Endless Reality (SERIES 2) [...

By PecheaL

257K 7.7K 817

[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone... More

Authors Note:
Prologue
Endless~[01]
Endless~[02]
Endless~[03]
Endless~[04]
Endless~[05]
Endless~[06]
Endless~[07]
Endless~[08]
Endless~[09]
Endless~[10]
Endless~[11]
Endless~[12]
Endless~[13]
Endless~[14]
Endless~[15]
Endless~[16]
Endless~[17]
Endless~[18]
Endless~[19]
Endless~[20]
Endless~[21]
Endless~[22]
Endless~[23]
Endless~[24]
Endless~[25]
Endless~[26]
Endless~[27]
Endless~[28]
Endless~[29]
Endless~[30]
Endless~[31]
Endless~[32]
Endless~[33]
Endless~[34]
Endless~[35]
Endless~[36]
Endless~[37]
Endless~[38]
Endless~[39]
Endless~[40]
Endless~[41]
Endless~[43]
Endless~[44]
Endless~[45]
Endless~[46]
Endless~[47]
Endless~[48]
Endless~[49]
Endless~[50]
Endless~[51]
Endless~[52]
Endless~[53]
Endless~[54]
Endless~[55]
Endless~[56]
Endless~[57]
Endless~[58]
Endless~[59]
Endless~[60]
WAKAS?
OUR ENDLESS HAPPY ENDING
OUR FOREVER REALITY ENDING
EPILOGUE
Authors Note: [MUST READ]
Series 3

Endless~[42]

3.3K 124 1
By PecheaL


◇THE WHOLE TRUTH◇

Hazelle's POV

Kasama ko ngayon si Kuya Ethan at Kuya Evan. Papunta kami ngayon sa presinto para harapin at maayos na kausapin si Tito Philip. Gusto marinig ng mga kapatid ko mula sa bibig nya ang lahat ng katotohanan.

Pagbaba namin ng sasakyan ay pareho ko hinawakan ang kamay ng dalawa kong kapatid. Tinignan nila ako pareho at sumilay sa bibig ko ang simpleng ngiti. Ang ngiti na nagpapakita na kahit anong mangyari, mananatili ko parin silang mga nakakatanda kong kapatid. Ang mga kuya ko na ginabayan ako mula ng pagkabata ko, hanggang ngayon.

Naglakad na kami papasok ng pulisya at agad kami hinarap ng heneral ng buong pulisya na isa sa matalik na kaibigan ni Tito Peter. Sya din ang tumulong sa pagligtas sakin sa kamay ni Tito Philip.

"Naghihintay na sya sa inyo sa loob. Wag kayong mag alala, sisiguraduhin namin na hinding hindi na nya kayo magugulo pa" paninigurado samin ng heneral kaya ngumiti kaming tatlo sakanya at agad nagpasalamat.

"Maraming salamat po General" sagot ko. Sumilay din ang simpleng ngiti sa labi nya at ginabayan na kami sa pagpasok sa isang kwarto kung saan namin haharapin si Tito Philip.

Pagpasok namin ay namuo agad muli ang kaba sa dibdib ko ng makita ko ang nakakatakot nyang mukha at naramdaman ko mula sa balat ko ang madilim nyang aura na nakapag patayo ng mga balahibo ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sakin ng dalawa kong kuya kaya tinignan ko sila at binigyang senyas na kaya ko syang harapin.

Umupo na kami sa tapat nyang lamesa. Nakatungo ang ulo nya samin, para bang nahihiya syang harapin kami.

"Iangat mo ang ulo mo, kung ayaw mong ako pa mismo ang mag angat nyan. Pero baka imbis na maiangat ko yan, baka makapugot pa ko ng ulo ng hindi oras" banta sakanya ni Kuya Ethan.

Sinunod naman ni Philip ang utos sakanya ni Kuya Ethan at dahan dahang inangat ang ulo nya samin.

"Hindi na siguro namin kailangan magtanong dahil alam mo naman na ang lahat ng imbentong kwento na ginawa mo samin diba? Kaya hanggat napipigil ko pa ang galit ko sayo, magsalita ka ng maayos para kaagad na kami makaalis dito" sabi ni Kuya Evan.

Namuo nanaman ang kaba sa dibdib ko ng marinig namin sa buong kwarto ang nakakakilabot nyang halakhak.

Nagulat ako ng kaagad nyang higitin ang kwelyo ko dahilan para masakal ang leeg ko.

"Makakalabas ako dito, sinusumpa ko yan sa inyo! Sa oras na makalabas ako dito, sisiguraduhin ko na ikaw na ang mamamatay!" Agad nyang sigaw sakin.

Napabitaw naman sya agad sa pagkakasakal sa leeg ko ng malakas syang sinuntok ni Kuya Evan at agad naman ako inalalayan ni Kuya Ethan.

Agad silang pinigilan ng mga pulis at muling pina upo si Philip sa upuan.

"Ba't ayaw nyo pa lumayas sa harap ko? Gusto nyo ba talagang patayin ko ang kapatid nyo sa harap nyo pa mismo!?" Banta ni Philip pero hindi kami nagpa apekto sa banta nya at muli kaming umupo sa harap nya.

"Ikaw ang pumatay sa Tatay namin, tama ako diba?" Seryosong tanong sakanya ni Kuya Evan at nakita namin na agad namilog ang mga mata nya.

"Ano namang ebidensya mo para patunayan na ako ang pumatay sakanya?" Agad na tanong ni Philip.

"Pinasok ng mga pulis ang bahay mo, sa loob ng kwarto mo, nakita namin ang isang baril. Baril na ginamit mo para patayin ang tatay namin. Nung gabing natagpuan ang katawan ng tatay naming si Alejandro sa isang abandonadong lugar, sampung tama ng baril ang natamo nya, at kalat sa iba't ibang bahagi ng lugar kung saan sya natagpuan ang bala na tumama sakanya. Nakumpirma ng mga pulis na ang bala na nakita nila na ginamit sa pagpatay sa tatay namin, ay kapareha ng bala na nakalagay sa baril mo. Ngayon ipaliwanag mo samin ngayon, Philip Hondeval, paano mo nagawang patayin ang sarili mong kadugo? Anong rason mo para patayin ang ama namin?" Tanong sakanya ni Kuya Ethan.

Muli nanaman namin narinig ang halakhak nya at nakita namin ang pag- igting ng bagang nya.

"Yan lang ang nalaman nyo? Para sabihin ko sa inyo, isa lang sya sa iba pang tao na pinatay ko para makuha ang gusto ko. Alam kong demonyo ako, kaya kahit ikulong nyo ko habang buhay dito, makakalabas parin ako at patuloy akong maghahasik ng lagim at pagbabayarin ko ang mga taong sumubok akong kalabanin, kasama na kayo don" aniya.

"Sa tingin mo, yun lang talaga ang nalaman namin? Bahay mo ang pinasok namin, sigurado ka bang, tinago mo ng mabuti ang kaitiman ng budhi mo?" Sagot ni Kuya Evan.

Biglang nagbukas ang pinto mula sa likod namin at bumungad samin ang buong RV5 at ang tatlo na myembro ng BX5. Kasama rin nila si Franzei at Elyzza.

"Buong akala namin, si Felix lang ang may tanim ng galit sa amin. Pero may satanas palang nag uutos sakanya na puno ng sakim at kabaliwan sa pera ang meron sa katawan" sabi ni Levi at nilapag sa harap ng lamesa ang isang envelope.

Pagkalapag nya ng envelope ay agad nyang sinuntok ang pagmumukha ni Philip dahilan para mapatumba ito sa upuan. Agad syang pinigilan ng mga pulis.

"Hindi totoong gusto lang akong gantihan ni Handrix kaya nyo pinadukot si Elyzza. Ganoon ka na ba talaga ka baliw sa pera at kapangyarihan? Sinadya mo ipadukot ang mag ina ko para takutin ang mga magulang nya na kapag hindi sila nagbigay ng limampung milyon, papatayin mo ang anak nila. Wala ng papalag sa kademonyohan mo Hondeval, sinisiguro namin sayo, hanggang kamatayan ka na mabubulok dito sa kulungan at maaagnas ka sa impyerno na dapat mong kalagyan" sabi ni Levi.

"Nasa loob ng envelope na yan ang lahat ng kademonyohang ginawa mo samin. Magaling ka gumawa ng plano Hondeval, pero b*bo ka magtago. Sa dami ng kasalanang ginawa mo, wala ka ng ibang babagsakan kundi impyerno. Hindi kami umaasa na magbabago ka sa habang buhay mong pagkakakulong sa bilangguan, pero ito nalang ang paraan namin para mahinto nanamin ang kasamaan mo laban samin. Hindi namin hahayaan na may mabiktima ka pang iba at masira mo ang buhay ng ibang tao dahil sa ilegal mong negosyo. Nahuli narin ng mga pulis ang lahat ng tauhan mo, kasama ang isang tao na pinaka pinagkakatiwalaan mo. Kaya wala ka ng magagawa Hondeval, tanggapin mo ang pagkatalo mo sa laban na sinimulan mo" sabi naman ni Franzei.

"Inaamin namin, naging myembro kami ng kademonyohan nyo. Pero ni minsan, hindi kami pumatay ng tao na katulad mo. Sumanib kami sa grupo nyo dahil sa paniniwalang isang matalino at matinong marangyang lalaki ang hinahangaan namin. Ang akala namin noon, matinong trabaho ang ibibigay mo sa amin, pero pagtutulak ng droga ang pinagawa mo samin. Doon na kami simulang magduda. Kaya inimbestigahan ka namin, nalaman namin ang malaking pabrika na pinagawa mo para sa ilegal mong negosyo. Ang mga pera na binibigay namin sayo, sa tatay ko galing ang lahat ng 'yon. Ng malaman nya na nagtatrabaho kami sayo, agad nya kaming tinulungan kasama ang General ng pulisya. Ang lahat ng droga na binibigay mo sa amin, sa pulis 'yon napupunta. Ang lahat din ng taong binebentahan mo ng droga ay nahuli narin nila. Kung kami nagawa nyong paikutin, pinaikot lang din namin kayo. Ang kaibahan namin sa inyo ni Felix, nagpa ikot kami ng tao sa mabuting paraan, hindi sa kasamaan" sagot naman ni Lincoln.

"Sana sa lahat ng nalaman mo ngayon, natauhan ka na sa lahat ng masamang ginawa mo. Na kahit kailan, hindi naging tama na pumatay ng tao para sa pera at kapangyarihan. Hindi ka magiging masaya kahit limpak limpak ang pera mo at maging pag aari mo na ang buong mundo, dahil sa huli isa ka paring tao na katulad namin. Hindi ka Diyos para sambahin at luhudan ng lahat ng tao. Ang pera pinaghihirapan, ang kapangyarihan, sa mabuting paraan lang ginagamit yan. Walang sinuman ang nagtagumpay na sa kasamaan ginamit ang kapangyarihan nila. Kaya kung gusto mo talaga makamit ang kapangyarihan na 'yon, maging mabuting tao ka. Magbagong buhay ka, humingi ka ng kapatawaran sa lahat ng kasalanang ginawa mo. Pagsisihan mo ang lahat ng masamang ginawa mo. Walang imposible sa taong buong puso na gustong magbago" sabi ko.

"Aasahan namin ang buong puso mong pag amin sa lahat ng kasalanan mo Philip. Sana rin, masagot mo na ang lahat ng katanungan namin sayo pagbalik namin dito. Aasahan namin buong katotohanan lang ang maririnig namin sayo pagbalik namin dito" dagdag ko.

Nanatili nalang syang nakatungo ang ulo sa harap namin at ilang minutong katahimikan ang bumalot sa buong paligid namin.

Tumayo na kami nila Kuya Evan at lumabas na kami ng kwarto.

Sana nga, sa lahat ng sinabi namin, matauhan na sya at mawala na ang kasamaan na sumanib sakanya.

Sana rin, makamit nanamin ang kapayapaan ng buhay namin.

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)





Continue Reading

You'll Also Like

398K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
32.5M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
455K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...