Decrescendo

By RedLonelyRanger

37 1 0

More

Decrescendo

37 1 0
By RedLonelyRanger

Decrescendo

a/n: This work is the manuscript I made for Nihongo Radio's corner (horror stories) but it was rejected. So pinublish ko nalang dito. Please rate huhubells :D

PS: If you get rejected... Search J.K. Rowling on Google then be motivated. Never STOP. NEVER. And for more effects, listen to TChaikovsky's Swan Lake. Ito yung piano na pinapatugtog :D

NegativeRed_chan

--

Paulo: Ate Kristy! Ate Kristy! Nandito na tayo! Uuuuuuy nandito na tayo!

Kristy: Ugggh ha? Ano?

Mama: Eh Kristy bangon na diyan! Nandito na tayo!

Kristy: Ma naman. Ang sarap sarap pa po ng tulog ko eh.

Mama: Ah eh bangon na! Bangon na! Wala na tayong oras na dapat sayangin.

Paulo: HEHE! Ate! Ate! Tara tingnan natin ang mga kwarto!

Kristy: Ayoko. Maglalaro nalang ako.

Paulo: Eh di dun tayo sa loob.

Mama: Hoy Kristy, bumabawa ka na diyan. Tara na.

Kristy: Ah… bakit kasi kailangan pang pumunta dito Ma?

Mama: Kapag kasi nasa siyudad tayo eh wala kang ibang inatupag kundi mag-arcade, mag-inernet at kung ano pa! Aba Kristy! Hindi kita pinag-aaral para maglakwatsa!

Kristy: Mama naman! Kakagising ko lang eh pinapagalitan mo nanaman ako.

Mama: Eh kung hindi mo lang kasi—

Kristy: Oo na po oo na po! Ma naman. Sige na po. Bababa na po.  (nagpaslak ng earphone sa tenga)

Mang Ruben: Welcome dito quija!

Kristy: Ah? Po?

Mang Ruben:  Welcome kako sa bayan.

Kristy: Ha ah eh. Opo. Mang Ruben. Salamat.

Mang Ruben: Pag may kailangan ka, lumapit ka lang ha?

Kristy: Ah eh.. Opo.

Anika: KRISTY!

Kristy: ANIKA! IKAW NGA!

Anika: Nako pinsan! Buti naman at napasyal ka dito!

Mama: Eh pano ba naman kasi Anika, yang pinsan mo, puro lakwatsa nalang ang inaatupag. Kaya sinama ko na dito sa probinsya para naman makalanghap ng hangin yung utak niya.

Kristy: Ma?!

Anika: Ehehe ganun ba yun Kristy? Diba graduating ka na?

Kristy: Ah eh oo.

Anika: Matanda ka na talaga ahahaha

Kristy: Tss nagsalita ang bente tres na. Bente uno palang naman ako eh.

Anika: Pasok na tayo sa loob!

Kristy: Sige teka kukunin ko lang ang PSP ko sa bag.

Anika: Kung kunin mo nalang kaya ang buong bag mo? Ha? Ang ano talaga.

Kristy: Okay.

Anika: Mauna na ako sa loob ha?

Kristy: Sige. Saglit..

Kristy: Nasan na ba.. yung. (may narinig na kakaibang tunog) Ha? Ano yun? Ah hangin lang siguro. Haaay iba na talaga sa probinsya.

Yva: ATE!

Kristy: Ah!

Yva: Hihi

Kristy: Sino ka?

Yva:  Yva po! Anak ni tatay Ruben, kapatid po ako ni ate Anika.

Kristy: Ah ganun ba? Hello Yva.

Yva: Hehe... Teka ate! Ako nalang magdadala ng gamit mo!

Kristy: Ha?

Yva: Akin na po. (kinuha saka tumakbo papunta ng bahay.)

Kristy: Ah teka! Yung PSP ko!

(Naglakad siya papunta ng bahay ng may narinig siyang tunog ng piano sa kabilang bahay)

Kristy: Piano? Sa lugar na to?

(pinuntahan niya iyon at mas lumakas pa ang tunog ng piano habang siya papalapit. Tumingin siya sa paligid ng bahay.)

Kristy: Ahhh.. Bakit kaya may lubid na nakabitay dun sa puno?

(Dahan-dahang nagtapos ang pagtugtog ng piano. Limang segundong napatahimik si Kristy…)

Yva: MALI KA PO NG BAHAY!

Kristy: HA! Yva! i..ikaw pala..

Yva: Teehee~ ate Kristy nandun po yung bahay niyo oh sa kabila po. Hindi po dito.

Kristy: Ah eh oo nga. Doon nga ang bahay tama.

Yva: Tsaka wala rin naman pong nakatira dito eh. Ba’t po ba kayo pumunta dito?

Kristy: Ha? Walang nakatira? Pero…

Anika: KRISTY! Halika rito! May papakita ako sayo!

Yva:  Nako! Tara na daw po!

(tumakbo sila papunta ng bahay)

Kristy: Ano ba yan?

Anika: Si Johnny Depp oh nasa TV!

Kristy: Tinawag mo ako para diyan?

Anika: AHAHAHAHA oo naman! Tatawagin talaga kita nuh?

Kristy: Hindi ka parin nagbabago. Hibang na hibang ka parin sa wirdong actor na yan.

Anika: Hindi siya wirdo nuh? Tah!

Kristy: Ewan. Pero weird talaga siya. Ewan ko ba sa mga taste mo Anika.

Anika: Eh bakit ikaw? Ano bang taste mo?

Kristy: Yung mga mala Sebastian ang muka siyempre

Anika: Eh sino ba yan?

Kristy: Yung bida sa anime na Black Butler!

Anika: Anime?

Kristy: Oo! Anime.

Anika: Nako! Mas malala ka pala.

Kristy: Hindi ah? At least yun hindi weird nuh

Mama: Nako kayong dalawa eh tigilan niyo na yan at kakain na tayo ng hapunan!

Paulo: Yaaaaay kainan na!

(Nagsipagkainan na ang lahat)

Kristy: Itadakimaaasu!

Anika: Ano raw? Itaktak ang mask?

Kristy: Baliw! Sabi ko kain na tayo!

Anika: Ah eh malay ko po. Pasensya.

Mama: Nga pala Kristy, bukas mamasyal tayo sa lugar. Wag kang pumunta sa kung saan saan ha? Baka mawala ka’t maligaw.

Paulo: Nako Mama—herndi per maliligaw yan!

Anika: Bakit?

Paulo: Eh hindi naman lumalabas ng bahay yan eh maliban nalang kung may internet shop o arcade o mall dito. Eh lalabas talaga yan!

Kristy: Tumahimik ka nga Paulo.

Yva: Pero maganda naman ang lugar na ito. Maraming tanawin.

Kristy: Dito nalang ako sa bahay. Maglalaro nalang po ako.

Anika: Kaya siguro apat ang mata mo nuh?

Kristy: Ewan ko sayo Anika.

(Nagtawanan ang lahat. Pagkatapos kumain ng lahat ay naghanda na sila para matulog.)

Mama: Oh Kristy, matulog ka ng maaga ha?

Kristy: Mama naman. Parang ang bata bata ko pa. lagpas bente na ako Ma.

Mama: OO nga! Lagpas bente ka na pero hanggang ngayon di ka pa graduate.

Kristy: Oo na. Ako na ang failure.

Mama: Anak… gusto ko lang namang…

Kristy: Goodnight po.

Mama: Haaay sige goodnight.

(Natulog na si Kristy at hating gabi na iyon ng marinig niya ulit ang tunog na piano)

Kristy: Teka.. Anong oras na ba? Teka,  alos dose palang ah? Ang aga-aga naman nilang magpatugtog.

(Hindi nalamang niya ito pinansin at napag-isipan niyang bumalik nalang sa pagkakatulog ng bigla siyang nakarinig ng tunog ng telepono)

Kristy: Huh? Telepono? Teka.. Hindi naman iyon akin. At tunog lumang telepono naman iyon. Sandal nga’t titingnan ko sa labas. Teka ditto nalang kaya sa bintana?

(nang binuksan niya ito ay may nakita siyang lalaki sa kabilang bahay)

Kristy: Huh? May tao dun? Akala ko ba…

Babae: WALA KA KASING KWENTA!

Lalaki: AKO? WALANG KWENTA?! GINAWA KO NAMAN ANG LAHAT! PERO NANLALAKI KA PARIN HA?! HA?!

Kristy: Huh? Anong nangyayare?

Babae: Aray ko! NASASAKTAN AKO! AAAAAAAGH!

Lalaki: NASASAKTAN KA? HA?! DI SANA PINAG-ISIPAN MO MUNA NG MABUTI ANG LAHAT BAGO KA NANGLALAKE!

Babae: HINDI AKO.. MA.. MAKAHING.. AAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGGGGGGGGGH!!!!!

Lalaki: HINDI KAYO MAGSASAMA! HINDI! HINDEEEEEE!

 

(Sunod-sunod na malalakas na kalabog ang narinig ni Kristy. Kaya naman, dali-dali siyang bumaba at pumunta sa kabilang bahay)

Babae: TAMA NA! TA.. TAMA NA!

Lalaki: MAMATAY KA NGAYON! SUNOD ANG LALAKI MO!

Babae: TULONG! TU..TULONG!!!!!

Kristy: TAO PO! TAO PO! BUKSAN NIYO TO! TAO P--

(kinalabog niya ang pinto at bigla naman itong bumukas)

Kristy: (hinihingal) Ta..tao.. (kalabog ng mga paa) ah.. Tao po.. (umakyat ng hagdan) May.. May tao po ba.. (tumunog ang telepono) HA! (sinagot ang telepono)

Kristy: He..Hello?

Lalaki: Susunod ka na.

(Nababa niya ang telepono. At narinig niyang may kalabog ng mga paa na papalakas ng papalakas. Napalingon siya sa likod)

Babae: TULUNGAN MO AKO! TULUNGAN MO AKO!

Kristy: Aaaaaaah! Ah ah… Ayos.. Ayo slang po ba kayo? (kalabog ng mga paa)

Babae: Andyan na siya! Tulungan mo ako nandyan na siya!

Kristy: Ha sino.. Sino..

(biglang may lalaking may hawak na gunting saka pinagsasaksak ang babae)

Kristy: Ah! Aaaaaaaah!

Babae: Tak..bo

 

(tumakbo naman kaagad si Kristy pababa ng hagdan at biglang nagsara ang pinto. Hindi niya ito mabuksan kahit anong pilit niya. Narinig naman kaagad niya ang tunog ng piano)

Kristy: Ha? Ano yun? (bigla itong tumigil) (nakarinig siya ng tunog ng gunting) agggggggggggggggggh!!

(Sabi nila may istorya daw ito. Dalawampung taon na rin ang nakakalipas. Magte-trenta na si Owen nang siya ay mag-asawa. Isang taga-bayan na si Denise. Pianista si Owen. At wala siyang trabahong maayos na makakabuhay sa pamilya nito. Nakuha niya ang puso ng dalaga dahil sa musika nito. Ngunit biglang nagbago ang lahat. Naging supistikado at hindi nakuntento. Kaya naman pinilit niya ng pinilit si Owen. At dahil mahal na mahal siya nito, ay sinusunod niya ang lahat ng gusto nito. Hanggang sa isang araw, umuwi ng may kasamang lalaki si Denise)

Denise: Ahahaha! Nag-enjoy talaga ako

Lalaki: Hahaha talaga?

Denise: Oo naman!

Lalaki: Tatawagan nalang kita mamaya.

Denise: Sige.Sige.

 

(Nandilim ang paningin ni Owen nun.)

Owen: Bakit Denise?

Denise: Sasama na ako kay Garry.

Owen: Sasama? Mag-asawa tayo!

Denise: WALA KA KASING KWENTA!

Owen: AKO? WALANG KWENTA?! GINAWA KO NAMAN ANG LAHAT! PERO NANLALAKI KA PARIN HA?! HA?!

Denise: Aray ko! NASASAKTAN AKO! AAAAAAAGH!

Owen: NASASAKTAN KA? HA?! DI SANA PINAG-ISIPAN MO MUNA NG MABUTI ANG LAHAT BAGO KA NAMBABAE!

Denise: HINDI AKO.. MA.. MAKAHING.. AAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGGGGGGGGGH!!!!!

Owen: HINDI KAYO MAGSASAMA! HINDI! HINDEEEEEE!

(Napatawag si Garry. Tumunog ang telepono at dali-daling gumapang papalit si Denise,  nabagsak man ito at nasagot parin, dahilan upang marinig ito ni Garry.)

Babae: TAMA NA! TA.. TAMA NA!

Lalaki: MAMATAY KA NGAYON! SUNOD ANG LALAKI MO!

Babae: TULONG! TU..TULONG!!!!!

 

(Dali-dali raw na pumunta yung si Garry para iligtas si Denise. Kumatok siya ng kumatok at at bigla nalang namang nagbukas ang pinto. Pumasok siya roon at umakyat ng hagdan. Sunod-sunod na kalabog ang narinig niya. Nang-bigla nalang tumunog ang telepono)

Garry: He..Hello?

Owen: Susunod ka na.

Denise: TULUNGAN MO AKO! TULUNGAN MO AKO!

Garry: Na.. Napano ka? Tara umalis na tayo ditto!

Denise: Andyan na siya! Tulungan mo ako nandyan na siya!

Kristy: Tara halika!

(Tutulungan na raw sana niya si Denise. Pero biglang may lalaking may hawak na gunting saka pinagsasaksak ang babae)

Garry: De.. DENISE!

Babae: Tak..bo

(Nagmamadaling tumakbo si Garry. Pero nung bumaba siya, nakalock na yung pinto. Tahimik na ang lahat ng biglang may tumunog na piano. Lumingon-lingon siya para hanapin si Owen nang biglang tumigil ang pagtutugtog. Hanggang sa nangyari nga yun. Namatay naman daw si Owen dahil sa hindi nito pagkain at pag-inom ng tubig. Matagal na ang istoryang ito. At hanggang ngayon, inaakit parin ni Owen ang mga tao sa tugtog nito. At ang sumpa… ay iikot lang ng iikot. Isang malungkot at galit na kaluluwa… na kahit kalian… Hindi matatahimik…)

By: Red-chan J

Continue Reading

You'll Also Like

659K 47K 71
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...