Dayanne’s POV
From the moment he walked into my life, I never wanted him to leave. From the moment I talked to him, I knew he was what I'll need. From the moment he was mine, I knew I finally had my chance this time. I will not remember life without him. And I never want to. He will be my forever love
“I’m not perfect. Remember that, and try to forgive me when I fail you. Remember that you’re always in my heart. I won’t let go of you, no matter what. If you hide, I’ll seek for you. If you’re lost, I’ll search for you. If you leave, I’ll wait for you. If they try to take you away from me, I’ll fight for you. Because I never want to lose someone I love.”
Nahihiwagaan naman ako sa mga sinasabi niyang ‘to. Hindi naman ako mawawala sa kanya e. NAndito lang ako para sa kanya. Hindi ko rin siya hahayaang mawala sa akin. Ngayon pa at nakatanim na siya sa buhay ko.
“Whatever happens in the future, tandaan mo lang ang mga araw na pinagsamahan natin. Ang tawanan na pinagsaluhan natin ang mga moments na pinagdaanan natin at masayang napagtagumpayan.”
“Harry,” kumalas ako sa pagkakayakap niya. “I won’t leave you. No matter what happen.”
“Sana.. Sana forever na lang ganito. Ipagpapalit ko ang lahat, makasama ka lang. At kahit ganito na ako lagi, basta nandyan ka lang at kasama ko at mahal ako. If ever in the future, that I may not get to see you as often as I like, I may not get to hold you in my arms all through the night. Remember that.. deep in my heart, I truly know, you’re the one that I love and I will never let you go.” saka uli siya yumakap sa akin at naramdaman ko na lang na humalik siya sa ulo ko. Gumanti na lang din ako ng yakap sa kanya. Ang Emo niya yata ngayon.
“Harry..” kako.
Pero naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin, kaya hindi ko na lang inabalang alamin kung anuman ang gusto niyang sabihin. Baka bumabanat lang siya ng mga sweet talks. He’s really a sweet gentleman. Saka ang mahalaga rin, magkasama kami ngayon at masaya.
Hunter’s POV
“Sa Moon City tayo?” tanong ko sa kanya.
Napangiti siya saka tumango. Ang Moon City ay isang kilalang Amusement Park. Pumara ako ng taxi saka na rin mabilis na sumakay. Naramdaman kong humilig siya sa balikat ko, kaya napaakbay na rin ako sa kanya.
Lihim akong napabuga ng hangin. Kung pwede lang sana, ganito na lang kami forever. Pwede bang maging Harry Parks na lang ako forever? I want to be with her—forever. Kung ito lang ang paraan para makasama siya habang-buhay, hinihiling kung maging ganito na forever.
I don’t care about anything at all, mawala man ang lahat ng meron ako, dahil siya lang kumpleto na ako. Yes, I love my family and friends, pero kaya naman nila ang sarili na at kaya naman na nilang mabuhay ng wala ako—but I can’t live without her anymore.
After 40 minutes with traffic na, ay nakarating na din kami sa Moon City. Nakangiting humarap sa akin si Dayanne.
“Ride all you can tayo.” Sabi niya.
“Sure.” Kako.
This is my happiness—ang makita siyang masaya. ^_^ Sinakyan namin lahat ng EXTREME RIDES: Viking Ship, Surf Dance, Jungle Splash, Star Flyer, and Star Frisbee. Tapos nag-Land of the Giants pa kami, Peter Pan, Time Tunnel, Pirate Adventure, Dungeon, and Gabi ng Lagim. Nakakatuwa nga kasi ang lakas pala ng loob niya. Ako nga halos masuka na dahil sa mga nakakahilong rides, pero siya game na game pa rin, dinaig pa ako. Ang astig ng Girlfriend ko! ^_^ Nag-snow world nga rin kami e, kumakanta pa nga siya ng ‘Let it go’ kasi feeling niya siya si Queen Elsa, natawa na lang ako. ^_^
Tumigil muna kami sa pagsa-rides at naupo sa isang Bench, nakakapagod ding tumawa ng tumawa. Nakakagutom.
“What do you wanna eat?” tanong ko sa kanya.
Nakangiting humarap siya sa akin. “Cotton candy.” Sabi niya. Ang cute, parang bata. ^_^ Pero bago ako pa man ako tumayo ay nayakap ko na uli siya. Parang ginawa ko na yatang hobby ang pagyakap sa kanya. It feel so great kasi.
“Quotang-quota ka na sa yakap ha.” She chuckled.
Napangiti din ako. “Pwede bang iuwi na lang kita sa bahay ko?” biro ko.
Kumalas siya sa pagkakayap sa akin, saka magaang hinampas ang braso ko. “Gusto mo bang ipadala ako ni Mama sa ibang planeta dahil sa binabalak mong ‘yan?” natatawang sabi niya.
Wala pa kasi kami sa tamang edad para gawin ang mga bagay na tulad ng pagpapakasal, minor pa lang naman kami. Pero ngayong taon mag-18 na ako, ‘yon nga lang siya sa susunod na taon pa.
Napangiti ako, saka uli ako napayakap sa kanya. “Okay hindi na.” natatawang sabi ko. “Pero Dayanne..”
“Hmm?”
“I want to be with you forever so that I can love you in a way that no one else can and care for you in a manner that only I would. But they said forever isn’t true. Can we prove them wrong by working on forever, just me and you?”
Naramdaman ko siyang tumango. Kumalas ako saglit sa kanya, nakatitig siya sa akin. Pinigil kong huwag mapatingin sa mapupulang mga labi niya, para hindi ako ma-tempt na i-kiss siya, but I guessed it was all to late dahil na-claim ko na ang lips niya. She close her eyes at napapikit na din ako.
I know, she has the sweetest and softest lips in the world, kahit siya lang ang babaeng nahalikan ko. No one compares to her. Siguro nga, tuluyan na niyang nabura ang lahat ng panget na imahe ng mga babaeng tumatatak sa isipan ko. Na hindi lahat ng babae katulad ng fiancée ng Tito ko, na hindi lahat ng babae nananakit lang tulad ng first love ko. At tinulungan niya akong kalimutan lahat ng mga ‘yon, ang inis na nararamdaman ko sa mga magulang ko dahil sa matagal nilang pagpapabaya sa akin at patawarin ang lahat lalo na ang sarili ko.
Love is indeed great!
“MANONG, pabili po niyang kulay pink and violet na cotton candy.” Kako sa lalakeng nagtitinda ng cotton candy.
“Para ba ito sa inyo ng girlfriend mo?” sabi ni Manong, habang inihahanda ang binibili ko.
Napangiti ako, saka tumango. “Opo.”
“Hmm.. bagay kayo ha.” Nakangiting sabi niya, saka siya tumingin kay Dayanne na noon ay nakaupo sa bench kung saan ko siya iniwan na hindi naman gano’ng kalayuan.
“Salamat po.” Kako.
Tumango si Manong saka napangiti sa akin. “Tuluyan ka na ngang nagbago.”
“Po?” kako. Hindi ko kasi gano’ng napakinggan ang sinabi ni MAnong, di ko sure kung ‘yon yong sinabi niya.
“Heto na..” sabay abot sa akin no’ng cotton candy. Inabot ko na din ‘yong pera, saka nagpasalamat sa rito.
Tumalikod na ako at akmang maglalakad na ng magsalita uli si MAnong.
“Paano kung bumalik ka na sa dating ikaw—ngayon ?”
Mabilis akong napalingon sa kanya, dahil nawewerduhan na ako—pero sa aking gulat, bigla na lang nawala si Manong na parang bula at naiwan na lang ang cotton candy stall niya. Nagpalinga-linga ako sa paligid, pero hindi ko na siya makita. Nasaan na siya? Ang bilis naman niyang naglaho. Weird. Nanindig tuloy ang mga balahibo ko.
Mabilis na nga rin akong naglakad palayo sa lugar na ‘yon. Baka mamaya maligno pala ‘yon, nakakagimbal naman. Habang naglalakad ako pabalik sa kinaroonan ni Dayanne ay napapatingin ang mga tao na nakakasabay kong maglakad at nakakasalubong ko.
Nagulat nga ako ng may narinig akong magtilian sa likuran ko. May magnanakaw? Pero wala kasi nakatingin lang pala sila sa akin. Teka, huwag nila akong pagbintangan na magnanakaw kasi hindi ako magnanagaw—I’m just a man who’s inlove—
“Ang guwapo mo naman!” nakangiting sabi ng isang babae na bigla na lang lumapit sa akin.
May humarang pa nga sa daraanan ko. “Anong name mo?” tanong niya.
“Lagi ka ba dito sa Moon City?” –girl 3.
Hanggang sa magkumpulan na ang lahat ng mga babae sa paligid ko. Hindi na tuloy ako makakilos para makaalis sa kinaroroonan ko. Kinorner na kasi ako. Anong nangyayari?
“Ah excuse me, dadaan sana ako.” kako.
Pero hindi sila umalis at nanatili lang silang naroon sa kinaroroonan nila. Ang weird na talaga ng mga nangyayari sa paligid ko. Una si MAnong na bigla na lang naglaho, tapos ang mga babaeng ito na umaakto ng napaka-weird. What’s happening? May lumalaganap bang ka-werduhan dito sa Moon City?
“Ano muna name mo?” –girl 4.
“Ilang taon ka na?” –girl5.
“Anong FB, twitter and IG accounts mo?” –girl 6.
Napapakamot ako sa ulo ko. Ano bang pinagsasabi nila? Seryoso ba silang ako—na si Harry ang tinatanong nila ng mga gano’n?
“Ah, wala akong mga ganyang accounts.” Sagot ko sa huling nagtanong sa akin. “I’m Harry at 17 years old na ako.” kako.
“Wow! Ang bata mo pa pala, I’m older than you, pero age doesn’t matter naman.” –girl 7.
“Ah okay.” Nagtatakang sabi ko na lang. “Ah padaan naman..” kako. Nakangiting humawi naman sila, para may madaanan ako.
Saka ako nagsimulang maglakad, sumasabay na lang din sila. Binilisan kong maglakad at gano’n din ang ginawa nila. Sinubukan ko ding tumakbo at gano’n rin ang ginawa nila. Napapailing na langa ko.
Hanggang sa magsimula ng pumatak ang ulan hanggang sa papalakas na ito ng papalakas. Napilitan tuloy silang tumigil sa pagsunod sa akin para sumilong, dahil ako nagpatuloy pa rin sa pagtakbo—baka kasi umalis na si Dayanne sa bench kung saan ko siya iniwan kanina, lowbat pa naman ang phone ko.
Nabasa ba din tuloy itong dala-dala kong cotton candy. Wala na. Kaya itinapon ko na lang sa basurahan. Saka nagpatuloy sa pagtakbo para puntahan si Dayanne, malamang sumilong na rin siya sa kung saan.
Tama ako, kasi wala na siya sa bench kung saan ko siya iniwan kanina. Basa na ako. NAgpalinga-linga ako sa paligid, wala siya. Nasaan na kaya siya? Pagod na rin ako sa pagtakbo-takbo. Argh! Lowbatt pa naman ako, hindi ko siya matawagan.
Sumilong na muna ako saglit sa isa sa mga stall doon. Habang napapalinga pa rin sa paligid.
“Nasaan ka na Dayanne?”
“Ang guwapo mo naman!” nagulat ako ng tumili ‘yong tinder sa stall na pinuntahan ko.
Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko. Saka ko itinuro ang sarili ko. “Ako po ba?” nagtatakang tanong ko.
“Ang humble pa!” tili pa niya.
Nawewerduhan na talaga ako. “Hindi po ako guwapo..” kako. Hindi ako humble, hindi lang talaga kasi ako guwapo.
“Hunter Park!”
Napalingon ako agad sa tumawag sa pangalan ko. Mga grupo ng mga babae. Pero hindi ko sila kilala—teka, Hunter Park? Sino ako? Ah oo, ako nga si Hunter Park, pero sa ngayon, ako kasi si Harry Parks.
NAkapayong ang mga babae, at mabilis ding lumapit ang mga ito sa akin.
“What are you doing here?” sabi nong babaeng makapal ang makeup.
“I’m here with my—”
“With the other We the Gentlemen?” tili ng babaeng kasama nito na may maikling skirt.
Saka sila mabilis na nagpalinga sa paligid, hinahanap ang mga kaibigan ko.
“Nasaan sila?” tanong nilang lima.
“Ha? Hindi ko sila kasama. Kasama ko ang—”
“Basang-basa ka! Baka magkasakit ka niyan.” Sabi no’ng may makapal ang makeup, saka ako mabilis na pinunasan ng panyo na inilabas nito sa pouch nito.
Mabilis ko naman siyang inawat. “Salamat. Ako na.” kako. Saka ko pinunas ang sarili ko. “Papalitan ko na lang ‘tong panyo mo—”
Nagulat ako ng bigla na lang nitong hinila ang panyo sa akin. “Hindi mo na kailangang palitan, okay lang na ganito na to.” Nakangiting sabi pa niya.
Napapailing na lang ako. Teka nga, tinawag pala nila akong Hunter—nanlaki ang mga mata ko, dahil bigla kong napagtanto ang lahat ng kawerduhang nangyayari sa paligid ko. Hindi kaya.. Huwag naman sana.. Bigla akong kinabahan.. No! It can’t be, sana huwag pa. NO!
Napalingon ako sa glassdoor na may kalapitan sa kinaroroonan ko. At lumaki talaga ang mga mata ko sa biglang nakita ko—ako na uli si—Hunter Park!!!! Bumalik na ang dating ako!
Kinurot ko ang sarili ko—ako na nga ito. My God! Napalunok ako ng mariin. Dapat tumalon na ako sa tuwa kasi nga bumalik na ako sa dating ako, pero bakit hindi ko magawang ngumiti?
“Si Dayanne..” Ano ng mangyayari sa amin ni Dayanne ngayon? No! Give me more time..
Nagpalinga ako sa paligid.. Saka ako nagtatakbo para hanapin ito.. Alam ko, alam kong siya ‘yon—ang lalaki kanina—ang lalaki ring sumumpa sa akin.
“Tuluyan ka na ngang nagbago.”
“Paano kung bumalik ka na sa dating ikaw—ngayon ?”
‘Tong mga salitang ‘to ang narinig kong sinabi ng lalaking ‘yon. Alam ko, ramdam ko na siya ‘yon. Siya nga ‘yon! I need to find him. Kailangan ko siyang pakiusapan na kahit ngayon araw lang na ‘to na pagbigyan niya akong maging Harry, ayokong iwanan sa ganitong lugar si Dayanne. Arrrgh! Ang daming gumugulo sa isipan ko. Sumasakit ang ulo ko.
Sa paghahanap ko kay Manong ay si Dayanne naman ang nakita ko na nakasilong sa isang coffee shop at mukhang may idina-dial sa phone niya, baka kinokontak ako. Pero sorry, kasi lowbatt ako.
PAano ko siya lalapitan? PAano ko sasabihin sa kanyang si Harry at Hunter ay iisa? GAlit siya sa akin este kay Hunter, at mahal niya si Harry, pero ang dalawang ‘yon ay iisa lang naman. Ano na ang gagawin ko?
Baka kapag nakita niya akong lumapit sa kanya, sa anyong ito, baka sungitan niya lang ako at palayasin? Aaah, tatawagan ko na lang siya para di niya isiping iniwan ko na siya, mag-iilang minuto na kasing nawawala ako.. Argh! Lowbatt nga kasi ako.. Bakit kasi ngayon pa!
Sumilong muna ako sa isang Stall na malapit sa coffee shop na kung saan siya naroon. Muntik ko ng ibato phone na hawak ko sa inis, pero buti at nako-control ko pa ang sarili ko. Chillax Harry, este Hunter, walang nagagawa ang init ng ulo.
“Lowbatt? Make use of my phone.” Alok ng isang nakangiting babae sa akin.
“Salamat.” Kako, saka ko mabilis na idinial ang number ni Dayanne, buti na lang at kabisado ko.
“Nasaan ka na ba? Ang tagal mo.” Sabi niya, mukhang naiinip na.
“Dayanne, just wait for me wherever you are, okay?” kako. “I’m sorry, malakas kasi ang ulan.” Kako. Saka ko kunwari tinanong kung nasaan siya, kahit nakikita ko naman siya. KApagdaka ay ibinaba na rin na niya ang tawag.
“Salamat.” Kako uli sa babae. May maganda rin naman palang maidudulot ang pagigin Hunter. ^_^
“Can I save this number?” nakangiting sabi ng babae.
Umiling ako saka ngumiti. “That was my girlfriend’s number.” Kako. Saka na rin naglakad palayo sa babae, nakita ko pa siyang sumimangot bago ako umalis.
Mag-gagabi na din. For sure gutom na siya. Hindi naman ako forever na magtatago na lang dito as Hunter Park. Okay. Huminga ako ng malalim, nang mapag-desisyonan kung ipagtapat na lang din sa kanya ang lahat, tutal malalaman lang din naman niya soon e..
Naglakad na ako papunta sa kanya, maraming nagtitiliang mga babae sa daraanan ko, may mga kumukuha ng mga pictures ko, pero hindi man lang ako sulyapan ni Dayanne. Gano’n ba talaga niya ako kamahal—bilang Harry, kasi loyal lang siya sa akin, kahit may guwapong lakaki sa paligid niya? ^_^
Nasa harapan na niya ako, nakatayo. Pero hindi ko pa rin maagaw ang atensyon niya na nakatingin sa phone niya. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na tawagin siya.
“Dayanne!” kako.
Mabilis din naman siyang nag-angat ng tingin sa akin.
“Harry!” sabi niya, kasi nga magkaboses kami ni Harry. Pero ang nakangiting mukha niya ay unti-unting nabago at napalitan ng pagkunot ng noo. “Anong ginagawa mo dito?” masungit na tanong niya sa akin.
Ouch! My heart is breaking! Ayoko ng sinusungitan ni Dayannne, palibhasa nasanay na akong lagi siyang sweet sa akin—paano ba naman kasi, ako na uli si Hunter Park—ang mortal enemy niya—ayon sa kanya. *Sighs* Kailangan ko bang magpakasama uli para bumalik ako sa pagiging cursed Hunter na si Harry?
**
Inspired po ako sa napanuod at dloaded songs ng WTG <3