✔The Playboy S.A

By luxylightbringer

195K 3.3K 477

Rein Lucas Anderson is a handsome and hot chick-magnet playboy on their campus. Girls like him a lot; they wo... More

PLAYBOY(ANDERSON#1)
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
EPILOGUE
Author's Note
Special Chapter
Christmas Special 2019

Chapter 2

3.4K 83 26
By luxylightbringer


Masama ang loob ko habang busy sa pagche-check ng returned at borrowed books mula sa listahang hawak ko. I am in the middle of working pero medyo preoccupied ang isip ko dahil sa mga nangyari kahapon dito sa library. Everytime na dumadako ang tingin ko sa corner kung nasaan kami nakapwesto ni Rein kahapon, naaalala ko ang pag halik niya sa akin. Umiinit tuloy ang dugo ko!

"Ruan, may bagong libro tayong darating dito, okay? Alam mo na ang gagawin," paalala sa akin ni Ma'am Santi na siyang busy na naman ngayon sa harap ng kaniyang bilog na salamin.

"Yes, ma'am" sagot ko nalang.

"Siya nga pala, pupunta muna ako sa admin ngayon. Maya-maya ay darating na yung mga bagong libro kaya ikaw na ang mag ayos no'n"

"Pero mabibigat po 'yong mga 'yon--"

"Oh, don't worry about that. May bagong S.A na nag apply kanina. Buti nalang lalaki, kaya may taga-buhat ka na ng mga libro"

"Talaga po?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Maam. "Himala,"

For almost two years na pagiging S.A ko, walang nag atubiling mag apply dito dahil naraming natatakot sa lugar na 'to. Syempre laging tahimik dito sa library at konti lang ang tao. Isa pa'y mas gusto nila sa school office o sa clinic mag S.A.

"Hi, ma'am!" Isang pamilyar na boses ng lalaki ang umalingangaw sa pintk. Bumaling doon si ma'am at biglang ngumiti.

"Oh, ayan na pala ang bago nating S.A!" Ma'am Santi said with a welcoming tone.

Bumaling ako sa pinto at halos malaglag ang panga ko ng makita si Rein Anderson na hinihingal dahil sa pagtakbo.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat at medyo pagalit kong saad.

Nakangiti siyang lumapit sa akin at buong pagmamalaking ipinakita ang ID na kapareho ng S.A ID ko.

"I'm the new S.A, care to welcome me?" Tinaas taas niya ang kilay niya sa akin.

Napalayo ako dahil lumalapit na siya sa akin. S-hit. Nakasando lang sya na puti at pawis na pawis kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa muscles niya sa braso.

"Sa itsura niyong dalawa, mukhang magkakilala na kayo," Ani Ma'am Santi at tinignan kami pareho nang may suspisyon. "Ruan, ikaw na ang bahalang mag guide sa kaniya ng mga gagawin. Rein, magtanong ka nalang kay Ruan. Aalis lang ako"

"Yes maam" sagot ni Rein at ngumiti sa akin. Inirapan ko naman siya. Feeling close?

Sumpa ba ito? Bakit makakasama ko ang kilalang playboy sa campus na ito?

Hindi ko napansin ang pag alis ni maam dahil nanatiling nakatingin ang mga mata ko kay Rein. Argh! Anong pumasok sa kokote ng bastos na 'to at nag apply bilang S.A?! Diba mayaman sya?!

"So..." Hindi ko namalayan ang paglapit nya kaya nag step backward ako para makalayo. "How about a warming hug to welcome me?" Inilahad niya ang mga kamay niya sa akin, hindi naman ako lumapit at sinamaan lang siya ng tingin.

"Mukha mo! Ano namang nakain mo at nag-apply ka dito?" Hindi ko na naiwasang mailabas ang inis ko. Nakakasira naman kasi ng araw 'e, ang tahi-tahimik ng buhay ko bilang S.A tapos masisira lang dahil sa kaniya!

Napataas ang kilay nya at ngumisi. Nakakainis talaga kapag ngumingisi sya!

"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang mag apply dito?" Aniya habang sinusuklay ang short bangs ng itim na buhok niya dahil sa pawis. Napaiwas ako ng tingin dahil doon. Bakit ba kahit pawisan, hindi siya dugyot tignan?

"You're obviously sus, bakit hindi mo nalang ipinaubaya ang slot sa mga studyanteng mas nangangailangan?" Tugon ko. "alam kong mayaman ka, may kotse! may mansion! lahat na sayo na-"

"Ikaw nalang ang kulang," he winked and gave me his charmiest smile.

Napailing ako sa sinabi niya. Hindi parin talaga siya titigil sa mga banat niya 'no?

"Pwede ba?" Nagsimula na akong mairita. "Kung wala kang matinong sasabihin, itikom mo nalang 'yang bibig mo"

"Sus! kinilig ka lang! Aminin mo!" Sinundot niya bigla ang bewang ko na ikinagulat ko. Aba?! close na ba kami!?

"Kasing kapal din pala ng libro ang mukha mo 'no? at pwede bang lumayo-layo ka? Nakakairita ka." inirapan ko sya at nilagpasan.

"Sungit mo talaga, baby"

Muli ko siyang nilingon, nakanguso siya sa'kin, tila nagpapa-cute na kunwari'y nagtatampo. Napangiwi ako sa kaartehan nya at tinuro nalang ang mga libro sa sahig.

"'Wag mo nga kong tawaging baby! At kesa mag inarte ka d'yan, ilagay mo nalang ang mga libro na 'yan sa section na yun. Maglilinis ako kaya wag kang istorbo,"

Iniwan ko na agad sya para hindi ko na makita ang hotness at kagwapuhan--I mean, Ang nakakainis na mukha nya pala! Sira na nga ang araw ko mula pa kanina dahil ginugulo niya ang isip ko, ngayon sirang sira na lalo dahil kasama ko na naman siya!

"Gwapo nga sya at hot pero hindi ako magpapaapekto sa alindog nya" inis na bulong ko habang nagpupunas ng mga shelves. "Hindi ako kagaya ng ibang babae, kahit anong landi ang gawin niya, hindi ako magpapaapekto--"

"Baby, can you please help me with this books? I don't know how to classify it"

Napalingon naman ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. He looked at me innocently, tila interesado talaga siyang malaman kung paano gawin nang tama ang trabaho niya.

"Isa pang baby mo, bibigwasan kita!" masungit kong wika. "Paghiwalayin mo nalang ang mga 'yan at iabot mo sakin tas ako na ang maglalagay para mas mabilis!"

Masunurin naman siyang tumungo at sinunod ang sinabi ko. Mabuti naman at sumusunod siya, kun'di irereklamo ko talaga siya kay ma'am Santi. Habang busy ako sa paglalagay ay napansin ko ang pananahimik ni Rein kaya napatingin ako sa kanya. I found him staring at me, but he suddenly looked away when I caught him. Napangiwi ako at nanalangin na sana hindi niya ako hinuhubaran sa kaniyang isip.

"Uhm... May boyfriend ka na ba?" Biglang tanong nya.

Napatigil ako saglit at nagpatuloy ulit sa pag lalagay at pag aayos ng libro. "As if you care?" taas kilay kong sabi.

"Wala 'no?" Napangisi naman sya, tila nang aasar.

"It's none of your freaking business" inis kong sagot.

"Aminin mo na kase," he teased, nudging me slightly.

"Oo na!" I darted him a glare. "At wala kang pake, okay?"

Kulang pa ang pagtitimpi ko sa lalaking 'to, kailangan ko ng extension! Every second nanggagalaiti ako sa kanya!

Natawa na naman sya. Grabe ang pagkamasayahing tao niya, kanina pa siya tawa-tawa.

"I think I know why. You're so grumpy kasi" umiiling iling ito habang nakangiti parin.

"Ano?!" Tuluyan na akong bumaling sa kaniya at binigyan siya ng nagbababalang mga tingin. Sige subukan mo 'ko, Anderson, baka ma trashtalk kita ng wala sa oras!

"You're so grumpy, in a very CUTE and CHARMING way," kinindatan nya ako at ngumiti ng matamis.

Naramdam ako ng pag iinit ng mukha kaya umiwas nalang ako ng tingin. Takte! Flirty moves yan alam ko! And I won't fall for it, I swear! Crossed my heart, hope to die!

"Gutom ka na ba? Kain naman tayo minsan" casual nyang saad. Napakadaldal ng lalaking 'to! Hindi nauubusan ng sasabihin!

"Stop talking to me like we're good friends, pwede ba?" irita kong wika at padabog na kinuha ang librong inabot niya sa akin.

"Ayaw mong as a friend? as a boyfriend pwede?" napatingin ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

"Ang landi mo din no? Dun ka na nga!" Hinawi ko sya at umalis na sa aking pwesto. Bahala siyang mag classify d'yan, pinapainit niya ang ulo ko!

"You know what? Ikaw lang ang nilandi kong sinusungitan ako palagi," sinundan niya ako habang natatawa. I knew it! Nag apply lang siya rito para lumandi!

"Dahil nakakairita 'yang mukha mo! Wag mo na nga akong kausapin!" sagot ko habang naglalakad patungo sa ibang shelves.

"I can't help it!" masiglang saad nya. "'I think I like you,"

Sobrang confident niya sa pagsabi ng salitang 'yon. Abnormal ba 'to? Hindi niya ba alam kung gaano kahirap sabihin ng salitang 'yon sa isang tao? Geez, why I am thinking this way? Syempre hindi 'yon totoo! Labas 'yon sa ilong! Isa siyang playboy, right? Malamang ilang beses na niyang sinabi ang salitang 'yan sa mga babae kaya hindi dapat ako nagpapauto.

"Ha.Ha.Ha." I faked a laugh. "Anong tingin mo sakin inutil? Wag ako Anderson," umirap ako sa kanya at tinalikuran siya pero hinila nya ako pabalik.

"I know it's too fast!" He intently looked into my eyes, dahilan para saglit akong maestatwa. "But I swear, I think I like you"

My hand automatically moved, sabay pinitik ko nang malakas ang noo nya. He flinched and let go of arm, furrowing his eyebrows.

"Hindi ba pumasok sa kokote mo ang mga sinabi ko kahapon?" I said without removing my eye contact with him. "I won't ever play with a playboy. Hindi ako panglaro, Anderson. Kaya please, tigilan mo na yung pang gugulo sa'kin"

Natahimik naman sya bigla sa sinabi ko. Nakapako parin ang mga mata namin sa isa't isa, tila nagsusukatan kami ng tingin. Hanggang sa biglang siyang ngumiti, pero 'yung ngiting 'yon ay parang may konting bahid ng pait.

"Grabe ka, binasted mo 'ko agad, baby!" Mahina siyang tumawa at umiwas ng tingin.

Base sa pag kurba pababa ng labi niya at ang pag iwas niya sa mga mata ko, ramdam kong naapektuhan siya sa mga sinabi ko, Hindi ko alam kung bakit bumigat ang pakiramdam ko ng makita ang mukha niyang 'yon. Para bang ang sama ko sa part na 'yon. But why do I have to feel guilty, anyway? Sinasabi ko lang naman ang totoo, at isa pa mabuti nga't ni-real talk ko na siya para hindi na siya mag aksaya ng oras sakin, 'diba?

"But I expected it, anyway" Muli siyang tumingin sa akin na para bang naka get over agad siya sa pambabasted ko. "You're Ruan Lacsa after all,"

Matapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran na niya ako. Pero biglang nagpatay-sindi ang ilaw ng kwrto kaya mabilis kong hinabol si Rein at kumapit sa braso niya. Bahagya kong napisil ang braso niya sa kaba, naramdaman ko tuloy kung gaano katigas ang muscles niya. Tumigil si Rein at tinignan ako kaya't napabitaw ako agad sa kaniya.

"Chansing ka sa muscles ko ah" loko-loko niyang wika.

"E..excuse me?" nautal ako bigla dahil sa taranta, hindi ko naman kasi sinasadyang pisilin ang braso niya! Narinig ko siyang tumawa at naglakad muli kaya sinundan ko siya agad habang nagpapatay-sindi parin ang mga ilaw. Pinuntahan ni Rein ang ilaw para i-check ito, Ilang saglit pa ay tuluyan na itong namatay.

"Rein! hoy, Rein!" nag panic ako bigla at kinapa-kapa ang paligid ko. "Dito ka lang! wag mo kong iwan, oy!" Narinig ko ang pagtawa ni Rein sa gilid ko kaya hinampas ko siya at kinapitan ang suot niyang damit.

"Parang kakabasted mo lang sa'kin kanina, tas ngayon kapit ka ng kapit sa'kin" bakas ang pabirong pangongosensiya ni Rein sa mga salitang 'yon.

"Dami mong sinasabi! Samahan mo 'ko sa table, nando'n phone ko!" ani ko at hinila ang damit niya.

"Sabihin mo muna, 'please, baby', yung malambing ah"

"Not a chance!" Sagot ko agad.

"'E 'di bahala ka d'yan" Kinabahan ako ng alisin niya ang kamay ko, naglaho siya sa harap ko at dahil madilim, hindi ko na alam kung nasaan siya!

"Rein! Hoy!" umatikabong ang dibdib ko dahil hindi ko na marinig o maramdaman ang presensiya niya. Don't tell me iniwan niya talaga ako!?

Ilang saglit pa ay nakarinig ako nang creepy na mga bulong sa hangin, bumilis ng tibok ng puso ko at kumapit nalang sa shelf na nasa gilid ko. Hindi ako makaalis sa pwesto ko. Bwiset na Rein 'to! Bakit iniwan niya ako!

"Rein! gago ka talaga--"

"Awoo!"

"Ahh!" Napatalon ako sa aking pwesto ng may naka-flashlight na mukha ang sumulpot sa harap ko. Hinampas ko agad siya, at dahil do'n ay nabitawan niya ang hawak niyang cellphone.

Pareho naming sinubukan saluhin ang nagliliwanag na cellphone sa ere ngunit napatid kami pareho dahilan para matumba kami. Napaupo ako sa sahig habang ang cellphone ay nahulog rin at umilaw mula sa sahig.

"Bakit ba kasi nanggugulat ka--" napatigil ako nang namalayang nasa harap ko pala si Rein. Magkalapit na magkalapit ang mga mukha namin habang nakasuporta ang mga braso niya sa bookshelf na nasa likod ko. Kung hindi niya nagawang suportahan ang sarili niya kanina sa pagbagsak, paniguradong naipit na niya ako.

"Okay ka lang?" 'Yon ang lumabas sa kaniyang bibig imbes na sagutin ako. Naiilawan kami ng flashlight ng cellphone kaya't kitang kita ko ang mukha niya na sobrang lapit sakin.

Napatungo lang ako habang nakatingin sa kaniya. He looked so concern, and somehow that made feel touched. 'Di ko sinasadyang tignan ang labi niya, naalala ko tuloy bigla ang pagdidikit namin ng labi kahapon. Ilang sandali pa ay naramdaman kong unti-unting nababawasan ang distansiya ng mukha namin sa isa't isa. Ilang sentimetro nalang ay magdidikit na ang aming labi, ngunit naantala 'yon nang biglang bumukas ang ilaw kasabay nang tunog ng gulong sa sahig.

Pareho kaming napatingin ni Rein sa pinto at nakita ang isang lalaking kakapasok lang ng kwarto tulak-tulak ang heavy duty trolley ng mga libro. Napatingin siya sa amin at bahagyang napanganga ang bibig nang makita ang posisyon namin ni Rein.

"Uhhm..." Parang tumigil ang ilang segundo habang nakikipagpalitan kami ng titig sa lalaking nasa kwarto. "Sorry, tuloy niyo," mabilis nitong wika at lumabas agad ng kwarto.

Nagtinginan kami ni Rein. Bigla siyang ngumisi at sinabing, "Tuloy daw natin?"

Nagningkit ang mga mata ko siya kaniya at binatukan siya. "Raulo!"

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...