Because Of You (Parts 1 and 2)

By seryosongplongex

9.6K 99 55

[UNDER REVISION] Love indeed is unpredictable. Hindi natin malalaman na malapit na pala sa'tin darating 'yun... More

Note
Part 1
Chapter 1: The Beginning
Chapter 2: Get to Know Each Other
Chapter 4: Flowers

Chapter 3: Friends or Unfriends

292 12 6
By seryosongplongex

Chapter 3: Friends or Unfriends

Adrian's POV:

Hindi na siya sumagot. Nabahala ako kinabukasan. May namensahe ba akong, mali?

First subject namin sa umaga. Tinignan ko kung nasa kanyang upuan si Ally. Pero wala. Agad kong ginala ang paningin ko sa aking mga kaklase. Pero hindi talaga mahagilap ng mga mata ko si Ally.

Absent talaga siya.

Nasaan ba siya? Sa kahabaan ng lesson. Wala ako sa sarili. Hindi makaya ng konsensya ko kung may nagawa ba akong mali. Oo nga't ang babaw. Pero minsan ko na kasi siyang nasaktan. Hindi ko kayang mawala na naman ang tiwala niya sa'kin. Kasi minsan ko na iyong napakawalan. Kailangan kong mabalik ang tiwala niya. Even just this time.

Hindi ko na namalayan ang oras at huling subject ko na pala sa umaga. Kaya tinapos ko na agad ang activity na ginawa namin.

Lumabas na ako sa classroom aat dumiretso sa caféteria. Nag-order ako for lunch at umupo sa gilid. Maya-maya pa'y inilapag na nung waiter ang order ko.

Binuksan ko 'yung laptop ko and logged in to my Facebook account. I opened my last chat with her. And realized na wala naman akong nasabing masama. Pero medyo naging makulit nga ako. Dahil ba doon?

Bakit siya absent? What happened to her? And why am I so concerned? Damn.

"Si Ally ba 'yan?" Nagulat ako nang may biglang sumulpot sa harap ko.

Who the hell is this?

Ngumisi siya like parang na-confirmed niya na siya nga ang iniisip ko.

"Who are you?"masungit kong sabi.

Natawa siya ng konti.  A laugh with no humor.

"Don't me! Adrian naman. We've been schoolmates since kindergarten. Although,hindi tayo close. Pero minamanmanan kita every time. Not that,I have interest on you. Pero dahil sikat na sikat ka. Na alam ng mga fangirls mo ang bawat kilos at breaking news mo."

Napaawang bibig ako.

Is there such thing? Ni hindi ko 'yan alam ah!

I chuckled. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. Whoever she is.

"Bianca." She lend a hand.

Tinanggap ko naman kaagad.

"I'm sure you know me,already."

"She had a fever. 'Yun ang sabi nung nanny niya. Magkapitbahay lang kasi kami. At kasama ko siya before going to school."she said intently.

So,ano naman ang gusto mong gawin ko?

"Purok 2,Eastern Poblacion,Lopez Jaena. Anastacia Dela Peña. Puntahan mo."

Napahalakhak ako.

Is this a coincidence? O nakakabasa nga siya kung anong nasa isip ko? Unbelievable!

"I gotta go,now. Baka sabihin pa nilang admirer kita. Like,duh!" oa siyang naglakad patungo sa counter at umupo sa unahan. She waved.

Napailing nalang ako. Saka napagtantong ka-course ko lang pala siya base sa kanyang uniporme.

Baka,admirer ko nga 'yun?

Gwapo ka na niyan bro? Ha!

I finished my meal at sinipsip ang nalalabing frappe. I packed up my things saka umalis sa café. And end up finding the said address the girl has given me. Since,2 o'clock in the afternoon pa 'yung sunod kong klase.

Why am I doing such thing?!

Iilan ring mga bahay ang natunguhan ko para makapagtanong.

Sinunod ko naman 'yung sinabi nila.

Now,nasa harap ko na 'yung pink nilang bahay. You can see it vividly since hindi naman ganun ka laki 'yung gate.

Nagdoorbell ako.

Pero ilang segundo na ang lumipas pero wala paring tumutugon rito.

Pinindot ko na naman 'yung button.

And finally,lumabas ang medyo may katandaan na babae. Siguro mga mid 30's na ito. Nakataas ang kilay like she's looking at me na para akong kriminal.

"Anong atin?"wika nito sa mataas na boses.

"Ah mind if I'll ask. Ito po ba 'yung bahay nina Anastacia Dela Peña?"mahinahon kong sabi.

Her eyes shut.

"Eto nga!"mataray niyang utas.

"Bakit,sino ka ba?!" Kung makapagsalita 'tong 'sang 'to parang 'yung may-ari!

But I stood calm. Nakangisi parin.

"Adrian Rodriguez,classmate po ni Ally."

"HINDI MO PWEDENG ISTORBOHIN ANG ALAGA KO! AT KUNG ISA KA MAN SA MANLILIGAW NIYA AY TUMIGIL KA NA!"

She shouted on top of her lungs.

Pero nang maaninag ko na may babaeng palapit. Gulong-gulo ang buhok. Naka-spaghetti strap at pajama ay natawa nalang ako.

Si Ally!


Ally's POV:

Nabahala na ako sa tinig na nagmula kay Nana Sesa. Sino ba kasi ang kausap niya? Imbis na mahimbing na 'yung tulog ko. Sumasakit pa naman 'yung ulo ko. Shit.

"Nana sino ba 'yan?"Napakamot ako ng ulo. Tumungo ako sa harap nung pintuan.

"Eto kasi ma'am eh! Si Adri-"natigil si nana.

My eyes widened.

WHY THE HELL IS HE HERE?

"Ally!"tawag niya.

Padabog kong sinara ang pintuan.

Shit. Shit. Ang pangit ng itsura ko! Para akong aswang! Wait. Why am I even bothered with my look?

"Ma'am!"tawag ni Nana.

"SABIHIN NIYONG MAGBIBIHIS LANG AKO!"

Napamura ako nang malupit.

Tinakbo ko 'yung drawer ko para makapili ng magandang damit. I wear what I think is good,in haste. A floral dress. But I feel cold.

Why did I even wear na may lagnat ako? Why will I even entertain him na may sakit ako?

I shut my thoughts. In the end, I tied my hair...put some light foundation on my cheeks and lip gloss.

Noong nakuntento na ako ay lumabas na ako sa kwarto. Nagulat naman si Nana sa itsura ko.

"Crush mo,ma'am?" I just glare at her. As if. AS IF!

Pumanhik na ako palabas habang nandoon parin naghihintay sa gate si Adrian.

Damn. Am I on a date? Why did I wore such dress?

"Bakit ka nandito?"panimula ko sa harap nang nakabukas naming gate.

"Nagmukha ka nang tao." He said out of nowhere.

"WHY.THE.HELL.ARE.YOU.HERE." This time napamaywang na ako. Pero nabigla nalang ako nang bigla niya akong hilain.

"Hoy! Get off me! Bakit ka ba nandito?!"

Pero hindi parin niya binibitawan ang pulsuhan ko.

"Ano ba!"

Huminto siya at hinarap ako.

"Ano?! Plano mo ba akong kidnapin at i-rape? What the hell! Are you in right mind?"

Pero binalewala niya lahat ng ka-echosan ko instead,

"You're sick?"He asked worriedly.

"May nagawa ba akong mali kagabi? Bakit hindi ka na nagreply?" It was so soft.

My hearts not in it's usual rythm again.

But I need to stand still.

"Pake mo?! Akala mo close na tayo dahil sinagot ko 'yung message mo? Luh." May atraso ka pa sa'kin huy!

"Look. I'm sorry."sinsero niyang wika.

Kailan nga ba magtatapos 'yang galit mo,Ally? Galit nga ba 'yan...o

"If I'm still not forgiven. Well,I think I have to move." Hinila na naman niya ako.

Hindi na ako umangal. I let him drag me to where the hell is he going. Hindi naman harsh. Sakto lang para madala ako.

We stop at the municipal plaza.

Pinaupo niya ako doon sa isang bench sa gilid.

"Wait for a minute. Kapeng mainit."

Tumayo siya doon at nagtungo doon sa stall ng mga streetfoods.

What? Ipapakain niya sa'kin 'yan? May sakit ako,'no!

Minuto nang bumalik siya dala-dala ang mga isaw,siomai,fishball at tempura.

Umupo siya sa tabi ko. At hinarap ako.

I made a poker face.

"What? Ipapakain mo 'yan sa'kin?!"

Tumango siya. Nakangiti.

I laugh mockily.

"Nahihibang ka na ba? O papatayin mo talaga ako?"may banayad kong utas.

He just chuckled. And damn,I can't take my eyes on him. Ano 'yun,ALLY?!

"Sabi kasi ng Mommy ko. 'Pag may lagnat ka,ikain mo lang daw 'yan ng isaw. Noong una,hindi ako naniwala. Pero kalaunan ay sinunod ko naman at tama nga siya. Gumaling ako."

Napahalakhak nalang ako.

"Seriously?"

Why would I believe such hypothesis? Siguro bobo lang ang maniwala kung ganun.

He lend the food. Umiling lang ako.

"No thanks."

"Ikaw'ng bahala."anito sabay ngiti. Ugh.

"Well,ako talaga ang bahala!"tumuwid ako ng upo at humalukipkip.

"Masaya kaming pamilya noon. My mom and dad is happily married kaya agad ako ang nabunga."

Binalik ko ang paningin ko sa gawi niya. Puzzled. We're half meters apart.

Huh? Ano ba 'tong pinagsasabi ng mokong na'to? Eh ang obvious naman eh!

"May aso rin kami. His name is Buboy. Ang cute nun."

Binalik niya ang paningin niya sa'kin. And smiled again. Nakakairita. Hindi ba siya napapagod ngumiti? At anong connect ng aso nila sa pamilya niya? Gulo.

"My mom is a doctor. I've seen and witnessed her passion to help the needy. Mataas ang pasensya ni mommy at mahal niya ang kaniyang mga pasyente. Kahit minsan,'yung ibang walang-wala talaga...iniintindi niya. Not minding kung gaano kahirap ang trabaho niya. Mas importante sa kanya ang makatulong at makasalba ng buhay."

ANO 'TO? Enlighten me please. Huhubels. Kani-kanina lang sinabi niyang pinapakain siya ng mom niya ng streetfoods to think that she's a doctor? How ironic.

Gusto kong mag-interupt. Pero parang busy nga siya sa pagstostory-telling. Nakikinig nalang ako.

"While my dad is a lawyer. Like mom,he love his passion too. He love his passion as much as he care for his clients. To the intent that he will not stop until he win a case...until he proves that the client isn't guilty. Pero dahil sa prinsipyong 'yun ni dad..ay napag-initan siya. Nakalaban niya ang isang narcopolitician at pinagbantaan siya. Some lawyers and a couple of friends adviced him to withraw the case. Even mom, because of his safety...our safety is at stake. Pero hindi siya natinag. As long as nasa tamang gawi siya. But if there's good then there will always be evil."

Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Adrian. I can see vividly how pain it was for him.

"My dad got shot nang pauwi siya sa kanyang opisina. Dinala pa siya sa hospital pero dead on arrival na. We mourn all night...hanggang sa namanhid na ako sa sakit. My dad didn't even witnessed my high school graduation. My dad didn't even witnessed how I worked hard..and how I reached success. Pero si mommy...hindi parin nakamove-on...hindi parin niya tanggap ang naging kinahihinatnan ni Dad. And with that,she always got stress and frustrated...to the point na pati ako naapektuhan. She always pressure me on my grades...gusto niyang lagi akong nasa itaas. At sinusumbatan niya ako tuwing may bumaba sa grades ko...Na hindi daw ako nag-aaral..hindi ko daw pinapahalagahan ang sinakripisyo niya para sa'kin..na...ang bobo ko daw."

Bumigat 'yung pakiramdam ko. I want him to stop. I want him not to open his whole damn life to me.

"Masakit 'di ba?"paos na ang kanyang boses. Pero hindi parin lumuluha.

"All my life. Nagsumikap ako..para maging proud sila sa'kin...siya sa'kin. Pero all she can see is my flaws. Hindi naman ako perpekto ah! Wala namang perpektong tao." He laughed with no humor.

"I'm sorry." Wala na akong ibang nasabi.

"No you don't have too. I am sorry,Ally. Kasi hindi iyon sapat na rason para ipahiya ka. You are my friend but I lost it with just a stupid reason."

"But I know understand,Adrian. I'm not sorry for being sorry. I'm sorry for being immature. Kasi lahat tayo nagkakamali. Walang perpekto." Diniinan ko iyon.

Our eyes met.

"You and I have the same story."wala sa sarili kong wika.

"What?"naguguluhan niyang tanong.

No way. My life isn't an open book.

"Wala." I smiled.

"Ang daya mo naman!"

"Tse! It's coinfidential you know." I rolled eyes.

"Ang daya nito! Ako nga sinalaysay ko na ang talambuhay ko!" Tumawa siya.

"I didn't asked for it."humalukipkip ako. Medyo snob.

"Daya mo! Daya!" Kiniliti niya ako.

Oh,he knows my weakness!

"ADRIAN!"suway ko

Humagalpak lang siya ng tawa.

Oh how I missed this! Ganito kami noon tuwing may contest. Para kaming mag-jowa! What did I just said?

"Huy malelate ka na sa klase mo!"

"2 o'clock pa naman." aniya.

"Still. You have to go. At ako iinom pa ako ng gamot." Why am I so concerned?

Tumawa ito. Oh stop it with your laughs,Rodriguez!

"Hindi na kailangan. Naubos mo na ang isaw."

Nanlaki ang mga mata ko. Naubos ko nga! Habang nagsasalaysay siya ay kain nga pala ako ng kain rito!

"Gagaling ka na niyan."He smiled again and why is he so manly?

"Thanks. Oh siya. We have to depart. I have to go." Tatayo na sana ako pero bigla niyang hinigpitan ang papulsuhan ko.

"Friends?"

Napakunot noo ako. Ano daw?

"Slowpoke." Tumawa na naman ito.

"Sige na nga!" Tumayo na ito at nagsimula ng maglakad.

I still didn't understand what was that.

Bumaling ito ng tingin sa akin mula sa malayo. He smiled while he waved his hands.

"BYE FRIEND!" Sigaw niya.

Atsaka ko lang napagtanto kung ano ang ibig sabihin noong tanong niya.

***

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
71.5K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...