Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Twenty-Two

1.2K 52 19
By MicxRanjo

CONGRATULATIONS, GRADUATES OF UPCCV BATCH 2012!

Tiningala nina Caleb, Rommel at Danilo ang malaking tarpolina na nakasabit sa gate ng kanilang unibersidad saka nagpakuha ng litrato sa professional photographer. Nakailang pose pa sila bago sila tumigil, at nagkanya-kanyang galak upang sumali sa kani-kanilang mga pamilya sa pagdiriwang sa kanilang pagtatapos sa kolehiyo.

Pasakay na sana siya sa sariling jeep upang sumunod sa mga magulang papunta sa naghihintay na pagdiriwang para sa kanya nang makita niyang nakatayo sa tabi niyon ang dating kasintahan. Umikot siya sa harapan ng jeep at nilapitan ang kinaroroonan ito.

"Marie." Ngumiti siya. "Congrats."

Ngumiti rin ito, iyong dati na niyang nasilayan noon pa. "Sa 'yo rin, congrats."

"Kumusta ka na?"

Gumalaw ang lalamunan nito bago nagsalita, namula ang mga pisngi. "O-okay naman. Ikaw, kumusta ang pagiging daddy?"

Nagulat siya sa narinig, bago ngumiti. Sabagay, hindi naman sikreto ang ang kanyang ginawang pag-ako sa batang inampon. "Masaya. Fulfilling. Ang bilis nga ng panahon, malapit na siyang mag-three years old."

"I can see that you're really happy, Cale. I'm so happy for you, too."

Bahagya siyang napapitlag sa pangalang ginamit nito na ilang taon din niyang hindi narinig. Tinitigan niya ang dating kasintahan, walang nabago sa kagandahan nito, sa pagiging mayumi at mahinhin. "Yeah." Tangi niyang sagot.

"Cale, I'm still waiting. Kapag...kapag handa ka na uling magmahal, o mangailangan ng tatayong mommy ng anak mo, narito ako. Like I told you when we parted, I will always love you. At mahal na mahal pa rin kita." Nangiti ito, waring naalala kung paano itong nawalan ng hiya at sinabi ang mga sinabi. Mabilis na namula ang mukha nito. "I-I mean...I just want you to know that...that I still love you. And I will support you no matter what." Mabilis itong yumuko, hinawakan ang mukha.

Hindi siya umimik, nakatingin lang sa kaharap. How he wished, hoped for his heart to feel something, anything. Ngunit kahit pilitin niya, kahit katiting na damdamin ay wala siyang maramdaman. Kahit iyong dati man lang niyang naramdaman noon ay hindi na rin bumalik. "Marie..."

"No rush." Umatras ito ng ilang hakbang. "S-sige, hinihintay na ako ng family ko. Congrats uli. Bye!" Saka na ito tumakbong palayo.

Pinanood niya ang paglayo nito. Marie Santillian is a fine woman, a perfect mother his children could have if he wanted to. Umangkas na siya sa driver's seat. Habang umuusad ang kanyang sasakyan, naglakbay rin ang kanyang diwa sa kung anong desisyon ang makatutulong sa kanya at sa kanyang anak, lalo pa't lumalaking kailangan ni KAYLEE ang makagagabay rito ng buong oras, bawat segundo at minuto.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Kaylee needed whatever help she could get; especially a mother who will guide her along. Naghanap siya ng malilikuan at bumalik sa direksiyon ng unibersidad. Nakita niyang pausad na ang sasakyan ng pamilya ni Marie, mariin niyang diniinan ang busina ng sasakyan saka kumaway sa driver ng sasakyang kasalubong ngunit hindi siya napansin niyon.

Sa isang marahas na desisyon, sinundan niya ang sasakyan, inunahan saka humarang at tumigil. Mabilis namang nakapagpreno ang driver niyon at gumawa pa ng malakas na ingay ang ginawa nitong pagpreno. Lumabas ang driver niyon, nasa singkuwenta ang edad, nawawalan na ng buhok sa ituktok ng ulo at may suot na salamin. Namumula ang mukha nito sa pag-aalala at galit.

"Anong problema mong lalaki ka?!" Duro ng daliri nito sa kanya.

"Sorry ho, Sir. I didn't mean to do that. Nagmamadali lang ho kasi akong maabutan kayo." Yumukod siya.

"Ano? E muntik mo nang ipahamak ang buong pamilya ko a?"

"Sorry ho talaga, gusto ko lang ho sanang hingin ang inyong basbas."

Napakunot ito ng noo, nasa mukha ang pagkalito. "Basbas? Anong basbas? Saan?"

"Kay Marie ho, Sir...gusto ko ho siyang pakasalan."

Nanlaki ang mga mata nito, hindi pa rin alam kung ano ang dapat gawin o sabihin. Doon naman bumukas ang pinto ng likuran ng sasakyan nito at lumabas si Marie. Namamasa ang mga mata nito sa pinipigilang luha. Lumapit ito sa kanya.

"Hi." Sa halip ay nakangiti niyang salubong.

"C-Cale...did I hear it right?"

Tumango siya. "Will you marry me, Marie Santillian?"

Napasinghap ito, saka tuluyan ng umiyak. Nang makabawi'y nilingon nito ang ama. "Dad, please? This is the only thing I want in my whole life. Tinanong ninyo kung anong regalo ang gusto ko for my graduation, ito ho, ang maging asawa ng lalaking mahal ko. Please let me marry him? Please?" halos magmakaawa ito sa ama.

Isa-isa nang nagsilabasan ang ina at nakatatanda nitong kapatid na lalaki sa sasakyan.

Nakabawi na rin ang ama nito, tumingin sa kanya, saka muling ibinalik sa anak. "Marie, sigurado kang ito ang gusto mong mangyari sa buhay mo?"

Mabilis na tango ang isinagot nito. Paulit-ulit. "Oho. Oho!"

Hindi na nagmatigas pa ang ama nito. Nang tumango ito'y mabilis siyang nilundag ni Marie at mahigpit na yumakap sa kanya.

"Oh, Caleb! Thank you, thank you so much! Pangako, hinding hindi mo pagsisisihang pakakasalan mo ako. I will devote my whole life to you. Magiging mabuti akong asawa sa iyo. Pangako."

Kumilos siya't iniyapos ang mga braso sa baywang nito, idinikit ang dibidb sa maliit nitong katawan. Dinama niya ito, humigpit ang mga yapos. Nakuyom niya ang palad. "S-salamat, Rie. Salamat."



"BAKIT ba biglaan ka na lang palaging magdesisyon?" Mataas na tinig ng ina ni Caleb. Nakabalik na siya sa kanila at agad niyang sinabi ang napagdesisyunan sa magulang.

"Caleb naman, wala akong sinabi nang basta ka na lang magdesisyong ampunin si Kaylee-"

"M'my, please refrain from saying that. Anak ko si Kaylee at hindi ninyo kailangang ipagdiinan ang salitang iyan sa tuwing mababanggit siya."

"I'm...sorry." Tumikhim ang ina. "Pero Caleb, dahan-dahan naman sa pagdedesisyon. Marriage is a lifetime commitment, and you just graduated. Are you sure about that?"

Tumayo siya't nilapitan ang ina. Mas lalo pa itong lumiit ngayong nasa anim na talampakan na ang kanyang tangkad. Hinawakan niya ang mga palad nito. "M'my, twenty-two na ho ako, at alam ko ho ang aking ginagawa. Isa pa, kilala ko na ho at ng pamilya natin ang mga Santillian. Marie is a very good woman, she will be a perfect daughter-in-law to you. Magkakasundo kayo."

"Pero--"

"Clari, siya naman ang magpapakasal, kaya siya na ang bahala sa buhay niya." Singit ng ama na naroon at nakaupo lang sa silya sa harap ng working table nito.

"See, Dad agrees." Kinindatan niya ang ina.

"Hmp, like father, like son. Ewan ko sa inyo. Kailan ba kayo nakinig sa akin?" Nagkunwari ang ina sa paghihinampo.

Niyakap niya ito nang mahigpit. "Don't worry, M'my, kayo na ho ang bahala sa mga gagawin sa kasal ko, alam ko namang gusto ninyo ang mga party na gano'n."

"Noon iyon, noong bago pa ako magpakasal sa daddy mo. Bihira ko na lang gawin iyon ngayon." Sinundot nito ang kanyang tagiliran, natawa siya.

"Well, this is your chance to do it again." Saka na siya kumalas. "Anyway, salamat ho sa pagbibigay sa mga kahilingan ko. I owe it all to you. This is for you." Iniabot niya ang diploma sa mga magulang, saka yumukod ng pasasalamat. "Thank you."

"You deserve it, son. And goodluck from here on." His father cheered on.



"GAGA ka talagang babae ka! Kung bakit ba patuloy akong naniniwala na bibigay ka pero paulit-ulit ka na lang umaatras sa huling sandali. Pati mga regular ng club ko ay sisirain mo pa!" At isa pang malakas na sampal ang natamo ni Erina mula sa may-ari ng club na sinasayawan niya. Nasadlak siya sa sementadong sahig, hawak ang nasaktang pisngi.

Nasa sinkuwentang edad ang babae, mahaba ang kulutang buhok, makapal ang kolorete sa mukha at maikli ang suot na kulay pulang minidress at sapatos na may mataas na takong.

"Ano ba?" Singhal pa nito sa dalawang lalaking tauhan, may malalaking katawan, "Mga tanga rin kayo ano? Hinayaan n'yo na naman siyang makatakas sa kliyente niya! Gusto ninyong pare-pareho tayong mamalimos ng kakainin natin sa lansangan?"

"Sorry na, Madam. Nalingat lang kami sandali e." sagot ng isa sa mga lalaki.

"Ang sabihin ninyo ay mga tanga kayo! Ang laki ng perang ibinayad sa kanya, naging bato pa!" Muling lumingon sa kanya ang bugaw. "At ikaw namang babae ka, ikaw ang nanghingi ng kliyente, at ikaw pa ang may ganang sirain ang negosyo ko!" Hinablot nito ang kanyang buhok at sapilitang itinayo.

Napasunod naman siya rito sa pagtayo, ngunit sa halip na magmakaawa, natawa lang siya.

"Baliw ka nga talagang babae ka!" Muli siya nitong itinulak.

"Sorry, Madam. I thought...letting those dirty men touch me will make me feel better but..." Patuloy lang siya sa pagtawa, ngunit sinabayan iyon ng pagtulo ng mga luha. "But I just can't. I can't let them touch me. I guess I'm still sane."

"Aba't nag-ingles ka na namang babae ka. Sayang lang iyang ganda mo kung hindi ko naman mapapakinabangan. Umalis ka na't humanap ng ibang masisira mong negosyo." Tumingin uli ito sa mga tauhan. "Kayo, ihagis na ninyo iyan doon sa malayo at ayoko ng makita pa iyan sa paligid ng club ko. Malas ang babaeng iyan!" Saka na ito tumalikod.

Binitbit siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso, inilayo sa club at basta na lang inilagak sa tabi ng basurahan. "Huwag na huwag ka ng babalik dito kung ayaw mong masira iyang maganda mong mukha!" babala ng isa sa mga lalaki bago na umalis ang mga ito.

Tumawa lang siya, kumaway pa ng pamamaalam. She then heard her stomach growl, she laughed. Tumayo siya mula sa kinasasadlakang lupa, nagsimulang humakbang papunta sa isang tindahan na nasilayan. May mga binatang nakatayo sa labas ng convenience store ang nakapansin sa kanya, sumipol at nagpahaging kung magkano ba ang rate niya sa gabing iyon, bago nagtawanan.

"Pokpok yan, papatulan ninyo?" Narinig niyang tanong ng babaeng lumabas ng tindahan sa mga lalaking nagpahaging, kabarkada marahil ng mga ito.

"Maganda naman." Biro pa ng isa sa mga tatlong lalaki.

"Yuck, kadiri ka!" Tinampal ng babae ang balikat ng lalaking nagsabi niyon.

Nangiti lang siya sa mga iyon. Nilampasan na niya ang grupo at pumasok sa loob ng tindahan. Humablot siya ng tinapay at cold coffee, binuksan at nilantakan. Napatingin sa kanya ang ilang parokyanong naroon, ang ilan ay may pang-aakusa sa mga mata. Nang maubos, muli siyang kumuha ng isa pang tinapay at pineapple juice sa lata, pumunta sa counter at nagbayad.

Lalabas na sana siya nang mahagip ng kanyang pansin ang isang local magazine sa isang rack. Hindi niya kailanman pinagtuunan ng pansin ang mga ganoon, kahit simpleng balita o tsimis man lang, ngunit sapat na ang mukha ng nasa litrato roon upang mapansin niya iyon. Isang lalaki at babae ang nasa cover, magkahawak ang mga kamay, nakangiti. At sa ibaba ng mga iyon ay ang malaking caption na, "Guerrier and Santillian Tied the Knot.".

Kumabog ang kanyang dibdib. Nilapitan niya ang magazine, pinakatitigan. Dapat matuwa siya. He finally found his way to salvation. He was free from the sin they had both committed. Nakalimot na ito. Masaya na uli. Lumabas siya ng tindahan, nilakad ang daan papuntang tabing-dagat.

How far was she from Peñaflor? Or Del Rio? Hindi niya alam, ayaw niyang alamin, ni wala siyang pakialam kung nasaang sulok na ba siya ng mundo. Ngunit ang balitang nakita niya kanina, patunay iyon na hindi siya tuluyang nakalayo.

Maalinsangan ang hangin ng gabi. Malansa sa pang-amoy. Inalis niya ang suot na sandalyas at iniyapak ang mga paa sa basang buhanginan. Malamig iyon sa pakiramdam. It should calm her nerves down, to sooth her confused heart...but no. Lalo lang siyang nalito dahil...dahil nasasaktan siya. Pakiramdam niya'y sinasaksak siya.

Tumulo ang kanyang luha. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman, kung bakit ganoon. Bakit siya nasasaktan sa nalaman niyang pagpapakasal nito sa ibang babae? Dapat ay matuwa siya na nakatakas na siya sa kasalanang kanilang ginawa ngunit bakit tila pinipiga ang kanyang puso sa kirot?

She couldn't help but loath her self even more. Pakiramdam niya'y sinusunog na sa impiyerno ang kanyang kaluluwa. Nandidiri siya sa sarili kaya naman binayo niya ang sariling katawan, binugbog ang mga braso, sinampal ang mga pisngi. Pinagagalitan niya ang sariling kasakiman, na dahil sa kabila ng lahat, sa mga kasalanang lantaran nang nasa kanyang harapan, hindi niya maitanggi na hanggang ngayon, tumitibok pa rin ang kanyang puso para sa lalaking iyon.

But she couldn't even take her own life, she was a coward to even think about it. She could only drown herself in pits of hell, danced her body away and let the paying men drool on her. Ginusto niyang magpakalunod sa hawak at haplos ng mga lalaking kayang magbayad para siya'y maikama upang makalimot, mapalitan ang haplos at halik ng isang kasalanan, ngunit sa huli'y hindi niya masikmura na may ibang makagalaw sa kanya maliban sa lalaking nakauna sa kanya.

"What do I do now, huh?" Tumingala siya sa madilim na kalangitan. "If you are who you said you were, help me. Help me! Why are you doing this to me? I just want to be happy...but why do you hate me so? What did I do to you? Tell me!" Pumunit sa gabi ang kanyang malakas na pagtangis. Humakot siya ng mga buhangin at inihagis iyon paitaas, na tila ba maaabot niyon ang langit. "I hate you, too! You made me like this...you did this to me. You're no God of mine...you left me first." Saka napaluhod, hawak ng mga palad ang mukha, nagpatuloy sa pag-iyak.



"The incest victim's need for self-punishment often leads her into self-abusive behaviors like alcoholism, drug abuse, or prostitution."
― Susan Forward

A/N:

Thank you everyone! Please continue to do so. I appreciate it.

Warning: The following chapters are going to be depressing, a hardcore pain in the heart.

Lovelots,

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
800K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...