READ PLEASE. PLEASE. PLEASE. HEHE.
Guys. Hindi na po ako magdededicate ng mga gusto magpadedicate. Kasi po ang hirap masyadong madami tsaka para fair. Kaya every end ng chapter may itatanong ako tapos kung sino ung makulit at magandang sagot sakanya ko idededicate. Mag-answer kayo kung gusto nyo ng dedication :P
Dedicated to her kasi I SUPER DUPER LOVE HER STORY, 'STUCK IN THE MOMENT.' Mygas. Nung sunday yata, inabot ako ng almost 2 in the morning sa pagbabasa. NAKAKAKILIG PRAMIS. :""> Kaya read nyo na din! KathNiel story din hihihih.
Enjoy :3
------------------------------------------------
Mikay's POV
Maaga akong nagising ngayon, gawa na din ng pangungulit ni Gino na pumunta kami sa ilog.
Nasarapan? Haha.
Si Mikki at si Lolo, hindi pa dumadating. Maglalunch na wala padin.
Pero kasama naman nila si Andoy kaya okay lang.
Si Mama, nandun sakanyang mga amiga. Haha.
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay, nakacross arms, nakatayo at hinihintay sila Mikki.
Baka san mapadpad yun.
"Babe. Wag ka masyadong magworry. I'm sure they're fine." sabi ni Gino sabay yakap sakin.
"I know. They are fine. Pero kasi lunch na, baka hindi pa sila kumakain." sagot ko sabay sumandal kay Gino.
"Hindi naman siguro gugutumin ni Lolo at ni Andoy si Mikki diba? Tara na. Kumain na tayo." hinawakan nya ung kamay ko sabay hila.
"Babe. Mamaya na.." sabi ko sabay balik sa pwesto ko kanina.
"Eh.. Tara na.." pangungulit niya pa.
"Babe. Mamaya na nga." pagmamatigas ko.
"Bahala ka.. Paborito mo pa naman ung ulam." banta nya.
"Ano ba yun?"
"ADOBO." sabi niya sabay ngiti ng malaking-malaki.
"Ayoko nun." bigla kong sabi.
Pero paborito ko naman talaga yun. One of my favorites. Pero, hindi ko lang feel kumain ng Adobo ngayon. Baka next time na lang. ^_^
Napansin kong nawala ung ngiti sa muka ni Gino.
"Huh? Ayaw? Diba paborito mo yun? Ako pa naman nagluto." nagtatakang tanong nya.
"Oo nga. Hindi ko lang feel kumain nyan ngayon. Sorry." direcho kong sabi.
Tumahimik na lang siya. I guess he let that go.
Pero teka..
"Ikaw nagluto?" napaharap pa ko sakanya.
"Oo." mahina nyang sagot.
"Weh?" ulit ko pa.
"Oo nga!"
"Mas lalo tuloy ayokong kumain." sumimangot siya.
"Grabe. Ang sama."
Nagtataka kayo kung bakit?
Eh kasi.. sa lahat-lahat ng ulam. Hindi niya maperfect or makuha ung timpla ng Adobo.
Nakailang ulit na kami dati but still, maalat or matabang, mapait, matamis, ung luto niya.
Ang sama ko ba? Eh kasi naman. Hindi talaga masarap pag siya ung nagluto.. ng Adobo lang naman.
"Babe.." sabi ko sabay tabi sakanya.
Nanahimik lang sya.
"Eto naman.. Hindi na mabiro. Tara na. Kakain na ko." hinawakan ko ung kamay niya pero ayaw niya pa din.
"Babe naman eh. Kakain na nga ako. Sorry na.." niyakap ko pa siya pero waepek pa din.
"Babe--" bigla na lang siyang tumalikod at naglakad papuntang dining. Umupo na siya at kumain.
Hay.
.................................................
Gino's POV
Galit ako.
Oo. Galit ako. Kay Mikay.
JOKE.
Aish. Sige na nga.
Nagtatampo ako.
Hindi ko naman kayang magalit sakanya.
Pero diba? Kahit na hindi ako PERFECT husband at hindi ako PERFECT magluto ng Adobo. Inappreciate nya na lang.
Tsaka, hindi niya pa nga natitikman, nilait na nya. Buti sana kung tinikman nya muna diba? Malay mo maayos naman ung lasa.
Ah basta. Mamaya ko na siya papansinin.
KUNG KAYA MO. ~bulong ng konsiyensya ko.
Bwisit. Nangonsiyensya pa. Arg.
Nagulat ako ng umupo siya sa dining tapos nagsimulang kumain. Pasimple ko siyang tinitignan. Ang dami niyang kinuhang kanin. Pati ulam. Tapos nagsimula na siyang kumain.
PSH.
Parang mas lalo akong naiinsulto sa ginagawa nya. Muka namang pinipilit niya lang kainin para hindi ako magalit eh.
Kinuha ko ung plato nya tapos nilayo ko sakanya.. "Wag mo ng pilitin kung ayaw mo." sabi ko ng hindi tumitingin sakanya.
"Eh sino ba nagsabing ayaw ko ng luto mo?" sagot nya.
"IKAW MISMO." sagot ko.
"Aish. Akin na nga." utos niya.
"Wag mo na ngang pilitin baka masuka ka lang jan." sabi ko. Bumuntong hininga sya.
"Babe naman.." hinawakan nya ung kamay ko. "Akin na nga. Seryoso ako. Akin na."
"Wag na--"
"Eh gusto ko nga eh. Ang kulit mo!" sigaw nya.
"Tss." nilapag ko na ung plato niya.
Hawak ko ung kutsara at tinidor pero nakatitig lang ako sa pagkain ko. HAY. Hindi ko talaga siya matiis. Tss. Binaba ko na ung utensils tapos lalapit na sana ako sakanya ng..
"Para kang bata Gino." ramdam ko ung inis sa sinabi niya. Nakatitig lang siya sa lamesa.
Imbes na lapitan ko siya.. nagbago na lang isip ko. Tumayo ako at dumerecho sa kwarto.
PSH.
'Para kang bata Gino' nagreplay pa sa utak ko. KAINIS.
Naiinis ako at nagtatampo. Una, sa paglait nya ng luto ko. Pangalawa, sa pag sabi nya ng isip bata. Pangatlo, dahil ANG GULO nya. Hindi naman kasi siya ganyan kasungit!
Ewan. Mamaya na lang siguro. Mamaya ko na siya papansinin.
----------------------------------------------------
QUESTION:
Sa tingin niyo, sa Princess And I, MiGi kaya ang magkakatuluyan? Kung oo, bakit? Kung hindi, BAKIT HINDI?!
Comment your answer! :DD