UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)

By Vis-beyan28

131K 1.7K 124

Her name is Jami Santillan. A girl who actually believes in love but when her boyfriend leave her without a w... More

{Prologue}
{Author's Note}
{Chapter 2- Organization}
{Chapter 3- Santillan's Mansion}
{Chapter 4- The Transferee}
{Chapter 5- First day, First fight}
{Chapter 6- Misinterpret?}
{Chapter 7- New member}
{Chapter 8- Suffer}
{Chapter 9- Party}
{Chapter 10- The plan}
{Chapter 11- Truth}
{Chapter 12- Fear}
{Chapter 13- Her Song}
{Chapter 14- Secrets}
{Chapter 15- Partner}
{Chapter 16- Past}
{Chapter 17- Two is better than one}
{Chapter 18- Hide and seek}
{Chapter 19- Only find out}
{Chapter 20- The one}
{Chapter 21- Start}
{Chapter 22- La Costalhine}
{Chapter 23- Pernos Gate Gang}
{Chapter 24- Vien}
{Chapter 25- His Help#1}
{Chapter 26- Last First kiss}
{Chapter 27- Second Step}
{Chapter 28- Present}
{Chapter 29- It's Time}
{Chapter 30-Confession}
{Chapter 31- His Letter}
{Chapter 32- Birthday Party}
{Chapter 33- Heartbreak Girl}
{Chapter 34- Feelings}
{Chapter 35- Contented}
{Chapter 36- Choose}
{Chapter 37- Risk}
{Chapter 38- Blame}
{Chapter 39-Baka}
{Chapter 40- Like}
{Chapter 41-Meeting his parents 1}
{Chapter 42- Meeting his Parent 2}
{Chapter 43- Busted}
{Chapter 44- Cold}
{Chapter 45- Regrets}
{Chapter 46- First Love}
{Chapter 47- Chase}
{Chapter 48- Loving you}
{Chapter 49- Love}
{Chapter 50- Kiss}
{Chapter 51- Questions}
{Chapter 52- Dinner date}
{Chapter 53- Christmas}
{Chapter 54- Problem}
{Chapter 55-Fight}
{Chapter 56- Apart}
{Chapter 57-Back}
{Chapter 58-Accident}
{Chapter 59-Suspect}
{Chapter 60-First time}
{Chapter 61-Connection}
{Chapter 62-Suspect}
{Chapter 63-Confirmation}
{Chapter 64-Awake}
{Chapter 65-Date}
{Chapter 66-President Melendez}
{Chapter 67-Kiss}
{Chapter 68-Past}
{Chapter 69-Emotionless}
{Chapter 70-Father and Son}
{Chapter 71-Mirrage}
{Chapter 72-A friend}
{Chapter 73-New Santillan}
{Chapter 74-Offer}
{Chapter 75-Mrs. Vellarde}
{Chapter 76-Last page}
{Epilogue}
{Announcement}

{Chapter 1- Guarded}

5.2K 98 2
By Vis-beyan28

Jami's POV

"Bwahahahahaha! Hahahaha!"-tawanan naming lahat. Pakshit! Hahahaha! Nakakatawa itsura niya!

Nagpapa recite kasi si Mr. Castillion, tapos tinawag niya ang kaklase naming lalake at nung tumayo na siya ay nasama ang upuan niya dahil may glue ito! Bwahahaha! Kingina, yung mukha niya pulang pula!

"Class quiet!!!"-suway ni Mr. Castillion saming lahat. Tumigil naman kaming lahat pero hindi ko mapigilang mapa bungisngis! Bwahahaha!

"What happened to you Mr. Natividad?!"-taas kilay na tanong niya kay natividad. Si natividad ay mura ng mura pero nakaupo lang siya dahil nahihirapang makatayo ang ulupong.

"I-i don't know sir"- naiinis na sagot niya habang pilit na tinatanggal ang pagkakaupo. Pigil na pigil ko ang pagtawa. Para kasi siyang bibe na ewan! Hahaha!

"Who did this!"-inis na bulyaw samin ni Mr. Castillion habang sinusuri kami isa isa. Napabungisngis naman ako sa tawa. Eh sa hindi ko mapigilan eh! Tsk. Bahala mapagalitan.

Siniko naman ako ni sam na nasa kanan ko para hindi makahalata si mr. castillion. Pero hindi ko mapigilan.

"Ms. Santillan"- sigaw niya sakin at tinuro pa ako ng bahagya. Nagsitinginan naman lahat sakin at nanlilisik ang mga mata ni natividad. Napakagat labi ako upang pigilan ang pagtawa ko.

*katahimikan*

"Uh-oh"-bulong ni thara sa kaliwa ko. Ang bilis maka amoy ang castillion na to ah? Tsk!

"Did you do that?!"- tanong niya at tinuro si natividad na hirap na hirap sa pagtatanggal sa kanyang upuan. Lalo na naman akong napa bungisngis!

"MISS SANTILLAN!!"- gigil na bulalas ni castillion sa akin. Tangina! Ang lakas nun ah! Halos mapadaing pa ako at matigilan sa pagbungisngis. Nakakarindi ang bunganga ng matandang ito! Ke tandang tao ang lakas sumigaw! Tss. Naman oh!

"Bakit sir?"- kalmadong tanong ko. Nagpapainosente!

Nangunot naman noo niya. Dinig ko namang napa bungisngis ang dalawa kong katabi. Tsk. Nakita tuloy ako.

"Did you do that to mr.natividad?!"- ulit niyang tanong at nagcross arm. Nakakunot noo parin.

Nadale na.

Inosente muna akong napatingin sa gawi ni natividad na ngayon ay sobrang talim na ng tingin niya sakin. Pagkatapos kong suriin siya napabaling ulit ako kay castillion. Naghihintay sa sagot ko.

"Yes sir."-walang kagana gana kong sagot at ngumisi ng bahagya. Nagulat naman siya sa sagot ko pero agad na namang kumunot ang noo niya.

"Gago ka! Pagbabayaran mo ito!"- sigaw ni natividad.

Walang gana ko itong tinignan. Susugod na sana siya sakin pero hindi niya nagawa dahil sa upuan na nakadikit sa pantalon niya. Bwahahaha!

May silbi din pala yung naisip ko!

"Wala akong pera eh."-asar ko sakanya at lalo pang ngumisi para mairita siya sakin. Lalo naman niya ako tinignan ng masama.

"Miss santillan! Explain why did you do that?!"- galit na sigaw ni castillion. Nanatili namang tahimik ang mga kaklase ko pero hindi ko mapigilang mairita sa dalawang katabi ko dahil panay ang bungingis nila. Peste! Tsk. Explain daw?! Eh nakikita naman niya ang nangyari sa gagong yan?!

At saka Isa pa, tinatamad akong mag explain. Psh.

Lalo akong napangisi sa sinabi ni castillion at hindi na pinansin ang dalawa. Tinignan ko ng maigi si natividad at deretsong tinitigan sa kanyang mga mata. Nagulat siya dahil tinignan ko siya ng masama. Hindi naman ganon kasama pero nag iwas lang siya ng tingin at yumuko. Takot na ang lintik!

Bahagyang nawala ang ngisi ko sa kanya at sumeryoso. "Sabi ko naman sayo natividad, pumapatol ako sa mga taong bumabangga sa akin. Kung ano ang ginawa mo sakin, sinasauli ko sayo ng sobra. Hindi ako patas lumaban."- mahinahon kong sabi pero may diin ang mga bawat salitang binibigkas ko. Tinanggal ko na ang masama kong titig at gulat namang napatingin sakin si natividad.

Agad akong napatingin sa harap kung nasaan nakatayo parin si castillion at nagtataka. Napahinga siya ng malalim at tumingin siya kay natividad.

"Mr. Natividad go outside at tanggalin mo ang nakadikit sayo."- tinuro pa niya ng bahagya ang pinto. Agad namang sumunod ito at lumabas kahit labag sa loob ng ugok. "Ms. Santillan, go help him now."- malumanay niyang utos sakin. Tsk. Bakit naman ako? Leche!

"Sir, bakit ako--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang sumigaw ng sobrang lakas.

"GOOOOOO NOOOOOOWW!!"-Halos magsilabasan ng mga ugat niya sa kanyang leeg. Tangna! Nakakarindi! Kelalakeng tao, mas masahol pa sa babaeng manganganak. Peste!

Aish! Ang tanda tanda na. Di na lang magretiro.

Wala na akong nagawa kundi tumayo. Kinuha ko pa ang bag ko at padabog na lumabas. Peste! Peste! Kainis!

"Good luck!"-pahabol pa ni thara na sigaw sa akin. Napa what the f*ck?! na lang ako. Sarap pakyuhan!

"Miss gonzales! Quiet!!"-suway ni castillion kay thara. Napapala mo gago! Ulul!

Agad ko ng sinundan si natividad. Paulit ulit naman akong nagmumura sa isipan ko. Bwisit! Bawat nalalampasan naming kwarto may nakakakita sa kanya at nagtatawanan sila. Dahan dahan kasi siyang naglalakad at hawak hawak niya ang upuan. Napapailing na lang ako sa ginawa ko.

Kasalanan niya rin yan! Hindi ko gagawin yan kapag hindi siya nauna. Eh binunggo niya ako nang malakas noon, hindi man lang nag sorry ang lintik bagkus ay tinawanan pa ako! Tsk. Tsk. Isa akong taong hindi marunong kumimkin nang sama nang loob kaya ginantihan ko siya.

Wala akong balak tulungan siya kaya agad akong pumakaliwa kung saan nandun ang hagdan pababa. Dumeretso pa kasi siya dahil nandun ang banyo. Dahil sa tinatamad na akong bumalik sa klase ni castillion naisipan ko na lang na umuwi sa bahay. Wala na akong pake sa susunod kong subject. Tangna! Nakaka bagot!

Nakakawala ng gana.

Agad na akong lumabas at naglakad papunta sa gate. Pero sa kamalas-malasan, nakabantay ang guard.

"Tangina!"- mura ko na lang sa aking sarili. Wala na akong choice kundi umakyat sa malaking bakod ng ainstelor. Pumunta ako sa pinakadulo malayo sa gate kung saan dun nakabantay ang guard. Marami ding nakahilerang puno dito kaya hindi ako masyadong kita.

Hay naku, napapa spider woman na naman ako neto.

Napailing na lang ako at nagsimula ng umakyat. Sanay na ako sa mga ganitong bagay, dahil madalas akong magcutting class at palagi kong kasama sina thara at sam, pero ngayon ako lang. Tsk. Nang makadating ako sa taas nagulat ako ng may pumito! Langya! Nakita pa ako ng guard!

Ang layo ko na nga, namataan pa ako!

*Priiiitttt!*

Umalingawngaw ang malakas na pito sa akin ng guardia. Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay tumatakbo na siya sa gawi ko. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba kasi ako nakita ng peste na to?!

Dali dali na akong sumampa sa taas nito at tumalon pababa. Buti na lang at okay ang pagtalon ko. Mahirap na masugatan, maghinala sina jovan at tanda. Kabanas!

Agad na akong tumakbo sa parking lot kung nasaan nandun ang motor ko. Ito talaga ang gamit ko palagi, kaya hindi ako nagu-uniporme dahil palda yun. Tsk. Baka tangayin pa ang palda ko. Masilipan pa ako at saka isa pa ang pangit kayang magpalda! Nagmumukha lang akong shunga.

Mabilis ko ng sinuot ang helmet ko tsaka mabilis na pinaharurot baka kase maabutan pa ako ng guard namin. Mahirap na.

Pagdating ko sa bahay, dahan dahan kong in-park ang akong motor sa garahe, baka kasi nandito si tanda at jovan, lagot na ako. Malaman pa nilang nag cut ako ngklase! Panibago na namang gyera!

Napahinga ako ng maluwag ng makitang wala sila. Nandito lang ngayon ang mga katulong namin. Tangna! Pinagpawisan ako dun ah! Peste!

Agad akong humiga sa malambot at mahaba naming sofa dito sa salas. Busy naman ang mga katulong namin sa kusina. Hindi ko alam kung bakit. Hindi pa ako tuluyang naka idlip ng biglang may kumalabit sa akin. Kaya gulat akong napaupo at tinignan kung sino ito.

"Gago ka! Huwag mo kong gulatin."-mura ko kay jeigh na ngayon ay tatawa-tawa. Langya! Ang lakas mangtrip ang lintik! Pasalamat ka pagod ako kundi kanina pa kita sinusuntok!

Tawang tawa eh noh?

"Bakit nandito ka?"-walang ganang tanong ko. Tumigil na naman siya sa pagtawa at lumapit sakin.

"Bakit hindi na ba ako pwedeng umuwi dito?"- nakangisi niyang tanong at umupo sa tabi. May gana pang mamilosopo ang lintik! Upakan ko kaya to!

Nang iinis eh! Tss.

"3rd year college ka na jeigh. Bakit ka pa nag ka-cutting class?"-kunot noo kong tanong at tinignan siya ng masama. Napangiwi naman siya sa sinabi ko at nakangising kumamot sa batok kuno.

"Pagod ako okay! Eh bakit ikaw? 4th year highschool ka na, you should focus in you're studies because you're now graduating."- panunumbat niya sakin at bahagya niya pa akong tinuro. Tinaasan ko siya ng kilay.

Aba. Dinamay pa ko ng loko.

"Second day of school pa lang jeigh. Kahapon lang nag start ang klase."- sarkastiko kong sabi. Hindi pa naman ako graduating. Tsk. Kaka start lang ng klase kahapon. Advance lang mag isip?

"Tsk."-inis na singhal niya at sumandal sa sofa. Sumandal rin ako at nagcross arm.

"Ang ibig kong sabihin, huwag mo ng sayangin ang opportunity na mag aral malapit ka na ring mag 4th year college ah at graduating ka na."-pangangaral ko sa kanya. Lalo pa siyang napangiwi sa akin. Hayst! Gago to ah! Kanina pa!

"Nag cut ka rin ng klase kaya ka nandito hindi ba?"-taas kilay niyang tanong sakin. Ako naman ngayon ang napangiwi. Napailing naman ako sa tanong niya.

Kung makapagsalita ako parang di din ako nag cut ah! Hahaha! May tama na ata ako.

"Di ah!"-tanggi ko agad.

"Liar"- kunot noong singhal niya sa akin.

"Tapos na ang klase ko!"-pagsisinungaling ko at nagiwas ng tingin.

Tangina to! Ano bang pake ng gago? Sabagay, kung hindi sana ako nagsasalita ng tungkol sa cutting class, eh di sana hindi niya rin itatanong sakin! Tanga ka talaga jami! Tsk.

"Tapos na raw."-nakangising parinig ni jeigh. Babatukan ko na sana siya ng biglang may narinig kaming kotse na papasok. Oh fuck!

Nanlaki ang mga mata namin.

"Damn it!"-inis na mura ni jeigh.

Nandito na si jovan at tanda!

Akala ko mag papa gabi pa sila. Kapag kasi umuuwi sila na madadatnan nila kami dito ay magagalit sila. Dahil malalaman nilang nag cut kami. Langya! Dapat kasi mamaya na ako umuwi eh!

Napasabunot si jeigh sa buhok niya at ako naman napapamura. Paniguradong malilintikan kaming dalawa dito dahil ayaw na ayaw nilang nag ka-cut kami nang klase lalo na kay jovan!

Nadale na kame!

Mabilis pa sa alas kuwatrong tumakbo kami sa taas, kung saan nagderetso kami sa guest room. Magagalit talaga ang dalawang yun kapag nalaman nilang nag cut kami!

Lalo na si jovan! Naiisip ko pa lang, gusto ko ng sabunutan si jeigh.

Halatang kabado na si jeigh at pinagpapawisan na. Hindi ko rin maitanggi na kinakabahan ako. Takot ako kay tanda pero mas takot ako kay jovan.

Si tanda ay madali lang mabiro at mauto dahil hindi niya kayang pagalitan niya ang kanyang apo. Pero si jovan, tangna! Naiisip ko pa lang kung anong mangyayari, natatakot na ako. Bwisit! Si tanda ay lolo namin at si jovan, kapatid namin ni jeigh.

Tignan mo naman, ang lolo mo hindi ka masyadong pinapagalitan pero sarili kong kapatid?! Langya! Kung di lang talaga ako matino baka itawag ko na sa kaniya, lolo.

"We need to get out of here."-usal ni jeigh. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Bakit pa?! Magtago na lang tayo dito at kapag oras na para umuuwi tayo galing sa campus dun lang tayo lalabas."-iritado kong bulyaw sa kanya.

Pinapahirapan pa sarili.

"Eh san tayo lalabas? Dito mismo? Eh pano kung makita nila tayo?"-natigilan ako sa sinabi ni jeigh. Tama nga siya. Peste! Bakit hindi ko yun naisip?!

"Anong gagawin natin?"- ngiwing tanong ko sakanya at paulit ulit na tumitingin sa pinto. Baka kasi agad pumapasok si jovan o si tanda. Lagot na kami.

Goodbye money ako!

"Bababa tayo. Tatakas muna tayo at lumabas muna ng bahay."-paliwanang niya at paikot ikot na naglalakad. Nakakahilo ang lintik!

"Pano nga tayo bababa?"- iritado kong tanong.

Natigilan naman siya at dahan dahan napatingin sa bintana. The f*ck?! Napa face palm na lang ako. Nasa second floor na kami ng mansyon at paniguradong mataas dito.

"Tara na."-hinila na niya ako at nauna na siyang lumabas ng bintana. Hindi naman ako natatakot pero baka may makakita samin. Bwisit! Buti na lang ang bintana ay nasa likod na ng bahay namin. Imposible namang mapadpad pa dito si tanda at si jovan?! Tsk.

Agad na rin akong lumabas sa bintana at dahan dahang bumaba. Medyo nahirapan ako sa pagbaba dahil sa sobrang pag dali dali ko na baka may makakita samin. Napahinga ako ng maluwag ng makababa kami ng maayos. Tangna! Pinagpawisan ako dun ah!

Nagpalinga linga muna kami ni jeigh at sinigurong walang makakakita sa amin. Buti na lang walang tao.

"Let's go"-bulong niya at hinila na ang braso ko. Dahan dahan kaming naglakad papunta sa garahe, dahil kukunin ko ang motor ko. Hindi naman makakalabas ang kotse ni jeigh dahil baka marinig nila. Kaya ito na lang motor ko.

Hay naku, buti nakatakas kami ng ulupong na to. Hehehe, save pa din kami!

Papalapit na kami ng papalapit ng may nakita akong pamilyar na tao. Nakasandal siya sa motor ko at naka cross arm. Damn it!

"WHERE DO YOU THINK YOU'RE GOING?!"

Please don't forget to vote guyz! Hope you're enjoying my story!♥♥:D

~vis-beyan28

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
361K 7K 66
"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours."...
23.6M 784K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.