If Our Love Is Wrong

Autorstwa NocturnalOblivion

495K 9.3K 2.4K

If it's real and if it's true, and if our love is wrong then I don't ever wanna be right. Highest rank achiev... Więcej

Part One
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Forty
Part Two
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
not an update
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
important author's note
NEW STORY!!!

Thirty Nine

5.3K 103 35
Autorstwa NocturnalOblivion

Beatriz

~ time just flew so fast you said I'll be your last but who is he? What are we?
I loved you but you let go ~

My tears fell.

It should have been me.

Dapat ako ang sumusundo sa kanya every after training... hindi siya.

Hindi ko na alam kung ilang beses ko na 'to nasasaksihan in a span of 2 months. Pero everytime, walang bago. Paulit ulit parin na parang binabasag ang puso ko.

Tumungo ako sa steering wheel. Tears still flowing.

~ how do I begin when all that I can think of are the memories. Memories of us ~

I miss her.

I need her.

I am aching to hold her.

God, she became my home and now I'm lost. I need saving.

I wanna be saved by her. Only her.

Hindi ko alam kung paano ko nasusurvive ang dalawang buwan matapos ang huli naming pag uusap ni Jho. Pero eto ako, humihinga pa rin naman. Barely nga lang.

2 months ago

"Pinaglaban kita kahit sa sarili ko, Jho. Kahit sa sarili ko."

"Sorry. Pero hindi ko naman sinabing... ipaglaban mo 'ko."

I opened my mouth to say something. But nothing came out. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sinabi niya. Masyadong masakit marinig yon sa taong sobra mong minahal at patuloy na minamahal.

Gusto ko bumagsak sa sahig. Nanlulumo na ako ng sobra. Parang gusto ng huminto ng lahat sa akin.. nang buo kong sistema.

"J-Jho..." hirap kong sabi. Ang dami kong gustong sabihin, but all I managed was, "Mahal kita."

She didn't say anything. Tumungo lang siya at umiyak. Parang mauubusan na siya ng hininga sa kakaiyak.

"Mahal kita, Jho eh. Mahal kita! Pinaglaban kita dahil mahal kita! Bakit hindi mo ma-gets yon? I did everything! I wasn't asking for more naman ah. I was just asking you to do the same pero bakit ganto? Why are you hurting me like this?"

I badly wanna punch the wall. But I controlled myself.

"Ano yon, Jho? Nacurious ka lang kaya tinray mo kung anong pinagkaiba sa babae at lalaki? Tapos nung natry mo na ano? Narealize mong mas gusto mo pala sa lalaki? Ganon ba ha?!"

Umangat bigla ang tingin niya sa akin. She gave me a sharp look. Puno ng galit.

"Hindi yan totoo." madiin niyang sabi.

"Then why is it so easy for you to replace me?!"

Jho was about to answer back when the door suddenly opened. Napahinto si Kim. Papalit palit ang tingin sa amin ni Jho. Mukhang she noticed the tension in the air kaya pati siya hindi alam ang gagawin.

Jho was the one to broke the silence.

"M-mauna na'ko." mahina niyang sabi at mabilis na lumabas paalis.

I was left standing habang nakatulala.

After that day, never na ulit ako pinansin ni Jho. Kahit mabilis na tingin never niya ako tinatapunan.

I felt guilty of course.

Pinagsisihan ko talaga yung mga nasabi ko sa kanya. Hindi ko naman din kasi sinasadya na masabi yung mga bagay na yon eh. I was just so hurt and frustrated kaya lumabas yon sa bibig ko.

I know it's my fault. I judged her. Nasaktan ko siya sa mga nasabi ko. Dapat hindi ko yon sinabi.

Kaya nga hindi ako tumigil.

"Bei, hindi ka ba sasama?" Jamie asked when I went out of the shower room. Nagkayayaan kasi mag pizza after the training.

I shook my head. "Next time na lang J. I promised mom I'll be going home tonight eh." But of course, that's not true.

"Oh okay. Ikaw bahala." and then they left.

I didn't promised mom naman talaga that I'll be going home. Ayoko lang talagang sumama because hindi raw sasama si Jho. Naisip ko, baka ito na yung chance ko para makausap siya ulit. Hindi kasi ako makahanap ng tiyempo these past few days.

Jho is still at the shower room kaya I waited for her outside.

Alam ko nasaktan siya at nagalit sa mga nasabi ko kaya I badly wanna apologize.

Paglabas ni Jho, agad akong napatayo. Medyo nagulat at napahinto pa siya when she saw me. Pero agad din siyang umiwas at naglakad palayo.

"Jho, wait." agad kong hinawakan ang braso niya causing her to stop.

Lumingon siya sa akin pero hindi niya ako tinititigan sa mata.

"Can I invite you for a dinner? Like the usual. Kahit mabilis lang, Jho."

"Bea naman. Hindi mo pa rin ba naiintindihan?"

Napalunok ako. Heartstrong, Bea!

"Gusto ko lang naman makabawi dun sa lahat ng nasabi ko."

Hindi siya nagsalita.

"I didn't meant to say those things to you. Alam ko dapat hindi ko sinabi yon. Jho, sorry. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya na masabi yon. Nadala lang ako ng ga---"

Finally, Jho looked straight in my eyes.

"Oo, nasaktan ako sa mga sinabi mo. Pero naiintindihan naman kita eh. Kaya sana maintindihan mo rin ako."

"But Jho..."

Umiwas siya ng tingin. "Kaylangan ko na umalis. May pupuntahan pa kasi ako."

Tinanggal niya yung kamay ko sa braso niya at naglakad na siya paalis. Gusto ko siya pigilan pero hindi ko magawa. All I managed to do was to watch her go.

Bakit ganon? Bakit feeling ko wala akong laging magawa?

Pero kahit ganon ang nangyayari, hindi pa rin ako sumusuko. Because if you love a person so much, you don't let that person go. Kahit gustuhin pa niya. Kahit ipilit pa niya. Even if that person already let you go. You still keep trying to fight for her. You still keep trying to win her back. Kasi ganon naman diba? You don't give up on the person you love.

Yes, it's been two months. Hindi ko alam kung ano ng meron sa kanila nung Nico na yon. Wala rin naman akong balak alamin kung anong meron sa kanila. Basta ang alam ko madalas siya nitong sunduin after training. Masakit masaksihan yon. Masakit makarinig ng mga usap usapan about sa kanila. Pero ayokong paniwalaan lahat ng yon eh. I prefer to pretend to be blind and deaf.

I still want to believe na totoo yung pagmamahal sa akin ni Jho. I still want to believe that after all this pain, she will come back to me.

Kaya ayokong tumigil. Kasi baka pag tumigil ako, pagsisihan ko lang.

Kahit pa minsan parang kinakain na ako ng pain. Na pati sa training minsan nadadala ko yung sakit na nararamdaman ko. Na minsan papasok akong walang tulog dahil sa kakaiyak gabi gabi. Pero I am still holding on.

This is my choice. I don't care if this choice is hurting me. Basta hindi ko susukuan si Jho.

Kaya nga for 2 months nag eeffort pa rin ako kahit walang progress sa mga efforts ko. Pero may mga times talaga na parang gustong gusto na ng mundo na sumuko ako. Mga times na parang gusto ko na lang lumuhod sa harap ni Jho for being so hopeless.

Gaya nga ng nangyari kanina lang bago siya sinundo ni Nico sa BEG.

"Hi Jho."

Lumingon siya sakin when I approached her. Napatigil siya sa pag aayos ng training bag.

Nginitian niya ako ng kaunti bago tinuloy ulit ang pag aayos.

"I just want to say that you're doing really good each training. Kaya you deserved to be recognized by coach talaga kanina."

"Thanks, Bea." matipid niyang sagot.

Bea na lang ngayon. I really miss her calling me Beh so much. It's been months since I last heard 'beh' from her.

Gosh. I never thought that a simple indearment will give so much impact to me.

"Uhm... here nga pala oh." Inabot ko sa kanya yung hawak kong paperbag. "Naisip ko kasi baka namimiss mo na 'to kaya I baked cookies last night. I was suppose to make yung favorite nating Milo Dino kasi I know how much you love it with this cookies eh. Pero baka matunaw lang kaya pasensya na cookies lang nadala ko."

She looked at it ng matagal bago siya nagsalita. "Share mo na lang yan sa girls, Bea."

"No it's fine. I already gave their share kanina. This is for you talaga."

Pero hindi niya kinuha.

"A-ano kasi..." napaiwas siya ng tingin at mas nagfocus sa pag aayos ulit ng training bag kahit kanina pa naman maayos ang loob non. "As much as possible umiiwas na kasi ako sa mga sweets ngayon. Tsaka puro organic na kasi yung kinakain ko."

Napalunok ako ng paulit ulit at bigla kong naibaba ang kamay ko na may hawak na paperbag. "Oh. I-I didn't know."

Biglang tumunog ang phone niya. May tumatawag. Hindi ko alam kung sinasadya ba ng Universe saktan ako pero nahagip ng mga mata ko yung screen ng phone niya.

Nabasa ko ang name ni Nico.

"Uhm una na 'ko." she said bago sinagot yung call tsaka siya umalis.

I looked at the paperbag with the cookies na pinagpuyatan kong gawin last night seating lonely beside me.

More tears fell.

Cookies lang naman yan. But I felt rejected... for the nth time.

Pagtingin ko sa harap, wala na yung car ni Nico. Nakaalis na sila.

Here I am again. Wala na namang nagawa.

I wiped my tears when my phone rang. It's Jia. Pinatay ko yung radio before I answer her.

"Hoy Beatriz ano na? Don't tell me hindi ka pupunta porket wala si Jho dito."

I took a deep breathe para hindi mahalata sa voice ko na umiyak ako bago nagsalita. "I'm on my way Ju. May dinaanan lang ako saglit," More like may pinanood lang ako saglit. "but I'll be there na."

"Okay! Ingat!"

I almost forgot, Jia invited us nga pala for a dinner at her place tonight. Magluluto raw kasi siya. As usual, absent na naman si Jho because may naunang plano na raw kasi siya tonight. What's new.

When I arrived at Jia's condo, halos present na ang mga girls. May pinagkakaguluhan sila sa may couch. Ewan ko tawa kasi sila ng tawa kaya for sure they are watching a funny viral video or something na naman.

Dumiretso ako sa kitchen to find Jia. Nadatnan ko silang dalawa ni Deanna na nag uusap.

"Hi ate Bei!" Deanna said when they saw me. "What's that?" tinuro niya yung nilapag kong paperbag sa table.

I just shrugged my shoulder at umupo sa tabi niya.

Binuksan ni Deanna yung paperbag. "Oh may mga cookies pa pala eh! You said ubos na?"

Lumapit si Jia. "Nagcecrave pa naman ako kanina! Isa lang nakain ko dun sa dinala mo eh!"

"Kay Jho yan." sagot ko kaya napatigil si Deanna sa akmang pagbukas sana nung container. "But eat it if you want. Hindi naman niya yan tinanggap." I sadly said.

Both silang napatingin sakin. Napainom na lang ako ng tubig.

"Eh diba favorite niya 'to?" Jia asked.

"Yeah. But she said she's trying to make iwas na daw sa sweets eh."

"Ay oo ate Bea. Nasabi nga niya sakin na she's into organic foods na nga daw ngayon. She's trying to be more fit for the upcoming season kasi."

Hindi ko man lang alam yon. Edi sana organic cookies yung ginawa ko if someone just informed me earlier. Pero ano na nga bang alam ko sa kanya? Eh ilang months na rin.

Parang feeling ko ang dami dami ko ng hindi alam kay Jho 😔

But cheer up, Bea! Ganon naman talaga pag nag uumpisa ulit diba? Back to zero lahat.

Ika nga, No pain no gain.

"Siguro I'll just find a tutorial video sa youtube on how to make organic cookies. Or maybe I'll ask mom if marunong siya." lutang kong sabi. Iniisip ko kasi kung anong pwede kong isubstitute na food na magugustuhan pa rin niya. Mahilig kasi yon sa pagkain. Kaso mukhang di ko na pwedeng ibigay sa kanya yung mga gusto niya dati.

Organic?

Dati naman wala siyang pakialam sa mga kinakain niya eh. Parang ako, lahat kinakain.

Napatingin ako sa dalawa when they didn't respond. Pag angat ko ng tingin parehas nila akong tinititigan.

"What?" I confusingly asked.

"Hay jusko Isabel Beatriz." Huminga ng malalim si Jia. "What will we do to you?"

"Julia Melissa, don't even start again."

Napailing na lang siya. Si Deanna naman nagpakabusy na lang sa pag kain nung cookies at mukhang mas napunta ang attention sa phone.

"Guys! Omg did you saw Nico's ig story?!"

Napalingon kaming tatlo ng biglang sumulpot si Ponggay. Natigilan siya when she saw me.

"Ay yawa!" Biglang sabi ni Deanna kaya nagtataka kaming napalingon naman sa kanya. "Pongs naman!" madiin niyang sabi habang pinandidilatan ng mata si Ponggay na parang may alam sila na ayaw nila ipaalam.

"Bei, y-you're here na pala." gulat na sabi ni Pongs.

What's happening?

I looked at Jia. Nagtataka rin siya at halatang walang alam like me.

I creased my forehead. "Why Pongs? What's with Nico's ig story?"

She's following that Nico pala? What the fuck.

"W-wala. N-nothing important." nabubulol niyang sagot sabay tago ng phone nya sa pocket ng shorts niya. "Uy! Cookies!" Lumapit siya at kumuha ng cookies na parang wala siyang nasabi.

Nothing important daw pero grabe yung intensity level ng pagkakasabi niya kanina. What is she trying to hide?

Ayaw pa sabihin eh hindi ba niya naisip that I have phone naman.

I opened my instagram and I searched for Nico's account. Tapos I immediately viewed his latest story.

It's a boomerang of him and Jho while on a restaurant. Tapos may nakasulat sa pinaka lower part,

It's official! TY @jhoanalouisse

Napatulala ako sa screen ng phone ko. My hands started shaking. Nanlamig ang buo kong katawan. Nanuyo ang lalamunan. Parang unti unti akong kinakain ng lupa.

What's this?

No.

This can't be.

Hindi 'to totoo. Hindi.

Gusto ko magbulag bulagan. Ayokong paniwalaan. Pero ano pa ba'ng magagawa ko kung isinampal na sa akin ng Universe.

Parang dahan dahan kong nararamdaman yung pain. Parang pinapanamnam talaga ang hagupit nito sakin ng paunti unti na parang bagyo na yung akala mo walang magiging casualties.

Pero meron pala

Sobrang laking casualties.

I can feel my tears about to burst out. Pero parang may pumipigil sa mga luha ko and all I did was to stare blankly on my phone.

"Ate Bei." I felt Deanna's hand on my shoulder. I think kanina pa niya na-view yung story yet she didn't tell me.

Sobrang sakit.

"Is it true?! Official na si Jho at Ni---" napatigil bigla si Maddie when she saw me. Parehas sila ng reaction kanina ni Ponggay.

Seriously, wala ba talagang nakakita sakin sa kanila nung dumating ako kanina? Sa harap naman nila ako dumaan ah.

Napasapo sa noo si Deanna.

"Opss. Sorry." naiilang na sabi ni Maddie.

I turned off my phone and then I tried to smile at them kahit sobrang hirap. Na parang feeling ko pinupunit ang labi ko makangiti lang ako.

"It's okay." I looked at Jia na nakatingin na rin pala sakin. Kitang kita ko yung worry sa mukha niya. Lumunok ako ng ilang beses and I sustain myself. "Ju, is everything ready? Can we eat na ba? I'm hungry na eh."

Parang napabalik siya sa wisyo. "A-ah oo! Let's eat na guys! Deanns, call all the girls para makakain na tayo." Hindi niya mapakaling inayos yung lamesa. "Madami akong niluto. I'm sure magugustuhan niyo lahat 'to."

True enough. Madami nga siyang niluto pero halos hindi naman ako sumusubo. I tried to act normal pero alam kong halatang halata na hindi ako okay. They tried to make the dinner table as cheerful as it can be to make me feel better but I always find myself na nakatulala habang ngumunguya.

After dinner, they decided to watch a movie sa may livingroom pero nagpaiwan ako sa kitchen.

Nagnakaw ako ng Soju sa ref ni Jia habang nasa cr siya at mag isang nag inom.

Ano pa'ng laban mo, Beatriz?

Talo kana.

Talo kana sa laban na umpisa pa lang ikaw lang naman yung naglalaro.

Wala na.

Game over na.

May mas sasakit pa ba dito, Universe? May mas maiwawasak pa ba ako? Give it all! Patayin mo na ako sa sakit Universe! Eto naman ang gusto mo diba?

Nang makalahati ko ang laman ng bote sa isang lagukan ay unti unti ng tumulo ang luha ko na kanina pa ayaw lumabas.

Ang lupit mo sakin, Universe.

I was the one who gave everything but at the end, ako pa rin ang talunan. Ako pa rin ang mas nasasaktan.

Bakit ganon?

I just loved.

Sabi naman nila love makes you whole ah. Hindi naman pala yon totoo. If love makes us whole, then why am I shattered?

Halos gawin kong tubig yung Soju. At dahil malakas ang tama nito, nakaisang bote pa lang ako nararamdaman ko na yung alcohol sakin.

But I don't care.

Tumayo ako para magnakaw ulit ng isa pa sa ref. Sorry, Jia. Babayaran ko na lang.

Bumalik ako sa pwesto ko habang tungga tungga yung new opened alcohol nang dumating si Jia.

"Oh Bei why are you alone there hindi ka ba manonood ng mo---are you drinking?!"

Tumungga ako carelessly to answer her question.

Napasapo siya sa noo. "Beatriz, itigil mo nga yan." She was about to grab the bottle pero tumungga ako ng sunod sunod kaya wala siyang nagawa kundi panoorin ako with a straight face. "Jusko ano na ba'ng gagawin ko sayo."

Halos mangalahati yung laman pagkatigil ko. Parang inaapoy yung lalamunan ko.

"I don't get it. Ano ba'ng nakita ni Jho sa lalaking yon." wala sa sarili kong sabi.

"Bea..."

Natawa ako ng kaunti. "Oo nga pala. Ano nga ba'ng laban ko sa lalaki? Ako lang naman 'to eh. Yung babaeng hindi siya kayang bigyan ng pamilya. Yung babaeng hindi niya kayang ipagmalaki sa buong mundo." I look at Jia. Nagpapaunahan na naman ang mga luha ko. "Pero Ju, ako yung babaeng handang gawin lahat para sa kanya eh. Ako yung babaeng laging nandiyan sa tabi niya. Ako yung babaeng iniintindi siya. Ako yung babaeng..." bigla akong nahirapan magsalita. "A-ako yung babaeng mahal na mahal siya. Ano nga ba talagang laban ko diba."

Tinitigan lang ako ni Jia. Titig na may halong awa at pag aalala. Titig na alam niyang pati siya wala rin magawa.

"Ju." pagsasalita ko ulit. "Tell me, saan ba ako nagkulang kay Jho?"

Napatigil siya when I asked that.

"Hindi ko kasi ma-gets kung bakit ganto eh." I wiped my tears kahit sunod sunod naman ang tulo kaya wala rin. "Bakit hindi niya ako kayang panindigan? Ju, alam ko naman at ramdam ko na minahal niya ako kahit pa itanggi niya alam ko yon. Then why is it so easy for her na palitan ako ng ganon lang? Why is it so easy for her to throw lahat ng meron kami?"

This time, tumabi na si Jia sakin. "Bei, minsan kasi... love is not enough for two person to be together." Hinagod niya ang likod ko. "Kasi kung sapat na ang pagmamahal, edi sana walang nasasaktan. Sana hindi komplikado. Sana lahat masaya diba?"

"Pero ginawa ko naman lahat. Hindi pa rin din ba enough yon?"

"Ganto kasi yan," maingat niyang sabi tsaka nagpatuloy. "kahit gawin mo pa lahat. Kahit isakripisyo mo lahat. Kahit pa ibigay mo ang mga bituin at buwan, kung ayaw niya. Ayaw niya. Kahit pa ibigay mo yung alam mong sobra sobra, kapag ayaw ng tao, walang silbi yon."

Pinigilan ko yung nagbabadyang luha na gustong lumabas because of what she said. Hindi ako nakapagsalita.

Tumungga na lang ulit ako ng Soju. Pero nakakadalawang lunok pa lang ako bigla niya kinuha yon sa kamay ko at inilayo sakin. Muntik pa matapon yung laman.

"Stop drinking, Bea."

"What the fuck Ju! Ano ba! Give that back to me!"

Medyo nagulat siya when I shouted at her. Sa totoo lang nagulat din ako.

Ano na ba'ng nangyayari sakin.

Tinitigan niya ako ng sobrang talas. "So sa tingin mo makakatulong ang paglalasing ha? Babalik ba si Jho sayo kapag lumaklak ka ng ilang bote ng alak?! Makikipaghiwalay ba siya kay Nico kapag nagpakalasing ka? Kung oo aba ako mismo bibili ng ilang bote para sayo! Pero hindi Bea! Kaya wag kang magpakalunod sa alcohol! You're better than that!"

Natigilan ako sa mga sinabi niya. Natulala.

Next thing I know, humahagulgol na ako sa harap niya.

Hindi ko na kinaya.

I broke down.

"Jia, ang sakit sakit na eh. Hindi ko na alam gagawin ko." hagulgol ko.

Nilapit niya ako sa kanya at niyakap.

"I know. Pain is inevitable naman kasi. Walang taong hindi nasasaktan. But Bei, the world doesn't stop just because nasasaktan ka."

Yes. The world doesn't stop revolving. Pero bakit feeling ko nakahinto yung akin? Nakastuck.

"Jho is my home, Jia. Not just home. She became my world." Mas ibinaon ko ang mukha ko sa shoulder niya. Her shirt is getting really wet from my tears. "How can I continue now?"

"You will and you can." Hinagod niya ang buhok ko na mas lalong nagpaiyak sakin. "She may be your home for now, but you will also walk away from that home when that home doesn't felt like a home anymore."

I hold on her tighter. "I love her so much, Ju. I don't think kakayanin ko."

"Of course kakayanin mo. Ikaw pa ba?"

Umiling ako at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. I tried to wipe my tears kahit ang hirap.

Kaylangan ko magpakatatag.

"Ju, baka pwede pa. Baka pakinggan pa ako ni Jhoana. Baka naman hindi pa ako huli." sunod sunod kong sabi sabay tayo.

Nagulat siya sa bigla kong pagtayo pero agad din naman niya ako nahawakan sa braso. "Are you kidding me? Tama na, Bei."

"Hindi Jia. Gusto ko siya makausap. Kakausapin ko si Jho." Pilit kong tinanggal yung kamay niya.

I need to talk to Jho. I really need to talk to her. Kaylangan ko siyang puntahan.

"Ano ba Beatriz. Tama na." Hinawakan niya ulit ang braso ko. "Calm down. Nakainom ka lang kaya ka ganyan."

What the heck!

Oo aaminin ko medyo tinamaan ako ng konti sa ininom ko. Pero nasa tamang katinuan pa naman ako I swear! I can still walk straight! I can still even play volleyball right now!

"I'm not drunk." Inalis ko ulit ang kamay niya. "Kaya ko. I'll go to her. Kakausapin ko siya."

Nung palabas na ako ng kitchen, hinila niya ang damit ko sa likuran causing me to stop.

"Makinig ka nga De Leon!" sigaw niya kaya nagtinginan ang lahat sa akin.

Why can't she just let me do this? Gusto ko makausap si Jho!

"What will you do? Magmamakaawa sa harap niya? Luluhod?" suway niya. Lumabas ang pagka-ate. "Maawa ka naman sa sarili mo, Bei. Kaunting respeto naman sa sarili mo."

That's when I lost it.

Bigla na lang akong napaupo sa sahig at humagulgol.

My hands are badly shaking. Parang wala akong lakas.

Lumapit si Jia sakin pati na rin sila Kim. Pinatahan nila ako pero I can't let myself stop from crying too much.

Feeling ko gusto ng huminto ng puso ko sa pagtibok.

Sana nga huminto na lang para hindi na ako nasasaktan ng ganito. Para hindi ko na maramdaman yung sakit. Para hindi ko na mahalin si Jho ng sobra.

Feeling ko paubos na ako pero siya pa rin ang sinisigaw ng puso ko.

"Tangina I love her so much eh." paulit ulit kong bulong habang hindi na nila alam ang gagawin sakin.

Actually, hindi ko na rin alam ang gagawin sa sarili ko.

"Shhh. Alam namin yon." Kim hugged me tight. "Tahan na Bei nandito lang kami. Everything will be okay. Tama na iyak."

I don't think everything will be okay.

~ * ~

The next morning, maaga akong hinatid ni Jia sa bahay. Sa sobrang kakaiyak ko yata kagabi hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa condo niya. Tapos she insisted to drive me home since we don't have training and may pupuntahan din daw siya.

Parang wala ako sa sarili kaya puro tango lang ang nagawa ko. Pero I apologized before I went out of her car. Humingi ako ng tawad kasi alam ko naman naabala ko sila... lalo na siya last night.

Pagpasok ko sa house wala pa rin talaga ako sa sarili ko. Puro si Jho parin ang laman ng isip ko.

Nadatnan ako ni kuya Loel sa gilid ng pool mag isa.

"Woah. You're drinking this early?" kunot noo niyang sabi. "Taking advantage of Dad's liquors while they are not around?"

Hindi ako sumagot at mas piniling uminom na lang. Tumabi si kuya sakin.

"Coffee ang iniinom sa umaga Beatriz hindi alak." naiiling niyang sabi. "What's your problem?"

Hindi ulit ako sumagot. Nagsalin lang ako sa shot glass.

"Si Jhoana?"

Pagkasabi ni kuya non muntik dumulas sa kamay ko yung bottle ng alcohol.

Shit

Just hearing her name nagiging shaky agad ang kamay ko.

Ininom ko yung bagong lagay na alak. Fuck this. Bakit ba ang tagal umepekto sakin ng mga alak ni dad? Mataas lang ba talaga alcohol tolerance ko or what. I wanna get wasted! Para naman hindi ko maramdaman 'tong sakit kahit ngayong araw lang.

"I knew it. Her again?" kuya said. "Until when, Beatriz?"

Napalunok ako. I can feel the tears rising up. Nilapag ko yung hawak kong shot glass sa gilid and then I took a deep breathe.

"Everyone... everyone's been telling me to stop." Yumuko ako at may tumulong luha. "But I can't... I can't kuya."

"Stop chasing a person who doesn't want to be chased, Bei. Mapapagod ka lang. It's like running in circles. Walang patutunguhan."

"But I love her kuya eh. I love her so much." halos pabulong kong sabi.

"I know. But please Beatriz, don't lose yourself while on the process of loving her. Kasi sa nakikita ko, wala ka ng tinitira sa sarili mo and that's not good. What will happen if ubos kana? Wala. See? Ikaw lang ang kawawa."

Nagbagsakan na ang mga luha ko.

Mahal ko si Jho kaya syempre handa akong ibigay lahat kahit walang matira sakin. Pero kuya's right. Ano nga ba mangyayari sakin kapag naubos na ako?

Do I really want to lose myself?

"Maawa ka naman sa sarili mo, Bei. Kaunting respeto naman sa sarili mo."

Jia's words echoed through me.

Did I really lose my self respect?

"Kung ayaw na niya Bei, awat na. Wag mo na ipilit pa. Para saan pa diba? Bakit mo ipipilit ang sarili mo sa taong ayaw na sayo?"

Taong ayaw na sayo

Sobrang sakit.

"You've done enough. Ako na nagsasabi sayo Beatriz, you've done enough. Kaya please stop na. Hindi na kasi ikaw yan eh. We miss the old Bea. Yung Bea na kilala namin. Yung masayahin. Yung laging nakasmile. We miss her."

Mas lalong nagbagsakan ang luha ko.

"I'm so sorry kuya." bulong ko.

Inalis niya yung bote ng alcohol at yung shot glass sa pagitan namin at itinabi yon sa gilid. Then umurong siya palapit sakin.

"Can I ask you something?" he said.

Tumango lang ako as a response.

"How are you?" Nakatitig siya sakin ng deretso. "And please, answer me truthfully now."

Napaiwas ako ng tingin. Everytime kasi na tinatanong niya ako ang laging kong sagot 'I'm okay' kahit hindi naman yon totoo.

Well, there's no reason for me to lie anymore.

I buried my face inside my palm at nilabas lahat ng iyak ko.

"I-I'm falling... apart kuya."

Pinasandal niya ako sa shoulder niya.

"Well," I heard him sigh. "I guess ganon talaga. Maybe we fell apart because we failed to control our hearts."

If only our hearts can be controlled. Everything will be easier.

🌻🌻🌻

Song: Memories by TJ Monterde

Kung sobrang sakit na talaga, may palibreng anesthesia po sa may kanto. Pila lang para hindi magulo.

Pero seryoso, forgive me for all the painful chapters guys. Kailangan lang talaga 😆✌

Peace! ✌


✨❇✨

HAPPIEST NEW YEAR TO ALL!
MAY YOUR 2019 BE THE YEAR OF GROWTH!

✨❇✨

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

971K 18.7K 61
HIGHEST RANK: #19 In ROMANCE 💕 © All Right Reserved 2016
10.3K 1.8K 48
#GA19A Lower and Last section is about Happiness and HIghschool life that can bring you back in past AWARDS: -Wattpad Pen Awards (Winner) *Teenfictio...
92.4K 1.3K 10
#1 in Hotboys category Hi! I'm Axel. Lowkey maharot na bakla from the Province of Laguna!!! Charaan! Nagsimula ang lahat sa C.R. nag-eexplore lang ak...
378K 8.4K 43
Highest Rank #23 in Fanfiction 2016 JhoBea FanFiction para mas lalo tayong humopia :D
Apka Wattpada - odblokuj wyjątkowe funkcje