Playlist

Galing kay GreatGatsby08

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. Higit pa

Starlight
The One That Got Away
Walang Hanggan
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
Overboard
The Only Exception
Happier
Decode
Tequila
The Fault In Our Stars
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
Pansamantala
The Last Time
Isa Pang Araw
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Halaga
Pagtingin
If Tomorrow Never Comes
It's Sad To Belong

Huling Gabi

459 19 4
Galing kay GreatGatsby08

3rd Person's POV

Tahimik na nakaupo si Vice sa isang wooden bench sa labas ng resort na pinagi-stayhan niya. Mejo malamig ang gabing yun pero tila hindi niya alintana iyon.

Muli niyang sinulyapan ang suot na relo sa bisig niya bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Mukhang hindi na darating."

Bulong niya sa sarili niya bago tumayo mula sa kinauupuan at namulsa bago nakayukong naglakad papalayo.

Vice's POV

Huminto ako sa dulo ng beach na nilalakaran ko  bago humarap sa dagat at iniunat ang magkabilang braso ko na parang inaantay na yakapin ako ng gabi. Tumingala ako at pinagmasdan ang mga bituin sa langin bago tuluyang pinikit ang mga mata ko.






"Saan ba tayo nagkulang. Saan ba tayo nagkamali."






Bulong ko sa sarili ko kasunod ng marahang pagluha.




Flashback....

"Bitawan mo ako, Vice."

Wala nang luha sa mga mata ni Jackie habang bitbit niya ang isang malaking bag na naglalaman ng mga gamit niya. Papalabas na sana siya nun ng pintuan ng condo namin kung hindi ko lang siya pinigilan.




"Please, pag-usapan natin 'to. Ano bang nagawa ko? Please. Sorry."




Pakiusap ko sakaniya bago ko sinubukang yakapin siya pero agad siyang nagpumiglas.


"Wala na tayong dapat pag-usapan. Ilang ulit ko na bang sinabi sayo? Ilang beses akong nakiusap sayo, Vice. Kaunting oras lang sa isang araw. Pero hindi mo pa maibigay."




Matapang na sabi niya saakin habang nakatingin sa mga mata ko. Napakurapkurap ako. Pakiramdam ko ang unfair niya.




"Jackie, nagtatrabaho ako. Hindi naman ako tumatambay lang. Para saatin din naman 'to di ba?"




Halos lumuhod na ako sa harap niya wag lang niya akong iwanan. Ilang beses na ba naming pinag-awayan ito at ilang beses ko nang inakala na okay na. Pero hindi pa din pala.




"Kaya nga ako na lang ang aalis di ba? Para may oras ka na sa trabaho mo."





Sabi niya bago hinablot ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. Hinayaan ko na siya.




Pinanood ko na lang siyang lumabas ng pintuan habang naiwan akong nakatayo sa gitna ng living room.


Mag-isa.




Mag-isa na lang.

End of Flashback....

It's been a year mula nung naghiwalay kami. Pero hanggang ngayon si Jackie pa din ang nasa puso ko.

Sa loob ng isang taong yun ay wala akong ibang ginawa kundi subukang suyuin siya.


Habulin siya.




Inaalam kung kamusta na siya kahit ayaw niya akong kausapin.



Isang taon niya akong pinagtaguan at iniwasan.



Isang taon.




Until last week, finally, sinagot niya yung DM ko sakaniya at pumayag siyang makipag kita saakin.


Dito kung saan kami unang nagkakilala. Pero mukhang hindi niya din pala ako sisiputin. Napabuntong hininga ako bago nagbukas ng mga mata.




"It was too good to be true."


Sabi ko sabay buntong hininga at muling nagsimulang maglakad.




"Vice!"



I know that voice too well na kahit sa panaginip minsan ay naririnig ko. Nilingon ko siya.



Biglang nag-slow motion ang lahat kasabay ng pagkabog ng puso ko sa dibdib. For the first time in a long time nakita ko ulit yung maganda niyang mukha.










Naka-suot siya ng kulay itim na two-piece-bikini na napaibabawan ng kulay puting transparent na pang doble. Napalunok ako habang pinapanood siyang papalapit saakin habang hinahangin ang mahaba niyang buhok. Ibang iba na siya. Halatang mas confident siya ngayon. Mas sigurado sa bawat kilos at galaw niya, hindi gaya noon na mahiyain.









Mas gumanda din siya.







"Hi! Sorry, na-late ako. Sobrang traffic."










Nakangiti niyang sabi saakin. Napalunok ako kasabay ng biglang panunuyo ng lalamunan ko. Hindi ako makahanap ng tamang salita na pwedeng sabihin.








Napakarami kong gustong sabihin sakaniya pero ngayon tila na blangko ang utak ko. Wala akong ibang maisip kundi ang maganda niyang mukha na nakangiti saakin ngayon.









"Ahh. O-Okay lang. Ang ganda mo ngayon ah."








Nabigla din ako sa sinabi ko pero mukhang hindi yun napansin ni Jackie na napangiti lang at napailing-iling bago pabirong hinampas ako ng mahina sa braso.









"Ibig mong sabihin pangit ako noon? Baka dahil sa stress ko sayo."








Biro niya saakin. Napailing lang ako at natawa ng kaunti bago sumagot.








"Mas gumanda ka. Maganda ka na noon pero mas maganda ka ngayon."






Paglilinaw ko na kaagad din nagpatawa ulit kay Jackie. Napangiti ako. Ang tagal kong hinintay na marinig ulit yung tawang yun. Yung makita ulit sa mukha niya na masaya siya. Parang matutunaw yung puso ko sa nararamdaman ko para sa babaeng nasa harap ko ngayon.








"Binibiro lang kita. Uhm, nag dinner ka na ba? May masarap na restaurant dito."










Sabi niya na biglang nagpakalam ng sikmura ko. Sa totoo lang ni hindi nga ako nakapag-almusal kanina dahil sa sobrang excitement. Para akong bata na naghihintay ng regalong ipinangako ng mga magulang niya sakaniya. Ilang ulit ko ding kinakausap ang sarili ko sa salamin para pakalmahin at ilang beses akong papalit palit ng isusuot dahil hindi ako makuntento sa damit na suot ko.








Gusto kong magging presentable sa mga mata niya.








Dahil gusto ko siya.






Mahal ko siya hanggang ngayon.









"How are you?"








Tanong niya saakin habang naglalakad kami sa dalampasigan pagkatapos namin nag-dinner sa isang seafood shack sa loob ng resort. Napayuko ako at napaisip ng isasagot.








"Okay naman ako. Nag-resign ako sa work. Nag focus muna sa mga bagay na mas mahalaga kesa sa trabaho at pera."









Seryosong sabi ko sakaniya habang pinapanood ang mga buhangin na tumatalsik sa bawat pag hakbang ko. Huminto ako saglit para tumingin sakaniya at ganun din ang ginawa niya.








"Mabuti naman kung ganun, Vice. Sana nagging mabuti ang effect nun sayo."










Nakangiting sabi niya saakin. Sinubukan kong ngumiti at kahit papano ay alam kong nalinlang ko siya dahil sinuklian din niya ang mga ngiting yun.








"Narealize ko na mas mahalaga yung oras kesa sa career o sa pera. Mas mahalaga pala yung oras na gugugulin mo para sa mga taong mahal mo kasi yun yung hindi mo na maibabalik pa."










Makahulugang sabi ko sakaniya. Malungkot siyang tumango bago hinaplos ang braso ko. Para akong nakuryente sa pag dikit ng palad niya sa balat ko. Isang taon kong hinintay na muli siyang mahawakan, muling makita at muling makausap.








"Sorry. Hindi ko narealize kaagad. Sorry kung nawala ka muna bago ko narealize na mas mahalaga ka. Sorry--"










"Tama na ang sorry, Vice. Matagal na kitang napatawad at hindi lang naman ikaw ang may pagkukulang."










Putol niya sa sinasabi ko bago humarap sa dagat, pumikit at huminga ng malalim. Tahimik ko lang siyang pinanood.








Lalong nangibabaw yung kaputian niya sa dilim ng gabi habang tumatama sa mukha niya yung liwanag ng buwan.








"I left. Instead of communicating, I left. Sorry. Sana mapatawad mo din ako."










Sabi niya sabay lingon saakin. Tumingin ako sa mga mata niya. Sinubukan kong hanapin doon ang mga sagot sa mga katanungan ko.








"May dahilan kung bakit nangyari lahat ng 'to. Siguro kung hindi ka umalis, kung hindi mo ako iniwan, baka hindi ko narealize ang mga dapat kong marealize. It was meant to happen."










Sabi ko bago kunin ang isang kamay niya at ikulong iyon na magkabila kong palad habang hindi ko pa din inaalis sa mga mata niya ang tingin ko.









"Dapat pa nga magpasalamat ako eh. It was hard. Hindi madali na bigla kang nawala nung panahong sobrang sanay na sanay na akong kasama ka. Pero it was the kick that I needed."










Totoo naman. Ilang araw, ilang gabi akong hindi makausap. Ilang bote ng alak ang pinatumba kong mag-isa at ilang gabi ako umiiyak habang lasing tapos magttext sakaniya ng kung ano ano.








Napailing ako at napangiti sa mga alalang yun.








"Sana ikaw hindi masyadong nahirapan?"









Tanong ko sakaniya bago dinala sa mga labi ko yung kamay niyang hawak ko para halikan. Saglit siyang nagulat sa ginawa ko pero hinayaan niya lang. She looked at me in silence bago bumuntong hininga.








"Hindi din nagging madali para saakin, Vice, kaya nga ako dumistansya eh. Kaya kita tiniis. Hindi dahil hindi na kita mahal kundi dahil ayokong bumalik nanaman tayo sa una, mas magkakasakitan tayo."










Naintindihan ko.








Napalunok ako at bahagyang napakurap-kurap para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko.











"Sobrang namiss kita, Jackie."









Hindi ko napigilang sabihin. Natigilan nanaman siya ng kaunti bago ngumiti.








"Namiss din kita. Lalo na yung mga kalokohan mo. Naalala mo ba? Tawang tawa ako pag naaalala ko yung mga kalokohan mong hindi umuubra saakin."










Sabi niya sabay tawa. Napakamot nalang ako sa batok ko bago nakisali sa pag tawa niya habang inaalala yung mga pagkakataon na aasarin ko siya ng aasarin tapos sa huli ako na ang sinusuyo niya dahil ako din ang naasar sa mga pinagsasabi ko. Napailing ako.








"Eh yung push ka ng push na crush ko yung isa mong kawork noon na nakasalubong natin sa mall? Tapos sa huli ikaw din nagselos."









Sabi niya sabay hagalpak ng tawa. Natawa nalang din ako sa sinabi niya at napailing.








"Paano naman no! Ang intesyon ko talaga nun eh para sabihin mong mas gwapo ako dun pero ano? Sinakyan mo pa."









Natatawang sabi ko kasabay ng pagbabalik saakin ng mga memories namin.







Yung mga kulitan namin bago matulog sa gabi. Yung mga away namin na nagmumula lang sa mga maliliit na bagay na lumalaki lang talaga dahil saakin.







Yung mga out of towns namin na magkasama.





Yung bickering habang nasa byahe.







Yung mga lambingan pagkatapos ng malalang away.








Yung mga oras na kahit hindi kami naguusap eh okay lang basta magkatabi kami o magkayakap.








Napabuntong hininga ako sa huling alaala na bumalik saakin.








Yung araw na pinanood ko siyang lumabas ng pintuan ng condo namin na wala manlang akong ginawa.








Hindi ako nagsalita pa habang nakatingin sakaniya. Hindi ko alam kung paano ko itatranslate sa salita yung mga nararamdaman ko ngayon.








Kung paano ko ba sasabihin sakaniya na sobrang saya ko dahil andito siya ngayon sa harap ko, kinakausap ako at hawak ko yung kamay niya. Dahan dahan ko siyang hinila palapit saakin para ikulong sa mga bisig ko.








Niyakap ko siya para iparamdam nalang sakaniya kung gaano ko siya namiss.








Naramdaman kong yumakap din siya saakin at tahimik na humikbi.







Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakaniya para iparating na ayoko nang bumitaw pa.








Hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo at saglit na inamoy yung buhok niya. Sobrang namiss ko siya.








Para akong naglayas ng matagal at ngayon ay nakauwi na.








It felt like home.








"I still love you, Jackie. I love you so much."










Sabi ko kasabay ng pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko. Sobrang overwhelmed ako sa emotions na hindi ko na namalayan na pareho na pala kaming umiiyak habang magkayakap.









Maya maya pa ay bumitaw na siya sa pagkakayakap saakin. Nagpunas ng mga luha at tumingin sa mga mata ko.











"Vice, I loved you. I loved you with all my heart. Alam mo yun, di ba?"










Napalunok ako. I refuse to believe it pero nakikita ko sa mga mata niya kung ano ang ibig niyang sabihin. Tumango ako.












"I am here for closure. Gusto kong ibigay sayo yung closure na dapat sana eh matagal ko nang binigay pero hindi pa ako handa."










Napalunok ako. Hindi ito yung inaasahan ko.








Unti unting naubos yung pag-asa sa puso ko na babalik siya saakin.








I looked at her and saw it in her eyes. Okay na siya. Okay na siya kahit wala ako.








I love her.








Mahal ko siya at hindi ko ipagdadamot sakaniya yung pagkakataon na magging masaya ulit kahit hindi na ako kasama sa mga dahilan ng kaligayahang yun.









I forced a smile and nodded bago ko siya ulit niyakap.









At pinakawalan.








End.

Huling Gabi
by Moira

-------------
Song number 2

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

569K 59.3K 25
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
3.4M 143K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
308K 7K 41
I'll be adding your age in the chapters and you will be with BTS as siblings!! Also BTS will always be older than you or Jungkook as your twin. Taehy...
19.1K 560 46
Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo titiisin yun sakit na nararamdaman mo dahil...