SEASONS of LOVE 1 The Series...

By quosmelito

30.9K 1.4K 85

Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers... More

Read
Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise
Episode 2 - My Boo
Episode 3 - His Highness
Episode 4 - Hello and Goodbye
Episode 5 - A Drunken Request
Episode 6 - Just Like In The Movies
Episode 7 - The Other Side
Episode 8 - Not All Darklords Tell A Joke
Episode 9 - Lucky Spoon
Episode 10 - Confused
Episode 11 - Morning Surprises
Episode 12 - Almost A Kiss
Episode 13 - A Lovely Villainess
Episode 14 - Sparks Fly
Episode 16 - What Happened?
Episode 17 - Jealous Heart
Episode 18 - Magic Soup And Warm Cuddles
Episode 19 - I'm Here For you
Episode 20 - Giggles
Episode 21 - In The Name Of Love
Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak
Episode 23 - Sunset
Episode 24 - Beginnings and Endings
Epilogue - Stand By You

Episode 15 - Date

1K 54 5
By quosmelito

*Rain*

•••

   "I see sparks fly, whenever you smile, Rain."

   Those were the words that kept ringing in my head. What the f*ck did he mean by that?

   I know I don't smile a lot and that's because I don't see any reason to smile. Pero ang mga salitang iyon, bakit parang kinikiliti nila ako?

   No. I can't.

   I always say this is wrong. Pero bakit hindi ko magawang umiwas sa kanya?

   It was like something was pulling me toward him.

   But.. am I ready to let go and give in?

   Dinampot ko ang nakataob na photo frame sa ibabaw ng side table at hinaplos iyon.

   Please, tell me, Summer.

•••

*Haru*

   "Kumusta ka naman, hijo. Si Rain kumusta?"

   "Okay naman ho, ma'am. Ahm, kulang two weeks na lang po aalisin na 'yung semento sa braso niya."

   Hinipan ko ang tsa bago iyon tinikman. Hmm. Ngayon alam ko na kung bakit paborito ni Mrs. Monteclaro ang chamomile.

   "Really? Mabuti naman kung gayon." Tila natutuwang tugon niya.

   Sinuklian ko iyon ng isang maliit na ngiti. Para kasing hindi ko kayang matuwa gaya niya. Hindi naman sa pinananalangin kong huwag nang gumaling si Rain.

   Iyon nga lang, kapag naalis na ang semento sa braso niya ay hindi na niya ako kakailanganin.

   Hindi ko na siya makikita.

   Makakausap.

   Malalapitan.

   Tapos na.

   "Hindi ka na niya mapagsusungitan." Dugtong ng ginang na bahagya naming ikinatawa. "Alam mo iyang si Rain, hijo, hindi naman iyan masungit noon." Ngayon ay nakangiti siya at tila may inaalala. "Ang totoo, napakabait na bata niyan. Masunurin, masipag, masiyahin, puno ng sigla."

   "Ahm. A-ano ho ang n-nangyari?" Alanganin kong tanong kahit pinipigilan kong manghimasok.

   Napasunod ang tingin ko nang lumingon si Mrs. Monteclaro sa portrait ng dalawang binatilyo. Mapait ang naging ngiti niya nang bumalik sa akin ang atensyon niya.

   "Sabihin na lang nating, may mga pangyayaring nakapagpabago sa kanya." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o itatanong kaya hinayaan ko na lang siyang magpatuloy. "Those things that happened were too painful he couldn't save himself. Now he's lost and... hindi ko alam kung paano siya tutulungan.

   "He's like a son to me, at nalulungkot ako na wala akong maisip at magawa kung paano siya muling sasaya, just like those memories of his happy days.

   "I shouldn't be telling you this, but at times like this, sa ganitong panahon, it feels like everything is... black and gray."

   Katahimikan.

   Wala akong ideya sa kung ano ang nangyari. Pero may nabubuo nang konklusyon sa isip ko.

   Hindi ako maaaring magkamali na si Rain ang isa sa dalawang binatilyo sa larawan. Mata, ilong, hugis ng mukha, labi.

   Kung ano man iyon ay sigurado akong naghahatid pa rin iyon ng matinding kalungkutan, kay Mrs. Monteclaro at maging kay Rain.

   "At, masarap lang sa pakiramdam na may isang taong nakikinig, kahit masyado akong madrama." Sinabayan niya iyon ng tawa. Siguro ay upang itago ang kalungkutan.

    I just can't help but wonder, paanong ang masasayang alaala ay nagdudulot ng kalungkutan sa isang tao?

   "Okay lang ho, ma'am. Hindi ko naman ho kayo itinuturing na ibang tao."

   "Salamat. Sana ay ganoon din ang turing mo kay Rain. Be patient with him. I know he could be stubborn sometimes."

   Madalas ho. Gusto ko sanang isagot pero sa halip ay ngumiti lang ako at tumango.

   "Pero tiyagaan mo na. Tutal naman ay konting araw na lang at makakabalik ka na sa akin."

   Muli akong tumango at mayamaya pa ay nagpaalam na ako para umuwi.

   Kahit naman hindi sabihin ni Mrs. Monteclaro ay iyon ang gagawin ko. Ang pagtyagaan ang ugali ni Rain. Kahit minsan, wala sa lugar ang kasungitan niya.

   Kahit sobrang moody niya. Kahit mas madalas niya akong tawaging midget, idiot, silly, stupid, kaysa sa totoo kong pangalan.

   Kahit madalas ay mahirap intindihin ang itinatakbo ng utak niya.

   Why?

   Dahil gusto ko siya.

   Gusto ko si Rain.

   "Gusto kita, Rain!" Sigaw ko sa hangin habang tinatahak ko ang kahabaan ng savanna pauwi sa lugar namin.

   "Go, boy! Shout out for love! Woo!"

   Nag-init ang pisngi ko nang sumigaw sa akin ang isa sa dalawang babaeng nakasakay sa likod ng pick up at nagkakatuwaan.

   Kumaway pa sila at ang isa ay nag-flying kiss habang papalayo na ginantihan ko rin ng ngiti at kaway.

•••

   "Kain na!"

   Sakto. Katatapos ko lang isampay ang pinakahuling damit na nilabhan ko.

   "Wow!" Bungad ko pagpasok sa kusina. "Mukhang mapapasarap ako nang kain."

   "Maupo ka na, 'nak. Niluto ko talaga ang paborito mo." Ani Mama at ipinaglagay pa ako ng kanin sa plato.

   Ginagawa naman niya iyon nang madalas pero parang may kakaiba ngayon. Naupo na lang ako at hindi masyadong pinagtuunan iyon ng pansin.

   "Kuya."

   "Hmm?" Nilingon ko ang kambal na katatapos lang maghugas ng kamay.

   "Sasama ka na ba kay Ichigo?" Si Jinn.

   "Ichiro. Saan mo naman narinig 'yan?" Saglit akong sumulyap kay Mama. "Kain na, 'ma."

   "Noong nandito siya, English 'yun eh. Basta sabi niya isasama ka niya sa bahay niya. Iiwan mo ba kami?" Maging si Junno ay nakatingin lang sa akin at hindi ginagalaw ang pagkain sa plato niya.

   Ngumiti ako at inabot ang buhok ni Jinn saka ginulo.

   "Syempre hindi. Bakit ko naman kayo iiwan?"

   "Eh kasi may kuya ka na. Si Ichigo." Sagot naman ni Junno.

   "Ichiro 'yon. Saka ano naman kung may kuya na ako? Basta 'di ako aalis. Kumain na nga tayo."

   "Kahit maganda 'yung bahay niya?"

   "Kahit may kotse?"

   "Kahit mayaman?"

   "Kahi--."

   "Ssshh. Sssh! Kain na. Kung kuya ko si Ichiro. Kuya niyo na rin siya. Kaya kung sasama ako sa kanya isasama ko kayong lahat."

   Sumimangot si Jinn habang si Junno naman ay nagsimula nang kumain. "'Yoko kay Ichigo. Ingglisero. Ang hirap intindihin, 'di ba Junno?"

   Nagkibit-balikat lang si Junno na ikinangiti ko. Alam kong hindi siya sang-ayon dahil sa kanilang dalawa, si Jinn ang walang hilig sa English subject.

   "'Wag kayong mag-alala, bukas kasama nating magsisimba si Ichiro. Para makilala niyo siya." Nilingon ko si Mama na nakikinig lang sa amin. "Okay lang ba, 'Ma?"

   "Oo naman. Ah," Tumikhim muna si Mama bago nagpatuloy. "May ipagpapaalam din ako sayo, 'nak. Pero mamaya na lang pagkatapos kumain."

   Nakangiting kumunot ang noo ko. Hmm. Bakit parang may ideya na ako kung ano ang ipagpapaalam ni Mama? Dahil ba iyon sa malikot niyang mata at bahagyang pamumula ng pisngi?

   "Okay, 'Ma." Patay-malisya kong sagot at nagsimula na rin akong kumain.

  
•••

   "Talaga, 'Ma?"

   "Ano sa tingin mo, anak? Okay lang kaya?" Puno ng alinlangang tanong niya.

   "'Ma," inakbayan ko siya at inayos ang balabal sa kanyang balikat. "Kung ang inaalala mo ay ang iisipin ng ibang tao, hindi ka magiging masaya. Alam mo 'yon, mabuti man o masama ang gawin mo, may masasabi at masasabi ang tao. Laging may masasabi ang tao."

   "Yun nga anak." Tumingala si Mama sa langit na napapalamutian ng milyong milyong bituin. "Paano kung pati kayo maapektuhan ng sasabihin ng ibang tao? Ang kambal."

   Bumuntong-hininga ako at pumalatak.

   "'Ma, wala naman akong nakikitang masama, lalabas lang naman kayo ni Mang Bert. Single ka, single si Mang Bert. Anong masama ro'n?"

   "Sigurado ka? Paano kung pagchismisan kami? Baka pati pag-aaral ng mga kapatid mo, maapektuhan. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon."

   "Okay lang naman, 'Ma. Kaibigan na nga namin si Malik eh."

   "Tsaka wala namang nag-uusap na mga nanay sa school tungkol sa inyo ni Mang Berto."

   Sabay kaming napalingon ni Mama sa bintana kung saan nakasilip ang kambal.

   "Oy, bakit nakikinig kayo sa usapan ng matatanda? Saka sinong Malik iyong sinasabi niyo?" Sita ko sa dalawa.

   "Si Malik. 'Yung apo ni Mang Berto. Lagi nga naming pinagtatanggol ni Jinn iyon eh." Sagot naman ni Junno na sinang-ayunan ng tango ni Jin.

   "Kuu. Oh sige na. Doon na kayo. Masamang nakikinig sa usapan ng matatanda."

   Agad naman silang sumunod at isinara ang bintana.

   "Nasaan na nga tayo, 'Ma?"

   "Sa paglabas namin ni Berto."

   "Ah. Oo, ayon, sabi ko nga, 'Ma. Lagi lang akong nakasuporta sayo. Iyon naman ang mas mahalaga 'di ba? Saka kilala mo naman ang mga tao rito, hindi naman sila mapanghimasok sa buhay ng iba."

   Muli kong inakbayan si Mama nang makaramdam ako ng lamig. "Ganito na lang, 'Ma. Tatanungin na lang kita."

   "Ano 'yon?"

   "'Yung totoo lang, 'Ma ha?"

   "Ano nga?"

   "Gusto mo ba si Mang Bert?"

   Saglit na nag-isip si Mama na tila tinitimbang ang mga sasabihin.

   "Gusto ko siya bilang tao. Mabait, mapagmahal sa pamilya."

   "Ma, hindi iyon ang ibig kong sabihin, as in, gusto mo ba si Mang Bert. 'Yung, gustong maging boyfriend ganon, asawa mas maganda."

   Halatang nagpipigil lang si Mama ng ngiti pero bakas na bakas iyon sa mga mata niya kahit hindi ganoon kaliwanag sa pwesto namin.

   "Oh, sige na, gusto ko nga si Berto." Wari ay pabalewala niyang sagot. "Pero, hindi gaano." Dugtong niya na halata namang gusto lang niyang bawiin ang sinabi.

   "Ayieeeeeee."

   Muli ay sabay kaming napalingon sa bintana.

   "Ang mama pumapag-ibig. Ayieeee." Ani ni Jinn na sinabayan pa ng pagtaas taas ng kilay at nakakalokong ngiti.

   "Junno! Jinn!"

   Tinawanan lang nila si Mama at muli ay nawala ang maliliit na ulo sa bintana.

   Nangingiti kaming nagkatinginan ni Mama.

•••

   Maaga pa lang kinabukasan ay nasa bahay na si Ichiro. Kasalukuyan kaming gumagayak nang dumating siya.

   "Kuya, okay lang ba ang suot namin?"

   Pinasadahan ko ng tingin ang porma ng kambal. Maong pants, polo shirt, puti ang kay Junno at baby blue naman kay Jin, at sapatos.

   "Okay na okay. Tara na?"

   Matapos kong ayusin ang buhok nila ay lumabas na kami. Nakagayak na rin si Mama kaya sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay.

   "Otouto, you sit here in front."

   "Okay, sandali." Ipinagbukas ko ng pinto ang kambal at si Mama.

   Hindi kotse ang dala ni Ichiro ngayon kundi isang family van na kulay itim. Ilan kaya ang sasakyan niya?

   "Ready?" Nakangiting tanong ni Ichiro nang makasakay kaming lahat.

   Tahimik lang ang kambal habang nasa byahe kami at panay ang palihim na tingin kay Ichiro.

   "What's wrong?"

   "Ha?" Nag-angat ako ng tingin mula sa hawak kong cellphone.

   "Are you expecting a call? You've been checking your phone since we left your house."

   "Oh, ah. Hindi. Ahm, hehe."

   Ang totoo ay kanina ko pa hinihintay ang tawag o text ni Rain, kung sasama ba siya o hindi.

   Pero mukhang hindi naman siya interesado. Sabagay, baka iniisip niyang maa-out-of-place lang siya. Tsk. Syempre hindi ko naman hahayaan 'yon.

   Pero kung hindi niya gustong sumama ayos lang. Ako lang naman 'tong alok nang alok.

   Nang makarating kami sa simbahan ay nagsimula rin agad ang misa. Nakita ko pa si Mang Bert sa kabilang pew bago kami maupo. Kinawayan ko siya at binigyan ng matamis na ngiti.

   Mamaya pagkatapos ng misa ay lalabas sila ni Mama kaya naman kita ko ang excitement sa mukha niya. Gayun din naman si Mama, ayaw lang ipahalata.

   Nakapagitna sa amin ni Mama ang kambal at sa kaliwa ko naman ay si Ichiro. Wala akong alam sa kultura ng mga hapon pagdating sa pananampalataya. Pero tahimik lang si Ichiro at taimtim na nakikinig sa pari.

   Alam din niya ang ilan sa mga kanta. Though hindi buo, alam pa rin niya ang tono. Na ikinatuwa ko. Sabi nga niya, he's trying.

   Nang oras na ng sermon ng pari ay nag-focus na akong mabuti. Ito kasi yung parte ng misa na nagbibigay ng sermon at payo ang pari tungkol sa, well, sa lahat ng aspeto ng buhay.

   Ngayon ang topic niya ay ang pagpapalaki ng mga anak.

   "Sa panahon ngayon, masyado na tayong maluwag sa mga anak natin, tama? Daddy, bili mo 'ko no'n, Mommy bili mo 'ko n'yan. Tayo naman, sige, bili agad.

   "At ano ang katwiran natin? Kesyo ayaw kong maranasan ng mga anak ko ang hirap na naranasan ko noon. Kesyo gusto ko makuha ng mga anak ko ang mga hindi ko nakamit noon. Kesyo makain nila iyong mga hindi ko natikman noon. Kesyo ganyan, kesyo ganito. Tama ba?"

   Parang iisang taong tumango ang mga nakikinig habang mga nakangiti. Lahat ay pawang guilty.

   "'Di ba. Matanong ko lang." Patuloy ng pari sa mikropono. "Iyong mga paghihirap niyo ba noong bata kayo ay nagbunga ng masama?"

   May mangilan ngilang umiling at ang iba ay tila nag iisip.

   "Naging masamang tao ba kayo? Natuto ba kayong magnakaw? O gumawa ng mali? Hindi. Kung gayon, bakit hindi mo ipararanas sa anak mo kung ano ang naranasan mo noong bata ka, kung nagbunga naman ito ng maganda? Naging mabuting magulang ka nga eh, 'di ba?

   "Ang ibig ko lang sabihin, ang pagiging isang mabuting magulang ay hindi nasusukat sa kung gaano karami o kamahal ang mga materyal na bagay na naibibigay mo sa mga anak mo. Eh saan father?" Nakangiting tanong ng pari bago magpatuloy. "Simple lang, kung ang mga anak mo ay lumalaking may disiplina, respeto sa kapwa, may pagpapahalaga sa maliliit na bagay na meron sila. Then, isa kang mabuting magulang. Nage-gets niyo?"

   Nakangiti akong lumingon kay Mama sabay pisil sa balikat niya. Gusto ko lang ipabatid na isa siyang mabuting magulang sa amin hindi dahil sa materyal na bagay kundi sa mga pangaral at mabubuting asal na itinanim niya sa amin ng kambal.

   Nang matapos ang misa ay humiwalay na si Mama dahil may date pa sila ni Mang Bert. Nagbabago pa nga ang isip niya kaninang bago umalis kaya pinilit pilit ko pa siya.

   "So, where do you, guys, wanna go?" Tanong ni Ichiro habang naglalakad kami sa pathway ng simbahan.

   "Ahm, punta tayo sa theme park, malapit lang iyon dito, walking distance, paborito ng kambal 'yon eh."

   "Yes!" Panabay na react ng kambal.

   "Okay. Let's go."

   Maluwang ang theme park na iyon at doon dumidiretso ang karamihan ng mga taong galing sa misa. Malinis ang paligid at malilim. Nagkalat sa paligid ang mga mesa, wooden benches, ang iba ay sadyang nagdadala ng picnic blanket at inilalatag sa damuhan. Marami ring nagtitinda ng kung ano anong pagkain na karamihan ay pambata.

   "Anong gusto niyong bilhin?"

   "Cotton candy." Unang sumagot si Jinn.

   "Waffles ang sa akin." Segunda naman ni Junno.

   "Okay. Dito muna tayo sa waffles."

   "Come on buddy, I'll buy you a cotton candy." Yakag ni Ichiro kay Jinn.

   "Kuya." Hinging saklolo niya sa akin na ikinatawa ko.

   "Sige sumama ka na. Matagal pa 'to."

   "Come on." Nakangiting inilahad ni Ichiro ang kamay at alanganin naman iyong kinuha ni Jinn.

   "Paano 'pag kinausap ako ng english? Ano isasagot ko?" Bulong niya kay Junno.

   "Eh di um-okay ka lang tapos tawa ka ng konti. Ayos na 'yun."

   Bahagya akong natawa sa 'bulungan' ng kambal. Mukhang narinig din iyon ni Ichiro sa klase ng ngisi niya.

   "Tara na."

   Tila namamanghang napatingala si Jinn nang mag-tagalog si Ichiro. Hindi naman kalayuan ang nagtitinda ng cotton candy kaya nakikita ko pa rin sila. Kinarga pa ni Ichiro si Jin para makita kung paano iyon ginagawa.

   Mayamaya pa ay kung ano-ano nang pagkain ang bitbit namin. Hindi na ako tumanggi nang bayaran iyon lahat ni Ichiro.

   Nakahanap naman kami ng pwesto sa mesang nasa ilalim ng puno.

   "Alam mo, maganda rito kapag gabi. Nakita mo 'yung fountain na 'yon?"

   Sinundan ng tingin ni Ichiro ang tinutukoy ko at tumango.

   "May ilaw 'yan sa gabi. Iyon nga lang ay hanggang alas dose lang. Pero maraming namamasyal dito."

   "Like couples?"

   "Mm-hm. Karamihan."

   Tumango-tango siya at tumingin sa dagat.  Sa 'di kalayuan ay may pantalan. Parang Manila Bay pero mas malinis ang tubig at paligid. May mangilan ngilan ding nakaupo sa limang baitang na mahabang hagdan na nakaharap sa dagat.

   "I like this place. I'm glad I come with you."

   "Kuya, pwede na ba kaming maglaro?"

   Hindi pa ako nakakasagot ay nagtatakbo na si Jinn patungo sa maliit na playground para sa mga bata.

   "Sige, 'wag kayong masyadong maglikot ah?" Bilin ko kay Junno.

   Tumango lang siya at sumunod kay Jinn.

   "I like your brothers. They're very polite."

   Polite? Ang kambal? Hmm.

   "Ah, nahihiya pa sila sa'yo. Pero kapag nakilala mo sila, tingnan natin kung hindi sumakit ang ulo mo sa kakulitan nila."

   "Really? They seem nice."

   "Hmm. Mababait naman sila. Pero may pagkapasaway minsan."

   "What's pasaway?"

   "Ahm. Paano ba, pasaway. Ah makulit, matigas ang ulo, ayaw sumunod, ganon."

   "So they are pasaway?"

   "Minsan. Lalo na noong mas bata pa sila."

   "Ah. I think that's a natural thing about kids. Well, you are also pasaway."

   "Ha?" Napatingin ako sa kanya habang kumakagat sa waffles.

   "Let me have a bite." Kinuha niya ang kamay ko na may hawak ng waffles at kumagat.

   "Bakit naman ako naging pasaway?"

   "Because," Saglit siyang ngumuya at lumunok bago nagpatuloy. "You don't wanna live with me in my house. You don't want me to take care of you and spoil you. I wanna spoil you, you know."

   Nangingiti ko siyang binunggo sa balikat. "Hindi naman kasi ganoon kadali 'yon."

   "What? What's so hard about it?"

   "Well, ahm, gusto ko kasing magsimula sa mababa. Mas mainam kasi na pinaghihirapan ang isang bagay kaysa iyong nakukuha lang basta, alam mo 'yon?"

   "But what's mine is yours, too."

   "Hmm. Sige sabihin na nating tama ka. Pero pinagtrabahuhan mo 'yon. Ayokong basta na lang maki-share sa pinagpaguran mo. Gusto ko, paghihirapan ko rin ang akin."

   "Tsk. Come here." Bahagya siyang lumapit at inakbayan ako. "You know what, I hate you and I love you at the same time."

   "Ha? Bakit naman?"

   "I hate you because you keep on disobeying me and being pasaway. I mean, what I only want is to help you reach your goals and give you what you deserve from our family's fortune. But you always reject me. And I love you because you are so nice. And cute." Pinisil pa niya ang pisngi ko sa nanggigigil na paraan.

   "Aw!" Tinapik ko ang kamay niya at pabiro siyang siniko.

   "But I understand. I think you got that trait from our father. He, too, never took anything handed out to him. He worked for everything that he wanted. And I admire him for that. But this time, I'm being annoyed because you're being like that. Can't you be like that otouto and just accept everything I wanna give you?"

   Kahit nakangiti siya ay alam kong iyon talaga ang gusto niyang mangyari. Hindi naman ako nagpapakipot. Oo, hindi ko pinapalampas ang bawat opportunity na kumita. Pero iba naman ito.

   "Hayaan mo, nag-iipon na ako ng pang-enrol sa susunod na academic year. Kapag kailangan ko ng tulong ikaw ang una kong lalapitan."

   "Is that a promise?"

   "Oo. Promise, onii-san."

   "I really feel like you're only calling me onii-san to have it your way." Naniningkit ang mga matang ngumiti siya.

   "Effective ba?" Nakangisi kong tanong.

   "Hmm." Ginulo niya ang buhok ko at inagaw ang kinakain kong waffles.

   "So, ahm. Ikaw naman. Kwentuhan mo ako tungkol sayo."

   "Like what?"

   "Ahm. Kung anong hilig mo. Or kung may nagugustuhan ka na ba? Kahit ano."

   "Well, there are girls that show interest. But they seem to like my wealth more than me." Natatawa niyang sagot.

   "Bakit naman? Gwapo ka naman ah. Saka mabait."

   "Hmm. I don't know. I haven't seen someone like you yet."

   "Like me?"

   "Yeah. You know, someone who doesn't go after my money."

   "Ah. Eh di makipag-date ka para mas makilala mo sila."

   "I'll think of it." Kibit-balikat niya.

   Nang magsawa ang kambal sa kalalaro at kapapa-picture sa life-sized Marvel heroes  sa park ay umalis na rin kami at naghanap ng makakainan dahil tanghali na rin. Sa dami ng in-oder ni Ichiro ay hindi namin iyon naubos kaya naman ipinabalot na lang namin.

   Dumaan pa kami sa mall sa kagustuhan din niya. At kahit anong tanggi ko ay ipinamili niya kami ng kambal ng mga damit at sapatos.

   "I'll never talk to you again if you refuse." Iyon ang lagi niyang sinasabi kapag tumatanggi ako kaya hinayaan ko na.

   Bago namin lisanin ang mall ay mayroon pa kaming dinaanan at this time ay handa talaga akong makipagpilitan kay Ichiro.

   "Sobra sobra na 'to Ichiro, hindi naman kailangan ng kambal ang cellphone."

   "Oh. So now, you're calling me by my name?"

   "Eh kasi, hindi naman nila kailangan 'yan."

   "You need phone, right, buddies?" Sa halip ay baling niya sa kambal.

   Tumingin sa akin ang kambal at lihim ko silang pinanlakihan ng mga mata. Kumagat sila sa labi at napipilitang umiling.

   "Miss, I'll take these two." Pambabalewala ni Ichiro sabay turo sa dalawang brand new phones na naka-display sa stand.

   "Everybody has a phone, nowadays. And I'm older than you, so you obey me. And call me onii-san." Seryosong baling niya sa akin. "And as for you, kids." Yumuko siya sa kambal at tila kuyang nangaral sa kanila. "You still focus on your studies okay? And once your grades drop, I will confiscate your phones, got it?"

   Nakangiting tumango ang dalawa na hindi maitago ang tuwa sa mukha.

   Pfft. Hindi ako kumibo at hinayaan na lang siya sa gusto niya.

   Mayamaya pa ay nasa byahe na kami at sobrang busy na ang kambal sa pagbutingting sa kanya kanya nilang cellphone. Marunong naman sila dahil kung minsan ay hinahayaan ko silang maglaro sa cellphone ko kapag nakayari sila ng assignment. Pero hindi ko pa rin gusto ang ideyang baka maging palaasa sila sa ibang tao.

   "So, you're giving me a silent treatment, huh?"

   Nilingon ko si Ichiro mula sa passenger seat.

   "Ang dami mo nang binili para sa amin. Sa tingin ko kalabisan na ang cellphone."

   "But they are happy. Look at them."

   Sinulyapan ko ang kambal at tama naman siya.

   "Syempre. Ayoko lang ma-spoil sila. Nakalimutan mo na ba iyong sermon ng pari kanina? Kapag nai-spoil ang mga bata nawawalan sila ng pagpapahalaga sa maliliit na bagay na meron sila."

   "Hey, kids, are you throwing away your old toys now that you have phones?" Tanong niya sa kambal sa rearview mirror.

   "Ano raw?" Bulong ni Jinn kay Junno na saglit na nag-explain.

   "Ah. Hindi po, Kuya Ichigo." Tugon ni Jinn. "Regalo iyon ni Kuya kaya itatabi pa rin namin, di ba Junno?"

   "Mm-mm." Maikling tugon naman ni Junno.

   "See? Relax. It's just a phone. And they promised to study harder, right guys?"

   Sabay ulit tumango ang kambal.

   "Siguraduhin niyo lang ha? Kundi, ako mismo ang kukuha ng cellphones niyo." Baling ko sa kambal.

   "Pramis!" Panabay pa silang nagtaas ng kamay.

   Siguro nga ay nag-o-over react lang ako. Pero, basta.

   "Just let me do the things I want, okay? I don't intend any harm."

   "Hindi naman sa ganoon."

   "Tsk. I know what you mean. You don't want to spoil them. But I do. I wanna spoil you, too. You're just too stubborn."

   "Ha! Ako pa talaga ang stubborn."

   "Well, I'm your kuya, I'm always right." Mayabang niyang sagot na sinundan pa ng ngisi. "But seriously, it's nothing. Don't worry about anything. I could've bought them laptops if you hadn't been so paranoid that they'd grow up spoiled."

   "Pfft. Ewan."

   Nang makauwi kami ay agad na dumiretso ang kambal sa loob ng bahay.

   "Are we good?" Tanong ni Ichiro nang makababa kami ng sasakyan.

   "Oo naman."

   "You're not upset with me?"

   "Hindi. Basta next time, makikinig ka sa akin."

   "I'm older. So it's you who should to listen to me."

   Sinimangutan ko siya na sinuklian niya ng tawa.

   "I'm kidding. Okay, fine. Just let it slip this time, yeah?" Tumunog ang phone niya na agad naman niyang dinukot mula sa bulsa at sinagot.

   Saglit siyang nakipag-usap bago muling bumaling sa akin.

   "I have to go now. I have to meet a client."

   "Pero Linggo ngayon."

   "Yeah. He'll be flying back to L.A. tomorrow morning so..."

   "Okay, ingat ka. Jinn, Junno! Aalis na si Kuya." Sigaw ko mula sa bakuran.

   Agad namang sumilip ang kambal sa bintana at kumaway.

   "Bye, Kuya Ichigo. Salamat po sa regalo."

   "Bye bye po, ingat po kayo, Kuya Ichigo."

   Kumaway rin si Ichiro at ngumiti sa kambal.

   "Why are they calling me Ichigo?"

   "'Di ko rin alam." Nakangiting kibit-balikat ko.

   "I'll get going. I had a wonderful time with you, otouto."

   Ginantihan ko ang yakap niya. "Ako rin, onii-san."

   "Hmm. Let's have a date sometime."

   Tumango ako habang ginugulo niya ang buhok ko.

   Nang makaalis siya ay saktong dumating naman si Mama. Uusisain ko sana ang date nila ni Mang Bert ang kaso ay tumunog ang phone ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.

   Si Rain.

   Nangingiti kong binasa ang message niya.

•••

   "Ahm, saan mo gustong pumunta?" Tanong ko habang nagmamaneho.

   Nang mabasa ko ang message niya ay agad akong nagpaalam kay Mama at dumiretso sa mansiyon ni Mrs. Monteclaro upang kuhanin ang kotse. At ngayon nga ay papalayo na kami sa condo ni Rain.

   "Kahit saan. Nakakainip sa condo." Hindi tumitingin na sagot niya at nasa labas lang ng bintana ang atensyon niya.

   Saglit akong nag-isip ng maaari naming puntahan sa ganitong oras. Hapon na at mayamaya lang ay magsisimula nang lumubog ang araw. Pero maliwanag pa naman.

   "Okay." Nakangiti kong sagot nang may maisip ako. Dadalhin ko na lang siya sa theme park na pinuntahan namin kanina.

   Tiyak na maganda ang sunset doon at pwede pa kaming manood ng lighting display ng fountain kapag dumilim. Kung sakaling aabutin kami ng ganoong oras.

   Yes. Exciting. Para kaming nagde-date.

•••

   "Park? Seriously?"

   "Sabi mo, kahit saan?" Kunot-noong tanong ko. Iba talaga ang isang 'to.

   "Whatever. Mas mainam na 'to kaysa sa condo."

   "Maganda rito. Lalo na ang sunset. Doon tayo sa hagdan."

   Tinungo namin ang kongkretong hagdan na may mangilan-ngilang nakaupo na tila naghihintay rin sa paglubog ng araw.

   May isang lalaking nakaupo sa concrete barrier ng dagat at naggigitara, sa harap niya ay may balanggot na hinuhulugan ng barya ng mga dumadaan.

   Parang biglang nangati ang mga daliri ko nang masulyapan ko ang pagtipa niya sa strings.

   Dapat pala ay nagdala rin ako ng gitara.

   "Ayan na. Ang ganda di ba?" Nakangiting tanong ko kay Rain habang nakaupo kami sa hagdan.

   "Hmm." Maikling sagot niya habang nakatitig sa papalubog na araw.

   Hindi man kami magkayap gaya ng karamihan sa magkakapareha sa tabi namin ay masaya ako na kasama ko siya.

   Isang dangkal man ang pagitan namin ay pakiramdam ay napakalapit ng puso ko sa kanya. Sana isang araw, magkaroon ako ng karapatan na hawakan ang kamay niya habang pinanonood ang pamamaalam ng haring araw.

   "It reminds me of someone."

   "Ha?"

   "Sunset. It brings back memories."

   Nilingon ko siya at kitang kita ko sa mukha niya ang isang maliit na ngiti. Iyong klase ng ngiti na may kahalong lungkot at pananabik.

   Hindi ko alam pero parang hinaplos ang puso ko. Kung gayon ay may magaganda at malulungkot na alaala siya during sunset.

   "Gaya ng?" Hindi ko napigilang tanong.

   Nagkibit-balikat siya at hindi sumagot.

   Hindi na ako nagtanong muli dahil pakiramdam ko ay sensitive ang topic na iyon. Sa halip ay nilapitan ko ang lalaking naggigitara na nakaharap sa aming mga nakaupo sa hagdan.

   Gusto ko lang pagbigyan ang sarili kong kumanta at maggitara.

•••

*Rain*

   Sinundan ko ng tingin si Haru nang lumapit siya sa lalaking nanghaharana.

   I wanted to tell him about Summer. Pero hindi ko magawang mag-open up tungkol doon. I don't know, I don't want him to see me that way. Ayokong makita niya ang side kong iyon. Ang malungkot na Rain.

   Maybe one day. Maybe.

   Saglit siyang nakipag-usap sa lalaki at mayamaya pa ay nagsimula na siyang tumipa sa gitara.

   Tila nakuha naman niya ang atensyon ng ilang taong nakaupo rin sa malapit sa pwesto namin.

   Wise men say only fools rush in.
   But I can't help falling in love with you
   Shall I stay?
   Would it be a sin
   If I can't help falling in love with you?

   Like a river flows surely to the sea
   Darling so it goes
   Some things were meant to be

   Take my hand, take my whole life too
   Coz I can't help falling in love with you

   Like a river flows surely to the sea
   Darling so it goes
   Some things were meant to be

   This time ay sumasabay na ang karamihan sa mga nakikinig. Ang ibang naglalakad ay saglit pang tumigil at nakisabay sa pagkanta.

   Oh take my hand, take my whole life, too
   Coz I can't help falling in love with you
   Coz I can't help falling in love with you

   Nang matapos siyang kumanta ay nagpalakpakan pa ang mga manonood at ang iba, malamang ay magkasintahan, ay nagpalitan ng masasayang halik.

   For a moment I also wanted to walk up to Haru and kiss him. It felt like he sang it for me. But I couldn't take that risk.

   Kaya nakuntento na lang akong panoorin siya nang ulitin niya ang kanta dahil na rin sa request ng magka-kasintahang nanonood.

   There was one thing I couldn't help though. It was the beating of my heart while he sang. It felt so... comforting.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

29.5K 2.2K 39
Kisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa...
923K 4.8K 6
[COMPLETED] Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin...
77.8K 2K 11
Paano mo makakalimutan ang taong una mong minahal? © JayceeLMejica, 2014
2.3M 59K 56
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...