Playlist

By GreatGatsby08

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. More

The One That Got Away
Huling Gabi
Walang Hanggan
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
Overboard
The Only Exception
Happier
Decode
Tequila
The Fault In Our Stars
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
Pansamantala
The Last Time
Isa Pang Araw
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Halaga
Pagtingin
If Tomorrow Never Comes
It's Sad To Belong

Starlight

1.1K 23 3
By GreatGatsby08

Journal Entry No. 365
New Year's Eve




Tahimik akong naglalakad sa boardwalk kanina habang hinihintay ang gaganaping countdown.





Bagong taon nanaman.






Nakamasid ako sa madilim na dagat kung saan nagrereflect yung mga ilaw ng mga nakapalibot na resorts doon. Para itong isang malaking itim na salamin. Pumikit ako saglit para damhin lalo yung hangin sa mukha ko habang nililipad din nun ang mahaba kong buhok.





Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Kung bakit naman kasi naisipan kong maglakad lakad pero hindi ang magdala ng jacket.





"Ang lamig no?"





Napalingon ako sa lalakeng nakatayo na pala sa tabi ko. Nakasuot ito ng faded jeans at white shirt lang. Maayos na nakatali ang mejo mahaba nitong buhok at may dala dalang gitara.



He was smiling at me. Yung ngiti na hindi mo din maiiwasang mapangiti.





Tanging tango lang ang naisagot ko sakaniya. Umayos siya ng harap saakin.





"Vice nga pala."




Pakilala niya sabay lahad ng kamay niya.





"Jackie."





Pakilala ko bago siya kinamayan. Tumango siya bago ngumiti.





"New year's eve pero heto ka naglalakad mag-isa dito?"





Sabi niya bago bitawan ang kamay ko. Napalinga linga naman ako sa paligid. Nasa madilim na part na pala ako ng boarwalk ng hindi ko manlang namalayan. Nagkibit balikan ako bago sumagot.






"Ikaw din naman ah."






Biro ko na nagpatawa lang sakaniya ng kaunti. Sumenyas siya sa isang wooden bench na andun bago nag patiunang umupo. Tumabi naman ako sakaniya pero naglagay ng space sa pagitan namin.






"Wala naman. Gusto ko sana magpractice ng song. Alam mo naman pag family gathering, di maiiwasan na kulitin kang kumanta o sumayaw."






Sabi niya sabay tapik sa hawak na gitara. Natawa ako dahil tama siya.






"Parinig naman ako. Tapos sasabihin ko sayo kung papasa na ba o hindi pa."





Biro ko sakaniya. Napakamot siya ng kaunti sa batok niya bago tila nahihiyang tumingin saakin at ngumiti.







Napasinghap ako ng kaunti.





Bakit ang cute nun sa paningin ko.





Pinigilan kong mapangiti din at sinenyasan nalang siya na tumugtog na. Bumuntong hininga siya saglit bago nagsalita.






"Sige, pero pinapauna ko na ha. Hindi ako magaling."








Natatawang sabi niya. Tumango lang ako habang hindi inaalis ang tingin ko sakaniya. Tumikhim siya saglit bago nagsimulang tumipa sa gitara.








You don't know, babe
When you hold me
And kiss me slowly
It's the sweetest thing
And it don't change
If I had it my way
You would know that you are






Napamaang ako nung magsimula siyang kumanta.






Parang mas lalong lumamig ang paligid sa lamig na dala ng boses niya. Nag cross legs ako at nangalumbaba habang pinapanood siyang tumutugtog at kumakanta.







You're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine in the rain when it's pouring
Won't you give yourself to me
Give it all, oh







Tumingin siya sa mga mata ko habang kumakanta. For a brief moment parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Parang umiikot lang sa kanta niya yung buong mundo ko.







Napakurap kurap ako na tila ginigising ang sarili ko sa katotohanan.






Katotohanan na bukod sa pangalan ay wala na akong ibang alam tungkol sa lalakeng nasa harapan ko.







Ngumiti siya kasunod ng pagkanta sa chorus ng awiting tinutugtog niya.









I just wanna see
I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
If life is a movie
Oh you're the best part, oh oh oh
You're the best part, oh oh oh
Best part..







"Hanggang dun palang ang napractice ko eh."







Mejo nahihiya pa atang sabi niya. Tumitig ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung nagpapacute lang ba siya or what pero napangiti ako.







"Hindi daw magaling. Sa lagay na yun!"







Biro ko sakaniya na nagpaluwang ng ngiti sa mukha niya. Bahagya itong napailing-iling kasunod ng pamumula ng mukha.







"Hindi naman kasi talaga ako kumakanta sa harap ng ibang tao. Pang kuwarto lang 'to eh. Tsaka reunion ng pamilya."







Natatawa niyang sabi bago nabaling ang paningin sa isang malaking yacht na naka-dock malapit saamin. Sinundan ko ng tingin ang tinititgnan niya at nakita ko na mula dito sa kinaroroonan namin ay kitang kita yung mga tao na nasa loob ng yacht.






"Ang formal naman nila. Mukhang mayayaman lahat."







Di ko naiwasang maikumento habang pinapanood ang mga guest na lulan ng sasakyang yun habang nagkukwentuhan ang mga ito at may hawak na champagne flute aa mga kamay.







Napatingin saakin si Vice kasunod ng pagsilip ng isang pilyong ngiti sa mga labi niya.







"Eh kung...?"







Sabi niya saakin sabay senyas sa yacht. Nanlaki naman ang mga mata ko nung maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.







"Huy! Wag na no. Nakakahiya. Nakakahiya talaga."







Paulit ulit kong sabi na nagpahalakhak lang naman sa kasama ko. Maya maya ay tahimik niya akong tinignan bago nagsalita.







"Kasama kasi yun sa bucket list ko eh. Halika na dali para ma cross out ko na siya. Akong bahala sayo!"








Natatawang sabi niya bago tumayo at inilahad ang kamay niya sa aakin. Tinignan ko lang yun. Unable to move. Tinignan ko siya sa mga mata niya.








"C'mon! Let's just live a little while we still can!"







Pagkumbinse niya saakin. I took a deep breath bago ko kinuha ang kamay niya at tumayo.









Nagtatawanan kami habang hawak kamay na patakbong tinatahak ang daan papunta sa naka-dock na yacht. Tila kabisadong kabisado niya yung pasikot-sikot ng lugar.







"Sir, sorry po. RSVP po kasi tapos--"







Harang saamin ng security na nakatayo sa harapan ng entrance. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa kaya naman napatingin din ako sa suot namin.








Tinignan ako ni Vice at palihim na kumindat saakin bago seryosong tumingin sa guard na nasa harapan namin.








"Boss, baka pwede naman na kahit saglit lang. Maawa ka saakin, gusto ko lang talaga maexperience yung ganiyan oh, bago manlang--"






Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil umiiyak na siya. Napakurap kurap lang ako sa ginawa niya pero sinakyan ko nalang din. Hinaplos ko yung likod niya bago tumingin din sa guard na tila walang bahid ng pagkatinag sa sinabi ni Vice.








"Mahirap man pong tanggapin pero may taning na kasi ang buhay nitong boyfriend ko. Isang buwan nalang po, Sir. Please naman po."




Maluha-luhang sabi ko habang titig na titig sa guard at nagdadasal na sana ay wag niyang mahalata na nagdadrama lang kami. Nilingon ko si Vice na nagpupunas pa ng luha sa mga mata niya.







Hindi kumibo yung guard.







"Hayaan mo na love, okay lang. Halika na baka hindi talaga pwede. Haaaay. Baka sa susunod na buhay ko na lang."







Malungkot na sabi ni Vice saakin bago akmang tatalikod na.







"Saglit! Sige na nga. Kunsensya ko pa. Pero wag kayong papasok sa mismong party area ha. Sa deck lang kayo."









Maya maya ay sabi nung guard. Palihim akong nginitian ni Vice na may kasunod pang kindat bago masayang humarap sa guard.







Matapos naming magpasalamat ay agad kaming umakyat sa deck.






"Halika may champagne dun!"








Hila saakin ni Vice papunta sa isang bucket ng champagne na nasa ibabaw ng table sa bandang harapan ng lugar kung saan ginaganap ang party.






"Huy!! Wag. Nakakahiya. Tsaka sabi ni Kuya--"






"Wala naman siya! Halika na. Loosen up!"







Nakangiting sabi ni Vice habang hila hila pa din ang kamay ko. Ewan ko ba kung anong meron sa lalaking to at para akong puppet na sunod-sunuran lang sakaniya.







Nagpatangay ako at ilang minuto pa ay naubos na namin yung isnag bote ng champagne na wala manlang nakakapansin saamin.







"Oh di ba!? Sabi ko naman sayo eh!"







Halos pasigaw na sabi niya saakin dahil natatabunan ng malakas na music yung boses niya. Natawa lang ako habang pinapanood ang mga sumasayaw na guest sa gitna.










Tinamaan yata agad ako sa ininom namin dahil ako naman ang nagkaroon ng lakas ng loob na hilain siya.








"Sayaw tayo! Dali!"







Hila ko sa kamay niya pero nanatili lang siyang nakatayo habang seryosong nakatingin saakin. Napasmirk ako sakaniya.







"Don't tell me ngayon ka pa kinabahan!? Halika na. Loosen up!"







Pagbalik ko sakaniya ng sinabi niya saakin kanina. Napailing ito at napangiti.





That smile.






Saglit akong natulala sa ngiting yun.






"Hindi ako sumasayaw."










Mejo nahihiyang sabi niya saakin na may kasabay pang kamot sa batok. Natawa ako ng malakas bago ko siya ulit hinila.







"Halika na! Sabay ka lang. Dali na!"








Sabi ko. Nagpatangay naman siya saakin at ilang saglit lang ay nasa gitna na kami ng dance floor at nakikipag siksikan sa mga sumasayaw. Nangingibabaw kami sa lahat dahil sa mga suot namin pero wala namang sumisita.

Nung una ay mejo conscious pa si Vice sa mga galaw niya at halatang hindi talaga ito sanay sa ganung scene pero after ilang songs pa ay nakikipag sabayan na siya sa mga sumasayaw.








"Hoooooo! Hands up everyone!!"






Sigaw niya na nangibabaw sa malakas na music. Tila lasing na din yung mga nasa dance floor dahil sabay sabay silang sumunod sakaniya kasunod ng hiyawan.






"Now jump! Jump! Jump!"






Dagdag pa niya na nagpatawa nalang saakin. Nakipag sabayan nalang ako sa mga andun at nakitalon na din habang ang iba ay sinasabayan din ang kanta.






"You two!! Get out!!"






Natahimik ang lahat at sabay sabay na napatingin sa isang lalaki na namumula pa sa galit habang nakaturo kay Vice.

Napatingin saamin lahat kaya bigla akong nilamon ng hiya pero si Vice?

Prente lang itong nakangiti bago nagsalita.

"We're just trying to have fun, Eman."

Sabi niya. Nagulat naman ako na kakilala niya pala yung masungit na lalaking nakapamewang sa harap namin. Naningkit naman ang mga mata ng lalakeng tinawag niyang Eman bago huminga ng malalim at ngumiti sa mga guest.

"Sorry for my brother's inappropriate behaviour. Please continue enjoying the party."

Sabi niya na nagging cue ng pag alis ng mga guest sa dance floor para pumunta sa kaniya kaniya nilang table. Naiwan kami ni Vice sa gitna. Hinila ko yung dulo ng suot niyang shirt kaya napatingin siya saakin.

"Relax. Akong bahala."

Bulong niya sabay kindat tapos tingin sa papalapit na si Eman. Seryoso itong nakatingin kay Vice bago niya ako sinulyapan.

"How dare you?"

Gigil pero mahinang sabi ni Eman kay Vice sabay hila sa braso nito. Dinala nito si Vice hanggang sa may deck at tahimik lang akong sumunod sakanila while keeping a safe distance.

"Akala ko invited ako. Pinadalhan mo pa ako ng invite remember? Yung kulay velvet blue na halatang mamahalin."

Narinig kong sabi ni Vice. Puno ng sarcasm ang boses nito na mukhang hindi ikinatuwa ni Eman. Napakuyumos ito ng kamao bago nagsalita.

"Yes. I did. Pero nakalagay naman dun yung dress code. Mukhang di mo nabasa. Stop ruining everything."

Sabi nito kay Vice bago napasulyap saakin tapos balik kay Vice.

Napayuko naman ako dahil baka sabihin nito na nakikinig ako sa usapan nila.





May binulong ito kay Vice bago gigil na naglakad papalayo. Saglit na nakatingin lang si Vice sa kawalan bago ito lumingon saakin at ngumiti na parang walang nangyari.

Hindi ko alam kung bakit parang may kumurot sa puso ko dahil sa ngiting yun.

Siguro dahil nakita ko yung sakit sa mga mata niya kahit pilit niyang pinagtatakpan iyon ng ngiti?

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kinatatayuan niya.


"Tara na nga. Almost 12 na pala, baka hinahanap ka na ng family mo."

Gusto ko sana siyang yakapin para gumaan ang pakiramdam niya pero bigla akong nag-alangan.

Baka kasi hindi niya naman kailangan or baka kung ano pa isipin niya saakin. Simpleng tango nalang ang sinagot ko sakaniya.















Tahimik kaming naglalakad sa boardwalk.

"Thank you."

Sabi ko without looking at him. Naramdaman kong napalingon siya saakin.

"For the experience. Ang saya lang."

Explain ko sakaniya sabay tingin sa mga mata niya. He smiled and that smile gave me warmth kahit malamig ang paligid.

"Live your life everyday. Kasi yun lang ang sigurado, yung lang ang meron ka."

Makahulugan niyang sabi saakin habang mapungkot na nakatingin sa mga mata ko. Nagtataka man ay tumango nalang ako.

"Take chances, risks. Just live. You'll never know what will happen tomorrow."

Sabi niya sabay kurot ng bahagya sa dulo ng baba ko. Mejo natawa ako sa ginawa niya.

"Kung magsalita ka naman jan. Pero yes po, sensei."

Biro ko sabay bow ng kaunti. Natawa naman siya bago niya bahagyang ginulo ang buhok ko tapos umakbay saakin. Hindi ko alam kung bakit iniyakap ko sa bewang niya yung kamay ko.

It felt right.

Comfortable even.

Yet it scares me.

Inalis ko yung kamay ko na nakayakap sa bewang niya bago dahan dahang lumayo.

"Uhm. Thanks ulit ha? Dito na ako."

Sabi ko bago tumalikod. Hindi ko na siya ulit nilingon pa at hindi na din niya ako tinawag pa.

Ito nanaman ako. Natatakot pag masyadong maganda yung nangyayari sa buhay ko.

Kaya tumatakbo.

Umiiwas.

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon si Vice. He was about to walk away habang hawak pa din niya yung gitara niya.

Para siyang black hole. I am drawn to him and whatever I do, parang pilit niya akong hinihila papalapit sakaniya. Unconsciously, naglakad ako papalapit sakaniya. Habang siya naglalakad naman papalayo saakin.

"Vice!!"

Tawag ko. Lumingon siya at huminto sa paglalakad habang nakapamulsa at nakangiti saakin.

Napangiti din ako.

That was our first and last night.

End.

Starlight
by Taylor Swift

-----------

Song number 1

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 102K 40
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
2.8K 103 30
Kung nasaktan ka ng taong mahal mo at iniwan ka sa oras na pinaka-kailangan mo siya handa ka bang patawarin siya? Para sa kapakanan at ikakaligaya ng...
16.1K 624 32
vicejack short chat story .
1.8M 115K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...