UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)

By Vis-beyan28

130K 1.7K 124

Her name is Jami Santillan. A girl who actually believes in love but when her boyfriend leave her without a w... More

{Prologue}
{Author's Note}
{Chapter 1- Guarded}
{Chapter 2- Organization}
{Chapter 3- Santillan's Mansion}
{Chapter 4- The Transferee}
{Chapter 6- Misinterpret?}
{Chapter 7- New member}
{Chapter 8- Suffer}
{Chapter 9- Party}
{Chapter 10- The plan}
{Chapter 11- Truth}
{Chapter 12- Fear}
{Chapter 13- Her Song}
{Chapter 14- Secrets}
{Chapter 15- Partner}
{Chapter 16- Past}
{Chapter 17- Two is better than one}
{Chapter 18- Hide and seek}
{Chapter 19- Only find out}
{Chapter 20- The one}
{Chapter 21- Start}
{Chapter 22- La Costalhine}
{Chapter 23- Pernos Gate Gang}
{Chapter 24- Vien}
{Chapter 25- His Help#1}
{Chapter 26- Last First kiss}
{Chapter 27- Second Step}
{Chapter 28- Present}
{Chapter 29- It's Time}
{Chapter 30-Confession}
{Chapter 31- His Letter}
{Chapter 32- Birthday Party}
{Chapter 33- Heartbreak Girl}
{Chapter 34- Feelings}
{Chapter 35- Contented}
{Chapter 36- Choose}
{Chapter 37- Risk}
{Chapter 38- Blame}
{Chapter 39-Baka}
{Chapter 40- Like}
{Chapter 41-Meeting his parents 1}
{Chapter 42- Meeting his Parent 2}
{Chapter 43- Busted}
{Chapter 44- Cold}
{Chapter 45- Regrets}
{Chapter 46- First Love}
{Chapter 47- Chase}
{Chapter 48- Loving you}
{Chapter 49- Love}
{Chapter 50- Kiss}
{Chapter 51- Questions}
{Chapter 52- Dinner date}
{Chapter 53- Christmas}
{Chapter 54- Problem}
{Chapter 55-Fight}
{Chapter 56- Apart}
{Chapter 57-Back}
{Chapter 58-Accident}
{Chapter 59-Suspect}
{Chapter 60-First time}
{Chapter 61-Connection}
{Chapter 62-Suspect}
{Chapter 63-Confirmation}
{Chapter 64-Awake}
{Chapter 65-Date}
{Chapter 66-President Melendez}
{Chapter 67-Kiss}
{Chapter 68-Past}
{Chapter 69-Emotionless}
{Chapter 70-Father and Son}
{Chapter 71-Mirrage}
{Chapter 72-A friend}
{Chapter 73-New Santillan}
{Chapter 74-Offer}
{Chapter 75-Mrs. Vellarde}
{Chapter 76-Last page}
{Epilogue}
{Announcement}

{Chapter 5- First day, First fight}

1.7K 50 3
By Vis-beyan28

Jami's POV

Kinaumagahan,

*kriiiiiingggg!!*

Agad na nagising ang diwa ko sa lakas ng tunog ng alarm clock. Tangina! Natutulog pa ako eh! Bwisit!

Kinuha ko ang isang unan sa tabi ko at tinakpan ang tenga ko kahit pikit pa rin ang aking mata. Gusto ko pang matulog! Matutulog na sana uli ang diwa ko ng biglang may humablot sa kumot ko! Peste! Hindi ko na lang yun pinansin at nagpatuloy ako sa pagtulog ko.

Kita ng natutulog eh!

Matutulog na diwa ko ng may kumuha na naman ng unan na nakatakip sa tenga ko.

"Tangina! Kung sino ka mang istorbo diyan, lumayas ka na dito! Natutulog ako peste!"-kunot noong sigaw ko pero nakapikit parin ang aking mga mata. Lubayan mo muna ako! Langya ang sinumang lintik na to! Matutulog pa ako eh.

"Istorbo?!"-dinig kong sigaw ni....oh fvk! Bahagyang naimulat ko ang aking mata at napaupo bigla sa kama.

"Jovan?! Hehehe. Anong g-ginagawa mo dito?!"-natutuwa kunyaring tanong ko sa lintik na ito. Langya! Anong ginagawa ng gagong to dito?!

"What are you doing?! You're supposed to be changing right now, jamishallein!"-kunot noong sigaw sa akin ni jovan. Umagang-umaga nagagalit na. Tsk! Buti hindi sila magkamukha ni tanda kundi mapagkakamalan ko ng matanda ito dahil sa ugali! Lintik!

"Bakit naman?! Diba aasikasuhin mo muna ang paglilipat ko ng ibang school?"-tinatamad kong sumbat at nahiga ulit sa kama. Ginising pa ako! Hindi na lang pumunta ngayon sa ainstelor tutal naka pormal suit naman ang lintik! Dinamay pa ako. Tsk!

"I'm done with you're paper's! Ngayon na ang pasok mo."-tinatamad rin niyang sagot dahilan para magulat ako at mapaupo ulit.

What the heck did he just say?!

"Ano?! Bakit ang bilis naman?! Hindi mo man lang ako pahingahin ngayong araw?!"-kunot noo kong sigaw sa kanya. Nakatayo lang siya sa harapan ko at naka cross arm. Napataas naman siya ng kilay.

Bakla, tss.

"At bakit ko naman gagawin yun?! May paraan ako sa lahat ng bagay jami."-matabang niyang ani. Ako naman ngayon ang napaangat ng kilay. Nakalimutan ko. Tsk.

"Pwede na lang ba ipagpa bukas ito?! Kulang ako sa tulog jovan. Tinatamad pa ako, dahil napagod ako kagabi."-sabi ko at umakting pang sobra akong napagod at pinikit-pikit ko pa ang mga mata ko para maniwala siya. Sige na jovan, kahit ngayon lang.

Tinitigan niya ako at sinusuri kung totoo ang sinasabi ko. Nakita ko naman ang reaksyon ng mukha niya na nagaalala. Bwahahaha! Maniniwala rin ang lintik kaya tinodo ko pa ang pag akting ko. Sabi na ngaba!

"No!"-mabilis niyang tanggi kaya napakunot noo ako.

Ano pa bang inaasahan ko sa lintik na ito! Umakting pa ako kahit labag sa aking kalooban. Peste! "Now take a bath! Papasok ngayon ang mga kaibigan mo. Mahiya ka naman sa kanila! Sinamahan ka na, ikaw pa ang may ganang umabsent ngayon!"-sarkastiko niyang aniya at umalis na sa kwarto ko.

"Grrr! Kainis!"-bulalas ko at ibinato ang unan sa pinto. Nangigigil ako sa pesteng yun! At pano niya nalaman na sasama rin ang dalawang babaeng yun?! Tangina! Talaga naman oo. Ano pa bang aasahan ko?

Wala na akong nagawa kundi ang maligo kahit mura na ako ng mura sa loob ng banyo, wala pa rin akong magagawa kundi sundin ang pesteng sinabi ng lokong yun.

Paglabas ko, mayroon ng nakalapag sa kama ko na uniporme. Maiksing palda at ang pangitaas nito ay isang pawad na cotton shirt at sa loob nito ay abot hanggang kamay ko na ang manggas. Mayroon ding necktie. Peste! Napapamura na naman ako sa aking isip.

Anong akala niya sakin? Susuotin ko to? Di na lang tutal, naman ng kumag na yun!

Hindi ko na pinansin ang uniporme na nakalapag sa kama ko. Ayokong nagpapalda. Nang nasa ainstelor pa ako hindi ako naguuniform. Magkasakit na lang ako kaysa mag palda. Palagi akong naka jean at kapag P.E. naman namin syempre jogging pants ang suot ko.

Pagkatapos kong magpalit ng jeans at t-shirt agad na akong bumaba at pumunta sa dining area. Wala na si jovan. Mabuti naman kundi ipipilit pa niya sa akin na maguniform ako. Tsk.

"Bakit hindi ka pa pumasok?"-tanong ko kay jeigh na ngayon ay kumakaing magisa. Wala na rin si tanda.

Agad akong umupo at kumuha ng pagkain. Napatingin naman ako kay jeigh.

"Syempre kakain muna ako. Alangan gutumin ko sarili ko?"-sarkastikong ani ni jeigh habang ngumunguya pa.

La kung makapilosopo to ah. Kung lunukin mo muna kaya yang nginunguya mo?

"Sabagay, kailan ka pa nagpagutom?"-ngiwing usal ko at napapailing pa.

"Balita ko sa eloire ka na?"-nakangising asar niya sa akin habang tumaas baba pa ang kanyang kilay ng paulit ulit. Tsk. Big deal ba yun?

"Tignan mo nga naman ang mga chismoso, basta mga balita palaging nasasagap."-asar ko sa kanya at sumubo. Napangiwi naman siya sa sinabi ko at uminom ng tubig.

"Chismoso?! Narinig ko lang yun kay jovan, jami. Hindi ako chismoso."-naiiritang tinignan niya ako. Kumikibot ang labi niya na parang minumura ako ng loko sa isipan.

"Walang pinagkaibahan yun jeigh."-natatawa kong sabi. Kumunot naman ang noo niya. Mabilis maasar talaga ang lintik! Baka kanina pa niya ako sinuntok kung sakaling hindi niya ako kapatid.

"Tsk! Narinig ko nga lang yun! Hindi ako chismoso! Tangina! Huwag mong sirain ang araw ko jami! I swear, makakatikim ka sa akin!"-bigla niyang sigaw at sinamaan pa ako ng tingin. Napapailing na lang ako. Para namang kaya niya akong saktan? Magsasalita pa sana ako ng tumayo na siya at lumabas. Pikon na ata ang lintik! Tsk.

Pagkatapos kong kumain, lumabas na ako ng mansion sakay ang motor ko. Medyo malayo ang eloire university kaysa sa ainstelor kaya natagalan ako. Pagdating ko sa parking lot ng eloire, namataan ko na agad ang kotse ni thara at sam. Talaga namang pinagiigihan nilang pumasok dito?!

Pagkapasok ko sa hallway nito wala ng tao. Late na ako. Peste! Buti na lang may ibinigay sa akin ni jovan na mapa ng campus na ito dahil panigurading maliligaw ako dito. Sinabi na rin niya sa akin ang kwarto ko. 4th year highchool section A. At syempre, kaklase ko ang dalawang babae. Ano pa bang bago.

Palagi naman.

Hindi naman ako nahirapan sa paghanap ng building ng 4th year. At dahil dun nahanap ko na ang kwarto ko. Nasa second floor ito at nasa dulo ng entrance ng hagdan.

May naririnig na akong nagsasalita na lecturer, medyo nakaawang ang pinto sa harapan nito kaya agad agad na akong pumasok sa loob.

"Sorry. I'm late."-paumanhin ko agad sa babaeng lecturer na nakataas ang kilay na napatingin sa akin.

Tss.

"She's late as it's finest."-napapairap na bulong ni thara pero dinig ko naman. Napabuntong hininga naman si sam. Tsk. Pake ng mga to?

"Can you knock before you come in?!"-sarkastikong parinig ng lect kaya napatingin naman ako sa kanya. Nakataas pa rin ang kilay niya.

"Oh, okay."-tipid kong sabi. Ngayon palang tinatamad na ako.

Nakakabanas.

"Are you the transferee?! What's you're name?!"-mataray na tanong pa sa akin nung lect. Tinatamad naman akong napatingin sa mga studyanteng nakatingin lang sa akin.

"Jamishallein alex santillan."-pakilala ko at napahikab pa ako ng bahagya. Langyang jovan yun! Sabi ng matutulog pa ako eh! Peste!

Nagulat naman ang Ilan sa asta ko pero wala akong pake! Gusto ko pang matulog. Tss.

"Hi guys! I am Athara cherlome gonzales you can call me thara."-agaw pansin naman ang biglang pagsingit ni thara. Masiglang masigla ang lintik!

"And I'm Krysamtha gwen folerio aka sam."-ngiting tagumpay na pakilala naman ni sam.

Hala! Hindi ako nainform na pwede pa lang magpacute, tss.-.-

"Miss santillan, masyadong mahaba ang pangalan mo. What's you're nickname?!"-tanong ng lect kaya napatingin naman ako sakanya.

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ang raming tanong neto? Akala ko ba pagtuturo ang purpose nila? Pang abogado na ata ang ginagawa niya! Tsk.

"Jami na lang."-tipid kong sabi at lumapit sa gawi ng dalawa. Agad akong umupo sa pinakagilid kung saan katabi ko na ang bintana. Agad namang umupo ang dalawa sa pagkakatayo kanina. Gusto kong matulog.

Naiirita namang nakatingin lang sa amin ang lect. habang umiling iling. O ako lang ang inag iinitan niya? Psh.

"I am Miss Amelda Pagsunggit you're english lecturer and also you're adviser. I have rules in this classroom. Ayoko ng late!"-biglang sigaw niya habang nakatingin sakin.

Tss. Nahiya naman ako.

"Ayaw ko ang studyanteng hindi nakikinig sa akin. Ayaw ko ng mga studyanteng walang respeto at pinapangunahan ako."-matabang na pahayag ni miss pagsunggit sa amin. Langya! Ngayon lang ata ako nakarinig ng apelyidong yan? Tsk! At masyadong marami ata ang rule ng matandang ito?

Hay, bagay talaga sa kaniya ang last name. Napaka sungit!

Tumango na lang ako. Pagkatapos ng ilang segundong titigan nagdiscuss na siya sa lesson namin. Nakakabagot makinig ngayong inaantok ako. Peste! Siguradong hindi kami magkakasundo ng lecturer na ito. Tsk! Lahat nang pinagbabawal niya eh ginagawa ko. Tsk. Tsk. Tsk.

Hay, naku.

**

"Jami!"-dinig kong bulong ng isang babae. Peste! Natutulog ako! Pwede bang mamaya niyo na ako gisingin?! Istorbo talaga ang mga tao ano?! Pilit kong hindi nakikinig sa tumatawag sa akin.

Sarap ng tulog ko eh!

"Ms. Santillan!"-ibang boses na naman ang tumawag sa akin. Bakit ba maraming kontrabida ngayon?! Langya! Patulugin niyo muna ako pwede? Mga walang modo talaga ang mga lintik!

"MIISSS SAAANNNTTIILLLAAANN!!"-halos mapatayo na ako sa malakas na sigaw ng babae. Agad akong napamulat at napatingin sa harapan ko.

Pucha! Demonyo! Este si miss pagsunggit lang pala.

"This is you're first day of school in here miss santillan! Why are you sleeping in my class?!"-galit na sigaw ni miss pagsunggit sa akin.

Halos nakatingin lahat sa aking ang mga kaklase ko. Ang iba natatawa, ang iba naman nagbulung-bulungan. Tsk.

Ke bago bago mo lang jami.

"Ah naidlip lang ma'am."-tinatamad kong palusot sa kanya. Nagunot naman ang noo ni miss pagsunggit.

"Naidlip--LANG?! You're not listening in my class. The door is wide open, you may leave kung nakaidlip ka lang!"-sarkastikong bulyaw niya sa akin.

"Sorry po maam."-tipid kong paumanhin sa kanya pero inirapan lang ako! Hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa pagdada sa harapan.

"Ano bang nangyayari sayo?! Kanina ka pa namin ginigising!"-inis na bulong sa akin ni thara na katabi ko.

"Inaantok pa kasi ako."-iritadong bulong ko rin sakanya. Napaayos naman ako ng upo nang tumingin sa akin si miss pagsunggit. Psh.

"Tsk. Pigilan mo muna ang antok mo. Kebabaeng tao ganyan ang ginagawa sa loob ng paaralan."-bulong naman ni sam sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tama si sam. Pag nalaman na naman yan ni jovan, lagot ka."-pananakot naman sa akin ni thara. Tinatakot ba ako ng lintik na ito?! Anong akala niya sa akin?! Kahit magwala pa ako dito at malaman niya yun, hindi ako matatakot! Ako pa!

Pero de joke lang. Takot ako sa gagong yun.

"Langya! Paguntugin ko kaya kayong dalawa?! Sinong tinakot niyo mga peste kayo!"-sabi ko na lang sa dalawa. Napangiwi na lang sila at nagkibit balikat. Umayos sila ng umupo at tumingin sa lect naming nagsusulat ngayon sa board.

*riiiiinggg!!"

Napangisi ako ng marinig ko ang bell. Ibig sabihin tapos na klase namin! Bwahahaha! Makakatulog na rin ako! Nice!

"Okay. Class dismiss."-aniya ng lect at umalis na. Sa wakas!

Pumangalumbaba na ako sa lamesa ko para matulog ng bigla akong kinalabit ni thara. Peste! Pigilan niyo ako baka masapak ko to! Kailan pa ba ako matutulog na mahimbing dito?

"Ano ba!"-kabig ko sa kamay niyang kumakalabit sa balikat ko. Umupo ako ng maayos at tinignan siya ng masama.

"Bakit hindi ka nakauniform? Wala bang binigay sayo ni jovan na uniform mo?"-taas kilay na tanong ni thara at nagcross arm.

"Langya! Ginising mo lang ako para tanungin ang pesteng yan?!"-iritadong bulyaw sa kanya. Napatingin naman ang iba sa gawi namin.

"Hindi dito pag tulugan jami!"-sarkastikong sumbat niya sa akin.

Aba at--?! Naghahanap ba ito ng away?! Langya! Tinarayan pa ako! Bwisit!

"Eh ano ngayon sayo?! Ikaw ba mapapagalitan?!"-sarkastiko ko ring ani.

"Ano ba kayo! Kebago-bago niyo lang dito, nagsisigawan na kayo."-suway ni sam sa amin ni thara. Tinignan ko naman siya ng masama. Nag peace sign siya at nagpatuloy sa kanyang ginagawang pagkuting-ting sa kanyang cellphone.

"Hindi naman. Tinatanong ko lang."-naging malumanay na ngayon ang tinig ni thara.

"Wala ka ng pake!"-sigaw ko sakanya at tinalikuran siya. Tsk! Inaantok pa ako! Gusto kong umuwi at matulog muna.

Biglang may pumasok sa isip ko. Bwahahaha! Pwede naman akong tumakas bakit hindi? Tutal transferee naman ako, pwede namang bukas na ako pumasok.

Pwede, pwede. Talino ko talaga!

Napangisi ako sa isip ko. Wala naman si jovan at tanda. Paniguradong busy ang dalawang yun dahil maaga silang umuwi kahapon. Tama! Male-late silang uuwi.

Agad ko nang kinuha ang bag ko at sinukbit sa isa kong braso. Wala pa naman ang second lecturer namin. Pwede pa akong tumakas. Bwahahaha! Tumayo na ako at napatingin naman sa akin ang dalawa.

"Saan ka pupunta?"-nagtatakang tanong ni sam. Tinaasan naman ako ng kilay ni thara. Tsk, panira.

"Uuwi na ako."-tipid kong sagot. Nangunot naman ang noo ng dalawa.

"What?! First day of school pa lang natin dito jami."-madiing paalala ni thara sa akin. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Eh ano ngayon? Dapat bukas pa sana ako papasok. Pero dahil sa lintik na jovan na yun napilitan lang ako noh.

"Wala akong pake."-tinatamad kong bulong at tumalikod na.

Naglakad ako sa likod nila dahil malapit lang ang pinto dito. Pero natigilan ako ng mamataan ko ang tatlong lalakeng nakaupo sa likod lang namin. Bakit hindi ko yun napansin. Sila yung nasa party ni tanda kagabi. Tsk. Magkaklase pala kami. Nakatingin silang tatlo sa akin. Pero wala akong pake. Itutuloy ko na sana ang paglalakad ko ng biglang sumigaw si sam.

"Were going to call jovan, jami!"-bulyaw niya dahilan para mapatingin sa amin lahat ng kaklase namin. Tangina! Bina black mail ba ako ng lintik na mga to! Napapihit agad ako paharap sa dalawa.

Galing rin ng mga to noh? Isa ngang masigabong palakpakan.

Nakangisi nila sa akin pero kinu-nutan ko lang sila ng noo. Pag nalaman to ni jovan sigurado akong hindi lang ako malilintikan nito! May paraan din ang dalawang gunggong na ito!

"Bakit ka natigilan? Go on, do what you want."-natatawang ani ni thara. Di na nahiya ang dalawang to! Maraming nanonood kaya! Paguntugin ko na lang mga mukha nito!

Napahinga ako ng malalim at inirapan silang dalawa. Pasalamat kayo, maraming tao kundi, baka kanina pa dumudugo mga nguso niyo. Peste! Agad akong naglakad papalapit sa upuan ko. Bago ako umupo, tinignan ko muna sila ng matatalim na tingin. Fuck you!

"Hahahaha!"-bungisngis nang dalawa.

May araw din kayo! Napangalumbaba na lang ako sa lamesa ko. Inaantok pa ako. Pinagsisisihan ko nang magcutting class. Hindi na sana ako mata-transfer dito kung hindi dahil dun. Tsk!

Nang dumating ang pangalawang lect namin wala na akong nagawa kundi ang makinig kahit hindi ko maintindihan. Peste! Ikaw ba naman, inaantok ka! Sinong hindi! At saka ano daw? Sequence?

May sequence ba sa math? Bakit ngayon ko lang alam. Psh. Tanginang math, wala akong maintindihan.

Sinabihan rin kami ng lect na sa sabado na ang acquaintance party namin. Peste! May nalalaman pang ganyan. Sinabi ko rin kina thara na hindi na lang ako pupunta. Mas mabuti pang matulog na lang, pero pinagalitan lang ako ng dalawa at dapat nandun daw ako. Peste! Anong gagawin ko naman dun?! Tutunganga? Kakain? Manonood? Letse sila! Manonood na lang ako sa bahay! Tsk.

At dahil sa magaganap na acquaintance party, maagang papasok ang dalawa dahil kakanta sila sa mismong party. Sumali kasi sila sa club ng musika. Ako? Sa pagpinta lang at pagdrawing. Kumbaga sa art. Pinipilit ako ng dalawa na sumali sa kanila pero tumanggi ako. Ayaw ko. Tsk.

Nandito kami ngayon sa cafeteria nila at buti na lang hindi kami naligaw dahil sa binigay sa akin ni jovan na mapa, hindi na kami nahirapan. May silbi rin. Medyo may pagkatulad ang cafeteria nila sa cafeteria namin sa ainstelor. Mas maganda nga lang dito. Malamang, mayayaman ang mga nag aaral dito eh!

"Bilisan niyo ngang maglakad. Gutom na ako."-reklamo ni thara sa amin. Hila hila niya ang kamay namin ni sam papunta sa pila. Pero nabitawan niya ang kamay namin ng biglang may tumulak sa kanya at mabangga ang isang babaeng may hawak na juice. Dahil dun natapunan ang babae  ng juice.

Napatingin samin ang ilang tao dahil sa lakas ng impact nun.

"Hoy! Bakit mo ako tinulak!"-inis na sigaw ni thara sa lalakng tumulak sa kanya.

Napatingin naman ako sa lalake na ngayon ay naiirita ma. Tsk. May gana pang mairita ang unggoy na ito kung siya naman ang tumulak.

Narinig ko naman ang bulung-bulungan ng ibang tao. Tangina! Lakas makaagaw ng eksena! Sinasabi ko na nga ba, may magaganap na hindi maganda samin dito eh.

"You're blocking my way! Idiot!"-tiim bagang sigaw nito kay thara. Agad namang tumakbo ang babae na natapunan ng juice palabas ng cafeteria. Nadamay pa yun.

"Ha! Kaya mo ako tinulak ganun! Eh loko ka pala eh!"-sigaw naman ni thara sa lalake at lumapit sa gawi nito. Tsk.

Warfreak ang kingina! Napakamot na lang ako sa batok ko. Mag uumpisa na naman ng away ang babaeng to. Lakas makipagsagitan eh.

"Kaya pala ganyan ka manumbat, dahil transferee ka. Sabagay, hindi mo talaga ako kilala kaya sinisigawan mo ako ng ganyan."-nangigigil na sigaw nung lalake. Dinig ko namang napa 'tsk' si sam na katabi ko.

"Wala akong pake kong sino ka! Wala kang karapatang itulak ako!"-taas kilay namang sumbat ni thara. Tiim baga namang lumapit ang lalake kay thara. Parang sasabak lang ng gyera. Leche!

"May karapatan ako! Dahil isa sa mga magulang ko ang may ari nitong paaralang tinatapakan mo."-nagmamalaking usal ng lalake. Aba! Eh ano ngayon?

Kingina, bilhin ko pa yang buhay mo eh.

"Magulang mo lang ang isa sa may ari nito. Kaya huwag kang magmayabang! Leche! Kala mo kung  sino na!"-mapang asar na singhal ni thara. Nagtawanan naman ang iba sa sinabi niya.

"Aba!"-sigaw nung lalake at akmang sasampalin niya si thara ng biglang may sumigaw sa likod namin.


~vis-beyan28

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
2.1K 239 28
Title: Sweet Treats Author: katanascytheslash29 Genre: Scifi, Mystery/Thriller, Action Things are getting bittersweet as the time flies. A parasite...
77.1K 2.6K 51
(Agent Series 2|Part 1|| ) (Alferez Series 3) Started Writing:April 20,2020 Finish Writing:May 2,2020 Written By:Shireroseee
15M 759K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...