How To Love A Bastard ?

By Khira1112

4.4M 74.6K 6.9K

More

How To Love A Bastard ?
HTLAB - Chapter 1
HTLAB - Chapter 2
HTLAB - Chapter 3
HTLAB - Chapter 4
HTLAB - Chapter 5
HTLAB - Chapter 6
HTLAB - Chapter 7
HTLAB - Chapter 8
HTLAB - Chapter 9
HTLAB - Chapter 10
HTLAB - Chapter 11
HTLAB - Chapter 12
HTLAB - Chapter 13
HTLAB - Chapter 14
HTLAB - Chapter 15
HTLAB - Chapter 16
HTLAB - Chapter 17
HTLAB - Chapter 18
HTLAB - Chapter 19
HTLAB - Chapter 20
HTLAB - Chapter 21
HTLAB - Chapter 22
HTLAB - Chapter 23
HTLAB - Chapter 24
HTLAB - Chapter 25
HTLAB - Chapter 26
HTLAB - Chapter 27
HTLAB - Chapter 28
HTLAB - Chapter 29
HTLAB - Chapter 30
HTLAB - Chapter 31
HTLAB - Chapter 32
HTLAB - Chapter 33
HTLAB - Chapter 34
HTLAB - Chapter 35
HTLAB - Chapter 36
HTLAB - Chapter 37
HTLAB - Chapter 38
HTLAB - Chapter 39
HTLAB - Chapter 40
HTLAB - Chapter 41
HTLAB - Chapter 42
HTLAB - Chapter 43
HTLAB - Chapter 44
HTLAB - Chapter 45
Last Chapter Of Part 1
How To Love A Bastard - Part 2
HTLAB2 - Chapter 1
HTLAB2 - Chapter 2
HTLAB2 - Chapter 3
HTLAB2 - Chapter 5
HTLAB2 - Chapter 6
HTLAB2 - Chapter 7
HTLAB2 - Chapter 8
HTLAB2 - Chapter 9
HTLAB2 - Chapter 10
HTLAB2 - Chapter 11
HTLAB2 - Chapter 12
HTLAB2 - Chapter 13
HTLAB2 - Chapter 14
HTLAB2 - Chapter 15
HTLAB2 - Chapter 16
HTLAB2 - Chapter 17
HTLAB2 - Chapter 18
HTLAB2 - Chapter 19
HTLAB2 - Chapter 20
HTLAB2 - Chapter 21
HTLAB2 - Chapter 22
HTLAB2 - Chapter 23
HTLAB2 - Chapter 24
HTLAB2 - Chapter 25
HTLAB2 - Chapter 26
HTLAB2 - Chapter 27
HTLAB2 - Chapter 28
HTLAB2 - Chapter 29
HTLAB2 - Chapter 30
HTLAB2 - Chapter 31
HTLAB2 - Chapter 32
HTLAB2 - Chapter 33
HTLAB2 - Chapter 34
HTLAB2 - Chapter 35
HTLAB2 - Last Chapter
HTLAB2 - EPILOGUE

HTLAB2 - Chapter 4

42.7K 760 90
By Khira1112


-

Gone

-

Everything seems so wrong. Lahat ng bagay na inaasahan kong makukuha ko rin sa tamang panahon at sa matyagang paghihintay ay nalulusaw na ngayon. Yung tipong kaya ko pa sana maghintay pero wala na pala akong mapapala. Napangiti ako ng mapait. Gusto ko lang naman makuha ang isang lalaking tulad niya. I want men to be like him. I want a man to love me just like how he did love me eleven years ago.

Did. Past tense. Isang malaking sampal na lahat ng iyon ay naibaon na niya samantalang ako ay kumukuha palang ng pala at ngayon palang maghuhukay ng lupang maibabaon sa malalim na sugat na naiwan niya.

I managed to show him my biggest smile yet a fake one. I shouldn't let him see my pain. I shouldn't let him know that I'm still suffering . I shouldn't let him know that I still have this deep feeling only for him . Ayokong magmukhang mas tanga pa sa katangahang inaakusa ko sa aking sarili . Ayokong magmukhang kawawa kahit alam kong ako rin naman ang may kasalanan nito . Ayokong dumating sa puntong iyon .

Ito na lang ang magagawa ko. Ang tanggapin ang masakit na katotohanan. Truth definitely hurts. This revelation brings me to my end. A realization causing me to push myself far away from him. It's no good to be near him. Bukod sa alam kong mamahalin ko lamang siya ng mamahalin ay isang malaking kasalanan ang lumampas sa linya ng pagiging isang estranghero sa isa't-isa. Yes, sa tingin ko ay hanggang doon lang. Kahit pagkakaibigan ay ipagkakait ko na sa sarili ko. Kung tatanungin niyo ako kung bakit, isa lang ang isasagot ko. A lover can never be my friend. That will be too awkward for the both of us. Kakawawain ko lang ang sarili ko dahil mabibigyan lang ako ng pagkakataong mapalapit sa kanya at mahulog sa kanya ng paulit-ulit. Pagkatapos ay hindi naman niya ako masasalo dahil kasado siyang tao. Masasaktan lang din ako.

Truth sends me to hell yet I'm trying to fly with my burnt wings and get myself save from the flame. Kaya ko pang indahin ang mga natamo kong sugat at paso. Kaya ko pa. Kaya ko pa 'to . Sana .

Tumango ako at pinanatili ang ngiti sa mga labi ko. Binaling ko ang aking paningin kay Kris na kahit mukhang nanghihina ay kumikislap na ang mga mata habang nakatingin at nakakapit sa ama. Tumikhim ako.

"Can we talk on private?" Damn it, Anne. Wrong choice of words! Muli akong tumikhim at diretsong tumingin kay Cyfer. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "I mean, about Kris' condition. . ."

Hindi dapat marinig ng bata kung gaano na kalala ang sakit niya. That'll make the child depress and frustrated. Hangga't maari ay pribadong pag-uusap ang magulang at ang doktor ng bata. Iyon ang dinidepensa ng utak ko.

Iyon nga lang ba, Anne? Singit naman ng pesteng puso ko .

Huminga ako ng malalim . Muntik na akong mapasinghap sa klase ng pagtitig niya sa akin . Umiwas ako ng tingin at bumaling kay Kris na muling yumakap sa kanyang ama .

"Daddy , am I not allowed to hear what will the doctor say?" nanghihinang bulong nito sa ama .

Ngumiti si Cyfer sa bata at hinaplos ang buhok nito . Hinalikan nito ang noo ni Kris .

Parang nanikip ang dibdib ko sa aking nakita. Kahit nasasaktan ako, hindi ko na magawang iiwas ang aking tingin. Nahihirapan ako, oo. Pero nakakatuwa silang tignan. Kung hindi kaya kami nagkahiwalay, may anak na rin kaya kami? Kasing laki na rin kaya siya ni Kris?

Shit! Stop it, Anne. Huminga ako ng malalim. I blinked twice. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.

"Son, it's not like that. You won't understand-"

Son. . . Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Pinutol ni Kris ang sasabihin ni Cyfer.

"But Dad, lagi na lang po gano'n. What if I'm going to die and I won't know when?"

Napalunok ako. Doon ako napaiwas ng tingin. Now, I could say that Kris is quiet intelligent. Mas lalo akong nanghinayang. Sa lahat ng maaaring magkasakit ay bakit anak pa ni Cy? At sa lahat ng dapat niyang maging doktor, bakit ako pa? Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko 'to magagawa ng tama . Ngayon lang ako nag-alinlangan sa kakayahan ko .

"You won't die, Kris ." malumanay ngunit may diin niyang sabi sa anak. "I won't let it happen, son ."

Muli akong napatingin sa mag-ama. Nakita ko sa mukha ni Cyfer ang lungkot at pagdurusa. He loves the child so much.

"Stay here, okay. Rest. It won't be long. I'll be back." mahina niyang sabi kay Kris at ngumiti sa anak.

Tumango si Kris at humiga muli. Itinaas muna ni Cyfer ang kumot nito bago tumayo at lumingon sa akin.

Tumango ako at naunang naglakad palabas ng kwarto. Kinakabahan ako. Napahawak ako ng mahigpit sa clipboard. Dalawang beses akong huminga ng malalim.

Nang marinig ko ang marahang pagsara ng pintuan ay mas lalo akong kinabahan. Sa paglingon ko ay nakita ko siyang nakatingin ng diretso sa akin. Pinilit kong ngumiti at tahimik na ipinagdasal na sanay hindi niya mapansing nang-lilinlang lamang ako.

Ilang sandali kaming nanatiling gano'n. None of us dared to talk first. It was like we are both afraid to speak. Tumikhim ako. Balak ko na magsalita pero naunahan niya na ako.

"I didn't expect we would see each other in times like this." mahina niyang sabi. "Still , it's nice to see you again."

Gustong malusaw ng ngiti ko. I want to say that the feeling is not mutual. Seeing him again is not a nice thing. Well, it is. But after knowing that he is now a father, it ruins all the nice things. It ruins my day.

Yumuko ako ngunit pilit na pinanatili ang ngiti sa aking labi. Kahit ang sakit, pilit pa rin akong ngumingiti.

"Same here, Cy. It's good to know you now have an adorable son." I lied. That's no good for you, Anne. Don't fool yourself.

He got stunned for a moment but managed to give me a tight smile. "Yeah. He's my treasure."

Tumango ako. "Too bad he's ill."

Doon siya natahimik ng ilang sandali at naging seryoso. "Tell me. Is his situation getting worse? Gaano na kalala?"

Humina ako ng malalim at tumikhim. "It will get worse kung hindi maagapan. Alam mo naman siguro kung gaano kaaggresive ang sakit niya. He needs to undergo a series of blood test. Kailangan niyang sumailalim sa chemotheraphy."

Napapikit si Cyfer at umiling. "My son hates being here." may bahid ng pagsisisi ang tono niya .

"There's nothing we can do, Cyfer. He needs to be here." nakikisimpatya kong tugon.

Napatingin siya sa akin at tumagal iyon ng ilang segundo. Pagtapos ay napangisi siya.

"W-what? Are you grinning at me ,Mr. Madrigal?"

Mas lumawak ang ngisi niya pero hindi umabot iyon sa kanyang mata. Mas nakita ko ang lungkot at panghihinayang sa mata niya. O baka guni-guni ko lang iyon. The latter is more acceptable.

"Nothing. It has been ages since the last time someone called me by my old name."

Old name. Natigilan ako. Kanina ko pa siya tinatawag na Cyfer sa aking isipan. Oo nga pala . He changed his name . Angelo Franco? De Vera? Is that his biological father's surname? Wait. Why do I seem to care? Why do I need to question his personal life when I don't have the right to ask? Damn it, Anne . You're being obvious! Get a grip!

Huminga ako ng malalim. "I'm sorry . Nasanay lang."

"No . Don't be sorry . It's good to hear it again." sinsero niyang sabi. "It's better to hear it from you." dagdag niya sa mahinang boses .

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Yumuko ako. Sa pagyuko ko ay napadako ang aking tingin sa kanyang kaliwang kamay.

There's wedding band on his ring finger.

Bumalik yung paninikip ng dibdib ko kanina. Mas matindi. Mas masikip. Mas masakit. Lumunok ako ng ilang ulit para hindi maiyak.

Wala na talaga. Nakatali na siya.

Pag-angat ko ng tingin ay nakatingin na rin siya roon. Nagkatitigan kami at muli akong ngumiti.

"You're now a family man. I'm happy for you."

Hindi ko alam kung nasabi ko ba iyon ng maayos. Hindi ko alam kung napansin ba niya yung lungkot at pagsisisi ko.

Ngumiti siya sa akin at tumango.

"I bet gano'n ka rin." masaya niyang sabi. Mas lalo akong nanliit sa sarili ko. Mas lalo akong nasaktan. Parang naisampal sa akin na wala na talaga akong puwang sa kanya.

Ngumiti ako. Pilit na pilit. Sobrang peke. Sobrang panlilinlang na ito pero wala akong magagawa kundi ito na lang. Para maisalba ko ang sarili ko .

Pero sana nga ay tama si Cy. Sana nakahanap na rin ako. Sana kasal na rin ako .

Sana may anak na rin ako. Sana pamilyadong tao na rin ako para hindi ako mukhang martyr sa kanya. Pero hindi, eh. Hindi gano'n ang nangyari. Hindi gano'n ang naging takbo ng buhay ko.

Bahagya akong tumawa. "Nah. S-sana nga gano'n." mahina kong sabi. Ngunit binawi ko na laman sa ngiti ang lahat. "Makakahanap rin ako. In God's right time."

Ngiti naman niya ang unti-unting nalusaw. Kumunot ang noo. "You're still single?"

Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin ng diretso. Nang dumako ang tingin niya sa daliri ko ay napatikhim ako. Wala akong suot na kahit anong singsing.

"So, uhm, I'll do the schedule. Sana makapag-set agad ng day para sa lab test na isasagawa kay Kris. Mas maaga, mas maganda. At yung mga gamot niya, kailangan niyang mainom on time. Tatawagan ko ang lab mamaya for available day and time. Doc. Montero will take over by ten. It's nice to see you again, G-gelo." nanibago ako sa pagtawag sa kanya gamit ang bago niyang pangalan.

"Am I allow to call you now by your new name?" tanong ko.

Sandali siyang natigagal. "Yes." kitang-kita ko an pagtaas-baba ng adam's apple niya sa kanyang paglunok. "Yes, of course. No problem, Anne."

Tumango ako at ngumiti sa huling pagkakataon. "Good night, Sir de Vera." iyon ang huli kong sinabi bago ako tumalikod. Nang lumiko ako sa pasilyo ay halos takbuhin ko ang elevator. Nagmadali akong kunin ang mga gamit ko at umalis na sa ospital. Good thing tapos na ang duty ko. Nilagay ko ang kit ko sa backseat nang biglang sumulpot sa likod ko si Shinn. Halos mapatalon ako sa gulat.

"Shinn! Ano ka ba-"

"Why are you in a hurry? Para kang hinahabol ng aso, ah." nakangisi niyang sabi.

"Shinn, wala akong panahong makipaglokohan sayo. Not now please." nanginig ang boses ko. Kumunot ang noo ni Shinn at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Is something wrong? What happened?" bigla siyang nagseryoso.

Umiling ako at pilit na tinatanggal ang mga kamay niya sa balikat ko pero hindi ko iyon matanggal. Hindi ko alam kung mahigpit lang talaga ang pagkakahawak niya.

O sadyang nawalan lang talaga ako ng lakas. Nakagat ko ang aking labi.

"Shit! Why are you crying?" mukhang nataranta si Shinn nang makita niyang umiiyak na ako sa harap niya.

"Get me out of here." sabi ko. Sinubsob ko ang aking mukha sa palad ko. Inakay ako ni Shinn sa passenger seat.

"Where's your car keys?" inilahad niya ang kamay niya at ibinigay ko ang susi ko roon.

Tahimik akong umiyak sa kotse at patingin-tingin sa akin si Shinn habang nag-d-drive siya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin but I guess, I have to trust him jus for tonight. Afterall, he isn't a friend of mine for no reason.

"Hey, Annie . I'm bothered . What happened?" tanong niya nang huminto ang kotse dahil nag-red ang traffic lights .

"Don't ask , Shinn . Just drive." nanginginig ang mga kamay ko habang naghahalukay ng tissue sa compartment .

Hindi na nagsalita pa si Shinn . Napanatag ako nang marating namin ang parking sa condo building kung saan naro'n ang unit ko . Pinatay ni Shinn ang sasakyan at lumingon siya sa akin .

"You know what, Annie? Hindi ako makakatulog pag hindi mo sinabi sa akin kung bakit ka umiiyak ng ganyan. May nangyari ba? May nambastos ba sayo? I'm gonna kill that-"

"Shinn, no. Wala. Hindi gano'n." huminga ako ng malalim. Barado ang ilong ko dala ng pag-iyak. Pinunasan ko ang aking pisngi.

"Then, what? Nakakatakot ka, eh. That's first time I saw you cry like that." naiiling nitong sabi.

"I'm sorry. Naistorbo pa kita. You can bring my car sa pag-uwi mo. I won't mind." patuloy ang pag-iwas ko sa kanyang tanong. I saw how Shinn rolled his eyes and sigh irritatedly.

"Annie, huwag mo na iiwas ang topic. Alam mo namang hindi kita titigilan. Anong nangyari?"

Natahimik ako. Napayuko habang mahigpit na nilamukos ang tissue sa aking kamay . Huminga ako ng malalim .

"I saw him again, Shinn. I saw him again. . ." halos mangarag na naman ang boses ko . Muling nagtubig ang mga mata ko . Lumunok ako at huminga ulit ng malalim .

"Him who?" naguguluhang tanong ni Shinn. "I don't understand . Sinong tinutukoy mo?"

"Cyfer."

Natigilan siya. "Your first love?"

Dahan-dahan akong tumango. "He's married. My patient is his son."

"What the fuck?" he hissed. "Nakaharap mo siya."

Tumango ako.

"At pasyente mo pa ang anak niya?"

Tumango akong muli.

Nagpailing naman si Shinn at tila hindi makapaniwala sa nangyari sa akin.

"Cyfer of all people, huh. Grabe naman coincidence 'yan. Anong ginawa mo? Don't tell me you still swoon on him? Shit!"

Nanlaki ang mata ko. Hinagis ko ang hawak kong pack ng tissue sa mukha niya.

"You think I would allow myself to stoop that low? Hell, no! Nasaktan lang ako. Nasaktan lang ako kasi ibang-iba na siya. He even changed his name. . ."

Hindi pa rin ako makapaniwala. Napakaraming nagbago sa kanya. Oo, mas lalo siyang kumisig. Mas lumaki ang katawan niya at tumangkad. Mas naging baritono ang boses. He became perfect .

Pero nakaka-intimidate na siya ngayon. Kung hindi lang maayos niyang pakikipag-usap ay talagang maiilang ako ng sobra . Parang wala na akong epekto sa kanya . Wala na talaga .

The Cyfer I once kissed, hugged, knew and loved was gone forever. No, I've said it wrong. Love is not a past tense. I still have this crazy obsession to be with him. I still love him. Eleven years is just a number of time. Walang nagawa iyon para malusaw ng tuluyan ang pagmamahal ko sa kanya.

Naisip ko na ito dati pa pero hanggang ngayon ay hindi ko lubusang matanggap. Ang sakit sa pakiramdam. Sobrang hirap tanggapin kahat wala akong karapatang makialam. Kasal na siya. Kasal na! May anak pa!

Ako lang ang naiwan na umaasa. Nakakapanghina. Hindi pala kasing lalim ng pagmamahal niya ang kaya kong ibigay. Parang mas matindi yung tama sa akin.

At alam kong kailangan ko na itong tuldukan . Ano ang mapapala ko pagtapos nito? Anong napala ko sa labing-isang tanong na paghihintay? Wala. Oo , walang nagsabi sa akin na maghintay ng gano'n katagal pero ang gusto ko ay ang isang Lucifer Madrigal . Paano na lang? Hindi na siya ang Cyfer ko . Wala ng bakas na siya yung lalaking minsan kong minahal at gustong ipaglaban .

"Annie, move on." payo ni Shinn gamit ang pinakamalumanay niyang tono. "We have to face reality here. I don't want to make you more upset but come to think of it. There is nothing to blame but yourself. Eleven years is a long period of time. So many things will bound to happen. So many things will change including the feelings of one individual. Hindi normal yung walang changes kaya nga nagtataka ako kung normal ka pa ba sa lagay na 'yan. Imagine, eleven years with no communication, no news, no rumors, yet you still manage to keep what you feel for him. Ang tibay masyado ng pagmamahal mo sa taong iyon. Pero hindi mo siya masisisi kung meron na siyang iba. Matagal na kayong nagkahiwalay, di ba? Ikaw lang ang umasa. You were stucked in the moment that you met and loved him. You even refused to love other men aside from him while he chose to move forward ,forget you and change his life . He's now married and with a child, Annie. Kung hindi mo pinaasa ang sarili mo ng ganito katagal , masaya ka rin sana ngayon ."

Tamang-tama ako sa bawat salita ni Shinn. He's right. He rarely gives good opinion about love but when it comes to the people who are important to him, he's more than willing to sound like Cupid's assistant. Sapul na sapul ako at hindi ko man lang nailagan ang bawat salitang binitiwan niya. Tama naman kasi siya. Ako lang ang nagpakatanga ng ganito.

"Annie, are you listening to me? Sana, oo. Alam kong masakit pa rin 'yan. Cry all night if you want. Pero sana pagtapos no'n, matanggap mong hindi na talaga kayo pwede." hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit. "Don't ever think of becoming his mistress. No matter how big your love is, hindi mo deserve maging second best. Maghanap ka na lang ng iba. Huwag na sa isang tulad niya. You're a Martin. A heiress. One of the most intelligent women I knew. Please, don't stoop that low." seryoso niyang sabi.

Sa ibang pagkakataon ay matatawa ako sa kanya dahil minsan lang siya maging ganito. It doesn't suit him. Pero hindi ko magawang ngumiti man lang. Naiiyak pa nga ako.

Naiiyak ako dahil alam kong tama siya at wala akong ibang choice kundi gawin ang sinasabi niya.

Hindi ako nakatulog nung gabing iyon. Iyak ako ng iyak. Kahit gusto ko na tumahan ay hindi ko magawa. I'm too old for alot of drama but what can I do? Wala namang tumatawa sa sakit , di ba? I need time.

Pagdating ko ng ospital ay antok na antok ako. Pinipigilan kong maging emosyonal sa araw na 'to. I cried too much and it's more than enough. Tama na. Ayoko na talaga. Nakakasawang masaktan ng paulit-ulit ng dahil lang sa isang tao. I have to be professional. Dahil lang sa trabaho ko kaya nakakaharap ko siya. I guess, being civil is enough. Hindi na kailangang lumagpas pa ro'n .

"Shinn told me what happened . Okay ka na ba?" tinawagan ako ni Rhea . I want to stranggle Shin's precious neck! Inistorbo pa niya si Rhea at ipinamalita pa ang pag-iyak ko kahapon .

"I'll lie if I say no and I know you won't believe me if I say I'm fine." I tried to be humorous pero walang epekto . Rhea is dead serious over the phone .

"Hey, I'm here, okay? Tell me right away! Hindi yung kay Shinn ko pa malalaman. You can call me anytime."

"You're on honeymoon with your husband, Rhea. I don't to be a disturbance. And I can manage. . ." I lied.

Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko pag nagkaharap ulit kami. Natural, magkikita pa kami ni Cy. Maliban na lang kung sa ibang doktor ko ipasa si Kris. I find it unprofessional. Isa pa, wala namang kinalaman ang bata sa issue ko sa ama niya.

Nahihirapan akong mag-decide . Ito na naman ako . Alam ko yung tama pero hindi ko masiguro kung ano ang tatahakin ko . Naipaliwanag na nga ni Shinn sa akin ang lahat sa malinaw at malumanay na paraan pero gulong-gulo pa rin ako .

"I don't think so. Basta, tawagan mo ako."

I was about to say yes pero nabitin ako nang makitang naglalakad si Cyfer kasama ang isang babae.

I literally dropped my phone dahilan para mapatingin ang mga tao sa akin. Including them.

Oh, Lord!

Is she his wife? Napasinghap ako ng makilala ang babae.

"H-heira?"

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

397K 1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
18.5M 331K 87
Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at total Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya n...
523K 9.4K 33
Please, read the Student Terror Part 1 first.
34.5K 1.8K 22
Mighty Jocks Series Book # 01