Miss Astig 2

By cursingfaeri

1.6M 34.7K 13.5K

"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Nam... More

Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Quince
Dieciseis
Diecisiete
Dieciotso
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
~BONUS CHAPTER~
Veintidos
Veintitres
Veinticuatro
Veinticinco
Veintiseis
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve
Treinta
Treinta y uno
Treinta y dos
Treinta y tres
Treinta y cuatro
Treinta y cinco
Treinta y seis
Treinta y siete
Treinta y otso
Treinta y nueve
Cuarenta
Cuarenta y uno
Cuarenta y dos
Cuarenta y tres
Cuarenta y cuatro
Cuarenta y cinco
Cuarenta y seis
Cuarenta y siete
Cuarenta y otso
Cuarenta y nueve
Cincuenta
Cincuenta y uno
Cincuenta y dos
Cincuenta y cuatro
Cincuenta y cinco
Cincuenta y seis
Cincuenta y siete

Cincuenta y tres

5.5K 321 259
By cursingfaeri


~53~

Hindi ako ganoon kakampante sa napagdesisyunan kong pagsali sa Engineering Week, pero bahala na. What's done is done and there's no turning back now. Besides, I have to make up for my grades and it's the only way I can think of to salvage it. For now.

"Wala ka na bang ibang class?"

Napailing ako sa tanong ni Mason at kasabay niyon ang marahang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko.

I discreetly bit my lower lip to hide my amusement dahil gusto ko din sanang sabihin dito na 'akala ko ba memoryado mo ang schedule ko' pero minabuti kong huwag nang banggitin.

I glanced at our hands comfortably intertwined together. Feeling that familiar warmth, that sense of ease and the inexplicable comfort it brings whenever his hand holds mine.

I unknowingly smiled.

Inaya ako nitong pumunta ng Trinoma na siya namang agad na sinang-ayunan ko. I secretly told myself I could use some distraction. Ngunit bago pa man kami makarating sa sakayan ng mga jeep ay—

"Mase!"

Hindi ko masyadong pinahalata ang pagkagulat sa biglang pagsulpot ni Nile. Tinapunan ko ito ng kaswal na tingin nang malingunan.

"Ah, Louie... ano... Condol—"

"Bibili lang ako ng tubig ah," tiim bagang bumaling ako kay Mason, pigil na pigil ang sariling lingunin ang kaibigan nito ng nagbabagang tingin. Marahan din akong bumitiw sa magkahawak naming mga kamay at mabilis na naglakad palayo nang hindi nililingon ang kaibigan nito.

Binagalan ko ang paglalakad nang bahagyang makalayo sa dalawa. Walang pagmamadali kong tinalunton ang pinakamalapit na stall ng tindahan at bumili ng malamig na tubig. Doon ko na din inubos ang inumin at hinayaang pakalmahin ang sarili.

I couldn't help clenching my fists.

Calm down, Louie. Hindi pwedeng lagi kang magpapaapekto sa sasabihin ng iba. You can't let yourself be triggered easily like that.

Napapikit na lang ako kasabay ng malalim na buntong-hininga.

Biglang naramdaman ko ang mabining pagdapya ng hangin sa balat at wala sa sariling napatingin ako sa mga langit. The weather was unusually nice for an early afternoon. It wasn't too hot and the wind was playing gracefully with the leaves as it fell from the Acacia trees until one fell on my left shoulder.

"Ma.." I unconsciously whispered after taking the leaf. I bitterly smiled when her smiling face crossed my mind and clenched my hand tightly leaving the shattered pieces on the ground.

Tinahak ko ang daan pabalik kina Mason bago pa kung saan dalhin ng hangin ang tumatakbo sa utak ko. Habang papalapit sa dalawang lalaki, hindi ko maiwasang hindi magtaka sa tila seryosong pag-uusap ng mga ito. Hindi ko din tuloy alam kung lalapit ba ako o hahayaan muna silang mag-usap na dalawa. Bago ko pa man mapagdesisyunan ang pagtalikod ay umabot sa pandinig ko ang huling pahayag ni Nile.

"...still, it's better na malaman ni Louie kahit wrong timing. Ang tagal mo nang tinago 'yan."

Napigilan ko man ang pagkunot ng noo ay alam kong hindi naitago niyon ang pagkainis ko nang taluntunin ko ang distansya namin ni Mason.

Diretsong tinignan ko ito sa mga mata. "May sasabihin ka?"

He was caught off guard base sa pagkakatulos nito sa kinatatayuan. Napalingon na lang ito sa kaibigan na hindi ko alam kung humihingi ba ng saklolo pero nang balingan ko naman si Nile ay mukhang hindi din nito inaasahan ang biglang pagdating ko. Masyado silang engrossed sa pag-uusap at nakalimutan yata ng dalawa na bibili lang ako ng tubig at hindi ang mamasyal sa buong solar ng UP Diliman.

"Magtititigan na lang ba tayo?" saad ko kay Nile.

"S-Sige, Mase... Louie... alis na ako..." namumutlang saad nito at mabilisang naglakad. Hindi na ako nakahuma nang halos tumakbo na din ito at mabilis na nakalayo.

What the...?

Mas lalong kumulo ang dugo ko kaya marahas na nilingon ko si Mason. "Ano? Is this going to be Sapio Girl all over again? Are you seriously going to make my head hurt trying to decode your cryptic messages, Mase? Gaano ba kahirap sabihin sa'kin ang gusto mong sabihin, ha?" Mahabang litanya ko dito nang hindi pa din ito makapagsalita.

I saw him clench his fists and finally looked directly in my eyes.

"P-Pwede ba kitang ligawan?"

My mind went blank.

Like a bolt of lightning struck my nerve endings impeding the transmission of the nerve impulses to my brain.

It wasn't what I expected him to say. Not like I'm expecting any. Or maybe 'cause after all the things that happened in my life in the past couple of months, I'm not really expecting anything from anyone kaya naman ikinabigla ko.

I looked at him and I wanted to open my mouth, but couldn't and I didn't know what to say so I opted not to.

For the longest time, I've never felt I'd be out of words like this. Because the question was clear. He was obviously anxious, uneasy and nervous, but he was also sure.

And sincere...

"I have to go home," I finally said after over a minute of silence.

It was only two in the afternoon, but I didn't care. It was the most logical thing for me to say at that time.

"Sa condo ka ba uuwi ngayon?" saad naman ni Mason at pinagpapasalamat kong hindi na nito inulit pa ang tanong nor followed-up about it.

"Yes, pero hindi mo na ako kailangang ihatid," mabilis kong sagot dito at nauna nang naglakad.

He insisted on staying with me until I get a cab at hindi na ako tumanggi pa. Hindi ko na din masyadong pinakinggan ang mga sinabi nito. Tila may mga bilin pa ito pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin. I went home, took a shower and then, a nap. I woke up two hours later and I just started doing my usuals: Reading different articles, connecting dots, doing my homeworks and continued reading articles until I got tired or hungry.

Kaya naman natigil lang ako sa pagbabasa nang makaramdam ng pangangalam ng sikmura. I prepared myself a sandwich and a glass of milk saka dinala iyon sa living room. My mind wanted to focus on something, but it seemed to wander to something— to someone else.

"P-Pwede ba kitang ligawan?"

I frowned. "Why? Why now?"

I let out an exasperated sigh.

I'm still baffled. Was he taking advantage of my vulnerability kaya ba extra concerned siya sa'kin? Was this part of his plan? To make me more close to him in moments where I am not at my best?

Pero para saan? What could he possibly gain from doing all these? His ego? Bragging rights, katulad din nila Jeremy and those stupid perverts?

But you know Mason isn't any of them, Louie. Alam mong iba siya. Mabilis na saway ko din sa sarili.

I let out another deep sigh and just closed my eyes.

Yes, he's different.

I am being so defensive and have given so many reasons, but I guess the truth is... I'm just not ready for this. For what he wants.

Napapiksi ako nang marinig ang pagtunog ng cellphone. Wala sa sariling napakunot ako nang mabasa ang nakarehistrong pangalan sa telepono.

"Ano?" bungad ko sa kabilang linya.

"Louie—"

"Tapatin mo nga ako Mase," putol ko dito. "Ginagawa mo ba ang lahat ng ito dahil gusto mo akong ligawan?"

I needed to know his motive, his intentions. I need to know all the whys.

"Yes and no."

Natawa ako nang pagak sa narinig. "Care to elaborate on that?"

"Hindi ka na iba sa pamilya ko. Kahit wala akong nararamdaman sa'yo, dadamayan kita. But I do admit my feelings urge me to take the extra mile," paliwanag naman nito.

"Ang ganda din kasi ng timing mo 'no? Ngayon pa talaga?"

"Believe me, wala akong planong magtapat sa'yo sa panahong ito. I don't want you to think that I'm taking advantage of the situation."

"But you are." Walang gatol na balik ko dito at saglit itong hindi nakaimik.

Masyado niya lang dinagdagan ang iniisip ko. And I feel pressured sa fact na kahit sinasabi niyang he's not expecting something, I still feel like I am obligated to reciprocate his feelings for me. Like it's needed? Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng 'extra mile' na sinasabi niya?

Hindi niya sinasabi, but it's what I feel right now kaya mas lalo lang akong naiinis sa sitwasyon.

I'm not denying that I like him. I really do. I don't know if I was clear, maybe I wasn't.

Pero sana naman... wag ngayon?

Wag muna?

"I don't know what to say about this, Mase. Ayokong dumagdag ka sa mga iniisip ko."

"Then don't think. Pwede mong kalimutan ang sinabi ko. Isipin mo na lang na lahat ng ginagawa ko ay para damayan ka."

"Anong gusto mong sabihin ko?" marahas na saad ko sa kausap.

Matagal itong hindi nakasagot.

"Wala. Sa ngayon wala. Saka na kapag okay ka na."

I let out a sigh. "Fine. Matutulog na ako."

"Okay. Thank you for taking this call, Louie. Good night."

"Okay."

The conversation already ended couple minutes ago but I still sat there and thought of what he said.

Pwede ba 'yon? Can I fucking unhear what he already said? Ano 'yon, gusto niyang magka-selective amnesia ako? If that's possible I would've done that already to forget what happened to my—

Napukpok ko na lang ang mesa sa sobrang frustration.

Napatayo pa tuloy ako sa gulat nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Kaasaaaar! Malala pa 'tong pagiging jumpy ko sa taong nag-aadik sa kape eh. Iiling-iling na binasa ko na lang ang mensahe.

It was a text message from Dale.

Matagal pa akong napatitig sa mensahe nito.

The agreement only happened today pero hindi pa natatapos ang araw ay mukhang hindi na nag-aksaya ng panahon si prof na ipaalam sa iba.

I wonder who else knows. Hindi na ako magugulat kung buong UP Diliman ay aware na pati sa kondisyon nito.

Tss.

Pero hindi ko alam kung bakit yung tipong kahit mukha namang sincere ang intention ng text ni Dale eh bahagyang pinagdudahan ko na din?

Ewan ko. Nalilito na'ko sa sarili ko.

Lahat na lang talaga bibigyan ng malisya, Louie?

Admit it, you needed help.

And he volunteered.

Baka may alam siyang resources? Para hindi ka naman lutang sa sasalihan mo.

Just listen for the tips. Get an idea of what to expect.

"Okay, fine."

I started typing my reply and finally hit send.

Kung gaano ako katagal nagdesisyon ay siya namang singbilis pa sa kidlat ng pagreply ni Dale.

Abangers lang?

Pagkatapos kong magsend ng 'okay' emoji ay nilagay ko na sa Airplane Mode ang phone and put it to charge.

Bahala na nga.

AN:
Gusto ko din sana sabihing madaming ganap sa buhay ko kaya sobrang hiatus. Na nag-asawa ako, nabuntis then nagkaanak (peace Ate hunnydew ) dejk 😂 Madami lang talaga akong pinagdadaanan. Adulting hits me hard. Lalo na nung nangibang bansa. Nag-aral ulit, nagboard (provincial), nag-review, nagboard (national) ulit, naghanap ng trabaho, continuous studies while working, nagsarili sa buhay, literal na bumukod. Hahahays. Kaloka. Tos mare-realize mo, hirap pala magpalaki ng sarili? Anti-social ko na din sobra. Tos sa 12 hours shift mo halos wala nang natira sa 24 hours mo at thankful kana makakuha ng four hours of sleep? HAHAHA. Practice dying pa more, Wata. Anyway.. Belated Merry Christmas. Hirap isingit pagsusulat pero I'm trying kasi dami ko na utang. Unahan ko na kayo. "Sobrang Bitin. Sana Wata sa New Year ulit 'no?" LOL. Sa lahat ng patuloy na lumalaban at nagtitiwala sa kwentong 'to. For staying. For waiting. You inspired us. Kaya mahal na mahal namin kayo. Salamat po talaga ng sobra. (:

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
63K 4.9K 25
Jazmine Allison and Sofiera
19.1K 1.9K 63
KF BOOK 2: SEMI EPISTOLARY Date Ended: November 16, 2022