Obey Him

By JFstories

26.8M 1M 351K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 9

442K 17.8K 7.5K
By JFstories

"I LIKE YOU. IS THAT A BAD THING?"


Napakurap-kurap ako. Na-absorb na ng isip ko iyong sinabi niya, at nakakagulat kaya hindi ko magawang magsalita. Unang pagkakataon kong makarinig nang ganito. Ang tahimik ko lang hanggang sa marinig ko ang click ng lock sa aking tabi. Binuksan niya na.


Umiling ako. "Hindi masama. Walang masama."


Tumaas ang isa niyang kilay na parang hindi naniniwala.


"We are all allowed to like someone."


"Really? 'You think so?"


Tumango ako. "May batas ba na nagbabawal na gustuhin mo ang isang taong gusto mo?" Ano ba itong sinasabi ko? Tama ba itong tinatakbo ng usapan namin?


Like lang naman e. Siguro natutuwa lang siya sa akin kasi mabait ako sa kanya. Deserve naman niya ang pakikipagkaibigan ko dahil mabait siya sa akin. And I am comfortable with him.


Nginitian ko si Kuya Calder. "Gusto rin naman kita."


Matagal siyang nakatingin sa akin na muntik ko na namang ikailang. Mabuti na lang at mayamaya pa ay ngumisi na ang mga labi niya na natural na kay pula.


Sumandal siya sa sandalan at tumingin sa labas ng sasakyan. Maraming naglalakad na estudyante sa labas. May iilang magkaka-partner na lalaki at babae na magkaka-holdinghands.


"'Wag mong gagayahin ang mga 'yan, bata ka pa."


"Opo, Kuya."


Nakangiwi siya nang muli akong lingunin. "Bumaba ka na nga."


"Bye. See you later!" Binuksan ko ang passenger side at umibis na ng Camaro. Kumaway pa ako kay Kuya Calder bago ako lumakad patungo sa gate ng DEMU.


Sinalubong ako ni Olly sa gate. Siya iyong friendly kahapon na nagturo sa akin on how to use social media. Especially Facebook. Katext ko siya kanina at sinabi nga niya na hihintayin niya ako para sabay kaming pumunta sa first class namin. "Hi, Fran!"


"Hello, Olly. Kanina ka pa?"


Umiling siya at tumingin sa likuran ko. "Where's your Instagrammable bodyguard?"


"Instagrammable bodyguard? Si Kuya Calder?"


"Yup!" Nagningning ang mga mata niya. "He's gorgeous. Pang IG. Speaking of IG, igagawa rin pala kita later."


"Umalis na e. And thanks but okay na muna ako sa FB." Pinipilit niya ako na gumawa ng lahat ng social media accounts, tumatanggi lang ako dahil iyong Facebook pa nga lang ay nao-overwhelm na ako.


"Okay." Sumimangot siya. "Tinext kita kanina, ah. Sabi ko ipakilala mo ako sa bodyguard mo."


"Next time. Nagmamadali kasi siya e."


"Sige na nga. Tara na sa loob."


Makwento si Olly habang papunta kami sa building ng College of Business Administration. Napakasweet niya rin at halos lahat ng nakakasalubong namin ay binabati siya.


"Hi, Olly!"


"Hello, Kristine! You look good today!"


"Aw, thank you, dear. You too."


"No. Mas pretty ka, Kristine. Parang ang fresh mo today. Are you in love?"


"Aw, no. But thanks for the compliment, Olly!"


"Hello, Kathy! Nice bag. Ang galing mo talaga magdala ng luxury bags because you looked expensive. Effortless ka and you're very pretty."


"You're so sweet, Olly."


"Hello, Jessica! Nice hair."


At marami pang iba. Lahat ng bumabati sa kanya ay naka-all smile. Lahat din ay magiliw niyang binabati. Olly is a sunshine. Napakafriendly niya at halos nga lahat ay kilala niya na at kilala na siya. Iyong iba naman daw ay mga dati niyang kaklase sa high school.


Sa lahat ng bumabati kay Olly ay hindi niya ako nakakalimutang ipakilala bilang kaibigan niya, at aaminin ko, masarap iyon sa pakiramdam. "They like you, Fran!"


"Thank you for introducing me to your friends, Olly," nakangiting pasasalamat ko. Napakalaking bagay niyon sa akin. I am really lucky to have met this girl. She's an angel.


"Wala iyon. Makilala mo rin naman sila soon so inunahan ko na lang." Pati ang mga mata ni Olly ay nakangiti. Masayahin naman kasi talaga siyang klase ng tao. And she's very humble.


Sa room namin ay may mga ilang bumati rin kay Olly. Umalis siya saglit sa upuan dahil may tinawagan siya sa phone niya. Pagpasok niya sa pinto ay kinawayan niya agad ako.


"You're really so pretty, Fran! I could cry," sabi niya nang bumalik sa upuan.


"Maganda ka rin naman, Olly."


Hindi ko masasabi na napakaganda ni Olly, mas tamang sabihing cute siya. Makulay siya manamit, mahilig sa accessories katulad ng headband, hikaw, kwintas, at relo. May color pink teddy rin na naka-pin sa kanyang tie. Sa mga brand na gamit niya, masasabing galing siya sa mayamang pamilya.


Bumungisngis siya. "But Fran, you're so pretty. Compared to you, I'm nothing. Baka kahit dandruff mo ay hindi ako pumasa."


"Stop it, Olly," naiilang na saway ko sa kanya.


"Hmn... but it's true. Get used to it, my so very pretty friend." Siniko niya ako. "Look at the guys! They are all looking at you. Hindi na ako magtataka kung magkakaboyfriend ka agad."


"Wala sa isip ko ang pagbo-boyfriend." Dahil na-realize kong tama ang mayordoma ni Uncle Jackson. Kahit ang pagkaka-crush ay hindi ko dapat unahin.


"Sabagay. Mahirap matali agad." Umiling-iling siya. "Unlucky guys, they don't stand a chance on you."


"Marami pa namang ibang girls dito sa campus. I'm sure maraming mas maganda diyan sa tabi-tabi."


"I beg to disagree, Goddess of beauty! Wala ng gaganda pa sa 'yo dito sa Don Eusebio Mariano University. Believe me, I know."


"Olly, may makarinig sa 'yo," saway ko ulit. Ilang na ilang na talaga ako. 


"Totoo lang naman. Hindi sila magagalit sa 'yo, don't worry. Mahirap kayang magalit sa mukhang anghel." Nangalumbaba siya sa desk niya habang nakatanghod sa akin. "Your face is so angelic and your skin looks smooth and delicate. Kumbaga fragile ka. Kaingat-ingat kasi napakahalaga."


"Hi, Olly!"


Napatingin kami sa pinto ng classroom. Tatlong magagandang babae ang pumasok at malayo palang ay nakangiti na ang mga ito.


"Sacha!" Napatayo si Olly at sinalubong ng beso ang mga dumating, lalo na ang pinakamatangkad sa mga ito-si Sacha.


"Olly, bakit di ka na sumasama sa amin?"


"Oh, naging busy lang, Sach. Anyway, nagpa-tan ka ng balat? God! Bagay sa 'yo. Lalo kang nagmukhang mannequin."


"Thanks, Olly." Sa akin nakatingin si Sacha. "New friend mo? She's pretty, huh?!"


Proud na binalingan ako ni Olly. "Yup. She's Frantiska Jezebel Justimbaste. Fran, these gorgeous ladies were my classmates in high school. Sina Sacha, Hyra and Jaeda."


Unang nagpakilala sina Hyra and Jaeda, kapwa nakangiti ang mga labi na may bahid ng pink lipstick. Ang pinakahuli ay si Sacha. Masasabi ko na siya ang pinakamaganda sa tatlo.


Sacha's wearing a red lipstick at mas malalaki ang curls ng pagkakakulot sa kanyang buhok. Sa tindig at ganda ng katawan niya ay papasa na siya kung sasali siya sa Binibining Pilipinas.


"Hi, I'm Sacha Zonia Hynarez. Seventeen next month." Lumapit pa si Sacha para makipagbeso sa akin. Napakabango niya. "Pinakamatangkad lang, plus my heels, but ako ang pinakabata sa aming tatlo. O siguro sa ating lahat na rin."


"Actually, Sach, sixteen palang itong si Fran. Magsi-sixteen palang actually," ani Olly na ngiting-ngiti.


"Really? Why so young?" Namilog ang mga mata ni Sacha kaya nahalata ko na hindi totoo ang mahahaba niyang lashes. Gayunpaman napakaganda pa rin ni Sacha. Mukha na siyang dalagang-dalaga.


"Maaga siyang nag-aral. And homeschooled siya sa Davao."


"I see." Ngumiti na ulit si Sacha.


Nang magpaalam na ang tatlo ay hinarap ako ni Olly. "Wag kang masyadong makikipagkaibigan sa kanila. Iyong sakto lang dapat, Fran."


Nagtaka naman ako bigla. "Bakit? Mga kaibigan mo sila, di ba?"


"Kaya nga pinapaalalahanan kita." Hinawakan niya ang kamay ko. "Ang grupo nila Sach and pinakamean sa campus namin nong high school. Mga bullies at wala silang sinasanto. Ayaw nila na nalalamangan sila. Especially si Sacha, their leader."


Wala naman akong balak manlamang sa kahit kanino. Nandito ako para lang mag-aral. Period.


Tumiim ang titig ni Olly sa akin.


"Napansin mo ba na mula nong pumasok ka ay wala ng ibang tiningnan pa ang mga kaklase nating lalaki maliban sa 'yo? Pati nga iyong mga lalaki nating prof ay parang naaamaze sa mukha mo. Dito sa buong klase natin, kulang na lang ay magliwanag ka dahil sa sobrang angat mo sa aming lahat."


"Hindi ko naman ginustong maging maganda."


Napangiwi ako nang marealize ko iyong sinabi ko. Para ko na ring sinang-ayunan na angat ako sa kanila.


Gitna ng third subject ko nang magbeep ang phone ko. Pasimple ko iyong inilabas sa bulsa ng suot kong pencit cut uniform. Si Uncle Jackson. Unang beses ito na nag-text siya. Bakit daw kaya?


JACKSON

Still in class?


Nag-type ako ng reply. Hindi ko alam kung bakit wala akong pakialam kahit mahuli ako ng prof na gumagamit ng CP sa klase. This is the freakin' first time na nag-text si Uncle Jackson sa akin kaya excited akong mag-reply.


ME

Yes, still in class. Why?


JACKSON

Just checking on you.


Anong ire-reply ko? Napanguso ako habang paulit-ulit na binabasa ang message niya. Iyon na iyon. Hanggang don na lang. Iyon ang klase ng text na mahirap sundan.


Wala ng kasunod. Don na natapos ang convo. Dry.


"May ka-text ka?" Kinalabit ako ni Olly.


"Uncle ko." Ibinalik ko sa bulsa ko ang phone. "Just checking on me."


"An uncle checking on you in the mid of your class? Weird." Nagkibit-balikat si Olly. "Baka nagla-life crisis na."


Hindi na ako kumibo. Hindi pa pala alam ni Olly na twenty-five years old lang ang uncle na tinutukoy ko.


Paglabas namin sa huling subject ay nagmamadali na si Olly. "Susunduin ka ulit ni Calder?"


"Yes. Baka nandiyan na nga siya." Tiningnan ko ang cell phone ko. Nagtext na nga siya na naroon na raw siya sa parking lot.


"Introduce us to each other, Fran."


"Sige. Halika na." Kasunod kong maglakad si Olly. Ewan ko kung bakit nagpapahuli siya gayong sinisikap ko na ngang magkasabay kami ng lakad.


Mayamaya ay humabol na siya sa akin. "Anong oras na ba't ganyan ka pa?" nakalabing tanong niya.


"Ha? Anong ganyan?"


Pabiro siyang umirap. "Ang fresh-fresh ng aura mo kahit pawisan ka at messy na iyang buhok mo. Kahit yata lagyan ko ng putik ang skin mo, diyosa ka pa rin."


"Tama na nga, Olly." Hiyang-hiya na talaga ako dahil buong araw niya na akong pinupuri.


Sa parking lot ay natanaw na agad namin si Kuya Calder na nakatayo sa gilid ng Camaro. Nilalaro niya ang susi ng kotse habang nakatingin sa kawalan.


"Fran, ang guwapo niya, grabe."


"At mabait 'yan." Proud ako, obviously. "Merienda tayo para makilala mo siya."


"Really? Sige, magyaya ka sa harap niya."


"Sige." Kinawayan ko si Kuya Calder ng lumingon siya sa amin.


Lalapitan na namin si Kuya Calder nang biglang bumagal ang lakad ni Olly. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila papunta kay Kuya Calder.


"Kuya Calder, siya si Olly. My friend."


"Umn, nakakahiya naman, Fran," bulong ni Olly sa akin.


"He's nice, don't worry, Olly." Sinenyasan ko si Kuya Calder na magpakilala sa kaibigan ko.


"Hello, Olly. I'm Calder Raegan Knight. Call me Calder."


Kiming kumaway si Olly. "Hi, Calder. I'm Olly Bernice Ong. Olly for short."


Nagsimula na akong yayain si Olly. "Gusto mo bang magmerienda muna, Olly? Sama ka sa amin."


Nagulat ako ng tumanggi siya. "Naku, hindi na muna, Fran. Birthday ng tita ko kaya doon ako dideretso sa kanila ngayon. Baka nga nandon na iyong parents ko and cousins."


"Ah, ganon ba? Sige," kahit nagtataka ay sabi ko.


Bakit humindi si Olly? Wala naman siyang sinabi sa akin na may iba siyang lakad ngayon, ah? Sa sobrang curious ko ay itinext ko siya.


ME

Olly, bakit umiwas ka? I thought gusto mong makilala si Kuya Calder? Merienda sana tayo sa Pancake House.


OLLY

Of course hindi pwedeng ang babae ay bigay agad. Ayaw ng mga guys nang ganon. Kapag easy ka, easy ka rin nilang iiwan at papalitan. Gets now?


Ha? Ganoon ba iyon? Ang dami ko pa pala talagang hindi nalalaman sa mundo.


Hindi ko pansin si Kuya Calder na nagtataka habang nakatingin sa akin. Hindi pa kasi ako pumapasok sa loob ng kotse kahit kanina niya pa ako pinagbuksan ng pinto. Nang nasa sasakyan na ay hindi ko naiwasang magpakawala ng buntonghininga.


"Ayos ka lang?"


Marahan akong tumango.


"Kuwento ka. How's college?"


"Mahirap palang maging maganda."


Ang lakas ng tawa ni Kuya Calder. Nahawa na rin ako dahil mukhang good na naman mood ni Guwapo. Kinalimutan ko na muna si Olly pansamantala.


"Mahirap talaga 'yan," aniya na iiling-iling habang nagmamaneho.


Ngumuso ako. "Sinabi mo pa." Sa totoo lang naman ang sinasabi ko. Buong araw yata akong ilang na ilang sa dami ng tumitingin sa akin. Mapalalaki man o babae. Hindi ako masanay-sanay. Dagdag pa na pinauulanan ako ng puri ni Olly parati.


"Sobra, 'no. Iyong tipong pati bodyguard slash driver mo, may crush sa 'yo."


"Hala!" Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Seryoso ka?!"


Nabura ang ngiti niya. "Ano bang akala mo sa sinabi ko kaninang umaga? Joke?"


Natensyon ako kasi bigla na lang siyang sumeryoso.


Pinilit kong kalimutan ang sinabi niya kanina. Inisip ko na simpleng pagkakagusto lang iyon, kagaya na gusto ko siya bilang bodyguard at driver ko. At syempre bilang kaibigan na rin. Hindi ko inisip na baka nga mas malalim.


"Gusto mo pa akong ibenta ron sa kaibigan mo, ah," komento niya na hindi ko alam kung nagbibiro pa ba o hindi na. Hindi na kasi siya nakangiti.


Iyong masayang hangin kanina, biglang nawala. Hindi na rin kasi nagsalita pa si Kuya Calder. Focus na ang buong atensyon niya sa pagmamaneho. Napapaisip tuloy ako. Nang sulyapan ko siya sa rearview mirror ay busy na siya. Parang bigla ko na lang namiss iyong tawa niya. Sana naman sabihin niya nang joke lang iyon.


Lumipas ang minuto hanggang sa makauwi na kami sa mansiyon. Ipinasok niya na ang kotse sa gate pero hindi niya ako ibinaba sa entrada ng kabahayan, isinama niya ako hanggang sa garahe.


Pumitik siya sa harapan ko. "Earth to Milady."


Tinabig ko ang kamay niya at saka ko siya tinitigan nang masama. Halos maiyak ako sa inis kasi nakatawa na ulit siya. Meaning pinagti-tripan niya lang ako. "Wag mo kong lolokohin diyan!"


"Hey!" Nakangising ipinark niya na sa garahe ang kotse. "Crush palang, ni hindi nga kita nililigawan, lolokohin na agad?"


Oo nga naman. Pero...


"Alam ko naman na bata ka pa," bubulong-bulong siya. "Tsk, wrong timing talaga. Sana after three years na lang tayo nagkita." 


Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya na parang na-engkanto. Parang may kung anong biglang pumitik sa loob ng dibdib ko. Totoo ba talaga ang sinasabi niya? Siya pa lang ang unang lalaki na nagsabi sa akin ng ganoon. 


Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nakangisi pa rin siya. "Para kang natuka ng ahas diyan kung makanganga ka."


Hala para akong tanga. Bakit importante na totoo dapat na gusto niya nga ako? Bakit bigla-bigla? Paano naman iyong friend kong si Olly? Sabagay, wala lang naman ang crush e. Mababaw na bagay lang iyon.


Okay lang 'yan. Crush lang naman. Hindi naman porket crush mo e gusto mo ng asawahin.


Lumabi ako. "Bakit mo nga ko crush?"


"Kasi ang cute mong ngumanga." Tapos bigla siyang tumawa.


Sa asar ko ay iniwan ko siya sa garahe. Pero hindi ko rin napigilan na di siya lingunin.


Nakapamulsa siya habang nakahabol ng tingin sa akin. "Nang-iiwan ang nene, o."


Humakbang siya papunta sa akin. Kung hindi ako umatras ay baka nabunggo na iyong mukha ko sa matigas niyang dibdib. Ilang hakbang niya lang kasi, nasa harapan ko na agad siya. Ikaw na may mahahabang binti.


"Dahan ka naman diyan!"


Nakangisi pa rin siya nang guluhin niya ang buhok ko.


"Wala ka lang magawa e."


Siya ang bumitbit sa bag ko kahit kayang-kaya ko naman iyon. Sabay kaming umalis ng garahe habang nagkukulitan. Sa sobrang hulog namin sa pagbibiruan ay hindi namin napansin ang paglabas ng isang matangkad na lalaki mula sa entrada ng mansiyon.


"Kung nahihirapan ka sa pagiging maganda, ako rin naman, hirap na hirap na sa pagiging guwapo't simpatiko."


"In your dreams!" irap ko kay Kuya Calder.


"In my dreams I'm with you, Milady."


"And in reality she's with me."


Sabay kaming napalingon ni Kuya Calder sa nagsalita.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...