Nakikita ko ang lungkot sa iyong mga mata,
Ramdam ko ang sakit sa iyong bawat pagluha.
Bawat araw pinipilit mong lagpasan,
makaahon ka lang mula sa kinalalagyan.
Gusto ko'ng iabot ang aking kamay,
para kahit papaano ay magbigay gabay,
Ngunit distansya sa atin ay humahadlang
kaya puso ay napupuno ng lumbay.
Mula sa malayo ika'y tatanawin,
sa Diyos kita'y ipapanalangin.
Aking pag-ibig ay iyong damhin,
sabay sa pag-ihip nitong hangin.