BHO CAMP #7: The Moonlight

MsButterfly द्वारा

1.9M 55.3K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... अधिक

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Void
Chapter 6: Beat
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 13: Inspiration

55K 1.7K 203
MsButterfly द्वारा

AIERE'S POV

"I don't know what happened to me. Di ba dapat tinulak ko siya palayo? That's the normal reaction not pull him closer and kiss him as if I'm a parched land needing water desperately. He's not even my boyfriend! Why would I let someone kiss me if we're not even together?"

A crunching sound answered my sentiments, as the woman in front of me, barbarically chewed the potato chips she's eating. Humalukipkip ako at binigyan ko siya ng masamang tingin. Kaya nga pinuntahan ko siya ay para may makausap ako. Dahil kapag wala akong nakausap sa mga oras na ito baka bigla na lang akong mag self-destruct sa sobrang kamiserablehan.

Iyon nga lang wala naman akong maisip na puntahan. At wala rin akong maisip na matinong makakausap sa mga oras na 'to. Busy ang kuya ko sa pamilya niya, wala akong balak magulo ang mundo ko kapag sina mama at papa ang pinuntahan ko, at may mission sina Nyx at Chalamity. Kaya nang makita ko ang babaeng 'to, kahit na alam kong hindi siya papatak sa kahit na anong kategorya na may salitang 'matino ay siya na lang ang kinulit ko.

"Hera! Come on, say something!" Malakas na bumuntong-hininga ang babae dahilan para magliparan ang chips na nagsisiksikan sa loob ng bibig niya. Nakangiwing pinahid ko ang mukha ko at nandidiring tinignan ko siya. "Ano ba?!"

"Kung hindi obvious, may hangover ako kaya paki-volume down ang boses." sabi niya at inikot pa ang isang kamay niya na para bang may pinipihit siyang imaginary volume.

"So ano nga?" tanong ko ulit na bahagyang hininaan ang boses.

"Ako talaga ang tinanong mo? Mukha bang maaasahan ako sa mga ganiyang bagay?"

Tumingin ako sa langit at saglit na itinuon ko lang doon ang mga mata ko na para bang humihingi ako ng pasensiya mula roon bago ako muling tumingin sa kaniya. "You're Athena's best friend. For sure marami kang life-changing advise sa kaniya dahil maayos naman ang buhay niya ngayon. So...ayusin mo rin ang buhay ko!"

Napakurap siya sa sinabi ko na para bang kinukuwestiyon niya ang katinuan ko. "Well best friend ko 'yon. Hindi naman kita best friend."

"Well you don't have a best friend right now because she's busy! And I don't have a best friend because he's busy with your best friend. So be my best friend for now!"

"Wow. That's the most times that word has been used in one paragraph."

Matinis na napatili ako at nagpapadyak pa ako sa kinauupuan ko. Mabuti na lang at nandito kami sa kwarto niya kung hindi ay malamang mas marami ng tao ang kukuwestiyon sa katinuan ko. No, I think they already are doing exactly that.

Kanina lang ay daig ko pa ang hinahabol ng halimaw sa pagtakbo ko palayo kay Archer. And with the shock look on my face, I probably look frightening to them. And to Archer who's probably in a hospital right now to get check if he's gonna turn like the crazy person I am because he's been exposed to me a lot lately.

"Malala ka na nga."

Napapitlag ako mula sa pagkakatulala ko at napatingin ako sa babae na harabas na namang ngumunguya. Kung may makakakita lang sa kaniya ngayon malamang ay hindi maniniwalang siya si Hera Prinsesita. Hindi dahil sa hindi siya maganda kapag walang ayos kundi hindi normal sa kaniya ang simple lang.

Sa lahat ng BHO CAMP agent siya na yata ang pinaka-bratty at pinakamaluho sa lahat. Lagi ring perpekto ang ayos niya mula ulo hanggang paa kahit na gaanong kaaga o kagabi man siya lumalabas.

"I'm such a flirt. And a slut. Tatlong beses ko ng nahalikan ang taong hindi ko boyfriend at hindi ko mahal. Well our first kiss was more of a joke but still." sabi ko sa kaniya habang sabu-sabunot ko ang sarili kong buhok.

"May ordinansa ba na hindi ka pwedeng mahalikan ng hindi mo boyfriend? Kailangan ba lahat ng halikan mo eh mahal mo?"

"Well...yeah?"

"Wrong." Inilayo ko ang mukha ko sa kaniya nang gamitin niyang panduro sa mukha ko ang hawak niya na chips. Umusog pa ako hanggang nasa dulo na ako ng sofa na kinauupuan namin pero umusog lang siya palapit sa akin at inulit ang ginawa niya kanina. "Wrong."

"Okay?" I said, shooing her hand away.

Isinalpak niya ang potato chip sa bibig niya at ngumuya bago muling nagsalita, "You're a human and clearly he is too. Parehas kayong attracted sa isa't-isa. In the perfect world, you get to kiss your boyfriend whom you love too. Pero nasa realidad tayo. Sometimes things just happen. Hindi ka flirt or a slut. You're a woman who's attracted to a man."

"But I'm still in love with someone else-"

"May pag-asa pa ba kayo ng taong mahal mo?"

She hit a big nerve with that one. Pakiramdam ko ay hinila niya ang mga sinulid na nagdidikit sa mga sugat ko na hindi pa tuluyang sumasara. Dahil kahit ano pa ang nararamdaman ko ngayon sa mga nangyayari sa amin ni Archer, hindi no'n kayang itago ang katotohanan na hindi ko pa rin nagagawang kalimutan ang pagmamahal ko kay Mateo. "Wala na."

"And you don't love Archer?"

"No."

"But you kissed him. Repeatedly?"

"He kissed me-" Naputol ang sasabihin ko nang taasan niya ako ng kilay. "Whatever. We kissed each other."

"Have sex with him."

Laglag ang pangang napamulagat ako sa kaniya habang kaswal na pinagpatuloy niya ang pagkain niya na para bang wala siyang bomba na basta na lang binitiwan. And...and did she just advised me to...to... "Oh my God, Hera."

"What? You're attracted to him. At tanga na lang ang magsasabing wala siyang atraksyon na nararamdaman para sa'yo. So...have sex with him. Nang maitigil niyo na ang pagpapapatintero niyo."

"Sex is not a solution!"

"Well it is for me."

Muli akong nagulantang sa tinuran niya. Alam kong marami samin na mga agent ang naghihinala sa mga kilos niya lalo na nitong mga nakaraang araw pero hindi ko inaasahan ang pagiging kaswal lang niya tungkol sa bagay na iyon. I thought it was a big secret. Pero mukhang kahit wala siyang inaamin ay sa inaakto niya parang wala siyang pakielam kung mabulgr siya.

"Come on, girl. Aminin mo, Archer's a great catch. Ilang milyong babae ba ang gusto na mahawakan man lang ang kamay niya? Samantalang ikaw tatlong beses na siyang nahahalikan."

"But having sex just for attraction...that's a bit..."

"You're not ready to date him but you both can't keep your hands off each other. Ano pang solusyon ang hinahanap mo? Dahil ang isa pang option ay lumayo ka sa kaniya pero dahil nandito ka at pinoproblema mo 'to, obvious na ni-re-reject ng utak mo ang option na 'yon."

Hindi ko magawang makapagsalita sa sinabi niya dahil tama naman siya. Kung sa tingin kong dapat ko ng layuan si Archer hindi ko siya dapat kinakausap. Dapat alam ko na kaagad ang sagot. Pero nandito ako at binubulabog ko siya dahil gusto kong bigyan niya ako ng ibang solusyon sa problema ko.

Pero hindi ko lang magawang isipin kung bakit kay Archer pa? Sa mga naging boyfriend ko na minahal ko, bakit hindi ko sa kanila binigay ang bagay na ayaw kong bitawan noon? But why with Archer, I just can't hold on anymore. Like my entire being is telling me to let go.

"Aiere, hindi ka na bata. You have your own money, you can buy your own house if you want to, may trabaho ka, at tapos ka ng mag-aral. Walang maisusumbat sa'yo kung gagawin mo kung ano ang gusto mo. If you're just a teenager taken over by your hormones, I would tell you to go to your room, study, and get a life. But you're not." bumuntong-hininga siya at ikinumpas ang kamay niya na may hawak na potato chips. "If you're conservative, then just erase my advise from your memory. Hindi ako konserbatibo eh. Hold on to your purity, get married, and give that to your husband."

"Paano mong nalaman-"

"Obvious ineng." sabi niya at pinaikot pa ang mga mata. "Anyway, another advise from the liberated person that I am. Kung ano man ang gawin mo sa buhay mo hindi no'n mababago kung ano ka bilang tao. If you're conservative or you're liberated, either way that's not the basis if you're a good person or not. The problem with the world is that it's easy for people to judge. In general. Kahit sarili hindi pinapaligtas sa panghuhusga. The safe keeping of the planet does not depend if you're sexually active or not, if you're straight or not, if you have different opinions than the norm; it's all about handling consequences of your actions without compromising other people. If you're not hurting anyone, anong pakielam nila sa gusto mong gawin sa buhay mo?"

"You don't think I'm a slut?"

She burst out laughing by my question, "Uh no. Anong tawag sa akin kung gano'n ka nga? Goodness, Aiere. Ang problema lang sa'yo ay hindi sa concern ka sa iisipin ng ibang tao. Ang totoo masyado kang concern sa iisipin mo sa sarili mo. Pwede ba, stop being hard on yourself. You're not a slut, okay? You're just really attracted to this guy. And you like him. Kung may pag-asa sa inyo someday, that's good, make me your maid of honor. Kung wala then just have fun."

Narinig ko lahat ng sinabi niya. Naiintindihan ko kung anong gusto niyang ipunto. Pero saglit na naagaw ang atensyon ko ng huli niyang sinabi. All the agents, both men and women, tend to avoid that certain 'tradition'. "Gusto mong maging maid of honor?"

"Sure."

"Akala ko ayaw mo?"

May sumilay na ngiti sa labi niya. Ngiti na hindi umabot sa mga mata niya. I stared into her eyes, knowing exactly what the emotions dancing in there mean. "Mukhang totoo naman ang pamahiin. Malay mo mag work out sakin? You see, this guy I like, I want to keep him forever. Pero mukhang imposible eh."

Hindi ko magawang makaimik sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ay umaangat ang mga emosyon na ayoko na sanang maramdaman muna. Living with the pain of losing the person I love, it's like living with a chronic pain. It's painful and I'm used to it but it doesn't mean that I don't want it to be gone.

Kita sa mga mata ni Hera ang sakit. Kadalasan naitatago niya 'yon pero mukhang hindi niya kontrolado ang emosyon niya ngayon. She's hangover and probably not in her greatest self. Naiintindihan ko siya kasi ilang beses ba akong nagpanggap na okay lang ako? Ilang beses ba na mas inintindi ko ang problema ng iba dahil ayokong harapin ang sa akin?

"Hera, I'm sorry. Hindi na kita dapat ginulo."

"Nah, it's okay. Mabuti nga 'to nagagamitan kita ng mga words of wisdom ko. Minsan lang 'to kaya lubusin mo na."

Napapangiting napailing ako. Why don't I believe that? Dahil alam kong kahit guluhin ko siya ulit sa susunod na araw ay hindi niya naman ako pagsasaraduhan ng pinto. She's Athena's bestfriend for goodness sake. Si Athena na ata sa lahat ng taong nakilala ko ang may pinakamalaking sikreto na itinago at sa matagal pa na panahon. She wouldn't survive with her sanity intact if not for Hera.

"Thank you for listening sa mga sentimyento ko sa buhay. Pero sa tingin ko hindi pa ako handa sa mga bagay na lalong magpapagulo sa buhay naming dalawa."

Nagkibit-balikat siya at sumandal sa kinauupuan niya, "That's fine too. Whatever works for you. Basta tandaan mo lang na nandoon pa rin ang option na 'yon."

"Bad influence ka alam mo ba 'yon?"

Tinapik niya ako sa balikat bago nag-iinat na tumayo siya. "I learn about something that I want to live by nowadays. Carpe diem. Hindi mo alam kung hanggang kailan mo makakasama ang mga tao sa paligid mo. So live your life as if it's your last so you wouldn't regret anything."




BAHAGYA pa akong hinihingal dahil katatapos lang ng isa pang practice ng set pero dumiretso na ako kaagad sa Craige's habang bitbit ko ang nakabukas na tablet. Sarado kasi ang dining area sa ngayon dahil pinapaayos nina Dawn at Triton dahil dumadami narin kami sa headquarters. Kaya kahit may kalayuan ang Craige's at pagod na ako ay talagang tinakbo ko ang daan papunta roon. Kailangan ko ng pagkain kung gusto kong matapos ko ang kailangan kong tapusin. Pinagsasabay ko kasi ang pagpapractice at ang pag-aaral ng mission tungkol kay Archer pati na ang kasalukuyan kong mission sa mga Grekov.

Buti na lang hindi rin gano'n kadami ang kailangan kong kabisaduhing impormasyon tungkol sa mga Grekov kaya nakakaya ko pang pagsabayin. Lalo na at halos wala pa kaming nakukuhang mga detalye sa kaso ni Archer.

Nang magawa ko ng makarating sa Craige's ay hindi ko na ininda ang ilang mga taong papasok na sana roon at inunahan ko na sila. Sa labas pa lang kasi kita na ang pagkapuno ng restaurant. Iyon nga lang pagkapasok ko ay gusto ko na lang maglupasay nang makita kong puno na ang mga pwesto.

Itinaas ko ang mga kamay ko sa kisame at hindi ko ininda ang mga taong napapatingin sa ginagawa ko. "Lord, alam ko pong busy kayo pero paistorbo naman po saglit. Pahingi naman ng pwesto kasi talagang malapit na akong mangain ng tao sa sobra kong gutom."

"Kung sa kasing ganda mo lang, willing akong magpakain."

Nagbaba ako ng tingin sa lalaking nag-iisang umookupa sa pandalawang upuan. I looked at him in disgust and made a mental note to tell Dawn to never let him inside BHO CAMP again. Wala akong balak mag-aksaya ng enerhiyang makipagtalo sa kaniya kahit gusto ko siyang soplahin. Masyado akong busy para ro'n.

Iningusan ko siya bago ako nagpatuloy sa paghahanap ko ng mauupuan. Umalerto ang buong pagkatao ko nang mamataan ko ang isang babae na umalis na sa upuan kung saan nasa single seating booth section 'yon.

Kulang na lang ay talunan ko lahat ng lamesang madadaanan nang makita kong papalapit ro'n ang pamilyar na pigura ng pinsan ko na si Thunder. Kinipkip ko ang mga dala ko ng mahigpit sa katawan ko at parang competitor sa marathon na humahagibis kong tinakbo ang natitirang pagitan ko sa upuan. Pero mukhang hindi talaga nakatakda para sa akin ang manalo dahil nauunahan na ako ng lalaking walang kamalay-malay at kalmado lang sa paglapit sa upuan.

Pero wala akong balak magpatalo dahil talagang kumakalam na ang sikmura ko. Kaya bago pa tuluyang lumapat ang pang-upo niya sa upuan ay umangat na ang isa kong kamay at mabilis ko siyang itinulak. Lumikha ng malakas na ingay ang galabog na nagmula sa katawan niyang tumama sa lamesa kung saan siya napasubsob.

Ang kaninang maingay na kainan ay animo dinaanan ng mga banal na anghel dahil sa biglang pagtahimik ng paligid habang ang lahat ng atensyon ay nakatutok sa amin.

Dahan-dahang lumingon sa akin si Thunder na bakas sa mukha ang pagkagulat sa nangyari. "What the actual fuck-"

Alanganing nginitian ko siya at pilit na pinatamis 'yon na nilapitan ko siya at tinulungan siyang makatayo ng maayos. Pinagpag ko pa ang damit niya na parang may tinatanggal ro'n na imaginary na alikabok. "Ang gwapo mo ngayon kuya Thunder ah."

"Did you just embarrassed me in front of a lot of people?"

Sunod-sunod na umiling ako at tinapik-tapik ko pa ang balikat niya. "Ako? Hindi ah. Sinong people?" tanong ko pa at pinandilatan ko ang mga nanonood sa amin na kaagad namang nag-iwas ng tingin at bumalik sa pagkain nila.

"Aiere Roqas-"

"Kuya hindi masarap ang pagkain dito. Sa iba ka na lang kumain." putol ko sa kung ano pa ang sasabihin niya.

"At saan naman ako kakain? Alam mong sarado ang dining area."

"Sa Jollibee?"

"Sawa na ako do'n."

Kinagagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ko ang sarili ko na asarin siya. Pero gusto ko na talagang umupo at kumain dahil wala na akong energy para umorder at bumalik pa sa HQ. What I need is to sit down, study, and rest. Kailangan kong mag multi-task o mauubusan ako ng oras para sa lahat ng kailangan kong gawin.

"Sawa ka na sa Jollibee?" ulit ko sa sinabi ng lalaki.

Humalukipkip siya at pinaningkitan ako ng mga mata. "Oo. May problema?"

"Wala naman. Ang sad lang siguro para kay Hera. Mag-isa pa naman ngayon 'yon sa flat niya panigurado. Kahapon naman chips lang kinakain niya. Baka next time maghanap na lang 'yon ng taong magbibigay sa kaniya ng Jollibee-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tinalikuran niya na ako at sa malalaking hakbang ay lumabas ng lugar na 'yon. Ngingisi-ngising umupo ako sa bakante na ngayong upuan at nag peace sign pa ako sa lalaking naweweirduhang tinignan ako na siyang nakarinig sa pinagsasabi ko kay Thunder kanina. Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin at itinaas ko na lang ang kamay ko para tawagin ang isa sa mga junior agent na naka-duty ngayon.

"One special of the day, Ellaine. Saka bottomless na softdrink."

Napapakamot sa pisngi na tinignan ako ng babae, "Umm, Miss Aiere, bilin po kasi ni Mrs. Roqas na 'wag muna kayong bibigyan ng softdrinks o kahit na mga drinks na hindi natural. Tinignan niya kasi ang tabs niyong magkapatid dito sa Craige's pati na raw sa mga binili niyo sa DEN at ang dami niyo raw na unhealthy purchases."

Nanggigigil na ipinikit ko ang mga mata ko at nagbilang ng tatlo bago ko muling idinilat ang mga mata ko. Walang saysay na makipagtalo ako dahil mas makulit ang nanay ko kesa sa akin. Binigyan ko ng matalim na tingin ang katabi ko sa booth na lalaki na kaagad nagbaba ng tingin bago ako muling nagbaling kay Ellaine.

"Thanks, Ellaine. Water will be fine."

Mabilis na tumalilis ang babae at pumasok ng kusina. Nahahapong sumandal ako sa kinauupuan ko at inabot ko na ang tablet pc ko. Pero bago ko pa maituon do'n ng tuluyan ang atensyon ko ay naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam na para bang may nakatingin sa akin. Nilingon ko ang katabi ko at naningkit ang mga mata ko nang makita kong nasa akin na naman ang atensyon niya.

Pero bago pa ako makapagsalita ay may kamay na dumantay sa balikat ng lalaking tapos naman ng kumain. "Pre, kung ako sa'yo lalayo na ako. Marunong mambalibag ng tao 'yan kahit mas malaki sa kaniya."

Nakahinga ako ng maluwag nang pag-angat ko ng tingin ay naroon si Mackenzie na nasa lalaki ang atensyon na ngayon ay nagkukumahog na tumayo na. Kung hindi lang ako si Aiere Roqas na agent ay malamang nahintatakutan din ako kung lapitan ako ng taong kasing laki ni Mack

Umupo si Mack sa binakanteng upuan ng mausisang lalaki at kinindatan ako. Natatawang nagbaba ako ng tingin sa tablet ko at nagsimulang magbasa habang ang kalahati ng atenson ko ay nasa kaniya. "Thanks, Mack. I'm too stressed out to extend my patience."

"Napansin ko nga. Daig mo pa ang toro nang inatake mo si Thunder kanina eh."

Mukhang may madadagdag na naman sa pagtitripan ng mga agent. Hindi na ako magtataka kung na-I-record na ni Freezale ang sinapit ni Thunder kanina sa mga kamay ko at pinamumudmod na 'yon sa ibang mga kasamahan namin.

"Gutom na ako eh. Kahit siguro sa presidente ng Pilipinas makikipag-agawan ako ng puwesto kung kinakailangan."

Malakas na napatawa siya sa sinabi ko at naiiling na tumayo para tulungan si Ellaine na palapit na pala at dala ang order ko. Ibinaba niya 'yon sa harapan ko bago ibinigay na rin ang order niya sa babae. "O kumain ka na bago ka pa makipag-agawan sa kung sino mang parte ng gabinete ng Pilipinas."

Hindi na niya kailangan pang sabihin 'yon dahil nilantakan ko na ang pagkain ko habang nakatuon ang mga mata sa bukas kong tablet. Mabilis na sinuri ko ang nilalaman niyon habang ipinapasok ko lahat sa memorya ko ang mga impormasyong nakakalap ko.

Hindi naman na muling nagsalita pa si Mack at hinayaan na lang ako sa ginagawa ko. Pagkaraan ay dumating na rin ang pagkain niya at nagsimula siyang kumain habang ako naman ay nangangalahati na sa binabasa ko. Halos mag-i-isang oras siguro na pautal-utal ako sa pagkain habang nagbabasa bago ko nagawang tapusin ang mga iyon. At least I can enjoy the best part of the meal; the dessert. My mango sticky rice.

"Ang hirap palang mag-adulting. Pakiramdam ko sasabog ang utak ko." sabi ko kay Mack.

"Sanay naman kayong mga Elites sa ganiyan. Dawn saw some of the elites records before when I was in training. Isa sa mga iyon ang sa'yo. Hindi na nakakapagtaka na magagaling kayo dahil talaga namang may pagmamanahan."

Napatigil ako sa pagkain. Kahit kasi hindi namin aminin ng mga Elites sa isa't-isa ay alam kong isang malaking pressure sa amin ang reputasyon ng mga pamilya namin sa mundo ng mga secret agent. Ang hirap kasi nilang pantayan. Parang imposible. "We're not like them. Though I should just speak for myself. Hindi ako katulad ng mga magulang ko."

"Hindi mo naman kailangan maging katulad ng ibang tao para masabing magaling ka sa isang bagay. You have your own strength."

Bahagya kong inikot ang katawan ko para mapaharap sa kaniya habang hawak ko pa rin ang lalagyanan ng kinakain kong dessert. "Agent ka ba o psychologist?"

"Psychology graduate ako." natatawang sabi niya.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Tignan mo nga naman. Sa bulto ni Mackenzie parang hindi kapani-paniwala iyon. Pero knowing how gentle he is as a person siguro nga ay nababagay nga sa kaniya ang kursong 'yon.

"May girlfriend ka na Mack?" wala sa sariling tanong ko. Napaigtad ako at nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung anong maaari niyang isipin sa sinabi ko. "Wala akong ibig sabihin ha? Curious lang."

"Relax. Wala akong ibang iniisip. And to answer your question, wala akong girlfriend pero may nililigawan ako."

"Agent?"

"Yes. Kaya lang nagkukulong 'yon sa experiment department kaya malamang busy. Adik din kasi sa experiment department 'yon parang si Freezale."

"Hindi ka natatakot na baka magselos siya dahil kasama mo ako?" usisa ko pa.

Umiling siya, "Kilala niya naman ako. At ikaw naman kahit paano kilala na kita. Hindi niya kailangan magselos kasi gusto ko siya at ikaw naman may gustong iba."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Gusto kong itanggi ang sinabi niya pero walang salita ang nais kumalawa mula roon. Ipinilig ko ang ulo ko at humalukipkip ako. "Wag kang issue diyan."

"Bakit hindi ba totoo?"

"Wala akong gusto sa kahit na sino."

"Walang magseselos?" tanong niya pa.

"Wala talaga."

Umangat ang isa niyang kamay at sa pagtataka ko ay hinawi niya ang buhok na bahagyang tumatabing sa mukha ko. Hindi pa siya nakuntento at inilapit niya pa ang mukha niya sa akin na para bang may ibubulong.

Kumunot ang noo ko at bahagya akong lumayo sa kaniya pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa batok ko para mas lalo pang ilapit ang mukha ko sa kaniya. Kasabay ng pagkilos niyang iyon ay nakarinig ako ng galabog dahilan para mapalingon ako sa pinanggalingan ng ingay.

"Akala ko ba walang magseselos? Ba't parang meron?" Hindi ko na nagawang makapagsalita pa nang mamamataan ko ang papalayong pigura ni Archer. Kahit na nakatalikod na ay hindi ako maaaring magkamali na siya 'yon. "Nag walk out na ang inspirasyon mo."

Marahas na napatayo ako at hinablot ko ang tablet ko mula sa lamesa. Pero bago pa ako makaalis ay pinigilan ako sa kamay ni Mack.

"O sa'n ka pupunta?"

"Dadagdagan ang inspirasyon ko."

Halos takbuhin ko ang palabas ng Craige's para lang masundan si Archer. Mukhang papunta siya sa Villa niya at hindi sa HQ kaya tinahak ko and daan papunta roon pero nang makarating sa tapat ng tinutuluyan niya ay nakita kong nakapasok na siya ro'n at sarado na ang pintuan.

Pero imbis na imbis na umalis na lang ay naglakad pa rin ako palapit sa pintuan at nagpipindot ako sa keypad ng security lock niya. Alam kong hindi pa 'yon napapalitan at nakapasok na ako rito noon nang minsang i-prank ko siya.


Pabalabag na binuksan ko ang pintuan na siyang kinagulat nang papaakyat pa lang sa hagdanan na lalaki. Magkasalubong ang kilay na tinignan niya ako. "Anong ginagawa mo dito?"

Humakbang ako at pumasok sa loob ng villa niya at pagkatapos ay pininid ko pasara ang pintuan sa likuran ko. Inihagis ko sa sofa ang tablet ko na hindi inaalis ang tingin sa lalaki na madilim pa rin ang mukha.

"Aiere, I said what are you doing here?"

"May mission ako." mabilis na sabi ko. Bumadha ang pagtataka sa mukha ng lalaki kaya nagpatuloy ako. "You know, the stripper one. That's why I've been busy training with April, Amelia, and Mack-"

Muling dumilim ang mukha ng lalaki at pinutol ang sasabihin ko, "Wala akong kinalaman sa sinasabi mo. Hindi ko kailangan malaman kung gaano ka ka-busy kasama ang lalaking 'yon."

"Kailangan ko kasi ang tulong mo. Hindi kasi kaya ni Mack ibigay ang kailangan ko."

Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob sa mga sinasabi ko pero parang nawalan na ng kontrol ang bibig ko at basta na lang sinasabi lahat ng nasa utak ko. Pakiramdam ko sa mga oras na 'to ay daig ko pa ang nakainom ng maraming alak dahil wala na akong preno sa pagsasalita.

"Mali pala. Hindi talaga si Mack ang makakapagbigay ng kailangan ko."

"Aiere I'm too tired to solve your riddles-"

Muli akong humakbang palapit sa kaniya pero sa pagkakataong ito ay umangat na ang mga kamay ko at inalis ko ang suot ko na jacket. Bawat hakbang ko palapit sa kaniya ay isang piraso ng kasuotan ko ang nahuhulog sa sahig kasama ng iba pa.

Nang makarating ako sa harapan niya kung saan isang hakbang na tatapos sa distansiya sa pagitan namin ay ang natitirang suot ko na bralette na lang ang sunod na mapapabilang sa mga damit na nagkalat sa sahig.

"Kahit na sinong tao ang isipin ko bilang inspirasyon sa misyon namin, kahit si Mateo pa, ikaw pa rin ang pilit na sumisiksik sa utak ko. Your intrusion in my mind is frustrating when I don't need you to keep on popping inside my head, messing with what I need to do. So you need to take responsibility. Kung hindi ka lang din aalis sa utak ko, gawin mo ng totoo kung ano ang mga ginagawa mong panggugulo sa utak ko."

I know I sound crazy. I even look crazy. But at this moment I just don't care. Carpe diem. Wala na akong pakielam kung saan hahantong ang lahat. Wala na akong pakielam kung ano ang mangyayari sa kapayapaan na meron sa relasyon naming wala. Wala na akong pakielam kung ang salitang 'wala' sa pagitan namin ay magkaro'n ng 'baka'. I just need him.

I need him to be real.

"Take your last step."

The way he said those words, it was as is heat shot right through me, spreading all over me in a blazing wildfire. Walang makakapigil. Walang basta makakatupok.

"Aiere, take the last step."

Nang hindi ko magawang makakilos na para bang itinulos ako sa kinatatayuan ko ay pumalibot ang kamay niya sa kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. His other hand going around me, his fingers reaching for the clasp behind my back. And before I can even take another breath, I found myself standing in front of him...bared with nothing but a tiny piece of clothing on the lower part of my body.

He let the clothing his holding drop to the floor as he raise his hand and reached for the lock of my hair, tucking it at the back of my ears. "I'm taking responsibility, babe."



______________End of Chapter 13.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

23.4M 780K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
537K 26.8K 50
I always feel like I'm floating through life. There was nothing to hold me in one place, there's nothing that has enough weight for me to stay. Stil...
651K 28.9K 45
A night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pain, and even...love. Mali man o tama. B...
1.4M 45.3K 43
All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it...