Mine

By blazingpink__

29.6K 1K 420

"...because she's mine." More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53

CHAPTER 3

571 23 1
By blazingpink__

Vicky's POV

Kahit pa umiinit ang ulo ko ay hindi ako umabsent sa mga natitira naming classes. Pero yung Magdayao ang wala and I thank God for that.

Nakauwi na ko ngayon, at dumiretso na ko sa kwarto ko para magpahinga. Baka kasi makita nanaman ako ni Ate at utusan nanaman ako.

Hindi pa ko nakakahiga ay nabulabog na ko nang malakas na katok sa pinto.

Napakamot ako ng marahan sa ulo ko at pinagbuksan ng pinto ang kumakatok na alam ko naman kung sino.

"Ate ano ba?" naiirita kong sabi.

"Nagtext si mama--"

"Nagtext si mama ang sabi pumunta KA sa shop--" sabay turo ko sa kanya. "at hindi AKO." turo ko din sa sarili ko.

Tinaasan niya ko ng kilay at nagcross arms pa sa harapan ko.

"Masyado kang advance mag isip. Ang sabi ni mama, magbihis ka daw at sumunod tayo sa kanila sa resto." at inirapan niya ko.

Napangiwi nalang ako atsaka nagkamot nang ulo. Pasensya naman, masyado na kasi mabili mga paganyan niya kaya di din naman mawawala sakin ang pagdudahan siya.

Isinara ko nalang ang pinto at nahiga muna.

*bzzzt bzzzt bzzzt*

Agad kong inabot ang cellphone ko at meron akong message galing kay Kaye.

From: Kaye
Vicky, nakauwi ka na ba?

Napanguso ako.

To: Kaye
Oo Kaye. Nakauwi na ko. :)

She immediately replied.

From: Kaye
Are you alright?

Napangiti ako. This is what I need right now. Someone who knew what I'm going through and someone who could ask me if I'm ok.

To: Kaye
I'm feeling a little ok. :)

Pinatong ko muna cellphone ko sa gilid nang lampshade at nagbihis na tulad ng sabi ni Ate. Sumunod daw kami kina mama sa resto eh. Wag niya lang ako mabudol-budol ngayon dahil wala ako sa mood. -_-

Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko uli phone ko to check if there was a message.

From: Kaye
I wanted to hear you become better. Pero dahil mukhang di ka pa nga ganun ka ok, take a rest nalang muna. See you tomorrow.

Napangiti nalang akong muli. I was about to compose a message when she messaged me again.

From: Kaye
And don't forget to run to me if you wanted someone to lean on. You can count on me. :*

Nakahinga ako with ease. Pakiramdam ko nabawasan yung supot sa paghinga ko. Thank God I have Kaye now and I'm happy that she's willing to listen to me.

"VICKY! BILISAN MO!"

Pinasok ko nalang muna sa shoulder bag ko ang cellphone ko saka lumabas na nang kwarto.

"Coming!" I shouted back.

"Ba't ang tagal mo?" pagrereklamo niya habang pababa ako ng hagdan.

"Parang ilang minuto lang, matagal na?"

"Malamang. Tumatakbo ang oras eh." nakataas kilay niyang sabi.

Tss. Di ko muna siya papatulan ngayon, wala parin kasi ako totally sa mood ko. "Tara na. Baka naiinip na sina mama." at nauna na itong maglakad sakin.

Nagtaxi lang kaming dalawa ni Ate papunta sa resto kung san naghihintay si Mama at Papa. Wala naman kasi kaming sariling kotse, dahil si papa lang meron. At ginamit nilang dalawa ni mama yun.

Nang makarating na kami ay tinext ni Ate si mama na nasa labas kami.

"Mag-antay lang daw muna tayo." biglang sabi ni Ate habang kinakalikot cellphone niya.

"Ano daw ba meron?" tanong ko sa kanya.

"Family dinner ata kasama yung pamilya ng magiging kasusyo ni papa sa negosyo." napanguso ako.

May negosyo din kasi papa ko. At yun din ang pinagkakakitaan niya ngayon. He owes a furniture company. Di naman ganun ka laki talaga ang kompanya niya at di ganun kakilala. Bale kumbaga, rookie palang siya sa mundo ng business.

"Eh bakit may pa family dinner pa? Hindi naman requisite yun ah?"

"Malaking deal daw toh dahil malaking kompanya ang magiinvest kay papa. At dahil prestihiyuso itong magiging kasusyo niya ay gusto nitong makilala ang buong pamilya natin. Para malaman mga background natin personally."

Grabe. Para namang sinasabi niyang di maaasahan si papa at ang kompanya niya at first sight.

"Don't misunderstood it. Kapag negosyante ka, kailangan mo maging praktikal. Lalo na sa mga taong aasahan mo ng pera mo."

Mukhang nabasa niya yung expression ko ah? Hehe. Binigyan ko ng mapanuksong tingin si Ate. Minsan talaga ganito siya kaayos makipag-usap sakin, and I like it.

"Oh? Ba't ganyan ka makatingin?" she wondered.

"Wala naman. Minsan lang kasi kita nakakausap ng ganito kaayos." sabay half smile ko para tukso-tuksuhin siya.

Kasi sa totoo lang, mas madalang kaming mag usap ng maayos keysa sa bulyawan. Alam niyo yun? Yung walang araw na di siya sumisigaw o nagagalit. Ang bata niya pa para tumanda kasi panay kunot yung noo niya.

Fourth year college palang kasi si Ate ngayon pero akala ng iba graduate na siya. Tumatanda kasi ng mabilis dahil madalas magalit.

"Tsk. Ikaw nga jan ang minsan ko lang makausap ng maayos." sabay irap niya sakin.

"Oh. Palabas na daw si mama para sunduin tayo. Kaya ayusin mo na sarili mo." inayos-ayos ko naman ang sarili ko.

Hanggang sa bigla nalang dumating si mama. Pero bago kami pumasok ay may mga sinabi pa ito.

"Mga anak, makinig kayo sakin. Malaking deal para sa papa niyo ito, so just this once, be more formal and proper. Ok?" tumango-tango lang kami ni Ate. Maaasahan niya naman kami jan eh.

Nginitian kami ni mama atsaka ay inaya na papasok sa loob.

Sabay kaming pumasok, at namangha ako sa ganda ng restaurant na ito. Halata talagang para ito sa mga sopistikadang mga tao, at yung mga mayayaman talagang tunay. Yung mga taong lumaki with a golden spoon in their mouths. Alam niyo yun?

Tumungo kami sa isang table kung na pabilog. Nandoon si Papa, at nakita ko siyang agad habang palapit palang kami dahil nakaharap ito sa gawi namin. Naabutan namin siyang kasama sa misa nang isang lalaking in suit and a woman in a very beautiful mini dress. I think she's in her 30's or 40's. But hell, she's stunning.

Bago kami umupo ay tumayo muna kami ni Ate dito sa gilid para bumati.

"Good evening po, ma'am---sir." isa isa naming sabi ni Ate.

"Wow. You have two beautiful daughters." ani nung men in suit that I think was the same age with the woman next to him Isang awkward namang ngiti ang nabagsak ko. Ampupu. I'm not really use to this kinds of events.

"By the way I am Mr. Fedil, but you can call me tito Fedil." nakangiti nitong sabi then nakigpag shake hand kami sa kanya. "And this is my wife, Liezel." pagpapakilala niya sa babaeng katabi niya.

"And you can also call me tita Liz." nakipag shake hand din kami sa kanya. Ghad she's so pretty.

"Take your seats na mga hija." ani ni tita Liz. Tumango naman kami ni Ate nang nakangiti at may pa thank you pa saka naupo na.

"Eh teka nga Wilbert. Diba apat anak mo? Asan na nga pala ang dalawa?" tanong bigla ni tito Fedil.

"Yung dalawa kong panganay Sir, nagtatrabaho na. Yung lalaki kong si Vince, nasa London. He's an engineer in a cruise ship there. Yung babae ko namang si Violet, ay stay in sa korea ngayon and she's a flight attendant." tumango-tango naman si tito Fedil nang namamangha pa.

Yung panganay pala namin ay hindi lang si kuya, kundi pati na rin ang isa pa sa aming apat. Si Ate. They're twins obviously. hehehe.

"That's good for you. Having offsprings that are successful now. Well how about these two young ladies?" at samin naman siya bumaling ngayon. Napatingin kami ng sabay ni Ate. Habang ako ay makailang beses nang lumunok, si Ate naman naka chin up pang nakatingin kay tito Fedil nang may ngiti sa labi.

I envy her confidence infront of very professional people. Huhu.

"I am also taking up tourism flight attendant just like our Ate Violet po." she answered confidently. Ngumiti si tito at doon na rin siya bumaling sakin.

Medyo na stuck pa ko pero kinompose ko na rin sarili ko. Geez. Para akong nasabak sa isang competition ah? Ba't ganito kaba ko? Huy, Vicky kumalma ka.

Phew~

"I am taking up Business Administration po, major in finance."

"ow~ BSBA. Same course pala kayo ng anak ko." pagbida niya bigla. Wow. BSBA din anak niya? Well, business related sila eh. So di na rin pala nakakabigla yun.

"By the way, kumain muna tayo. Ayoko kayo gutumin." natatawang sabi ni tito Fedil.

Nagsimula na kaming kumain. Di din naman nawala ang pag-uusap habang kumakain, kaya tahimik lang kami ni Ate. It's just between Papa and Tito Fedil. Tas si mama naman at si Tita Liz. I'm wondering--si papa lang saka si tito ang magkasusyo, how come mama seems to be close to tita Liz?

"Ah oo. Nagbebake din yan si Vicky." agad naman ako napabaling kanila mama ng madinig ko pangalan ko. At nakatingin na silang dalawa ngayon sakin.

"Yung order niyo ngang banana cupcake na nagustuhan nung bunso niyo, ay gawa niya." ngumiti naman sakin si tita Liz so I smiled back.

Ang awkward ko talaga *sampal noo*

"May talent din pala sa pastry itong bunso niyo." puri sakin ni tita kaya medyo nahiya pa ko.

"You know what hija, yung little girl namin sa bahay is really fond of your banana cupcake." lalo pa kong nahiya kaya napahagod ako sa batok ko.

"You're a great baker."

"Naku..thank you po." medyo nag bow pa ko.

So that explains why they seem to know each other, dahil omoorder pala si Tita Liz kay mama? Ow-k.

Nagpatuloy lang silang lahat sa pag-uusap nila, lalo na sina papa at tito Fedil, saka si mama at tita Liz. Paglingon ko naman kay Ate, ay may pinagkakaabalahan din siya. Kinakalikot niya cellphone niya ngayon.

Nilabas ko nalang din cellphone ko at nag surfing muna.

"Excuse me. I'll just take this call." paalam ni tita Liz saka lumabas saglit.

Ako naman ay nakaramdam ng pagkaihi kaya ay nagpaalam din akong mag c-cr lang ako.

Nahirapan pa ko maghanap ng cr kaya medyo nawala ako. Buti nalang may nasalubong akong waiter at nagtanong ako. Tinuro niya naman kaya dali-dali akong tumungo doon at pumasok agad sa empty cubicle.

After ko mag release--nang ihi ha? Hahaha---ay lumabas na ko at nag hugas muna ng kamay saka nag-ayos kaunti.

Pagkatapos bumalik na uli ako doon sa table namin. Habang naglalakad ako pabalik, ay may isang pamilyar na mukha akong naaaninag na nakaharap ngayon sa gawi ko. Nang medyo malapit na ako sa table kung saan ko nakikita ang isang pamilyar na mukha, ay doon ko ito na aninag at agad nanlaki mga mata ko ng makita siya.

Putek! Ba't siya andito?

Napatigil ako nang mapatingin ito sakin. Nagtagpo din mga kilay niya ng makita ako katulad nang sakin ng makita ko siya.

Shet. Ba't andito ako? Wrong table.

I turned back to go the other way para puntahan pwesto namin nang bigla ko marinig boses ni mama.

"Nak pa san ka?" agad akong lumingon. And hell, I'm not in the wrong table. Dito kami. But wait....with that guy?!

With that----argh! Bakit?

***

Charles' POV

.

I drive home after kong mapagod kakabilliard. I really had such a bad day kaya di na ko nag-aksaya pang bumalik sa school.

What happened in the caf is just pissing the hell out of me. Hanggang ngayon nasa utak ko pa rin yun, at talagang gustong gusto ko na gumanti, fvck!

Napahigpit ang hawak ko sa manebela sabay nilabas phone ko. Sinaksak ko na din earplugs sa tenga ko at dinial number ni mommy.

[Hello anak?]

"Hey mom. Pauwi na ko. Nasa bahay ba kayo?"

[Naku anak..we're out.]

Tss. Usual. -_- ba't ba di na ko nasanay?

"ow. Pero nagluto ba si manang? I haven't eaten yet and I'm hungry." sabay ikot ko ng manebela.

[Oo anak nagluto siya. Pero kung gusto mo, sumunod ka nalang dito sa resto kung san kami nakipagmeet ng daddy mo sa magiging kasusyo niya.]

Geez. I hate business dinners.

"Asan ba kayo?"

[Nasa Puerto Resto kami.]

Nadaanan ko na.

"Oh really? Nadaanan ko na pala."

[oh sakto. Halika na dito at sabayan mo kami.]

Though I hate business dinners, hindi na ko hihindi dahil gutom na ko at malapit lang naman.

"Ok. I'm coming." at binaba ko na ang tawag. Bumalik naman akong agad kung saan ko nadaanan yung Puerto Resto.

Pagdating ko I parked my car and go inside. Di na din naman ako nahirapan hanapin sila dahil agad ako nakita ni mommy pagkapasok ko.

"Nga pala, this is my son, Charles." pagpapakilala sakin ni Daddy nang nasa harap na ko ng table nila.

May kasama silang mag-asawa at isang babaeng parang anak nung mag asawa. Ngumiti naman ako saka nag bow bow nang kaunti at naupo katabi ni Daddy.

"Anak. Help yourself." yeah I know.

Di na ko sumagot kay mommy saka nagsimula na kumain.

Pero napatigil lang ako ng may mapansin akong babaeng nakatayo sa harap ng table namin. I turned to her and just to see a familiar face that suddenly pissed the hell out of me. It was the girl from school, ang babaeng sumira sa araw ko. Nakatingin ito sakin at nangunot ang noo ko. Kumunot din naman ang noo niya pero umirap din siyang agad saka tumalikod.

What is that girl doing here?

"Nak pa san ka?" bigla namang tawag sa kanya ng katabi ni mommy. Lalo nangunot ang noo ko pagbaling ko sa tumawag sa kanya saka ay bumaling din ako agad sa kanya at nakatingin na uli siya sa table namin.

What? Anak?

Anak niya ang walang modong Vicky na yan?

***

Vicky's POV

.

Marking this day as my worst day of this month. Ghad. May mas woworst pa ba sa pakikipagsagutan sa caf na nakwelyuhan pa sa harap ng maraming tao at pagkatapos ay kakain sa resto na katabi pa itong nakaaway at nangwelyo? Ampupu, mas malala toh! Because heller, I never have imagined na siya pala ang BSBA na anak ni Tita Liz. -_-

"hmpf. So you're also that stupid cashier?" bigla nitong bulong sakin kaya't binalingan ko siyang agad nang nangungunot ang noo.

Narinig kasi niya naging pag-uusap nina mama at tita Liz tungkol sa inoorder na cupcakes ni tita samin. At nalaman niyang kami may ari nang Eros' sweet shop.

"Wag mo ko kinakausap." bulong ko din sa kanya. Buti busy sa pakikipag usap mga nasa table na toh.

"Tss. You are conversing, because you're also talking back."

Naparoll eyes nalang ako at di na siya pinansin.

"I'm still not done with you freak. Ang laki ng atraso mo sakin ngayong araw." binalingan ko siya nang nanggagalaiti.

"At sa tingin mo tapos na rin ako sayo? Mas malaki atraso mo sakin, dalawang araw na." I responded nang pabulong pa din.

Hanggang sa nang mapabaling ako kay Ate ay nadatnan ko siyang inoobserbahan kami. Mukhang napapansin niya bulungan namin. Binigyan ko siya ng isang awkward na ngiti atsaka nag excuse muna para makaiwas sa tanong.

Nagpaalam akong lalabas lang muna ako kasi may tatawagan ako. Pero syempre alibi ko lang yun. Ayoko makita pagmumukha nang Charles Kiefer na yun. Sinisira niya pati gabi ko.

Naupo ako dito sa may mga mini tables sa labasan ng resto. Nagfacebook-facebook muna ako hanggang sa bigla nalang may humablot sa cellphone ko.

"HUUUUY---ikaw nanaman?!" duro duro ko sa kanya.

"Akin na nga yan!" pang aagaw ko sa cellphone ko pero itinaas niya lang lalo kaya di ko na maabot.

"Ano ba!" I hissed sabay padyak pa.

"What's your deal freak?" he suddenly asked. Nangunot nanaman noo ko.

"Stop calling me freak. Sating dalawa, ikaw ang mas freak! Kaya bigay mo na sakin cellphone ko, and get the hell out of my sight Kiefer!"

Agad kong hinablot ang cellphone ko cause I got the chance to.

Aalis na sana ako non nang hilahin niya nanaman ako.

"Aray---"

"Kahit kailan talaga wala kang modo." panggagalaiti niya. "Pinahiya mo ko kanina sa harap ng maraming tao. Hindi ka manlang ba mag sosorry?" dugtong pa nito.

Tinulak ko naman siya ng malakas. Anong sorry pinagsasabi niya?

"Ikaw ang walang modo! Walang respeto! At para sabihin ko sayo, ako ang napahiya hindi ikaw! Ikaw nga dapat ang humingi ng pasensya sakin eh! Kaya lubayan mo ko!" sigawan ko at tinulak siyang muli.

Tumakbo na ko agad para di na niya ko maabutan, tapos nagpara ako ng taxi at dumiretso na pauwi.

Nagtext nalang ako kanila mama na sumama pakiramdam ko. At pasensya kamo kanila Tito Fedil at Tita Liz dahil di ako nakapagpaalam ng maayos.

Nagtanong pa daw sina tita at tito kung bakit sumama bigla pakiramdam ko. Hays. Kung alam lang nila. Kung alam lang nila na anak nila may dahilan.

Ayst! Bakit kasi siya ang anak nina Tito Fedil at Tita Liz? Ang dami diyang mababait na mga bata kung ikukumpara sa kanya na parang walang minanang kabaitan sa mga magulang niya. Tss.

Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso akong agad papasok papunta sa kwarto ko.

I swam on my bed at doon ipinutok lahat ng inis na umakyat na sa ulo ko.

I hate that guy! I super hate him! Gusto ko nang lumipat ng school!

"HELL!" i shouted sabay hagis nang unan ko. Saktong pagtama nito sa bintana ay ang pag ring naman ng phone ko.

Nilabas ko agad ito to see that I'm currently having an incoming call from Kaye.

I immediately answered.

"Hello Kaye?"

[Hey Vi! What's up?]

Napangiwi ako nang maalala kong hinihintay pala ni Kaye na sabihin ko sa kanyang ok na ako to make her feel at ease. Pero pano ba yan? Mukhang nadagdagan nanaman at mas lalo lang akong hindi naging ok.

Just imagine. 2 days of school palang and I already want to finish the school year na at lumipat nalang ng school. -_-

[Hey Vi.]

Nabalik ako sa ulirat ko.

"Sorry Kaye. I'm just so tired today kaya lutang pa ko."

[ow. Sorry about that. You're maybe not in the mood pa rin siguro.]

Napanguso ako. At mukhang isang buong gabi akong wala sa mood nito.

[Well anyway. I'll call you some other time nalang. Or pwede ring bukas nalang tayo mag-usap sa school. That'll be much better right?]

"H-Ha? O-Ok lang naman ako makausap eh. May gusto ka ba sabihin?"

[Wala naman. I just called to check on you. At dahil alam ko naman what you're feeling today I'll let you take a rest nalang muna.]

Napangiti nalang ako when I felt that she also smiled while saying it. Hays~ just so happy to have someone who I could talk to.

"Ok. Thank you for your concern, Kaye. I appreciate it so much."

[Hehe. You know naman. Building friendship also starts with being with one another when the other one of us needs help.]

I smiled again.

"I really Thank you."

[You're always welcome. Sige na. Hang up na ko. Bye Vi.]

"Byieee."

Napatitig ako sa cellphone ko as the call ended. She's just so kind. And I would feel very lucky to have her as my best bud.

Pabagsak akong humilata sa kama at nagbuntong hininga.

***

Charles' POV

.

"I have already talk to the hotel's manager about the reservation for that. So no need to rush things out, it's all under control." bumaling ako kay daddy who's the ones driving at this moment.

"Well I have signed the papers for the permission of that event already. Crew teams nalang ang kulang to start the preparation. And I would like to assign you to that field." --and I turned to my mom.

You might think they are both talking to each other, but certainly not. They both have their earphones plugs on their ears taking both their business phone calls. This is what conversation means within the family who has business involvement. Basic daily life, what's so new anyway?

Bumaling nalang ako sa bintana ng kotse nang bigla ko nanaman naalala yung freak na yun. Talagang sinira niya not just half of my day but also my night. Why would I have to see that girl, di tuloy ako nakakain ng maayos. Tsk.

"CK. Did you left your car's key inside?"

"Yeah." I answered nang hindi nakatingin.

"Ow ok----hello? Nasa loob ng kotse kaya unlock yan." balik ni mommy sa kausap niya.

She maybe called butler Ryan to get my car. Gusto kasi nila sumabay na ko sa kanila, kaya pinaiwan nila sasakyan ko sa parking area ng Puerto Resto. Baka daw kasi maggagala nanaman daw ako ng hindi nagpapaalam.

What ever.

Pagkadating sa bahay ay nauna na kong lumabas ng kotse sa kanila. They're still discussing on something regarding their business tours.

Bahala sila mag-usap diyan buong magdamag.

Pagkapasok ko ay umakyat agad ako.

"Ck." napatigil naman ako sa kalagitnaan ng hagdanan.

"Let's talk." tumaas ang kilay ko at dahan dahan siyang nilingon.

"What now?" walang gana kong tanong dito.

"I don't talk to someone that way. Bumaba ka." I gritted my teeth.

What is seriously wrong with this guy?

Annoyance is all over my face now and he's causing it.

Naglakad na siya papunta sa living room.

"I'm not in the mood." he stopped and slowly turned to face me.

"I'm also not in the mood. But I'm still compose just to talk to you."

I slightly laugh. I'm starting to puzzle why he's really insisting to talk to me.

"Now come down. We should settle what happened to you earlier at the caf."

--and it's puzzled.

"Nanaman?" I ask while smirking. "Like I said, I'm not at fault. I'm clean so you don't need to talk to me about that. Kung talagang atat ka malaman kung anong nangyari kanina, tanungin mo yung walang modong babaeng nagsimula ng lahat." and I was about to step when he stop me again.

"Watch your words, CK. That's the thing with you. Your words are causing you so much troubles. Can you stay away from that for awhile? Ako pagod na ko makiusap sa dean about all your problems at school. I would be graduating this year, and you're still a freshmen, alam mo yan. I would be out of school and you will still going for 3 years pa at kung wala ako don who would fix all your concerns?" galit na galit ito. At makikita mo iyon mismo sa mukha niya at sa mga gestures niya. I know him. Because I use to be close to him, so I know him.

I laughed at mas lalong nangunot ang noo niya.

"Don't filter it. I know you're not really concern about my troubles because of me." I paused and gave him a smirk. "I know you're fixing it all because you're afraid you might lose your position because of it."

Kahit pa nandito ako sa taas at nasa baba siya ay nakikita ko parin ang galit sa mukha niya.

"Just correct me if my wrong---Kuya." and I turn back at him and went straight to my room.

Yes you heard me. That guy just now, is my older brother. He's 4 years older than me, yet he's like 10 years older. We both go in the same school obviously and he's taking up engineering that is why he has one other year to spend in school. Siya rin yung nag interrupt sa caf kanina at yung nag asked sakin to explain my side. Wanna know why? He is the University Student Government's President, and it's his duty to respond to every concerns of students blah blah blah~ now you know.

And I hate him. -_-

***

Vicky's POV

.

Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko at nagmimidnight snack. Para kasing natunaw mga kinain ko sa resto kanina, lalo pa't kunti lang naman ang nakain ko. Kasalan nang Charles Kiefer na yun eh! Nawalan ako ng gana ng dahil sa kanya. Tss. -_-

Di pa din pala nakakadating sina mama. Hindi ko nga alam anong oras sila uuwi eh. Hays. I'm so bored right now. It's pass 9 na kasi at tulog na rin si Kaye kaya naman di ko na rin siya makausap. Syesta niya kasi is 9 to 9:30. Kaya malamang sa mga oras na toh tulog mantika na yun.

At dahil bored na bored ako ngayon, ay nag ML nalang ako. Hindi naman talaga ako mahilig neto, pero gusto ko lang talaga madinig yung, 'You have slayed an enemy!' Adik diba? Haha.

Mga tatlong game ang lumipas hanggang sa madinig ko na ang busina mula sa labas ng bahay. Dali dali akong tumayo mula sa kama ko at sumilip muna sa bintana. At doon ay nakita kong lumalabas si Ate mula sa kotse para buksan ang gate.

Agad naman akong lumabas ng kwarto ko at bumaba para pagbuksan sila.

"Oh? Gising ka pa?" gulat na tanong ni ate nang makita niya ko.

"Tulog ako. Nagsesleep walk lang ako kaya ko kayo pinagbubuksan ngayon." naningkit mga mata niya at sakto namang pagkabukas ng gate ay agad akong binatukan nito.

"Aray!" hiyaw ko at kinunotan siya ng noo. Inirapan lang naman ako nito saka pumasok na sa loob.

"Pumasok ka na rin 'nak. Kami nalang ng papa mo magsasara ng gate." pagsasalita naman ni mula sa loob ng kotse.

"Matulog ka na rin Vivi girl. Gabi na may pasok ka pa bukas." dugtong naman ni papa.

Napanguso lang ako nang may pagngiwi at tumango nalang din.

"Goodnight po in advance~" tapos nagflying kiss ako sa kanila at tumakbo na papasok ng bahay hanggang paakyat ng kwarto ko.

Nagsara na ko ng pinto, mga kurtina ng bintana ko at nahiga na sa kama ko. Ready to sleep na ko ng bigla nalang sumulpot si Ate kaya napahiyaw ako sa pagkabigla.

"Matutulog ka na pala, ba't di mo manlang ni lock pinto mo?" ani nito at dire-diretso itong pumasok.

"Eh ikaw? Ba't di ka manlang kumatok?" hindi niya 'ko pinansin at nagsimula na siyang mangalkal sa bookshelf ko.

"Saka ano ba ginagawa mo dito?" nakakunot noo kong tanong sabay upo ng maayos at sinilip ginagawa niya.

"Huy--"

"Kalma lang. Bond paper lang kinuha ko." sabay pakita niya rito. Teka pano niya nalaman na meron ako niyan diyan?

"And don't worry, di ko nakita mga porn books mo." sabay nag smirk ito.

Nginiwian ko lang siya. "Kung meron sana." sabay irap ko.

"Nga pala. What's your relationship with Mr. and Mrs. Magdayao's son?" nanlaki ang mga mata ko as I turned to face her.

"H-ha? Anong relasyon pinagsasabi mo?" tumaas naman daw bigla kilay niya.

"Wala pa nga akong sinasabing relasyon, nagtatanong nga ako kung ano diba? Advance ka talaga mag-isip." pinaningkitan ko siya ng mata.

"Wala. Kaklase ko lang yun."

Napanguso siya at ilang beses nagkurap ng mata.

"Magkaklase pala kayo, but you both seemed to be distant from each other. Are you enemies for some reason?" nanlaki nanaman ang mga mata ko.

I am not actually a secretive person and I always use to tell them about school but now's different I guess. Lalo pa't napapatrouble ako nang dahil sa lalaking yun, so I can't tell ate because she'll surely tell mama and papa. At ayoko mag-alala sila sa kalagayan ko, mas advance pa naman mag isip mga matatanda.

"Second day of school palang. Malamang, di pa kami ganun ka close." she raise a brow again kaya naman ay napangiwi ako.

"Ayaw maniwala?" naniningkit mata kong ani rito.

"Eh bakit inabot ng ilang seconds bago sumagot?" pananarkastiko niya sakin. "Naku. Kung alam ko lang. Baka naman may tinatago kayong dalawa." mapanukso niyang sabi habang naglalakad palabas. Then she stop by the doorstep.

"Pag nalaman ko yan, alam mo na yun." turo turo niya pa.

"Heh!!" at binato ko ito ng unan. Pero dahil mabilis niyang nasara ang pinto ay doon ito tumama.

Psh.

Padabog akong nahiga at binalutan ko ng comforter ang sarili ko. Itutulog ko nalang toh.

.

Kinabukasan. It's wednesday today and another day of meeting new sets of teachers. Iba iba kasi teachers namin every MWF and TTH. And since last monday, there is no class ngayon palang namin mamemeet mga MWF teachers namin.

I just hope kahit na sa isang subject lang ay hindi kami mag kaklase ni Charles. Kahit isa lang. Para naman makapagpahinga mga mata at ulo ko. Alam niyo na. Nakikita siya ng mata ko na nagko'cause para uminit ang ulo ko.

As I enter our classroom, ay agad uli akong tinawag ni Kaye dahil kinuha niya nanaman ako ng seat. She's always early ha.

"Mornin'." she greeted as I sat down.

"Good morning din." I replied with a smile and so she laugh.

"Well anyway. About yesternight. I'm really sorry I must have bothered you." napanguso naman ako.

"Uy hindi ah." agad kong sabi. Kasi hindi naman talaga eh. It's just that, nag pop up lang sakin yung about sa sinabi niyang to tell her I am better and about sa nangyari kagabi.

"Are you sure? Para kasing wala ka sa mood kagabi. Napaalala ko ata kasi sayo yung nangyari sa caf eh." nakanguso pa ito habang sinasabi niya yun, and she's so cute.

"No it's ok. Kahit naman di mo ipaalala, there will really come some time na maaalala ko yun."

Sino nga ba naman kasi makakalimot non? It's just embarrassing to look powerless and stupid infront of so many people. And that's one big commotion yesterday. One thing, kahapon lang nangyari yun so medyo fresh pa.

"So? You wanna grab a bite mamaya after class?" napatingin ako sa kanya and a big smile plastered my face.

"Sure." galak kong sabi.

"Ok then. My treat."

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napailing with hand gestures pa.

"No no. Ako na sakin."

"No I insist. Let me treat you. It is my way of consoling you." sabay ngiti nito sakin.

Napatitig lang naman ako sa kanya and found myself slowly smiling. I wish all people are like her. We just met day 1 out of my 3 days here, and hindi pa kami ganun katagal na magkakilala but she's been so good to me at ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Ok then. Mapilit ka eh." natatawa kong sabi. Natawa nalang din naman siya hanggang sa bigla nalang may pumasok na sa classroom, and bet it's our teacher.

"Good morning class." she greeted with a big smile on her face. And so we greet her back.

"Ok. So today I will be your religious study teacher. Bless you all." at pinagdaop niya ang magkabila niyang palad saka yumuko kaunti. And we did the same.

Nabanggit kasi sakin ni Kuya, na ganito daw yung mga religious teachers dito. They're use to say 'bless you all' with a gesture so students are expected to respond 'bless you too' with the gesture.

"Before we start the class, let's pray first."

Lahat ay sabay-sabay na yumuko as our teacher started to pray. After the prayer ay nagsulat si Miss sa board. Ako naman ay kinuha ang pagkakataon na iroam around ang paningin ko.

I am looking if there were traces of Charles Kiefer Magdayao around, if you know what I mean.

"Ok so I am Miss Aiyena everyone." pagkuha ni miss sa atensyon naman kung kaya't napabaling din kaming lahat sa kanya. "But you can call me Miss Ai for short." dugtong nito sa sinabi niya.

"I am now 30 years of age. Married and currently a mother of two." nakapamulsa ito ngayong naglalakad back and forth sa harapan.

I might guess this teacher is secretly strict. Yung tipong not visible, kasi lumalabas lang.

"Yesterday you already have your classes for your TTH subjects and I guess you all got the chance to get to know each other already, so for my class today we will not hold any introduction. Since this is only a 1 hour class, let's make the most out of it."

--means, classes starts now. Dapat kabisa niyo na teachers niyo. Hmpf.

"I would be providing a book for you next week, so no need to worry. We'll only tackle about the coverage and introduction of this subject." ani nito habang naglalabas ng mga gamit mula sa suit case niyang dala-dala.

Ako naman ay naglabas na rin ng notepad to take notes incase. Medyo mabilis pa naman ako makalimot.

Habang abala ang lahat, including si miss na nagpeprepare ng power point presentation niya ay bigla namang may pumasok sa pinto. Lahat ng atensyon ay na shift papunta doon.

"Good morning Miss. Sorry I'm late."

Di ko pa man din nakikita ng lubusan ang biglaang pumasok, ay uminit na ang ulo ko pagkadinig ko palang ng boses niya.

"You're lucky it's our first meeting and you're also lucky I know you. Take your seat now Mr. Magdayao."

"Thank you Miss."

Sinundan ko siya ng tingin na ngayon ay patungo na sa likuran. Mag-isa lang siya. Mukhang nagscattered na sila ng mga kasamahan niyang kampon din ni satanas. Well, minor subject toh like what Miss G said, may probability na magkaron kami ng irregular classes for minor subjects. At mukhang nagsimula sa kanilang magtropa.

Tss. Hinayupak na yan, akala ko naman magiging relaxing ang subject na toh sakin dahil sa akalang wala siya, plus pa syempreng religious subject toh. Dedemonyohin nanaman ba ako nito hanggang dito? Hayst!

Umirap nalang ako sa kawalan at nag pay attention na kay miss dahil nagsisimula na ito sa kanyang lesson.

An hour and 45 minutes passed, 15 minutes before dismissal ay tinigil na ni miss ang discussion niya.

"So let's stop by here muna, cause I'll be using the minutes left to announce something."

Nagsisimula na magligpit ng gamit ang lahat pero naka pay attention pa din naman kay Miss Ai.

"So today will be our first and last meeting for this week because we will have no class this upcoming friday."

And as students as we are, ay hiyawan naman ang lahat pagkadinig na walang klase sa byernes.

"At dahil tatlong araw kayong walang pasok, let's take your friday as your homework day cause I will be giving you one."

Ok na yun. Keysa naman magpahold siya ng special class. (wow. Special class agad? Hahaha. Ano exam week lang next week? Hahaha.)

"I will just get one of your classmate's number at doon ko na lang isesend ang assignment niyo. Tapos gumawa kayo ng group chat niyo and spread there. Understood?"

"Yes miss." sagot ng lahat.

"And another thing. Next week, I will be announcing the pairs for our first project for your prelim first semester."

Lahat ay nag react. Laglag balikat lahat. As usual. Like I said, students as we are. We have that. Kasi naman ano po, wala pa tayo sa katabi ng kalahati tas project na agad 2nd meeting palang next week. Hayst. College as it is nga naman, palaban din.

"Dismiss." huli nitong sinabi as she walks out.

Laglag balikat kaming dalawa ni Kaye habang tumatayo mula sa kinauupuan namin.

"Torture naman ata toh. Di pa nga tayo nakakapagsimula ng totoong klase, project na." reklamo ni Kaye nang palabas na kami ng classroom.

"Sinabi mo pa." pagsasang-ayon ko sabay bukas ng pinto. Saktong paglabas namin ang siyang pagdaan naman nina Charles kasama na mga tropa niya.

He even glared at me then gave me a smirk afterwards. Nangunot ang noo ko as he totally passed by us ay sinundan ko siya ng tingin. What's up with that guy? He's creeping me out with those looks on his face. Err.

"Vi. Tara na sa caf. Para mas early tayo walang pila and to avoid na rin what happened yesterday." napanguso naman ako remembering it again. Habang si Kaye naman ay tinawanan lang ako.

And now she's teasing me huh? Hmm...

***

Charle's POV

.

"Saw the girl from yesterday." Red mentioned.

"Really? Asan?" tanong naman ni Dave dito.

"We just pass by her." sulpot ni Clinton. "Nakita nga rin ni Charles eh." he added.

"He even turned to her. So what's up with that? Have you already settled what happened yesterday?" tanong ni Red.

I just show off some smirk while imagining the outcome of what I'm thinking right now.

"Nope." nakangiti kong sabi. Bakas naman sa kanila ang pagtataka as they look at me.

"But guess what? I know exactly what to do to settle that shit."

Nagtinginan silang tatlo na puno ng pagtataka. Sakto din namang nakarating na kami sa harap ng Faculty office so I stop by the door.

"I have a payback plan." at isa isa ko silang binalingan with a smirk on my face kasabay non ang pagbukas ko ng pinto ng faculty room.

Pagpasok namain sakto namang naglalakad na papunta sa gawi namin ang pakay kong tao. She's reading a handbook and certainly heading to her table.

"Excuse me miss. Good morning." natigilan ito atsaka napabaling samin.

She scanned us at doon na rin sinara ang binabasa niya.

"Yes what can I do for you---Mr. Magdayao?"

I compose myself.

"I just want to ask you a favor about something.."

A smirk formed formed my lips.

"..Miss Ai."

***

A/N: Update before a busy week. Because sports fest is kdrama week hehehe. Charot-charot. 😂

So hope you did enjoy. Thank you for the reads. Like and comment don't forget 😉😊

Continue Reading

You'll Also Like

299K 3.2K 61
A Filipino-English #taekookau where Kiro Yvander (a CEO) was forced to marry Eloise Adam a College Student which was his ex fiancé's little brother.
35K 2.6K 84
female reader only~
7.3K 251 18
Aiah was looking a person to be her secretary for her promotion.
558 56 11
R-18
Wattpad App - Unlock exclusive features