Hunyango (Published under Bli...

Serialsleeper

1.9M 103K 68.3K

Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbab... Еще

Note
Epigraph
just a little heads up
1 : Lucky Savi
3 : Serial Killer Paradise
4 : The longest night
5 : Or so she thought
6 : Immune
7 : New kind of Burn
8 : Coocoo
9 : The Family
10 : Discovery
11 : Bloodshot
12 : Retrace
13 : Could it be?
14 : Trick
15 : Doppelgangers
16 : Provoked
17 : Pieces
18 : Dead Ringer
19 : Teamwork
20 : Hunyango
21 : Truth or Trick
22 : Wrong place at the worst time
23 : People like us
24 : Purpose
25 : Not so lucky Savi
26 : The Lucky one
27 : The Quicksand
28 : Consumed
Epilogue
Good News!

2 : Torryn Grove

80.2K 3.8K 4.7K
Serialsleeper



"Is everyone here?" Huling tanong ni Sir Dalton habang nakatayo sa unahang bahagi ng bus at nakahawak sa metallic pole, katabi lang ng driver's seat.

"Opo," ako ang sumagot lalo't nasa akin ang pinal na listahan ng mga pupunta. Nasa akin din kasi ang mga parental consent at waiver. 

"How about Ameera and Greg?" kunot-noong tanong ni Liam.

"Ameera called last night, may lagnat kaya hindi makakasama. Greg on the other hand got grounded," paliwanag ko na lang.

"How about supplies? Tents? Pagkain? Tubig? Toilet Paper? Pagkain? at PAGKAIN?!" Scotty chimed, putting great emphasis on the love of his life—food. This guy is unbelievable. Pagkain at Skateboard lang ata ang laman ng isip niya. 

"Gotchu fam," sabi ko na lang sabay kuha ng isang pack ng oreos mula sa plastic bag na dala ko. Hinagis ko ito at excited na itinaas ni Scotty ang kamay, kaso mukha niya ang nakasalo nito kaya tawanan kaming lahat.

"Really Savi? A plastic bag?" Pasaring ni Liam sabay tingin sa dalawang plastic bag sa paanan ko.

"Chillax, Liam! She'll properly dispose it naman! SI Savi pa!" Kelsey quickly came to my rescue.

"Yeah Liam, better pull that stick outta your ass," dagdag pa ni Maya sabay halakhak.

Hindi ko na kailangan pang tingnan ang mukha ni Liam kasi sigurado akong sobrang iritado na siya sa dalawa, lalo na kay Maya. They love hating each other.

"By the way, before I forget, here's what I promised," simula ni Sir Dalton kaya napunta muli sa kanya ang buo naming atensyon. We cheered so much when we saw him pull out a big laundry bag from under one of the chairs. Alam na kasi namin ano ang laman nito.

Isa-isang inilabas at ibinigay sa amin ni Sir Dalton ang kulay Maroon namin na t-shirt kung saan may logo ng club namin sa harap. It's kind of ironic how GreenSavers ang pangalan namin pero Maroon ang club color namin. This the theater club's fault. Inunahan nila kami sa green.

"Okay, so before we head to Torryn Grove, sinong gustong mag lead ng prayer?" Anunsyo ni Sir Dalton at sa isang iglap natahimik ang lahat. Tahimik kaming nagtapunan ng mga tingin. 

"We are so going to hell," biro ni Jimbo at nakuha pang humalakhak.

"I'll lead," taas-noong nagtaas ng kamay si Kelsey.


Malaki-laki ang bus para sa aming sampu. Medyo mahaba-haba rin ang byahe kaya papalit-palit sila ng upuan, kung saan sila mas komportable. 

 3 hours into the road and next thing I know, naglatag na ng mantel sa gitna ng aisle sina Jimbo, Maya, at Scotty, naupo sila rito habang kumakain, parang nagpi-picnic lang. Hindi nila alintana na halos matapon sila sa tuwing pume-preno ang bus, sa katunayan parang nag-eenjoy pa nga sila. Nagtatawanan pa sa tuwing muntik silang masusubsob paharap. Para silang may sariling carnival ride.

Hinanap ko si Kelsey at napangiti na lang ako nang makitang tinabihan na talaga niya si Darius sa kinauupuan. She's trying to start a conversation pero mukhang hindi interesado si Darius. He doesn't even try to hide his annoyance towards her.

Sometimes I feel bad for Kelsey. She really likes Darius but the guy just keeps shutting her down. He's not even nice to her. I mean, Darius is nice to everyone but Kelsey... and Kelsey doesn't mind. She just likes him so much.

Liam on the other hand is too caught up with looking at the tall trees that we were passing by. I heard he really wants to be a botanist. I guess his passion was the main reason why he was elected President of the Club. 

Na-curious ako kung ano ang ginagawa ni Burn kaya pasimple rin akong lumingon at nakita kong nasa hulihang bahagi na siya ng bus, natutulog habang suot ang kanyang headphones, may sariling mundo. I always try not to judge people but Burn is different, he has already proven that he's an asshole so many times already.

"Ate Sav, mga ilang oras pa kaya bago tayo makarating sa Torryn Grove?" Precious asked. Nilingon ko siya at nakita kong nakahilig ang kanyang ulo sa direksyon ng salamin, pinagmamasdan ang naglalakihang mga punong nadadaanan namin.

"Medyo malayo-layo ang Torryn Grove mula sa Westpring City. I guess we still have about an hour or two before we reach it?" hula ko. 

"Maganda ba dun?" she asked curiously as she trailed her fingers against the glass.

"I haven't been there before but I've seen photos. It's a really beautiful small town," I assured her.

"Man, Torryn Grove is a cold paradise! Pagdating mo dun, parang wala ka sa Pilipinas dahil sa lamig! Puro pine trees, fogs, tapos may napakalaking view pa ng Mt. Torryn." Singit ni Jimbo sa usapan namin. Hindi ko alam na nakikinig pala silang tatlo nina Scotty at Maya.

"Nakarating ka na doon?" tanong ni Precious sa kanya. Umatras pa ako nang bahagya sa kinauupuan para magtagpo ang mga tingin nila.

"No, but I have a Facebook Friend who just moved to Torryn Grove. She's studying at Torryn Grove Academy and I swear, her photos are hella great!" Kwento pa ni Jimbo.

"That friend of your s, is she cute?" tanong bigla ni Maya habang dumudukot ng M&Ms. "Asking for a friend," dagdag pa niya sabay pabirong hawi sa buhok papunta sa likod ng kanyang tenga.  

"Bingi! She daw! She!" Halos sumigaw si Scotty sa tapat ng tenga ni Maya.

"Who says bawal akong pumatol sa She?!" And as expected from Maya, lumabas na naman ang pagiging siga nito. Pinanlisikan niya ng mga mata si Scotty kaya agad itong napagapang paatras dahil sa takot.

"Peace! Peace! Mabuhay ang mga bi! Mabu-bi! Get it? Mabu-bi!" Scotty said in a panic. Like he was using his words to save his dear life. 

Sa isang iglap bigla na lang umuga nang malakas ang bus kaya halos mapatalon at sumubsob din ang tatlong nasa sahig.

"My ass!" Tili ni Maya.

"Hold on, medyo malubak ang daan!" Sir Dalton warned us. "Scotty, Maya, Jimbo... you three might want to get to your proper seats," aniya pa.

Imbes na sundin ang payo ni Sir Dalton, nanatili sa sahig ang tatlo at inenjoy ang malubak na daan. Para talagang may sarili silang carnival ride. Panay ang reklamo nila sa masakit daw sa katawan at pwet ang pagdaan sa lubak pero panay pa rin ang tawanan nila. This three are a different breed of people.

"My ass will be all bruised up after this bumpy ride!" Reklamo ni Scotty pero tawa pa rin nang tawa. Ganun din sina Maya at Jimbo.

"Idiots..." mahinang pasaring ni Liam sa tatlo pero nakita kong sumilay ang maliit na ngiti sa mukha niya.

When the road became smooth again, all three heaved a sigh of relief. Pagod na pagod ang tatlo dahil sa kalokohan nila. Kaso, hindi pa sila nakakabawi nang biglang kaming lumiko at dahil dito ay halos gumulong na naman sila sa sahig. Si Jimbo na nasa unahan ay halos mapunta sa driver's seat samantalang si Scotty naman ay muntikang sumubsob patungo sa hita ni Liam.

"Tingnan mo ang mga tangang 'to," natatawang sambit ni Kelsey kay Darius pero as usual, parang hangin lang si Kelsey kay Darius. I like minding my own business pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin si Darius mamaya.

Parang nadala na ang tatlo, kanya-kanya na silang gapang patungo sa mga pinakamalapit na upuan at naupo na nang maayos. Naupo si Scotty sa tabi ni Liam samantalang nasa likuran naman nila sina Jimbo at Maya. 


Parang walang hanggan ang paliko-likong daan. Medyo matarik din kaya maingat si Sir Dalton sa pagmamaneho at mahigpit naman ang hawak namin sa arm rest. 

Sa kasagsagan ng byahe, napadungaw ako sa bintana at namangha ako nang matanaw ko ang Mt. Torryn.  The word Beautiful wasn't enough to describe Mt. Torryn. It was more than beautiful with the way the clouds seemed to shelter its peak; with the way it looked so green and lush.

Matagal din bago muling naging patag ang dinadaanan namin. Halos isang oras din yata iyon. Hindi nagtagal, napansin namin ang presensya ng mga hamog sa labas. Kumapakapal na rin ang nagtatasang mga puno at halaman.  Ilang sandali pa ay natanaw na namin sa wakas ang napakalaking arko kung saan nakaukit ang mga salitang  "Welcome to Torryn Grove".

Bago pa man namin ito nadaanan, bigla na lang huminto ang bus. Bago pa man kami nakapagtanong kay Sir Dalton, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang sundalo. Napalunok ako nang makita ang mataas na kalibre ng baril na nakasabit sa balikat nito.

"Magandang Umaga," bati sa amin ng Sundalong nasa early 30's niya ata. Medyo makapal ang bigote sa mukha at medyo strikto ang dating. Napansin ko agad ang malaki at pahalang na peklat sa ilalim ng kanyang kaliwang mata.

"Magandang Umaga," kanya-kanya naming bati.

"Anong pakay ninyo sa Torryn Grove?"  tanong niya gamit ang maotoridad na boses. Hindi ko inakalang mahigpit pala ang seguridad sa Torryn Grove.  Sa pagkakaalam ko naman may mga pampublikong bus na dumadaan dito, hindi nga lang masyadong marami.

"Magca-camping at magtatanim ng seeding sa malapit sa Mt. Torryn," magalang na sagot ni Darius.

Tumayo si Sir Dalton at nakipag-kamay sa sundalo. "Ako si Professor Dalton Samaniego mula sa Wespring University at sila ang mga estudyante ko. Nakapag-secure na kami ng permit na magca-camping kami at magtatanim doon."

The soldier didn't say anything. Instead, he just looked at our faces one by one. Hindi ko alam pero may kakaiba sa mga mata niya, kung paano siya makatingin sa amin. Parang isa-isa niya kaming kinikilatis at tinatandaan.

"Disiplinado ba ang mga estudyante mo sir?" Seryoso nitong tanong. Pakiramdam ko nga isa iyong pasaring.

"Opo. May makulit pero matitino naman silang lahat," paniniguro ni Sir Dalton. Gusto kong matawa. Matino? Baka nakakalimutan niyang kasama namin si Burn?

"Nakasara ngayon ang Mt. Torryn kaya bawal kayong umakyat pero pwede kayong tumuloy sa base camp. Siguraduhin lang sana ninyo sir, na wala sa inyo ang aakyat o lalagpas man lang sa boundary ng base camp." The Soldier was firm on every word that he uttered. He even looked at us, like he wanted us to listen and do whatever he says. In a way, it also felt like threatening.

"Anong meron bakit bawal?" Nagulat si Sir Dalton. Kami rin.

"Delikado," tipid na sagot ng sundalo. "Kung ako nga sa inyo, babalik na lang ako sa pinanggalingan ninyo." 

Nagkatinginan kami ni Maya. Kapwa kunot-noo. Pagbabanta ba iyon?

"We can't do that. We traveled this far already," protesta bigla ni Liam. Tumayo ito mula sa kinauupuan at bahagyang lumapit sa sundalo. "Ano po ba ang problema? Nag-double check po ako kaninang umaga at okay naman ang panahon sa Torryn Grove, walang bagyo o o anuman. At sa pagkakaalam ko, hindi na aktibo ang Mt. Torryn."

"Delikado," tipid na sambit muli ng Sundalo at patuloy kaming tinapunan ng kakaibang tingin

"Guys, ganito lagi sa horror movies. Bumalik na lang kaya tayo?" biglang bulalas ni Scotty kaya mabilis siyang sinamaan ng tingin ng iba pa naming mga kasama.

"Andito na tayo, tumuloy na tayo," giit pa ni Kelsey. "Diba Darius?"

Akala ko hindi na naman kikibo si Darius pero bigla itong tumango bilang pagsang-ayon, bagay na ikinatuwa ni Kelsey. 

"Sige sir, susundin namin ang payo mo," magalang na sambit ni Sir Dalton sa Sundalo. "Hanggang sa Base Camp lang kami at hindi na lalagpas pa mula doon."

"Yesss!" Liam, Maya, Jimbo, Kelsey, and Darius clapped and even cheered while the rest of us stayed quiet.

Ewan ko ba pero bigla rin akong kinabahan. Ano bang meron at bawal kaming umakyat? Bakit parang may mali?

"Mag-ingat kayong lahat at sundin ninyo ang sinabi ko," huling paalala ng sundalo bago tuluyang bumaba mula sa bus.

"That was weird..." Mahinang sambit ni Precious.


Nagpatuloy kami sa byahe. Nang marating ang sentro ng Torryn Grove, sobra kaming namangha dahil sa ganda ng lugar. Malinis rin at mukhang disiplinado ang mga tao hindi gaya sa Westpring kung saan ako pinanganak at lumaki. Sa totoo lang, parang normal na probinsya lang siya, iyon nga lang ay mukhang medyo malamig talaga sa labas. Hindi maaraw pero mukhang hindi rin naman uulan. 

Jimbo wasn't kidding, kahit nasa siyudad kami, pansin pa rin namin ang fogs sa paligid. Mula rito ay mas tanaw namin ang napakalaki at napakagandang Mt. Torryn. 

Marami ring tao at halos lahat sila ay nakasuot ng mga jacket at makakapal na damit. May mga coffee shop at sobrang relaxed tingnan ng mga customer na nakatambay sa mga outdoor table. Nagkalat din ang mga pine trees sa paligid.

"I want to live here," bulalas ni Precious. "It looks so clean and peaceful here," aniya pa.

"I agree with you on that one." Natawa ako.

"Sir, sight-seeing muna tayo!" pagyayaya ni Kelsey.

"Bukas na, mukhang malapit nang dumilim. Mahihirapan tayo patungo sa base camp kung ganito," si Liam ang sumagot na sinang-ayunan naman ni Sir Dalton.


Nagpatuloy kami sa byahe hanggang sa mga nagtataasang mga puno na naman ang nadadanan namin. Wala na ang mga establishmento at mga bahay. We were surrounded by nothing but Nature again and it was utterly beautiful. Kanya-kanya na kami ng kuha ng mga litrato.

Alas-kwatro pa lang pero unti-unti nang dumidilim ang dinadaanan namin, dumadagdag pa ang makapal na hamog kaya pinaandar na ni Sir Dalton ang ilaw sa loob ng bus at pati na rin ang headlights. Wala na kaming bahay na nadadaanan, puro kakahuyan at nagtataasang damo na ulit.

"Nasa Silent Hill ba tayo?" narinig kong sambit ni Scotty.

"could be The Mist?" biro ko dahilan para mapalingon sa akin si Scotty sabay ngisi at thumbs-up.

"The ending of that movie destroyed my childhood," komento bigla ni Jimbo.

"Feng Shui made me cry and run out of the cinema," komento naman ni Maya.

"You noobs have clearly never watched House of 1000 corpses," komento bigla ni Liam. Akala ko di siya nakikinig sa usapan kasi hindi maalis ang tingin niya sa bintana. 

"Damn! I agree on that one! House of 1000 corpses was one sick film! Runner up lang ang Human Centipede at Husk," Scotty said in amusement.

"Wait, is that a woman by the side of the road?" biglang tanong ni Kelsey kaya napatingin kaming lahat sa unahan at natigil sa aming usapan.

I raised my head a bit and Kelsey was right, there's a woman just ahead of us. Nakasuot siya ng mahabang palda at sweater na kulay puti, walang ibang dala. She was smiling as she raised her hand, as if she's trying to catch our attention.

Sa di malamang dahilan, bigla akong kinilabutan. 

"Sir, mukhang gusto atang maki-hitch ng babae," sabi naman ni Darius.

"No!" Biglang bulalas ni Scotty kaya napunta sa kanya ang atensyon naming lahat.

"Anong No? gago ka ba? Eh bilang nga lang sa daliri ang mga sasakyang nakakasalubong at nakakasabay natin! Hindi ka ba naaawa sa babae?!" Bulalas ni Maya at binatukan pa bigla si Scotty.

Napaisip ako bigla... anong ginagawa rito ng babae? Saan siya galing? May mga bahay ba sa malapit? Kung tutuusin, mukhang malayo kami sa kabihasnan.

"Hindi ba ninyo napanood ang The Hitcher at The Texas Chainsaw Massacre? Napahamak sila dahil sa naki-hitch sa kanila!" Protesta ni Scotty.

Si Jimbo naman ang kasunod na nambatok kay Scotty. Medyo malakas kaya halos masubsob si Scotty sa upuang nasa harapan. "'Yan napapala mo kakanood ng horror movies eh!"

"I... think Scotty is right." Hindi ko na napigilang magtaas ng kamay. Nakakatakot isipin na baka parte ng isang sindikato ang babae at isa ito sa mga bago nilang modus.

"Thank you!" Sigaw ni Scotty sabay palakpak at turo sa akin.

"Savanna?!" Kapwa bulalas nina Kelsey at Maya. Nagulat sila dahil sa sinabi ko.

Huminga ako nang malalim at napalunok. "I mean, hear me out, hindi natin kilala ang babae. And what is she even doing in this part of the city all alone and on her own? What if--" nahinto ako sa pagsasalita nang biglang hinawakan ni Precious ang braso ko.

"Ate," agap ni Precious sa akin.

Nahinto ako sa pagsasalita nang mapagtantong nakahinto na pala ang bus, nakabukas ang pinto at papasok na ang babae.

Natahimik kaming lahat nang pumasok ang babaeng medyo matanda na. Mukhang nasa mid-to-late 40's na siya. Nakatali ang mahaba nitong buhok at nakakaagaw pansin ang kwintas niyang animo'y makakapal na batong kulay itim. 

Pilit kong winakli ang kakaibang kaba na nararamdaman ko. Siguro napa-praning lang ako. Siguro nasobrahan lang ako sa panonood ng SOCO at pagbabasa ng dyaryo sa library. Siguro nangangailangan lang talaga ng tulong ng babae at napakasama ko para ipagkait 'yon sa kanya samantalang napakaraming estranghero na tumutulong sa akin.

Oh God, I'm such a hypocrite. Strangers are helping me almost every day but here's a stranger asking for help and I almost convinced them not to help her. 

"Saan po kayo patungo, Ma'am?" Magalang na tanong ni Sir Dalton habang nakangiti.

Imbes na sumagot, nanatili sa kinatatayuan ang babae habang may malapad na ngisi. Gaya ng Sundalo kanina, isa-isa niya kaming tiningnan... tinitigan.

Bumalik ang kaba at kilabot na pilit kong winawakli lalo na nang nagsimula siyang humakbang patungo sa amin. Mabagal ang kanyang mga hakbang at palipat-lipat ang kanyang mga tingin sa amin.

"I told you--" nagsimulang mag-protesta si Scotty pero mabilis na tinakpan ni Maya ang kanyang bibig.

"Ma'am saan kayo patungo?" Tumayo si Liam mula sa kinatatayuan at siya na mismo ang nagtanong muli.

"Saan ba kayo patungo?" tanong pabalik ng babae na sa pagkakataong ito ay sa natutulog nang si Burn nakatitig.

"S-sa Base Camp kami ng Mt. Torryn," si Jimbo ang sumagot.

"Doon din ako," naupo sa bakanteng upuang nasa likuran namin ni Precious.

Wala sa sarili akong napalunok. Kumurap ako at nang dumilat ay pansin kong nakalingon at nakatingin sa akin sina Kelsey at Scotty.

Kelsey was smiling at me as if she was telling me it's okay and that I have nothing to be afraid of while Scotty was looking at me with a doomed expression.

Nang magsimula ulit na umandar ang bus, napabuntong-hininga ako.

"Ano pong ginagawa ninyo sa gitna ng kawalan? Ba't kayo mag-isa?" biglang tanong ni Scotty sa babae. Kahit kinakabahan, napalingon din ako sa babae.

Pero hindi nagsalita ang babae, tumango lang ito habang may ngiti sa halos walang kulay niyang labi.

"Bingi ba siya?" narinig kong sambit ni Kelsey.

"Ale, ano pong ginagawa niyo doon? May bahay po ba roon?" Sa pagkakataong ito, si Maya naman ang nagtanong. 

Muli, hindi sumagot ang babae. Ngumiti lang siya at isa-isa kaming tiningnan.

"Siraulo ata?" bulong ni Precious sa akin.

"Ale?" Ako na mismo ang kumuha sa atensyon ng babae dahilan para tumitig ito sa akin habang may ngiti sa kanyang mukha. Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa kilabot na biglang dumaloy sa akin.

"Maganda kang bata," aniya habang nakatitig sa mga mata ko. 

"S-salamat po," nai-ilang kong sagot. Nagtawanan naman agad sina Maya at kinantyawan pa ako kaya kahit ako ay natawa rin. 

"Siguradong masarap kang maging hapunan," dagdag bigla ng babae saka dinilaan ang kanyang labi. 

Nanlamig ang buo kong pagkatao at nanigas ako sa takot dahil sa kanyang sinabi. Lalo pa akong kinilabutan nang lumakas nang lumakas ang kanyang  matinis na halakhak.

"Bitch what the hell did you just say?!" Narinig kong sumigaw si Maya.

"I told you! Bad idea! Bad idea!" Pati si Scotty.

"Okay that's it! Get the hell off this bus!" Bulalas naman ni Jimbo na agad tumayo mula sa kinauupuan.

"Sir Dalton stop the bus!" Sigaw ni Kelsey.

"Anong nangyayari diyan?!" Tanong ni Sir Dalton sabay hinto ng bus.

Mabilis na tumayo sina Maya at Jimbo, pati na rin sina Darius at Liam. Panay ang halakhak ng babae kahit na hinila na siya nina Jimbo at Maya patayo. Kahit si Sir Dalton ay lumapit na rin at sapilitang at tulong-tulong sila nina Darius at Liam sa pagpapalabas sa babae.

"Ate, okay ka lang?" tanong ni Precious sa akin.

Napalunok ako at tumango-tango. Nanginginig pa rin ako at nanlalamig pero sa kabila nito ay palagay na ako lalo't nasa labas na ang babae at sinara na ni Sir Dalton ang pinto.

Mabilis na pinaandar ni Sir Dalton ang Camper Bus. Mabuti na lang at hindi na rin humabol ang babae. Nakatayo lang siya sa gilid ng daan habang tawa nang tawa.



|end of 2 / Thank you!|


Продолжить чтение

Вам также понравится

17.3K 625 15
Basahin ito mabuti dahil ito ay istorya mo. Kasunod na istorya ito ng Seen 10:27pm
Runaway Reynald

Детектив / Триллер

64.6K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...
935K 45.5K 17
"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes Dondy and he's coming for you." (Taglish...
6.6K 576 21
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...