Love at its Toughest (Love Se...

By FGirlWriter

4.9M 77K 5K

With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging mata... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue: How tough is love?
Chapter 1: A Tough Beginning
Chapter 2: A Tough Formula
Chapter 3: A Tough Welcome
Chapter 4: A Tough Enactment
Chapter 5: A Tough Doubt
Chapter 7: A Tough Cling
Chapter 8: A Tough Consequence
Chapter 9: A Tough Closure
Chapter 10: A Tough Timing
Chapter 11: A Tough Past
Chapter 12: A Tough Response
Chapter 13: A Tough Truth
Chapter 14: A Tough Marriage
Chapter 15: A Tough Coincidence
Chapter 16: A Tough Test
Chapter 17: A Tough Principle
Chapter 18: A Tough Role
Chapter 19: A Tough Challenge
Chapter 20: A Tough Condition
Chapter 21: A Tough Confusion
Chapter 22: A Tough Trust
Chapter 23: A Tough Acceptance
Chapter 24: A Tough Faith
Chapter 25: The Toughest One
Epilogue: Love at its Toughest

Chapter 6: A Tough Deceit

136K 2.3K 98
By FGirlWriter

CHAPTER 6: A Tough Deceit

Two years ago...

"ANO?!"

            Napapikit si Rachelle dahil sa lakas ng boses niya. "Ang OA mo talaga, Alfred," anito.

            Salubong na salubong ang mga kilay niya. Napatuwid siya ng upo. "B-Bakit mo kasi sinagot?"

            "Bakit hindi ko sasagutin si Terrence? Isang buong taon na siyang nanliligaw. At saka, gusto ko na rin siya. Mahal ko na siya," kumikislap ang mga mata ng kaibigan habang nagsasalita. "Sa loob ng isang taon, nakita ko naman lahat ng efforts niya. Hindi siya katulad ng mga mayayamang lalaki na ang taas ng tingin sa sarili. Di'ba nakuwento ko naman sa'yo kung gaano siya ka-down-to-earth?"

            Nalukot ang ilong niya. "Baka palabas niya lang iyon."

            Kumunot ang noo nito. "Anong palabas? Eh, lahat ng tao sa opisina ganoon ang nakikita kay Terrence. Saka ganoon din ang nakikita ko. Isa pa, mapapansin mo naman sa aura ni Terrence na mabait talaga siya. Ang guwapo-guwapo pa."

            "Tss." Napailing-iling siya. Napatayo siya at dumiretso sa kusina ng bahay. Pagbukas niya ng ref ay tubig lang ang laman. Kumuha siya ng isang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso.

            "Fred," ani Rachelle na sinundan siya sa kusina. "Pag nakilala mo si Terrence sa personal, sigurado akong magiging aprubado siya sa'yo."

            Hindi siya sumagot. Kahit sinong nobyo ni Rachelle ay kahit kailan hindi magiging aprubado sa kanya.

            "Nasaan pala si Tiyang?"

            "Namalengke siguro si Nanay," tipid na sagot niya at saka nilagpasan ito. Pumasok siya sa kuwarto niya na kanugnog lang ng kusina. Hanggang doon ay sinundan siya ni Rachelle.

            "Anong oras ka na ba nagising?"

            Hindi siya sumagot at saka humiga na lang ulit sa papag na pinatungan ng banig na may tatlong malinis na unan.

            "Matutulog ka na naman."

            "Wala naman akong ibang gagawin."

            "Eh, kung maghanap ka kaya ng trabaho? Tapos ka naman ng college," nakahalukipkip na sabi nito.

            "Patatalsikin lang ulit ako kapag may trabaho ako."

            "Eh kasi naman po, pumapasok ka lang kapag gusto mo." Umupo ito sa gilid ng papag. "Talagang aalisin ka sa trabaho kapag hindi mo inalis iyang katamaran mo. Sayang ka pa naman. Iyang kaguwapuhan mo, puwedeng-puwede yang ahente sa mga kotse, mga lupa, o kaya sa mga mall at supermarket! Baka maging manager ka o kaya supervisor."

            Napabuga siya ng hangin at napabangon. "Kinausap ka na naman ba ni Nanay? Sige na, ako na tamad. Pero subukan mong magtrabaho sa pinagtrabahuhan kong supermarket noon, kung makasigaw yung manager doon akala mo siya ang bumubuhay sa'min."

            "Ganoon talaga sa trabaho, Alfred. Ano ka ba? Patatagan ng loob. Minsan din naman nasisigawan ako kapag nagkakamali ako. Pero natututo ako. Alam ko na ang gagawin para hindi na 'ko masigawan ulit ng boss ko."

            Napakamot siya sa batok. "Wala bang opening sa Sagittarius? Baka naman puwede mo 'kong ipasok doon."

            "Ano ba naman 'yan? Hanggang sa trabaho, gusto mo magkasama tayo? Mula elementary hanggang sa pinag-aralan natin ng kolehiyo, magkasama na tayo. Lumipat kami sa Maynila, lumipat rin kayo ni Tiyang. Di ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko?" natatawang sabi nito.

            Lihim siyang napangiti habang tinititigan ito. Siya? Magsasawa kasama si Rachelle? Hinding-hindi.

            "Pero, seryoso, Alfred. Maghanap ka na ng trabaho. Tulungan mo si Tiyang. Huwag ka ng pa-baby at dalawa na nga lang kayo, pinapainit mo pa ulo niya. Tama nga naman kasi na hindi niya ginapang ang pagka-college mo, para lang maging tambay ka," sermon na nito sa kanya.

            Si Rachelle lang ang kaibigan niyang nakakapagsabi sa kanya lahat ng bagay na alam  nitong ayaw na ayaw niyang marinig. Pero alam niyang sinasabi nito ang mga bagay na iyon dahil gusto nitong mapabuti siya. Ito lang ang kaibigan niyang kayang tiisin ang ugali niya.

            Kaya kahit mahal niya ito, hindi niya sinubukang lagpasan ang linya ng pagkakaibigan nila. Ang mga tipo kasi nito ay ang mga katulad ng sinasabi nitong nobyo na nito ngayon na si Terrence. Mabait at masipag.

            Hindi siya masama pero hindi naman din siya masasabing mabait. Lagi niya ngang nakakaaway ang nanay niya. At batugan nga siya. Gusto niyang magbago ngunit... hindi niya talaga mabago. Tamad at tamad pa rin siya.

            "Uy, Fred!"

            "Ano?"

            "Nakikinig ka ba sa'kin?"

            "Oo na. Oo na. Susubukan kong maghanap ng trabaho bukas," sumusukong sabi niya.

            "Ay, wag muna bukas," pigil nito. Sumampa na talaga ito sa papag. Ngumiti ito ng malaki na umabot hanggang pilik-mata. Kaya naman pati mata ay nakangiti na rin sa kanya.

            At alam niya ang ibig sabihin niyon. "Ano na namang gusto mo?"

            "Sama ka sa'kin bukas. Nag-aya kasi si Terrence."

            "Saan?"

            "Sa Batangas. Nagplano ng three-day outing si Terrence. Kasama niya ang mga co-engineers niya. Ako naman sabi ko, dadalhin ko ang besfriend ko. Pagkakataon mo na rin iyon para makilala at magka-bonding kayo ni Terrence. Magkakasundo kayo, promise!"

            "Sandali, sandali! Pumayag kang sumama kay Terrence sa malayong lugar ng tatlong araw?"

            Tumango ito. "Kasi naman pumayag na rin naman sila Mama. Malaki naman na kasi ako. Twenty-seven na'ko, eh. Saka pinagkakatiwalaan ko si Terrence."

            "Sige, sasama ako," pagpayag niya agad. Wala siyang tiwala sa bago nitong nobyo. Lalaki rin siya. At ka-o-on pa lamang ng mga ito ay agad na mag-aaya ang Terrence na iyon sa malayong lugar? Nang tatlong araw?

            "Sabi mo 'yan, ah?" masayang sabi nito. "Punta ka sa bahay bukas ng mga alas-sais. Susunduin kasi ako ni Terrence ng mga alas-sais y medya."

            Tumango siya.

            "Ah, thank you, Alfred!" nakangiting pasasalamat nito sabay yakap sa kanya. "Pag-uwi natin galing sa Batangas, tutulungan kita sa paghahanap ng trabaho." Pinisil pa nito ang magkabila niyang pisngi. "Buti na lang talaga, bestfriend kita! Kahit tamad, guwapo naman."

            Natawa siya. "Huwag mo na 'kong binobola. Alam ko naman na mas guwapo pa rin iyong boyfriend mo."

            Lumabi ito. "Iba si Terrence, iba ka. Don't compare yourself to him. Saka, ako, hindi ko alam kung kailan magiging kami ni Terrence. Pero, ikaw, sigurado ako na hanggang sa pagtanda ko, kaibigan kita."

            Tama ito. Kapag magkaibigan lang sila, hanggang sa pagtanda, makakasama niya pa rin ito. Kung naglakas loob lang siya na magtapat rito noong highschool pa sila, baka na-basted lang siya nito at baka nagkabahid pa ang pagkakaibigan nila.

            Ngunit, minsan, masakit pa rin isipin na hanggang doon lang siya. Habang ito ay malayang nakapagmamahal ng iba, siya naman ay nakulong na ang puso sa babaeng sa panaginip niya lang yata malayang mahalin.

            Gusto niyang mapangisi sa ka-corny-han na naiisip. Pero realidad 'to ng nagmamahal ng palihim. Magtitiis na lang sa sakit, mangangarap na lang ng mangangarap.

❤❤❤

"ALFRED naman! Bakit mo naman inaangasan si Terrence, wala naman ginagawa sa'yo ang tao," sermon agad ni Rachelle pagpasok nila ng kuwarto na para sa kanya. Nasa isang beach reasort na sila sa Batangas kung saan halatang ang mga may kaya lang na pumunta. May membership daw doon at kasalukuyang member ang nobyo ng kaibigan niya.

            Binuksan niya ang dalang bag at nilabas na ang mga dalang gamit. "Anong inangasan? Ang ayos-ayos nang pakikitungo ko sa boyfriend mo, ah."

            "Maayos ba iyong nakikipag-usap siya tapos puro tango ka lang at isang salita lang ang lumalabas sa bibig mo?" malumanay na sabi nito. "Kung makatingin ka pa, parang maghahamon ka ng away. Hindi ka naman ganyan, Alfred."

            "Hallucination mo lang iyon," tanggi niya pa. Ngunit, sige, aaminin niya. Unang kita pa lang niya kay Terrence, lalo pang napamukha sa kanya ang katotohanan na kahit kailan hindi siya magugustuhan ni Rachelle. Oo, mabait ang lalake at lahat ng gusto ni Rachelle sa isang lalaki ay halatang na kay Terrence na ang lahat.

            Tang'na, selos na selos siya. Lalo na at sa buong biyahe ay nakita niya kung gaano kamahal ni Rachelle ang nobyo nito. Para siyang sinapak sa kanya ang katotohanan na walang-wala siya kumpara kay Terrence.

            "Alfred naman, eh... Umaasa si Terrence na magkakasundo kayo kasi willing rin naman siya."

            "Sigurado ka bang lalaki iyong boyfriend mo? Hindi ba bakla iyon?"

            Nagsalubong ang kilay nito at pabirong hinampas siya sa braso. "Hindi bakla iyon."

            "Too good to be true naman kasi siya."

            "Oo nga, eh. Kaya nga ako na-inlove sa kanya. Kasi nag-e-exist pa pala iyong mga lalaking sa pocketbook ko lang nababasa noon. Pero, wag mong nililiko ang usapan. Umayos ka mamaya sa lunch buffet, ah! Maangas ka lang kapag nakakaamoy ka ng away, eh, wala namang away dito."

            Humiga siya sa malambot na kama pagkatapos ikalat lang ang mga gamit niya sa ibabaw ng kama. "Sinusubukan ko lang tignan kung totoo ba ang pinapakita ni Terrence. Siyempre, kaibigan kita. Mamaya, may gusto lang sa'yo makuha iyon. Huwag na huwag mong isusuko ang bataan, sinasabi ko sa'yo."

            Nanlaki ang mga mata nito at dinaganan siya sa higaan. "Grabe ka, Alfred! Mabait talaga si Terrence! At saka isa pa, hinding hindi ko talaga isusuko ang bataan. Pangako ko sa sarili ko na kapag nagpakasal ako, saka ko lang 'iyon' gagawin."

            "Buti naman. Naninigurado lang ako."

            Tumayo na ulit ito. "Maging mabait ka na kay Terrence, ah? Punta ka mamaya sa may malaking cottage kanina. Doon daw yung lunch buffet. Sunod ka doon, ah?"

            Tumango siya at saka tinitigan ito. Simple ang ganda ni Rachelle. Pero mas gumaganda ito dahil lumalabas ang kabutihan ng puso nito.

            "May dumi sa mukha ko?"

            Marahan siyang umiling. "Sige na. Pumunta ka na rin sa kuwarto mo. Magpahinga ka muna."

            Tumayo na ito at nagpaalam na sa kanya.

            Sinunod niya ang sinabi ni Rachelle. Ang kaso, nanatili na lang siyang tahimik kapag nasa paligid si Terrence. Nanliliit lang kasi siya. Mukhang nahalata naman ni Terrence ang pangingilag niya rito kaya hindi na rin siguro nagpumilit na makausap siya. Hinayaan na lang rin siya ni Rachelle.

            Sa loob ng dalawang araw sa beach resort na iyon, wala lang ibang ginawa si Alfred kundi panoorin sina Terrence at Rachelle na naglalambingan, nagtatawanan, nagkakasiyahan. Halatang masaya si Rachelle, sino siya para pigilan iyon. Mukha na siyang masokista sa isang tabi. Nasasaktan na nga siya, patuloy niya pa ring pinapanood ang mga ito.

            Napabuntong-hininga na lang siya. Iyon lang ang tangi niyang magagawa.

❤❤❤

"BEER ba 'yan? Bakit ka umiinom?"

Napalingon si Alfred nang marinig niya ang boses ni Rachelle. Huling gabi na nila iyon sa beach resort. Nasa isang bar siya ngayon ng resort na iyon.

"Narinig ko, libre daw ni Terrence ang mga inumin..." Nagkibit-balikat siya. "Parang gusto ko lang uminom. Walang ganito sa bahay."

Tumango ito at saka umupo sa tabi niya. Napabuntong-hininga ito.

Napatingin siya rito. "May problema ba?"

Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. "W-Wala naman..."

Nilapag niya ang inumin at hinarap ito. "Anong ginawa sa'yo ni Terrence? Nag-away ba kayo?" naalarmang tanong niya.

Umiling ito. "N-Nagkatampuhan lang. May hindi pagkakaintindihan..." Nagtawag ito ng bartender at um-order din ng inumin.

"Iinom ka? Hindi ka naman umiinom, ah?"

Nagkibit-balikat ito. "Hayaan mo na'ko. Try ko lang. Walang ganito sa bahay."

Mukha ngang malungkot na malungkot ito. Kaya hinayaan niya na lang. Nagulat siya nang vodka ang binigay rito.

"Rachelle, masyadong malakas iyan. Baka hindi mo kayanin."

Nakatingin ito sa baso ng vodka. Parang hindi siya narinig at bigla nitong ininom iyon. Ubo ito ng ubo pagkatapos tunggain ang buong baso.

"Rachelle!" Hinagod-hagod niya ang likod nito. "Huwag ka na ngang uminom. Putek naman. Hindi mo kaya."

Umiling ito. "Bakit ko pa kasi pinatagal ng isang taon? Sana sinagot ko na lang siya agad. Ngayon, halata naman nang mas gusto niya si Eunice, tinatanggi niya pa."

Eunice? "Sino iyon? At saka anong sinasabi mo?"

Humingi na naman ito ng isang vodka. Mabilis na nabigyan ito at katulad kanina ay mabilis nito iyong ininom. Napaubo na naman ito. Napakamot siya sa ulo. "Rachelle, huwag ka na nga uminom," sabay agaw ng baso rito. Ang kaso um-order pa ulit ito ng isa.

"Hindi niya daw gusto si Eunice. Pero lagi naman niyang nababanggit," parang naiiyak na sabi nito. "Ayaw niya daw kay Eunice, pero laging iyon ang pinag-uusapan namin."

Inakbayan niya ito. Wala siyang maintindihan sa kung anong tinutukoy nito. Pinakinggan niya na lang ito at sinamahan na lang rin sa pag-inom.

Hindi niya namalayan na naparami na sila ng inom.

"Rachelle..."

Sabay silang napalingon ng kaibigan. Nakita nila si Terrence na mukhang nakainom na rin. Mapungay na ang mga mata ngunit halatang malungkot rin. "Rachelle, let's talk," lapit ni Terrence kay Rachelle.

Napayuko si Rachelle. Halatang hilo na. "T-Terrence, huwag muna ngayon..."

"Rachelle, please, come with me and let's talk. Please, love..." pilit ng lalaki.

Napatingin sa kanya ang kaibigan. Nakita niyang gusto talaga nitong sumama. Pero... lasing na ito pati si Terrence.

Nagtagis ang mga bagang niya nang tumayo si Rachelle at sumama kay Terrence. Pagkalabas ng mga ito ay palihim siyang sumunod.

Sa may baybaying napunta ang dalawa. Gabing-gabi na at wala ng mga tao ng mga oras na iyon.

Nagtago siya sa likod ng isang puno na kalayuan sa mga ito. Matamang nag-uusap ang dalawa. Maya-maya ay tumalikod na siya nang makitang hahalikan ni Terrence si Rachelle. Hindi niya na kayang panoorin iyon.

Ngunit nanatili lang siya doon. Nang muli siyang tumingin sa mga ito ay nakahiga na si Terrence sa buhanginan habang nakaupo lang si Rachelle at nagtatawanan na ang dalawa. Pero maya-maya ay nahiga na rin si Rachelle sa buhanginan.

Mukhang nakatulog na ang dalawa doon. Kaya naman lumapit siya. Binuhat niya si Rachelle. Hindi niya hahayaang doon matulog ang kaibigan. Bahala na doon si Terrence pero gusto niyang secure si Rachelle. Dinala niya ang kaibigan sa kuwarto nito.

Ngunit naka-lock iyon.

"Rachelle? Nasaan ang susi ng kuwarto mo?" bahagyang gising niya rito.

Umungol lang ito. "Terrence..."

Napailing-iling siya. Kinapa niya ang bulsa ng suot nitong pantalon. Nakapa niya ang susi kaya naman agad niyang kinuha iyon at binuksan ang pinto.

Pagkapasok niya ng kuwarto ay hiniga niya na ang kaibigan sa kama nito.

"Terrence..." ungol pa rin nito.

"Terrence na naman. Lagi na lang si Terrence," ngitngit niya habang inaayos ang pagkakahiga nito. "Kanina nagtatampo ka, kinausap ka lang, ayos nang lahat?"

Kinumutan niya ito at saka siya umupo sa gilid ng kama. Hinagod niya ang nakatabing nitong buhok sa mukha. Marahang hinaplos niya rin ang pisngi nito.

Napaungol ulit ito.

"Mahal kita, Rachelle..." bulong niya rito. "Minsan, sa tuwing nakikita kita, lagi kong naiisip na sana... sana hindi na lang tayo magkaibigan. Sana... tignan mo rin ako kung paano mo tignan si Terrence..." Hinalikan niya ito sa noo, sa ilong... at nang matitigan niya ang mga labi nito ay hindi niya na napigilan ang sariling padampiin ang mga labi niya roon.

Sa unang pagdampi ng mga labi ni Alfred sa malambot na labi no Rachelle, kakaibang pakiramdam ang agad na bumalot sa puso niya at sa buo niyang katawan. Hindi niya nagawang agad na humiwalay.

Umungol si Rachelle ngunit hindi pa rin natinag si Alfred. Parang may kung anong apoy ang sumanib sa kanya. Nakaramdam siya ng kakaibang init... lalo na ng bumuka ang mga labi ni Rachelle...

Pinikit ni Alfred ang mga mata. Nilaliman niya ang halik... sinamantala niya ang pagkakataon.

Muling kumawala ang ungol sa mga labi ni Rachelle at ang sinambit nito, "Terrence... Terrence..."

Hindi umimik si Alfred at ipinagpatuloy lang ang halik.

May bumubulong sa kanyang tigilan ang ginagawa ngunit mismong sarili niya rin ang nagtutulak na huwag palampasin ang kaisa-isang pagkakataong iyon.

Sumampa siya ng kama. Kinuha ang dalawang kamay ni Rachelle at itinaas iyon hanggang sa ulunan nito...

Nagpatuloy ang malalim na halik na lalong uminit. Hanggang sa dumapo na ang mga kamay niya sa bawat bahagi ng mainit at malambot na katawan ng dalaga...

Nakalimutan ni Alfred ang lahat. Hinayaan niyang matupok siya ng apoy.

Habang si Rachelle na hindi alam ang nangyayari ay patuloy lang rin sa pagtugon sa kanyang mga halik at paulit-ulit na sinasambit ang pangalang hindi naman sa kanya...

            Masakit ngunit tiniis ni Alfred. Ang mahalaga, sa gabing iyon, kanyang-kanya ang babaeng kay tagal niya nang minamahal...


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...
1K 122 17
Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng re...
5.3K 301 23
Growing up as part of the Royal Family makes life harder for Princess Cordelia. Ever since she learned how to speak, she was taught how to behave and...
41.5K 1.4K 27
â€ĸ 𝗖đ—ĸ𝗠đ—Ŗ𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ đ—Ŗđ—ĸđ—Ļ𝗧𝗘𝗗: 𝟮đŸŦ𝟭𝟱 - 𝟮đŸŦ𝟭đŸŗ â€ĸ (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓đĢđĸđĨ𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐)