Every Game

KnightInBlack tarafından

4.9M 227K 80.1K

Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. So... Daha Fazla

Work of Fiction
Every Game
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Final Chapter
Epilogue (1/2)
Epilogue (2/2)

Chapter 26

104K 5.4K 1.6K
KnightInBlack tarafından

Chapter 26: It's Time

Kinabukasan ay natambakan ako ng gawain sa school. This is why I don't leave classes, madalas ay nasasakto na maraming ginagawa. Funny, right? When you are present, nothing that happens matter but when you are gone, everything damn matters. There were lectures, pointers to review for the finals, final projects and other stuff about graduation.

Oh, god. I'm finally graduating! I couldn't help but to feel excited for college. How is it like when you are finally taking the career you always desire? I heard a lot from people who went to college like --- it's tiring, time-consuming and depressing. But I don't believe it. As long as you love what you are doing, no matter how tiring, time-consuming or depressing it is, it will be worth it in the end.

"Ito na po, Senyora Grilliarda," nanunuyang sabi ni Ericka nang ipatong niya sa desk ko ang bote ng mineral water na pinabili ko. "May sukli ka pa pong piso pero akin na lang, ah? Ang layo kaya ng nilakad namin."

Tinawanan ko lang siya bago tumango.

"Ako ang nagbitbit sa mineral water," pagsingit ni Rafael. "Hindi po ako magrereklamo, Senyora Grilliarda. Kahit na inutusan mo na ako kaninang bumili ng pen, biscuit, at marami pa," pagpaparinig nito kay Ericka.

"Hindi naman ako nagrereklamo, ah? Saka... alangan naman ang girlfriend mo ang utusan mo?" singhal ng Ericka sa kanya. "Hindi mo nga ako nilibre ngayon."

"Coming from the girl who stopped Rocky when he was about to treat Maddy." Rafael playfully chuckled.

Kinuha sa akin ni Rafael ang bote ng mineral water nang mapansin niyang nahihirapan akong buksan 'yon. Nagpasalamat ako nang iabot niya sa aking bukas na 'yon.

Uhaw na kinalahati ko 'yon.

Umupo sa katabing upuan ko si Ericka habang si Rafael ay nanatiling nakatayo, nakandal sa upuan na nasa likod niya. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin kay Ericka, kitang-kita ang tagumpay sa kanyang asarin ang girlfriend niya.

Bumaling ako uli sa mga notes ko. Kanina pa ako nagsusulat pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tapos. Kanina pa nag-uwian ang mga kaklase namin pero kami andito pa rin. Hindi naman makaalis si Ericka dahil sa kanyang notes ang gamit ko.

"Picture-an mo na lang kasi ang notes," ani Rafael. "That what I always do. Instant copy."

"Ogag. Magche-check ng lectures!" pagalit na sabi ni Ericka. "Saka huwag mo ngang idamay si Mads sa pagiging tamad mo."

"E 'di ipa-xerox na lang niya tapos idikit sa notebook," suhestyon ni Rafael.

"Ayan. Gawain ng mga tamad na estudyante. Naku. Don't listen to him, Maddy."

Itinabi ko ang tubig bago nagsulat uli. Paulit-ulit akong nagkakamali ng sulat dahil sa ingay ng mga kasama ko. Si Rafael ay nagbibigay ng tips about sa shortcut sa pagsusulat na matatawag na cheating habang si Ericka ay sigaw nang sigaw dahil sa sinasabi ng boyfriend niya.

They are back at being annoying again.

Napapikit ako sa inis. Parang mas maganda atang umalis na lang ang dalawang ito? Hindi ako makapagsulat nang maayos tapos tatamaan pa ni Ericka ang upuan ko kapag sisipain niya si Raf.

"Bakit ba inis na inis ka ngayon sa akin?" dinig kong tanong ni Ericka.

"Hindi mo talaga alam? Let me tell you." Humawak pa sa baba niya si Rafael na parang nag-iisip. "I think a guy last night uploaded a picture on Instagram. And you liked it."

Tumigil ako sa pagsusulat para makinig sa kanila.

"Sino?" takang tanong ni Ericka.

Tumawa si Rafael. "Sa dami ba ng mga gwapong lalaki sa Instagram mo, hindi mo na alam kung sino ang ni-like mo?"

"Duh. Syempre. Marami nga, 'di ba? Ikaw ba, kaya mong tandaan lahat ng pangalan sa mundo?"

Natawa ako sa rason ni Ericka. Seriously?

"Whoa. That's good." Rafael smiled genuinely. "As long as you only care about faces and won't give a damn about names, I'm good, babe."

"Yep. Except Chris Pratt please, babe."

Napatingin ako sa labas ng bintaba. Mula rito ay kitang-kita ang kahel na kalangitan. Tahimik na rin sa paligid dahil malamang na kaunti na lang ang mga natira rito. Kung wala lang sina Ericka at Rafael ay baka maging ang paghinga ko'y maririnig ko.

"Shut up!' gigil na sabi ni Ericka. "Wala kang kiss sa akin, mokong. For the better future ka dyan eh ang tamad mo ngang mag sulat!"

Oh, they are back on the old topic again.

"Hindi ko naman kasi madadala sa future ang notes na 'yan. It's all in my mind."

Natigilan ako nang may maalala. Kinuha ko sa bag ang cell phone ko. It's almost 6PM. May usapan kami ni Rocky magkikita pagkatapos ng klase. Ang usual na labasan namin ay 5PM. Malamang na kanina pa 'yon naghihintay.

Kinunan ko na lang ng picture ang notes ni Ericka para sa bahay na lang ipagpatuloy ang pagsusulat. Ibinalik ko kay Ericka ang notebook niya at nagpasalamat.

"W-What?" takang tanong ni Ericka.

"See? Our Maddy girl just learned a lesson today," hinawakan ni Raf ang balikat ko. "You did the right thing."

Mabilis na isinalansan ko lahat ng gamit ko at ipinasok sa bag.

"Bad influence!" dinig kong sabi ni Ericka.

Nang matapos ay tumayo na rin ako. "Tara na," aya ko sa kanila.

Nagkatinginan sina Ericka at Rafael bago muling tumingin sa akin.

"Mukhang may date pa ata si Maddy girl," ani Rafael. "Sige na. Takbo na. Huwag mo na kaming isipin."

"W-Wait-" Pinigilan ni Raf si Ericka nang hahabol ito sa akin.

Lakad-takbo ang ginawa ko habang palabas ng campus. Pawis na pawis din ako at malamang na bruha na ang hitsura ng buhok ko. But who cares? Bawat segundo ngayon ay mahalaga sa akin.

Pagkalabas ko ay mabilis ko siyang nakita. He was leaning on his car, arms crossed and looking bored with those lazy eyes. Kung hindi pa ako pumunta sa harapan niya ay hindi niya ako mapapansin.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

Nagsalubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. Tumingin ako sa side mirror. Maging ako ay napangiwi nang makita ang hitsura ko. Pawis ang noo ko, gulo-gulo ang buhok at medyo lukot ang uniform.

"Hindi ka naman siguro superhero na nagligtas muna ng mga naaapi bago sumipot sa usapan 'no?" pabalang na tanong ni Rocky.

Napahagod ako sa buhok ko. "Maganda pa rin naman ako, ah?"

Isang malakas na halakhak ang lumabas sa bibig ni Rocky. "All right, baby. I won't dare to ruin that confidence."

"Whoa. Conceited, eh?" Napatingin ako sa sasakyan nang may marinig na bata. Ngumiti sa akin si Mikael. "You look like a witch, Mad."

"W-What are you do-"

"Stop owning Rocky, will you?" Kael cut me out. "Come on in."

"Wow. Sasakyan mo 'yan?" pabalang kong tanong.

"Actually..." Mas lumawak ang ngiti sa labi ng kapatid ko. "Kuya Rocky, the most generous and genuine person I know, promised to give this car to me."

Nanlalaking matang bumaling ako kay Rocky. Nakataas ang mga kilay nito bago umangat ang isang bahagi ng kanyang labi na parang nang-aasar.

"You don't want the prize, I gave it to Kael."

"B-But-"

"Uh, nah," Kael cut me out. "You can't take it back. Period." He raised his right hand. "I have the key." Itinuro niya ako at kinindatan. "Locked." Saka siya ngumanga at kunwari ay may kinain. "Oops, swallowed."

Sabay silang humalakhak ni Rocky habang ako ay naiwang gulat.

Nasa backseat ako, si Rocky ang nagmamaneho at sa tabi niya ay si Kael. Minsan talaga ay gusto ko ring sipain ang kapatid ko. That place is mine! Hmmp.

"Where are we going?" I heard Kael asked.

"We are going home." Tumingin si Rocky sa rear-view mirror, nahuli niya ang titig ko. "I'm going home..." he repeated as he smiled.

Sa una ay naguluhan ako pero nang marating ang lugar ay namangha ako. It was their mansion! It has huge gates and a wide front-view. May mga halaman sa gilid na lumabong na. Halatang napabayaan na ang lugar na ito at kinain na ng panahon. It felt like an abandoned home --- quiet, mysterious, lonely and dark.

"I-Is this-"

"Home nga," putol ni Kael sa akin.

Tumawa si Rocky bago lumabas ng sasakyan. Binuksan niya ang gate at medyo nahirapan siya dahil kinalawang na 'yon. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki ng bahay. Imagine you are only three in the family and living in this huge house. Insane.

"Let's go," ani Kael nang senyasan kami ni Rocky na lumabas ng sasakyan.

Nauna si Kael at sumunod ako. Lumapit kami kay Rocky. Nakatingin din ito sa malaking bahay. There was a smile plastered on his face and I could even see scene in his head. He seemed reminiscing what happened around this huge house.

"This is huge," Kael said, amused. "Ilan kayo rito dati, Kuya?"

"Hmmm. Marami kami... katulong." Tumawa si Rocky. "I didn't even manage to count the maid Mom hired for us. But with all that, I was alone. Umuuwi lang sina Mommy at Daddy kapag tulog na ako sa gabi, bago ako gumising sa umaga ay wala na sila. And sometimes, they don't go home at all."

Hinawakan ko ang kamay ni Rocky na bagsak. Humawak siya pabalik nang hindi pinapatid ang tingin sa malaking bahay.

"It looks like a ghost house now," Kael mumbled. Humawak siya sa kabilang kong kamay, natakot sa kanyang sinabi. "Is it possible that Sadako is inside?"

Nanlaki ang mga mata ko at mas humigpit ang hawak sa kamay ni Rocky. Napatingingin tuloy siya sa amin ni Kael. Naningkit ang kanyang mata bago tumawa.

"I am sure Maddy uses Sadako to scare you, right, Kael?" Hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa. "Hinawa mo pa kapatid mo sa takot mo kay Sadako. Don't worry, if ever there's a Sadako inside, hindi siya lalapit sa atin. Your Ate Mads looks scarier than Sadako!"

Tumawa silang dalawa ni Kael.

Padabog na binitawan ko ang kamay nilang dalawa.

"Papasok ba tayo sa loob?" tanong ko. "I can't." Umiling ako saka humalukipkip. "Madilim. Baka kung ano pa ang makita natin dyan."

"Wait me here." Naglakad si Rocky sa mahabang daan papunta sa bungad ng malaking bahay.

Magkahawak-kamay kami ni Kael habang nakatingin kay Rocky na walang takot na naglakad sa kadiliman. He was walking on the darkness without hesitation, without looking back.

And then I realized... at the end of the day, the game brought us where it all started.

Humarap si Rocky sa amin at nagtaas ng kamay. "I hope it won't fail!" sigaw niya para marinig namin. Mas pumasok siya sa madilim na bahagi kung saan hindi na namin siya maaninag.

Sumikip ang dibdib ko nang mawala siya sa paningin ko. Darkness swallowed him whole.

Lumipas ang isa...dalawa...tatlo...apat...limang segundo hanggang isang minuto pero hindi pa rin siya lumalabas.

"A-Ate..." takot na tawag sa akin ng kapatid ko. "S-Sunduin mo na si Kuya Rocky. Baka kinuha na siya ni Sadako!"

"Bwisit!" Mahinang hinampas ko sa braso si Kael nang itulak niya ako. "Bakit hindi ikaw? Matapang ka, 'di ba?"

Naghintay pa kami nang ilang segundo at nung wala pa rin ay wala na akong nagawa. Nanginginig ang tuhod ko, magkalapat ang mga kamay ko na parang nagdadasal, bumubulong ng dasal habang naglalakad sa madilim na parte.

Tumigil ako sa gitna nang hindi ko na kinaya.

"Rocky!" I screamed his name.

"Yes, baby?!"

And in that moment, lights flashed before my eyes. Sa isang iglap ay nagliwanag ang buong paligid. Sa pathway ay nakahilera ang mga petals ng bulaklak at sa gilid ay may mga bumbilya ng ilaw. Sa buong paligid ay may christmas lights.

Nabaling ako sa diretso. Darkness faded before my eyes when I saw him. He was smiling and in his arms was a bouquet of flowers. And the moment he started to walk towards me, tears started to fall in my eyes.

Every step he does towards me is like a beat of drum --- it keeps on getting louder as he gets near.

He was all smile when he reached me. And damn, my boy is looking good with that black tuxedo. How did he manage to dress up just like that? What is this even?

Napahawak ako sa buhok ko bago napanguso. Ang ayos niya pero ako hindi man nakapag-ayos. May mga flashes ng camera sa likod ko na malamang ay kagagawan na naman ng kapatid ko.

"Hello, baby..." he whispered and my whole system quivered just like that.

Damn it! I'm exaggerating.

"W-What's this?" I asked as I wiped away my tears. "What's with the act, lights, tuxedo, bouquet of flowers. What's with the smile? What is this?!"

"Happy first day of being together," he chuckled as he gave me the bouquet.

"W-What?" I hesitated to accept the flowers.

"Let's celebrate every moment of being together."

Ibinagsak ko ang bulaklak na ibinigay niya at lumapit sa kanya.

"H-How dare you..." Hinawakan ko ang kwelyo ng tuxedo niya. "How dare you!"

"What?" painosenteng tanong nito. "Don't you like it, baby?"

Stop fooling me when you know that I love it!

"Y-You're making this hard for me," I whispered and that's the truth. "Y-You know it, Rocky. With these things... how can I---"

"Hush." Itinapat niya sa labi ko ang isa niyang daliri. "Let's live in the moment." Bahagya itong umatras sa akin at yumuko. Inilahad niya ang kamay sa harapan ko. "Maaari po ba kitang isayaw sa unang pagkakataon?"

Without hesitation, I held his hand. Napalingon ako sa likod nang may biglang music. Nakangiti si Kael habang pasimpleng pinagmamayabang na alam niyang patugtugin ang sasakyan ni Rocky.

He's already owning Rocky's car.

Naramdaman ko ang kamay ni Rocky sa mukha ko at iniharap ako sa kanya. We swayed with the music. Hawak niya ang bewang ko at habang ako ay nakahawak sa kanyang balikat.

"Once upon a time, a boy was born in the wrong time," he said, looking into my eyes. "A once hopeful young boy, playing around the busy street, making noise in silence, striving to be less miserable, looking for a spell to cast out the curse of being invisible. He was named after the hardest and strongest thing in this world but just like his name, he broke down, too."

Suminghap ako ng hangin nang mas hinila niya ako palayo sa kanya. Sa sobrang lapit ng mukha ko sa kanya ay nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga sa mukha ko at ang kalabog sa kanyang dibdib.

My heart is beating rapidly that it hurts.

Ipinatong niya ang mukha niya sa balikat ko. "Until one day, he decided to stop being hopeful, he stopped playing, he stopped making noise and he got tired of everything," he whispered on my ears.

Tumutulo ang luha sa aking mga mata habang nakikinig sa kanya. Patuloy pa rin kami sa paggalaw sa saliw ng musika.

"He got tired looking for his space in this world. He caved himself in darkness. He started to wore different masks. He stopped to tell stories. He got tired of his life. He drowned himself in tears that never fell down. He even tried to stop... breathing."

Tumaas ang hawak ko papunta sa kanyang batok at pinaragasa sa kanyang buhok ang aking kamay. Nanatiling nakasandal ang kanyang mukha sa balikat ko.

"Dancing in darkness, screaming in loneliness, crying in emptiness --- the rock broke down into small pieces. The pain felt nothing because his whole life has been nothing. Until one day, as he was walking in an empty street, he accidentally looked up at the dark sky. He was mesmerized while looking at the stars and how they managed to shine alone even in darkness. He closed his eyes and imagined himself as a star that didn't need something or anyone to live in darkness."

I was holding my breathe until the end of his story.

Humarap siya uli sa akin. His face looked pale and tired.

"And now, that boy was looking at the brightest star this world could offer." Pinakawalan niya ang isang kapit sa bewang ko para hawakan ang aking mukha. "He vowed to take care of that star. He promised to do everything to protect that precious thing. He wished nothing but happiness for it."

Napangiti ako nang makita ang ngiti sa kanyang mukha.

"For the first time in his life, he was seen, he was acknowledged, he was not alone and he was finally loved --- enough for him to believe that he wasn't born in the wrong time."

We stopped from dancing.

"I-I'm sorry..." I whispered. "Patawad kasi ngayon lang ako dumating sa buhay mo. But, I am so proud of you. You have come this far alone. You didn't give up. You saved yourself."

"My misery brought us to each other," he whispered. "You know what, Mads? I've learned that better things come in the strangest way. That's why we tend to acknowledge it the other way. It's confusing us. But if you will look deeply into things, there's a something to learn in every misery. Life doesn't suck, our thinkings do."

Nag-vibrate ang relo sa palapulsuan ko. Pasimple ko itong sinilip sa likod ni Rocky.

"It's time," it says.

Sa halip na bumitaw ay muli kong ginalaw ang katawan namin ni Rocky. I still want to dance with him. I don't want to end this dance because I know... it might not happen anymore.

"It's time, Mads," he whispered.

Hindi ako huminto sa pagsayaw. Naramdaman kong lumuwag ang kapit sa akin ni Rocky kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"M-Mads..."

I stopped from dancing but I didn't let go of him. I hugged him even tighter... like I'm gonna lose him the moment I loosen the grip.

Isinubsob ko sa dibdib niya ang aking mukha. Alam kong nagusot ko na ang tuxedo niya dahil sa higpit ng yakap ko.

I'm afraid...

"I-It's okay if you don't want to play tonight," he whispered.

No.

"Maddy..."

"Hush, baby. Just hug me."

Naramdaman kong bumalik sa dating higpit ang yakap niya sa akin.

The wristwatch vibrated again

Not now, please... I still want to hug this man.

"Y-You're making me worried," I heard him whispered.

I closed my eyes as I realized something. The stars in my dark life were finally aligned and every haywire things finally came back in my grasp. First, Dad had finally accepted the fact that living the past in the future could only hurt us over and over again, he's now doing good. Second, I had confessed my hidden feelings for Rafael. Third, I managed to do the right thing by accepting the fact that Raf and I can never happen and now, they are happy with each other. Fourth, I didn't lose my friends.

If there's one thing left now... this is it.

And there's no sense of prolonging this.

Kumawala ako sa pagkakayakap at humarap kay Rocky.

"Tapusin na natin ito."

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
35.3M 1.1M 69
Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin a...
1K 55 15
Drunk Love "A short story that takes you to a new face of romance." This is a valentine's day special, so I'll try to finish this story at that very...
4.1K 154 6
Warning: Triggering and Depressing thoughts. Not for kids.