You're My HOPE, I'm Your ANGE...

By queenEyJ13

6.7K 218 508

"You're my Hope, I'm your hope, I'm JHOPE" - "Yes you're my Hope, but I'm not your hope because I'm your Ang... More

*DISCLAIMER*
Oh my God my hearteu (1)
I love hamburger (2)
And SPRITE (3)
Only Englisheu (4)
A big sufrise (5)
You Dirty water (6)
Don't touch my faceu (7)
I hate snakeu (8)
Very no fun (9)
Important businesseu (10)
JHOPEEEEEEEEE (11)
JHOPEEEEEEE (12)
JHOPEEEEEEEEE (13)
JHOPEEEEEEEEEE (14)
JHOPEEEEEEEEEE (15)
JHOPEEEEEEEEEEE (16)
JHOPEEEEEEEEEE (17)
JHOPEEEEEEEEEE (18)
JHOPEEEEEEEEEE (19)
JHOPEEEEEEEEEE (20)
JHOPEEEEEEEEEE (21)
JHOPEEEEEEEEEE (22)
JHOPEEEEEEEEEE (23)
JHOPEEEEEEEEEE (24)
JHOPEEEEEEEEEE (25)
JHOPEEEEEEEEEE (26)
JHOPEEEEEEEEEE (27)
JHOPEEEEEEEEEE (28)
JHOPEEEEEEEEEE (29)
JHOPEEEEEEEEEE (30)
JHOPEEEEEEEEEE (31)
JHOPEEEEEEEEEE (32)
JHOPEEEEEEEEEE (33)
JHOPEEEEEEEEEE (34)
JHOPEEEEEEEEEE (35)
JHOPEEEEEEEEEE (36)
JHOPEEEEEEEEEE (37)
JHOPEEEEEEEEEE (38)
JHOPEEEEEEEEEE (39)
ANGEL
JHOPEEEEEEEEEE (40)
JHOPEEEEEEEEEE (41)
JHOPEEEEEEEEEE (42)
JHOPEEEEEEEEEE (43)
JHOPEEEEEEEEEE (44)
JHOPEEEEEEEEEE (45)
JHOPEEEEEEEEEE (46)
JHOPEEEEEEEEEE (47)
JHOPEEEEEEEEEE (48)
JHOPEEEEEEEEEE (49)
JHOPEEEEEEEEEE (50)
JHOPEEEEEEEEEE (51)
JHOPEEEEEEEEEE (52)
JHOPEEEEEEEEEE (53)
JHOPEEEEEEEEEE (54)
JHOPEEEEEEEEEE (55)
JHOPEEEEEEEEEE (56)
JHOPEEEEEEEEEE (57)
JHOPEEEEEEEEEE (58)
JHOPEEEEEEEEEE (59)
JHOPEEEEEEEEEE (60)
JHOPEEEEEEEEEE (61)
JHOPEEEEEEEEEE (62)
JHOPEEEEEEEEEE (63)
JHOPEEEEEEEEEE (64)
JHOPEEEEEEEEEE (66)
JHOPEEEEEEEEEE (67)
JHOPEEEEEEEEEE (68)
JHOPEEEEEEEEEE (69)
JHOPEEEEEEEEEE (70)
Special Chapter Pt. 1
Special Chapter Pt. 2
EPILOGUE
ANGEL 🖤

JHOPEEEEEEEEEE (65)

67 1 14
By queenEyJ13

Napatingin ako sa anim na lalaking nakaupo sa couch, nababakas ko pa rin ang lungkot sa kanilang mga mata,

Sino ba kasing hindi malulungkot pag namatayan diba?

Ilang araw na ang nakalipas nung mangyari yung insidente sa lodge, minabuti ko munang ipasarado ito dahil dito, at dahil wala na rin namang gustong mag check in dahil sa eskandalong nangyari,

Hindi ako pumayag na hindi pagbayaran nung mag-asawa yung nangyaring yun kaya dinampot din sila agad ng pulis,

Grabe yung naging experience ng bangtan at ng iba pang guest na nagstay sa lodge ko.

Nakakalungkot, maging ako ay ayoko ng maalala pa yung nangyari-

"Jagi, why are you staring at them like that? I'm jealous", napatingin ako kay Hoseok na kalalabas lang ng kwarto at buhat buhat si Janeah,

"Jagi di pa magaling yung sugat mo, binuhat mo na agad si Janeah", iika ika akong lumapit sakanila at kinuha yung anak ko sa pagkakabuhat niya,

"Magaling na ko jagi, kahit nga ikaw kaya ko ng buhatin eh", sabi niya saka naglalambing na humawak sa beywang ko,

"Hyung yung saksak lang pala ang makakapagpabalik kay Angel sayo eh dapat dati ka pa nagpasaksak", tatawa tawang sabi ni JK,

"Kung alam ko nga lang eh-aray jagi", hinampas ko siya sa braso dahil hindi ko gusto yung biruan nila,

Grabe yung impact sakin nung pagkakasaksak niya nun noh!

To think na iyun pa ang dahilan para marealize ko na hindi ko pala kaya na tuluyang mawala siya samin ng anak niya, na kailangan ko siya, na mahal ko pa pala siya.

At hindi ko rin makakalimutang pinagkaisahan nila ko para marealize ko ang lahat-

"A-Aray sis ang sakit ng balakang ko! A-Ayos ka lang ba? Tss nadagdagan pa yung sugat sa kamay mo", parehas kaming nahirapang tumayo mula sa pagkakasemplang,

Tumango na lang ako sakanya kahit ang totoo ay sobrang sakit at ang hirap ilakad ng paa at binti kong napuruhan dahil natumbahan ng motor na sinasakyan namin, hindi ko rin alintana ang mga gasgas sa braso at binti ko dahil gusto ko agad makarating sa hospital na pinagdalhan kay Hoseok,

Maging yung kamay kong nalapatan na ng first aid kanina ay kumirot ulit dahil sa pagkakasadsad.

"Ikaw ayos ka lang ba?", nag-aalalang tanong ko sakanya,

"Oo medyo nabawi ko yung pag out of balance natin eh, ikaw di biro yung pagkakahulog mo, I think it's not a good idea na ikaw ang magdrive, masyado kang balisa and taranta, c'mon if grabe yung pagkakasemplang natin baka mas malala pa natamo mo kaysa kay Hoseok", sabi niya saka niya itinayo yung motor at sinabing siya nalang ang magdadrive,

"Hindi ako mapapanatag pag di ko nakitang ayos siya Cynth. Kaya tara na bilisan mong magmaneho", sabi ko at hirap na hirap maihakbang yung paa ko makaangkas lang sa motor,

Hindi ko alam gagawin ko pag nawala si Hoseok, alam ko ring marami akong pagsisisihan pag nangyari yun.

"Angel I'm sorry", sinalubong agad ako ni Jimin at niyakap,

"S-Sorry?", nagtatakang tanong ko,

Hindi siya kumibo at parang nangingilid yung luha niya kaya kinabahan ako,

Nilagpasan ko siya at nakita ko ang members na nakaupo sa may labas ng emergency room,

"Angel what happened to you?", tanong ni RM nung makitang puro gasgas at iika ika ako,

"Noona ikaw man? Anong nangyari sayo?", tanong naman ni V kay Cynth pero hindi siya napansin nito dahil kaharap niya si Jin na wari mo'y nag-aalalang sinisipat yung pasa ni Cynth sa binti,

"Are you okay?", tanong ni Jin sakanya

"Yea malayo sa bituka, anyways kamusta si Hoseok?", tanong ni Cynth kaya napatingin ulit ako sa mga members,

Lumakas yung kaba sa dibdib ko nung magsipagtahimikan sila at biglang lumungkot yung mukha,

"What with that faces? Ano? Answer me! Kamusta siya?", tanong ko ulit sakanila,

"I'm sorry Angel but you didn't make it. He passed away", sabi ni JK na nangingilid yung luha

"You're just kidding me", iiling iling na sabi ko,

Hindi ko alam kung maniniwala ba ko sa sinabi niya, hindi kami iiwan ni Hoseok alam kong lalaban siya pero sa reaksyon nila mukhang seryoso nga sila,

I-Iniwan niya na kami ni Janeah?
B-Bakit?

Tatakbo sana ako papasok ng emergency room pero pinigilan ako ni Jimin,

Wala na kong nagawa kundi umiyak, nanghihina din yung mga tuhod ko, hindi ko iniisip yung sakit ng mga sugat ko dahil nangingibabaw yung sakit sa dibdib ko,

Napahawak ako kay Jimin nung pakiramdam ko ay tutumba ko, yumakap naman siya sakin, at pilit akong kinakalma,

"B-Bakit hindi siya lumaban? Di niya ba kami inisip ng anak niya?", yun lang ang ulit ulit na nasasambit ko kasabay ng walang tigil na pagpatak ng luha ko,

"A-Angel baka inisip ni hyung na kung lumaban ba siya ay may mangyayari pa? Baka talagang ginusto na rin ni hyung na masaksak siya para matigil na din yung sakit sa dibdib niya, araw araw siyang nasasaktan dahil sainyo ni Janeah, akala daw niya nun ay okay na kayo pero biglang nilayo mo daw ulit yung anak niya sakanya, mukhang mas masakit pa nga yun kaysa sa saksak sakanya eh.", di ko alam pero bakit parang nakokonsensya ko sa sinabi ni JK,

"I don't know why is it hard for you to forgive him? Alam naming lahat kung gaano niya pinagsisihan yung nagawa niya nun, saksi kaming lahat kung gaano siya nahirapan at nasaktan dahil sa paglayo niyong mag-ina, Angel walang araw na hindi niya kayo inisip ni Janeah, Angel mahal na mahal ka ni Hobi", hindi ako sanay na ganto si Yoongi,

"Pero alam kong masaya si hyung kung nasaan man siya ngayon dahil kaninang nahihirapan siya nakita niya sa mata mo kung gaano ka nag-aalala para sakanya, maging kaming mga members ay nakita sa mata mo kung gaano pa rin kahalaga si Hobi sayo, Angel alam naming mahal mo pa siya, pinipigilan mo lang yung sarili mong aminin yun dahil kinakain ka ng hinanakit mo", sabi naman ni RM,

Sa bawat sinasabi nila ay patuloy lang ang pagtanggap ng sistema ko, hindi ko sila masagot,

"He even saved you", napatingin naman ako kay Jin,

Magkatabi sila ni Cynth pero malayo ang tingin niya,

T-Tama siya niligtas ako ni Hoseok kaya siya ang napahamak,

"S-Sana lumaban siya, handa na kong bumalik sakanya eh kaso ano? Huli na ko! Ang tanga tanga ko kase mas pinairal ko yung pusong bato ko. T-Tama nga yung kasabihang nasa huli ang pagsisisi", hinawi ko si Jimin at tuluyan akong pumasok sa emergency room,

Nakita ko agad siyang nakatalukbong na ng kumot, nanghihina ako pero gusto ko siyang yakapin, kahit sa huling pagkakataon,

M-Maraming salamat sa pagligtas mo sakin, p-pero di ko matanggap na h-hindi ka na babalik pa,

"HOSEOK-AH B-BAKIT MO KAMI INIWAN? PAANO NA KAMI NI JANEAH? M-MAHAL NA MAHAL KITA-", Yumakap ako sakanya pero may biglang nagsalita sa likod ko,

May tao pala? Bakit di ko napansin?

"Miss excuse me, kabit ka din ng asawa ko? Lima kayong kabit niya?", tinaasan ko ng kilay yung babaeng nagsalita, sa tabi niya ay may apat na babaeng mga lutang din at namumugto a-ang mata,

A-Anong kabit?

Inalis ko yung talukbong nung patay na niyakap ko para makita yung mukha niya,

WHAT THE! H-HINDI SI HOSEOK TO!

"I'm sorry, nagkamali lang po ako" hiyang hiyang sabi ko sakanya,

"Ang hinahanap mo ba ay yung gwapong koreanong nasaksak? Sabay silang isinugod ng asawa ko dito, alam ko ay nalunasan na ang sugat niya at dinala na sa private room", sabi niya kaya napakunot noo ako,

"H-Hindi po siya namatay?", tanong ko,

"H-Hindi miss-", hindi ko na pinatapos magsalita yung babae at iika ika na kong lumabas,

Nakita ko yung mga members na nakangiti,

"Sarap niyong pagbabatukan noh?", napipikong sabi ko sakanila,

"S-Sorry na gusto lang naman namin malaman yung reaksyon mo eh, at gusto lang naming aminin mo sa sarili mong mahal mo pa si hyung", sabi ni Jimin,

Gusto ko silang konyatan talaga isa isa,

"HOSEOK-AH B-BAKIT MO KAMI INIWAN? PAANO NA KAMI NI JANEAH? M-MAHAL NA MAHAL KITA- Aray naman hyung", ginagaya ni JK yung sinabi ko kanina pero pinalo siya ni V sa braso,

"Lalakas mang trip ng mga to", iiling iling na sabi ni Cynth,

"Gusto mo pagtripan ka din namin noona para maamin mo rin sa sarili mong mahal mo pa si hyung", sabi naman ni RM,

"Subukan niyo ng pagbabatukan ko kayo, alam kong marerealize din ni Cynth yun, not now pero I'm willing to wait, right babe?", sabi ni Jin habang nakatingin kay Cynth,

"Tss tigilan niyo ko. Come on sis ayusin muna natin yung sugat mo then puntahan  na natin si Hoseok", aya nito, lumapit siya sakin para alalayan ako pero sinabi ni Jimin na siya nalang ang mag-aakay sakin at kailangan ding alalayan si Cynth dahil pareho kaming iika ika.

After lapatan ng first aid yung mga sugat namin ay dinala na kami ng members sa room.

Nagtanong pa ko kung sino kasama ni Hoseok sa room bakit iniwan nilang mag-isa pero hindi sila sumasagot.

Nagulat ako nung pagbukas ni Yoongi ng pintuan ng kwarto ni Hoseok ay nandun si Manong and tita, aba't nkasandal pa ang aling Nerissa sa balikat ni manong-

"Mommyyyyy!", nagulat ako nung makita rin dun si Janeah, nakaupo siya sa gilid ng kama ng daddy niya,

"Tita and manong are you dating?", tanong ni RM,

"Let's talk about it later, come in come in", sagot ni Manong,

Napatingin sakin si tita and manong, at ang tita ko namumula pa yung mukha, pero why did she brought Janeah here?

"I'm sorry iha gusto daw makita ni Hoseok si Janeah so I brought her here", siguro nahalata niyang nagtataka ko kung bakit andito si Janeah,

"Mommy come here", tawag ni Janeah, dun ko lang napansing natutulog pala si Hoseok,

Lumapit ako kay Janeah at binuhat ito,

"Mommy what happened to your hand?", tanong niya habang nakatingin sa kamay kong may bandage,

"It's nothing baby, just a small wound", sagot ko at saka tumingin kay Hoseok,

A-Ang gwapo talaga ng lalaking to,

"Angel baka malusaw si hyung", nagulat ako nung magsalita si JK,

"Just hug him and don't just stare there", sabi naman ni Jin,

"Pero ikaw hyung hanggang titig ka lang din kay noona", sabi ni V kaya nagtawanan sila,

Napatingin naman ako kay Cynth, magkatabi sila ni Jin pero hindi sila nag uusap,

Hindi ko alam kung anong balak nila? Basta ako buo na ang desisyon ko-

"Mommy what will you do if daddy didn't make it? I mean if he's not survived it?", nagulat ako nung magsalita bigla si Janeah,

"I don't know what to do actually-", pinutol niya yung sasabihin ko,

"Why you didn't know mommy? Don't you love him?", tanong niya ulit,

"Mahal niya pa daddy mo Janeah!", sagot ni V sakanya,

"But I want it to hear from mommy tito V", sagot niya at tumingin sakin,

Nakaabang lang sila sa isasagot ko,

Siguro this time kailangan ko ng harangin yung nakabara sa puso ko, how ironic na yung pagkakasaksak pa niya ang dahilan para maamin kong mahal ko pa din siya,

Na hindi ko pala kayang mawala siya,

"Your tito V was right. I still love your daddy-", naputol yung sinasabi ko nung biglang dumilat si Hoseok,

"Then marry me!", nakangiting sabi niya habang nakatitig sakin,

"N-Narinig mo?", gulat na tanong ko,

"Ofcourse my Angel, I need to hear that. My eyes were just closed but I'm not sleeping, PDA kase si manong and tita eh nakakainggit", tatawa tawang sagot nito,

Nakatingin lang ako sakanya, I really want to hug and kiss him dahil masaya kong okay siya pero nahihiya ako sa members,

"Angel ano na? Tatayo ka nalang jan? Kasalan na dali excited na kong umabay, unahan mo na tong si Jin hyung na wala na yatang balak makasal coz it's impossible for him to win noona back", tatawa tawang sabi ni JK,

"What if unahin natin ang sakalan JK?", sabi ni Jin habang masamang nakatingin dito kaya nagtago si JK sa likod ni RM,

"Cynth wala na ba talagang chance?", tanong ni Yoongi kaya napatingin si Cynth sakanya,

"Grabe nga yung pagprotect sayo ni Jin hyung kanina eh, hindi ka ba kinilig? Wala bang spark?", tanong naman ni RM,

"Hyung welding ba yun at magkakaspark-aray!", hinampas ni RM sa braso si JK dahil sa pamimilosopo nito,

"Paano ko bibigyan ng chance kung wala namang ginagawa", sabi ni Cynth, lahat kami ay nakatingin sakanya,

"What do you mean?", nagtatakang tanong ni Jin,

"Court me! You idiot! Dyata't ganon ganon nalang bumalik ako sayo, paghirapan mo muna no", sagot nito saka siya inirapan,

"Really?? Y-You want me to court you? You're giving me chance? Waaah thankyou so much! I am not dreaming right? Punch me! Punch me! This is really happening right-JKKKKKK!", Nagulat kami nung suntukin nga siya ni JK,

"Sabi mo "Punch me! Punch me!" tapos nagagalit ka jan", nakangusong sabi nito,

Susugod dapat sakanya si Jin pero pinigilan ito ni Cynth,

"Thankyou noona", tatawa tawang sabi ni JK na nagtatago sa likod ni V,

Ang kulit-

"Jagi ano kikiligin ka nalang sa love story ng iba?", bumalik yung tingin namin kay Hoseok,

Ngayon ko lang napansing nakaupo na siya sa kama niya,

Sinignalan ni Hoseok yung member na kunin sakin si Janeah kaya lumapit si Jimin para kunin ito,

"Come closer", inilahad niya sakin yung kamay niya kaya kinuha ko yun at lumapit sakanya,

"Why did you do that?", tanong ko sakanya,

"What?", nagtatakang tanong niya,

"Why did you saved me?", tanong ko,

"Because I love you, okay na yung ako ang masaktan kaysa ikaw Angel, dahil hindi ko kakayanin once na ikaw ang masasaktan, I can even imagine myself looking at you laying in the hospital bed and fighting for your life, baka mauna pa kong mamatay sayo nun, I just want you to see laying here when you're giving birth to our next child", biruin mong naisingit pa niya yun,

Di ko na napigilan at napayakap ako sakanya,

"Thankyou for saving me!", sabi ko, ramdam ko yung pagkamiss sa higpit ng yakap niya,

And I also miss this-

"It's my duty to protect my queen, but can I request one thing? Narinig ko kaninang sinabi mo kay Janeah na you still love me, can you repeat it?", nakangiting sabi niya nung magkalas kami ng yakap,

"Tss oo na. I still love you, I really do-", nagulat ako nung tumayo siya at lumuhod sa harap ko,

"Tito Jimin can you bring me down for a while", napatingin ako kay Janeah, may dinukot ito sa maliit na bulsa ng bestida niya,

"Thankyou baby", sabi ni Hoseok nung iabot sakanya ni Janeah yung maliit  na box,

"Welcome daddy, I've hiding it for so long, I'm happy you will use it na", kinikilig na sabi ni Janeah at tumakbo pabalik kay Jimin,

Anong sabi ni Janeah? Matagal niya ng tinatago yun? B-Bakit?-

"Will you marry me Angel? And promise me that there's no turning back!", nangingilid yung luha niya nung sabihin niya yun, at bumungad sakin yung singsing na may mas magandang disenyo kaysa sa naunang engagement ring na bigay niyang isinauli ko sakanya,

Maybe inamin ko na nga sa sarili kong mahal ko pa rin siya pero handa na ba ulit akong pakasalan siya?

Our last engagement didn't work. Natatakot akong baka matulad lang to sa nangyari noon.

Susugal ba ulit akong pakasalan siya?

Continue Reading

You'll Also Like

48.5K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
41K 2.5K 97
STARTED: DECEMBER 23, 2019 FINISHED: FEBRUARY 21, 2020 STATUS: COMPLETED AND UNDER EDITING & REVISION Book 1 of 2 [TAGLISH] Chang Yanna has been chan...
3.4K 238 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
142K 3.2K 54
Si Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Nguni...