The Hidden Goddess

By KillerKnight21

21.1K 1K 144

She is beautiful She is unique A girl with special power and has a royal blood A girl named Miracle Josephine... More

Front Matter
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Special Chapter: Midnight Ball
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 (Undercover)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44

Chapter 4

740 35 1
By KillerKnight21


Lumipas ang ilang araw na ganun lang ang nangyari. Magigising ng maaga, papasok sa klase at masuswimming sa lawa. Buti nga at hindi parin kami nahuhuli.

Kasalukuyan akong nakikinig sa history teacher namin dahil kinukwento niya sa amin ang history ng Winterhold.

"Ayon sa history book natin ipinatayo ng mag asawang si Haring Mazon at Reyna Remicy ang Winterhold noong panahon ng mga Khiodis_" naputol ang pagkukwento niya nang magtanong ang isa sa mga kaklase namin.

"Professor diba isang Khiodis din si Reyna Remicy?" tanong ng kaklase namin.

"Yes you're right, alam naman nating nangunguna ang mga Khiodis diba pagdating sa lakas ng ability, so back to the story tayo gaya nga ng sinabi ko kanina ipinatayo nila ang Winterhold para maprotektahan ang mga tulad natin lalong lalo na ang mga Khiodis sa mga Darktross."

Darktross? Narinig ko yung binanggit ni tito Varlisle kay Daddy ah.

"Siguro ngayon niyo pa lang narinig ang Darktross, ngayon pa lang sinasabi ko na sainyo na ubod sila ng sama. Pumapangalawa sila sa mga Khiodis dahil sa kapangyarihan nilang black smoke, kung ginagamit ng mga Khiodis ang kapangyarihan nila sa kabutihan, kabaliktaran naman sa mga Darktross dahil masyado silang nabulag sa kapangyarihan at gustong agawin ang trono ng mga Khiodis para sila ang maghari sa buong Atlanta_"

"Professor I have a question, ilang kingdoms po ba ang meron dito sa Atlanta." tanong nung kaklase namin sa likod.

"Basically, there are seven kingdoms noong meron pa ang mga Khiodis pero ngayon six na lang dahil inubos sila ng mga Darktross. Nangunguna ang mga Khiodis dahil sa may kakayahan silang kontrolin ang winter at ice ability na kayang sirain ang dark smoke ng mga Darktross kaya pumapangalawa lamang ang mga ito, sunod ang Beaufort na may water ability then Ortiz na may Fire ability, Veer na may earth ability, Gother na may wind ability and lastly ang Delion na plant manipulator. Ang ibig sabihin lang nun ay may 5 tayong galing sa royal family dito, kilala niyo naman kung sino sila."

Dahil sa dami ng nalaman ko at marami paring katanungan sa isip ko, di ko napigilang magtanong. "But Professor, bakit po walang pumasok dito na galing sa Veer?"

"Good question Ms. Beaufort, well wala sila dito sa Winterhold dahil nasa Peculiar at Avalon Academy sila. Base sa nabalitaan ko mayroong triplets ang mga Veer, isang lalaki at dalawang babae." sagot niya sa tanong ko.

"Cool! Kung sa aming mga Delion ay twins, triplets naman sa mga Veer!" manghang sabi ni Mardy.

"Tama ka diyan Mr. Delion, well may tatlong Academy dito sa Atlanta. Ang Winterhold kung saan kayo kasalukuyang nag-aaral ay nandito sa Winter forest, ang Avalon Academy na school para lang sa mga babae ay nasa Avalon island na kung saan pinapalibutan ng makakapal na hamog, at ang huli ay ang Peculiar Academy na school para lang din sa mga lalaki ay nasa floating island ng Margu."

Marami pa sanang ikukwento ang professor namin sa amin kaso kulang sa oras kaya ididiscuss na lang niya next meeting.

Lumabas na kami ng classroom at dumiretso sa dining hall.

"Grabe sobrang cool pala ang history ng Winterhold." masayang sabi ni Mardy.

"Yeah right, pero nashock talaga ako kasi di man lang nakwento satin ng parents natin ang about sa mga Veer." pag sang-ayon ni Mandy sa kakambal niya.

"Yun nga rin ang pinagtataka ko eh, sila ang 5th Kingdom dito sa Atlanta pero wala man lang tayong alam tungkol sakanila bukod sa mga Khiodis at Darktross, Veer still remains a mystery to me." sagot naman ni Layne.

Tahimik lang akong nakikinig sa pinag uusapan nila nang maisipan kong umalis at pumuntang library. Nagpaalam na ako sa kanila na may ibabalik lang ako saglit na mga libro sa library at saka dumiretso na agad sa library.

---

Hinanap ko ang libro na may history ng Winterhold matapos kong ibalik ang mga librong hiniram ko noong nakaraang araw.

Nang makita ko na ang librong hinahanap ko ay agad ko itong kinuha at umupo sa dulo ng library na dati kong pwesto.

"Seven Kingdoms emerged from Atlanta and they were called Khiodin, Darktross, Beaufort, Ortiz, Veer, Gother and Delion. Hundreds of years ago, there's a Khiodis named Meridel and she has a bestfriend named Tross, a boy came from the Darktross Kingdom. At first Tross only see her as his bestfriend but as time goes by his feeling gets deeper until he fell inlove. Tross didn't tell Meridel his true feelings about her because he didn't want to destroy their friendship. Everything is perfect between the two of them, until Meridel met Marcus- a guy from the Beaufort Kingdom. She fell inlove with Marcus without knowing what Tross will feel if he knew about it."

Ibig sabihin magkaibigan ang Khiodis at Darktross noon? At may lihim pa na pagtingin si Tross kay Meridel.

Maraming tanong sa aking isipan nang mabasa ko ito kaya itinuloy ko na lang ulit ang pagbabasa para masagot ang mga katanungang iyon.

"Tross is ready to confess his true feelings for Meridel but he saw Marcus and Meridel kissing on the side of the lake of Winter Forest."

"Lake of Winter Forest? Yun yung lake sa likod nitong school ah." sabi ko sa sarili ko at itinuloy ulit ang pagbabasa.

"He was shocked and also hurt on what he saw, it was like his heart was stabbed many times by a sharp knife. He just stayed there for a while and tears began to fell from his eyes. It was his first time to cry and it is because of Meridel, his first love. He began to walk towards the two lovers infront of him, Meridel saw him and stopped what she and Marcus was doing. They were both shocked when they saw Tross infront of them teary eyed."

Grabe ang sakit nun ah. Mahal na mahal pa naman ni Tross si Meridel.

"Tross still confessed his feelings even though he knew that Meridel will never see him as a man and will never love him back, after that confession he left Meridel and Marcus shocked. That incident leads to revenge, the love that makes Tross a good man destroys him and that is the time that the Kingdom of Darktross began to take down the Kingdom of Khiodin."

Ibig sabihin ang pagmamahal ni Tross kay Meridel ang naging dahilan ng lahat. Totoo nga na kayang baguhin ng pag ibig ang isang tao, mapabuti man o masama.

"Meridel felt guilty when she knew about Tross's feeling. She wants to compensate for all the things she had done but Tross didn't let her, he only thinks of revenge, he wants to destroy all the Khiodis especially her. At first, she didn't think of this as a treat because she thought she knew that Tross is a good man and he can't do bad things, but love really changed him and turned him into a man full of hatred. The Darktross Kingdom killed many Khiodis, and that is the time that Meridel began to build a safe place for Khiodins to get away from Tross and the Darktross. But still some Khiodins were not able to survived from the Darktross until their Kingdom were cautiously disappeared from the 7 Kingdoms."

Napakakomplikado pala ng lahat noon, dahil lang sa iba ang minahal ni Meridel nagkaroon na ng gulo.

Hanggang dito muna ang binasa ko at saka ko lang namalayan na gabi na pala, chineck ko ang orasan sa wall ng library kung anong oras na and it's already 7:48. Sinasara nila ang library ng mga 7:00 at kailangan wala ng studyante sa loob ng library kundi may parusa na ipapataw samin, ibig sabihin malalagot ako nito.

Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko at dumiretso sa pintuan para macheck kung bukas pa ba ito and luckily bukas pa nga. Bubuksan ko na sana ang pinto nang makarinig ako ng footsteps galing sa labas kaya minadali kong isara ito at nagmadaling naghanap ng pagtataguan. Nagtago ako sa likod ng isa sa mga shelves doon at sinilip kung sino ang taong papasok sa library and then I saw Professor Ayola, our terror Language professor.

Why?! Sa lahat ng professor na pwedeng mapadaan dito bakit siya pa?!

Dahil sa likas na ata sakin ang pagiging shunga ay nasagi ko ang isa sa mga libro na naroon na naging dahilan ng malakas na tunog na agad ring narinig ni Professor Ayola.

"Who's there?" tanong niya na sobrang alerto habang hinahanap kung sino pa ang nasa loob ng library.

Nanatili parin akong nakatago sa pwesto ko at hindi nagsasalita, dahil sa takot ko na mahuli ng isang terror na professor.

"I said who's there?! Reveal yourself now kid, if you don't want me to increase your penalty!" sigaw nito habang palapit nang palapit sa kinaroroonan ko.

Anong gagawin ko?! Konting konti na lang malalaman na ng professor na ako to.

Halos magpawis at manginig ako sa sobrang kaba dahil sa takot na mahuli ng isang professor na tulad niya.  Malapit na sa kinaroroonan ko si Professor Ayola nang may biglang nagtakip sa bigbig ko at hinila ako papunta sa likod ng ibang shelf na sumakto naman sa pagkarating ni Professor Ayola sa dati kong kinaroroonan.

"Hmmm!" pilit kong tinitignan kung sino yung taong nagtatakip ng bunganga ko.

"Shhh!" pagpapatahimik niya sakin saka niya inalis ang kamay niya sa bunganga ko but still di ko parin siya makita dahil madilim kaya binalik ko na lang ang atensyon ko kay Professor Ayola.

"Oh, it's just merely a cat, I thought it was someone." sabi nito nang makita ang pusa sa dating kinaroroonan ko at lumabas na ng library.

Hindi ko napansin na may pusa pala doon kanina. Tulog siya kaya hindi talaga mapapansin lalo pa at madilim na dito sa library.

Nang wala na si Professor Ayola ay nilingon ko sa likuran ko kung sino yung taong nagligtas sa akin mula sa insidenteng iyon kanina at nagulat ako nang malaman kung sino iyon.

"Tober?!" gulat na sabi ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na siya ang nagligtas sa akin mula sa insidenteng iyon. "What are you doing here?!" tanong ko sa kanya.

"Should I receive a thank you from you because I saved you from that terror teacher instead of that question?" agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi nito.

"Sorry and thank you for saving me." mahinang sabi ko pero tama lang para marinig niya.

"You're welcome but you should eat together with me tomorrow, just the two of us." sabay ngiti nito ng nakakaloko.

Ang hirap talaga basahin kung ano ang iniisip nito, minsan tahimik, minsan galit tulad nung nangyari dito sa library, minsan walang expression at minsan naman sweet.

"W-wait! Just the two of us? How about Mandy and the others?" di ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Just let them be, I will talk to them tomorrow, I'm sure they will understand. Remember, you owe me this." sagot niya.

"Hmm! Ang sama mo naman, dapat ang tulong walang kapalit!" Sabi ko rito.

"Who's the bad guy?" tanong niya at tumingin sa akin ng masama.

Nakita ko na yang mga matang yan dati, ganyan na ganyan yung mga matang nakita ko noon sa library nang muntik niyang saktan si Thomas.

"Bakit ganyan ka makatingin ha?!" pilit ko paring nilakasan yung loob ko kahit deep inside eh takot na takot na talaga ako.

"Who's the bad guy?" tanong ulit nito at naglakad papalapit ito sa akin.

"I-it's you." nauutal na sagot ko at umatras palayo sakanya.

"Who?" at mas lalo pa itong lumapit sa akin hanggang sa maramdaman ko na ang shelf sa likod ko.

"Y-you." pag uulit ko sa sagot ko kanina.

Ipinatong niya ang kamay niya sa magkabilaan na palapag ng shelf sa likod ko causing me to be cornered by him.

"Am I that bad?" tanong niya habang diretsong nakatingin saking mga mata.

"A-ah ano, k-kalimutan mo na yung sinabi ko hehe." tumingin ako sa mga paa ko para iwasan ang tingin niya.

"Just answer my question Miracle." inangat niya ang mukha ko para matignan siya sa mukha pero iniiwasan ko parin ang mga mata niya.

"Look at me!" utos niya sakin.

Unti unti kong inangat ang tingin ko sa mga mata niya. Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa magtama ang mga ilong namin.

Tumingin siya sa mga mata ko, pababa sa ilong. Kitang kita ko ang paglunok niya ng mapatigil ang tingin niya sa mga labi ko na parang naaakit siya rito.

Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin, konting konti na lang maglalapat na ang mga labi namin at ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya.

Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa alam ko na ang susunod na mangyayari. Pero imbis na halik sa labi ang natanggap ko, isang halik sa noo.

"I don't want to stole a kiss from you because I respect you Miracle." tumayo na ito ng maayos at dumiretso sa pintuan.

I don't want to stole a kiss from you because I respect you Miracle.
I don't want to stole a kiss from you because I respect you Miracle.
I don't want to stole a kiss from you because I respect you Miracle.
Ano ba Sephine, paulit ulit lang?

"Wait!" sigaw ko sabay habol sakanya.

"Would you please learn to shut up your mouth, mahuhuli tayo dahil sa ingay mo." walang emosyong sabi nito.

Yan nanaman siya sa walang kaemo-emosyong mukha niya. Ang weird niya talaga.

"Grabe ka naman sakin, oo na mananhimik na ko."

Walang ni isa sa amin ang nagsasalita habang naglalakad, hanggang sa makarating na kami sa mga rooms namin.

***

Sorry kung maikli, bawi na lang ako sa susunod.
So ayun, christmas na! Merry Christmas sainyo! 😊

KillerKnight

Continue Reading

You'll Also Like

157K 7K 21
စံကောင်းမွန် + တခေတ်ခွန်း ငယ်ငယ်ကခင်မင်ခဲ့တဲ့ဆက်ဆံရေးကနေအကြောင်းတစ်ခုကြောင့်စိတ်သဘောထားကွဲလွဲပြီး ပြန်တွေ့တဲ့အချိန်မှာသူဌေးနဲ့အလုပ်သမားဆက်ဆံရေးဖြစ်သွ...
1.3M 90.4K 23
#Book-2 in Lost Royalty series (But can be read standalone ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spr...
25.5K 1.8K 29
In their previous life, taehyung had been overweight. His face was covered in acne. Yet jungkook still forcefully ate him up. Exactly how much did h...
59.2K 248 9
slut by choice , no real plot just smut. Please do check on my other stories.