#11

By LillMissBlue

1.1K 35 12

What if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as... More

Introduction
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Six

56 3 0
By LillMissBlue

Chapter Six

Pagkaalis nila Cheska ay tinapakan ko kaagad yung paa nung nanghila sa akin at siniko. Humarap din ako sa kanya at inihanda ko yung sarili ko incase na kailangan ko siyang labanan.

"Miss tumigil ka na nga. Wala akong balak na masama sa iyo."

Walang balak na masama? Bakit niya ako hinila? Bakit niya ako tinatakot kanina? Kakilala ko ba siya para gawin niya iyon? Iyon ba ang walang balak na masama?!

"Umalis ka jan sa pintuan. Lalabas ako." Umiling lang siya. "Isa!"

"Dalawa." Nakangiti niyang sagot. Seriously? Para siyang nakakaloko. Hindi kaya takas ito sa sa mental?

Pero ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaroon ng pagkakataon makakilala ng mga estranghero? Pinili ko na nga yung daan na ligtas at boring 'di ba? Pero bakit parang lagi akong nasa delikadong daan pero hindi naman masaya?

"What's up with you?"

"Drugs."

Nanlaki yung mata ko pagkasabi niya noon. Great, hindi nga ako naabutan nila Cheska, na-trap naman ako kasama ang isang estranghero na mukhang maluwang ang turnilyo sa ulo at gumagamit ng Drugs.

"Kapag hindi ka umalis diyan, sisigaw ako." Ngumiti lang siya ng mas nakakaloko. Nakakaubos siya ng dugo. Bahala siya riyan. "Fine. Bahala ka sa buhay mo. Basta, subukan mo lang lumapit. Lagot ka sa akin."

Umupo ako sa may upuan at inilibot ko yung paningin ko sa buong silid. Hindi naman siya ganoong nakakatakot pero mapaghahalataan mong drug den ito.

"What's your name?" Tanong niya sa akin pero hindi ko siya pinansin kunyari wala akong naririnig. Humarap ako sa table at may nakita akong MP Lights at baso. "Hey, I'm talking to you missy."

Kinuha ko yung MP at naglagay sa baso. Ewan ko kung bakit gustung-gusto ko itong tikman. Baka kasi tama yung sinasabi ng ibang tao na pampalimot daw ito ng sakit. Gusto kong masubukan.

Noong tutunggain ko na yung baso ko ay kinuha niya iyon at siya ang tumungga. Seriously? Hindi ko nilagyan yung baso ng alak para lang inumin niya. Ano siya? Chix?

"Bakit mo ininom iyon?"

"Because it's not proper for a gentleman like me to let a girl like you to drink a beer."

Okay. Tumayo na ako para lumabas ng drug den niya pero hinablot niya yung braso ko. Medyo natatakot na ako sa kanya at pwede niyang gawin. Feeling ko kasi lasing na siya.

"Where are you going?"

"Uuwi. Saan mo ba gusto?"

"Sa bahay sana namin."

Pagkasabi niyang yun ewan ko kung bakit bigla ko siyang sinuntok sa mukha. Ewan ko bigla akong nainis dahil naalala ko yung lalaking ayaw ko nang maalala. Naaalala ko kasi si #11 sa kanya. Ganyang-ganyan kasi siya at medyo magkahawig sila kaso mas mas gwapo si #11 at cute lang ito.

"So...sorry." Sabi ko na lang at tumakbo palabas ng gusali.

Dumiretso na ako pauwi dahil baka maabutan pa ako nila Cheska at nung lalaking sinuntok ko. Bawian pa ako. Pagkarating ko sa amin ay nagulat ako nang madatnan doon sila Kuya Leo kausap si #11. Seriously? Anong ginagawa niya dito? Nagka-ayos na sila?

Pagkakita nila sa akin ay lumapit sila agad sa akin. Pagkalapit ay niyakap ako agad ni Kuya Leo at pagkatapos ay si #11 naman ang yumakap sa akin na ikinagulat ko.

"Ange saan ka ba galing? Paano kung may nangyaring masama sa iyo? Marami pa namang sira ulo ngayon diyan na gumagala. Dapat kanina sinabi mo pa lang kung gusto mong maglibot e 'di sana sinamahan kita." Natulala lang ako kay #11. Kahit si Kuya Leo natulala lang din sa kanya at hindi makapaniwala. "What?!" Tanong ni #11 na mukhang nahimasmasan na din.

Bakit ba ganito? Alalang-alala siya sa akin? Hindi naman niya ako ganoon kakilala pero bakit? Dahil ba sa kamukha ko yung Gretchen? Grabe mukhang kailangan kong magpasalamat sa kanya. Kasi dahil sa kanya nag-aalala sa akin si #11.

"Okay lang ako." Matabang kong sabi. Ang daming masasamang bagay ang nangyari sa akin ngayong araw at ayaw ko nang dagdagan pa.

"Sigurado ka?" Tanong ni Kuya Leo at tumango naman ako. "Mukhang kailangan niyong mag-usap." Tiningnan ni Kuya Leo si #11 bago pumasok ng bahay.

Great! Kilala talaga ako ni Kuya Leo kung may problema ako sa isang tao. Alam niya kasi kapag nagsusungit ako ibig sabihin naiinis ako sa isang tao at ayaw ko siyang kausapin pero bakit pumasok si Kuya Leo sa loob? Lalo na kung alam niya ayaw kong kausapin si #11? Bakit niya ako iniwan kasama niya?

"May problema ba Budang? Kanina ko pa kasi napapansin na tahimik ka at kung hindi tahimik nagsusungit." Sabi niya.

Gusto ko sana siyang tanungin kung ano bang mayroon sa pagitan namin para tumigil na ako sa kakaasa sa wala kaso sa huli pinili ko na lang umiling at sabihin sa kanya na pagod lang ako.

Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad pumunta sa swing para umupo. Parang gusto ko nang magpasundo kina Daddy. Gusto ko nang umalis dito at bumalik sa dati kong normal na buhay sa Bulacan. Yung walang #11 na nangungulit at yung mga kaibigan ko lang yung kasama ko araw-araw sa eskwelahan.

"Sigurado ka?" Tumango na lang ako. Umupo siya sa tabi ng swing na inuupuan ko.

Nakakainis. Gusto ko nang umuwi sa bahay at matulog kaso baka mahalata niya na naiinis talaga ako sa kanya. Bakit ba kasi nakilala ko pa siya?

Nabalot kami ng katahimikan at tanging tunog lang ng swing ang aming naririnig. Makaraan ang ilang minutong pananahimik ay nagsalita na rin ako nang matapos na.

"Yung jersey mo pala ibabalik ko na sa iyo." Sabi ko sa kanya.

Gusto ko kasi kapag umuwi ako ng Bulacan, lahat ng alaala o kahit anong bagay na pwedeng makapagpa-alala sa kanya ay iiwan ko na dito.

"Hindi sa iyo na yun." Umiling ako at tumayo. Maglalakad na sana ako papunta sa bahay pero hinawakan niya yung braso ko.

"I like you."

Bigla akong nabato sa kinatatayuan ko pero nahimasmasan din naman agad ako. Hindi dapat ako nagpapadala sa kanya. Ngumiti ako sa kanya kahit mabigat sa damdamin.

"I like you too," Hinila ko na yung braso ko mula sa pagkakahawak niya. "As a friend."

Pagkasabi ko niyon ay tumakbo na ako papasok ng bahay. Nakakainis, bakit ba nagkaganito ang lahat? Kumpirmado ko na, na hindi na lang talaga pagkagusto yung nararamdaman ko sa kanya.

"O Budang? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Madjot. Umiling ako para sabihing wala pero niyakap niya lang ako. "Ano bang problema?"

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin."

"Alam mo iyan. Pilit mo lang itinatago at itinatanggi sa sarili mo."

Tama nga kaya siya? Na pilit ko lang itinatago sa sarili ko yung nararamdaman ko kay #11? Pero may dahilan naman ako para pigilan at huwag hayaang lumalala pa iyon e. Mas lalo pang gumulo ang lahat.

"Ganito ba talaga ito Madjot?"

"Ang alin?"

"Ang magkagusto sa isang taong malabong magkagusto rin sa iyo? At ang masaklap pa, pakiramdam mo ibang tao yung nakikita niya kapag kasama ka niya."

Ganyan na ganyan kasi yung nararamdaman ko tuwing kasama ko si #11. Feeling ko naalala niya yung ex niya sa akin kaya niya ako laging kinukulit.

"Alam mo Ange hindi natin hawak ang bagay na iyan kaya huwag nating pangunahan at isa pa, paano ka nakakasiguro na hinding-hindi magkakagusto sa iyo si #11?" Umiling na lang ako dahil hindi ko rin alam ang isasagot sa kanya.

Umakyat na lang ako sa kwarto namin para hanapin yung jersey ni #11. Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap ay bumaba na rin ako at lumabas. Pagkalabas ko ay nagulat ako sa nakita ko sa gate.

"Ma... mama?"

Bakit nandito sila mama? Sa linggo pa ako nagpasundo? Tumingin ako sa may playground. Nasaan si #11? Nawala kasi siya sa puwesto niya kanina sa playground.

"Hindi mo man lang ba kami papasukin? Hindi mo ba kami na-miss?" Tanong ni mama kaya napapunta agad ako sa gate para pagbuksan sila at yakapin.

"Ka... Kanina pa po ba kayo mama?" Tanong ko habang palinga-linga sa paligid para hanapin si #11.

"Ngayon-ngayon lang naman Ange. Sina Tito D mo?"

"Umalis po." Sabi ko.

"May hinahanap ka ba?" Napatingin agad ako kay mama at umiling. Tumango na lang siya at hinablot yung jersey na hawak ko. "Ang ganda naman nito. Binili mo?"

"Hindi po." Kasi bigay po iyan ni #11.

"Okay." Patuloy pa rin sa pagsuri si mama sa . "Bakit Ignacio ang nakalagay sa likod ng jersey?"

Ignacio? Agad kong kinuha yung jersey at tiningnan ko yung likod. Oo nga, may Ignacio na nakalagay sa ibabaw ng number 11. Ngayon ko lang napansin ito. Ibig sabihin?

"Ignacio apelyido niya?"

Nagulat ako nang mapagtanto ko na si mama pala yung nagtatanong niyon at hindi na yung isipan ko. Tiningnan ko si mama na nakangiti ng nakakaloko.

"Ha? Ano po?"

"Nako Ange, nagdadalaga ka na. Sino ba iyan?"

Halata sa mukha ni mama na nang-aasar siya. Hindi man lang ba siya magagalit o hindi man lang ba niya ako pagsasabihan na mag-aral muna bago mag-boyfriend katulad ng sinasabi ng ibang mga magulang diyan?

"Ma naman!" Sita ko kay mama. Mamaya kasi marinig nila Madjot at Kuya Leo. Asarin pa ako ng mga iyon.

"Ate. Ate. Laro tayo sa playground." Sabi ng kapatid na lalaki. Great timing Potie. Kahit lagi mo akong inaaway alam mo kung paano mo ako ililigtas kay mama.

"O siya, samahan mo na siya Ange." Great! Nagmadali na akong lumabas ng gate pero hindi pa ako masyadong nakakalabas ay nagsalita si mama kaya napatigil ako. "May pag-uusapan pa tayo mamaya Ange." Sabi ni mama habang nakangiti. Hindi pa rin pala ako ligtas.

Sumunod na ako sa kapatid ko papunta ng playground dahil nauna na siya roon. Kahit kailan talaga ito napaka-kulit. Partida ten years old na iyan pero kung umakto parang 5 years old. Pagkarating ko ay nagulat ako nang madatnan siyang kumakain dahil pagkakaalam ko wala siyang pagkaing dala kanina.

"Potie saan mo nakuha iyan? May pagkain ka ba kanina?"

"I can't understand what you're saying ate."

Great! Gusto niya pa talaga akong gawing si Teddy niya? Kasi yung kapatid ko may teddy bear sa bahay at lagi niya yung kinakakausap kaysa sa akin at may sarili silang language na pang-out of this world. Nakakatampo nga ito e, mas mahal niya pa yata yung teddy niya kaysa sa akin.

"Ma-maw? Mamaw-mamaw? Mamamamaw?"

Ganyan yung language sila ng teddy bear niya. Tinawag ko nga siyang mamaw language kasi puro mamaw lang naman yung sinasabi niya hindi ba?

"Yung lalaki kanina. Kilala mo ba yun?" Tanong niya habang nginangata niya yung chichirya niya. Tumango ako kahit hindi ako sigurado na si #11 yun.

"Nasaan siya? Anong hitsura niya?"

"Ate pwede ba? Isa-isa lang tanong? Kumakain ako. Sige ka, pagsasalitain kita ng mamaw language." Aba! Nanakot pa talaga itong batang ito. Pasalamat siya may kailangan ako sa kanya na matinong sagot.

"Oo na. Oo na. Nasaan siya?"

"Umalis na."

"Anong hitsura niya?"

Syempre kailangan ko pa ring masiguro na si #11 baka mamaya hindi naman siya tapos nagpapakahirap ako ditong kausapin ng matino itong kapatid ko.

"Ewan."

Oo nga pala, hindi marunong mag-describe itong batang ito. Kailangan mo munang tanungin ng mga descriptions at tatango na lang ito o iiling.

"Gwapo ba?" Tumango siya. "Matangkad?" Tumango ulit siya.

Ewan ko kung bakit ako nae-excite sa pagtatanong ko sa kanya tapos kinikilig pa ako na ewan. Ganito ba talaga ang feeling kapag in love ka sa taong inilalarawan mo?

Kaso naalala ko nga pala, hindi ako pwedeng ma-inlove sa kanya ng tuluyan kasi may iba pala siyang gusto at nakikita niya lang sa akin yung mahal niya.

Umupo ako sa swing sa pwesto ko kanina at kumuha ng chichirya kaso inilayo iyon ng kapatid ko. Grabe, kahit kailan talaga itong kapatid ko napakadamot pagdating sa pagkain.

"Malungkot ka?"

"Oo."

Kasi yung taong mahal ko hindi ako mahal at baka yung kanina na yung huli naming pagkikita at kapag sinabi ko iyon sa iyo hindi mo mintindihan at baka asarin mo pa ako.

"Kakilala mo ba yung lalaki kanina?"

"Oo."

Kakakilala ko lang sa kanya noong tinamaan niya ako ng bola. Noong una nga medyo naiinis ako sa kanya pero nung tumagal nahulog din ako pero hindi ko pwedeng sabihin iyon sa iyo kasi napaka-ingay mong bata.

"Gusto mo ba siya?"

"Oo."

Gustong-gusto. Hindi ka ba nakikinig kanina? Ewan ko ba kung bakit bigla na lang ako nahulog sa kanya kaya ayan, hindi ako nasalo at sa bato-bato at magaspang na lupa ako bumagsak. Yun siguro yung dahilan kung bakit ako nagpapaliwanag sa sarili ko ngayon?

"Boyfriend mo ba siya?"

"Oo."

Kasi....teka? Tama ba yung pagkakarinig ko? Tinatanong niya ako kung boyfriend ko ba si #11 at ang isinagot ko ay oo?! Tiningnan ko yung kapatid ko at nakangiti ng nakakaloko.

"Ikaw ate a."

"Anong ako?! Hindi totoo yung huli kong sinabi. Kalimutan mo na iyon!"

Great! Dahil sa kakaisip ko ng kung anu-ano at pagpapaliwanag sa utak ko, kung anu-ano tuloy ang nasabi ko sa kapatid ko. Nakakainis! Mamaya may nakarinig pa niyon e.

"May boyfriend na si ate. Lagot ka kay mama at daddy." Banta niya. Magkaroon ka ba naman ng napaka-kulit na kapatid at maingay, oo naman o!

"Sige ka, kapag sinabi mo iyan sa kanila kakatayin ko yung Teddy mo at hinding-hindi mo na siya makikita!" Bigla siyang natigilan sa sinabi ko.

"Si ate Ange naman, hindi mabiro. Syempre secret na natin iyon." Sabi niya.

"Promise?"

"Promise. Huwag mo lang kakatayin si Teddy."

Buti na lang talaga. Mahal na mahal niya yung teddy bear kong iyon dahil kung hindi, wala akong maipapanakot sa kanya.

"Kinausap ka ba niya?" Tumango naman siya. "Anong sinabi niya sa iyo?"

"Hiningi niya address at school natin."

"Ano?!" Nanlaki yung mata ko sa sobrang gulat. Bakit niya itinanong iyon? "Sinabi mo?"

"Hindi"

Nakahinga ako ng maluwang. Mabuti na lang at hindi niya sinabi iyon. Mababaliw na yata ako kakaisip kanina kung anong gagawin ko.

"Mabuti naman."

"Pero dahil inilibre niya ako ng Chichirya sinabi ko na rin."

Grabe! Ang sarap magwala dito sa playground. Hindi ko alam kung bakit ko pinoproblema iyon. Ano naman kung alam niya address at school ko? Asa naman akong pupunta siya, 'di ba? Kaso yun na nga e. Umaasa na naman ako sa wala tapos masasaktan. Nakakainis naman.

"Tara na nga pasok na tayo." Sabi ko sa kapatid ko at tumayo na ako.

"Ang bipolar mo ate Ange. Kanina tumatawa ka lang tapos lumungkot tapos nagalit. Ano ba talaga?"

"Choco na gatas." Sabi ko at naglakad na ako pabalik ng bahay.

Ang daming nangyari sa akin ngayong araw. Sana lang umuwi na kami ng Bulacan bukas para makalimutan ko na yung mga nangyari sa akin ngayon. Iisipin ko na lang na puro imahinasyon na lang ang lahat ng ito.

/-----------/

Author's Note: Hello! Hahaha. Pasensya na kung ngayon lang po ako nagparamdam. Super busy po pala ang maging senior. Lahat ng pressure nasa inyo. Hahaha. Anyway, Waaah *O* nasa #858 ang #11. Seriosuly? Waaaaah. Thank you po sa inyo at sa pagbabasa niyo sa story na ito. Sana po ay hindi kayo magsawa. God Bless po :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95.7K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
14.7K 323 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...