LA ORIAN ACADEMY: School of t...

By MaxielindaSumagang

375K 13.6K 2K

PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE Highest Rank: #3 in Teen Fiction (August 12, 2023) Ranke... More

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies
Author's Note
LOASOTP Main Characters
Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
Study Tips by: Mark Andrew Gosiengfiao
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
VERY IMPORTANT UPDATE: RANTS
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies Christmas and New Year's Day Special
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER 30.5
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER 34.5
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE (The Season 1 Final Chapter)
EPILOGUE
[!!!] LA ORIAN ACADEMY SEASON 2 NOW AVAILABLE!!!!
💡 SOON TO BE PUBLISHED INTO A BOOK
💡 BOOK LAUNCHING AT MIBF 2023 ✨
#MIBF2023 Booksigning Event 💡
IMMAC IN WORMIESLAND Booksigning Event 📖✍🏻

CHAPTER SEVENTEEN

7.8K 336 46
By MaxielindaSumagang

Class F



Para sa isang estudyante ng Special Class, hindi magandang makipaghalubilo at makipagkaibigan sa ibang klase, lalo na sa lower class—ang mga nasa F class, kung sa caste system pa ng La Orian Academy, sila ang nasa rock bottom. Mga rejected sa higher classes at pinagsama sa iisang klase. 

Pero para kay Suzanne, hindi rason 'yun para hindi s'ya magkaroon ng mga kaibigan sa Class F. Tama, may mga kaibigan s'ya sa Class F. Bagay na hindi alam ng mga kaklase n'ya.
Paano nagsimula? Nung mga panahong binubully s'ya dahil sa Apollo. Pakiramdam n'ya'y pinagkaisahan s'ya ng mundo at iniwang mag-isa. Doon pumasok sa buhay n'ya ang limang estudyante na mula sa Class F at doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. 

"Buti nalang sumama ka sa amin dito sa restaurant ni Franel para mag-lunch. Akala ko irereject mo na naman dahil busy ka sa klase n'yo," nakangiting sabi ni Ella, isa sa mga kaibigan n'ya mula sa Class F. "Namiss ka talaga namin!" 

"Lumuwag na kasi ang schedule ko. Last week kasi hectic sa klase namin dahil sa sunud-sunod na patimpalak kaya ayun, ngayon lang ako nagkabakanteng samahan kayo," pangiting wika ni Suzanne sa kanila. 

"Oo nga pala! Congratulations sa pagkapanalo mo sa essay writing contest last week. Confident naman kaming lahat na mananalo ka. S'yempre, taga-Special A ka eh!" pabiro s'yang siniko ni Shaznay, isa rin sa mga kaibigan n'ya mula Class F. 

"Speaking of S.A., kamusta ka naman doon? Binubully ka parin ba nila?" tanong ni Jerwin matapos nitong sumimsim ng iced coffee. 

"Okay lang naman ako doon though kahit hindi nila ako binubully, nakakaramdam parin ako ng discrimination doon dahil alam n'yo na, nakapasok ako sa La Orian dahil sa scholarship hindi dahil nagmula ako sa isang mayamang pamilya tulad n'yo," sagot n'ya. "Pakiramdam ko, hindi parin ako tanggap doon." 

"'Wag kang mag-alala, Suzanne. Hindi kami tulad nila. Mga kaibigan ka namin at tanggap ka namin," untag ni Franel matapos n'yang ilapag ang bagong luto na beef steak sa harap ni Suzanne. "'Pag binubully ka parin nila, sabihin mo lang sa amin, we'll be there to back you up!"
Napangiti naman si Suzanne sa sinabi ng binata. "Salamat, Franel pero hindi na kailangan. Kumpara last school year, hindi na nila ako masyadong binubully. Tsaka kung bubullyhin na naman nila ako ulit, s'yempre haharapin ko ulit sila. Kakayanin ko 'yung mga 'yun!" 

"You're so brave, Suzanne. You're really my idol! Imagine, we're richer than you but you're smarter than us. I really salute you, a lot," Aivy complimented, giving a small salute to her. 

"Just remember, Suzanne. If they'll gonna bully you again, tell us. Class F is always here for you," wika ni Giovan. 

"Salamat sa inyo," pangiting tugon n'ya sa mga ito. 

"Nga pala, Suzanne. Kaya ka rin pala namin inayang mag-lunch kasi magpapatulong din sana kami sa'yo sa research paper namin," untag ni Margie na nasa tabi lang n'ya. 

"Ano pala iyon?" tanong n'ya. 

"We're assigned in the experimental-type of research paper about organic stuff and its use to us. Nahirapan kaming mag-come up ng hypothesis at title para sa research paper kaya sana matulungan mo kami. Please?" anito. 

"Pati rin pala 'yung assignment namin sa Physics. Sa Acceleration." 

"Pati sa Trigo. Papatulong din sana ako sa assignment ko." 

"Hmm," tumango s'ya. "Sige, tutulungan ko kayo. Group study tayo." 

"Yes!" they said in unison and Marge hugged her. 

Minsan, naisip ko rin na sana hindi nalang ako sa Special Class pinasok dahil hindi naman ako tanggap doon. Sana sa Class F nalang ako. Wala man silang kakayahan katulad ng sa Special Class, at least totoo sila at tanggap nila ako. 

Suzanne genuinely hugged her back with a sweet smile plastered on her face while their companions were eyeing each other.



Hindi parin nawawala ang matamis na ngiti sa mga labi ni Suzanne nung makabalik s'ya La Orian Academy matapos n'yang mananghalian kasama ang Class F at tulungan ang mga ito sa assignments nila. Hindi n'ya kasama ang mga ito dahil nasa library ang mga ito para daw manghalungkat ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa research nila. 

Pagpasok n'ya sa classroom ay agad bumungad sa kanya ang tahimik na classroom at si Mark Gosiengfiao na nakasandal sa bintana at nasa labas ang tingin nito habang nasa mga bulsa naman n'ya ang kanyang mga kamay. 

"Uy, Gosiengfiao... bakit ikaw lang ang tao rito? Nasa'n 'yung mga kaklase natin?" 

"Dunno. Somewhere. Don't you know that we're vacant for one hour?" 

Napakamot s'ya ng ulo. "H-Hindi eh... hehehe." 

Kung alam ko lang na vacant kami ngayon sana sumama nalang ako sa Class F.

"You're with them?" muling dumako ang tingin n'ya kay Mark na ngayon ay malamig ang tingin sa kanya. 

Agad kumunot ang noo n'ya. "Si-Sila? Sino'ng sila? Wala akong alam sa pinagsasasabi mo riyan," halos mautal na s'ya sa buong tanong n'ya. 

Mark clicked his tongue and gave her a smug smirk. "I never knew you're such a pretty little liar, Matanguihan. Too bad, I can't buy your denial. Miss Suzanne Matanguihan..." he trailed off as he walked towards Suzanne who also took a step back to avoid him. "You're a student from the Special Class. Special A student. Why are you befriending those folks who were at the rock bottom of this school? You can't befriend someone like them. It's a total shame." 

Her eyes grew bigger than usual. "P-Paano mo nalaman?" 

Lumakad pa s'ya lalo kay Suzanne. "What's my name again?" 

"Mark, tama na! Ano ba ang pake mo kung do'n ako masaya? At least may matatakbuhan ako kapag hirap na hirap na ako sa klaseng ito! At least sila, kahit sila ang last section at nasa rock bottom ng school na ito, tanggap nila ako at hindi nila pinaparamdam sa akin na naiiba ako sa kanila!" nagpupuyos s'ya sa galit habang nakatingin sa binatang blangko ang tingin sa kanya. 

"You really think those losers befriend you just because of that reasons of yours alone? They befriend you because they like you and accept you? That's bullshit, Suzanne," sumilay ang sarkastikong ngiti sa mga labi ni Mark. "You're not just blind alone, you're so pathetic." 

"'Wag na 'wag mong matawag na losers ang mga kaibigan ko, Gosiengfiao! Dahil sa pagitan ninyo, ikaw ang tunay na loser dahil wala ka na lamang ibang ginawa kundi ang manghusga at gawing miserable ang buhay ng mga tao sa paligid mo!" 

Dapat matuwa si Suzanne na nasabi n'ya ang lahat ng iyon kay Mark. 

Pero bakit parang pinagsisisihan n'ya iyon dahil sa malamig na tingin sa kanya ni Mark?

"You really think I will say those things to you just because of stereotyping? Fuck, why do I even talking to someone who's really too dumb to accept the truth?" pagak s'yang natawa. "Okay fine, suit yourself. I don't really care if you'll hang out with those losers who gave you nothing but sham. Go, be with them. And don't cry infront of me once you'll knew that I'm right about them," matapos n'yang sabihin iyon ay agad s'yang lumabas ng classroom at iniwan si Suzanne na hindi lang nalilito kundi kinakabahan sa hindi malamang dahilan.



Simula nung argumento nila sa classroom ay hindi na muling nag-usap sina Mark at Suzanne. Mabuti na rin iyon para kay Suzanne lalo pa't galit parin s'ya dahil sa mga pinagsasasabi ni Mark sa mga kaibigan n'ya sa Class F. Lagi parin kasing sumasagi sa isip n'ya ang mga sinabi ni Mark kaya mas tumindi ang inis n'ya sa binata. 

Ngunit hindi iyon ang concern n'ya sa mga sandaling iyon. Concern n'ya ngayon ang pag-iiba ng turing sa kanya ng mga taga-Class F. Hindi s'ya pinapansin ng mga ito tuwing gumagawi s'ya sa classroom ng mga ito. It's happening for three straight days. She felt like she's invisible, non-existing in their eyes. 

"Hi Marge, hi Ella!" agad lumapit si Suzanne kina Marge at Ella nung lumabas ito ng classroom. Halatang nagulat ang mga ito sa presensya n'ya ngunit hindi n'ya pinansin ito at isang malapad na ngiti ang iginawad n'ya dito. "Saan kayo mag-la-lunch? Sasabay sana ako sa inyo." 

Nagkatinginan ang mga ito sa isa't isa at nag-a-alangang ngumiti sa kanya. "O-Oh gosh, we're-we're sorry, Suzanne. May importanteng gagawin pa kasi kami eh. B-Bye!" 

Bago pa man s'ya may masabing kung ano ay dali-daling umalis ang mga ito sa harap n'ya.
Masyado na atang tanga si Suzanne para hindi n'ya mahalatang iniiwasan s'ya ng mga ito.

Lantaran s'yang iniiwasan ng mga ito, tinutulak palayo. 

Wala sa sarili s'yang napakuyom ng kanyang mga kamao at nagtiim ng kanyang mga bagang.
Isang tao lang ang alam n'yang nasa likod ng pangyayaring ito.




Napunta ang atensyon ng buong Apollo sa marahas na pagbukas ng pintuan at pagpasok ni Suzanne sa kanilang classroom at dumako ang matalim n'yang paningin kay Mark na tahimik lang na nakaupo sa kanyang upuan habang nakapikit. 

"Oh, hey there Miss Commoner?" nakangiting bati ni Clyde habang may kalandiang dalawang babae sa kaliwa at kanan n'ya. 

"Woah, what's with the harsh entrance?" tanong ni Dwayne na nagbabasa ng Cosmopolitan sa tabi ni Archles na ngayon ay natutulog. 

Hindi na pinansin ni Suzanne ang dalawa at agad n'yang nilapitan si Mark. 

Agad binagsak ni Suzanne ang kanyang mga palad sa mesa ni Mark. "Ano'ng ginawa mo sa mga kaibigan ko?!" 

Isang pagtataka at naguguluhang tingin ang ipinukol ng mga kaklase nila sa kanilang dalawa. 

Unti-unting binuksan ni Mark ang kanyang mga mata at tinignan si Suzanne. "You're friends? What's my business with them?" 

"'Wag kang umaktong walang alam, Mark! Alam kong may ginawa ka sa kanila kaya iniiwasan nila ako ngayon!" hindi na napigilan pa ni Suzanne ang kanyang galit nung hinawakan n'ya nang mahigpit ang magkabilang kwelyo ni Mark. "Ano'ng ginawa mo sa kanila?!" 

"Who? Those folks from Class F?" pagak s'yang natawa. "Your plastic friends?" 

Naningkit agad ang mga mata ni Suzanne. "Ano'ng sabi mo, plastic?! Una sinabi mong losers sila tapos ngayon plastic na?! Ano ba talaga Mark?! Gusto ko ba talagang guluhin at maging miserable ang buhay ko?!" 

Ramdam ng mga kaklase nila ang tensyon sa pagitan nilang dalawa at napasinghap silang lahat nung marahas na tumayo si Mark at marahas na hinawakan ang kanang siko ni Suzanne dahilan para bitawan s'ya nito. 

"You don't fucking know?! You're smart yet you're dumb! Sinabihan na kita tungkol sa kanila pero ayaw mong makinig kasi gusto mong magpakatanga!" 

"Ano ba ang kasalanan ko sa'yo at ginaganito mo ako?! Bakit, ha?! Dahil isa akong pangahas na commoner na gustong agawin ang pwesto mo sa school ranking, ha?! Ganyan ka ba talaga ka-babaw para gawin mo ito sa akin to the point na gusto mong buong La Orian Academy ay ayawan ako kahit mga kaibigan ko sa section na iyon ay iwan ako para sa'yo?! Sige! Gusto mo akong umalis dito?! Sige! Aalis ako! Wala naman akong lugar dito eh! Sa'yo na 'yang pagiging Top 1 mo! Isaksak mo 'yan sa baga mo dahil wala akong pakealam d'yan!" tuluyan nang naluha si Suzanne matapos n'yang sabihin ang lahat ng iyon. Agad s'yang pumiglas sa pagkakahawak ni Mark at tuluyang lumabas ng kanilang classroom.



Isang hikbi agad ang pumakawala sa mga labi ni Suzanne kasabay ng kanyang pag-upo sa sahig ng rooftop. Hindi na n'ya halos makita ang paligid n'ya dahil sa mga namumuong mga luha sa kanyang mga mata na kahit ano'ng gawin n'yang punas ay hindi matigil-tigil ang kanyang pagluha. 

Sumagi ang lahat ng mga nangyari sa isip ni Suzanne—mula sa huling tanghalian n'ya kasama ang kanyang mga kaibigan sa Class F, ang argumento nila ni Mark, ang pag-iwas sa kanya ng kanyang mga kaibigan at lahat ng mga sinabi ni Mark sa kanya. 

Muli s'yang napahikbi at naluha. Hindi talaga ako napapabilang sa lugar na ito. "Gusto ko nang umalis rito. Gusto ko nang bumalik sa Manuel Roxas..." 

Saglit s'yang tumahan nung may nag-abot sa kanya ng puting panyo. "Here. Take this." 

Napa-ismid agad s'ya. Kahit hindi na n'ya tignan kung sino ang may-ari ng panyo, alam na n'ya kung sino iyon. "Hindi ko kailangan n'yan." 

Narinig n'yang bumuntong-hininga ang binata at tahimik itong umupo sa harap n'ya. "I'm sorry."

Gulat s'yang nag-angat ng tingin kay Mark. "Ha?" 

"Tsk. You're so dumb," si Mark naman ang umismid. Nung umirap at nag-iwas ng tingin sa kanya ay muli s'yang bumuntong-hininga. "I said, I'm sorry. Now take this handky. You're a mess."

Gustong pairalin ni Suzanne ang kanyang pride na 'wag tanggapin ang panyo pero nung makita n'ya ang sinseridad sa mukha ni Mark y tinanggap n'ya ito para punasan ang kanyang mga luha. "Sinundan mo talaga ako rito sa rooftop, huh?" 

"Tsk. Kung hindi lang ako pinilit nina Archles, Dwayne at Clyde na sundan ka rito para mag-sorry ay wala talaga akong balak sundan ka." 

Napaismid agad s'ya sa naging sagot ni Mark. "So, sapilitan pala ang pagpunta mo rito para humingi ng tawad?" 

"I was forced to come here but I'm serious in my apology." 

Natigilan agad si Suzanne sa naging sagot nito. 

"Sa totoo lang, hindi ako dapat ang nagso-sorry sa'yo ngayon." 

"Aba ikaw—" 

"Sila ang dapat mag-sorry sa'yo." 

"Tapatin mo nga ako, Mark. Ano bang alam mo tungkol sa kanila para ganyan mo sila husgahan?" bakas parin sa boses ni Suzanne ang inis nararamdaman n'ya. 

"Listen up so you'll know," sagot ni Mark. "I want you to do two things—don't you dare cry in front of me and believe everything what I'm going to say because Mark Gosiengfiao never lies in situations like this." 



Mula sa lunch meeting n'ya kasama ang kanyang ina ay bumalik na si Mark sa La Orian Academy. Alam n'yang may one hour vacant sila at hindi n'ya kailangan bumalik pero masyado s'yang nababagot na makipaghalubilo sa mga business partners ng kanyang mga magulang.
Kakababa lang ni Mark sa kanyang Maserati nung may narinig s'yang nag-uusap ilang metro lang ang layo mula sa kinatatayuan n'ya. 

"Hahaha! That commoner is really hilarious. She believed all those bullshit that we've said to her," narinig n'yang sabi ni Franel.

"I don't care about her anymore. My assignment is done so I don't wanna talk with her as of now," nagkibit-balikat naman si Jerwin at bahagyang inangat ang kanyang notebook. 

"Oo nga. Biruin mo, walang kaabog-abog n'yang ginagawa lahat ng pinagagawa natin sa kanya not knowing na niloloko na pala natin s'ya for grade purposes. Tsaka, tayo, ipagtatanggol s'ya sa Special Class na nambubully sa kanya? No way! I don't wanna risk myself just for a hard up girl like her. Baka mapahamak pa tayo dahil sa kanya," ani Giovan.

"We're just using her for the sake of our grades. Nothing more, nothing less. Tsaka, magpapagod pa ba akong gumawa ng projects at assignments kung nandyan naman s'ya? We'll just make her believe that she's our friend and we can still get what we want from her," isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Ella. 

"Hindi naman kaya, inaabuso na natin s'ya? Mukha naman kasi s'yang mabait eh," halata ang pag-aalala sa boses ni Marge.

"You don't have to worry about her. I mean, you know, taga-Special Class s'ya. Kung tuso ang Special Class, mas tuso tayong taga-Class F," tumango-tango naman sila sa sinabi ni Shaznay.
"So that's it?" agad naagaw ang kanilang atensyon kay Mark na nakatayo na ngayon sa harap nila at pinukulan sila ng blangko at malamig na tingin. 

"M-Mark Gosiengfiao!" nauutal nilang untag.

"So you're using her for grade purposes, huh? Heh~ friends with benefits, huh?" ani Mark.
"Ano namang pakealam mo?!" tanong ni Giovan. Pinipigilan s'ya ng mga kasama n'ya dahil ang sinasagot-sagot n'ya ngayon ay si Mark Gosiengfiao, ang La Orian Prince.
If they mess with him now, they're doom. 

"Simple. Because I'm her classmate," kaswal na sagot ni Mark.

Pagak na natawa si Giovan. "Classmate mo? Wala ka ngang pakealam sa ibang tao, at isa na roon ang mga kaklase mo tapos ngayon may pakealam ka na? Nagpapatawa ka ba?"
Mark licked his lower lip and gave him a smug smirk. Without a word, he punched the guy square on his face. 

"Giovan!" his friend hurriedly helped him when he fell on the ground after receiving a hard blow from Mark.

"Imagine yourself being used by someone for personal convenience and selfishness, what will you feel about it?" Mark asked in a cold, blank face. 

They remained silent.

"It hurts, right?" he asked in a cold tone and left him in the school's parking lot. 




"Sana..." bumuntong-hininga si Suzanne. "Sana hinayaan mo nalang sila."
Walang sabi-sabing pinitik ni Mark ang kanyang noo. "Aray! Bakit ka ba namimitik!" 

"Goddamn, Matanguihan you're such a doofus! Sana hindi nalang ako nangealam kung magbubulag-bulagan ka parin pala," marahas s'yang bumuntong-hininga. "This is bullshit. Nǐ zhēn fánrén báichī.

"At least..." nagbaba ng tingin si Suzanne sa kanyang kamay at naramdaman n'ya agad ang panunubig ng kanyang mga mata. "Sa kanila ko naramdaman na kahit paano may tatanggap pa pala sa akin sa lugar na ito bilang kaibigan." 

Bumalot agad ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ngunit panandalian lang iyon dahil bigla s'yang hinila patayo ni Mark at naglakad agad sila paalis ng rooftop. 

"H-Hoy Gosiengfiao bitawan mo ako! Saan mo ako dadalhin?!" panay parin ang pagpupumiglas ni Suzanne pero hinigpitan lang ni Mark ang pagkakahawak sa kanya. 

Ang ipinagtataka lang n'ya ay hindi ito gano'n kasakit kahit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. 

"Who is Suzanne Dimaguiba-Matanguihan?" tanong ni Mark. 

Inis s'yang sumagot dito. "Ako! Tinatanong pa ba iyan?!" 

"She once told me that she'll never back down or surrender to anything that she wanna do and she thinks that is right. She'll stand on her beliefs and she thinks that is right." 

Natigilan agad si Suzanne sa paglalakad dahilan para matigilan si Mark at lingunin s'ya. 

"Mark, alam ko ang gusto mong mangyari," sinalubong n'ya ang mga mata ng binata. "'Wag nating ituloy. Ayoko ng gulo." 

"What? Gusto mo parin bang gaguhin ka nila nang gano'n? That's ridiculous, Matanguihan! If I were you, I will never let them use me or do what they wanna do to me," halata sa boses ni Mark ang inis. 

Muli na namang bumalot ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ilang segundo ang itinagal niyon bago walang imik na naunang lumakad si Suzanne kay Mark. 

"Hey, where are you going?" nakakunot-noong tanong ni Mark. 

"Gusto mong harapin ko sila, 'di ba? Then, I'll face them. I'm not a coward to back out. This is what's best for me, after all." 

Unti-unting napangiti si Mark sa naging sagot ni Suzanne. "That's Suzanne Matanguihan."
Napangiti na rin si Suzanne at muling tinahak ang daan papunta sa classroom ng Grade 9 Class F.



Kabadong-kabado si Suzanne nung nasa tapat na sila ng clsssroom ng Class F. Kahit alam n'yang sa engkwentrong ito ay s'ya ang walang kasalanan ay s'ya pa ang kinakabahan. Hindi kasi s'ya sanay sa ganitong away-kaibigan... kung away-kaibigan talagang matatawag iyon. 

Tahimik s'yang napasinghap nung hawakan ni Mark ang pulsuhan n'ya. 

"You don't have to be nervous." 

"Ah, eh." 

Inis na napatingin sa kanya si Mark. "Don't you dare tell me that you'll back out. Don't fuck with me, andito na tayo." 

"Hi-Hindi naman kasi iyon eh," nauutal na tugon ni Suzanne. 

"Then, what?!" Mark sounded so annoyed. 

Nahihiyang inangat ni Suzanne ang kanyang kamay kung saan nakahawak si Mark. Mukhang na-gets ng binata ang mensahe n'ya kaya agad s'ya nitong binitawan. 

"Why aren't you saying something? You're so annoying. Nǐ zhēn fánrén báichī.

Napaismid naman s'ya bilang tugon ngunit agad namang blumangko ang ekspresyon ng kanyang mukha nung makita n'ya ang nagtatawanan n'yang mga kaibigan—mga tawang hindi n'ya nakita at narinig kapag kasama s'ya. 

"Should we invite Suzanne at your restau?" tanong ni Shazney kay Franel. 

"Why? Who needs her anyway? Tapos na tayo sa mga project natin kaya hindi na natin s'ya kailangan." 

"But I still have my assignment in Literature. Magpapagawa ako ng essay sa kanya." 

"S-Suzanne..." naestatwa silang lahat at dumako agad ang tingin nila kay Suzanne na blangkong nakatingin sa kanila. 

"OMG, Suzanne! You're here! Gosh, we missed you!" si Ella ang unang nakabawi ng gulat at agad nilapitan si Suzanne para hawakan. 

Sarkastikong napangiti si Suzanne sa kanila. "Ah, talaga? Na-miss n'yo ako? Hindi 'yon ang nakita at narinig ko eh. Ayaw n'yo pa nga akong isama sa lunch break n'yo, 'di ba? Kasi wala na kayong ipapagawa sa akin." 

"S-Suzanne... l-let us explain—" inangat n'ya ang kanyang kamay para patigilin si Ella sa pagsasalita. 

"Sapat na ang mga narinig ko para malaman ang motibo at dahilan ninyo. Hindi ko na kailangan ng eksplenasyon," ngumiti si Suzanne sa kanila. "'Wag kayong mag-alala, hindi naman ako galit sa inyo at kahit hindi kayo mag-sorry, pinapatawad ko parin kayo." 

Mark's jaw clenched as he mentally facepalmed. What the fuck did she just said?! She's such an idiot! 

"Oh, gosh, Suzanne..." 

"Nandito rin ako para sabihin sa inyo na hindi na ako sasama sa anumang lakad o gathering ng grupo ninyo. Tinatapos ko na rin dito ang ugnayan natin sa isa't isa. Tutal, nasabi n'yo na rin kanina na hindi n'yo na ako kailangan, 'di ba? Kaya, ano pa ang rason para manatili ako. Wala na, hindi ba?" 

Napayuko naman silang lahat sa sinabi n'ya. 

"Handa naman akong tulungan kayo sa lahat ng bagay eh. Pero 'wag naman sanang umabot sa puntong gagamitin n'yo ako dahil lang sa nasa Special Class ako at matalino ako. Tao lang rin ako, napapagod din ako at hindi lahat ng bagay alam ko. 'Wag n'yo naman sanang gamitin ang kahinaan ng para i-take advantage ninyo. Sana matuto kayong kumilos para sa sarili ninyo dahil hindi sa lahat ng panahon ay may taong gagawa ng trabaho ninyo. Na hindi sa lahat ng panahon ay may magagamit kayong tao na gagawa ng lahat ng bagay para sa inyo," isang tipid na ngiti ang iginawad ni Suzanne sa kanila. "'Wag kayong mag-alala, kaibigan n'yo parin ako. Ayun nga lang, hindi na tulad noon." 

Nung wala na s'yang nakuhang sagot mula sa grupo ay tahimik n'yang nilisan ang lugar na iyon...

"Suzanne, we're sorry. So sorry." 

...at hindi na lumingon pa.




Tahimik lang na nakasunod si Mark kay Suzanne habang tinatahak nila ang daan papunta sa classroom nila. She's awfully silent and Mark knows what's up to her even if she's not looking at her nor talking to him. 

Ilang sandali pa ay narinig n'yang bumuntong-hininga si Suzanne at bahagyang tumingala sa gintong chandeliers na nakahilera sa lobby. "Nasabi ko sa kanila ang lahat ng iyon. Ang galing ko, 'di ba? Hehehe." 

Albeit he's not seeing her face, he knows that she's in the urge of breaking down because of her broken trust that wounded her. 

She just want to be accepted, yet she was betrayed. 

Without a word, he walked the distance between them and pulled her for a hug which made her gasped and widen her eyes in pure shock. 

"Mark... a-ano'ng ginagawa mo?" 

"You did great," he tapped her head. "You did great back there, Suzanne." 

Suzanne began to relaxed on Mark's arms as she closed her eyes and let her tears roll down to her cheeks. 

Being betrayed was really hard and painful in her part. 

And strangely, in her mortal enemy's arms, she find the acceptance she's looking for.

Continue Reading

You'll Also Like

88K 2K 42
ɪ'ʟʟ ꜱᴛᴀʀᴇ ᴅɪʀᴇᴄᴛʟʏ ᴀᴛ ᴛʜᴇ ꜱᴜɴ ʙᴜᴛ ɴᴇᴠᴇʀ ɪɴ ᴛʜᴇ ᴍɪʀʀᴏʀ ɪᴛ ᴍᴜꜱᴛ ʙᴇ ᴇxʜᴀᴜꜱᴛɪɴɢ ᴀʟᴡᴀʏꜱ ʀᴏᴏᴛɪɴɢ ꜰᴏʀ ᴛʜᴇ ᴀɴᴛɪ-ʜᴇʀᴏ ------ Tim Bradford was known to be man...
15.2K 669 33
Book II Will they break the curse... or the curse will break them?
15.2K 593 15
In which a girl allows the strongest to become stronger.
2.3M 70.2K 54
Clenching my eyes shut , I let a few fat teardrops roll down my cheeks. The blazing anger in his eyes , the accusations in them were too strong to be...