Latecomer

Von Mylazylady

21.1K 281 13

Patricia, ang babaeng mahirap unawain, intindihin, at kausapin. Piling tao lamang ang kaniyang binibigyang ha... Mehr

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Author

Chapter 5

886 12 0
Von Mylazylady

Patricia

“Fine. I need money.”

Sabay kaming napalingon ni Jeyhu sa may hagdanan. Walang reaksiyon kong tiningnan ang mga gamit na nahulog sa sahig bago tiningnan si Israel. Iyong nagugulat niyang reaksiyon, biglang napalitan ng blangko at nagmadaling umakyat ulit.

“As what I have expected from you. How much do you want? Price it.” he said without showing any emotion. But I can feel his hatred towards me.

“50 million,” walang pagaalin-alangan kong sagot. And now, I can clearly see how angry he is. Oh, who cares?

“Biatch,” he angrily named me.

“You can't afford? That's good,”

Pagkatapos ko 'yong sabihin, naglakad ako palabas ng bahay nila. I heard his screams and shouts but I chose to ignore it.

Tahimik akong sumakay ng Taxi habang iniisip ang reaksiyon ni Israel kanina. I knew he's already there, listing me and Jeyhu's conversation.

It's up to the two of them kung seseryosohin nila 'yong sinasabi ko. I said those intentionally and silently observed their response and reactions. It's priceless, though.

“Saan ka bababa, miss?” I heard the driver asked. As I answered him with the name of the hospital, he just nodded.

Nang makababa na ako ng taxi, dumiretso na ako sa room kung saan ang kapatid ko. Naabutan ko itong nakahiga at tulalang nakatingin ng palabas sa TV. Sinuot ko ang takip sa aking bibig at lumapit sa kaniya.

“Patrick,” mahina kong sambit sa kaniyang pangalan and to let him know that I'm here.

“What are you doing here again? Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na 'wag ka ng babalik dito? You're just wasting your time here.” he said without even looking at me.

Every time I visit him, sobrang lamig ng pakikitungo nito sa akin. He'll just look at me without any emotion and then tatagilid ng higa.

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi at umupo sa couch. Tahimik ko lang pinagmamasadan ang kaniyang likod.

“You can now leave me alone.” dinig kong sabi niya. But I'm too tired to mind his words. Too tired.

“How's your feeling?” mahina kong tanong sa kaniya. Just enough for him to hear.

“Why do you care?”

“Just answer me.”

Kaunting katahimikan ang namamagitan sa amin bago niya ako sinagot, “Never been better.”

I just sigh and closed my eyes. “Bukas na 'sila' dadating. What should we do?”

“Never tell them,” napabuntong-hininga ulit ako sa kaniyang naging tugon.

I had no choice. That's what he wants. Ayaw niyang ipa-alam na may sakit siya. Ano pa nga bang magagawa ko? Maybe, none?

Patrick's my brother. My twin brother, actually.

“Umuwi ka na ng bahay,” ani niya at tumingin sa akin.

“Mamaya na,” Tumayo ako at lumapit sa kaniya sabay higa sa kaniyang kama. “Feels good.” mahina kong sabi at ipinikit ang mga mata.

“Hey! Tumayo ka nga riyan! Kama ko 'to!” gulat nitong sigaw. Niyakap ko siya at piniling huwag pansinin ang kaniyang sinasabi.

“Argh! Stop it. Hindi ka ba nandidiri sa akin?” daing niya. Nang sinubukan niyang makawala sa yakap ko, mas lalo ko lang itong hinigpitan at mas sumiksik sa kaniya.  “Tricia, may sakit ako!” sigaw niya.

“Eh, ano naman?” nakapikit kong sagot at inisip kung anong nakakasama doon.

May sinabi siya pero hindi ko na narinig dahil mas nangingibabaw ang antok ko.

Pagpasok ko ng classroom, tila nagkagulo ang mga kaklase ko kaya hindi nila napansin ang pagdating ko which is a good  thing. Kasi to be honest? Sawang sawa na ako sa ugali nila.

Nang makarating ako sa upuan ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa lalaking walang buhay akong tinitigan.

I wanted to take a seat pero mukhang gustong makipaglaro ng titigan sa akin itong lalaking 'to. Nagtitigan kami hanggang siya na mismo ang umiwas ng tingin at parang istatuwang tumingin sa harapan, walang kabuhay-buhay.

As far as I can remember, Israel ang pangalan niya. Iyong hinuhusgahan ako kahapon sa pamamagitan ng kaniyang tingin. Well, I don't mind at all. That's people anyway. Magugulat pa ba ako?

8:30 na akong nakarating dito at sa pagkaka-alam ko, 8:00 ang simula ng unang klase kaya kung tutuusin kalahating oras na akong late. Pero mukhang wala ang guro namin sa English kaya napagdisesyonan kung lumabas nalang ng silid at tinahak ang daan patungong cafeteria.

Hindi na ako nagulat ng pagbukas ko palang ng pinto, masasamang tingin at hindi makabuluhang salita ang ibinato sa akin. Tinitigan ko sila isa-isa at nanatiling nakatikom ang bibig.

Nang matapos nila kong lait-laitin, saka lang ako nagpatuloy sa paglalakad at pumunta sa counter para bumili ng makakain.

Wala kong balak na kainin iyon sa loob ng cafeteria kaya nang matapos akong bumili,  lumabas na rin kaagad ako at tinahak na naman ang daan patungong roof top.

Tahimik akong kumakain mag-isa ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Sinagot ko ang tawag at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya.

“Bitch,” dinig kong sabi ng isang babae sa kabilang linya.

“Zenela,” mahina kong sambit sa kaniyang pangalan. Dinig kong tumatawa ito, tawa ng isang maarte at malditang babae.

“Uunahan na kita, hindi ako tumawag sa iyo dahil namimiss kita, tumawag ako para sabihing bukas kami dadating diyan kaya umayos kayong dalawa ng kapatid mo. Saka uunahan na rin kita, hindi ako masaya na kausap kita ngayon –”

“Hindi mo kami namimiss?”

“No. I mean, yes. Huwag ka ngang assuming!”

“Parang nagtatanong lang. So, ano pang sasabihin mo?” tanong ko

“Katulad ng sinasabi ko, uunahan na kita, hindi ako masaya na naka-usap kita ngayon. Hindi naman talaga ako ang dapat na tatawag sa 'yo, but I have no choice. Hex blackmailed me. Alam talaga ng babairong iyon na ayaw na ayaw kitang maka-usap kaya iniinis niya ako.”

“So, what else do you want to say?” walang gana kong tanong.

“Aba, ang kapal din ng mukha mong palabasin na wala kang ganang kausapin ako. Para malaman mo, hindi naman talaga ikaw ang dapat kung tawagan, kaya lang hindi sumasagot ang kapatid mo kaya wala na naman akong choice. Saka isa pa, wala rin akong ganang kausapin ka!” bahagyan kong inilayo sa tainga ang aking cellphone dahil sa sigaw nito.

Nanatili akong tahimik at hinintay na patayin niya ang tawag.

“Huwag ka ring mag-assume na magba-ba-bye ako sa 'yo, kasi hindi naman tayo close. Oh siya, papatayin ko na!”

Hindi ko maiwasang kumawala sa aking bibig ang mahinang tawa habang ibinalik ang cellphone sa bulsa.

“Ow, the weird just laughed. That's surprising,”

It's Jeyhu.

Saglit ko siyang nilingon at nagpatuloy ulit sa pagsubo. Totally, ignoring his presence.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
14K 669 58
Paano kung isang araw ang babaeng walang karanasan na mag karoon ng isang kasintahan ay mapagkamalan ng isang bata na ito ang kanyang ina. Ano kaya a...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]