When Forever Ends [SOON TO BE...

By JustCallMeUno

11.5K 389 32

Nailigtas ko ang buhay ng babaeng pinakamamahal ko na si Sabrina. Pero kapalit nito ay ang digmaan ng iba't-i... More

COPYRIGHT © 2014 by LARCAN
* * *
Chapter | One
Chapter | Two
Chapter | Three
Chapter | Four
Chapter | Five
Chapter | Six
Chapter | Seven
Chapter | Eight
Chapter | Nine
Chapter | Ten
Chapter | Eleven
Chapter | Twelve
Chapter | Fourteen
Chapter | Fifteen
Chapter | Sixteen
Chapter | Seventeen
Chapter | Eighteen
Chapter | Nineteen
Chapter | Twenty
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENTS

Chapter | Thirteen

195 15 0
By JustCallMeUno

Emerson | Sa isang iglap lang ay nawala na si Sabrina sa paningin ko. Naiwan akong nakaluhod sa sahig—laglag ang mga balikat at biyak ang puso. Agad akong linapitan ni Smoke at tinulungan ni Smoke na tumayo.

            “Nawala na naman siya,” bulong ko. “I need to save her,” paulit-ulit kong sabi sa’king sarili at tila nagbara ang aking mga tainga dahil may sinasabi si Peige at Lavinia pero hindi ko na maintindihan dahil ang isip ko ay okupado ng pag-iisip kung saan maaring dalhin ni Ergott si Sabrina.

            Pero tila nagising ako mula sa malalim na bangungot ng biglang may tumalon mula sa gilid papunta sa gitna ng rooftop. Nakayukod ito nang humarap sa’min pero hindi maipagkakailang babae ito dahil sa iba’t-ibang kulay ng kanyang buhok na para bang bahaghari  na naka-tirintas. Nakasauot siya ng itim na tanks na pinatungan niya ng leather na jacket na itim. Ang suot niyang pantalon ay hapit sa kanyang mga hita at ang kulay nito ay faded blue. Napansin ko rin na napakakapal ng suot niyang boots na kulay itim din. Sa kanyang balakang ay may mga nakasuksok na mga kakaibang baril na ngayon ko lang nakita sa tana ng buhay ko. Doon ko naisip na marahil ay galing siya sa ibang mundo. Sa kanyang dalawang kamay ay nakahanda ang dalawang mahaba pang baril—mas mahaba pa sa kanyang mga reserba at dahan-dahan niya itong ibinaba ng mapagtanto niyang hindi kami mga kalaban.

            “’Wag niyong sabihin nahuli na ‘ko?” tanong niya sa’min.

            “Sino ka?” mabilis na tanong ni Peige.

            “Ako si Aleona,” sagot niya sa malamig niyang tinig. “Galing ako sa Parallel Universe.”

            “Kung ganoon ay kasamahan mo si Axon?” tanong ko.

            “Oo,” sagot niya.

            “Anong kailangan mo dito Aleona?” tanong naman ni Lavinia na nasa’king kaliwa. “Anong ibig mong sabihin nahuli ka na?”

            “Si Sabrina,” aniya. Ang pangalan na kanyang binaggit ay tila muling nagpalungkot sa’king mukha. “Kailangan mo siyang patayin Emerson. Iyon lang ang tanging paraan para matahimik na ang lahat pati na ang Regency.”

            “Regency?” kunot-noong tanong ni Peige.

Tila walang narinig si Aleona, “Kailangan kong makita si Sabrina,” muli niyang paghahanap sa babaeng pinakamamahal ko.

            “Kinuha na siya ni Ergott,” mahina kong sagot, “kani-kanina lang bago ko...” tila hindi ko kayang sikmuraing sabihin ang kasalanang muntik ko nang magawa.

            “Kanina lang bago tuluyang ibaon ni Emerson ang patalim sa dibdib ni Sabrina,” pagpapatuloy ni Smoke.

Tumango lang si Aleona saka tumalikod sa’min saka pinagmasdan ang paligid. Tila sinusundan ang bakas ni Ergott sa pamamagitan ng hangin. Isang kakayahan na alam kong meron si Aleona dahil isa siyang Guardian ng Parallel Universe.

            “Tulungan mo ‘kong makuha siya,” pakiusap ko sa kanya. Humakbang ako ng ilan papalapit sa kanya. “Tulungan mo ‘ko, please?”

            Humarap siya at humawak sa baril na nakasuksok sa kanyang kaliwang balakang. Pinag-aralan niya ang buong mukha ko dahil matatalim ang titig na ipinipukol niya sa’kin.

            “Alam mong kailangan mo siyang patayin  hindi ba? Kaya kahit maisalba natin siya kay Ergott kailangan pa rin na ikaw ang pumatay sa kanya.”

            “A-alam ko,” naramdaman ko ang pagsusumiksik ng kirot sa’king puso, “pero wala na bang ibang paraan?”

            Umiling lang siya. “Iyon na lang ang nag-iisang paraang Emerson. At kung hindi mo gagawin iyon ay masisira ang mabubuwag ang Regency at matatapos na ang sanlibutan.”

            Ipinaliwanag pa sa’min ni Aleona ang misyon niya dito sa Kasalukuyang Mundo sa loob ng bahay. Lumalalim na ang gabi at palamig na rin ng palamig ang hangin kaya inimbita na lang namin siya sa loob dahil, maging ako man, ay interesado sa tunay niyang pakay.

            “Isa ako sa mga hinirang ng Regency para hanapin si Sabrina at pilitin ka Emerson na patayin siya dahil iyon lang ang tanging paraan para matapos ang problema ng lahat gayong wala na ngang balanse ang lahat ng mundo,” pagpapaliwanag ni Aleona habang nakaupo sa gitna ng sofa. Kaming dalawa ni Smoke ay nakatayo sa kanyang harapan at si Lavinia at Peige ay nasa kanyang kanan na sofa at si Aldrin ay nasa kusina abala sa pagtitimpla ng kape na ‘di kalaunan ay tinulungan din ni Lavinia.

            “So it means, Regency is the government who handles the entire world and its species? Tama ba ‘ko?” pagkukupirmi ni Peige. Nangingislap sa kanyang mga mata ang kuryosidad dahil bago lamang ito sa’ming pandinig.

            “Tama ka,” sagot ni Aleona. “Kaya nang masira ang balanse ng Regency dahil sa pagkabuhay ni Sabrina, nagkagulo ang lahat ng mundo.”

            That makes sense. Ngayon ay maliwanag na ang lahat kung bakit nangyayari ‘to. Kahit Langit ay nadadamay. Kaya rin pala nasaksihan ni Sabrina ang pagbagsak ng mga anghel dito sa lupa dahil iyon talaga ang plano ni Ergott, ang buwagan ang lahat ng mundo at pamunuan ito.

            “At ang tanging paraan lang para maibalik ang lahat ang ang Kamatayan ni Sabrina.” Pag-uulit ni Aleona sa katotohanang ilang buwan ko nang alam pero patindi pa rin ng patindi ang sakit sa tuwing naririnig ko ito.

            “Wala na bang ibang paraan Aleona? Para ibalik ang balanse?” kuryosidad na tanong ni Smoke.

            Umiling lang si Aleona.

Inilapag ni Aldrin ang tray sa may gitna ng mesa at inalok kaming lahat ng kape. Kasunod niya si Lavinia na may dala namang iilang biscuit na nasa malaking plato.

            “Ang tanong,” wika ni Aldrin nang makaupo, “saan na natin ngayong hahanapin si Sabrina?” Naupo si Lavinia sa tabi niya.

            Ipinag-krus ko ang aking dalawang kamay sa tapat ng aking dibdib at matamang nakinig kay Aleona.

            “Isa lang ang alam kong magiging pugad ni Ergott—ang Black hole.”

            “Black hole? As in Black hole, kagaya sa universe?” tanong ni Smoke.

            “Yes. Black hole dito sa lupa. Mahirap hanapin ang lugar na iyon na kahit Regency ay walang access dahil condemned na ang lugar na iyon,” paliwanag ni Aleona.

            “Paano tayo makakapunta do’n?” agad kong tanong dahil hindi na mapakali ang aking mga paa gayong alam kong nasa masamang kalagayan si Sabrina. Kahit na alam kong hindi pwedeng patayin ni Ergott si Sabrina ay labis-labis pa rin ang pag-aalala sa isip at sa puso ko.

            “ Spirit form,” sagot ni Peige na mukhang alam na alam ang lugar na iyon. Tumingin siya sa gawin ko. “Ang Black hole na tinutukoy ni Aleona ay mas malala pa sa Purgatoryo kaya hindi kakayanin ng isang normal na mortal na makapasok doon kung wala siyang kakaibang abilidad o kapangayarihan. I’ve been there and horror that I witnessed is unspeakble.”

            “Kaya mo pa bang bumalik doon?” tanong ni Aleona. “Dahil kakailangan ko ang lahat ng tulong makapasok lang sa lungga ni Ergott.”

            “I’ve lost my abilities,” atsaka nagyuko si Peige.

The pang of pain hits my heart again. Kunsensiya.

Nagpatango-tango si Aleona at tiningnan din si Lavinia at Aldrin at tila sa tingin na niyang iyon ay alam na niya ang nangyari—nawala rin ang kanilang mga abilidad.

            “I can get back your abilities but that won’t guarantee that it be permanent,” hayag ni Aleona na nagpasigla sa mukha ng tatlo lalo na kay Peige.

            “Talaga?” hindi makapaniwalang Lavinia.

Maging si Aldrin ay natuwa sa magandang balita na ito na magbabalik muli sa kanilang mga kakayahan at ganoon din ang naramdaman ko—relief.

            Narito kami sa isang bar ni Smoke kahit na mag-a-alas-quatro na ng umaga. Ayaw kong makulong sa bahay at ang presensiya lang ni Sabrina ang hinahanap ng hininga, katawan at buhay ko.

            Natapos na ang kantang request ng isang customer kanina sa acoustic singer na nasa stage. Ang sumunod niyang awitin ay tila nagbaon sa’king sa isangdaang lalim ng lupa.

♫ ♪ Oh, my love, my darling
I've hungered for your touch
A long, lonely time
♫ ♪ Time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?
I need your love ♫ ♪
♫ ♪ I need your love
God speed your love to me ♫ ♪

            Sabrina... sana naririnig mo ‘ko. Patawad kung patuloy akong nagkakamali at palagi ka na lamang napapahamak nang dahil sa’kin. Ipinapangako ko, na hahanap ako ng paraan para lang matapos na ito at kahit ano pa man ang maging kapalit ng kaligayahan mo—pipilitin kong gawin. Lumagok ako ng beer atsaka mataman na nakinig muli sa kumakanta.

♫ ♪ Lonely rivers flow
To the sea, to the sea ♫ ♪
♫ ♪ To the open arms of the sea
Lonely rivers sigh ♫ ♪
♫ ♪ "Wait for me, wait for me"
I'll be coming home, wait for me ♫ ♪

Agad na dumiretso sa sofa si Smoke dahil mas naparami siya nainom keysa sa’kin kanina kaya hindi na ako nagtataka pa kung umiikot na ang paningin niya. Samantalang dumiretso naman ako sa balkonahe sa ikalawang palapag at pinagmasdan ang papataas na sinag ng araw. Dito sa balkanoheng ito ang paboritong lugar namin ni Sabrina sa buong bahay kung saan pinagsaluhan namin ang hindi ko na mabilang na almusal, tanghalian at hapunan. Bonus na rin ang mga halik at yakap sa mga gabing napakalamig ng simoy ng hangin.

            Umihip ang umagang hangin at tila naramdaman ko ang haplos ni Sabrina sa’king pisngi habang sinasabi niyang, “You’re my halo, you’re my saving grace.”

Continue Reading

You'll Also Like

755K 30.6K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...
7.8M 477K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
20.4M 505K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]