SEASONS of LOVE 1 The Series...

By quosmelito

30.6K 1.4K 85

Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers... More

Read
Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise
Episode 2 - My Boo
Episode 3 - His Highness
Episode 4 - Hello and Goodbye
Episode 5 - A Drunken Request
Episode 6 - Just Like In The Movies
Episode 7 - The Other Side
Episode 8 - Not All Darklords Tell A Joke
Episode 9 - Lucky Spoon
Episode 10 - Confused
Episode 11 - Morning Surprises
Episode 12 - Almost A Kiss
Episode 14 - Sparks Fly
Episode 15 - Date
Episode 16 - What Happened?
Episode 17 - Jealous Heart
Episode 18 - Magic Soup And Warm Cuddles
Episode 19 - I'm Here For you
Episode 20 - Giggles
Episode 21 - In The Name Of Love
Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak
Episode 23 - Sunset
Episode 24 - Beginnings and Endings
Epilogue - Stand By You

Episode 13 - A Lovely Villainess

973 51 1
By quosmelito

*Haru*

•••

   "Hmm."

   May kung anong gumagapang sa labi ko. Hindi. Mali. Humahaplos ang tamang salita.

   Mainit iyon at magaan.

   Nang magdilat ako ng mga mata ay wala naman akong namulatan. Siguro ay nananaginip lang ako.

   Tumihaya ako at nag-inat saka ko sinilip ang relo ko.

   Saglit lang pala akong nakatulog.

   Buti na lang hindi pa lumalabas si Rain.

   "I see you feel at home here."

   Marahas akong napalingon sa nagsalita.

   Shems! Kanina pa ba siya roon?

  "Ah. Sorry, i-inantok lang ako. T-tutuloy na rin ako."

   Nakatulog din ba siya? Medyo namumula ang mata at ilong niya. O baka umiyak?

   "Okay ka lang ba?"

   Humalukipkip siya at sumandal sa gilid ng pinto ng balkonahe at tumingin sa akin.

   "Tinanong mo na 'yan kanina, paulit-ulit ka. Do I look like I'm not okay?"

   "Malungkot ka kasi kanina, ngayon naman namamaga ang mata mo. Ahm, umiyak ka ba?"

   Silly question. Pero hindi ko napigilang itanong pa rin. Hindi ko alam, siguro gusto ko lang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

   And why is that?

   Hindi ko nga alam, 'di ba?

   "You're too nosy, you know that? Real men don't cry, and it's none of your business." Tila iritadong pakli niya.

   "Pfft! Pasensya na, ha, kung concerned ako sayo! Sige lang, magmukmok kang mag-isa." Sinabayan ko iyon ng tayo at talikod, at diretsong tinungo ang pinto.

   Ako na nga itong nag-aalala sa kanya siya pa ang nagsusungit. Eh ano naman, kung mag-isa siya?

   "Sandali."

   Nabitin sa ere ang kamay ko para pihitin ang doorknob.

   "Ano? Ngayon pipigilan mo akong umalis? Bakit? Na-realize mo na bang hindi ako nakikialam at nag-aalala lang sa'yo?" Naiirita akong lumingon sa kanya.

   "No. Naiwan mo 'to." Bahagya niyang itinaas sa ere ang paper bag na may lamang sapatos.

   Napapahiya akong sumimangot at lumapit sa kanya saka padabog na kinuha ang paperbag.

   "Salamat." Paingos na sabi ko saka ko muling tinungo ang pinto at lumabas.

   Pfft. Akala ko pa naman magso-sorry siya sa kagaspangan ng ugali niya. Sabagay, sino ba naman ang niloloko ko? Eh ni hindi nga niya alam ang salitang iyon.

   May 'real men don't cry' pa siyang nalalaman. Bakit? Pag-umiyak ba ang lalaki hindi na sila pwedeng tawaging tunay na lalaki?

   "Excuse me."

   Bahagya akong nagulat at napalingon sa pinanggalingan ng boses.

   "Hi. Is Rain inside?" Nakangiting patuloy ng babae.

   Napakaganda niya. Matangkad, tamang kurba ng katawan na nasusuotan ng napaka-seductive na pulang dress, humahakab iyon sa magandang hubog ng maliit niyang beywang at malapad na balakang. Maamong mukha na binagayan ng mahaba at unat na itim na buhok. Kung gaano kaitim ang buhok niya ay siya namang puti at kinis ng balat niya. Para iyong masusugatan ng kahit magaan na dampi lang ng papel.

   "Ah. Oo, n-nasa loob siya."

   "Perfect. Thanks."

   Bahagya akong gumilid nang akma niyang pipindutin ang buzzer. Pero bago iyon ay bumukas na ang pinto.

   "Har---."

   "Rain!" Tila nagagalak na tawag ng babae kay Rain. Kahit ang pagsasalita niya ay puno ng pagka-elegante.

   Nabigla ako nang walang sabi-sabi ay dinaluhong nang yakap ng babae si Rain at kinintalan ng halik sa labi.

   Well, sa sulok lang, pero labi pa rin iyon.

   At naroon lang ako.

   Nakatayo.

   Nakatingin.

   Nasasaktan?

   Hindi ko maintindihan pero parang may kumurot sa puso ko dahil sa eksenang iyon.

   Mabigat man ang mga paa ko ay pinagpasyahan ko nang tumalikod at tumungo sa harap ng pinakamalapit na elevator. Agad din naman iyong bumukas. Thank God.

   "I've missed you so much." Narinig ko pang sabi ng babae bago tuluyang sumara ang pinto.

   Bakit ganito?

   Naiinis ako na nalulungkot. Parang gusto kong bumalik doon at i-check kung ano ang ginagawa nila.

   Ano pa nga ba? Wala namang lalaking tatanggi kung babae na mismo ang lumalapit.

   Saka mukhang matagal na silang magkakilala kung ang pagbabasehan ay ang "I've missed you so much." ng babaeng iyon na ginaya ko habang nakasimangot.

   Kung bakit ganito ang reaksyon ko ay hindi ko rin alam.

   May bigla akong naalala. Tama. Siya iyong babaeng nakita ko kahapon sa parking lot. Siya nga iyong babaeng bumaba ng kotse at dumiretso sa elevator ng parking.

   Si Rain din malamang ang pakay niya kahapon.

   O ngayon may privacy na kayo. Pfft. Hindi man lang nagpasintabi sa akin. Sabagay, sino ba ako?

   Napapabuntong-hininga akong lumabas mula sa elevator nang bumukas iyon. At pilit kong iwinaksi ang mga eksenang naglalaro sa isip ko na ang mga bida ay ang babaeng iyon at ang Dark Lord, dahil hindi iyon masarap sa damdamin.

   Malaya naman siyang gawin ang gusto niya. Iyon nga lang ay nalulungkot ako sa kung anong dahilan.

   Bago ako sumakay sa kotse ay tumingala pa ako sa building. As if naman makikita ko sila.

   Napapailing na lang akong lumulan sa sasakyan at nag-drive palayo.

   At least wala akong pasok bukas. Hindi ko siya kailangang makita. Ipapasyal ko na lang ang kambal at si Mama. Matagal ko nang balak iyon, saka para hindi ko na rin isipin si Rain.

   Bakit ko nga ba kasi siya iniisip?

   Hmm. Napakamot na lang ako sa likod ng tenga ko.

•••

   "Hay!" Nakangiti akong naupo sa sofa para mamahinga.

   Katatapos ko lang linisin ang buong bahay dahil hindi ko iyon nagawa kaninang umaga.

   In-on ko ang electric fan at tumutok doon para patuyuin ang basa kong buhok. Mas masarap mamahinga kapag bagong ligo at hindi nangangamoy-pawis.

   Maaga pa naman para magluto ng hapunan kaya manonood muna ako ng TV. Baka gabihin na nang uwi sina Mama at kambal dahil five-thirty na ay wala pa sila.

   "Hello? Tao po. Haru, are you in there?"

   Napatayo ako at agad na sumilip sa bintana. Nakatayo si Ichiro sa nakabukas na gate at kumaway nang makita ako.

   "Kuya, pasok ka." Umalis ako sa bintana at tinungo ang pinto para buksan iyon.

   "Good thing you're already here." Aniya nang makalapit sa akin. "Oh, I brought some food. Do you eat fast food, otouto?"

   Nakangiti akong tumango. "'Di ka na sana nag-abala. Pasok ka."

   "Well, Jollibee is the only restaurant I passed by on my way here, and I'm secretly scolding myself for not bringing you real food. I'm such a terrible brother."

   "Real food? Pagkain din naman 'yan. Saka tamang-tama lang, nagutom ako sa paglilinis ng bahay."

   "Really? I'm starving, too. You know, I forgot to, like, grab a snack because I was very excited to get here."

   Ibinaba niya sa lamesita ang dalawang malaking paperbags at magkatulong kaming nag-ayos niyon.

   Nahihiwagaan ako sa sarili ko. I mean, kakikilala lang namin kanina pero parang hindi na ako gaanong naiilang sa kanya.

   "Sandali, kukuha lang ako ng kutsara't tinidor."

   "I want to eat with my hands actually."

   "Marunong kang magkamay?" Namamangha kong tanong dahil parang wala sa itsura niya ang magkakamay sa pagkain.

   Isa pa ay sa Japan siya lumaki. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman nagkakamay ang mga Hapon.

   "Yeah. Masarap kumain na nakamay."

   Palihim akong natawa sa pagsasalita niya ng Tagalog.

   "You laughing at my Tagalog, aren't you?" Nakasingkit ang mga mata niyang tanong habang bahagyang nakataas ang isang sulok ng labi.

   Umiling ako at tumayo. "Tara, maghugas tayo ng kamay."

   Matapos naming magsabon ng kamay ay bumalik na kami sa salas at nagsimulang kumain.

   "So, tell me about yourself, otouto."

   Uminom muna ako ng coke saka tumingin sa kanya.

   "Ha? Gaya ng?"

   "Anything, say, your hobbies, somethin' like that."

   "Ahm. Hobbies, wala naman akong partikular na hobby, mahilig akong kumanta saka mag-gitara."

   Pumiraso siya sa dulong parte ng fried chicken, saka inilapit sa akin.

   "..."

   "Try this, it's the best part."

   Kukuhanin ko sana iyon pero inilayo niya.

   "Ah." Sa halip ay sabi niya saka muling inilapit iyon sa bibig ko.

   "Nakakahiya." Alanganin akong tumawa at dumiretso nang upo.

   "Come on. I'm your onii-san so it's okay."

   Nahihiya man ay sumunod na rin ako. Bigla na tuloy akong naalangan na ngumuya.

   "It's good, right?" Nakangiti niyang sabi saka nagpatuloy sa pagkain.

   "Mmm." Simpleng tango lang ang isinagot ko.

   Kung ganito siya ka-sweet, sa tingin ko ay kailangan ko nang masanay. Hindi ko alam ang pakiramdam nang walang kapatid kaya kailangan ko na lang siyang intindihin kung ganito niya ako tratuhin. Wala naman akong nakikitang masama kaya, why not?

   "So you can sing?"

   "Medyo."

   "I wanna hear you sing."

   "Ngayon na?"

   Tumawa siya bago umiling. "Later. After we eat."

   Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. At masaya naman siyang kausap. Sa totoo lang ay hindi ako nabagot sa presensiya niya.

   At ngayon ko napagtanto na masarap din pala na may nakatatandang kapatid.

   Matapos naming kumain ay ako na ang nagligpit saka kami nanood ng TV.

   "Ahm, wala ka bang gagawin sa bahay mo?"

   "Why? Do you want me to leave?"

   Mabilis akong umiling nang mapansin kong may gumuhit na lungkot sa mukha niya.

   "Hindi, ahm, baka lang 'ka ko may importante kang gagawin."

   "I like it here. My house is lonely. Maybe it will not be anymore if you move in with me."

   Napakamot ako sa likod ng tenga ko dahil binuksan na naman niya ang usaping iyon.

   "Ahm, hindi ako pwedeng magdesisyon nang hindi ko pa nakakausap si Mama."

   "It's fine. I just wanted to know if you already changed your mind."

   Ngumiti ako at bahagya siyang binunggo.

   Sumandal siya saka umakbay sa akin at nagfocus sa palabas. Mahilig rin pala siya sa anime. Well, lahat naman ata ng Japanese, seeing na sa kanila galing ang konseptong iyon.

   "Ahm, wala ka pa bang asawa?" Mayamaya ay tanong ko.

   Umiling siya at saglit na sumulyap sa akin. "I'm running our company here and in Japan so I don't have time for love. And how I wish I have someone to help me run our business. Eherm." Aniya saka nakangiti niya akong tiningnan nang patagilid.

   "Ah. Wala akong masyadong alam sa corporate world. Saka college level lang ang narating ko."

   "That's not a problem. I can enroll you in any private university. Also, I can personally train you and teach you everything I know. Because, you know, whatever I own is yours, too." Puno ng kaseryosohang sabi niya.

   Napatingala ako sa kanya. Lahat ng pag-aari niya ay sa akin din?

   "Pero, hindi naman yata tama 'yon. Illegitimate son lang ako."

   "Tss. Cut it. You're talking nonsense. You're the only family I have, well, we have relatives in Japan, but you are my brother, my blood. And if there's anyone I want to share everything with, it's you, otouto. You get it?"

   Hindi ko alam kung tatango ako o ngingiti. I mean, kahit wala pa akong alam kung gaano kalaki o kaliit ang kayamanan niya ay hindi ko pa rin gusto ang ideyang basta na lang ako papasok sa buhay niya at magpapakasasa sa yaman na hindi ko naman pinaghirapan.

   It's just not right. No. I doesn't feel right. Not at all.

   "Nandito na kami!"

   Napalingon ako sa pinto nang bumungad doon si Jinn, kasunod si Junno at ang panghuli ay si Mama.

   "Kuya may pasalubong kam---."

   Natigilan ang kambal nang mapansin nilang hindi ako nag-iisa.

   "Oh, anak, may bisita ka pala."

   "Bago na naman ang boypren mo kuya?"

   "Jinn." Warning ko kay Jinn at maging kay Junno. "Ma, si Ichiro, kuya, si Mama at ang kapatid kong kambal. Sina Junno at Jin."

   "Kuya?" Kunot-noong tanong ni Mama.

   Gayun din ang ekspresyon ng mukha ng kambal.

   "Hi, Mariette. It's nice finally meeting you."

   Oh boy. Mahaba habang paliwanagan 'to.

•••

   Makalipas ang kulang isang oras ay pare-pareho kaming tahimik matapos magkapaliwanagan sina Mama at Ichiro.

   Ang kambal naman ay nasa kwarto pero alam kong 'lihim' silang nakikinig dahil panaka-naka ay nahuhuli ko silang nakasilip sa kurtina ng pinto.

   "Ah. Gusto kong humingi ng dispensa sa lahat. H-hindi ko alam na may pamilya si Hiroshi. Pasensya na, hindi ko talaga alam." Nakayukong hinging paumanhin ni Mama.

   Hinawakan ko ang kamay niya saka iyon binigyan ng mahinang pisil.

   "It's okay, Mariette. You don't have anything to apologize for. Actually, it's my father's wish to find you and Haru, and explain everything he never explained. And to ask for your forgiveness, and I'm glad that you hear me out."

   Nakangiting bumuntong-hininga si Mama. Ngiting hindi umabot sa mata. Sa tingin ko ay dinaramdam niya ang mga bagay na nalaman niya.

   Hindi ko naman siya masisisi. Hindi ko rin alam kung ano ang istorya nila ng tatay ko, pero natitiyak kong maganda iyon at mahalaga para sa kanya.

   Umiling si Mama at tumingin sa amin ni Ichiro. "Hindi ako galit sa ama ninyo. Nasaktan ako oo, pero kailanman ay hindi ako nagtanim ng galit para kay Hiroshi. Kaya hindi mo na kailangang humingi ng tawad, hijo."

   "So, we're all good, right? And let's forget about the past. What matters is that I finally found my brother and I'll make it up to you," bumaling sa akin si Ichiro at ipinatong ang kamay sa tuhod ko. "But not on our father's account. I do want to give you everything you deserve. You are a Mitsugaya afterall."

   Isang simpleng ngiti lang ang isinagot ko. Kailangan ko pa ring kausapin si Mama tungkol sa gustong mangyari ni Ichiro.

•••

   "Do you have plans for tomorrow?"

   "Ahm. Hindi ako sigurado. Minsan kasi pumapasok pa rin sa opisina si Sir Rain."

   "Really? Hmm. He's very dedicated huh?"

   Ngumiti ako at tumango. "Pero sana ay hindi siya pumasok. Balak ko kasing ipasyal sina Mama at ang kambal bukas."

   "I'll go with you then. I want to know them as much as I do you."

   "Sige ba. Tatawagan na lang kita kung wala akong pasok bukas, okay lang?"

   "Hmm. Sounds like a plan. But I have a question." Umakbay siya sa akin habang palabas kami ng bakuran.

   "Ano 'yon?"

   "Your sibling, Jinn, if I'm not mistaken. He thought that I was your new boyfriend. Ahm, do you have a boyfriend?"

   "Ha? Naku, wala. Masyado lang malikot ang isip ng kambal, alam mo na, kung anu-ano ang natututunan nila sa school."

   "But, is it okay with them if you'd have a boyfriend?"

   "Oo naman." Napatingala ako sa kanya.

   Wait. Homophobic ba ang kapatid ko?

   "Sayo, okay lang?"

   Bumitaw siya sa akin nang marating namin ang kotse niya sa harap ng gate.

   "Of course. I don't see anything wrong with a man loving another man. You know, they say love is universal so, why not?" Nakangiti niyang ginulo ang buhok ko. "I'm glad that my opinion matters to you, otouto."

   "Hmm. Syempre, kuya kita eh."

   "I like onii-san more, but, yeah, I guess kuya will do."

   Alanganin akong ngumiti at nagkamot sa likod ng tenga ko. "Hayaan mo, pagsasanayan kong tawagin kang onii-san. Onii-san." Saka ko iyon sinabayan ng maikling tawa.

   Ngumiti siya at muling umakbay sa akin.

   "I have one more question. Is there a man my otouto is liking right now?"

   Biglang pumasok sa isip ko si Rain na nakapagpainit ng pisngi ko. "W-wala."

   "Then why are you blushing?" Nanunukso ang ngiting ipinukol niya sa akin.

   "Hindi ah!"

   "Ha-ha. My otouto is in love, I knew it. It's your boss, I know."

   Para akong isda na wala sa tubig habang bubuka-buka ang bibig. Wala akong maisip na sabihin. Paanong..

   Ngayong sinabi niya iyon, napaisip ako, gusto ko nga ba si Rain? Oh no, no. No.

   "Don't even deny it, otouto. I saw the way you look at Mr. Zulueta. It's like he was the only person you could see, when in fact SJay and I were also there sitting on the same table back at the café." Puno ng kasiguraduhang pahayag niya na lalong nakapagpabahala sa akin.

   Ganoon ba ako ka-transparent? Ni hindi ko nga alam na may gusto ako kay Rain.

   Wait. Gusto ko si Rain?

   "K-kung ano-anong sinasabi mo. Ang mabuti pa umuwi ka na. Gabi na rin oh."

   "Oh. Avoiding the subject huh? Tsk. Come here." Sumandal siya sa pinto ng kotse habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa akin. "Listen, it's perfectly fine to like someone, it's called human nature. We can't control our feelings, we can't choose whom we want to fall in love with, and with whom we don't. We just... fall, and that's it."

   "Pfft. Hindi ko alam ang sinasabi mo. Nag-iimagine ka lang." Patuloy na tanggi ko. Dahil kahit ako ay nagugulat sa damdaming tila nabuhay sa kalooban ko.

   "Still in denial, aren't you?" Nakangiti siyang tumingin sa malayo. "You know, a businessman should have this thing called, sixth sense. Not the one that enables you to see ghosts. But to read people. The movements of their eyes, body language, their reactions, et cetera. You need that ability to become a successful businessman."

   "Bakit mo naman sinasabi sa akin 'yan?"

   Yumuko siya sa akin na hindi nawawala ang ngiti.

   "What I'm trying to say is that, you can't lie to me, otouto, even though we just met today. I told you I wanted to know everything about you. Like, literally everything. That includes your love life." Muli ay bumalik ang nanunuksong ngiti niya habang nakatingin sa mga mata ko.

   "..."

   Napakamot ako sa likod ng tenga ko habang nakayuko.

   May point siya. Hindi naman siya magiging matagumpay na businessman kung hindi siya marunong magbasa ng mga taong nakakasalamuha niya.

   "Just tell me when Rain does something inappropriate. I know a lot of hitmen."

   Nanlaki ang mga mata ko sa kaseryosohan niya at marahas ko siyang nasiko.

   "Umft!" Daing niya habang sapo ang tagiliran.

   "Sorry. Ikaw kasi eh. Wala namang ginagawang masama iyong tao. Mabait siya, medyo moody lang kung minsan. Pero mabuti siyang tao."

   Kumunot ang noo ko sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin. A 'knowing look' 'ika nga.

   "See? You care for him. I was just messing around, so calm down." Natatawa niyang sabi habang hawak pa rin ang tagiliran.

   "Whatever. Uwi ka na. Gabi na."

   "Fine. It still hurts, though." Tukoy niya sa katawan na siniko ko. "I think a warm hug will make the pain go away."

   Nangingiti ko siyang niyakap sa ilalim ng kanyang mga braso. "Goodnight, onii-san."

   "Hmm. Goodnight, otouto. You should have a sleepover at my place sometime." Aniya matapos buksan ang pinto ng kotse.

   Tumango ako at ngumiti.

   "Ingat."

•••

*Rain*

   Dammit!

   He wasn't even answering his phone! F*ck!

   I dialed his phone once again and thank heavens, he picked up.

   "Where are you?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.

   "Sa bahay."

   "Well, move your ass, I need to go to the office."

   "Hello?" Tiningnan ko ang phone ko at wala na siya sa kabilang linya.

   That midget! He hang up on me.

   Ihinagis ko ang phone sa sofa at nagdesisyong gumayak na.
  
   Mayamaya pa ay nakagayak na ako at sakto sa pagbaba ko ang pagparada ng kotseng minamaneho ni Haru sa tapat ng building.

   Sinadya kong maghintay na ipagbukas niya ako ng pinto pero mukhang wala siyang balak na tuminag. He's getting on my nerves.

   We drove off in silence.

   What's his problem? Tsk. This kid.

   "Follow me."

   Diretso kong tinungo ang elevator ng parking lot habang siya ay walang kibong sumunod.

   Bago sumara ang pinto ay tumunog ang phone ko. A message from..

   Jake: 'Sup bro? Where you at?

   Me: Office.

   Jake: Is Haru with you?

   Me: Yes. Why?

   Jake: Nothing. I just wanna check up on you.

   Napaangat ang kilay ko sa sagot niya. Of all people, hindi si Jake ang klase ng taong basta lang nangangamusta.

   Me: Why?

   Jake: Nothing. I have to go. Something came up.

   Ibinulsa ko ang phone at lumabas mula sa elevator.

   Wala pa ring kibo si Haru. He should be asking me of what I have him to do.

   "Itimpla mo 'ko ng kape."

   "Saan?"

   "Pantry." Tinuro ko ang pinto na nasa loob din ng opisina ko at lihim siyang pinagmasdan.

   Ni hindi man lang siya nagreklamo. Well, he never complained that much. Pero minsan ay bakas sa mukha niya na gusto niyang umangal. But now? Wala.

   I don't know but that made me irritated.

   So, he didn't wanna talk to me huh?

   Why? Is it because of yesterday?

   I was actually going to apologize to him. Iyon nga lang ay hindi ko inasahan ang pagdating ni Sophie.

   And I wonder why she was acting like the way she did yesterday. She was never like that before. Not even a bit.

   Sa totoo lang ay ni hindi nga siya nagtagal. Hindi nga siya pumasok sa unit ko at nagpaalam din agad.

   Naputol ang pag-iisip ko nang ibaba ni Haru sa gilid ng mesa ko ang tasa ng kape.

   "May kailangan ka pa, Sir?"

   Nag-isip ako ng ipapagawa sa kanya. Sa katunayan ay wala naman talaga akong kailangang gawin dito sa opisina. I just want to.. I..

   What do I even want?

   "Get that case." Turo ko sa case ng files na hindi ko natapos pirmahan. "Sort them out then ibigay mo sa akin iyong mga walang pirma. Isunod mo na rin iyong nasa kabilang table."

   Once again he silently obeyed. Wala man lang akong mabakas sa mukha niya. And that put me on the brink of confronting him.

   But about what?

   He didn't want to talk to me, fine! So what?

   'Just go and apologize, assh*le.'

   Well, I was about to. Pero naiirita ako sa pagtrato niya sa akin. And one more thing, baka ma-misinterpret pa niya na nagpapalakas ako sa kanya. His brother is one of the major investors of my company,  so no way.

   'Tsss. Dickhead.'

   Lumipas ang maraming minuto, with me secretly taking glances at him, at siya patuloy sa ginagawa niya.

   "Hey." Kuha ko sa atensyon niya pero mukhang hindi niya narinig. "Hey!" Ulit ko sa mas mataas na tono.

   "May pangalan ako!" He shouted.

   The hell. He shouted!

   At me.

   He shouted at me!

   I was taken aback.

   "Don't raise your voice on me!"

   Nahuli ko ang pagtirik niya ng mga mata bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

   D*mn. Attitude. What's wrong with him?

   "Sharpen my pencil."

   Again. Sumunod siya nang walang kibo. Pero sa halip na iabot sa akin ang bagong tasang lapis ay ibinaba lang niya iyon sa table at bumalik sa pwesto niya.

   I was actually not doing anything. Kung meron man ay pwede kong iutos iyon sa mga empleyado ko na nag-o-overtime. But then again, I got nothing to do today.

   Panaka-naka ay sinusulyapan ko siya.

   And I hate this feeling inside me. Iyong pakiramdam na gusto kong pansinin niya ako pero patuloy lang siya sa pambabalewala.

   Tsss. Why? Dahil ba nagmamalaki na siya ngayon na may kapatid siyang multi-millionaire?

   I was about to call him again when the door burst open.

   "Hi!"

   Pareho kaming napatingin ni Haru sa pinto.

   "Sophie. What brought you here?"

   "Well, good morning to you, too. You're working?"

   Sinagot ko iyon ng tango.

   "On a Saturday? Hmm. I'm impressed."

   She was wearing a sunny dress that complemented her fair skin and now wavy hair. She matched it with a skin-toned stilettos that accentuated her long and delicate legs. She was a sight indeed.

   But not as pleasant as Haru.

   Where did that come from?

   "Well, I was looking for Jake, but it seems he's missing in action so," lumapit siya sa akin, and to my horror, she sat on my lap and wrapped her arms around my neck.

   Awtomatiko akong napatingin kay Haru. And there was something in his eyes that I didn't have the chance to put my fingers at because it was gone as fast as it appeared.

   Nagpatuloy lang siya sa pagbuklat ng mga papeles at tila wala siyang kasama sa loob.

   "I guess, ikaw na lang ang aayain kong mag-breakfast."

   Nabalik ang atensiyon ko kay Sophie.

   Gusto ko man siyang paalisin sa kandungan ko ay hindi ko magawa. I wasn't raised to be that rude.

   'Ow c'mon, dude. It's not a matter of courtesy. Just kick her ass out.'

   But Sophie is a good friend of mine and Jake. Though we don't spend time together like she and Jake do, I still don't want to be rude.

   "Ah.." I was about to throw an alibi when Haru cleared his throat. Loudly, might I add.

   "Ahm. Tapos ko na. Kung wala ka nang iuutos, bababa na ako, Sir."

   Hindi pa ako nakakasagot ay tumalikod na siya at dire-diretsong lumabas ng opisina.

   And seeing him turn his back on me made me want to run after him.

   Dammit! What's happening to me?

   "I think he's jealous."

   "What?"

   "Never mind. So, let's go?" She smiled while still sitting on my lap.

   "Ahm. I actually had breakfast so.."

   "Aww. Bummer." Tumayo siya na ikinaluwag ng dibdib ko at tinungo ang pinto. "Fine. But I'll be back to take out for lunch, and you can't say no."

   Nag-iwan pa siya ng matamis na ngiti bago isara ang pinto.

   It didn't bother me though.

   What bothered me was Haru.

   That midget was messing my mind up.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

408K 7.4K 16
The Keith Lawrence and John Wayne Villacorta romance story, will give you most seductive and intimate turn around story in the making Keith was a poo...
685 68 7
Kinasusuklaman niya ito, and that's the only thing that he remembered. Kaya naman labis pa niyang kinasuklaman ang lalaki when he knew that they have...
154K 5.8K 28
Covered By: Ate Daphne
121K 4.4K 57
Si Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo a...