A Miracle

By peachxvision

912K 20.8K 6.2K

She's not your ordinary lady, And she's no normal girl, But she's everything to me- My one and only dearest m... More

Prologue
Chapter 1: The Living Doll
Chapter 2: Entrance
Chapter 3: Rose Seeds
Chapter 4: Behind Her Smiles
Chapter 6: Discernment
Chapter 7: Between the Lines
Chapter 8: The Shattered Memory
Chapter 9: Miracle
Chapter 10: The World of My Blessed Wonder
Chapter 11: When She Starts to Be Everything
Chapter 12: Err
Chapter 13: The Lullaby
Chapter 14: The Con
Chapter 15: Valentine's Day
Chapter 16: She Will and She Was
Chapter 17: She Is a Rose
Chapter 18: Tears in Heaven
Epilogue

Chapter 5: Her Miserable Past

13.2K 587 92
By peachxvision

Hindi ako pumasok kinabukasan. Bakit? Ayokong makita ng mga tao na mugto yung mga mata ko.

Bakit mugto yung mga mata ko?

Kasalanan ng diary niya.

Hindi pa ako umiyak nang ganito. Nakakainis dahil umiyak ako. Ang totoo niyan, dalawang beses pa lang ako umiiyak: noong libing ng lola ko at noong naghiwalay kami ni Sam. Noong naghiwalay kami ni Sam at kinantsawan ako ng barkada ko, nangako na ako na di na ko iiyak. Naalala ko pa yung sinabi ni Ethan, "Ano ba, tol? Ikaw lang ata 'tong chick boy na madaling paiyakin e."

Ang barkada ko lang naman ang nakakita. Ngayon, napaiyak ako dahil sa diary niya. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit.

Dito ko napansin na noong una pala kaming nagkita . . . ika-labing pitong kaarawan pala niya. Tae.

Ika-pitong kaarawan niya. Rebecca pa ang tawag sa kanya. Iyong teddy bear na lagi niyang hawak, regalo sa kanya ng mama at papa niya. Pero kailangan nilang umalis para sa isang business trip kung saan namatay ang mga magulang niya dahil sa aksidente. Isa.

Inampon siya ng tita niya. Iyong tito niya, lagi siyang binubugbog na hindi alam ng tita niya. Pag nagsumbong daw siya, papatayin daw siya. Pagtatanungin siya ng tita niya kung saan galing ang mga pasa, ang sasabihin lang niya, nadapa siya. Dalawa.

Natuklasan din ng tita niya ilang buwan pagkatapos. Pinagtanggol siya ng tita niya hanggang sa nagdesisyon sila na maghiwalay na lang sila. Iyak nang iyak yung tita niya. Iyong anak naman nila, sinisisi si Mary kung bakit nangyari lahat 'yon . . . kahit na ampon lang naman si Mary. Tatlo.

Nang nakumpirma nga ni Mary na ampon lang siya, nakiusap siya sa tita niya na ikuwento ang lahat. Sabi niya, nakita raw siya sa airport ng tinuring niyang ama at ina na umiiyak dahil nawawala. Nakiusap si Mary sa tita niya na hanapin nila yung mga magulang niya. Noong araw na nalaman nila yung address ng tunay niyang ina sa tulong ng ilang corporation at iba pa, nagpakamatay yung anak ng tita niya dahil tingin niya mas mahal na daw ng tita niya si Mary. Dahil sa lungkot at galit, pinalayas ng tita niya si Mary at sinabi na hanapin niya yung mga magulang niya mag-isa. Apat.

Pumunta siya sa address ng tunay niyang ina. Mayaman sila. Pinatuloy siya. Nang nagpa-DNA test, nalaman nga na tunay na ina ni Mary na siya yung nawawala niyang anak. Iyong araw na nawawala siya sa may airport ay kaka-four years old pa lang niya pala. Pero nalaman din ni Mary na seperado na pala sila ng tunay niyang ama simula noong nawala siya ng airport at may asawa na palang bago yung ina niya. Lima.

Katulad ng tito niya ang stepfather niya. Lagi siyang sinasaktan. Dahil magkaiba ang pangalan niya sa birth certificate, maraming pinabago—school records at iba pa. Dahil daw sa sakit ng ulo na binibigay sa kanya, yung mga "pananakit" na lang daw yung sukli sa lahat ng ginagawa niya. Hindi rin alam ng tunay niyang ina yung ginagawa ng stepfather niya sa kanya. Anim.

Nang nalaman ng tunay niyang ina na sinasaktan siya ng stepfather niya, masakit man sa loob niya, nagkita ulit sila ng tunay niyang ama at binigay si Mary sa kanya. Mary na ang pangalan niya. Ang tunay niyang ina ang nagbibigay ng pera sa kanila kaya sila nagkakapera. Dito na sila nakatira simula nang naging labing-isang taong gulang siya. Pero kaya sila nilalayuan ng tao, ex-convict kasi yung tunay niyang ama. Wala siyang naging kaibigan dahil doon. Pito.

Noong fourth year high school siya, nagkaroon siya ng boyfriend at bestfriend. Noong birthday niya, kasabay ng fifth monthsary nila, nakita niya na naghahalikan yung boyfriend at bestfriend niya. Walo.

Pero ang pinakamasaklap . . . kaya ako napaiyak . . .

Second year college siya nang malaman nila ng tatay niya na may leukemia pala siya. Siyam.

Sinong hindi maiiyak sa lahat ng 'yon? Sa iisang tao, nangyari lahat ng bagay na 'yon. Kung sa pusa, nine lives, sa kanya, nine deaths. Katulad nga ng sinabi niya, hindi ako makapaniwala na may nag-e-exist pala na gano'ng istorya. Kaya pala siya nagpasa ng mga papeles para sa leave.

Pero sa dulo ng bawat ng mga sinusulat niya sa diary niya, may nakalagay: pero hanggang ngayon . . . di pa rin ako marunong umiyak.

Isa nga siyang masokista. Isang taong gustong gusto masaktan. Hindi naman 'yon nakapagtataka. Kinakaya niyang ngumiti pero nakakulob ang mga luha niya. Ngayon naiintindihan ko na. Totoo yung sinabi niya na gusto niyang mahulog yung mga luha sa mata niya. Dahil kahit kailan . . . hindi pa siya umiiyak.

Oo, alam ko. Kung sa normal na mundo, alam kong impusible. Pero eto, may isang taong nagpatunay sa 'kin na pusible pala yung mga bagay na akala ko hindi pusible.

Sa kalagitnaan ng mga iniisip ko, nag-ring ang telepono ko.

"Hello?" sagot ko.

"Tol," sabi ni Ethan sa kabilang linya. "Ba't mo naman binabaan si Sam noong isang araw?"

"Sabi ko naman sa 'yo, di ba? Ayoko na siyang makita."

"Sabi niya, mahal ka pa rin niya."

Napatulala ako sa sinabi Ethan, pero nakapaglabas pa rin ako ng mga salita. "Sana matagal na niya 'yon sinabi."

"Pare, sus ko naman. Iyong babaeng matagal mo na hinahabol ang naghahabol na ngayon sa 'yo. Alalahanin mo nga yung mga ginawa mo para sa kanya. Hindi mo ba naisip na meron ng saysay yung mga 'yon?"

Tama sa Ethan. Matagal ko na rin minamahal si Sam. May "mutual understanding" kami noon, pero wala talagang relasyon kung sa'n nakakandado kaming dalawa. Siya nga ang first kiss ko at siya ang unang babaeng nagpabaliw sa 'kin. Pero na-fall out siya sa 'kin sa di ko alam na dahilan.

"Tol, debut na ni Sam sa susunod na linggo, sa sixteen," sabi ni Ethan. "Gusto niya, maging escort ka niya."

"Sige pag-iisipan ko."

"Wag na, tol. Wag mo na pag-isipan. Oo na ha? Sige ba-bye."

"Teka!"

Dial tone.

Nagbuntonghininga ako. Nakaisip agad ako ng lugar kung saan ko mailalabas yung stress ko. Iniwan ko yung diary niya sa may kama tapos pumunta ako sa park. Nag-bike ako papunta doon, at siyempre, nakita ko na naman siya.

Umupo ako sa tabi niya at nagswing. May inabot siya sa 'kin kaya napatigil ako. Isang ticket—ticket ata to ng isang play . . . Les Miserables. Natuwa naman ako at binigyan niya ako ng ganito.

"Kasali ka rito?" tanong ko.
"Oo," sagot niya. "Hindi naman sa theater talaga 'yan. Ipapalabas lang namin sa isang school of arts. Ako si Cosette."

"Kakanta ka?"

"Oo. May dalawa akong kakantahin."

"Kailan pa kayo nagpapraktis?"

"Matagal na. Ngayon lang ni-release yung tickets."

"Astig. Sige pupunta ako."

"Aasahan ko. Eto na kasi ang . . . huling performance ko."

Kung hindi ako magtatanong, puwede siyang magtaka. Siyempre, kailangan kong magtanong para hindi niya mahalata na alam ko na yung masaklap na katotohanang mangyayari sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Tingin ko lang."

Ngumiti siya ulit. Binuksan ko yung envelope at tiningnan. Kung tama ang pagkakatanda ko, Les Miserables yung kay Victor Hugo. Nabasa ko na ata 'to. Pagtingin ko sa date, lumaki yung mata ko.

Magkasabay yung debut ni Sam sa play niya. Parehong gabi. Tae. Anong gagawin ko?

"May problema ba?" tanong niya nang makita niya yung reaksiyon ko.

"W-wala."

"Sabihin mo na agad kung hindi ka makakapunta para hindi ako umasang may dadating para panuorin ako."

"Hindi, pupunta ako," sabi ko. "Pinapangako ko 'yan."

"Ikaw lang ang naging kaibigan ko matapos ang tatlong taon. Kaya sana . . . makapunta ka."

Hinawakan niya yung kamay ko. Doon ko lang naramdaman na sobrang lambot pala ng mga kamay niya kahit ilang beses na rin niya 'to ginawa. Siguro dahil ito na yung pinakamatagal na pagkakahawak niya sa 'kin mula noong nagkakilala kami.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nag-iba ang kabog ng puso ko. Hindi ko sigurado, pero kinakabahan ako sa kabog na 'to. Awa? Siguro nga . . . awa lang 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

372K 25K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
38.3M 1M 91
[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her ne...
17.2M 274K 44
Kingdom University Series, Book #1 || Tiffany Damian, despite her elegant beauty, wisdom and wealth, never wanted to be part of the Elites-a distingu...
1.4M 53.3K 95
She and her diary. He and his handwritten letters. Two brokenhearted strangers. One faithful meeting. How do you unlove someone? How do you move...