SEASONS of LOVE 1 The Series...

By quosmelito

30.6K 1.4K 85

Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers... More

Read
Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise
Episode 2 - My Boo
Episode 3 - His Highness
Episode 4 - Hello and Goodbye
Episode 5 - A Drunken Request
Episode 6 - Just Like In The Movies
Episode 7 - The Other Side
Episode 8 - Not All Darklords Tell A Joke
Episode 9 - Lucky Spoon
Episode 10 - Confused
Episode 11 - Morning Surprises
Episode 12 - Almost A Kiss
Episode 13 - A Lovely Villainess
Episode 14 - Sparks Fly
Episode 15 - Date
Episode 16 - What Happened?
Episode 18 - Magic Soup And Warm Cuddles
Episode 19 - I'm Here For you
Episode 20 - Giggles
Episode 21 - In The Name Of Love
Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak
Episode 23 - Sunset
Episode 24 - Beginnings and Endings
Epilogue - Stand By You

Episode 17 - Jealous Heart

1.1K 52 1
By quosmelito


*Haru*

•••


   "Here's your coffee, gents."

   Inilapag ng server ang in-order na kape ni Rain para sa aming dalawa. Mula pa kanina sa taxi ay wala kaming kibuan hanggang sa makarating kami rito sa coffee shop.

   Maraming naglalaro sa isip ko. Isa na roon ang sabihin sa kanyang kalimutan na lang namin ang nangyari. Siguro ay dala na rin ng matinding kahihiyang nararamdaman ko ngayon. Pero hindi ko iyon masabi-sabi.

   Ni hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Sa twing mag-aangat ako ng tingin ay nahuhuli niya ako at awtomatikong iiwas ang mga mata ko mula sa titig niya.

   Tumikhim siya nang makaalis ang waiter. Saglit akong sumulyap sa kanya at mabilis din akong nagbaba ng tingin sa tasa sa harap ko.

   Huminga ako nang malalim at nag-ipon ng lakas ng loob.

   "Tungkol kagabi.."

   "About last nig..."

   Panabay naming sabi. Alanganin akong ngumiti. "Sige mauna ka na."

   "No, it's okay, you go ahead first."

   Katahimikan.

   Bakit hindi ko masabi? Iyon ba talaga ang gusto ko? Bakit pakiramdam ko ay kabaligtaran niyon ang gusto kong mangyari?

   At kailangan ba talaga ay ngayon na kami mag-usap? Sabagay, kaysa magtagal pa. Mukhang lumiban na nga siya sa opisina nang dahil sa nangyari. Hindi pwedeng araw-araw ay may gumugulo rin sa isip niya. Makakaapekto iyon sa business niya.

   Kung magulo man ang isip niya tungkol doon.

   "Ah. Did, did I..." Itinuro niya ang sariling leeg.

   Saglit pa akong nag-isip kung ano ang ibig niyang sabihin bago ko napagtanto kung ano iyon.

   Awtomatikong nag-init ang pisngi ko nang maalala ko ang markang nasa leeg ko. Napapahiyang nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng hinimas ang ilalim ng panga ko upang takpan ang marka roon.

   Kaya pala nakakunot ang noo ng waiter kanina habang nakatingin sa akin at kinukuha ang order namin.

   "Kailangan mo pa talagang itanong?"

   "Sorry."

   Wow. Bago 'yon ah. Ngayon ko lang narinig sa kanya ang salitang iyon.

   Muli ay katahimikan ang namagitan sa amin. At laking pasalamat kong nang magsimula siyang magsalita bago pa maging mas awkward ang sitwasyon.

   "Since I was the one that invited you out to talk, ako na ang mauuna." Muli siyang tumikhim. Kitang kita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya at sa ilang saglit ay bumaha ang alaala nang nagdaang gabi.

   I kissed him. I kissed a guy and I liked it.

   Lihim akong umiling upang linawin ang nanlalabo kong isip. Kailangan kong mag-focus sa sasabihin niya.

   "Let's.. let's forget about what happened last night."

   Sa ilang saglit ay hindi ako nakapagsalita. Iyon din ang nais kong mangyari, pero bakit parang ang sakit ngayong narinig ko iyon mula sa kanya?

   "I mean, we were both drunk and.. not in control. So.."

   Ilang beses akong lumunok at nagpakawala ng pinakapekeng tawa.

   "O-oo naman. I-iyon nga rin sana ang sasabihin ko. Saka, w-wala namang n-nangyaring..." Pilit kong pinakaswal ang pagkibit ko ng balikat at ang pagngiti.

   Tumango-tango siya at tahimik na humigop ng kape.

   Litong-lito ako sa kung ano ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Gusto kong bawiin niya ang mga sinabi niya pati na rin ang mga sinabi ko.

   But I guess, mas mabuti na rin na ganoon na nga lang ang gawin namin.

   Tss. Sa umpisa pa lang naman ay alam kong nang walang kahahantungan ang anumang nararamdaman ko para sa kanya.

   Iyon nga lang, hindi ko maiwasang makaramdam ng kurot sa puso ko. Kahit ako ang nag-umpisa ng lahat, pakiramdam ko ay nagamit ako.

   Pero wala naman akong karapatang manumbat dahil ako ang may kasalanan.

   "Sorry."

   "For what?" Kunot-noong tanong niya.

   "S-sa... ahm, sa nagawa ko. H-hindi dapat kita h-hi... hindi dapat ako n-nagsimula ng kahit ano. K-kahit nasa impluwensya pa ako ng alak, h-hindi dapat kita h-hinalikan." Halos hindi ko marinig ang sarili kong tinig dahil sa hina niyon.

•••

*Rain*

   What is he talking about?

   I was the one who started it. I was the one who couldn't keep my thing inside my pants.

   "Haru, I think you got it wr---."

   "Ahm, kung wala na tayong pag-uusapan, aalis na 'ko. Hapon na rin naman. Kita na lang tayo bukas." Nakangiting putol niya sa sasabihin ko.

   Hindi ko na siya napigilan nang agad siyang tumayo at lumabas ng coffee shop.

   Dammit!

   Is this what I really want? Ang kalimutan na lang ang nangyari?

   I felt like an asshole right now.

   I took a deep breath and cleared my mind. It was better this way. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang isang pangakong alam kong hindi ko kayang tuparin.

   I can't just keep him by my side while my heart is still stuck in the past. I would be unfair to him.

   Right. I only did this for the both of us.

   Nag-iwan lang ako ng ilang perang papel sa mesa at nilisan na rin ang shop.

   Tomorrow is another day. And I hope everything will be the same.

•••

*Haru*

   Kinabukasan ay nagising ako na mabigat ang pakiramdam.

   Kung ano man ang nangyari ay wala na akong magagawa. Siguro ay mabuti na rin iyon. At least hindi nagalit sa akin si Rain dahil sa pagiging mapusok ko.

   Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti sa salamin.

   "Hindi mo naman kailangang palalain ang sitwasyon. Act casually, as if walang nangyari. Iyon naman ang gusto ni Rain, iyon din ang gusto ko." Kausap ko sa sarili ko. Iyon nga ba ang gusto ko?

   Umiling-iling ako at pilit iwinaksi ang isiping iyon. Gusto ko man o hindi, mas mabuti na ito.

   Alangan namang mag-demand ako ng isang bagay na alam kong hindi niya kayang ibigay? Isa pa, buo pa rin ang dangal ko. Iyon ang importante.

   Tama. Tumango tango ako at ngumiti.

   "'Ma, alis na po ako!" Isinukbit ko ang sling bag at kinipkip ang mga dyaryo.

   "Mag-iingat ka. At 'wag ka nang maglalasing. Baka.."

   "'Oo na, Ma! Ayan ka na naman. Alis na 'ko." Iiling-iling kong putol sa sasabihin niya saka ako nagmano matapos niyang ipunas ang kamay sa suot niyang palda.

   "O siya, sige na." Natatawa niyang tugon.

   Hindi ko na sinabi kay Mama ang napag-usapan namin ni Rain. Sa halip ang sinabi ko ay isinauli lang ni Rain ang cellphone ko at nag-ayang magkape. Sa madaling salita ay pinalabas kong hindi naalala ni Rain ang nangyari sa sobrang kalasingan. At kinumbinsi ko si Mama na ayos lang sa akin ang lahat at mas mabuti na iyon kaysa makaapekto pa iyon sa trabaho ko.

   At iyon nga ang gagawin ko. Ang ialis sa isip ko ang nangyari dahil hindi naman iyon malaking issue.

   'Yeah. Lokohin mong sarili mo.'

   Ngiti at tango ang ibinigay ko sa mga kapitbahay na binentahan ko ng dyaryo at sa bawat makasalubong ko. May mangilan ngilan ding nagtanong tungkol kay Mama at Mang Bert.

   At kung susumahin ko ay masasabi kong hindi naman masama ang mga opinyon nila. Ang iba nga ay biniro pa akong imbitahin sila sa kasalan, na sinuklian ko lang ng ngiti at pabirong 'sige ba.'

   Ngayon ko napatunayan na malayo man kami sa siyudad ay hindi naman nahuhuli ang kaisipan ng mga tao sa lugar namin. Bukas ang isip nila sa mga ganitong klaseng bagay. At masaya ako para kina Mama at Mang Bert. Sana lang ay magtuloy-tuloy ang maganda nilang nasimulan.

   Nang makarating ako sa lugar ni Rain ay saglit lang akong naghintay at lumabas na rin siya.

   Dahil sa bumabalot na katahimikan sa kotse ay naisipan kong magbukas ng radyo at ganoon na lang kabilis ang daliri ko na patayin iyon nang bumungad ang intro ng kantang Careless Whisper.

   'Salamat sa kung anong espirito ang naglalaro sa sitwasyon. Napagtagumpayan mong maging mas awkward ang byahe.' Naisaloob ko.

   Pagdating namin sa kumpanya ay sakto namang bumababa rin si Jake mula sa sarili niyang sasakyan. Ibang klase rin 'to, sa guard pa iniaasa ang pagpa-park ng kotse.

   Bumaba ako para ipagbukas sana ng pinto si Rain pero nauna na siya bumaba.

   Kahit wala sa panahon ay bahagya akong nakaramdam ng kirot. Ngayon ay hindi na niya kailangan ang tulong ko. Okay.

   "Hey, good morning, bro." Bati ni Jake kay Rain. "And... hello there, cutie, I haven't seen you in a while. Mas cute ka ngayon. Let's grab some coffee?"

   "Ahm, sig---." Hindi ko na naituloy ang sagot ko nang sumingit si Rain.

   "Come on, Jake, we got a lot to do. You can have one of your staffs fetch you a coffee. Let's go."

   "Tsss. Fine." Muling bumaling sa akin si Jake. "I'll take you out for lunch, cutie, okay?"

   "Okay." Alanganin kong tango. Wala naman sigurong masama. Saka hindi ako ganoon kalaking tao para magpakipot at magpaimportante.

   Pasimple kong sinulyapan si Rain at awtomatiko akong naglihis ng mga mata nang makita kong masama ang tingin niya sa akin.

   Anong problema niya? Wala ba akong karapatang sumabay kumain sa business partner niya? Dahil driver lang ako? Pfft.

   "Libre mo ha?" Nakangiting biro ko kay Jake na tila lalong ikinadilim ng mukha ni Rain.

   "Sure. Just compensate me with a kiss." Tinaas taas pa ni Jake ang dalawa niyang kilay.

   Nag-iinit ang pisngi kong binigyan siya ng mahinang suntok sa braso. God. Wala yatang kahihiyan ang isang ito.

   "Stop flirting. Come on." Iyon lang at tumalikod na si Rain.

   "I'm not kidding though." Pahabol ni Jake bago pumasok sa revolving door ng entrance.

   Muli ay nagpalipas ako ng oras sa parking lot sa pakikipagkwentuhan sa guard at paglalaro sa cellphone ko.

   Ni hindi ko namalayan na tanghali na. Ang pumukaw lang sa atensyon ko ay ang katok sa bintana ng kotse.

   "Ready?" Nakangiting bungad ni Jake.

   "Ha? Saan?"

   "Tsk. You already forgot? I'm hurt." Humawak pa siya sa dibdib at halatang pinalungkot lang ang mukha. "Lunch?"

   "Ah. Oo, tara."

   Hindi ko naman kasi alam na seryoso siyang makasabay ako sa pagkain.

   Hindi na kami lumayo at sa katabing restaurant na lang kami kumain.

   "What would you like to eat?"

   Pinasadahan ko ang menu at sinabi ang nagustuhan ko. Abot-kaya naman ang presyo niyon kaya pasok pa sa budget ko.

   Nang makuha ng waiter ang order namin ay agad na siyang umalis at nag-iwan ng dalawang basong tubig.

   "So, kumusta kayo ni Rain?"

   "Ha? Anong kumusta kami?" Takang tanong ko.

   "Nothing. I mean, mabuti ba siyang boss sa'yo?" Kibit-balikat niya.

   "Oo. Okay naman."

   "Hmm."

   "Bakit mo natanong?"

   "Wala naman. May pagkamasungit kasi 'yon sa mga empleyado niya eh. Kahit nga sa akin." Saka siya tumawa. "So I was just wondering kung gano'n din siya sayo."

   "Minsan. Siguro kapag pagod sa trabaho. Mabait din naman siya."

   "Really? Mabait? Si Rain?"

   "Oo. Bakit?"

   "Hmm. Tell me more about it."

   "Hindi ba ikaw ang kaibigan at business partner niya? Dapat kilala mo siya."

   "Well, I mean yeah, I know him. Curious lang ako kung bakit mo nasabing mabait siya. He doesn't get that a lot coming from his employees."

   "Anong ibig mong sabihin?"

   "Ilag sa kanya ang mga empleyado niya. But he's a fair employer. Wala akong masasabi sa kanya pagdating sa pagbibigay niya ng benefits sa staffs namin. It's just that, hindi siya nakikisalamuha sa kanila."

   "Bakit sinasabi mo sa akin ang mga bagay na 'yan?"

   "Nothing."

   Nagtataka ko siyang tinitigan.

   "Fine!" Nagtaas siya ng dalawang kamay at iiling iling na ngumiti. "All I'm saying is that, iba ang trato niya sayo kung nasasabi mong 'mabait' siya. That's it."

   Napaingos ako sa sinabi niya.

   "Hindi rin. Syempre, driver niya ako. Natural lang na iba ang trato niya sa akin. Kasi baka ibangga ko siya sa puno kapag lagi siyang nagsungit sa akin." Pabiro kong sagot na sinundan ko ng tawa.

   "Hmm."

   Iiling iling ko siyang nginitian. Nang dumating ang order namin ay agad na kaming nagsimula. Ngayon ko napagtanto na masarap naman palang kausap si Jake. Magaan lang.

   At hindi man lang siya nag-flirt kahit isang beses sa buong oras ng pananghalian namin. Masasabi kong mas friendly ang aura niya ngayon kumpara kaninang umaga.

   Napag-alaman ko rin na tuluyan na siyang lumipat sa tirahan ni Mrs. Cruz. At natutuwa ako sa kaalamang Mama's boy siya kahit hindi niya iyon diretsong sinabi.

   Hindi naman pala siya gaya ng una kong persepsiyon sa kanya na happy-go-lucky. Player siguro oo, pero sa sandaling nakakwentuhan ko siya, masasabi kong responsable naman siyang tao at may malalim na personalidad.

   Well, successful businessman siya, at hindi naman niya maaabot ang lugar niya ngayon kung iresponsable siyang tao.

   "It's my treat." Aniya nang akma akong dudukot sa pitaka ko para magbayad ng bill.

   "Thank you."

   "Tsk." Nakangiting kindat niya na ikinangiti ko.

   Lumipas ang nakakainip na maghapon sa pagitan ng pag-idlip ko sa loob ng sasakyan.

   Nang tumungtong ang uwian ay kasabay ni Rain si Jake na lumabas ng building. Agad akong bumaba at ipinagbukas si Rain ng pinto.

   Oo. Ginagawa ko pa rin ang dati kong ginagawa. Magmumukha kasi akong hindi pa nakakalimot kung bigla na lang akong magbabago at iibahin ang nakagawian.

   Sa ganitong paraan, mas madali naming magagampanan ang napagkasunduan naming paglimot sa nagdaang gabi. Act casually, 'ika nga.

   "So, tuloy ang dinner natin mamaya ah? Wear something casual, cutie."

   "Ha?"

   "See you tonight, love." Kumaway pa si Jake at sumakay ng kotse bago ko pa man maitanong kung ano bang pinagsasasabi niya.

   Wala naman kaming napag-usapang gano'n ah?

   "Don't stand there dumbfounded! Gusto ko nang umuwi."

   Bahagya akong napaigtad sa taas ng boses ni Rain mula sa loob ng kotse.

   "S-sorry." Bulong ko saka ako umikot sa driver's seat.

   Pfft. Hindi mo kailangang sumigaw. Gusto ko sanang isagot pero nanatili na lang akong walang kibo para hindi na humaba ang usapan.

   Seryoso, may dalaw ba siya ngayon?

   So, back to usual na naman kami. Konting galaw, bulyaw.

   Okay. Sabagay, mas mabuti na iyon kaysa naman awkward lagi ang atmosphere sa pagitan namin. Saka napagsanayan ko naman na ang ganito niyang ugali, kaya wala nang bago.

   Pagdating namin sa condo niya ay walang salitang bumaba siya ng sasakyan at dire-diretsong pumasok sa building.

   Napasunod na lang ako ng tingin sa kanya hanggang sa sumara ang sliding door ng entrance.

   Napapabuntong-hininga akong nagpatuloy pauwi.

•••

   Mailap ang antok sa akin. Ginawa ko na ang lahat. Ang project ng kambal, ang maggitara sa likod-bahay, maglaro sa cellphone. Pero wala, hindi pa rin ako inaantok.

   Hinintay ko rin si Jake pero walang Jake na dumating. Hindi naman sa umaasa ako, iba lang ang handa. Saka gusto ko rin sanang lumabas para maalis ang mga bagay bagay na nasa isip ko kahit sandali lang.

   Pero ayos lang, ano pa bang aasahan ko kay Jake? Parang si Rain din iyon. Mahirap basahin ang nasa iniisip.

   "Bakit gising ka pa?"

   "'Ma."

   Dumiretso si Mama sa kusina at pagbalik niya ay may dala na siyang isang basong tubig.

   "May palabas pa ba?" Tumabi siya sa akin sa sofa at uminom.

   "Talk show."

   Tumango-tango siya at nag-focus sa TV.

   Kumagat ako sa labi at tinimbang ang mga salitang gusto kong sabihin. I mean, nanay ko naman siya. Wala naman sigurong masama kung magbubukas ako sa kanya.

   "'Ma."

   "Hmm?"

   "Ahm. Noong.. unang beses ka bang na-in love, alam mong in love ka?"

   "Alam ko bang nagmamahal ako noong unang beses akong magmahal? Bakit mo naitanong?" Balik-tanong niya saka sumandal.

   "Wala lang, Ma. Iyon kasi iyong topic kanina sa TV." Pagpapalusot ko. Bigla akong nahiya at nagdalawang isip kung sasabihin ko ba sa kanya ang pinagdadaanan ko.

   Tinitigan ako ni Mama nang nakangiti. "Talaga? Baka naman in love ka? At gusto mong malaman kung in love ka nga?"

   Sapul.

   "Hindi, 'Ma. Naitanong ko lang."

   "Hmm. Anak kita, alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at kung kailan hindi."

   Napakamot ako sa likod ng tenga ko.

   "Pero sige, ganito 'yan. Sa buhay may tatlong pag-ibig na dumarating."

   "Tatlo?"

   "Hmm. Hindi ang tatlong lalaking dumating sa buhay ko ha?" Saka siya tumawa.

   "So ibig sabihin, may pag-asa si Mang Bert? Yieee, naks naman si Mama." Tukso ko sa kanya na umani ng mahinang batok mula sa kanya.

   "Hindi 'to tungkol sa akin, kaya 'wag mong ibaling sa akin ang usapan."

   "Okay, 'Ma. So, ano iyong tatlong pag-ibig na 'yon?"

   Ngumiti si Mama bago magsimula. "Sa buhay natin, umiibig tayo ng tatlong beses. Unang pag-ibig, ito iyong pag-ibig na madalas ay dumarating sa kabataan natin, kumbaga, young love. Magkakahiwalay kayo dahil sa mabababaw na dahilan. Sa pagtanda mo, magbabalik-tanaw ka at iisipin mong hindi iyon pag-ibig, pero ang totoo, pag-ibig iyon. Tandaan mo, may iba't ibang lalim ang pagmamahal."

   Napatango-tango ako at naalala ko ang naging crush ko noong medyo bata pa ako. Minahal ko kaya siya? Siguro.

   "Ang ikalawang pag-ibig naman, ito iyong mahirap na pag-ibig. Dito ka masasaktan. Dito ka rin matututo at mas magiging matatag. Ang pag-ibig na 'to ay may kasamang matinding sakit, kasinungalingan, pagtataksil, at drama.

   "Pero, sa pag-ibig na ito, dito tayo naggo-grow. Nare-realize natin kung ano ang mahal natin sa pagmamahal at kung ano ang hindi natin mahal sa pagmamahal. Malalaman mo rin dito ang kaibahan ng mabubuting tao sa hindi. At magiging mas maingat ka na sa mga susunod mong hakbang."

   Muli ay wala akong masabi kundi ang makinig lang. Bawat salita ni Mama ay dumidiretso sa puso ko.

   "Ikatlo at ang panghuli, this one comes blindly."

   "Wow, 'Ma. Marunong ka palang mag-English?"

   Muli ay binatukan ako ni Mama.

   "'Ma, nakakarami ka na."

   "Paano sa tingin mo ako nakikipag-communicate sa mga hapon noong nasa Japan pa ako? Hindi naman ako gaanong marunong mag-Nihongo."

   Hmm. 'Makes sense.

   "Gusto mo pa ba akong magpatuloy? Inaantok na ata ako." Saka siya nagpakawala ng pekeng hikab.

   "'Ma naman, sige ituloy mo lang. 'Di na 'ko sisingit."

   "Oh sige, 'yon nga. Ang ikatlong pag-ibig, ito yung pag-ibig na dumadating nang walang warning. Hindi mo hinanap ang pag-ibig na ito bagkus ay kusang dumating.

   "Maaaring bumuo ka ng pader para protektahan ang puso mo, pero maniwala ka sa akin, anak. Matitibag at matitibag iyon. Isang araw, mapagtatanto mo na lang na nag-aalala ka para sa taong iyon.

   "Siya iyong tao na hindi pasok sa standards mo gaya ng mga nagdaan mong crush, pero sa tuwing titingin ka sa mga mata niya ay mawawala ka sa sarili, lagi. Matatagpuan mo ang sarili mong perpekto sila sa mga mata mo dahil sa taglay nilang imperfections.

   "Sa kanya, wala kang itatagong kahit ano. Sa kanya mo gugustuhing magkapamilya. At pasasalamatan mo ang buong kalawakan na natagpuan mo ang isang katulad niya. Higit sa lahat, tunay na mahal mo siya."

   Sa ilang saglit ay nakatingin lang ako kay Mama. Ramdam na ramdam ko ang bawat salitang sinambit niya. Pakiramdam ko ay galing iyon sa puso niya dahil tagus-tagusan iyon sa puso ko.

   Niyakap ko si Mama habang nakangiti. "'Ma."

   "Hmm?"

   "Si Mang Bert ba ang ikatlong pag-ibig mo?"

   Mahinang tumawa si Mama at sa halip na sumagot ay tinapik-tapik ako sa likod. Sapat na iyong sagot para sa akin.

   "Pero."

   "Pero?" Humiwalay ako kay Mama at umayos nang upo.

   "Ang tatlong pag-ibig na iyon ay maaaring magmula sa tatlong magkakaibang tao, o dalawa, o kaya naman ay isa lang, iyong tinatawag na one great love."

   Napatango-tango ako.

   "Kaya naman, 'nak. Kung naguguluhan ka ngayon, ibig sabihin ay nagmamahal ka. Pero dahil unang beses mong makaramdam ng ganyan, nalilito ka pa."

   Muli ay napatango ako. Ano bang maililihim ko sa isang taong mas maraming karanasan kaysa sa akin? Kumbaga, bagito pa ako sa ganitong larangan, at batikan na si Mama.

   "Oh siya, ako eh matutulog na, ikaw, matulog ka na rin mayamaya. Huwag mong masyadong iniisip si Rain. Magiging okay rin kayo."

   "Ma. Hindi naman siya ang iniisip ko." Pagkakaila ko.

   "Anak kita." Tumayo siya at bahagyang itinirik ang mga mata. "Pati utot mo ay alam ko. At kung may kulay ang utot, siguradong pink ang sayo, anak."

   "'Ma!" Natatawa kong angal.

   Iiling-iling ko na lang na sinundan ng tanaw si Mama hanggang sa makapasok siya sa kanyang silid.

   "One great love." Bulong ko habang nakatitig sa TV.

•••

*Rain*

   D*mn! This is frustrating!

   Muli akong nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok iyon. Nang hindi ako makuntento ay tinungga ko na ang bote at sunod-sunod na nilagok ang laman niyon.

   It was two in the morning yet I couldn't sleep.

   Hindi ko man gustuhin ay pilit na naglalaro sa isip ko kung ano na ba ang ginagawa ng dalawang iyon ngayon.

   "F*ck!" Ibinato ko ang bote sa sahig pero hindi iyon nabasag. It was as if that bottle was mocking me for being so weak.

   So what if they were doing something?

   He was free to do as he pleased.

   I just couldn't get the idea of him being called by Jake, love, out of my head.

   Love? Ganoon ba siya kadaling napasagot ng kaibigan ko? That assh*le of a friend.

   Alam kong maling magalit o mainis man lang sa kaibigan ko kung maging malapit man siya kay Haru. They were both available. I just hate the fact that that little witch was so easy to let Jake in.

   "Tsss. Love? What a cliché endearment. Wala ba silang ibang maisip na tawagan?" Kausap ko sa baso sa harap ko.

   Sinulyapan ko ang phone na nakalapag sa counter top sa harap ko. Kanina pa ako nangangating i-dial ang number ng bansot na iyon. But what was I supposed to tell him? Nasaan ka? Kasama mo ba si Jake? Anong ginagawa niyo? Ginagawa niyo rin ba iyong ginawa natin?

   D*mn! I have no right.

   I sent him away, remember?

   Sumusuray akong lumapit sa shelf at dumampot ng isang bote ng brandy. Hindi na ako nag-abalang kumuha ng baso at diretso iyong tinungga.

   Sh*t. I shouldn't be feeling this way. No. No f*cking way!

   Pero bakit ganito? Bakit parang gusto ko silang sundan? Bakit gusto kong bugbugin ang magaling kong kaibigan? Bakit gusto kong magalit kay Haru dahil sa pakikipag-date niya kay Jake?

   Why?

   It was just a simple dinner. And I should not be reacting this way, but I was!

   Dammit!

   This was what I wanted, right?

   Ang talikuran ang nangyari sa amin.

   But why did I feel like regretting it now?

•••

*Haru*

   Naiidlip pa lang ako ay agad nang nagising ang diwa ko sa pagtunog ng phone ko. Kinapa ko iyon sa gilid ng unan at sinagot ang tawag.

   "Hello?"

   Saglit kong tiningnan ang screen para malaman kung sino ang tumatawag sa ganitong oras ng madaling araw.

   Si Rain?

   "Hello?" Muling sambit ko nang walang akong marinig mula sa kabilang linya. Hindi pa naman putol ang tawag. Pero bakit walang nagsasalita?

   "Rain? Hello?"

   Nakailang tawag pa ako pero hindi pa rin siya sumasagot. Hanggang sa maputol ang linya.

   Kunot-noo kong isinauli ang phone sa ilalim ng unan ko. Siguro ay napindot lang niya.

   Bumalik na ako sa pagtulog dahil maaga pa ako bukas. O mas tamang sabihing mamaya dahil alas-tres na ng madaling araw.

•••

   Napapahikab akong pumarada sa tapat ng condominium ni Rain. Kahit gusto kong umidlip ay pinigilan ko dahil tiyak na mayamaya lang ay narito na sa ibaba iyon.

   Pero lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa naging kalahati, at ngayon ay isang oras na ay hindi pa rin bumababa si Rain.

   Kunot-noo akong bumaba at nagtanong sa receptionist kung napansin niyang bumaba na si Rain.

   "Hindi pa naman, akyat ka na lang. Late na kayo." Nakangiti niyang sagot.

   "Salamat."

   Sumakay ako sa elevator at nang makarating ako sa unit ni Rain ay agad na akong nag-buzzer. Pero nakakailang pindot na ako ay hindi pa rin bumubukas ang pinto.

   Wala naman akong card para buksan iyon.

   Bumaba ako at nagtanong sa receptionist kung meron silang master key. Tumanggi ang manager sa request ko pero mabuti na lang ay kilala ako at si Rain ng isang receptionist kaya siya na ang sumama sa akin para buksan ang unit ni Rain.

   "Oh." Pasimpleng nagtakip ng ilong ang receptionist nang umalingasaw ang amoy ng alak mula sa unit ni Rain. "I think he's right.... there." Turo niya sa nakalawit na paa sa sofa. "Iwan na kita."

   "Thank you."

   Kindat lang ang isinagot niya at sumakay na ng elevator pababa.

   Isinara ko ang pinto at naghubad ng sapatos. Nagkalat ang lata ng beer at isang bote ng brandy. May nakita rin akong isa pang bote na nakakalat sa sahig sa kusina at amoy na amoy ang alak sa buong unit.

   "Rain." Niyugyog ko ang balikat niya pero wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya.

   Mukhang nasuka siya sa carpet dahil doon nanggagaling ang amoy ng alak.

   Tumungo ako sa balkonahe at binuksan ang sliding door. Binuksan ko rin ang exhaust sa kitchen para lumabas ang amoy ng alak.

   Tsss. Ano na naman ang sumapi sa kanya at naisipan na naman niyang maglasing?

   Hindi na naman siya makakapasok sa trabaho nang lagay na 'to.

   Tinawagan ko si Jake para ipaalam na hindi makakarating si Rain. Pero hindi ko na lang sinabi ang totoong dahilan.

   Kumuha ako ng malaking bowl at nag-init ng tubig. Hinaluan ko iyon ng malamig upang maging tama lang ang temperatura niyon at sinimulang punasan si Rain.

   Amoy alak din ang damit niya kaya naman maingat ko iyon hinubad at naghanap ng pamalit sa closet niya.

   Pagbalik ko sa salas ay nakaupo na siya habang nakapikit.

   "Rain, okay ka lang? Mahiga ka lang diyan."

   Tumingala siya sa akin sa namumungay na mga mata.

   "Tabi." Hinawi niya ako at tumayo. Pero dahil mabuway siya ay montik na siyang matumba.

   Mabuti na lang at naagapan ko siya.

   "Saan ka ba pupunta?"

   "Naiihi ako."

   Dumukot siya sa loob ng boxers at akmang ilalabas ang naroroon nang pigilan ko siya.

   "Huwag! Wala ka pa sa banyo. Halika." Ipinatong ko ang braso niya sa balikat ko at inakay siya sa banyo.

   Bibitawan ko na sana siya nang makarating kami roon pero mukhang anumang oras ay matutumba siya. Kasalanan ko pa kapag nabagok ang ulo niya.

   Iyong totoo? Hanggang madaling araw ba siya naglango sa alak? Parang ang fresh pa ng amoy ng alkohol sa kanya eh.

   Inalis niya ang kamay sa balikat ko at inalalayan ko naman siya sa beywang para manatiling diretso ang tindig niya.

   Tumingala ako nang muli siyang dumukot sa loob ng boxer shorts niya upang iiwas ang paningin ko.

   Hindi naglipat segundo nang maramdaman ko ang mainit na likido sa paa ko.

   "Shems!"

   "Shorry." Pabulol na bulong niya.

   Napapahiyang nagtakip ako ng mata nang hindi sinasadyang napatingin ako sa hawak niya nang yumuko ako. Sa dinami rami ng pwedeng ihian ay paa ko pa talaga.

   Pati yata ladlaran ng pantalon ko ay nabasa.

   Great. Nice one, Rain.

   Siguro ay nasa isang minuto ang itinagal namin sa banyo sa dami ng naipon niyang alkohol sa katawan.

   At pangako, hindi ko talaga gustong tingnan ang hawak niya pero kinailangan kong hawakan ang kamay niya upang  hindi siya magkalat sa sahig at tumama sa toilet bowl ang nainom niya.

   Wala naman akong balak na silipan siya pero kinailangan kong tumingin.

   Sorry, Rain.

   Sa wakas ay nakayari rin siya. Nang muli ko siyang maihiga sa sofa ay bumalik ako sa banyo para magtanggal ng pantalon. Buti na lang naisipan ko ring mag boxer shorts. At mas disente naman iyong tingnan kaysa sa mas maikling boxers ni Rain.

   Ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa katawan niya at diretso ko na siyang binihisan ng damit at sweat shorts.

   Sinimulan ko nang linisin ang buong unit. Inalis ko rin ang carpet at inilagay sa balkonahe. Tatawag na lang ako mamaya sa housekeeping para papalitan iyon.

   May isang oras din ang ginugol ko sa paglilinis at pagtatabi ng kalat. Wala ba siyang housekeeper? O kahit upahang maid? Well, mukhang wala. At mukhang hindi siya nagpapapasok ng ibang tao sa condo niya.

   Paano na ngayon?

   Nilingon ko si Rain at kumunot ang noo ko nang mapansin kong nakabaluktot siya at tila ginaw na ginaw.

   "Rain." Malumanay na tawag ko sa kanya. Nang hindi siya sumagot at nanatiling nakapikit ay niyugyog ko ang balikat niya.

   Shems. Ang init niya. Nilalagnat ba siya?

   Dinama ko ang leeg at pisngi niya at doon ko nakumpirmang inaapoy nga siya ng lagnat.

   "Rain. Tara, lumipat ka sa kwarto para mainitan ka." Napansin ko kasing may heater din sa kwarto niya. Siguro ay ginagamit niya iyon kapag malamig ang panahon.

   Umungol lang siya at hindi kumilos.

   Kinuha ko ang comforter sa kwarto niya at ibinalot siya roon. In-off ko rin ang aircon sa salas at muling nag init ng tubig.

   Binasa ko ang bimpo at itinapal iyon sa noo niya.

   Nangangatog pa rin siya sa lamig kaya kumuha ako ng medyas at isinuot iyon sa paa niya. Dinoblehan ko rin ng pajama ang shorts niya at sinuotan siya ng sweater saka muling ibinalot sa comforter.

   Maya't maya ay panay ang lagay ko ng thermometer na nakita ko sa med kit sa kusina, sa kili-kili niya.

   At laking pasalamat ko nang unti unti ay bumaba ang lagnat niya. Hindi ganoon kalaki ang ibinaba niyon. Pero at least, hindi na iyon gaanong mataas gaya kanina.

   Nagsalang ako ng soup at nang maluto iyon ay nagsalin ako sa itim na bowl at kumuha ng gamot.

   "Rain. Rain, bangon ka. Humigop ka ng sabaw para makainom ka ng gamot."

   Walang reaksyon mula sa kanya. Pero kailangan niyang uminom ng gamot para mas mabilis siyang guminhawa.

   "Rain."

   Sa wakas ay bahagya siyang nagdilat ng mga mata at saglit na inilibot iyon hanggang sa ma-focus sa akin.

   "Ginawan kita ng soup. Halika, tutulungan kitang maupo."

   Wala siyang angal nang alalayan ko siyang maupo. Gusto kong mapangiti dahil ang cute niyang tingnan na ulo lang ang nakalabas sa kumot, pero pinigilan ko. Hindi ito ang tamang oras para sa mga ganoong bagay.

   "Oh. Ngumanga ka. Ako na ang magsusubo sayo." Inilapit ko ang kutsara at hinigop naman niya ang sabaw roon.

   Ilang beses ko pa iyong ginawa at matiyaga siyang inasikaso.

   "Bakit nandito ka?" Nakasimangot niyang tanong habang nakatago ang labi sa comforter.

   "Ha?"

   "I don't need you. Doon ka na sa Jake mo."

   Sinimangutan ko siya at dinampot ang gamot sa mesa.

   "Pfft. Kung hindi ako dumating. Baka kung ano na ang nagyari sayo. Oh, inumin mo 'to."

   Saka anong ibig sabihin niyang doon na ako sa Jake ko?

   Nagseselos ba siya? Lihim kong kinastigo ang sarili ko. Syempre hindi. Gusto nga niyang kalimutan ang nangyari di ba?

   Tama.

   Nang makainom siya ng gamot ay inalalayan ko siyang lumipat sa kwarto niya.

   Lalabas na sana ako ng kwarto niya para ligpitin ang pinaggamitan niya nang hawakan niya ang kamay ko.

   "Pwede..."

   "Ha? Anong pwede?"

   "Pwede mo ba akong tabihan? Kahit saglit lang."

   Sino ba ang makaka-hindi sa namumungay niyang mga mata? At isa pa, ngayon lang siya nakisuyo sa akin.

   "Hanggang sa mawala lang ang ginaw ko." Dugtong pa niya.

   Tumango ako at maingat na sumampa sa kama.

   Isinantabi ko muna ang pagkaalangan dahil sa pagbaha ng alaala ng parehong kamang kinahihigaan namin at pilit iwinaksi ang mga alaalang iyon.

   Sumukob ako sa kumot at kasabay niyon ay ang pagpulupot ng kaliwang braso niya sa katawan ko.

   Hindi na ako nag-alinlangan na gumanti ng yakap upang mainitan ang katawan niyang patuloy sa panginginig.

   "Salamat." Bulong niya sa ulo ko.

   Nakangiti kong itinaas ang kumot hanggang sa leeg niya at muling ibinalik ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa katawan niya.

   Ito.

   Ito iyong sinasabi ni Mama na magigising ka na lang isang araw na nag-aalala para sa isang tao.

   At dito. Sa mga bisig niya. Dito ako nararapat.

   Kahit sandali lang.

   Kahit ilang saglit lang.

   Kahit ngayon lang.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

154K 5.8K 28
Covered By: Ate Daphne
224K 6.7K 40
Third book of One Look Second Generation.
204K 7.4K 37
Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa magaling sa lahat ng sport ay sobrang t...
409K 21.6K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.