Roneth's
Kanina ko pa hinahanap sila Hanna, at Antioneth baka kasama nila si Andreise, may mahalaga akong kailangan sabihin sa kanila, papunta na sana ako sa basketball court nag babaka sakaling nandun sila
"Hep! Hep! Where do you think you're going?."
"Horray? You don't care bitch!!."
"So lalaban ka?"
Bigla kong nakita yung mga alipores niya, what the heck, ang dami nila at maydalang pang baseball bat, Hindi ako makalaban dahil ang mga kaibigan ko lang ang nasa isip ko, the last thing I know naka higa na ako sa sahig, at biglang nag dilim yung paningin ko.
Antioneth's POV
Buti naman naalala pa akong bigyan ng point of view ng author na 'to.
Tapos na ang first day ng intramurals , pero bakit kinakabahan ako hanggang ngayon, kanina pa kasi namin hinahanap si Roneth nalibot na namin ang ang buong school pero hindi namin siya mahanap, puta kinakabahan talaga ako, lalo na't tahimik lang si Andreise para kasing may alam siya, ano ba kasi nangyayari.
"Guyys! I think kailangan na natin ng tulong mula sa Students council."
"Ano ba Hanna , katatapos lang ng game nila kanina, I'm sure pagud na silang lahat."
"Antioneth !! Sila nalang yung pwedeng maka tulong sa atin."
If I know gusto lang niya makita si Mateo, akala niya hindi ko alam na lumalabas sila ni Mateo tuwing gabi? At isa pa 'tong Andreise, akala niya rin ba na wala akog alam na sila na ni A.L ? Syempre mga kaibigan ko yan, kaya alam ko bawat kilos nila kahit nga si Roneth alam kong lumalabas sila ni Daniel paminsan minsan, at ako ? Huwag niyo ng alamin.
"Antioneth, I think Hanna is right , she really badly need our help , nararamdaman kong humihina yung enerhiya niya, "
"Okay sige, puntahan natin sila sa basketball court alam kong nandoon sila."
Habang tumatagal na hindi namin siya na hahanap, mas lalo akong kinakabahan , lalo na sa sinabi ni Andreise na humihina na ang enerhiya ni Roneth, at may kakaiba akong nararamdaman kay Andreise hindi ko lang alam kong ano 'yun.
"Ehem! Excuse me?."
"What do you need Hanna?."
Among problema ni Mateo at nagtataray Kay Hanna.?
"Kailangan namin ng tulong mula sa SC-members."
"Bakit? Ano ba ang nangyari at kailangan niyo ng tulong namin?."
"Hanna and Mateo Alam kong hindi kayo okay, pero kailangan talaga namin ng tulong niyo Mateo."
Ramdam ko ang pag-aalala ni Andreise Kay Roneth, at labis kong ikinatuwa dahil nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala , anyare?
"Sige Andreise! Hintayin lang natin si A.L padating narin yun. "
Bakit pag si Andreise yung kausap nila, nagiging mahinahon sila? I mean yung mga lalaki?
"Oh bakit? Anong kailangan mo sa akin Mateo?."
"Hindi ako ang may kailangan, sila Andreise."
" Dennise, bakit? Na miss mo ba ako at kailangan mo pa talaga ako puntahan dito."
"We need your help , as a SC-president dahil kanina pa nawawala si Roneth.
Nakita ko ang gulat sa mga mata nila, lalo na kay Daniel , nakita ko siyang nag mamadaling lumabas, siguro hahanapin niya si Roneth
" Don't you worry Dennise , tutulongan ka ng buong SC-members , kasama ako, yun ay kung papayag ka sa alok ni Mrs. Peñalosa na maging pambato sa MR. and MS. Intramurals ."
"Oo na ! Payag na ako, bilisan na natin ang pag hahahanap kay Roneth, unti unti ng bumabagal ang pulso niya."
Teka lang, napapansin ko, bakit Dennise ng Dennise si A.L ? Sa pag kaka alam ko ayaw ni Andreise tawagin siyang Dennise or Angelique. Kinabahan ulit ako sa sinabi ni Andreise, dahil siya ang source ng power namin, nararamdaman niya ang bawat panganib sa amin at ang bawat pulso namin, kung hindi lang nawawala si Roneth siguro mag sasaya ako, dahil first time na sasali si Andreise sa mga pageant na yan, ilang beses na namin siyang pinilit na sumali pero wala eh, ayaw saw niya sa mga kaartehan na ganyan.
Habang nag lalakad kami biglang huminto si A.L hindi ko alam kong bakit.
"Wait Dennise nararamdaman mo ba si Roneth?."
"Yes , I think malapit lang siya dito."
Yumuko ako kasi nga napansin Kong parang may pulang bahagi sa sapatos kong kulay puti, hahayaan ko lang sana ng may mapansin ulit akong kulay itim sa sahig parang dugo?