

"A-alvin...!" palahaw n'ya nang matanggal nito ang busal sa kan'yang bibig. Duguan man ang sentido nito dahil sa mga tinamo ring pinsala ay mahigpit na lamang s'ya nitong niyakap.

"Tahan na, tahan na..." Nanginginig ang mga kamay nitong inayos ang magulo n'yang buhok at mapag-along hinaplos ang kan'yang likod, 'di alintana ang duguan at sugatang pulso matapos puwersahin ang sariling kumawala mula sa mga lubid.

"Si-sino s'ya?! B-bakit n'ya 'to ginagawa sa atin?! Kilala mo ba s'ya?" sunod-sunod n'yang tanong habang nanginginig at tinatanggal ng lalaki ang mga tali sa kan'yang mga pulso kaya't sandali itong napalingon sa salaring ngayon ay nakabulagta na sa sahig, tila nawalan ng malay sa sobrang lakas ng natanggap na hampas.

"Hindi, hindi ko s'ya kilala. Ngayon ko lang s'ya nakita." sambit ng lalaki nang walang makitang pamilyar na pagkakakilanlan sa salarin. Isa lamang itong lalaki na nasa kan'yang late 20's ngunit napakaayos ng itsura nito sa puntong hindi mo aakalaing magagawa nitong manakit.

"Tingnan mong mabuti! Tingnan mo! Teka, yung mga pulis! Kailangan nating tumawag ng pulis! Nasa'n ang cellphone mo? Hindi ko makita ang akin." Napahagulgul s'ya. Hindi s'ya makapaniwala. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa kan'yang isipan ang ganitong pangyayari. They've just entered Alvin's room while they're making out like any other ordinary day. But the next thing she knew, someone hit her in the head, and then she was awakened by multiple stabs.

"Huwag na, halika na." Nanginginig ang mga palad at mabilis s'yang hinila paalis ng lalaki oras na matanggal ang mga tali sa kan'yang mga paa kung kaya't napaanod na lamang s'ya habang umiiyak. Pakiramdam nya'y naupos na ang kan'yang lakas at wala na s'yang enerhiya kun'di ang umiyak na lamang sa bawat hakbang ng kan'yang binting puno ng saksak. Napakabigat ng kan'yang mga paa, napakakirot at mistulang namanhid na. Pakiramdam n'ya babagsak s'ya anumang sandali, kun'di pa s'ya hinila at inalalayan ng lalaki ay siguradong nadapa na s'ya. Inilagay nito ang kan'yang mga braso sa balikat saka hinigit ang kan'yang baywang nang makitang matutumba na naman s'ya.

"Mariel..." Nagaalala nitong sambit nang makitang pipikit-pikit na s'ya saka humawak sa busol ng pinto. Gayunpaman, bago pa man ito maipihit ng lalaki ay nanlamig na lamang s'ya nang mapansing nanigas ito sa kinatatayuan.

"A-alvin?" sambit n'ya nang mapalingon rito. Tila binuhusan s'ya ng isang timbang malamig na tubig nang masaksihan ang pagsaboy ng sariwang dugo sa kaharap a pinto kasabay ng paglitaw ng dulo ng nangingintab na kutsilyo sa dibdib ni Alvin. Tumutulo pa ang malagkit at pulang likido mula rito kung kaya't tila robot na lamang napalingon sa kan'ya ang lalaki. Nang magkasalubong ang kanilang mga mata ay saka unti-unting bumaba ang tingin n'ya sa likod nito. Sa isang iglap ay tila tinakasan na lamang s'ya ng espirito sa nakita...

"A-alvin..." Pumiyok ang boses n'ya nang makita ang nakabaon na kutsilyo sa likod nito–sa tapat mismo ng puso ng lalaki at pagtuloy lamang na tumutulo ang sariwang dugo sa dulo ng patalim.

Wala sa sariling napaangat s'ya ng tingin sa lalaki. Napaubo ito ng dugo at mabigat ang paghingang napangiti kasabay ng pagtulo ng likido sa gilid ng labi nito. Wala sa sariling napabitaw s'ya sa lalaki nang mabitawan s'ya nito.

"A-Ayos lang... Ayos lang ako..." Natawa ito at nginitian s'ya kasabay no'n ang patuloy na pagbagsak ng sariwang ng dugo mula sa labi nito. Wari ay nagsasabing magiging maayos rin ang lahat. Gayunpaman ay nanlamig na lamang s'ya nang marinig ang mabilis na mga yapak galing mula sa kanilang likuran. Natuod s'ya, mistulang naging isang yelo sa gitna ng isang bagyo inuulan ng yelo.

"Ta-takbo..." mabigat ang hiningang sinapo ng lalaki ang kan'yang basang pisnge ngunit bago pa man nito matapos ang sinasabi ay nasaksihan na lamang n'ya ang pagbunot ng salarin sa kutsilyong nakabaon sa likod ni Alvin. Sa pag-pulsit ng dugo'y walang emosyong niyakap ng salarin ang leeg ni Alvin mula sa likuran. Humigpit ang yakap nito, itinaas ang ulo at pwersadong ibinaon ang hawak na kutsilyo sa leeg ni Alvin. Napapikit s'ya kasabay ng pasaboy ng sariwang dugo sa kan'yang mukha kung kaya't nahigit na lamang n'ya ang kan'yang hininga. Napakamaligamgam ng likido  at napakalapot pa.

Kumalabog ang katawang bumagsak sa sahig kung kaya't namalayan na lamang n'ya nang makitang inupuan na ng salarin si Alvin at paulit-ulit na ibinaon ang kutsilyo sa likod nito. Nagpumiglas si Alvin at gumapang palayo ngunit wala itong nagawa nang yumuko pa ang salarin at itinulak ang ulo ni Alvin sa sahig saka paulit-ulit na ibinaon ng marahas ang hawak na kutsilyo. Napakalutong ng bawat pagbunot na naririnig n'ya kasabay ng mga tilamsik ng dugong sumasaboy sa sahig. Gayunpaman nanatili lamang kalmado ang salarin sa ginagawa. Ang bawat baon nito at bunot sa hawak na patalim ay punong-puno ng kontroladong pagkamuhi, wari ay naipon ang mga iyon at ngayon lamang inilalabas. Hanggang sa pawisan na lamang ito at hingalin sa ginagawa. Ngunit nagpatuloy pa rin ito hanggang sa hindi na nga gumagalaw ang katawan ni Alvin...

Gumapang at nagkalat ang sariwang dugo sa sahig at umabot ito hanggang sa paa ni Mariel, subalit tila ba'y hindi pa rin nakuntento ang salarin. Hinawakan nito ang ulo ng wala nang buhay na si Alvin at paulit-ulit na ibinaon ang kutsilyo sa leeg ng walang buhay na lalaki, hanggang sa maputol na nga ito mula sa katawan, animo'y tinanggalan lamang nito ng ulo ang isang manika...

Sa puntong iyon ay walang lakas na lamang na napasalampak sa duguang sahig si Mariel, wari ay tuluyan nang inupos ang lahat ng kan'yang lakas. Panaginip lamang ito, panaginip lamang...

Panaginip.

Panaginip.

Nanlamig ang mga paa't mga kamay n'ya nang tumayo ang salarin habang hawak sa buhok ang putol na ulo.  Nanuyo ang kan'yang lalamunan nang lumaylay iyon at umikot pa't sumalubong sa kan'ya ang mga mulat na mga mata ng wala nang buhay na lalaki. Pakiramdam n'ya bigla s'yang tinakasan ng kaluluwa sa sobrang takot.

Parang robot s'yang nag-angat ng tingin sa salarin nang lingunin s'ya nito suot ang malamig nitong mga mata. Napapikit ang mga iyon nang punasan nito ang mga tilamsik ng dugo sa sariling mukha gamit ang likod ng sariling palad pagkunwa ay binawi nito ang tingin mula sa kan'ya at bumaling sa pinto.

'Sandali...'

Nais n'ya itong pigilin nang mga sandaling iyon ngunit tila bagang nanigas na lamang s'ya animo'y isang yelo sa kan'yang kinasasalampakan. Nanuyo ang kan'yang lalamunan animo'y may nakabara rito at maga-gasgas ito kung pipilitin n'yang magsalita.

Walang imik na tumalikod ang salarin. Walang ingay maliban sa mga yapak nito. Walang ekspresyong tinungo nito ang pintuan, dala ang ulo ng lalaki, nang walang sinasabi man lamang o ano, animo'y tila bagang walang nangyari ng madaling araw na iyon...

Continue Reading

You'll Also Like

379K 5.8K 102
Mga hugots na masasakit at mga ala pick up lines. Pero karamihan katarantaduhan. ヘ(οΏ£β–½οΏ£*)οΎ‰
Fluky By ye

Short Story

14.9K 886 76
❝Flex ko lang crush ko!❞ __________ StraykidsItzy β€’ s.rj x h.hj [Epistolary #4] ___________ Date Started: 190829 Date Ended: 200403
418 52 6
Marigold is a famous fantasy writer, and her last project is to write a mystery-thriller novel. It was her last wish to accomplish before she died. Y...
25.8M 641K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...