My Billionaire's Bodyguard

By yneverose

123K 1.7K 194

Si Sheila ay anak ng mag asawang si Hendry Moreno at Isabella Moreno Maganda ang kanyang maamong mukha... More

Chapter 1 Meeting
Chapter 2 Accident
Chapter 3 Parents
Chapter 4 Unexpected
Chapter 5 Jealousy
Chapter 6 Jealousy 2x
Chapter 7 Tears
Chapter 8 Beloved
Chapter 9 Return
Chapter 10 Feelings
Chapter 11 Wedding
Chapter 12 Wife
Chapter 13 Flower
Chapter 14 Virgin
Chapter 15. Letter
Chapter 16 Care
Chapter 17 Baby
Chapter 18 Lost Angel
Chapter 19 Leap of Blood
Chapter 20 Birthday
Chapter 21 hate or love
Chapter 23 Reveal The Secret
Epilogue
The End

Chapter 22 Shame

3.4K 57 10
By yneverose

Hindi mapakali at balibaligtad sa kanyang kinahihigaan sa library si Charles na aalala niya si Shiela sa kanyang kwarto hindi niya lubos maisip kong bakit muling nagpakita ito sa kanya bumalik ba ito upang muli siyang paglaruan at pasakitan matiim siyan napatitig sa kisame ng library kong saan siya magpapalipas ng magdamag bumangun siya upang tiganan ang kalagayan ng lasing na dalaga sa kanyang kwarto.

Marahan ni Charles na binukasan ang kanyang silid saka lumapit sa natutulog na si shiela .
Tiimbagang siyang nakatingin sa dalagang himbing na himbing sa pagkakatulog marahan niyang hinawakan ang pisngi ito at hinila ng kumot upang matak pan ang gawing dibdib nito malaki ang kanyang naipalit na t-shirt kong kayat maluwang at bakas ito sa katawan ni Shiela.
Ng masigurong okey na ito ay bumalik siya sa library upang makapagpahinga na rin may sarili siyang tulugan sa library kong kayat wala siyang problema na umagahin sa pag babasa ng mga dokumentong karaniwan niyang dinadala sa bahay upang dito na lamang tapusin.


Maagang gumising si Monica sa Guestroom kong kayat matapos maligo at magbihis ay nagmamadali siyang naglakad papunta sa kusina nais niyang siya na lamang ang mag dala ng alamusal ni Charles upang maayus silang makapag usap ni Charles.

Nadatnana niya ang katulong at kusinirang abala sa pag aayus ng agahan agad niyang inutus sa mga ito na maglagay ng pagkain sa tray na kanyang dadalhin sa silid ni Charles.
Ng matapus ang mag ito sa kanyang pinaguutos ay tinignan niya kong ayus ba ang pagkakalagay sa tray ng mga pagkain saka marahang binitbit ito paakyat sa silid ni Charles.

Nagising si Shiela sa sakit ng kanyang ulo nakapikit siya habang hinihilot hilot ang kanyang noo.
Ganito pala ang malasing ang ang sakit sa ulo ang himutok ni Shiela na agad natigilan at dinilat ang mga mata .
Nagunot ang kanyang noo at nag taka sa kanyang nakita hindi niya silid ang kwartong ito tinignan niya ang kanyang damit isa iyong T-shirt tumayo siya ng marahan upang alamin kong sino ang may ari ng silid naiyon napako ang kanyang mga mata sa larawan ng isang batang babae kamukhang kamukha ito ng kanyang anak na si Charm alon alon ang buhok nito na kulay mais naka ngiti ito habang kinukunan ng picture ng mga oras na iyon basi sa kanyang nakikita may hawak ang bata na isang manika namilog ang kanyang mga mata natitiyak niyang hindi ito ang kanyang anak sapagkat walang ganong klase ng damit ang kanyang anak at ang lugar na kanyang nakikita sa larawan ay nakatitiyak siyang hindi pa nila napupuntahan ni Charm.


Ng hihinang umupo si shiela sa kanyang nakita naguguluhan siya sa pangyayari bakit may kamukha ang aking anak ang kanyang tanong sa sarili habang nakatingin sa larawang naka Display .
Mahihinang click ng pintuan ang nag palingun sa kanya .


Hon......May dala akong almusal natin ang masiglang wika ng babaing may dala ng tray.
Tinignan ni Shiela ang babae nakasuot ito ng maikling short na hula niya ay kita na ang kuyukot nito sa likuran nakasuot din ito ng damit na luwa na ang mga dibdib nito.

Shit!!!!! Sino ka!!
Ang tanong ng nabiglang Monica sa kanyang nakita na biliwan niya ang dalang pagkain at umuusok sa galit at namumula ang mga matang lumapit kay Shiela na nakatulalang nakaupo sa kama ni Charles.
Mabilis siyang lumapit siya kay Shiela at nag sisigaw ito sa galit na hinablot ang buhok ng nabiglang dalaga.

Hayop kang babae ka!!!

malandi ka!!!!!!

Mal!!andi!!!hayop ka kakalbuhin kit!!a!!!

Balak mo pang agawin ang Asawa ko!!ang hiyaw nito habang nakahawak ang mga kamay sa buhok ni Sheila.
Isang gabi mo lang nakita ang Asawa ko sumama kanang pumasok dito sa silid niya ang landi ka!! hayop ka!!!! Mapapatay kita!!!
Ang galit na galit na sigaw ni Monica pinag sasampal sabunutan kalmut nito si Shiela na walang ginawa kundi ang umilag sa babaing tigre sa galit.
Hindi pa ito nakuntento sa ginagawa nito hinila siya palabas ng kwarto ni Charles at kinalad kad pababa ng hagdan nagkagulo ang mga katulong sa ng yayari hindi malaman ng mga ito kung paano maaawat si Monica sa ginagawa nito.

Tinawag ng isang katulong ang guard na humahangus na dumating pilit nitong pinigilan si Monica sa ginagawa kay Shiela na nagpupumiglas at umiiwas sa mga kamay ni Monica.
Lumayas kang babae ka rito Malandi ka !!!! Asawa ko pa ang nakuha mong Landiin pwehhhhh... Sabay dura nito sa umiiwas na si Sheila napasubsub siya sa isang guard na maagap siyang nahawakan .
Guard ilabas ninyo ang basurang yan kong ayaw ninyong mawalan ng trabaho ang utos ni Monica sa mga ito sa pagalit at nag tutungayaw na boses na muling lumapit kay shiela hinawakan nito ang napunit na damit ng dalaga pilit hinihila iniiwas naman ito ng guard ngunit halata ang pag galang nito kay Monica na kinikilalang amo na rin ng mansiyong iyon kahit hindi pakasal ito at si Charles dahilan kong bakit magkahiwalay na kwarto parin ang mga ito kong matulog.


Nagulantang ang dalawang matanda sa marahas na katok sa kanilang kwarto binuksan ni Donya Christina ang pinto upang alamin kong sino ang kumakatok nagtataka siya sa kanyang na pagbuksan humahangus ang katulong na nag sumbong sa pagwawala ni Monica , pagkat nahuli daw nito ang babae ng kanilang amo sa kwarto nito.

Nagmamadaling lumabas ang si Donya Christina ng kanilang silid upang awatin ang kaguluhan sa ibaba nakasunod naman dito ang kanyang asawa at ang katulong na siyang nag sumbong sa kanila nag sisigaw si Monica ng kanilang datnan nakahawak ito sa nagpupumiglas na si Shiela
Hindi makapalag si Sheila hindi siya sanay sa eskandalo naguguluhan siya sa babaing ito.

Nagising si Charles sa ingay na nag mumula sa ibaba nag mamadali siyang lumabas sa kanyang kwarto upang alamin kung bakit nag lakad siya papunta hagdan ngunit nasa tuktok pa lamang siya ng hagdan ay kitang kita na niya ang ng yayari sa ibaba.
Ganun nalamang ang kanyang pagkagulat, galit at awa kay Shiela sa kanyang nasasaksihan mula sa tuktok ng hagdan .

GUARD!!!!
Bitiwan mo ang asawa ko! Ang wika ni Charles mula sa itaas ng hagdan.
Napahintong tumingala ang isang guard na umaawat kay monica upang saktan si shiela ng makita si Charles habang ang isa naman ay may hawak kay Shiel.

Ang buong akala ng dalawang guardia ay si Monica ang binabangit na asawa ni Charles. Kong kayat hinila nito palabas ng bahay si Shiela.
Natuwa naman ng lihim si Monica at naka ngiti itong tinignan si Charles sa tuktok ng hagdan .

Muling sumigaw si Charles sa pagkakataon na iyon ay mababakas na ang sobrang galit sa kanyang boses naikinalingun ng mga tao sa mansion maging ang dalawang matanda ay hindi malaman kong ano ang gagawin.

Ang sabi ko bitiwan ninyo ang asawa ko!!!!
Napalingon ang guardia at tumingala kay charles saka tumingin kay Monica sa pag aakalang nag kamali lamang si Charles sa sinasabi nito at napagkamalang si monica ang kanilang hinihila palabas ng mansion.
Nag mamadaling bumaba si Charles ng hagdan at galit na galit nitong sinuntok ang dalawang gurdia na mayhawak sa magkabilang braso ng nagpupumiglas na si Sheila upang siya na lamang ang kusang lumabas ng mansion.

Ang sabi ko bitawan ninyo ang asawa ko! !! mahirap bang unawain ang ipinag uutos ko ! !!
Ang galit na sigaw ni Charles sa mga ito ng bumagsak sa sahig ng suntukin ng galit na amo.







Lumingon si Charles sa gawi ni Monica at saka inilang hakbang lamang nitong nahawakan ang braso ni Monica.
Charles nasasaktan ako ano ba!!!
Hindi lang yan ang aabutin mo sakin sumosubra kana!!
Wala kang karapatang manakit ng kahit na sinong tao na pinapanhik ko sa bahay na ito! At hinding hindi mo ako pag aari o asawa para gawin mo ang kaguluhang ito sa bahay na ito naririnig mo!!!!
Ang galit na sigaw ni charles kay monica.

Mas kinakampihan mo pa ang babaing yan na kagabi mo lamang nakita! Ang sigaw ni monica kay charles.
Oo dahil mas higit siyang may karapatan sa akin kisa saiyo naiintindihan mo!
Saka ni Charles binitawan ang braso ni Monica at humakbang pabalik sa kinatatayuan ni Shiela na namumutla ng mga oras na iyon.

Tumigil sa pag ikot ang mundo sa mansyon ng mga Alcantara sa kanilang narinig maging ang lolo at lola ni Charles ay naguluhan sa sinasabi ng Apo.

Napalingon ang mga ito sa nakatayong si Shiela na katabi ang dalawang nasuntok na guardia ni Charles na sa pagkakataong iyon ay naguguluhan naring nakatingin kay Shiela.

Hindi akalain ni Shiela ang pangyayari at katutuhanang sumambulat sa kanyang harapan.
Ang Charles na kanyang asawa ay ang nag iisang Apong taga pag mana ng mga Alcantara.
Si Charles na kanyang body guard ay isang taong napakayaman sa lipunan.
Napaluha siya sa kanyang nasaksihan ng umagang iyon hindi ang hapdi ng kalmot ni Monica sa kanyang mga braso ang dahilan ng kanyang pag luha kung hindi ang katutuhanan na si Charles ay isang Billionaryong Negosyante at hindi Pangkaraniwang Body Guard lamang na namasukan sa kanilang pamilya itinago ang katauhan at nag pakasal sa kanya pinaglaruan siya nito sa mga panahong kasama niya ito ay lihim pala siya nitong pinagtatawanan.

Napangiti siya ng mapait ng pumasok sa kanyang isipan ang Salitang " My BILLIONER'S BODY GUARD"
napakatanga ko patuloy sa pagpatak ng kanyang mga luha sa katutuhanan nasa kanyang harapan .
Ang Alcantarang kanyang gustong kausapin para maisalba ang papalubog nang negosyong kanyang napabayaan mula ng umalis siya ng bansa ay ang Charles na kanyang Asawa.
Dala ng takot, pagod tension at pagka bigla ay ng hihinang bumagsak siya ngunit maagap na nasalo ito ng papalapit na si Charles.

Hindi malaman ng mga katulong kong ano ang kanilang gagawin ng mga oras na iyon kanya kanya silang bumalik sa kanilang pwesto ng humupa ang kaguluhan sa mantalang labis ang pagkapahiya ni Monica na Tumakbong pabalik sa kwartong inuukupa nito .

Sa kwarto ni Charles dinala ang walang malay na si Shiela. pinagyaman niya ang kanyang asawa tinangal ang damit nilinisan ang sugat nito .
Ng matapus ay dinampot niya ang kanyang cellphone nag pa deliver siya ng damit at panluob ni shiela upang may maisusuot ito pag gising.

Napabintung hininga si Charles sa mga pangyayari maging siya ay nabigla kanina.
Hindi niya akalain ang mga pangyayari hinaplus niya ang pisngi ng asawa may awa siyang naramdaman dito habang kanyang tinititigan .

Hangang ngayon ay hindi ko parin napag disisyunang ipawalang bisa ang kasal natin Shiela sa kadahilanang hindi ko alam ang malungkot niyang wika sa natutulog na si shiela.

Lumabas ng silid si Charles upang ipag utos sa kusinira na gumawa ng pagkain para kay Shiela.
Malapit na siya sa kusina ng maulinigan ang bulungan buhat sa kusina.

Grabi Asawa pala ni sir yung sinasaktan ni Maam Monica ngunit bakit ngayun lamang natin siya nakita.

Yan nga rin ang tanong ko saka hindi ko pa nabalitaang kinasal si sir Charles sa kahit sinong babae sa tagal ko nang nanilbihan sa kanilang pamilya ang wika ng isa pang katulong.

Tuloy tuloy na pumasok si Charles na kunwari ay wala siyang narinig na pag uusap kong kayat nagulat ang kusinira ng makita siyang nakatayo sa pintuan ng kusina .

Ah sir may kaylangan po ba kayo ang malakas na boses na tanong ng kusinirang pilit pinagtatakpan din ang mga kasama nitong na wari niya ay nag bigay babala sa mga kasama upag tumigil sa pagkukuwentuhan .

Gusto ko sanang ipagluto mo ng makakain si Shiela para mamaya pag gising niya ay malamnan ang kanyang tiyan gumawa kana rin ng soup Manang ang sagot ni Charles sa tanong nito.
Sige po sir Charles ang sagot ng kusinira sa kanya.

Lumabas si Charles ng kusina upang puntahan ang kanyang lolo at lola nakita niya ang mga itong nakaupo sa sopa nanonood ang kanyang lolo ng balita samantalang ang kanyang lola ay abala sa mga magazine collection naman nito.
Lumapit siya sa dalawang matanda hinagkan niya ang mga ito sa pisngi saka siya naupo sa upuan na nakaharap sa dalawang matanda.

Hmmmm.... Pag agaw ni Charles sa attention ng mga ito na agad namang nahulaan ng mga ito kong kayat tumingin sa kanya.

Pasensiya na po kayo sa ng yari kanina magumaga na kagabi ng mapansin kong nakatulog na sa labas si shiela sa kalasingan kong kayat sa kwarto ko na lamang siya dinala.

Napatango tango ang kanyang lolo sa kanyang paliwanag.

Nakatingin lamang sa kanya ang kanyang lola na nag hihintay pa ng iba niyang paliwanag.

Charles Apo maraming silid sa bahay naito ngunit bakit sa silid mo pa siya dinala ang tanong ng kanyang lola.
Masakit na rin ang ulo ko kagabi lola nakainom din kasi ako kong kayat doon ko na lamang siya pinatulog at lumipat ako sa library ang sagot ni charles sa tanong ng kanyang lola.

At ano naman ang pinagsasabi mong Asawa mo kanina Apo ang hindi napigilang tanong ng kanyang lolo.

Yun nga po ang ipapaliwanag ko sainyo alam kong naguguluhan kayo sa mga nasabi ko kanina. Naalala nyo po ba limang taon na ang lumipas ikinasal ako.
Ng panahong iyon ay nag ka problima ang ating negosyo sa labas ng bansa ng bumalik ako wala na siya iniwan na niya ako at walang halaga
sa kanya ang kasal tanging ang gusto ng babaing pinakasalan ko ay ang manang iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang na sangkot ako sa testamintong ginawa ng kanyang mga magulang nagkaroon sila ng pagkakautang sa akin upang mabayaran nila ito at masiguro ang kapakanan ng kanilang anak ay hiniling nilang pakasalan ko ang kanilang anak ng panahong iyon ay mahal na mahal ko ang babaing iyon kong kaya't pikit mata akong sumugal sa kagustuhan nila.
Ang malungkot na pagsasalaysay ni Charles sa kanyang lolo at lola hindi niya na pansin ang pag record ng kanyang abuela sa mga isinalaysay niya sa mga ito samantalang ng mga oras na iyon ay nakatayo si Monica rinig na rinig niya ang lahat na isinalaysay ni Charles.

Lumuluhang sumakay si Monica sa kanyang kotse at lumabas ng Mansion
Galit, Puot at awa sa kanyang sarili ang kanyang naramdaman ng mga oras na iyon.
Hinding hindi ako susuko Charles akin ka lang.... !!!!Akin..Charles !!!!
Ang sigaw ni Monica habang gigil na nag mamaneho ng sasakyan.



Maraming  salamat po sa pag suporta sa story na aking ipinublish   .
Sana ay masubaybayan parin ninyo ang bagong kwentong aking susunod na isusulat na may pinamagatang " My Billioner's Maid" kung gusto po ninyong kayo ang maging bahagi o bida ng susunod na story  comment po kayo ng name at age ninyo .

Again thank you so much po.

Continue Reading

You'll Also Like

Where's Mr. Sy? By Relentless

Mystery / Thriller

426 58 29
Mr. Zirk Sy- anak ng dalawang mayayamang negosyante. Ang kanyang pagkawala niya'y nagdulot sa isang grupo ng mga agents sa isang matinding adventure...
40.7K 4.7K 44
❝ 𝑬𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒉𝒂𝒕𝒆𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒚𝒔𝒕𝒆𝒎 𝒖𝒏𝒕𝒊𝒍 𝒕𝒉𝒆𝒚'𝒓𝒆 𝒐𝒏 𝒕𝒐𝒑 𝒐𝒇 𝒊𝒕. ❞ The Landlord's graphic portfolio and shop is wait...
2.7M 180K 87
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
532K 55.3K 24
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...