Finding Mr. Perfect

By DyslexicParanoia

1.4M 26.9K 1.7K

Katropa Series Book 3 [Completed] Language: Filipino What are your chances in finding a Perfect Guy who can... More

Finding Mr. Perfect [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 3

59.4K 1.3K 151
By DyslexicParanoia

Laura's P.O.V.

Nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Ang lumaki ang gulo sa aming dalawa ni Dexter to the point na ang ma-involve na ang mga aking mga magulang. Hindi maipinta ang mukha ng aking Mama nang makatanggap ito ng tawag mula sa University Disciplinary Committee. Ang siste, ang walanghiyang si Dexter pa ang nagkaganang magreklamo. Inereklamo n'ya si Arthur. Si Arthur 'yung part-time Janitor na estudyante rin sa unibersidad, na dalawang beses na raw diumanong walang pakundangang bumugbog sa kanya.

Totoo namang nabugbog nga siya. Ang hindi totoo ay 'yung isinumbong niyang dahilan kung bakit siya binugbog. Ayon sa kanyang reklamo, binastos daw ako ni Arthur dahil obsessed daw ito sa akin. Na binugbog daw s'ya nito dahil gusto ako nitong gahasain. Hindi ko alam kung paanong nasisikmura ni Dex na baliktarin ang kwento, pero isa lamang ang sigurado ko. Siguradong mapapahamak si Arthur kung hindi ako magsasabi ng totoo.

Alam naman ng mga magulang ko ang katotohan, pero nagbibingi-bingihan sila. Sinabihan pa nila ako na magtiis, dahil kailangan daw ng aming pamilya ang makisama sa pamilya nina Dex. Ang mga ito raw kasi ang natatanging pag-asa namin, para maisalba ang aming bumabagsak na kabuhayan. Nag-iisa akong anak, kaya heto...heto na nga ang mapait na kapalaran ko--pambayad utang. Tila isang kalakal na ipinagduduldulan sa isang anak mayaman, kapalit ng seguridad.

Mayaman ang pamilya nina Dex. Malakas ang loob nitong gumawa ng mga kalokohan sa eskwelahan dahil ang Tatay niya--ang biyudong si Don Rodrigo, ang pinakamalaking benefactor ng Unibersidad. May sinasabi ang kanyang ama sa lipunan. Isa ito sa pinakamayaman at pinakamatagumpay na negosyante--isang real estate magnate, sa buong bansa. Bantog din ang mayamang Don na ito bilang major contractor, sa pinakamalalaki at state of the art na mga gusali--at lahat na yata ng p'wedeng itayo sa ibabaw ng lupa--tulad ng mga modernong condominium buildings, high-end manufactured homes in exclusive subdivisions at iba pa.

"Kahit anong mangyari, si Dex ang kakampihan mo, naiintindihan mo?" Masungit na bulong sa akin ni Mama habang pumapasok kami sa opisina ng Disciplinary Committee.

"Ma, iniligtas na ako nung tao," Si Arthur ang tinutukoy ko, "Baka ma-expell siya rito kung hindi ako magsasabi ng totoo."

"Mamili ka, ang ma-expell ang patay-gutom na janitor na 'yon, o ang maghirap tayo at maging dukha ring tulad n'ya."

Hindi na ako nagugulat sa pananalita ni Mama. Likas na matapobre talaga ito. Palibhasa'y laki sa luho, dahil nagmula rin ito sa may sinasabing pamilya bago itk nagpakasal sa Papa ko. Ang Papa...na nanahimik lang sa isang sulok. Aburido. Halatang nag-alala. Mabuti s'yang tao. Mapagpakumbaba at mapagmahal na ama. Nagigipit lang ito sa aming sitwasyon kaya wala ring itong magawa mga kagustuhan ni Mama para sa akin.

"Naku, Don Rodrigo." Pagsugod ni Mama sa may pintuan. Halatang-halata namang sumisipsip lang ito. Ako na tuloy ang napapahiya.

Nakakahiya talaga si Mama, lalo na nang tiningnan lang s'ya ng mayamang matanda. Hindi naman ito nagsuplado pero hindi rin ito palagiti. Tumango naman ito kay Mama, kay Papa at sa akin, bago sila umupo ni Dexter sa kabilang side ng conference-type U-shaped table. Wala itong imik, as usual.  Tila ba, parati itong may malalim na iniisip.

"So," Bungad ng matandang lalaking opisyal, na siyang nagpe-preside sa aming pagpupulong. Umupo ito sa gitnang bahagi ng U-shaped na table--sa gitna ng kinauupuan ni Dex at ng kanyang papa, at ng aming pamilya--bago nagbuklat ng mga papeles na iniabot sa kanya ng kanyang assistant. "Ikaw ba si Laura Garcia, ang saksi?" Nakatingin ito sa akin; nakasilip sa ibabaw ng kanyang reading glass.

"Opo." Mahina kong sagot, at saka ako yumuko.

"At kayo naman ang kanyang mga magulang?" Tumingin ito sa aking mga magulang na pinagigitnaan ako.

"Delfina MONTENEGRO-Garcia!" Si Mama, sabay abot ng kanyang kamay sa opisyales. Talagang diniinan niya ang kanyang maiden name, para lamang maipagpahili na isa s'yang Montenegro. Apelyido ng sikat na pamilyang naging isa sa mga sinaunang benefactors ng Unibersidad. "At heto naman ang kabiyak kong si Mauro."

Ganun lang....ganun lamang ang pakilala ni Mama sa Papa ko. Si Mauro. Mauro lang. Wala man lamang apelyido. Napailing ako nang pasikreto.

"Don Rodrigo!" Nakangiting pagbati ng opisyal sa Papa ni Dex. Hanggang tenga ang ngiti ng opisyal, "Pleased to see you again."

Sipsip din pala ang opisyal. P'wede silang magsama ng Mama ko.

"H'wag po kayong mag-alala, dinidinig po namin ang inyong reklamo." Dugtong ng opisyal, habang iniaayos ang kanyang sarili sa pagkakaupo. "Ipina-e-excuse ko na po sa klase niya ang taong sumalbahe sa anak n'yo. H'wag po kayong mag-alala, kung kinakailangan po namin itong patalsikin sa iskwelahang ito, gagawin po namin agad-agad. Para mabigyan po namin ng hustisya ang pananakit nito sa inyong anak."

Patatalsikin agad? Ni hindi pa nga nadirinig ang kanyang panig? Bakit? Dahil ba sa isang ordinaryong istudyante lang ito--na nagsisikap mag-trabaho bilang isang abang Janitor--para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral? Diyos ko naman! Hindi naman 'yata patas 'yun!

Kawawa naman si Arthur kung nagkataon. S'ya na nga ang nag-iisang tunay na nagmalasakit sa akin, s'ya pa ba ang mapapahamak sa pagkakapagligtas n'ya sa 'kin?

"Wala akong hinihinging ganyan, Mr. De La Fuente." Matipid na sagot ni Don Rodrigo. "Ang habol ko, ay ang malaman ko, kung ano ang totoong nangyari."

"Papa ano ba?!" Reklamo ni Dex sa kanyang ama. "Sinabi ko na sa 'yo ang nangyari hindi ba? Hindi pa ba sapat sa 'yo 'yon? Sinaktan ako ng Janitor na 'yon. Hindi lang isang beses kundi dalawang beses pa. Tapos bibigyan n'yo pa siya ng chance to get away with it?"

Kapansin-pansing hindi man lamang pinansin ng kanyang Papa si Dex. Alam rin n'ya siguro na tarantado talaga ang anak n'ya.

"Hindi basta-basta nananakit ang isang tao sa kanyang estado kung wala itong mabigat na dahilan, Dex." Kalmadong sagot nito. Seryoso. Hindi ito tumitingin man lang sa kanyang anak.

Mabuti pa ang matandang ito. Sa kabila ng karangyaan at estado sa buhay, husto pa rin ang pag-iisip at may katwiran. Lalo tuloy tumaas ang pagtingin ko sa kanya. Mas lalo itong naging kagalang-galang sa kanyang kababaang loob. Sayang nga lang at ang nag-iisa niyong anak ay ang isang katulad ni Dex. Ito marahil ang dahilan kung bakit parati itong mukhang malungkot. Nag-aalala. Nag-iisip.

"Sandali po Don Rodrigo." Ani Mr. De La Fuente. Binubuklat at binabasa nito ang ilang papeles, "Mukhang may typographical errors po ang clerk sa pagsusulat ng pangalan ninyong mag-ama..." Tumunghay ito at inihaba ang leeg sa direksyon ng nakabukas na pintuan. "Carla...Carla!" Pagtawag nito. May lumapit naman agad na isang working student.

"Ano po 'yun?" Tanong ni Carla.

"Tingnan mo ito. Ikaw ba ang nag-type nito?" May itinuro itong kung ano sa naka-type sa papeles na hawak n'ya.

"Opo."

"Baliktad ang pagka-type mo ng apelyido ng nag-rereklamo sa inirereklamo." Nagtuturo ito sa papel, na tinitingnan namang mabuti ni Carla. "Tingnan mo 'yan oh. Ito ang pangalan ni Don Rodrigo, heto ang pangalan ng anak niyang si Dexter, pero bakit ang apelyido ni Don Rodrigo, ay dito mo inilagay kay Arthur, blah...blah...blah."

Hindi ako pwedeng magkamali. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Don Rodrigo nang marinig nito ang pangalang...Arthur.

"Ano ba ang nakalagay na apelyido ni Dexter r'yan?" Tanong ni Don Rodrigo kay Mr. De La Fuente.

"Durano po." Sagot ni Mr. De La Fuente. "Ine-explain ko lamang po rito sa clerk namin, na mukhang napagbaliktad n'ya ang apelyido ni Dexter at Arthur. Ipinaliliwang ko lamang po sa kanya, na kayo po ang Ama ni Dexter, at dahil ang pangalan niyo po ay Rodrigo Montero, natural lang...common sense lang, na si Dexter ang Montero. Nakasaad po dito..." Tumayo ito, lumapit kay Don Rodrigo, at saka ipinakita ang nakasaad sa papeles. "Ang inilagay niyang pangalan ng anak ninyo ay Dexter Durano, at pagkatapos ang inirereklamo niyang si Arthur ang naging Arthur Montero."

"Walang mali sa pangalan ni Dexter." Sagot naman ni Don Rodrigo. "He publicly uses my last name, but we have never done any formal affidavit on his name change yet. So legally speaking, he's still carrying his real father's name. That paper work is ok. Unless..." Tila natigilan ito. Nag-iisip, "Mali ang apelyido ng Arthur na nakasaad d'yan."

His real father? So ibig sabihin, Hindi s'ya ang tunay na ama ni Dex? Lumingon ako kay Mama. Just as I suspected, gulat na gulat ito; animo'y istatwang naninigas habang namimiloy ang mga mata.

"H-Hindi po kayo ang tunay na ama ni Dexter?" Gulat na gulat si Mr. De La Fuente.

"He is my step-son." Kalamadong sagot nito.

Galit na galit na umiling sa tabi ni Don Rodrigo si Dexter. Mukhang hindi nito matanggap na ibinulgar ng kanyang Papa--o step-Father, na hindi s'ya isang tunay na Montero. Mahihiya na siguro ito ngayon dahil may nakakaalam na, na ibang tao, na ang apelyidong Montero sa kanyang basketball Jerseys, ay hindi naman pala legal na kanya. Fake lang. Drawing.

"O, narito na pala si Arthur." Sabi ni Mr. De La Fuente, habang bumabalik ito sa kanyang dating pwesto. "O, maupo ka na lang d'yan, sa kahit aling sulok d"yan!" Sabi nito sa pumapasok na si Arthur.

What? Kahit saang sulok na lang daw? Ewan ko ba kung bakit affected ako masyado, pero pakiramdam ko,  masyado namang minamaltrato si Arthur dahil sa kanyang estado.

Hindi agad nakagalaw si Arthur. Nakatulala ito sa akin. Nailang ko at umiwas ng tingin. Ang g'wapo n'ya. As in. Matangkad s'ya na mestisuhin. Kahit simple lang, at hindi branded ang kanyang isinusuot, ang linis n'yang pagmasdan. Kahit na naka-uniporme ito na pang-Janitor, ang neat-neat pa rin nitong tingnan. Lamang na lamang sa tangkad sa kanya si Dex, dahil basketbolista si Dex, pero di hamak naman na pang-heartthrob ang Arthur na 'to. Mabait pa. Masipag. Matulungin.

"Hoy!" Masungit na pagtawag sa kanya ni Mr. De La Fuente, "Uupo ka ba o hindi?"

Nagulat siya sa pagkakabulyaw sa kanya ni Mr. De La Fuente. Nakatayo lang kasi ito na tila natutulala sa likuran nina Dex at ng kanyang Papa.

"S-saan po ba ako maaaring maupo?" Kakamot-kamot ito.

"Hindi mo ba ako narinig kanina?" Masungit na balik sa kanya ni Mr. De La Fuente. "Ang sabi ko, kahit saan sulok d'yan. Mamili ka na! Puro ka na nga sakit ng ulo, tatanga-tanga ka pa." Bulong n'ya pero narinig ko. Kapansin-pansing tinitigan ito nang matalim ni Don Rodrigo. Marahil,  nadinig din nito ang pang-aalipusta kay Arthur.

Napaawa ako kay Arthur. Animo'y tutang ligaw na umupo lang ito sa isang sulok. Sa isang medyo sira pa yatang upuan. Doon pa ito pum'westo sa malayong sulok na pahiris, sa likod ng kinauupuan ni Dexter. Wala na kasing available na upuan sa may lamesa. Wala ring may balak mag-offer man lang sa kanya.

"Let us begin then. We are gathe--"

Naputol ang pagsasalita ni Mr. De La Fuente, nang bumigay ang kanina ko pang pinagsusupetsahang sirang silya na inupuan ni Arthur. Medyo malakas ang lagabag. Napatingin kaming lahat sa gawi n'ya. Sa una, hindi ko na ito makita sa aking anggulo. Hanggang sa unti-unti nang sumulpot ang kanyang bumbunan. Tumayong hinahaplos-haplos nito ang kanyang masakit na puwitan.

Namumula siya sa hiya. Lilinga-linga sa nadurog na upuan na nawasak n'ya. Sumusulyap din ito sa akin. Nakangiting kakamot-kamot. Inipit ko ang aking mga labi. Pinipigilan ang pagtawa. Nakakatuwa naman kasi siya. Tils napapahiya rin ako sa mga sulyap n'ya. Ano ba yan? May crush na nga yata ako sa kanya. Kumakalabog kasi ang dibdib ko, katulad no'ng una pa lang naming pagkikita.

"Sorry po sir, sira po kasi ang naupuan ko."

"I can see that..." Walang ganang sagot ni Mr. De La Fuente. "Tumayo ka na lang d'yan dahil wala nang extrang upuan. Tutal ikaw naanan ang puno't dulo ng kaguluhang ito!"

Napayuko si Arthur, pero sumusulyap-sulyap pa rin ito sa akin; seryoso na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Alam mo ba kung anong gulo 'tong kinasasangkutan mo Arthur..." Tumingin ito sa papel. "Ano ba ang tamang apelyido mo?"

"Montero po." Magalang na sagot nito.

Sinamaan agad ito ng tingin ni Mr. De La Fuente.

"Nasaan ang mga magulang mo? Hindi ba't sabi ko, papuntahin mo sila rito?"

"Ahm. Wala na po akong mga magulang. Patay na po ang nanay ko."

"Ama mo? Mga kapatid?"

"Isa na lamang po ang natitira kong buhay na kapatid, pero mas matanda po ako. Hindi ko po alam kung nasaan ang aking Ama, bata pa po kasi ako nang huli ko itong nakita."

"Kaya naman pala wala kang modo." Bulong ni Mr. De La Fuente.

"Bente uno anyos na naman po ako, kaya pwede ko na pong irepresenta ang sarili ko." Dagdag ni Arthur.

"Tinatanong ba kita?!" Masungit na singhal ni Mr. De La Fuente. Napayuko ulit si Arthur sa hiya. "Sasagot sagot ka d'yan, hindi naman kita tinatanong!"

Napailing ako. This is ridiculous! Gusto ko tuloy sampigahin ang opisyal na 'to. Akala mo kung sino. Halatang-halata naman na nagpapasikat lang ito kay Don Rodrigo.

"Didiretsahin na kita. Kung ako ang masusunod, ngayon pa lang ay ipa-e-expel kita sa walang pakundangan mong pananakit kay Dexter Dur--M-m-Montero, pati na rin sa tangka mong panggagahasa rito kay Miss Garcia."

"P-po?!"Namilog ang mga mata ni Arthur. Gulat na gulat. Napasulyap ito sa akin. Nag-aabot-abot ang paghinga.

Hindi ko na matiis ang pagiging magaspang at bintangero ng opisyales, kaya kahit natatakot ako sa kahihinatnan ng pamilya ko sa pagbaliktad ko sa plano ay...

"Hindi po totoo yan!"Kasabay ng pagtayo ko. "Ipinagtanggol lang po ako ni Arthur sa pananakit sa 'kin ng Dexter na 'yan," Sabay duro ko kay Dexter, "At sa pagtatangka n'ya sa akin nang masama." Sumulyap ako kay Don Rodrigo na tula hindi na nagugulat sa kanyang naririnig. "Kung meron man pong dapat mae-expel dito, si Dexter na 'yon! Dahil..." Umiiyak na ako. "Sinira n'ya ang buhay ko. Binaboy n'ya ang pagkababae ko at sinasaktan n'ya ako!" Humahagulhol ako na animo'y isang bata, "Ang dapat nga sa kanya makulong dahil ginahasa n'ya ako ng ilang beses! Paulit-ulit...paulit-ulit... paulit-ulit." Lumulubog ako pabalik sa pagkakaupo. Bumaling ako kay Papa. Niyakap ako nito nang mahigpit. Sumulyap ako kay Don Rodrigo. Nakapikit ito. Tikom ang mga kamao at may diin ang mga panga.

"Sigurado ka ba sa ibinibintang mo Miss Garcia?! Mabigat na paratang yan!" Pabulyaw na tanong sa akin ni Mr. Dr La Fuente.

"Bakit po? Nang pinagbintangan n'yo na agad si Arthur, hindi ba mabigat ding paratang 'yon? Bakit kapag sa mas makapagyarihang tao ang bintang, mabigat na agad, pero kapag sa ordinaryong tao, balewala lang?!" Sumulyap ako kay Arthur. Tila naluha-luha ito sa naririnig nito mula sa akin. Ngumiti ito nang bahagya sa akin.

"Dahil si Arthur ang nambugbog!" Sigaw sa akin ni Mr. De La Fuente. Tila gusto talaga nitong madiin si Arthur para magpasikat kay Don Rodrigo. "S'ya ang walang modong nanakit. Palibhasa, wala naman palang Amang nagtuturo ng tamang asal sa kapwa. Kaya hayan. Ugaling aso. Kahit sino binabraso! Dapat nga pina---"

"Isang beses pa Mr. De La Fuente." Pagsingit ni Don Rodrigo. Kapansin-pansin na naglalawa na rin mga mata nito, "Isang beses mo pang apakan ang pagkatao ng anak ko, tuluyan ko nang ipapakita sa 'yo kung anong kaya kong gawin sa mga opisyales ng eskwelahan na katulad mo."

"Pero..."Tila tutang nalugi si Mr. De La Fuente, "Hindi naman ang anak ninyo ang pinagsasalitaan ko kung hindi si Ar--"

Naputol ang kanyang pagsasalita, nang tumayo si Don Rodrigo, tumagilid at lumingon sa kinatatayuan ni Arthur sa may likuran niya, at saka ito tumatangis na...

"Art..."

Animo'y binuhusan ng malamig na tubig si Arthur nang makita nito nang harap-harapan ang makapangyarihang Don.

"I-itay?!" Gulat na gulat nitong sambit.

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

26.8K 3.6K 28
-COMPLETED- Bumalik siya sa nakaraan para iligtas ang buhay ng babaeng mahal niya. What are you willing to do for the one you love? Are you ready to...
468K 14K 42
I am a knight with no shining armour. A knight with vow to protect the royal family with my own life. But when a princess came, my purpose has gone...
238K 5.8K 22
Nang makabalik si Victoria bilang si Clarisse ay wala siyang naging problema sa pagsasama nila ni Aaron. Tanggap siya ng ina nito, namumuhay sa karan...