Fight or Flight? [Book 2] ON...

By EnsconceSlack

56.7K 2.2K 380

BOOK TWO of Dr. Who? The Yasmine 'Yassy' Bernice Monteverde Story I don't understand the hatred and fear of... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33

10

1.7K 79 8
By EnsconceSlack








"Should we do something?" I heard my companion say with that attractive English accent.





Tumingin ako kay Nicole para tignan kung seryoso ba ito sa tanong niya. And she is. Binaling kong muli ang atensyon ko sa binatilyong may hawak ng rosas at kanina pa hindi mapakali. Uupo ito tapos tatayo, hanggang sa uupo uli at hahawakan ang ulo niya. It's actually funny.





"Ikaw bahala." Walang gana kong tanong. Naramdaman ko na lang ang paghila sa akin sa kamay ni Nicole, "Why are you dragging me with you? If you want to help him then go alone." Binitawan na ako nito.





"Fine." Pinanood ko ang magandang babaeng kasama ko papunta sa binata. Magkausap ang mga ito ngayon at nakikita ko na nabubuhayan na ng loob ang lalaki. Come to think of it, not even a month that I have known this girl and I have been seeing her often. I find it a mystery.





Nicole gives him a thumbs up and pushed the guy encouragingly. Naglakad na paalis ang binata at hinintay ko si Nicole sa kung ano man ang sinabi nito, "Hope it works."





"What insightful words of encouragement did you tell him, mi lady?"





"I just told him the consequences of backing out from our feelings. That we only live once to give regret a space in our life." That's...a good thought, "To never ever have someone that got away in our lifetime." She said it slowly with a pang of emotion. 





"Based on own experience?" Pilya kong saad.





"Maybe." Mabilis nitong tugon. Gusto kong hawiin ang buhok nito na nakaharang sa mga mata niya.




"Between Maybe is a Yes." This is interesting.





Umayos ito ng upo, "I was young and scared. I also don't want to be a disappointment to my Mother." May kumirot sa puso ko, "I couldn't fight the love I found."





"Do you still keep in touch?"





"No." Ngumiti ito sa akin, "Last I heard, kinasal na siya at may anak na rin. I'm half glad I did what I did, because it turned out we were not really meant to be together."





"Any tadbit of regret?"





"Wala, wala naman. I only have what ifs." Curious na tumingin ito sa akin, "What about you? How was your TOTGA?" She brushed her hair to the side. Finally, I can see her features fully.





Should I open up to her?






Mukhang interesado itong malaman talaga dahil tahimik na naghihintay pa rin ito ng sagot, "The one that got away, you mean? But I don't consider her as my TOTGA..." Because she left me, "Because the love that we had ended up hurting us both. We can't be together not until the people who mattered to us will stop involving themselves. Sadly, we are both aware of our reality that we can never have that freedom."




Inikot ko ang paningin ko sa paligid at pinagmasdan ang mga tao. May kanya kanyang isip naman ang bawat isa, may sari-sariling problema pero bakit parang obligado silang makialam sa iba? Bakit ba hindi na lang nila pakialaman ang sarili nilang buhay.





"It sucks isn't it? Even if we tell ourselves to never give a cent to what other people thinks, sometimes it still hurts us. We still get affected by it."





"It does but what really hurts deep down is what the people that matters to us will think about us." Napadungaw ako sa asul na mga ulap. Sinundan ang direksyon ng paglipad ng mga ibon.





It must be nice to feel free and just fly with no direction at all.... just be out there and live...





-Flashback-





Natatakot





Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ko ba iyan nararamdaman ngayon. Binuhusan ko ang mukha ko ng malamig na tubig para magising ako sa katotohanan kahit na alam ko na imposible itong mawala ng ganoon kadali.





Nauunawaan ko na sa wakas kung ano ba talaga itong nararamdaman ko para kay Quinn. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil may parte sa puso ko na aminin ito pero sa isang banda ay may pagdadalawang isip. Natatakot ako na baka mag-iba ang tingin nito sa akin at mawala ang samahan namin, o hindi kaya ay... malaman pa ng ibang tao at pagtawanan o hindi kaya ay pandirihan ako. I don't even want to begin on what my family will think of this.





"Yasmine?"





Tumingin ako sa salamin sa harapan ko upang makita kung sino ang tumawag sa pangalan ko na may mala-anghel na boses.





Mahaba ang buhok nito animo'y walang sasabit kapag sinubukan mong hawiin ito. Matingkad ang kanyang mga mata at mapupungay ang mga pilik mata nito. Mapula rin ang hugis puso ng kanyang mga labi.





Sa simpleng salita, isang napakagandang babae ang kaharap ko ngayon. Ang babaeng kahit madalas ko nang nakakasama ay hindi pa rin ako makapaniwala sa angkin nitong ganda.





"Quinn, what are you doing here?"





"This is a comfort room, should I still explain myself?"





"Carry on then."





Pinipilit ko ang sarili ko na kumawala sa mga pagtitig nito sa akin na animo'y dinadala ako sa isang lugar na walang kasiguraduhan.





Pumasok na ito sa isa sa mga cubicle at nakahinga ako ng maluwag. Minadali ko na ang pag-ayos sa sarili ko dahil sigurado ako na mahihirapan lang ako kapag nadatnan ako ni Quinn ulit dito. Pero bumukas agad ang pintuan at bakas ang pag-aalala sa mukha ni Quinn. Mabuti na lang at wala kaming kasama dito sa loob.





"Yasmine, may problema ba?" Lumapit ito sa akin pero napahakbang ako palayo sa kanya. Napansin nito ang ginawa ko kaya napatigil ito sa paglapit pa ng husto sa akin, "Yasmine..."





"I'm fine, Quinn. There's nothing to worry about."





"Then why does it feel like you are distancing yourself from me?" Pagpupumilit nito, "Yasmine, talk to me." Hinawakan nito ang kamay ko. That's when I felt it, "Yasmine, I'm sorry the other day. I wouldn't even deny that my uncle was an asshole. I wanted to stay with you all throughout the night. "





I took my hand back and I saw the hurt in her eyes, "Did your family asked you to stay away from me?"





Napayuko ako, umiiwas na sagutin ang tanong nito, "Quinn, why did you want to be friends with me?"





"Because I don't see why not." Amin nito, "I love who I am when I'm with you, Yasmine. Alam ko na pipigilan tayo ng pamilya natin na maging magkaibigan and I'm sick of them dictating my life." I bit my lip and nodded my head.





"May nabili ka ba na painting?" Segway ko.





"Wala." Mahina nitong sagot, "I couldn't enjoy watching those paintings without you." Pinigilan ko na ngumiti.





"I left a few minutes after your Uncle dragged you away." Nagaalanganin akong magtanong pero hindi ko magawang isantabi na lang ito, "Were you... were you being physically abused at home?" Hindi ko alam saan banda ang nakakatawa sa sinabi ko dahil si Quinn ay humahalakhak na ngayon.





"Bakit mo naman naisip iyan?" She smiles at me. Tumingin ako sa mga mata nito pero ito pa din ang ngiting palaging ipinapakita ni Quinn sa akin.





"What happened to this?" Inangat ko ang braso nito kung saan nakaukit ang peklat nito.





"From an accident a year ago." Walang emosyon nitong sabi, "with my mother."





"I'm sorry." Nagsisisi akong ibaling doon ang tanong ko.





"It wasn't your car who hit us, right?"  Napaangat ang ulo ko dahil iba ang naramdaman ko sa tanong nito. Teka, bakit nga ba ako tinatanong ni Quinn?





"Of course not." Buong loob ko itong sagot.





"Then there's nothing for you to be sorry, Yasmine." Ngumiti ito sa akin, "What we should be talking about is you... avoiding me."





Hindi na ako nag-abalang magpaalam. Lumabas na ako mula sa comfort room dala dala ang mga gamit ko.





"Bakit ganyan ang itsura mo? Anong meron?" Tanong ni Reece ng makasalubong ko ito.





"Wala 'to." Mahina kong sagot. Namataan ko si Quinn na lumabas na rin sa comfort room at naglakad papunta sa kabilang direksyon.





"Did something happened inside?" Sinundan ni Reece ang tingin ko.





Natahimik lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.





"Did anything happened inside, Yassy." Ulit nito.





"No-nothing. I'm gonna head home now. Bye, Reece." Minadali ko ang bawat salita. Para akong kinakabahan na hindi ko maipaliwanag. Alam ko na isang salita lang ay malalaman agad ni Reece ang peligrong pinagdadaanan ko ngayon at ayokong mag-iba din ang tingin nito sa akin.





"Yassy, wait."





Mas lalo kong binilisan ang bawat pag-apak ng mga paa ko. Hindi pa ako handa para sabihin ito kay Reece at lalong hindi pa ako handa sa kung ano man ito sa sarili ko. Alam ko na hinalikan ko siya dati at maiintindihan agad ni Reece ang dahilan ng ginawa kong paghalik sa kanya.





Hinanap ko na agad ang sundo ko pero tahimik lang ang parking lot at wala ang pamilyar na sasakyan namin.





"You're acting so awkward."





Napahawak ako ng mahigpit sa mga librong bitbit ko.





"Yasmine, look at me." Naramdaman ko ang marahang paghawak sa balikat ko.





"Are you going to just stand there and ignore me?"






"Quinn, I just want to be alone. Okay?" Pagsisinungaling ko, "May bumabagabag lang sa akin na hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako ngayon..."





"About what?"





You.





"Basta."





"Since when?"





Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula dahil bigla ko na lang itong naramdaman.... Parang tinamaan ako ng wala akong kamalay malay...





Remembering my Father's words to stay away from Quinn whilst looking at her eyes, softly gazing at me.





"Ms. Quinn."





"Ma'am Yassy." 





I just know that I can't.





Napatigil kaming pareho ng dumating ang bawat driver namin. I turned back to Quinn. As if there's a voice in my head, 'Life is a game of choices. Like you either take a fight or flight.'





Mustering enough courage. Lumapit ako sa kanya at niyakap ito. I took that opportunity to slid a paper inside her bag.  Fingers crossed.





"Don't worry about me. It's getting handy now." I whispered to her.





"We are already friends right? Bakit hindi mo pwedeng sabihin sa akin kung ano man ang nasa isip mo? Don't mind the other people around us." Siya naman ang yumakap sa akin ngayon, "My family asked me to stay away from you but I can't. You're too good to let go, Yasmine."





Nasa bungad na ng mga mata ko ang luhang nagbabadyang mahulog, "For now, you have to let me go because I still look forward of us graduating in the same University." Kinalas na nito ang hawak niya at ngumiti sa akin. Pumasok na ako sa sasakyan ng maraming iniisip at hindi na lumingon pa. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Quinn sa sulat ko.





"Ma'am Yassy, ayos lang po ba kayo?" Bungad ng driver namin pagkapasok ko sa loob, "Sabihan niyo lang po ako kung may problema po kayo. Handa naman po akong makinig at pangako hindi ko ito sasabihin sa kahit na sino pa man."





"Okay lang po ako, Kuya Sandy." Ngumiti ako sa sinabi nito, "Wag kang magalala dahil sa susunod ay magkwekwento na ako sa'yo."





"Mukhang mababait naman pala ang mga Aboitiz, di po ba Ma'am Yassy? Mabuti naman po at pinili niyo po na kaibiganin ang isa sa kanila." Nagsimula na itong magmaneho palabas ng University.





"Kuya Sandy, pwede po bang atin atin na lang ito? Baka kasi magalit sila Mommy kapag nalaman nila na palagi kaming nagkikita ni Quinn. Lalo na't pinagbawalan na ako ni Dad na makipagkaibigan sa kanya."





"Opo, Ma'am Yassy." Ngumiti ito sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay may isa akong kakampi ngayon at handang umintindi sa akin.





"Salamat."





-End of Flashback-






"You confessed on a piece of paper? That's classic." Biro ni Nicole. Hindi ko alam kung bakit ang dali nitong makuha ang loob ko para maikwento ko ang parte ng buhay ko sa kanya. Pero inilihim ko sa kanya ang  totoong pagkatao ni Quinn, "Do you remember what you wrote?"





"It was just a poem." Of course, I still remember it.





"Let me hear it. Come on, Yassy." Pagpupumilit nito. Hindi ko siya pinansin at nagbabakasakaling kalimutan na niya ito, "I will not stop bugging..."





Tumingin ako sa mga ulap sa taas, "As dark as I am.
I will always find enough light
to adore you to pieces.
Just like the stars that thrive at night.
I'm at war.
A war with no treaty.
A war I fight alone.
I have a confession,
Before you judge
Hear me out.
I am a prisoner of war.
Captivated by you." It was lame, I know. Nahihiya akong humarap kay Nicole.





"You said it as if you still mean it." May kasama pa itong palakpak mula kay Nicole, "How is she now?"





"Everywhere, I don't know but I wish her the best in life."





"You know what I have learned?" Pukaw nito, "That some things never work out either because of these two reasons; One, it's not the right one for you. Two, it's not the right time for you." Bakit parang libro ang kausap ko?





Pinagmasdan ko ito, "May saksakan ba ng flash drive dian sa utak mo? O hindi kaya ay may pasukan ng memory card? Nanlulumo ako sa mga sagot mo sa akin parang galing sa internet." I held her chin, tilted it sideways jokingly.





"Internet talaga at hindi libro?" Tawang sabi nito.





"More diverse." Kumindat ako sa kanya, "You know what? The sun is hurting our skin and we will smell like burnt whatever if we stay here longer. Let's grab a drink?" Aya ko sa katabi ko.





"Are you okay now? No longer feeling any anxiety?" Sigurado nito, "You don't want to see your friend?"





"I'm fine now, thanks to you. I have someone inside to keep me updated." Hindi na ito umimik at sumunod na sa akin. Nakayuko akong naglalakad para hindi ako mamukhaan ng mga taong nakakasalubong ko, "Dalian mo maglakad, Nic—" shit. I nearly slipped.





"Nic? No one calls me that for years now but I like it. How about I call you Bernie short for Bernice." Tumawa pa ito sa naisip niya.





"Not gonna happen." I gave her a look.





"Berns?" Oh God.





I hid my disgust, "That's not me."





"Yasmine." Napahinto ako, "No? Yammie? Yas?"





"I doubt you'd be calling me that when you're about to—-" She crossed her arms over her chest, "Just drop it."






"Yammie." Tuloy pa rin niya.





"Yas." Humarap ako sa kanya, "Is that a Yes?" What a child.





"Fine. You can call me Yas." I rolled my eyes at her.





"Great! Hey, I wanna go there." Hindi ko na ito nagawang pigilan pa kaya sumunod na lang ako. We are heading to a food park. A freaking food park packed with teenagers who are socially freaking active.





"Mukhang artista tong mga 'to."





"Si Yassy Monteverde iyan diba?"





I looked down on the floor. Sa madaming tao pa talaga pumunta itong si Nicole. Nakalimutan ba niya na sikat ako? May nakatitig sa akin na babae at alam ko na namukhaan na ako nito. Tumalikod ako kunware nagtitingin sa mga stalls. I wanna gag, there's too much oil in every food in the menu here. Wala bang pang-vegan?





"Uh hello po, Miss Yasmine Monteverde? Pwede po ba magpapicture? Please! Kahit isa lang po!" Pagmamakaawa ng isang menor de edad na babae. If  I agreed to it, sunod sunod na ang magpapakuha sa akin ng picture. Narinig ni Nicole ang sinabi ng babae at tinaas nito ang kilay sa akin. I shaked my head slightly.





"Hi, there. Give me your phone and I will take a decent photo of you and your idol." Unbelievable. I eyed Nicole so hard but I don't think she cares. Inabot naman nitong fan ko ang phone niya at excited na ngumiti. Linapit ko ang katawan ko kunwari, humawak sa balikat ng babae at ngumiti ng pilit, "One, two, three."





Biglang tumili itong katabi ko at eto na nga, napansin na kami ng mga tao.





After a few minutes.





Isinara ko ang pintuan ng comfort room, "I really hate you right now." Pinunasan ko ang magkabilang pisngi ko gamit ang facial wipes na dala ni Nicole. I need to hide and rest my face. People got the word that I'm in a freaking food park. I wouldn't even be shocked if Quinn will hear this and stride in here.





"You hate me because you made people happy?"





Napabukas sara ang bibig ko, "Alam mo ang ibig kong sabihin."





"Don't you feel nice that you can make people smile easily? Isang picture, autograph or hug lang? You might not know, one of them is having a struggle and you just lifted a little weight on their shoulder." Gusto ko itong panggigilan sa braso. Why does she have to be so smart and reasonable? Oh and also attractive.





Napatunganga lang ako sa kanya, "How old are you really? Parang ninety years old ka na mag-isip pero nasa katawan ng nasa bente." I don't think I can win an argument to this girl.





"Too much?"





"If I happen to be a geek then I'd find you a perfect ten and will never let you go. But I'm not one... so." I placed another coat of sunscreen on my face.





"Is that so..." Napaisip ito.





"I was joking, Nic." Ngumiti ako sa kanya, "You are actually something else. You'd be a great person to call whenever there's a life threatening decision." This is so opposite of my booty calls. Sinong mag-aakala na nakapagpigil ako na landiin itong babaeng nasa harapan ko. I drop flirty lines but those are harmless.





"Is that what the Insatiable Yasmine Monteverde say to all of the girls she bedded?"





"Trust me, Nicole. If I want you on my bed then we are no longer here... talking." Keeping it lowkey. I leaned closer to her, "I wouldn't mind at all if you are looking forward to it."





"I am looking forward to deep conversations with coffee." She suggested, "And trust me, Yasmine Bernice Monteverde. You need a lot of time before you can take me to your bed. But the case is, you're not my type." Ouch.





I smirk at her, "I really am into nerdy girls." That earned a laugh from her.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 103K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
142K 5.1K 19
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
178K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...