ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (...

By angelbphr

48.4K 1.7K 51

Klaro ang instructions ng boss niya kay Camille. Kalilimutan muna nilang sila si Adam na may-ari ng ELEMENTS... More

Taming Wind Prologue
Taming Wind Chapter 1
Taming Wind Chapter 2
Taming Wind Chapter 3
Taming Wind Chapter 4
Taming Wind Chapter 5
Taming Wind Chapter 6
Taming Wind Chapter 8
Taming Wind Chapter 9
Taming Wind Chapter 10

Taming Wind Chapter 7

3.5K 126 0
By angelbphr

"Adam, anything bothering you?" Sumilip ang half-brother niyang si Kane sa pintuan ng kanyang silid.

"Ha? Nothing? Why did you ask?"

"Kasi dalawang beses na akong dumaraan dito sa office mo at hindi ka gumagalaw, wala kang kausap at nakatitig ka lang sa isang papel."

Damn! Ni hindi niya napansin na nakabukas ang blinds ng glass partition ng kanyang silid kaya nakikita siya ng mga tao sa labas.

"I'm okay," sabi niya rito.

Okay is neither good nor bad, neither heaven nor hell, naalala niya ang minsang sinabi sa kanya ni Camille.

"Actually, something is bothering me. May time ka ba?"

"Sure." Tuluyan ng pumasok si Kane sa silid. Umupo ito sa silya sa harapan ng kaniyang desk. He leaned back on his chair, hawak pa rin ang papel.

"What's up?" usisa ulit ni Kane nang manatili siyang tahimik. He took a deep breath. "Isang linggo ng hindi man lang nagpaparamdam si Wind." Gamit niya ang pangalan nito sa Elements dahil kilala ni Kane ang mga agents sa pangalang iyon lamang.

"Anong ibig sabihing hindi nagpaparamdam?"

"You see, si Wind and I... we were together in Palawan."

"Together as in together?" tila gulat na sabi nito.

Tumango siya. "I asked her to stay with me. She was worried about how it was going to be pero sabi ko sa kanya we will work something out. She stayed with me for a night. Tapos I went to work on some stuff and we were supposed to meet in this place. Hindi siya nagpakita and when I went back to my room, I found this letter. She already left. Sabi niya lang kailangan niyang i-sort out ang personal life niya. But it's been a week at hindi pa rin siya nagpapakita. Absent din siya sa weekly meeting namin."

"Sinubukan mo na bang tawagan siya sa phone?"

"Yeah. Hindi siya sumasagot."

Anyong nag-isip si Kane. "Nung magkasama kami ni Guia, alam mo kung nasaan kami. You were using a tracking device, hindi ba?"

"Yes."

"Lahat ba sila ay may ganoon?"

"Yes. Naka-attach sa cellphone nila."

"Bakit hindi mo gamitin?"

Naisip na niya iyon. Pero naisip din niya na kung personal ang dahilan ng paglayo ni Camille sa kanya, hindi magandang gamitin nito ang device na iyon na pang-official na trabaho nila. Baka isipin nito na ginagamit niya ang kanyang position para mag-impose rito. Iyon na nga ba ang mahirap sa ganito. Ang hirap ihiwalay ng linyang professional at personal. Sabi na nga ba niya sa sarili, he shouldn't touch her with a ten-foot pole. Pero hindi pa rin siya nagpaawat. Kaya ito ang sitwasyon niya.

"Adam, why were you together in Palawan? Why did you ask her to stay?"

Nagkunot ang noo niya sa tanong nito.

Diniretsa nito ang tanong. "Do you love her?"

Lalong kumunot ang noo niya. Hindi siya sanay sa ganoong tanong. Love? Hindi pa sumasama sa equation ng buhay niya ang salitang iyon na may kaugnayan sa issang babae. Nagkaroon siya ng mga relasyon dati na base sa mutual respect at physical attraction. He had affairs and they had worked fine with him. Hindi niya kinailangang pag-isipan ang posibilidad ng pag-ibig na tinatanong ni Kane. After all, wala namang ganoon sa pagitan ng kanyang mga magulang. His father even violated the mutual respect part nang magka-affair ito sa ina ni Kane at itinago sa kanila ang presensiya ng mga ito sa kanila hanggang mamatay ang ina ni Kane.

"Adam?" untag ni Kane nang hindi siya agad sumagot.

"How do you know you are in love with a girl?" tanong niya sa kapatid imbes na makapagbigay ng sagot sa tanong nito.

"Kapag hindi ka mapakali kapag hindi mo siya nakikita. At kapag andiyan naman siya, nao-overwhelm ka sa presence niya so you begin thinking how one person could have such an immense power over you. Dahil sa kanya, hindi laging tama ang tama o mali ang mali tulad ng sa pinapaniwaalaan mo. You'll find yourself ready to break ang rules o kaya naman ay unti-unting i-bend ang mga iyon without you realizing it at first o kaya naman tumanggap ng compromise na dati ay hindi mo kayang tanggapin. Para sa kanya. Kahit hindi niya hilingin ng diretsahan. Sometimes, all it takes is a look in her eyes or a smile and you'll feel as though you will give her everything she wants and do anything to make her happy and safe."

"Is that how you feel about Guia?" tanong niya sa kapatid. Guia ang tunay na pangalan ni Fire.

"I love her kung iyon ang tinatanong mo. Don't you remember that I was willing to accept her even when I thought she was a hooker?" sagot ni Kane.

Yes, he remembered. Naalala niya how Kane was intrigued by Fire and then later, how he fell hopelessly in love with her. So, ano ngang nararamdaman niya ukol kay Wind?

Muli niyang tiningnan ang papel na sinulatan nito. At nang iwan siya ni Kane, mag-isa, inilabas niya ang phone at pinindot ang button na magsasabi sa kanya kung nasaan eksakto ang babaeng hinahanap.

He was glad na hindi nito pinatay ang tracking device ng telepono. In less than five minutes ay alam na niya kung nasaan ito. Pero lalo lang siyang nag-alala. What the hell was she doing in that place? Napailing siya bago bumulong sa sarili.

"Wind, what have you gotten yourself into this time?"

"Anong ginagawa na agent mo doon sa isang autonomous area?" tanong sa kanya ni General Custodio.

"Iyon ang gusto kong malaman," tugon niya.

"Adam, hindi covered ng licence to operate mo ang mga autonomous regions."

"Kaya nga ako lumalapit sa iyo. I need your help to get me all information sa grupong ito, a special licence to infiltrate their area and full military back-up if things get out of hand."

Umiling ito. "That is quite impossible."

Tumaas ang level ng frustration niya. "That's a lot of bull and you know that! Everything is possible in this country!"

Tinitigan siya ng matagal ng heneral. "Adam, matagal na kitang kakilala. Unang kita pa lang natin sa America alam kong matino ka and you have the highest principles kung kaya't tinulungan kita sa pagsi-setup ng Elements mo. I figured, we can always use a company like yours because we badly need a man like you."

"May mapapala rin kayo rito. The ownere of this place na kinaroroonan ni Wind – isn't he notorious for something? Hindi ninyo siya ma-pin sa kabila ng mga pagdududa niyo dahil walang makapasok sa kinaroroonan niya to prove anything. Ibibigay ko sa inyo ang lahat ng impormasyong nakuha ni Wind at lahat ng makukuha ko pa kapag nakapasok ako roon. I have never failed you, General. Ni hindi ako humingi sa iyo ng kahit anong special favor or consideration. Ngayon pa lang."

"I know that. Kaya nga ako nagugulat sa iyo ngayon. Adam, alam mo ang mga restrictions ng lisensiya mo simula pa lang. You could have had it waived dati pa pero hindi mo ginawa dahil ayaw mong makipag-deal sa mga nagtatrabaho sa mga taong nilalagpasan na lang ng batas o kaya naman ay iyong mga hindi na kayang sakupin noon by the mere complexities of their operations. Pero ngayon ay gusto ilubog ang sarili mo sa mundong iyon para lang makapasok sa kinaroroonan ng isang tao. Gaano kahalaga ang babaeng ito na gusto mong sundan?"

"She is my agent," depensa niya.

"Na naroon sa isang hindi official na misyon. She is there unauthorized, without your knowledge at ngayon ay gusto mong ilagay sa jeopardy ang lahat ng pinaghirapan mo para lang sundan siya at ayusin ang lahat para sa kanya?"

Isa lang ang sagot doon. "Yes."

"Adam, sa dami ng network na kailangang pagdaanan para makuha ang mga gusto mo, by the time we get them, wala ng matitirang confidentiality sa company mo. At dahil nakasalalay ang lahat ng kontratang ibinibigay sa iyo ng military at government sa ka-sikretuhan ng operations mo, you might lose all your contracts with them as well. Worse case scenario, you will lose your licence."

"Alam ko," sabi ni Adam.

"Ibig sabihin, willing kang tanggapin na mawawala sa iyo ang presyoso mong Elements para sagipin ang isa mong tao."

Tiningnan niya ng diretso ang Heneral. "General, I will do anything for her."

"Mahigit isang linggo na siya roon, Adam. Hindi nga tayo nakakasigurado kung buhay pa siya."

He tried not to flinch kahit pa pakiramdam niya ay may sumuntok sa kanyang dibdib. "Kaya kailangan nating bilisan. Habang tumatagal ito, mas lumiliit ang chance na makuha ko siyang buhay," sambit niya sa isang tonong walang halong emosyon.

Hindi makakahalata ang kahit sino na sa buong buhay niya, hindi pa siya nakaramdam ng ganoong kalaking takot at pangamba habang iniisip niya kung ano na ang kalagayan ni Camille sa kuta ng isa sa pinakamalaki at pinakaprotektadong sindikato sa buong bansa.

Nagising si Camille sa tama ng malamig na tubig sa kanya. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang maalis ang tubig sa kanyang mukha. Ang hapdi sa kanyang magkabilang braso ang nag-paalala sa kanya kung nasaan siya. Itinaas niya ang tingin sa lubid na nagtatali sa mga iyon at sa halos namamagang sugat kung saan bumabaon at gumagasgas sa kanya ang matalas na materyales ng lubid sa tuwing gagalaw siya.

"Sino ang nagpadala sa iyo rito?" Umalingawngaw na naman ang tunog ng tanong na iyon sa buong silid.

TIningnan niya ang lalaking nagpaparusa sa kanya. He was not even a big man. Ordinaryong tangkad, ordinaryong laki lamang ang mayroon ito pero tila nakakaramdamn ng supremong kapangyarihan sa kanya dahil nakatali siya. Dalawang araw na siyang pinahihirapan nito. Mula pa noong mabuko ang cover niya...

Napakadali niyang nakapasok sa compound ng mga Yuson kung tutuusin. May sakit ang asawa nito at nangangailangan ng private nurse. Isang araw bago pumunta roon ang nurse na kinuha ng mga ito ay nagkasakit ang nurse. May kinalaman siyempre ang pagkakasakit nito sa pakikipag-hapunan sa kanya nang nakaraang gabi. Sinugurado niyang hindi naman mapapahamak ang nurse. She just planted some virus in her food which will make her ill for a few days. Baka nga iniligtas pa niya ang buhay nito dahil sigurado siyang kung marami itong matutuklasan habang nag-aalaga ng maysakit ay walang katiyakang makakalabas pa iyon doon ng buhay.

Dahil walang immediate na ipapalit ang ahensiya lalo pa at kinatatakutan ang pamilyang iyon, agad siyang kinuha para magsubstitute nang malamang 'kasamahan' siya dati sa trabaho ng nagkasakit at hindi pa makausap na nurse noong ngtatrabaho siya sa Canada at naghahanap ng magiging trabaho sa Pilipinas.

Sa loob ng ilang araw ay nagawa niya ang plano. Marami siyang natuklasan sa mga illegal na activities ni Alfredo Yuson at ng mga kasamahan nito – unang una na roon ang shabu laboratory na naroon mismo sa loob ng compound. Hindi ito nahuhuli dahil ang mas malaking porsyente ng produkto ay sa mga kalapit bansa dinidistribute at hindi sa Pilipinas. Natuklasan niya rin na ang mas malaking bahagi ng kinikita mula roon ay ginagamit na pang-import ng mga highpowered guns and machineries para sa mga rebelde. Ang front ng operasyon ay community-based textile industry at ang mga gawang tela at damit naman ang ginagamit sa packaging ng illegal drugs kapag ginagawa ang shipment.

Masyadong malinis ang operasyong iyon. Kung ordinaryong tao lamang siya ay malamang na hindi mapansin na may mga ibang kaganapan na nangyayari sa loob ng compound. Pero hindi siya ordinaryong tao at naroon siya para alamin ang mga ganoong bagay. She was documenting everything in her phone at ipinapadala niya ang mga iyon sa sarili niyang email. Naroon ang pictures, voice recording ng kanyang mga findings, sketches at kung ano-ano pa. She would have been okay at ang sunod na niyang pinaplano ay ang pagtakas nang hindi niya natalikuran ang isang temptasyon – ang listahan ng lahat ng contacts ni Mr. Yuson sa Pilipinas na siyang nagpa-facilitate ng mga transactions sa ibang bansa. She had enough to convict the man pero ang agent sa kanya ang hindi nagpapapigil upang makuha pa ang karagdagang impormasyon iyon at nang tuluyan ng masugpo ang operasyon nito.

Dina-download niya sa kanyang memory card ang data na iyon nang siya ay mahuli.

"Anong ginagawa mo?" tanong ng dakilang assistant ni Mr. Yuson.

HUmarap siya rito, simpleng itinago ang memory card sa ilalim mismo ng computer kung saan walang mag-iisip hanapin iyon. Maari niyang balikan – kung makakaligtas siya sa sitwasyon.

"Wala po. Gusto ko lang sana pong makipag-chat sa isang kaibigan ko. Tapos na naman po ang trabaho ko," patay malisyang sagot niya.

Nagdududang lumapit sa computer ang lalaki at sinilip ang screen. Blangko na iyon. "Hindi ako naniniwala sa iyo."

May tinawagan ito sa teleponong isang kasamahan at agad dumating ang isang lalaki na nag-check sa computer files. Tulad ng pangamba niya, nadiskubre nito ang binuksan niyang file.

"Aksidente lang ang pagkabukas noon," aniya. "Hindi ko sinasadya."

Sinuntol siya ng malakas sa tiyan ng ng assistant na tinatawag lamang na Primo. She almost doubled over in pain. "May password ang dokumentong iyon. Hindi basta mabubuksan. At isa pa, hindi mo ba alam na pinasusubaybayan ka talaga sa akin ni Mr. Yuson. Pamilyar daw kasi ang mukha mo." Hinawakan nito ng mariin ang kanyang mukha. "Sino ka? At anong ginagawa mo rito?"

Nasukol siya. Hindi sana iyon mangyayari kung hindi lamang sa memorya ng matandang Yuson sa kanyang mukha na nagudyok ng paghihinala nito.

"Hindi mo ba talaga sasabihin kung sinong nagpadala sa iyo rito?" ulit ng tauhan ni Primo.

Tiningnan niya lang ito ng puno ng pagkamuhi sa klase ng tao nito. Nabuwisit ito lalo sa kanya at muli siyang hinaplit ng hawak nitong abaka. Napapikit siya sa sakit. She fought to clear her mind and stay conscious.

"Hindi na kailangan, Dino," galing sa may pintuan ang boses kung nasaan si Mr. Yuson, si Primo at ang mga kasamahan pa nito. "Kilala ko na siya," humakbang papalapit sa kanya ang matanda. Hinawakan ng malaki nitong kamay ang kanyang mukha. "Camille Jade Buena, nagkita tayo ulit. Nang huli tayong magkita ay paslit ka pa lang, hindi ba?"

Sa pagbanggit nito noon ay lalong sumilakbo ang galit sa kanyang dibdib. Nanghihina na siya pero tila binigyan siya noon ng bagong lakas. "Oo, pero hindi ko nakakalimutan kung sino ka. Maaring mas makapangyarihan ka na ngayon kaya hindi mo na ako sa isang lumang bahay kinukulong at hindi na pipitsugin ang mga tauhan mo pero wala ka pa ring ipinagbago sa paningin ko. Isa ka pa ring lang walang kuwentang mamamatay ng batang walang kalaban laban. "

Nakita niya ang poot sa mukha nito bago pa man nito itaas ang kamay at sampalin ang kanyang mukha ng ilang beses. Nag-init ang kanyang pisngi kung saan dumapo ang palad nito at nalasahan niya ang dugo sa kanyang labi at sa loob ng kanyang pisngi.

Binigyan niya ito ng mapangutyang ngiti. "Alam mo bang hindi ko kailangang sampalin ka ng tatlong beses para saktan ka? Puwede nga kitang patayin sa isang galaw lamang. Pero nakatali ako at libre ka at hindi naman ikaw ang lumalaban ng patas hindi ba? Mas matapang ka doon sa mga walang kakayahang labanan ang lakas mo kaya sa palagay ko mananatilli akong nakatali rito. Pero maniwala ka, Yuson, nakatali man ako rito, magbabayad ka pa rin sa pagkamatay ng kapatid ko. Kailangan lang nating maghintay habang unti-unting bumabagsak ang imperyo mo ng hindi mo naiisip kung paano."

Inilapit nito ang mukha sa kanya. She can smell his foul breath and she almost gagged. Nanlilisik ang mga mata nito. "Ganoon ba? Tingnan natin. Ang alam ko lang nakatakas ka sa akin dati. Nghintay ako ng maraming taon para sa pagkakataong ito at akalain ko ba namang ikaw pa ang lumapit sa akin. Ngayon, makukumpleto na ang paniningil ko sa ama mo."

"Anong kinalalaman ni daddy rito?" tanong niya.

Tumawa ito ng malakas. "Akala ko ba napakagaling mo? Huwag mong sabihing hindi mo alam ang tungkol doon."

Tiningnan niya ito ng masama. Wala siyang ideya kung anong sinasabi nito.

"Sige, pagbibigyan kita. Tutal mamamatay ka rin lang, mas maganda sigurong malaman mo kung para saan ang buhay niyong magkapatid."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2K 118 9
- published by Bookware Publishing - HYDE AND ZEKE. Sinadya ko na ganun ang names nila para rhyme sa 'hide and seek'. Dapat may subtitle ito eh. Ang...
36K 787 11
"I am a cold-hearted woman, at hindi basta makukumbinse ng kahit na sino ang puso ko. But you, you have that kind of charisma that melts the ice in m...
146K 3.4K 10
"No matter how much you hurt me, I don't think I can settle for any other man because I only want you." Balak pikutin ni Cher ang batikang abogadong...