A/N
Mapapansin nyo na from Part 1 Part 2 ang title ng bawat chaps ay biglaan itong nagbago simula nung update ko sa chap 23. Kaya nga pala C23 C24 na ang magiging title ng bawat chaps ay for originality ^_^ And C23 and C24 means Chinito 23 and Chinito 24. Balak kong i edit ang title simula nung part 1 hanggang part 22 for a change :) Ok geh basa na ^_^
Alecx's POV
"Kuya~ Geh na bati na kayo ni stephen please?" Pacute kong sabi habang nilalambing sya. Nakaupo ako ngayon sa dulo ng kama nya. Habang si kuya naman ehh kunwari'y natutulog na naka side view pa.
Magka roomate kasi kami ni kuya. Tch. Overprotective masyado nitong kuya kong ito TT^TT Sya pa mismo ang nag request na iisang kwarto ang gagamitin namin TT^TT Sina manong at dale nasa sala naman natulog since nagkulang sa kwarto. Kinakawawa nila ang baby ko huhuhu.
"Matulog ka na alecx. Marami pang gagawin bukas." Yun lang ang sagot nya ng hindi man lang gumagalaw o dumidilat. Ang cold nito masyado >:(
"Ala kuya naman~ Promise pag nagbati kayo di ko na kukunin yung twilight cd's mo." Huhuhu for the sake of stephen ginave up ko ang twilight cd's huhuhu TT^TT Fishteak kang manong ka dapat ikaw ang umaamo sa kuya kong ito eh.
"Sigurado ka dyan?" Medyo dumilat si kuya nung sinabi nya yun. Sasangayon na ba talaga ako? Di pwedeng pag isipan muna? Kase naman ihhh! Di ko na mapapanood ang twilight my loves!
"P-pramis. Teksman." Pweh! Pang bata lang? Ano kulang pa ba ng pinky swear? XD Pero yung cd's Ajujju TT________TT
"Geh bukas ng agahan. Mag uusap kami. Kaming dalawa lang. Subukan mo lang makinig ng palihim ipinapangako ko na sasabihin ko na kina mommy." Sumigla naman ako sa sinabi nya at halos mapunit na ang pisngi ko sa nakaukit na ngiti sa aking labi.
"Yay! Kaya lab kita kuya eh! Geh Goodnight!" Sabi ko sabay halik sa pisngi ni kuya.
Masaya naman akong bumalik sa higaan ko. Bago pa man ako makatulog ay hindi parin mabura ang ngiti sa aking labi. Totoo ba talaga toh? Magbabati na ang kuya ko at ang boyfriend ko? Ahihihi! Success! HAhaha! Anthaya ko promith! :D
===========
Stephen Jason's POV
"One two three..." Hirap na hirap na ako dito ah -_-" Kung hindi lang kuya toh ni manang baka nasapak ko na toh
Flashback~
"Hoy lalake tumayo ka na dyan! Tanghali na!" Napadilat ako ng wala sa oras at kasabay nun ang pagbagsak ko sa hinihigaan kong sopa. Kaya naman ang ending? Ayun tumama ang gwapo kong mukha sa malamig na semento.
"A-ano po yun?" Tanong ko habang nagkukusot ng mata with matching hikab pa. Nyeta ala singko pa lang ng umaga pero kung makagising tong lalakeng toh daig pa ang ate kaye ko =_=
"Sumunod ka sakin. Dun tayo mag tuos sa bakuran." Yun lang ang huling sinabi nya bago sya lumabas. Huh? Anong trip ng kuya ni manang ngayon?
Tumayo na lang ako at niligpit ang hinigaan ko bago pa pumunta ng bakuran. At pagka labas ko sa bakuran naabutan ko lang ang kuya ni manang doon na naghihintay sa pagdating ko. Okey ano bang nanyayari? Medyo nawiweirduhan ako ngayon ah.
"Push up. Limampung beses. Ngayon na." Huh? 0.0 T-teka anong trip nito ngayon? Naka shabu lang? Anong push up?! Naaaning na ba sya ah?
"T-teka K-kuya--" Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita sya uli.
"Isang Daang Beses." Ala seryoso?! Nadagdagan pa?! Teka ano bang nanyayari ngayon ah?! 0,0
"K-kuya A-ano po---" Hutek di ako palaging pinapatapos sa mga sasabihin ko ah! Bastusan lang?
"Magsalita ka pa at madadagdagan ang pinapagawa ko sayo." Seryoso nyang sabi. Huta naman oh.
"P-pero kuya."
"Magsisimula ka na ba o dadagdagan ko pa?" Napatigil naman ako sa sinabi nya.
Wala na lang akong nagawa kundi mag push up ng labag sa puso ko at hanggang ngayon naguguluhan padin ako. Naka drugs ba tong lalakeng toh?
End of Flashback~
"Four Five Six Se--" Napatigil na lang ako sa pagpupush up ng may sumigaw.
"Kuya Trentot! Anong ginagawa mo kay stephen?!" Manang TT^TT Tulungan mo ko sa torture na toh huhuhu.
"Diba sabi ko wag kang mangengealam?" Yun na lang ang sinabi nung kuya ni manang at sinenyasan nya ko na magpatuloy na sa ginagawa ko.
"S-seven Eight Nin--" Huta palagi na lang akong di pinapatapos ah -.- Itong magkapatid na toh tch.
"Ano ka ba manong! Uto uto ka ba ha?! Tumayo ka nga dyan mukha kang tanga!" Ang sakit talaga magsalita nitong manang na toh -.-
"Hoy manang hindi ko toh ginagawa dahil inutusan ako ng kuya mo! Ginagawa ko toh dahil nakasanayan ko na! Mahirap kapag nawala ang abs ko!" Tch. Wala na akong nagawa kundi magpalusot.
"Magtigil ka nga dyan manong! Wala kang abs wag kang managinip ng gising kaya tumayo ka na dyan!" Sabi nya sabay hila sa braso ko pero tinigasan ko pa ang paghawak sa lupa para hindi nya ako mahila.
"Isa manang wag ka ngang makulit!"
"Ahh ayaw mo ah." Nagulat naman ako ng bitawan nya ang braso ko at biglaan syang sumakay sa likod ko.
"O-oy manang! Baba! Mabigat ka oy!" Sabi ko habang pilit na pinapababa sya. Tinignan ko naman ang kuya nya. Anong ginagawa? Ayun nakangiti lang habang pinapanood kami. Akala mo nanonood ng sine tch.
"Wow leader! Di mo sinabing maglalaro pala kayo ngayong umaga! HAhaha sali kami!" Nagulat naman ako sa nagsalita kaya lumingon ako sa likod ko at nakita ko silang lahat. Si Red, Si Rachelle, Si Dale,Si harvey,Si Gerald at yung pinsan ni manang. Huta mukha ba kaming naglalaro ha? -.- Akala ba nila ansaya ng ginagawa ko ngayon?! Torture kaya toh!
"Game! Baby boo sakay dali!" Nagulat naman ako ng mag push up din si red. At yung gf naman nya tuwang tuwa na sumakay sa likod nya. Tch buti pa sya nag eenjoy eh ako hindi -.- Labag toh sa kalooban ko noh!
"Oy Dragon!" Sigaw ni red kaya automatic na napalingon ako sa kanya. Ako ba yung dragon ha?! >:(
"Oyy Pula di ako dragon mag tigil ka dyan!"
"Hahaha! Game padamihan ng push ups habang nakasakay sa likod natin ang mga grlfriend natin! Ano kakasa ka ba ha?" Sabi nya habang nakangiti sya ng nang aasar.
"Geh!" Yun na lang ang sinabi ko at nag simula na kaming magpaligsahan.
"Hoy lalake!" Biglaang sigaw nung kuya ni manang kaya naman napalingon ako sa direksyon nya habang patuloy na nagpupush up.
"Ano po yon kuya?"
"Payag na ako sa relasyon nyo. Ingatan mo ang kapatid ko. Dahil once na paiyakin mo yan mangheheram ka ng mukha sa aso." Simple lang ang sinabi nya pero parang nanalo na ako ng lotto sa kasayahang biglaan kong nadama.
Sa wakas maayos na din ang lahat :D