SEASONS of LOVE 1 The Series...

By quosmelito

30.6K 1.4K 85

Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers... More

Read
Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise
Episode 2 - My Boo
Episode 3 - His Highness
Episode 4 - Hello and Goodbye
Episode 5 - A Drunken Request
Episode 6 - Just Like In The Movies
Episode 7 - The Other Side
Episode 8 - Not All Darklords Tell A Joke
Episode 9 - Lucky Spoon
Episode 10 - Confused
Episode 11 - Morning Surprises
Episode 12 - Almost A Kiss
Episode 13 - A Lovely Villainess
Episode 14 - Sparks Fly
Episode 15 - Date
Episode 17 - Jealous Heart
Episode 18 - Magic Soup And Warm Cuddles
Episode 19 - I'm Here For you
Episode 20 - Giggles
Episode 21 - In The Name Of Love
Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak
Episode 23 - Sunset
Episode 24 - Beginnings and Endings
Epilogue - Stand By You

Episode 16 - What Happened?

1K 52 2
By quosmelito

*Haru*

•••

  
   Matapos kong kumanta at maggitara ay marami ang taong naglagay ng barya sa balanggot na nakalapag sa semento. At ikinatuwa iyon ni Anton, ang lalaking hiniraman ko ng gitara.

   "Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ko kay Rain nang bumalik ako sa pwesto namin.

   Nagkibit-balikat lang siya bilang sagot. Sapat na sa akin iyon para lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.

   "Tara, bumili tayo ng pagkain, marami nang nagtitinda kapag ganitong oras."

   Tumayo si Rain at nagpagpag ng pantalon. Gusto ko sanang humawak sa kamay niya. Ang kaso ay hindi ko iyon pwedeng gawin kaya nakuntento na lang akong maglakad sa tabi niya.

   By this time ay tuluyan nang lumubog ang araw. Pero maliwanag pa rin ang paligid dahil na rin sa mga ilaw ng stalls na nakahilera sa daan at sumisilip na rin ang bilog na buwan sa bandang Silangan.

   "Anong gusto mong kainin?" Tanong ko kay Rain habang iniisa-isa kong tingnan ang bawat stall na nadadaanan namin.

   Isang mahabang hilera iyon ng stands na puro pagkain ang ino-offer. Ang iba ay makeshift na booth kung saan pwedeng uminom ng alak.

   "Ah, gusto ko ng may sabaw."

   "Hmm. May sabaw. Okay. Doon." Turo ko sa isang booth na may umuusok na dalawang malaking kaldero. "Tara! Masarap ang noodle soup nila. Madalas kami rito dati ni Ethan. Lagi naming inoorder ay chicken noodle soup. Sigurado magugustuhan mo rin iyon." Patuloy ko habang palapit kami sa booth.

   "Who's Ethan?"

   "Ah, bestfriend ko. Nasa America siya ngayon kaya hindi na kami nakakapunta rito."

   Tumango-tango lang siya habang nakapamulsa ang isang kamay.

   "Anyeong!"

   "Anyeong!" Ganting-bati ko kay Seo-jin. Ang butihing may-ari ng booth.

   "Korean siya?" Mahinang tanong ni Rain.

   Nakangiti akong tumango. "Pero marunong siyang mag-Tagalog. Matagal na rin siya rito kasama ng asawa niya."

   "Ano order mo, Haru?"

   "Ah, dalawang chicken noodle soup, isang bibimbap, dalawang tteokbokki, saka," bumaling ako kay Rain. "Gusto mo ba ng soju?"

   "You're the one that drives."

   "Okay. Saka dalawang soju, Ajumni."

   "Sige, upo na kayo."

   "Kamsahamnida, Ajumni. Tara." Iginiya ko si Rain sa bakanteng foldable table na pang-dalawahan.

   "Ajumni? What does that mean? And why are you drinking?" Kunot-noong tanong niya nang makaupo kami.

   "Hindi masamang ngumiti, you know."

   "Whatever. Just answer me."

   "Ajumni ang tawag sa mas nakakatandang babae sa Korea. Auntie ang katumbas n'yon. Kumbaga, polite na pagtawag. Parang dito sa atin, tinatawag nating ate kahit hindi natin kilala, paggalang. At, gusto ko ng soju. Hindi naman ako malalasing sa isa kaya makakauwi pa tayo nang ligtas." Mahaba kong paliwanag habang nakangiti.

   "Japanese ka, yet you know things about Koreans."

   "Hmm. Iyon lang naman ang alam ko. Saka kay Ethan ko lang iyon natutunan."

   "You keep on mentioning this Ethan guy. Do you like him?"

   "Si Ethan? Oo, gusto ko siya bilang kaibigan." Natatawa kong sagot.

   Ano na naman ang nakasapi kay Rain at nagtatanong siya ng mga ganoong bagay? Bago ko pa man maitanong ay dumating na ang order namin at isa isa iyong inilapag ni Seo-jin.

   "Kumawoyo."

   Pinagkiskis ko ang mga palad ko saka dinampot ang sandok para sa soup.

   "Kain na." Masigla kong sabi saka nagsimulang kumain. "Tamang tama, lumalamig na ang paligid." Tukoy ko sa umuusok na soup.

   Hindi ko napigilang mapaungol nang sumayad ang mainit na sabaw sa labi ko na gumuhit hanggang lalamunan. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip isama rito si Rain?

   Pasimple ko siyang minasdan habang kumakain. "Masarap di ba?" Tanong ko habang hinahalo ang bibimbap.

   "Just eat. Ang daldal mo."

   "Pfft."

   Hindi pahuhuli ang lasa ng bibimbap, masarap din iyon at malasa.

   "Bakit isang bibimbap lang ang inorder mo?"

   "Ha? Ah, gusto mo ba, io-order kita, saglit." Tatayo sana ako nang agawin niya ang bowl at ilapit sa harap niya.

   "'Wag na, ayokong maghintay." Sagot lang niya saka sinimulang kainin ang laman ng itim na bowl.

   Kumunot ang noo ko nang hindi pa rin siya tumitigil sa pagkain niyon.

   "Hey, tirhan mo ako niyan."

   Nag-angat siya ng paningin habang ngumunguya saka ngumisi. "Nah. This is mine. And it goes well with the soup. Hmm." Tila nang iinggit pa niyang dagdag.

   "Tsss." Nanlalaki ang mga matang pinanood ko lang siya habang inuubos ang bibimbap.

   Nakasimangot akong nagpatuloy sa pagkain ng soup. Matagal pa namang ihanda ang bibimbap. Kaya kung oorder ako ay baka wala na akong gana at busog na.

   "Pfft. Gusto mo pala ng bibimbap, bakit hindi mo sinabi? Nang-agaw ka pa." Hindi ko napigilang sita. I mean, ang sarap naman kasi niyon.

   "It's your fault." Pabalewala niyang tugon na ikinaangat ng kilay ko.

   "At bakit naman?"

   "Dahil isa lang ang in-order mo. Dalawa tayo. So it's your fault."

   "Pfft." May point naman siya. Bakit nga ba kasi isa lang ang in-order ko?

   Hindi na ako nakipagtalo at nakuntento na lang sa soup. Mamaya ko na kakainin ang tteokbokki, masarap iyon sa soju.

   "Here."

   Nawala ang simangot sa mukha ko at napalitan iyon ng bahagyang pagkagulat nang maglagay siya ng dalawang piraso ng chicken sa mangkok ko mula sa soup niya. At gamit ang sandok na gamit niya!

   "I see that you like chicken. Nauna mo pang ubusin ang manok kaysa sa noodles d'yan sa soup mo." Paliwanag niya nang tapunan ko siya ng nagtatanong na tingin.

   Hindi ko alam kung ngingiti ako o tatalon, o pareho. I mean, basta.

   Hindi ko akalaing pinagmamasdan din pala niya ako habang kumakain. Kinagat ko na lang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang ngiting gustong kumawala mula roon.

   "And it's because you look like you're gonna cry over a bibimbap. It's not even that good." Dagdag pa niya.

   "Pfft. Not good? Eh naubos mo na nga! Saka hindi ako iiyak, hano!" Depensa ko sa pang-aakusa niya. Akala ko pa naman ay sweet siya. Tsss.

   "Yeah right."

   Hindi ko na lang siya pinansin at mabilis na inubos ang soup. Matapos niyon ay ang tteokbokki naman ang nilantakan ko habang iniinom ang soju.

   "So, natuloy ba kayong magsimba ng family mo?" Mayamaya ay pukaw niya sa akin.

   "Hmm." Tango ko bago tumungga sa bote. Bahagya akong nasamid nang magkamali ako ng lunok. "Bakit hindi ka sumama?"

   Nagkibit-balikat lang siya saka itinaas ang boteng walang laman. Agad naman lumapit ang helper ni Seo-jin na may bitbit na bagong bukas na soju. "Sabi ko nga, family day iyon."

   "Hmm. Eh, 'di sa Sunday magsimba tayo." Mabilis kong prisinta na agad kong binawi. "Kung gusto mo lang."

   Muli ay nagkibit lang siya ng balikat at tinungga ang bote. Kalahati agad niyon ang nabawas.

   "Dahan-dahan ka lang sa pag-inom. Nakakalasing din 'yan 'no. Hindi pa ako nakakaisa, ikaw nasa pangatlo na."

   "Yeah? Then it will be your fault again."

   "Tss. Ako? Bakit ako na naman?"

   "Because, you introduced me to this drink." Saka niya itinaas ang bote habang nakatukod ang siko sa mesa. "It's really good, you know."

   "Kung malalasing ka, kasalanan mo. Ako pa sisisihin mo." Mahinang sagot ko.

   "Yeah. Everything is your fault." Bulong niya sa mas mahinang boses na hindi nakarating sa pandinig ko.

   "Ha? Ano 'yon?"

   "Nothing."

   Mayamaya pa ay nakatapos na kami. Hindi na umulit si Rain pero nagpareserve pa siya ng sampung bote niyon at kasamang binayaran sa bill namin at dadaanan na lang namin mamaya.

   "Ipinapaalala ko lang. Monday bukas." Mayamaya ay sabi ko habang naglalakad lakad kami sa pathway ng park.

   Maliwanag naman ang daan dahil sa mga dilaw na lamp post na nakahilera sa isang gilid ng daan.

   "Ipinapaalala ko lang din, ako ang may-ari ng kumpanyang pinapasukan ko."

   "Okay." Kibit-balikat ko. "Tara, hanap tayo ng pwesto."

   Naupo kami sa plant box na nakapalibot sa maluwang na circle ng fountain at pinanood ang light works niyon. Napagdesisyunan naming mamahinga muna bago umuwi dahil mahirap magbyahe nang busog.

   Niyakap ko ang mga braso ko na nagsisimula nang lamigin dahil sa panggabing hangin. Isa pa ay malapit kami sa dagat kaya naman nakakadagdag iyon sa lamig ng dampi ng hangin.

   Marami rin ang magkakasintahan ang gaya namin ay nakaupo at nanonood lang sa paggalaw ng fountain na may iba't ibang kulay ng ilaw.

   "Why I never knew about this place?"

   Nilingon ko si Rain na bahagya ring nakahalukipkip. Siguro ay nilalamig din siya.

   "Siguro dahil lagi kang nakakulong sa kaharian mo." Hindi nag-iisip na komento ko.

   Nakataas ang kilay na nilingon niya ako. "Do I really look like a darklord to you?" Mayamaya ay tanong niya.

   Alanganin akong tumawa. "Medyo. Bakit kasi ang dalang mong ngumiti? I mean, tumingin ka sa paligid mo, makikita mo, maraming rason para ngumiti ka. Saka libre naman ang pagngiti."

   "Like what?"

   "Ahm." Luminga ako at minasdan ang paligid. "Marami, tingnan mo sila oh." Turo ko sa magkaparehang magkayakap. "See, kahit hindi na sila teenager, hindi sila nahihiyang ipakita kung gaano nila kamahal ang isa't isa."

   "At? Ano naman ang kangiti-ngiti ro'n?"

   Bumuntong-hininga ako sa aking ilong at umayos nang upo.

   "Meron. Iyong pag-iibigan nila. Kahit magkayakap lang sila, okay lang sa kanila. Nakita mo iyong mga ngiti nila? Ngiti iyon ng kakuntentuhan. Hindi mo ba nararamdaman?"

   Hindi siya sumagot at minasdan lang ang magkapareha na nakaupo sa 'di kalayuan.

   "Ang masisipag mong empleyado," patuloy ko. "Kumpanya mo, maganda mong buhay, mga tao sa paligid mo. Kailangan mo lang.. tumingin."

   Ako. Gusto ko sanang idugtong pero kahit minsan ay hindi naman siya ngumiti nang dahil sa akin.

   Katahimikan.

   Pareho lang kaming nakatingin sa nagsasayaw na tubig. Tahimik din ang paligid. Payapa gaya ng pakiramdam ko. Hindi man kami magkayakap gaya ng karamihan sa tao roon ay kuntento na ako.

   Masaya.

   Dahil ako ang tinawagan niya sa oras na nababagot siya. Okay na ako ro'n. Hindi ko naman hinihiling na higit pa sa companion ang maging role ko sa buhay niya. Pero kung iaadya ng pagkakataon na maging higit pa ro'n, bakit hindi?

   "What?"

   Natauhan ako nang pukawin niya ang atensyon ko. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. Partikular na sa gwapo niyang mukha.

   Napapahiya akong umiling at muling ibinalik ang atensyon ko sa harap. Mayamaya pa ay nagyaya na siyang umalis.

   Ang hindi ko inasahan ay ang pag-akbay niya sa akin habang nilalakad namin ang daan pabalik sa booth na kinainan namin kanina.

   Nag-iinit ang pisnging tumingala ako sa kanya.

   "I'm also cold kaya 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano." Hindi tumitinging sabi niya.

   Hindi ako kumibo at sa halip ay nagpakalunod sa masayang pakiramdam na bumabalot sa damdamin ko. Lihim ko ring nililingon ang kamay niya sa balikat ko. At ang init niyon ay tumutugon sa kaibuturan ng puso ko.

   Dalawang beses na akong nagising na katabi siya at kayakap. Pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag kusa siyang didikit sa akin at hindi iyong magigising na lang kaming magkayakap. Mas masarap sa pakiramdam.

   Hindi ko alam kung bakit, kung dala lang ba ng alak o lamig kaya niya ako inakbayan. Pero kahit ano pa man iyon, masaya pa rin ang epekto niyon sa akin.

   Sana nga lang ay hindi na kami makarating sa booth para mas magtagal ang mga sandaling ito. Pero hindi naman ganoon kalayo iyon kaya agad din naming narating.

   Nakaramdam ako ng panlalamig nang lisanin ng kamay niya ang balikat ko upang bitbitin ang binili niyang alak.

   Mayamaya pa ay nasa byahe na kami at hindi maalis alis ang lihim kong ngiti sa mga labi ko. Maghiwalay man kami ngayong gabi, at least may babaunin akong alaala pag-uwi ko.

   "Come with me, maaga pa naman." Aniya nang makarating kami sa condo niya.

   "Pero, baka gabihin ako." Totoo iyon. Gusto ko mang manatili sa tabi niya ay baka abutin na naman ako ng hating-gabi.

   Kahit may mga ilaw na ang poste sa savanna ay nakakatakot pa ring dumaan doon nang nag-iisa.

   "Kalahating oras lang. I just.. never mind, you can go." Tumalikod na siya bitbit ang nakasupot na alak.

   Napakagat-labi akong nasundan siya ng tingin. Siguro gusto lang niya ng kasama. Kalahating oras lang naman. Okay lang siguro iyon.

   "Sandali." Umagapay ako sa paglalakad niya at sa elevator ko na siya inabutan.

   "'Kala ko uuwi ka na?"

   "Ahm. Kalahating oras lang naman, 'di ba?"

•••

   Ang kalahating oras ay naging isang oras, dalawa at hindi ko na mabilang.

   Basta ang alam ko lang ay muli naming pinanood ang movie na White Chicks habang pinagsasaluhan ang alak at ang take-out na tteokbokki.

   Hindi ko alam kung dala lang ng alak pero aktwal kong nakikitang tumatawa si Rain. Tawa na nanggagaling sa puso. At ito ang unang beses na hindi ko nabakas ang masungit na Rain.

   "Buksan mo pa 'to." Namumungay ang mga matang itinuro niya ang dalawang natitirang bote ng soju habang tumatawa.

   "Kaya mo pa ba? M-may pasok pa tayo bukas." Maging ako ay nagiging doble na ang paningin. At gaya niya, pakiramdam ko ay nakakatawa ang lahat kahit hindi naman.

   "Ano ka ba? Do you think, matutuwa ang dalawang bote na 'yan kapag iniwan natin sila?"

   "Hindi." Inabot ko ang bote pero nasagi ko lang iyon at natumba, na pareho naming ikinatawa.

   "Lasheng ka na." Sadyang pabulol na komento ni Rain.

   Umiling ako at pilit na pinalinaw ang mga mata ko. "Hindi 'no. Kita mo, mabubuksan ko pa 'yan."

   "Ha-ha. Bulol ka na nga eh."

   Hindi ko pinansin ang sinabi niya at dinampot ang bote at pambukas. May ilang ilang segundo ko ring hindi maitama ang pambukas sa takip ng soju at nang mabuksan ko iyon...

   "Ha! 'Kita mo. 'Di pa 'ko lasing." Pagmamayabang ko sa kanya.

   "Akina." Agad niya iyong tinungga hanggang sa mangalahati.

   "Saglit. Naiihi ako."

   Dahan-dahan akong tumayo at tinungo ang banyo. Sa umiikot na mundo ay maayos naman akong nakarating. Huwag nang ibilang ang ilang beses na pagbangga ko sa pinto at dingding.

   Akala ko ay mababawasan ang pagkahilo ko pagkatapos kong magbawas pero pagbalik ko sa salas ay para na akong nakasakay sa roller coaster. Pabagsak akong naupo diretso sandal at pikit.

   Shems. Paano 'ko uuwi nito?

•••

*Rain*

   "Hey!" Niyugyog ko ang balikat ni Haru.

   Was he sleeping?

   D*mn. This kid is drunk. Naisaloob ko.

   I was, too. It felt like my world was spinning right now. And everything was in a blur.

   Ginaya ko ang posisyon ni Haru at pumikit din. I couldn't look at his face for too long. No. Magkakasala ako.

   But just after a moment, I found myself looming over him.

   His cheeks we so pink and moist and before I knew it, nakadikit na ang ilong at labi ko sa malambot niyang pisngi at nilalanghap ang matamis niyang amoy.

   It was like a drug, I couldn't get enough.

   Kusang umangat ang kaliwa kong kamay at dumapo iyon sa kabilang pisngi niya. He was so warm, and soft, and comforting.

   Sumisigaw ang isang bahagi ng isip ko na mali ang ginagawa ko, but I was no longer in control.

   Lalo na nang maramdaman ko ang pagpulupot ng mga kamay ni Haru sa batok ko.

   I moved away a little to look at his face. His hooded eyes were half open, they looked at me as if they were inviting me to dive in.

   Pero bago iyon ay nauna nang umangat ang mukha niya at sinalubong ang mga labi ko.

   So I did. I gave in.

   And there ignited a fire.

   It was like a small spec of fire that touched a dry leaf and grew as fast as the wind that blew it.

   Just like a wild fire in a barren forest. Walang makakaapula. Walang makakapigil hangga't hindi nagiging abo ang bawat puno, ang bawat tuyong dahon, ang lahat.

   My mind was telling me to stop. But my body was screaming the opposite. There was no turning back. No escaping.

   Then I lost all control.

•••

*Haru*

   Unti-unti akong nagmulat ng mga mata pero agad ko rin iyong ipinikit dahil parang tinutusok iyon ng maraming karayom dahil sa liwanag na nanggagaling sa kung saan.

   Shems. Ang sakit ng ulo. Para iyong binibiyak sa dalawa na nakapagdudulot ng pagkahilo.

   Muli sana akong magpapatangay sa antok nang maramdaman ko ang marahang pagpisil sa kanang pisngi ng pang-upo ko.

   Nakiramdam akong mabuti at hindi gumalaw. Unti-unti ay nagmulat akong muli ng mga mata at ang bumungad sa akin ay matipunong dibdib na may pinong balahibo.

   Nanigas ang buong katawan ko nang muli kong maramdaman ang pagpisil na sinundan ng marahang himas sa kabiyak ng pang-upo ko.

   Bakit pakiramdam ko, sa mismong balat ko nakahawak ang kamay? W-wala ba akong...

   Napapalunok ang tumingala ako at ganon na lang ang kabog ng dibdib ko nang mabungaran ko si Rain.

   Agad akong naupo at umusad palayo sa kanya. Kumilos siya at nakapikit na bumaling sa kabilang side patalikod sa akin.

   Napapahiya akong napatingala sa kisame nang bumalandra sa paningin ko ang maumbok niyang pang-upo.

   Syete. Wala siyang saplot?

   Lalong tumindi ang kabog ng puso ko nang masilip kong wala rin akong suot na kahit ano sa ilalim ng kumot.

   Sh*t!

   A-anong nangyari?

   May nangyari ba sa'min?

   Paano?

   Saglit kong pinakiramdaman ang katawan ko habang pilit kong inaalala ang nangyari kagabi.

   Wala naman akong maramdamang masakit partikular na sa ibabang bahagi ng likod ko.

   Okay wait. Kung may nangyari, kung lang, dapat masakit ang pang upo ko, tama?

   Well, fudge! Paano ko malalaman kung wala pa akong karanasan sa ganoong bagay?

   Shems. Pero ganoon naman iyon 'di ba?

   Muli kong pinakiramdaman ang sarili ko pero wala talaga akong maramdamang sakit. Kinapa ko rin ang pang-upo ko pero wala namang makirot o kahit anong hindi komportableng pakiramdam doon.

   Pwera na lang sa malagkit at medyo tuyong likido sa tiyan at dibdib ko.

   Oh no!

   Nakangiwi ko iyong hinawakan at dinala sa ilong ko.

   Sweet baby Jesus!

   Ibig bang sabihin, may nangyari sa amin pero walang nangyari sa amin? Napailing ako sa naisip ko. Ang gulo. Pero isa lang ang sigurado.

   Hindi tubig o alak o kung ano pa man ang nasa balat ko. Amoy iyon ng lalaki.

   Oh God no. Nasaan ba ang mga damit ko? Sh*t hindi ko kayang harapin si Rain. Help me.

   Dahan-dahan akong umalis sa kama at inilibot ang paningin ko.

   Nang makita ko ang underwear ko ay agad ko iyong isinuot. Nasaan ang pantalon at t-shirt ko?

   Maingat kong binuksan ang pinto at napapahiyang naglakad palabas na naka-briefs lang.

   Saglit kong sinuyod ang paligid at laking pasalamat ko nang matanawan ko ang magkakahiwalay kong damit sa sahig.

   Maging ang kasuotan ni Rain ay nasa iba't ibang panig ng salas.

   Hindi man ako komportable sa nanlalagkit kong tiyan ay isinuot ko na rin ang damit ko. Ang mahalaga ay makaalis ako rito nang hindi nagigising si Rain.

   Hindi na ako nag-abalang ayusin ang kalat at agad ko nang nilisan ang condo.

•••

   Sa halip na umuwi at isauli ang kotse ay dumiretso ako sa isang lugar na walang nagpupuntang tao.

   Isang maliit at tuyong dam iyon na may hanging bridge.

   Naupo ako sa tulay at inilawit ang mga paa ko sa gilid habang nakakapit ang dalawa kong kamay sa metal na lubid at nakasuot ang mukha ko sa pagitan niyon.

   "Shems! Anong nagawa ko?"

   Kung may makakakita sa akin ay aakalaing nababaliw ako sa pwesto ko. Pero wala namang nagpupunta rito kaya ayos lang.

   At hindi iyon ang problema ko ngayon.

   Paano pa ako haharap kay Rain? Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya lalo na ngayong naaalala ko ang ibang parte ng nagdaang gabi.

   Ako ang nagsimula. Ako ang yumakap. Ako ang unang humalik.

   Ako!

   "Ugh!" Binatukan ko ang sarili ko at laking pagsisisi ko nang lalo lang sumigid ang sakit ng ulo ko.

   Pero sigurado akong walang nangyari sa amin. I mean, may nangyari, pero wala.

   Lalo lang akong nahilo sa sobrang pag-iisip. Ano nang gagawin ko ngayon? Pati kay Mama ay nahihiya akong humarap. Paano kung mahalata niya?

   At nangangamoy pa ako! Shemay talaga.

   Kailangan ko munang tawagan si Mama. Hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kanya kagabi.

   Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa pero wala iyon. Dali-dali akong tumungo sa kotse at naghalughog pero wala rin doon.

   Hay! Kapag sinuswerte ka nga naman. Malamang ay naiwan ko iyon sa condo ni Rain kamamadali.

   Kailangan ko nang umuwi.

   Bahala na.

   Wala sa sariling isinauli ko ang kotse at ang susi kay Ada. Buti na lang at nakaalis na si Mrs. Monteclaro, hindi ko na kailangang mag-explain. Hindi na rin ako nagpaliwanag kay Ada. Iniabot ko lang basta ang susi at umalis na.

   Hindi ko na rin pinansin ang pahabol niyang tanong at nagmamadali akong sumakay sa bisikleta at nagpedal pauwi.

   Nang makarating ako sa bahay ay saglit muna akong nakiramdam. Mukhang wala si Mama dahil sarado ang pinto.

   Malamang ay ihinatid ang kambal sa eskwelahan.

   Good.

   Nag-aapura akong pumasok at naligo. Nagsabon ako nang mabuti at naghilod. Hindi ko naman pinandidirihan ang, alam niyo na, ang katas ng nagdaang gabi pero ayaw ko lang iyong maamoy ni Mama.

   Mayamaya pa ay nakabihis na ako. Inasikaso ko ang gawaing bahay at pilit na pinakaswal ang sarili ko nang dumating si Mama.

   "Oh anak. Akala ko napasok na tayo ng magnanakaw."

   "'Ma." Nagmano ako kay Mama habang hawak ang basahang pamunas ng mga bangko.

   "Bakit hindi ka nakauwi kagabi? Alalang alala--- ano 'yan?" Kunot noong lumapit si Mama sa akin at hinawakan ang baba ko.

   "Alin 'Ma?" Lumapit ako sa salamin at gayon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mamasdan ko ang dalawang nangingitim at mamula-mulang marka sa leeg ko.

   Ang isa ay nasa ibaba ng kaliwa kong panga at ang isa ay nasa bandang ibaba ng kanang bahagi ng leeg ko.

   "Shems." Pabulong na sigaw ko. Ito siguro iyong isinisigaw ni Ada kanina. "A-ah. B-baka k-kagat lang ng lamok Ma. K-kumain ka na ba? M-magluluto lang ako." Dali dali akong tumungo sa kusina para iwasan ang ang nagtatanong na mga mata ni Mama.

   "Anak. Alam ko kung ano 'yan."

   Napangiwi ako habang nakatalikod kay Mama. Patay.

   Kasalanan mo 'to Rain. Bakit kailangang may ganito pa?

   "Ma."

   "'Wag mo 'kong ma-Ma Ma, Haru. Sinong gumawa niyan?"

   "Sorry, 'Ma." Alanganin kong ngiti sa kanya.

•••

   "Anong ibig mong sabihing may nangyari pero walang nangyari? Pinaglololoko mo ba ako?"

   Napakamot ako sa likod ng tenga ko habang nilalaro ang tabanan ng tasa ng kape.

   Hindi rin ako makatingin kay Mama habang nagpapaliwanag. I mean, sino ba naman ang hindi mahihiya kung mahuhuli ka ng nanay mong may love marks ka sa leeg?

   "'Ma, ibig kong sabihin, may nangyari, p-pero wala talaga."

   Kahit ako ay naguguluhan sa sinabi ko. Pero tandang tanda kong walang naganap na.. na.. butasan.

   "Sige, ganito. Ibig mo bang sabihin, walang.." binilog ni Mama ang dalawang daliri at ipinasok ang hintuturo ng isang kamay.

   "Ma! Ang bastos."

   Nagkatitigan kami ni Mama at ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya ang naging hudyat ng sabay naming pagtawa nang malakas.

   Nagpunas pa siya ng mga mata sa sobrang katatawa niya.

   "Ma naman." Tumatawa kong angal.

   "Hayyy." Pilit niyang kinakalma ang sarili habang umiiling upang pigilan ang pagtawa. "Okay, alam ko naman ang ibig mong sabihin. Walang naganap na sukuan ng Bataan pero may mga sumabog na kanyon. Tama ba?" Tanong niya na nauwi na naman sa pagbunghalit niya ng tawa.

   Pati ako ay nahawa na at sa halip na mahiya ay sinabayan ko ang paghalakhak niya.

   "Ma, please. Tama na. Nahihiya na ako."

   "Okay, anak. Sorry." Sumeryoso ang mukha ni Mama pero halata pa rin namang pinipigilan lang niyang tumawa. "Pero hindi ko kukunsintihin ang nangyari. Kailangan ay mag-usap kayo ng boss mo."

   "'Ma naman, anong pag-uusapan namin? Hayaan niyo na. Hindi ko na uulitin." Nag-iinit ang pisnging sagot ko.

   "Ano? Hindi pwede."

  "Ma."

   Bumuntong-hininga si Mama saka tumitig sa akin nang nakangisi.

   "Bakit na naman, Ma?"

   "Wala. Isa ka nang ganap na Kristyano."

   "Ha?" Kunot noo kong tanong.

   "Nabinyagan ka na, anak."

   "Ma!"

   Muli ay napuno ng tawanan ang loob ng aming kusina.

   Masaya ako na hindi nagalit sa akin si Mama. Kahit sermon ay wala. Pero hindi ibig sabihin niyon ay may permiso na ako para gawin iyon ulit.

   Ang problema ko na lang ngayon ay mismong si Rain. Kung huwag na kaya akong pumasok kahit kailan. At tanggapin na lang ang inaalok sa aking trabaho ni Ichiro?

   Hay. Dapat ay masaya ako at nagtatatalon sa tuwa dahil sa nangyari. Pero hindi ko magawa dahil ako ang nag-umpisa ng lahat.

   Ano na lang ang magiging tingin sa akin ni Rain? Na hayok ako sa laman? Na pumapatol ako kung kani-kanino lang? Na mababa akong tao?

   God. Anong gagawin ko?

   Lumipas ang maghapon at hindi ako tinantanan ni Mama. Wala siyang sinasabi pero bakas sa mukha niya ang panunukso. Kaya para maiwasan siya ay tumambay na lang ako sa harap bitbit ang gitara.

   Tahimik ang paligid, malamang ay nagsisiesta ang mga kapitbahay. Siguradong ganon din ang ginagawa ni mama ngayon.

   Nasa kalagitnaan ako ng pagtipa sa gitara at pagkanta nang may pumaradang taxi sa harap ng gate.

   At gayon na lang ang kabog ng dibdib ko nang mapagsino ko ang bumaba mula roon.

   Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Tatakbo papasok sa bahay? O magkukunwaring hindi siya kilala?

   "We need to talk."

   Iyon ang bungad ni Rain nang makalapit siya sa akin.

   Oh. God, help.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

154K 5.8K 28
Covered By: Ate Daphne
47.6K 1.5K 31
"Expect the unexpected." •(unedited)• Title: Mr. Anonymous (chatting) Genre: Teen Fiction, Romance, Humor. Type: Epistolary / BL, BoyxBoy. Author: Mr...
224K 6.7K 40
Third book of One Look Second Generation.
1M 32.1K 85
Aminado naman ang bading na si Maya na attracted na siya noong una pa lamang silang magkita ng gwapo ngunit supladong binata na si Kevin. Ngunit gugu...