Legend of Divine God [Vol 1:...

De GinoongOso

556K 32.3K 1.6K

Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohan... Mais

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
NOTE

Chapter VIII

12.2K 818 26
De GinoongOso

Chapter VIII: Soul from another world?

'Soul Nurturing Pill!' habang iniisip ni Finn ang pill na ito, ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng paghahangad.

Hindi katulad ng potion, ang pill ay hindi hamak na mas mahirap gawin. Mayroon itong mahabang proseso. Isa-isang pagtutunaw ng sangkap, pagbubukod ng mahalagang parte at pagbubuo at pagbabalangkas sa hugis ng pill. Dahil hindi hamak na mas mahirap itong gawin, ang presyo nito ay hindi hamak na mas mahal sa isang potion ng sampung beses.

Kung ang Body Strengthening Potion ay nakatuon sa pagpaalakas ng katawan at isahang gamit lang, ang Soul Nurturing Pill naman ay nakatuon naman sa pagpapalakas ng soulforce at maaari itong gamitin ng Silver Rank Adventurer nang kahit ilang beses. Kung malalaman ng iba na gusto ni Finn na gamitin ang isang tier 2 pill na ito, iisipin nilang gustong magpakamatay nang binatilyo. Ang enerhiyang kayang tanggapin ng isang Silver Rank ay hindi maikukumpara sa Bronze Rank, pag hindi nakaya ng katawan ng isang adventurer ang enerhiyang papasok sa kaniyang katawan, ang kaniyang katawan ay sasabog at magkakapira-piraso. Iyon ang dahilan kung bakit walang nangangahas na sumubok ng bagay na ito.

Syempre alam ni Finn ang lahat ng ito, pero iba si Finn sa ordinaryong adventurer.

Mula pagkabata pa lang, kakaiba na si Finn at hindi niya alam ang dahilan kung bakit. Kahit na siya ay isang 5th Level Bronze Rank lang, may kakayahan siyang makipaglaban sa isang adventurer na mas mataas ang antas sa kaniya. Lahat sa kaniyang angkan ay pinupuri ang kaniyang panlahatang lakas.

Kinuha ni Finn ang kaniyang pill cauldron na nagkakahalagang walong daang gold coins at maingat na ipinatong ito sa kaniyang harapan. Pinagmasdan niya rin ang lahat ng mahigit dalawampung sangkap sa tabi ng cauldron. Pagkatapos niyang ayusin ang lahat ng bagay, huminga siya ng malalim at marahang isinarado ang kaniyang mga mata.

Muli niyang inalala ang mga kakailanganing sangkap, proseso at ang dapat na kalakasan ng apoy. Pagkatapos nito ay dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang mga mata at nagunat ng kaniyang mga bisig.

Inilapat niya ang kaniyang palad sa cauldron at hinayaang dumaloy ang kaniyang alchemy flame patungo sa loob ng cauldron. Ang asul na berdeng apoy ay mabagal na tumaas ang temperatura sa loob ng cauldron. Sa likod ng salamin na parte ng cauldron, malinaw na nakikita ni Finn and tila ba sumasayaw na asul na berdeng apoy.

Muli niyang itinuon ang kaniyang atensyon sa pagkontrol sa mabagsik na apoy. Nang mapansin niyang kalmado na ang kaninang mabagsik na apoy, dinampot ni Finn ang isang bulalak na may iba't ibang kulay. Ang bulaklak na ito ay tinatawag na Rainbow flower. At ang enrhiyang nasa loob nito ay angkop para sa pagpapalakas ng kaniyang soulforce.

Binigyan niya ng huling tingin ang rainbow flower. Sandaling tumigil ang kaniyang kamay bago tuluyang ilagay ang rainbow flower sa loob ng cauldron. Nilamon ng kaninang kalmadong apoy ang bulaklak at ang kanina nitong magandang bulaklak ay unti-unting nawawalan ng buhay. Muli niyang kinontrol ang init ng alchemy flame at hinayaang matusta ang bulaklak na lumulutang sa loob ng cauldron.

Habang nagpapatuloy ang pagtutusta sa bulaklak, ilang patak ng kulay berdeng likido ang namuo at lumutang sa loob ng cauldron. Habang patuloy na dumadami ang berdeng likido, ang bulaklak ay unti-unting natutuyo hanggang sa maging abo na ito at mahulog sa pinakailalim ng cauldron. Gamit ang soulforce niya, kinontrol niya ang berdeng likido at inilagay ito sa isang lalagyan habang naghihintay na ihalo sa iba pang sangkap.

Matapos makuha ng likido mula sa rainbow flower, isinunod naman ni Finn ang iba pang mga sangkap. Tumagal ito ng halos labindalawang oras at kumain ito ng maraming soulforce ni Finn.

Muli siyang nagmuni-muni upang manumbalik ang kaniyang lakas.

--

Sa isang maliit na silid, isang lalaki ang nakatayo ng tuwid habang nakaharap sa bintana. Sa likod niya ay isang pigura na purong naka-itim. Magalang itong nakaluhod ng isang tuhod sa lalaking nakatingin sa labas.

"Institution Master, natapos ko na po ang pinapagawa niyo. Nais ko pong ihayag na si Xuan ay nagbalak na patayin ang isang bagong outer student na nagmula sa ordinaryong angkan. Pero himalang nabuhay ang binatilyo dahil nakita ko siyang nanggaling sa labas ng institusyon." saad ng lalaking naka-itim.

Hindi agad na nagsalita ang lalaki, pagkatapos nang ilang sandaling pananahimik, ang lalaki ay bumuntong hininga at nagwika, "Sigh. Hindi ko na hahayaang maulit muli ang namgyari noon pero hindi ko naman pwedeng parusahan ang isang Inner Elder ng institusyon. Sa ngayon ay kailangan ko munang gumawa ng hakbang upang maiwasan muli ang pagtatangka sa buhay ng binatilyong 'yon dahil kung mauulit muli ang nangyari noon, ang mga ordinaryong angkan ay matatakot ng sumugal sa institusyong ito."

"Core Elder Haechi maaari bang ipadala mo si Inner Elder Xuan sa isang misyon? Mas mahabang panahon siyang nasa misyon mas maganda. Ito lang ang maaari kong gawin sa ngayon. Kahit na kilala ko na ang nasa likod ng lahat ng ito, wala akong kayang gawin sa kanila, isang malakas na impluwensya ang sumusuporta sa Black Tiger Family kaya naman ang maaari ko lang gawin ay manood habang panoorin silang pinahihirapan ang isang miyembro ng ordinaryong pamilya." pagpapatuloy ng Institusyon Master.

"Masusunod po Institusyon Master." magalang na tugon naman ni Core Elder Haechi. Hindi agad siya umalis dahil may gusto siyang alamin na bumabagabag sa kaniyang isipan, "Institusyon Master alam kong hindi ko dapat ito tanungin ngunit ang inyong tinutukoy ba ay ang Noble Clan na 'yon? Pero bakit..."

Hindi ito sinagot ni Master Kiden sa halip ay humarap siya sa Core Elder at mapait na ngumiti.

Kahit siya ang Institusyon Master, hindi niya kayang salungatin ang isang buong angkan. Lalong-lalo na ang isang Noble Clan.

Ang mga batang miyembro ng isang Noble Clan ay hindi ipinapadala sa Sacred Dragon Institute upang magsanay, sa halip ay direkta silang ipinapadala sa Faction dahil ang mga kagaya nila ay hindi maikukumpara sa mga batang adventurer mula sa ordinaryong angkan at aristocrat clan.

--

Sa loob ng dormitoryo, isang nakapikit na binatilyo ang payapang nakaupo habang ang kaniyang buong katawan ay nababalutan ng aura. Ang kaniyang paghinga ay normal na rin kaya naman dinampot niya ang isang crystal mula sa sahig. Ito ay isang tier 2 magic crystal mula isang vicious beast. Ito ay kasama rin sa pinamili ni Finn.

Gaya ng ibang mga sangkap, inilagay niya rin ang magic crystal sa loob ng cauldron. Itinaas niya rin ang temperatura ng alchemy flame dahil hindi gaya ng mga halaman, ang magic crystal ay medyo may katigasan.

Inintay niya itong maging pulbos bago ito lumutang sa kaniyang harapan. Ilang sandali pa ay lumutang na rin ang iba't ibang sangkap sa paligid ni Finn. Kinontrol niya ang mga ito sa kaniyang palad at hinayaang pumasok sa loob ng cauldron.

Itinaas niyang muli ang init ng alchemy flame at pinanood kung paano nito lamunin ang mga handa ng sangkap. Sa loob ng cauldron ay naghalo-halo ang iba't ibang kulay na sangkap at nabuo sa iba't ibang hugis. Dahil sa patuloy pang pagkontrol ni Finn, sa wakas ay nabuo na rin ang pill sa tama nitong hugis. Dali-dali niya itong inilagay sa isang maliit na bote. Sa oras na bumalik ang lakas niya, kakainin niya ito at sisiguraduhin niyang lalampasuhin niya si Seve Marren!

"Sa wakas!" masayang bigkas ni Finn sa kaniyang sarili. Pero ilang sandali pa lang ay nakaramdam siya bigla ng pagkahilo. Naramdaman niyang umiikot ang kapaligiran niya at kinukuha na siya ng dilim.

Gustuhin mang labanan ni Finn ang kaniyang antok, hindi niya magawa dahil sa kaniyang sobrang pagkapagod. Ilang sandali pang pagpupumilit ay hindi na rin nakayanan ni Finn at tuluyan ng bumagsak ang katawan ng binatilyo sa sahig at nawalan na ng malay.

--

Muling nagising si Finn ngunit napansin niyang wala na siya sa kaniyang silid. Ang kaniyang kapaligiran ay purong kadiliman. Wala siyang makitang kahit ano kung hindi ang dilim.

Habang hawak-hawak ang kaniyang ulo. Sinuportahan niya ang kaniyang sarili upang makatayo. Naguguluhan siyang bumulong sa kaniyang sarili, "Asan ako...?"

"Nasa loob ka ng iyong panaginip." wika ng isang boses.

"Sinong nariyan?!" naging handa si Finn nang marinig ang boses ng isang lalaki.

'Dinala ba siya ng Black Tiger Family sa isang madilim na lugar upang sikretong patayin?' tanong ni Finn sa kaniyang sarili.

"Gaya nga ng sabi ko, nasa loob ka ng sarili mong panaginip." muling saad ng boses.

Nagulat nalang si Finn ng biglang may lumitaw sa kaniyang harapan. Isa itong lalaking hindi hihigit sa tatlumpung taong gulang. Nagulat din si Finn dahil ang katawan ng lalaki ay napaplibutan ng puting liwanag.

"Kung panaginip ko ito, bakit narito ka sa aking panaginip?" mausisang tanong ni Finn.

"Ilang taon na akong naglalakbay sa kalawakan dala-dala ang system ng "Rise of Gods", isang Virtual Reality. Ngunit nitong mga nakaraang ay isang pagbabago ang nangyari sa kalawakan na humigop sa aking kaluluwa. Kahit ako ay hindi alam kung bakit ito nangyari, ang tanging alam ko lang sumanib ang aking kaluluwa sayong katawan."

"Sa ilang araw ko sa iyong katawan, nasaksihan ko na kung anong klaseng mundo ang ginagalawan mo at alam mo ba na ang inyong mundo ay may pagkakatulad sa larong nilalaro ko?" pagpapaliwanag ng kaluluwa.

"Laro?" nagtatakang tanong ni Finn.

"Aiya, of cour-- maging ang lenggwahe niyo ay kagayang kagaya rin ng lenggwahe sa loob ng laro. Sa oras na tuluyan ng sumanib ang kaluluwa ko sa'yo, syempre ay malinaw mo ng maiintindihan ang lahat." paliwanag pa ng kaluluwa.

"Sa tingin ko ay ang iyong angkan ay humarap ngayon sa isang matinding panganib. Ayoko ng maulit pa sa iba ang nangyari sa akin." taimtim na tumitig ang kaluluwa kay Finn at nagpatuloy, "Gusto kitang tulungan upang makamit ang lakas na gusto mo upang maprotektahan mo ang iyong angkan."

--

Continue lendo

Você também vai gostar

485K 34.9K 42
April 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --
705K 48.9K 62
June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --
Crescent Online De Arki Aaron

Ficção Científica

32.9K 4.1K 45
January 10, 2035. The first-ever virtual reality game in the Philippines; Crescent Online developed by AstroGame Corporation. Miracle Salvador is a...
348 101 47
Status: Complete Isang Akdemyang saklaw sa mga ordinaryong tao at sa bansang na pinapamunuan ng gobyerno. Inilayo sa mga tao dahil sa sikreto at bata...