ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (...

De angelbphr

48.4K 1.7K 51

Klaro ang instructions ng boss niya kay Camille. Kalilimutan muna nilang sila si Adam na may-ari ng ELEMENTS... Mais

Taming Wind Prologue
Taming Wind Chapter 1
Taming Wind Chapter 2
Taming Wind Chapter 3
Taming Wind Chapter 4
Taming Wind Chapter 6
Taming Wind Chapter 7
Taming Wind Chapter 8
Taming Wind Chapter 9
Taming Wind Chapter 10

Taming Wind Chapter 5

3.6K 140 2
De angelbphr

Nang magising si Adam nang sumunod na araw, naramdaman na niya bago pa man niya matiyak na wala na roon si Camille.

True enough, nang pumanog siya sa hagdan ay hindi ang pamilyar na pigura nito ang nakita niya kung hindi ang day maid/caretaker na nag-aasikaso ng bahay na iyon twice a week.

"Sir, may iniwan po sa inyong sulat si Ma'am Camille," magalang na sabi nito

Inabot niya ang maliit na papel at binasa ang maiksing nakasulat doon - 'Sorry I am really bad with goodbyes so I left earlier. Huwag kang mag-alala, klaro ang instruction sa utak ko at susunod ako without deviation. I will forget.'

Muli niyang tiniklop ang sulat. Ilang segundo yata siyang nakatayo roon, just trying to absorb what she said bago siya umakyat sa hagdanan para ihanda ang kanyang gamit pauwi. Ilang oras na drive pa bago siya makabalik ng Maynila. Sapat na panahon iyon para gawin ang bahagi niya ng usapan nila. Hindi dapat maging mahirap iyon.

Ang nangyari ay isang affair na may klarong klarong rules of engagement. He too should forget.

Dalawang araw matapos siyang makabalik ng Maynila, handa na si Adam para sa lingguhang meeting ng Elements. Nasa apat na color-coded folders ang mga misyong ibibigay niya sa mga ito.

Inabutan niya ang apat sa normal ng mga itong puwesto, magkakatabi sa isang mahabang sofa.

"Hi, girls!" Bigkas niya sa usual niya ring pagbati.

"Good morning," sabay-sabay ding tugon ng mga ito.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay tiningnan niyang muli si Camille. Itinama niya ang sarili. Kailangan niya ng itigil ang pag-iisip dito bilang si Camille. She was Wind in this place.

Nakapusod ng mahigpit ang buhok nito at wala itong make-up ng araw na iyon. She looked okay. Sa katunayan ay mas kalmado pa nga kaysa kalimitan. O dapat ba siyang mag-alala dahil doon? Hindi malimit magsama sa isang lugar ang salitang kalmado at si Wind.

Muli siyang nag-focus sa jobs at hand. Iniabot ang mga folders sa bawat isa. Diniscuss niya isa't isa ang bawat kaso at pagkatapos ay nag-entertain ng mga katanungan. Hinintay niya ang makukulit na komento mula kay Wind ngunit wala siyang narinig. Tinanggap lang nito ang inutos at nang matapos ang meeting ay tahimik na umalis ito kasabay ng mga kasamahan.

Ilang meetings na ganoon at nagsisimula na siyang ma-bother sa katahimikan nito. Sa palagay niya ay dapat siyang matuwa dahil dalawang missions ang natapos nito ng walang aberya at wala itong ginawang kakaiba. Still, balak niya talagang kausapin ito nang araw na iyon. Pero may balita muna si Rain para sa kanilang lahat na sinabi nito nang kumustahin niya ito.

"Uhm... about that, Adam. Mukhang kailangan kong humingi ng siyam na buwang bakasyon...longer kasi kailangan kong gamitin ang maternity," sabi ni Rain hindi lang para sa benepisyo niya kung hindi para sa tatlo rin.

Napatayo si Wind. Nanlaki ang mga mata ni Earth. At napa-diretso ng upo si Fire.

"Yes, I'm pregnant," nakangiting anunsiyo ni Rain. "Ninang kayong lahat."

Napuno ng excitement ang silid. Sabay-sabay na nagsalita ang tatlo.

"I'm sorry," singit niya. "Nakakalimutan niyo na yata na may policy tayo ukol sa personal na relasyon niyong apat."

"Bawal ang maging magkakaibigan," sabi ni Fire.

Humarap sa kanya si Wind at sa unang pagkakataon mula ng pagbabalik nila ay bakas sa mukha nito ang feistiness na trademark nito sa silid na iyon.

"It's too late for that Adam. We're already friends," anito.

Napabuntunghininga siya. Alam niyang nagsimula ang pagkakaibigan ng mga ito mula pa noong tulungan ni Wind si Rain sa kaso ni Jordan. Matapos iyon, mahirap ng magbalik sa wala ng bumalik sa kawalan ng concern sa isa't isa matapos noon. And he was a reasonable man, after all. Alam niya kung kailan kailangang isuko ang isang bagay. An intelligent man, he also knew how to choose the battles he would win.

And damn, if that's what it would take to bring back the shine in Wind's eyes, then they could be bestfriends forever. Pagkatapos maisip ang huling iyonay sinita niya ang sarili dahil iyon mismo ang dahilan kung bakit hindi maganda ang relasyon sa mga taong nasa ganitong mismo ng trabaho. It created biases in decisions.

"Fine. Sige, Rain, take your leave. At kayong tatlo, alam niyo namang ang mga ninang ang pangalawang magulang ng mga bata..." Itinigil niya ang pagsesermon nang makita nag mukha ng mga kaharap. God, Adam, you really are getting soft, aniya sa sarili. "Back to business," he almost snapped.

Iniabot niya ang hawak na folders sa tatlong babae. Wala talagang folder na nakatalaga kay Rain dahil nalaman na niya kahapon pa ang ibabalita nito, hindi lang niya inunahan ang pag-aanunsiyo nito.

Habang nagpapaliwanag ay ilang beses niyang nahuli si Wind na nakangiti sa sarili. At nang palabas na ito ay nagpahuli ito sa mga kasamahan bago pa man niya naalala ang intensiyon niyang kausapin ito.

"You were smiling to yourself, Wind," una niyang puna bago pa ito makapagsalita.

"Masaya lang ako. May naalala kasi akong isa kong dating kakilala noong pumayag ka na maging friends na kami." May diin ang pagkakasabi nito ng dating kakilala, leaving him without doubt na siya rin ang dating kakilalang tinutukoy nito. "You see, I miss him sometimes but I am glad nasilip ko siya kahit paano today. Thank you, Adam."

Lumabas na ito ng silid bago pa man siya sumagot. Matagal na siyang nag-iisa roon ng maisip niyang wala naman talaga siyang maisasagot sa sinabi nito.

Nagising si Camille nang mag-ring ang isa niyang cellphone. Hindi niya ipinaabot sa dalawang ring bago iyon sagutin dahil iyon ang rule na katambal ng teleponong iyon. Alam niya kaagad kung sino ang tumawag dahil dedicated line iyon at si Adam lang ang natatawagan at puwedeng tumawag gamit ang linyang iyon.

Malakas ang kabog ng dibdib niya dahil kagigising lang niya at dahil wala siyang ongoing mission kung kaya't hindi niya alam kung anong dahilan ng pagtawag nito.

"Adam?"

Wala man lang pagbati, dumiretso ito sa pagbibigay ng instruction. "Report to Elements immediately. We have an emergency."

"Okay. I'll be there in a few minutes."

"Alright."

Nagmamadali siyang bumangon. She took a quick shower and got dressed. Hindi man nito sinabi, hinila niya ang overnight bag na laging nakahanda para sa mga biglaang lakad niya. Nasanay na siya dahil may mga tawag na ganito na ang ibig sabihin ay hindi siya makakauwi para kumuha ng gamit o magbihis.

Ilang minuto lang ay nag-park na ang kotse niya sa slot niya sa opisina ng Elements. Si Rain ang nabungaran niya pagpasok ng opisina. "I thought nakabakasyon ka?" Unang tanong niya rito.

"I'm doing some research. Tinawagan ako kanina ni Adam para magtrabaho kahit dito lang sa opisina."

Pumasok ng silid si Fire nang sandaling iyon.

"Must be big if tinatawagan na niya tayong lahat," komento tuloy niya. "Si Earth na lang ang kulang."

"This is about Earth," sabi ni Adam na hindi niya namalayang pumasok rin sa silid. "She is fixing a family business sa Palawan nang may masabat siyang kaso. Apparently, ang kausap niya roon ay isang matandang nagtatago dahil sa pagnanakaw nito dati sa isang sindikato. I talked to our contacts in the NBI at sabi nila, target nila ang head ng sindikatong ito pero hindi nila ma-pin sa kahit anong kaso. They agreed to let us help with the case, given na tayo ang naka-discover ng lead. Kailangan nating maitakas ang matandang iyon dahil ito ang maaring maging state witness laban sa sindikato. Nag-usap na kami ni Earth. An entrapment might also be possible so that if all else fails, puwede pa ring sampahan ng ibang criminal charges ang grupo lalo na kung may intensiyon silang saktan o patayin ang matanda. Tinawag ko kayong dalawa para mag-back up kay Earth. I will fly with you to Palawan to coordinate with our contact there. Rain could work here as a command post."

Mabilis na na-organisa ang lahat. A few hours and they were flying to Palawan sa isang maliit na chartered plane. Everything was done quietly and efficiently as always. Ilan lang matataas na opisyal ang makakaalam na sila ay private agency at hindi mga miyembre ng NBI sa Maynila na siyang gagamitin nilang pagpapakilala pagdating ni Adam sa field office ng NBI sa Puerto Princesa.

Pagsakay nila sa eroplano ay saka lang niya na-realize na siya ang katabi ni Adam. Iniiwas-iwasan pa naman niyang mapalapit masyado rito pero wala siyang choice dahil sa limitado ang upuan ng maliit na eroplano.

It was an uncomfortable place to be in lalo na at na-realize niya na kahit nakundisyon na niya ang utak niya sa paglimot, hindi pa handa ang katawan niya para roon. Kada galaw niya ay napapadikit siya rito at kahit pa anong pagpapanggap na gawin niya, hindi niya maikaila ang makapal na tensiyon sa pagitan nila lalo na sa ganoong ka-confine na space. Her body was betraying her. Parang naka-programa pa rin itong rumesponde sa bawat pagkakataong magkakadikit sila o kaya namang ay aksidenteng mahahawakan siya nito.

Nang mag-landing sila sa Puerto Princesa naroon na ang helicopter na magdadala sa kanila sa lokasyon ni Earth. Halos takbuhin niya ito para mapalayo kay Adam at sa pakiramdam niya habang katabi ito.

"Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Fire na pumuwesto sa kanyang tabi.

"I can fly this without any problem, kung iyon ang tanong mo," sagot niya bago magsuot ng protective gear para sa pagpipiloto ng helicopter na iyon.

"That's not what I mean."

Mula sa airport ground ay nakita nilang kumaway sa kanila si Adam to give them the final head's up.

"Iyon ang ibig kong sabihin," senyas sa direksiyon ni Adam ng kanyang pasahero.

"What about him?" Patay-malisyang tugon niya.

"Sana huwag ng mag-deny. Something is up between you. I am not exactly blind, you know. Kung kumapal pa ng konti ang sexual tension sa pagitan niyo kanina magse-self combustion na kayo parehas. Dapat hindi ka nakapikit para nakita mo kung paano ka niya tinititigan. Alam mo..."

"Fire..." pagpigil niya rito na ipagpatuloy pa ang sinasabi.

Tila may narinig itong kaiba sa kanya, sumandal ito sa headrest ng upuan. "Oh my God, please don't tell me you are in love with Adam," sabi nito.

Sinimulan niya ang engine at nalunod ng tunog ng propeller ang lahat iba pang tunog sa paligid. Inayos ni Fire ang communication set nito sa gilid ng pisngi. Sa ground ay natatanaw pa nila ang topic ng kanilang usapan. Paliit ito ng paliit hanggang mawala ito sa kanilang paningin. Saka lamang nagsalita ulit si Wind.

"Yes, Fire, ang tawag sa akin ay isang malaking gaga. Ayoko na munang pag-usapan kung gaano kalaki exactly. Can we just review the plans?"

Tinitigan muna siya nito bago sundin ang kanyang kagustuhan. The review was not really necessary. Alam na alam na nila parehas iyon pero magandang distraction iyon para sa kanya.

Ilang minuto lang ay nakarating sila destinasyon at doon ay naroon ang lahat ng distraction na kailanga niya.

Masasabi namang matagumpay naman ang naging operasyon. Naitakas nila ang matanda at nailagay ito sa protective custody ng NBI agad-agad. Maging sila ay hindi alam kung saan ito itatago. Ngunit may isang hindi inaasahang deviation sa plano ang naganap.

Ang kasama ni Earth na dumating sa lugar na iyon ay ang abogado nitong si Jim. Nagawan ng paraan ni Earth na paalisin ito bago maganap ang operasyon. Pero naisipan ng abogado na balikan ang dalaga. Hindi nila iyon inaasahan kaya na-caught off guard silang lahat sa biglang pagsulpot nito. Nabaril ang lawyer at isang in-distress na Earth ang sinamahan nila sa ospital para bantayan ang lalaking mahal pala ng kanilang Egyptian princess.

Naroon sila sa waiting area nang dumating si Adam. Huminto siya sa pagbabalik balik ng paglalakad at sinundan ito ng tingin. Dumiretso ito kay Earth at niyakap ang agent para bigyan ito ng comfort.

Kaibigan niya si Earth. Kailangan nito ang ibinibigay na suporta ni Adam pero sa kabila noon parang may tumadyak sa kanyang tiyan sa sight ng pagyakap ni Adam dito at nang pagiging magkahawak kamay ng dalawa ng umupo sa bench.

Umupo rin siya sa sahig at nakapikit na isinandal ang ulo sa malamig na pader. A green-eyed monster gnawed mercileesly inside her heart. She knew she was being bratty and selfish. But it just hurt too damn much. Hindi niya inaasahan na masyado palang masakit na makita ito na nagpapakita ng affection sa isang tao na hindi kailangang magtago o magbigay ng limitasyon.

Samantalang sa kanya...

Naramdaman niya ang pagtingin sa kanya ni Fire. It felt as if she understood how she was feeling at nakatulong iyong na bahagya. It made her feel less isolated somehow.

Nang maayos na ang kalagayan ng pasyente at payapang binabantayan na lamang ito ni Earth ay naroon pa rin si Adam. Si Fire ay humiwalay na dahil dumating ang boyfriend nitong si Kane na half-brother ni Adam. Apparently matagal ng gusto ng dalawang pumunta ng Palawan at sumunod na ito para humagip ng ilang araw na bakasyon.

Pagkaalis nito at dahil na kay Earth ang attention ni Adam, nakaramdam siya bigla ng depression. She was alone, basically. And it was such a bad time for her to be alone.

Hindi nagpaalam kahit kanino na tahimik siyang lumabas ng kuwarto para maghanap ng kape. There was an old vendo machine outside. Instant ang kape pero okay na rin iyon. Kumuha siya ng isa at bitbit iyon na lumabas ng hospital.

Umupo siya sa isang flower box malapit sa parking area. Ngayon lang siya nakakaramdam ng ganitong pagod at alam niyang hindi lang physical ang pagod na iyon. Her heart was also weary dahil sa ilang linggo ng pagpapanggap sa pagiging okay na hindi naman niya totoong nararamdaman.

Hindi pa siya natatagalan doon nang matanaw niyang patawid ng kalye si Adam patungo sa direksiyon niya.

"Balak mo na bang bumalik sa hotel?" tanong nito nang makalapit.

"Ubusin ko lang itong kape," malamig na tugon niya.

"You look tired," komento nito.

Hindi niya alam kung bakit tila gusto niyang umiyak dahil sa sinabi nito. Sa halip ay hysteria ang nabuo sa dibdib niya. "Hindi naman. Bakit naman ako hindi mapapagod? I flew a helicopter, drove a friggin' AUV, fought with some jerks, I also watched an innocent man get shot under my watch, it's 2am at nasa labas pa rin ako, without even a proper meal, drinking some tastless coffee out of a friggin styro cup... No, I have no reason to be tired at all. God!" Itinapon niya ang hindi naubos na kape sa katabing basurahan.

"Hey," hinawakan ni Adam ang braso niya.

"Don't touch me, Adam," halos sigaw niya.

Sa halip na pakinggan siya ay kinawit siya nito bago yakapin ng mahigpit. Sigurado siyang alam ni Adam eksakto kung anong nangyayari sa kanya. Masuyong hinaplos nito ang kanyang buhok hanggang kumalma siya. Walang salita. Just the strength of his presence and the comfort of his arms na pinapanood at kinaiingitan niya kaninang ibinigay nito sa iba.

Nang maka-recover ay siya na mismo ang marahang kumalas dito. "Gusto ko ng bumalik sa hotel," aniya.

Tumango ito at dinala siya sa service nila. He drove in silence habang nakatingin lang siya sa labas ng bintana at pinapanood ang mga posteng dinaraanan nila.

"Take a shower, ako na ang mag-o-order ng room service," utos nito sa kanya ng ihatid siya sa kanyang silid. Isa na muli itong boss na in-charge sa nagbi-breakdown nitong staff.

She wanted to argue. She wanted to tell him to go to hell. Pero sa halip ay sinunod niya ito. Pumasok siya sa banyo at nilagyan ng mainit na tubig ang tub. Inulubog niya ang sarili doon. Kailangan niyang kumalma. Hindi na niya alam ang nangyayari sa kanya. There was no sane reason for what was happening and she was getting frustrated with herself. Dapat mas alam niyang i-kontrol ang sarili pero sa halip ay parang isa siyang luka-luka na hindi makatagal sa tabi nito, nagseselos sa ibang tao at nagiging hysterical.

Matagal siyang nakababad dooon. Kailangan pa siya nitong katukin ng dumating ang pagkain bago siya umahon sa tub. Nangungulubot na ang kanyang kamay sa tagal niya sa tubig. Nang nagsusuot siya ng robe ay nakita niya sa salamin na namumula ang kanyang mga mata at pisngi dahil sa init ng tubig na pinagbabaran niya. Isinuklay niya lamang ang mga daliri sa kanyang buhok bago lumabas.

Naroon na nga ang pagkaing in-order nito. Nakadikit ang room service table sa may kama para ang isa ay maari doong umupo at ang isa ay sa isang upuan. Pinili niyang umupo sa kama. Hinigpitan niya lang ang robe at inalis ang basang buhok na nakatabing sa mukha niya.

"Wind, anong nangyayari?" concern ang boses ni Adam sa pagtatanong.

Umiling siya. "I'm sorry. Moment of insanity lang yung kanina. Hindi na mauulit, boss."

He looked completely unconvinced. Lumapit ito at tumayo sa tabi niya. "Hindi lang ikaw ang nahihirapan," mahinang sabi nito sa kanyang may ulunan. Napatingala siya rito. The light above his head made it impossible for her to see his face. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "It's hard for me, too..."

Umupo ito sa tapat niya at nakikita na niya ang mukha nito. His thumb lightly rubbed against her lower lips and his gaze moved hungrily towards that direction. She saw how desire flickered in his eyes.

"Adam," she whispered his name at tila pakiusap ang tunog noon.

Biglang nag-ring ang telepono nito.

Alam niya ang tunog noon. It was his emergency line that rang. Sandaling nakita niya ang pagkalito sa mata nito na tila hindi pa ito makapagdesisyon kung sasagutin iyon o hindi. Ngunit sa huli ay dinukot nito sa bulsa ang cellphone at tumalikod sa kanya para sagutin ang importanteng tawag na iyon.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Kapagdaka ay tumayo siya. Kumuha siya ng damit at pumasok sa banyo para magbihis. Inilagay ng phone call na iyon ang mga bagay sa tamang perspetive.

Hindi siya kailanman pipiliin ni Adam kapalit ng Elements.

Continue lendo

Você também vai gostar

104K 2.9K 10
Extended foreplay hanggang dumating ang fiancée at mahuli sila. Iyon ang dapat nangyayari sa engkuwentrong iyon. So Guia, also known as Fire, and in...
273K 6K 18
"Akitin mo si Kuya Mack," request kay Mirinda ng kaibigang si Beka. Gusto na kasi nitong lumagay sa tahimik. Kaso, may patakaran ang istrikto nitong...
36K 787 11
"I am a cold-hearted woman, at hindi basta makukumbinse ng kahit na sino ang puso ko. But you, you have that kind of charisma that melts the ice in m...
91.5K 3.7K 57
Daniel Cavelli-the man with oozing sex appeal, bold, and mysterious-has Porphyria. Hindi ito puwedeng masikatan ng araw dahil maaari nito iyong ikama...