Playlist

GreatGatsby08 által

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. Több

Starlight
The One That Got Away
Huling Gabi
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
Overboard
The Only Exception
Happier
Decode
Tequila
The Fault In Our Stars
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
Pansamantala
The Last Time
Isa Pang Araw
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Halaga
Pagtingin
If Tomorrow Never Comes
It's Sad To Belong

Walang Hanggan

364 17 0
GreatGatsby08 által

Vice's POV

"Hindi na ako masaya, Vice. Hindi na."

Umiiyak na sabi ni Jackie saakin habang nakaupo sa kama namin at nakatayo naman ako sa harap niya. Napasabunot ako sa buhok ko sa narinig ko.

"Hindi ako naniniwala. Galit ka lang ngayon. Please."

Sabi ko bago lumuhod sa harap niya kasabay ng pagkuha ko sa magkabila niyang kamay. Hinalikan ko ang mga yun bago napatingin sa engagement ring na binigay ko sakaniya.


"Hindi ako galit. Ilang beses kong pinag-isipan, Vice. Ilang libong beses kong sinubukan na ibalik yung dating ako. Pero.."



Humihikbi niyang sabi saakin bago binawi ang magkabila niyang kamay mula sa pagkakahawak ko kasunod ng dahan dahan niyang pag-alis ng singsing na binigay ko.


Parang dinudurog ang puso ko habang pinapanood ko siyang alisin yun mula sa daliri niya at ipatong sa side table na nasa gilid ng kama na para bang wala nang halaga 'yon sakaniya.

"Wala sayo yung problema. Ako. Hindi tama na itatali kita sa isang relasyon na pilit nalang. I' m sorry, Vice."




Sabi niya kasabay ng marahang paghimas sa mukha ko. Itinaas niya ang mukha ko para matignan ko siya sa mga mata habang walang pa ding patid ang pagbagsak ng mga luha mula sa mga mata namin.


"Minahal kita. Mahal kita. Pero hindi ko na kayang suklian yung pagmamahal na binibigay mo saakin at sa palagay ko hindi iyon tama."



Sabi niya. Halos hindi ako makahinga sa sakit na dulot ng bawat salitang binitawan niya. Dahan dahan akong umiling bago lumunok at nagsalita.

"Kaya kong titiisin, Jackie. Kaya kong tiisin na ako lang yung nagmamahal saatin, kakayanin kong punan yun, magging sapat lang ulit para mag stay ka. Please."




I felt so desperate. Para akong batang nakikiusap na wag niyang iwan. Yumakap ako bewang niya at naramdaman kong yumakap din siya saakin.

Pinikit ko ng madiin yung mga mata ko.

Pinilit kong wag maramdaman yung dahan dahan niyang paglayo.

"You deserve more than what I can give you."



Sabi niya bago dahan dahang lumayo saakin. Hinila niya ako paupo sa tabi niya at parang bata naman akong nagpatangay na lang. Everything felt pointless sa mga oras na 'to.


Wala akong ibang gustong gawin kundi yakapin siya at pakiusapan ulit na baka pwede pa. Baka pwede pa niya akong mahalin ulit.


"Five years, Jackie. Five long years. Matatapos lang sa ganito? Saan ba ako nagkulang?"



May kaunting panunumbat na sabi ko sakaniya bago ko siya hinarap. She just smiled weakly bago umiling.


"Nabigay mo saakin lahat. Lahat lahat, Vice. Pero may mga tao lang siguro talaga na dadaan lang sa buhay natin."





Mga huling salitang umukit sa isipan at sa puso ko. Hindi ko siya napigilang umalis nung araw na yun.





Dalawang taon.




Dalawang taon akong parang zombie lang sa mundo.



Ganun siguro talaga pag ginawa mong buong mundo mo yung tao tapos bigla siyang nawala. Mawawalan ng saysay ang lahat.




"Viceral! Huy! Ano ka ba!? Wala ka nanaman sa sarili mo eh. Focus naman please. Concert na natin bukas."







Sabi ni Vhong kasabay ng isang mejo malakas na tapik sa braso ko na nagpabalik saakin sa kasalukuyan. Huling rehearsal na ng banda namin bago yung concert namin bukas pero heto nanaman ako. Wala sa focus.





"Sorry, ulitin natin. Mula umpisa. Sorry."



Sabi ko bago inalis si Jackie sa isip ko at nagconcentrate sa pagkanta.





"Vice, two years na kayong wa--"




"Pero five long years kaming magkasama araw-araw. Gabi-gabi."




Putol ko sa sermon ni Vhong saakin. Nagaayos kami nung ng mga gamit ng banda dahil katatapos ng rehearsal namin. Malakas na buntong hininga lang ang isinagot ni Vhong saakin.





"Akala ko ba pinakawalan mo na siya. Sabi mo pa nga--"







"Kung masaya siya na wala ako sa buhay niya, narealize ko na dapat pakawalan ko na siya. Alam ko. Hindi ko nakakalimutan."




Hindi ko napigilang mairita sa paulit-ulit na panenermon saakin ni Vhong. Maayos kong inilagay sa kulay itim na case yung gitara ko at nagsimula ng maglakad palayo.






Mahigpit ang hawak ko sa guitar case habang naglalakad papunta sa parking lot.


Napahinto ako sa harap ng sasakyan ko nung mapansin na may taong nakatayo sa tabi nun. Nakasandal ito sa pintuan ng passenger's side at napatingin saakin nung mapansin na nakatayo na pala ako malapit sakaniya.






Ngumiti siya.




Mga ngiting sa panaginip ko nalang nakikita lately. Napakurapkurap ako, hindi makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. Hindi ko alam kung anong una kong maramramdaman, kung yung kaba ba o yung saya na andito siya ngayon sa harap ko.





"Jackie."




Napalunok ako nung mas lalong lumuwag yung ngiti niya. She looked radiant at parang buhay na buhay ang mga mata niya. Parang ang saya niya. Hindi ko napigilang mapangiti din.







"Vice. Kamusta ka?"






Tanong niya habang naglalakad papalapit saakin dun ko lang napansin yung suot niya. Naka-kulay blue siyang long dress at itim na stilettos. Nakalugay man ang buhok ay halatang galing siya o papunta sa isang formal na gathering.







Bigla akong nahiya sa itsura ko. Sinipat ko yung suot ko. Tattered jeans na ewan ko kung kelan huling nalabhan. Itim na tshirt na crumpled all over tapos sneakers na dating puti pero ngayon hindi ko na alam kung anong kulay.






Napakamot ako ng batok at bahagyang nahiya. Pero hindi ko pa din nagawang alisin yung tingin ko sa nakangiti niyang mukha. Marahan niyang tinapik yung hood ng sasakyan ko habang tinitignan yun na parang may iniisip.







"Hindi mo pa din pala pinapalitan to."




Nakangiti niyang sabi habang hinahaplos yung sasakyan. Napangiti ako.





Paano ko naman papalitan tong kotseng to eh halos lahat ng ala-ala namin eh kasama ito. Napailing ako.






"Paano ko naman to papalitan? Baby natin to eh, di ba?"






Nakangiting sabi ko sakaniya. She chuckled slightly bago tumingin sa mga mata ko. Parang sasabog yung puso ko sa pagmamahal na nararamdaman ko pa din para sa taong nasa harap ko.






"It's been how long? Kamusta ka?"





Sabi ko. Biglang tila bumigat yung gitarang hawak ko at biglang parang gusto ko siyang yakapin at sabihin na siya pa din. Siya pa din hanggang ngayon.






"Two years? Antagal na din pala no?"







Sabi niya bago niya tinignan yung kabuoan ko at natawa ng kaunti. Bigla naman akong nahiya sakaniya kaya napangiti nalang ako.







"Wala ka pa ding pinagbago, no? Paborito mo pa din yang tshirt na yan."






Sabi niya bago hinila ng kaunti yung dulo ng suot kong tshirt. Napakunot noo naman ako bago natawa din ng kaunti sa sinabi niya.






"Ha? Paano mo naman nasabi?"







Napakamot pa ako sa batok ko dahil hindi ko talaga maalala na paborito ko tong damit na suot ko. She just smirked at me at umiling ng bahagya bago sumagot.







"Yan yung tshirt mo na palagi mong sinusuot noon. Yung kakalaba palang pero kukunin mo nanaman para isuot."









Nakangiti habang nakatingin siya sa suot ko. May kung ano sa mata niya na para bang nararamdaman kong namiss din niya ako. Dahil ako, sobrang miss na miss ko siya. Napatikhim ako ng kaunti kaya parang bigla siyang napabalik din sa oras na yun.






Sa kasalukuyan.




"Siya nga pala, bakit andito ka?"







Kunot noong tanong ko sakaniya. She just smiled at me bago sumagot at umatras ng kaunti nung tila mapansin na ilang dipa nalang ang layo niya saakin.







"May in-attend-an akong party dito. Nakita ko lang tong sasakyan mo, I don't know. Bigla kong namiss kaya heto."









Sabi niya. Tumango naman ako at magsasalita na sana nung biglang may tumugtog na music mula sa kung saan. Nilibot namin pareho ng tingin yung paligid bago sabay na natawa dahil may mga speakers pala dun at kung sino man ang may access dun eh bigla atang napagdesisyunan na magpatugtog.



"I can't fight this feeling any longer.."





Sabay ko sa kanta bago ibinaba sa sahig yung hawak kong gitara at naglakad papalapit kay Jackie.







"This was our song."









Sabi ko bago ko inilahad yung isa kong kamay sakaniya. Tuwing maririnig namin tong kantang to noon, isinasayaw ko siya.







Napansin kong mejo nag-hesitate siya pero iniabot din ang kamay niya.






Inilagay ko yung dalawa niyang kamay sa magkabila kong braso bago ko dinala sa bewang niya yung mga kamay ko. I looked at her sa in her eyes and started dancing with her habang tumutugtog yung kanta namin.




What started out as friendship
Has grown stronger
I only wish I had the strength to let it show

I tell myself that I can't hold out forever
I said there is no reason for my fear
'Cause I feel so secure when we're together
You give my life direction
You make everything so clear




Idinikit ko yung noo ko sa noo niya habang patuloy kaming sumasayaw sa kantang yun. Pinikit ko saglit ang mga mata ko at hinayaan ko ang sarili kong bumalik sa unang beses ko siyang nakita.







Sa unang beses kong naramdaman na mahal ko siya.








Sa unang beses na sinabi niyang mahal din niya ako.







Yung unang beses naming nag-away. Yung unang beses naming nagkaayos.


Hinayaan kong bumalik ako sa simula.




Nung masaya pa kami at mahal na mahal pa namin ang isa't isa.




And even as I wander
I'm keeping you in sight
You're a candle in the window
On a cold, dark winter's night
And I'm getting closer than I ever thought I might.








Naramdaman kong dahan dahang lumayo si Jackie saakin. Dahan dahan din akong nagmulat ng mga mata at yung tingin niya ang sumalubong saakin.








Huminto kami sa pagsayaw at nanatiling nakatingin lang sa isa't isa hanggang sa matapos na ang kanta.















"I still love--"










"Don't."










Pigil niya kaagad sa sasabihin ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Yung katiting na pag-asa sa puso ko na nabuhay kanina eh dahan dahan na ding namamatay. Parang kandilang unti unting nawawalan ng liwanag.











"I missed you, believe me. I do. Pero..."










Sabi niya bago napayuko at marahang nilalaro sa mga daliri ang singsing na suot niya.








Princess cut.








Na may malaking diamond.








Tumango ako bago umatras palayo sakaniya.









"Sorry. If I gave you the wrong idea. Sorry talaga."









Sabi niya. I forced myself to smile kahit durog na durog nanaman ako sa loob.








"No, okay lang. Sorry din. I didn't know."







Sabi ko sabay nguso sa daliri niyang may suot na singsing. She smiled.






Kita naman na masaya na siya sa buhay niya ngayon. I can see it in her eyes.








Sino ako para hindi gustuhing magging masaya yung taong mahal na mahal ko.








Finally.







Naintindihan ko na kung anong dapat kong gawin.







Nginitian ko siya, this time totoong ngiti na.








Mas tama na magging masaya ako dahil masaya siya kesa makuha ko siya ulit pero alam ko namang hindi ako yung makakapagpasaya sakaniya.








"Congratulations."









Sabi ko. Tumango lang siya bago nagpaalam at naglakad na papalayo. I watched her leave again for the second time.














Naiwan ako habang pinapanood siyang dahan dahang lumalayo saakin. Mawawala nanaman.










Aalis ulit.










Huminto siya saglit at muli akong sinulayapan.










Pinilit kong ngumiti para hindi niya makita yung sakit na nararamdaman ko. I waved goodbye. She just nodded and smiled bago tuluyan nang umalis.










"Dito lang ako, Jackie. Mag hihintay pa din sayo kahit gaano pa katagal. Kahit nasa dulo na tayo at baka huli na."













Pangako.

















End.

-------------
Walang Hanggan
by Quest

Song number 3











Olvasás folytatása

You'll Also Like

3.3M 187K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
1M 21.7K 59
I am Jacqueline Swan. When I was younger I had a accident that left me blind. Though I could not see I spent time away from my twin with a benefactor...
648K 67.6K 26
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
1.7M 95.6K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...