Baka po maguluhan kayo. Yung mga naka tabingi po, yun po yung nasa isip ni Devann. Tapos yung normal lang, 3rd person po. Yun lang! :)
--
"Ah... Hi? Hehe ^_^V" sabi ni Devann na halatang kinakabahan.
"Bakit mo tinanggal yung sunglasses ko?"
Omooo! Yung hininga niya... ang- ang sarap. \^0^/ I mean, amoy Great Taste White kasi. Favorite ko yun eh.
Tapos, parehas pa pala kami ng gamit na kape. Ayeee soulmates kami! Haha!
Nagising tuloy lalo diwa ko dahil sa hininga nyang amoy kape. Hehe!
Hindi magawang masagot ng dalaga ang binata dahil tila nahipnotismo siya sa mata... at sa hininga nito. XD
"Ang ganda pala ng mata niya. Wala naman palang diperensya. Eh bakit siya nagsusuot ng sunglasses?" -- sa isip ni Devann.
"...Naka contact lense kaya siya?" hindi namalayan ni Devann na nasabi niya pala ng malakas ang nasa isip niya.
"AHEM! Una sa lahat, maganda talaga mata ko. Pangalawa, wala naman talaga tong diperensya. Sino nag sabi sayo? Sasapakin ko -,- Pangatlo, hindi ako naka contact lense. Natural yan. At HULI. Bakit ako naka sunglasses?--"
"Ayan na sasabihin niya na. Sabihin mo na dali wag ka na pa intense!" -- sabi ulit ni Devann sa isip.
Pero sinigurado na nya, na this time, hindi niya na nasabi ito out loud. XD
"Wa.la.ka.na.dun"
Biglang bumagsak ang balikat ni Devann at bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.
"Wahahahahaha! Joke lang! Ikaw naman, di mabiro. Iyak ka na agad eh!"