Aquarius (PUBLISHED UNDER IMM...

By allileya

396K 16K 2.4K

✨PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE✨ - Genevieve Hutton's life is almost perfect. She couldn... More

Surprise! Surprise!
Update
Aquarius
Book Covers
Dedication
Prologue
Chapter 1: Preparation
Chapter 2: Incipient
Chapter 3: Signs
Chapter 4: The Booth and Stranger
Chapter 5: Crying in the Rain
Chapter 6: Binx Cristobal
Chapter 7: Discover and Save
Chapter 8: Fact-Finding
Chapter 9: Solicitude towards Eve
Chapter 10: Nemesis
Chapter 11: A Life-and-Death Correlation
Chapter 12: Drops of Fluid
Chapter 13: Colloquy on AU
Chapter 14: Therapy
Chapter 15: The Dawn
Chapter 16: Rainbows and Sunshine
Chapter 17: Happiness in Disguise
Chapter 18: Graduation Day
Chapter 19: Mixed Emotions
Chapter 20: The Truth
Chapter 21: Nervous Breakdown
Chapter 22: Her Decision
Chapter 24: Bombarded by Crowd
Chapter 25: Difficulties
Chapter 26: Press Conference
Chapter 27: Emotionally Distress
Chapter 28: Reanna Aguillard
Chapter 29: Overheard
Chapter 30: A Beginning to an End
Epilogue
Note
Announcement

Chapter 23: Home

4.6K 228 22
By allileya

GENEVIEVE

"Are you okay?"

Naramdaman ko ang paglubog ng kama senyales na may naupo. Tinitigan ko si mommy as I gave her a quick smile.

"Of course. We're going home," I said.

"Are you sure you're gonna be okay? I'm worried, Eve." Kahit na nakangiti si mommy ay ramdam ko na may parte sa kanya ang malungkot.

"Mom, don't be. Kasama ko kayo so I'm going to be okay. Sure akong gagaling ako sa pagmamahal niyo sa 'kin at sa pagmamahal ko sainyo." I gave her an assurance smile. "Halika nga rito, ,Mom," I added nang i-tap ko ang kamay ko sa espasyo ng kama sa katabi ko.

Umusod naman siya ng konti para mas mapalapit sa 'kin. Ngumiti ako at agad siyang yinakap. Bakit ko ba ito napagsalitaan ng mabibigat noon when in fact, ginagawa lang talaga nila ang makakabuti sa 'kin. Oh! I'm such a fool for making them cry over and over again and I regret it until now. Babawi ako sa kanila pagkauwi namin. Babawi ako...

"I love you so much, Mom," I whispered saka pumikit para mas lalong madama ang yakap namin.

"You're really back," I heard her say.

Hindi naman ako nawala, eh.

It's been one year since I got confined here in St. Zephra Medical Hospital and it feels so uncomfortable. Ang tagal na. Biruin niyo iyon, one year na pala akong nakakulong sa ospital. Wow. Pano ko 'yon natiis?

Marami na akong na-miss na mga bagay na dapat ay ginagawa ko rin bilang isang teenager but I guess, I'm not a teenager anymore kapag nakalabas na ako rito after all, malapit na rin akong mag-twenty. Iba na ang magiging takbo ng buhay ko sa labas ng puting building na ito.

I've been in hell and I regret it so much. Hindi ko man lang nagawang bumuo ng mga masasaya at hindi makakalimutang alaala habang nandito ako. I let myself to drown on my own thoughts and believes. Mas pinili kong damdamin ang rason kung bakit ako nandito pero mukhang nakatulong naman iyon para mas makapag-isip ako.

Therapies every week and medications every day, talking and laughing with my family and Binx but that laugh didn't last long, being sad, crying out of nothing, blaming everyone, shout people out of my life, went out in this hospital to see Reanna and Binx's graduation, seeing them 'you know'... mali na gamitin pa ang word na 'yon, getting angry because of a nonsense thing, letting go of the people I love, accepting the truth and most importantly, accepting all the pain. Nakaya ko lahat pero hindi maipagkakaila na nahirapan ako ng sobra bago ko maituwid ang sarili ko. But anyways, in that way, I've learned my lessons.

Ika nga ni Kahlil Gibran, "Your pain is the breaking of the shell that encloses your understanding". Dapat matuto tayong kontrolin ang emosyon natin dahil ito ang magiging daan para makagawa tayo ng mga bagay na hindi naman dapat gawin. Pain can destroy or either make you. It's up to you kung alin doon ang pipiliin mo. Huwag niyo na akong gayahin na ginamit ko ang dalawang iyan.

Pagkatapos kong makita ang senaryong iyon, hinayaan ko ang sarili ko na magalit at hindi ko inalam ang totoo at 'don din ako nagkamali. Hinusgahan ko agad sila. Hindi ko sila pinakinggan kaya ang resulta... nasira kaming tatlo.

Nang malaman ko rin ang pangalawang sakit ko 'don na ako totally nawala sa sarili ko. I breakdown. Hindi ko na talaga kasi kinaya. It's so much weight to carry on despite of everything that happened to my life. But still, I'm very thankful and blessed. Binigyan ako ng mga taong hindi ako susukuan kahit na anong mangyari. He gave me light so here I am packing things so I could go home.

Dr. Aguillard said na hindi pa ako pwedeng lumabas ng hospital but I insisted. Pinilit ko siya dahil desperadang-desperada na ako kahapon. Nakipagtalo pa ako as I gave him my reason...

"I don't want to spend half of my life in the hospital. One year... one year na ako katagal na nandito at magsisimula na naman ang countdown sa pangalawang taon ko. Tama na 'yon, doc. I want to spend my life in a very memorable way so that when I die... may madadala akong mga alaalang muling bubuhay sa 'kin."

Sa huli pumayag si Dr. Aguillard. Pero babalik pa rin ako rito every week for medications and therapies o kapag may hindi magandang nangyari. Ang gusto nga ni Dr. Aguillard ay three or two times a week daw akong bumalik pero again, nakipagtalo ulit ako sa kanya. Parang hindi naman ako umalis 'non dito at hassle lang kung pabalik-balik ka rito.

Nagbago ang buhay ko simula nang tumapak ako sa ospital pero ngayon na lalabas na ako rito, babaguhin ko ulit ang buhay ko sa paraang kaya ko. Oh, I can't wait for that to happen. I can't wait to see the outside world again. I can't wait to feel home again. I've longed for this to happen kaya naman hinding-hindi ko sasayangin ang araw na ito.

"Tinawagan mo na si Binx?" tanong sa 'kin ni mommy nang maayos na namin ang mga gamit. Ni hindi nga ako nakatulong sa kanila ng ganoon kagrabe kasi naman... they're worried! My God!

"Uhm, hindi pa po."

"Tawagan mo na... it's already 6 pm. Uwian na sila. Unless you want to ride with us in your dad's van?"

"Oh, I love that, hon! She can feel it again."

Tukso nila sa 'kin. Pinaalala nila sa 'kin kung gaano ako kaimmune sa sasakyan na 'yon. Kahit saan ako mag-punta nakasunod. But, I missed that van so much! I want to feel it again pero mas gusto ko pa rin 'yong sasakyan ni Binx. First time ko 'yon masasakyan eh and I'm so excited to see him again. Simula kasi nang magpasukan na naman at magkaayos kami ay bibihira na lang kami magkasama. Mabuti na lang at kahapon ay nakadalaw na siya so I got time to be with him again but that wasn't enough.

How does it feel to be in 2nd Year College? I want to enjoy it too but can't... Dalawang taon na lang kasi ay gagraduate na ulit si Binx pero this time sa college na. Talagang tapos na siya sa pag-aaral at makakahanap na siya ng trabaho samantalang ako... oh never mind.

"Ayoko. I want Binx's car not ours. Nagsawa na ako 'don, eh," I joke to avoid any catastrophic thinking. Tumawa naman sila.

"Oh sweetie, you want Binx's car as much as you want him?"

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni mommy. How could she think about that?! We're too young for that. Kung si Binx na-experience (not totally) na niya 'yon, ako ayoko pa. I have plans, ya know? Yep, nabuo ulit 'yong ilang plano ko sa buhay dahil makakauwi na ako. Pero siyempre, kasama na siya sa lahat ng plano ko sa buhay.

"Mom!/Hon!"

Napatingin ako kay daddy nang magkasabay kami sa pagsita kay mommy. Natawa na lang ulit kami. Oh, how I miss this moment with them.

Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya naman ay agad ko itong kinuha sa may table.

"Speaking of..." Pilyang ngiti sa 'kin ni mommy. Naku! Kailan pa naging ganito ka-hyper si mommy?

"B?" sabi ko nang masagot ko na ang tawag.

"Hi B, I miss you! Malapit na ako."

Napangiti naman ako nang marinig ko ulit ang boses niya. I call him 'B' short for Binx and he calls me 'B' because I'm Beautiful. Huwag ako! Sa kanya mismo nanggaling 'yan. Uh-huh. Ang bait niya, 'no? Well, seloso at inggitero kaya gusto niya parehas kami ng tawagan.

"Tatawagan palang sana kita pero since tumawag ka na naman... So, take care. I miss you too." Napakagat ako sa labi. Shiz! Kinikilig ako! My God! Ngayon ko lang ulit naranasang kiligin ng ganito... sa iisang lalaki lang kasi nanggagaling, eh.

"I will." Huling sinabi niya bago naputol ang linya.

We don't say 'I love you' anymore to each other. Iniipon namin para sa darating na tamang panahon at tamang oras sa mismong banal na lugar. I set rules and limitations simula nang magkaayos ulit kami. Pumayag naman siya and so do I. Na-realize ko kasi na ang salitang 'I love you' ay salitang galing mismo sa puso mo hindi 'yong naiisip mo lang. Hindi iyong sasabihin mo lang dahil may rason, dapat you mean it talaga. At magkaiba 'yon.

Gusto kong marinig ulit 'yon galing sa kanya sa takdang panahon. And yes, we already planned for our wedding after his graduation in college. Hindi naman totally plano, napag-usapan lang namin. Hindi pa alam ng parents namin but soon, sasabihin din namin sa kanila kapag ready na talaga kami at kapag totoo na talaga. Ni hindi ko pa nga nakikilala ang mga magulang ni Binx, eh. May tamang oras sa tamang panahon. Patience is virtue.

Maraming nagbago sa relasyon namin ni Binx but the sweetness... hindi 'yon nawala. We're still the normal couple you know. Yes, 'normal'.

Sa pagbaba namin sa lobby ng hospital ay sakto naming nakita si Binx na papasok ng entrance. Hindi ko maiwasang mapangiti ng sobra. Hindi na ako nagpaalam pa kila mommy at agad ko nang pinuntahan si Binx. I hug him tight like there's no tomorrow na para bang hindi kami nagkita kahapon.

"I miss you!" I whispered.

"I miss you more, beautiful."

Oh, his voice is so sexy...

"Huwag mo nang uulitin 'yon, Genevieve. Pinakaba mo na naman kami. My goodness! Pagsabihan mo nga 'yan Binx. Obsess na obsess sayo kaya hindi na ako nagtaka nang patawarin ka niya agad."

Narinig namin ang boses ni mommy kaya naman ay kumalas na kami sa yakap saka tumawa sa sinabi ni mommy.

"Mom, you're overreacting. In love lang ako sa kanya. 'Yon lang," depensa ko naman sa sarili ko pero parang ganoon na rin sa sinabi ni mom. I chuckled.

"Hmm. I doubt that." Nanliit ang mga mata ni mommy na para bang sinusuri niya kung ano man ang talagang nararamdaman ko kay Binx. As if she can see nor feel it. Hello, only me knows how much I love Binx.

"Whatever, Mom." I just rolled my eyes at her as I watched her walked away.

Nangunguna sa paglalakad si mommy kasunod si daddy na bitbit ang lahat ng gamit namin at kakaunti lang ang kay mommy. Natawa na lang ako sa kanila dahil parang hirap na hirap na si daddy kaya hindi niya na magawang tumawa pa. Kahit naman ganoon ay masaya pa rin si daddy na paglingkuran kaming mahal niya sa buhay.

"Let's go?"

I looked at Binx and smiled. Tumango ako saka marahan na hinawakan ang kamay niya. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"I will never ever let go of this hand again. This is mine and I will fight for it no matter what."

I blinked several times. Did I heard it right? Sinabi niya talaga 'yon? Oh, God! Can someone pinch me please? Okay, I'm overreacting again. Naman eh! Sino ang hindi kikiligin ng ganito kapag sinabihan ka ng mga ganoon ng taong mahal mo? Well, ako lang yata.

"It's true." Then he smiled showing his white beautiful teeth and dimple on his right cheek. Hindi ko 'yan napansin noon, ah? Hindi naman kasi siya masyadong halata pero ngayon ay nakita ko na at bibihira lang din naman siyang ngumiti. Napaka-moody niya, eh. Bibilhin mo talaga mga ngiti at tawa niya. Pero kapag sangkot na ako, it's priceless. Para siyang nakawala sa hawla kapag kami lang dalawa ang magkasama. Napaka-childish at... ewan. Kayo na ang tumukoy.

Habang papunta sa parking lot ay hindi ko mapigilang kagatin ang ibabang labi ko. Simpleng salita niya lang kinikilig na ako. Masaya na ako. It's really true. Love can change everything and so am I. This change is for the best. Swear! Hinding-hindi ko na hahayaan ang sarili ko na malunod ulit.

"Take care of our daughter Binx," mom said bago pumasok sa sasakyan.

"Dapat buo pa rin ang sweetie namin. I'm watching you, Binx," sabi naman ni daddy.

My goodness! Ano ang ibig sabihin niya roon? Ibalik ako ng buo? Kaya ba akong chop-chopin ni Binx? Okay, I'm overreacting like mom... again and again. Pero, kailan pa nalahian ng kapilosopohan ang pamilya namin? Anyway, I love how this is going. It's kinda amazing to have parents like them.

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan ni Binx nang makapagpaalam na kami sa kanila. I fastened my seatbelt and switch on the aircon. I close my eyes saka nilanghap ang hangin sa loob ng sasakyan ni Binx. Ang bango. Sinundan ko kung saang direksyon nanggagaling ang bango at sa dibdib ni Binx ako napunta. Minulat ko na ang mga mata ko saka ako tumawa.

"You smell good."

"Did I not before?"

I rolled my eyes at bumalik na sa dati kong pwesto kanina. That's Binx and I love him. I guess, siya ang nakahawa sa kapilyohan ng mga magulang ko. In a good way naman. I know naman na they're just doing it to make fun of me or to make me happy.

"B?"

"Hmm?"

Sa paglingon ko sa kanya ay namilog ang mga mata ko sa sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. But hey, this is a good chance to look at him closer. His eyes is so beautiful. Kapag nakatingin ako sa mga mata niya para bang ako lang ang nakikita niya at wala ng iba.

"Can I kiss you?"

Naamoy ko ang mabangong hininga niya kaya naman napapikit ako. Omg! He smells really good. Bigla tuloy akong nahiya dahil sigurado akong amoy gamot ako o kung ano-ano pang nasa hospital.

"Of course, you can," sabi ko naman sa pagdilat ko.

"But..."

Hinalikan ko agad siya at sumabay naman siya sa galaw. Kumapit ako sa leeg niya at mas lalo pang lumapit. Naramdaman kong natanggal ang seatbelt at ang marahan niyang paghila sa 'kin. Nagtagal ang halik ng ilang minuto at natigil lang kami nang kapusin kami ng hininga.

"I love..."

Tumaas ang kilay ko at nginisihan ko siya nang muntik niyang masabi 'yong 'magic words' between our kisses. Kung sino man kasi ang magkakamaling sabihin 'yon, may punishment. Hindi namin makikita at makakasama ang isa't isa sa loob ng five days. Yup, five straight days. Childish but isn't it cool? For sure, hindi 'yan makakatiis pero ako... hindi rin. First warning palang 'yan. Pano pa kaya sa mga susunod na warnings? I know, it'll be worst.

He chuckled, "I love the taste of your lips."

Sabay kaming natawa. He always finds a way to reconstruct a sentence using the starting point, 'I love'.

"I love... yours too," I fired back laughingly at him.

"Anong sinabi ni Dr. Aguillard tungkol dito?" kuryoso niyang tanong nang makaupo na ulit kami ng maayos sa kanya-kanya naming upuan. Oh, he's changing the topic. It's good, though.

"Relax. Hindi naman included ang tubig sa loob ng katawan ko. Kung oo, edi matagal na akong wala..." natatawa kong sabi habang kinakanta ko 'yong huling pitong salita.

"Late ko na rin nang ma-realize ko siya. Kinabahan ka, 'no?" sabi ko pa.

"Kailan ba ako hindi kinabahan sa 'yo?" Pinaandar na niya ang sasakyan.

Marami pa siyang tinanong tungkol sa kaso ko and I answered it all. Napagod din ako sa kaka-explain at kakasalita pero naenjoy ko pa rin ang discussion namin. Palagi niya kasing nilalagyan ng mga kalokohan na salita kaya sagana ako sa tawa habang nagbibiyahe kami. Ang saya lang. Parang ayoko nang matapos pa ang biyahe na ito but there's always an end in every discussion.

"Damn!"

Natigil lang ako sa pagtawa nang bigla siyang mapamura ng malutong. Tumingin naman ako sa labas ng bintana at ganun na lamang ang pagkagulat ko dahil sa nasasaksihan ko.

"Binx nasaan tayo?" Sinubukan kong kumalma pero hindi naalis ang pagkabahala ko.

Napatingin ako kay Binx nang hindi niya pansinin ang sinabi ko sa kanya. Ano bang nangyayari?

"Binx? I'm asking you, where are we?" ulit ko pero nanatili siyang nakatingin sa labas ng bintana but then again, para bang hindi niya ako naririnig. "Binx! What the hell?"

"We're home. You're home. But..." Mataman niya akong tinitigan at ganoon din ako sa kanya, waiting for him to talk again and get some answers to my questions.

But, what Binx? Pero ano?!

Again, what on earth is happening here in our house, in our home?! Wait, this is not what you call home when there are lots of people waiting outside and they're gone insane! Okay lang sana kung sasalubungin nila kaming kalmado at masaya, hindi ganito.

I looked outside.

This is not what I was expecting to happen.

Continue Reading

You'll Also Like

224K 6.8K 32
[COMPLETED / UNEDITED] 1st Installment of The Infidus Duology --- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Blis...
77.7K 3.2K 69
🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Casti...
11.6K 186 38
Every summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)
253K 13.3K 97
Pare-parehas silang tanga sa pag ibig. [ FINISHED] [ WILL EDIT IT SOON] Title: Stupidly In Love By; roosseeey Date Started: May 7 2020 Date Finished:...