Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Nineteen

1.2K 50 12
By MicxRanjo

"D-DID I hear that right, Erina?" Katerina held her breath, her brain couldn't process what her niece just said.

Maluwang ang ngiting umupo ang pamangkin sa silyang katapat ng sa kanya. Nasa hardin sila't pinagmamasdan ang papalubog na araw. Kahit magaan ang hangin sa ere, tila naman nasasamid siya at hindi makahinga.

"H-how far are you?"

"I'm not sure, I have yet to check with a doctor. Caleb is going to bring me to his uncle who happens to be a specialist. But I haven't had my period in the last two months, Caleb's mom said I am for sure carrying our baby."

"C-Caleb, who? Is he your boyfriend?"

"Of course, Tia! And he loves me, so, so much! Look." Ipinakita nito ang singsing na nasa daliri. "Caleb is coming tonight to ask for my hand, we're going to get married."

She could see the happiness twinkling in her eyes, she had not seen her like that before. She was only nineteen, there were so much things--good things were waiting for her in the future, marriage could wait, but with her pregnancy on the way, she couldn't say anything.

"Aren't you happy for me, Tia Kate? Coz I am, very much so." Halos maluha-luha ang mga mata nito habang maluwang ang pagkakangiti.

"I'm...happy for you, of course. I am looking forward to meeting him, the lucky guy." Pinilit niyang ngumiti.

"He'll be here in an hour. You've got to help me to tell my parents, alam mo naman sila. Please Tia?" Hinawakan nito ang kanyang mga kamay, humilig pa sa kanyang dibdib, nang-aamot ng kakampi.

"O-of course you, silly girl. Alam ko namang ako lang ang kakampi mo."

"Let's go. Papa is in his study room." Nagpatiuna ito sa pagpasok ng bahay patungo sa silid ng kanyang kakambal.

Anuman ang mangyari ngayong gabi, kahit hindi siya sigurado at sang-ayon sa sitwasyon nito, kailangan niyang manatiling nasa tabi ng pamangkin, siya lamang ang maasahan nito.

"BUNTIS? Ikaw?" Mabilis na lumipat ang paningin ni Enrique sa tiyan ni Erina. Maging siya'y halos matinag sa malakas na boses na ginawa ng kakambal.

"Yes." But Erina was the bravest she had ever seen. Kahit alam niyang kabado ito, hindi napalis ang ngiti nito sa mga labi.

"He's coming tonight to meet you. Please, I am begging you, accept him respectfully."

Hindi muna umimik si Enrique, namula ang mukha nito sa pinipigil na emosyon, marahil galit. "Wala ka pang tatlong buwang naririto, nagpabuntis ka na sa kung sino?" sa mariin nitong tinig.

Dumiretso ang mga labi ni Erina, naging determinado ang reaksiyon. "He's not just anybody. He came from a really good family, and I'm sure you have heard of them."

"Wala akong pakialam! You should have reined her, Katerina!"

"Kuya Enrique--"

"I am not a pet!" mariing agaw ni Erina. "Nor a thing that you can discard anytime you don't have a use for it. Anak ninyo ako, Papa...but why can't you accept me? Why?!"

"Kuya, please?" Katerina couldn't take what she was witnessing. She didn't come here for this. "Bakit hindi n'yo na lang siya hayaan? Kahit ngayon lang, pagbigyan n'yo naman siya kahit minsan--"

"I don't need to beg for your love anymore, Papa." Muling putol ni Erina sa kanyang sinasabi. "I already found that in him and I don't need anyone else. I met his family last week, and they welcomed me to their family. Alam ko, they will love me as much as they love their son, the love that I didn't get from my own parents. I will marry Caleb Guerrier ... whether you like it or not."

Biglang dumako ang kanyang paningin sa pamangkin, gustong muling marinig ang pangalang binanggit nito, nais makasiguro.

"Guerrier?" Mas lumakas ang tinig ni Enrique, nanlaki pati ang mga mata.

"Yes, and they seem to be more decent and wealthier than this family--"

Mabilis na nilapitan ni Enrique si Erina at hiniklas ito sa braso. "Babalik ka ng Amerika ngayon din!"

Halos mabingi siya sa malakas na boses ng kakambal. Bumalasik lalo ang reaksiyon nito, lalo pa't nagpumiglas ang pamangkin na makawala rito.

"No! Let me go! Tia Kate, help!" Sa kanya humarap ang pamangkin, nasa mga mata ang pangamba, ang pagmamakaawa.

Ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig, hindi malaman ang dapat sabihin. Nalilito pa rin sa mga naglalarong eksena sa kanyang isipan.

"Tia Kate? Please? I need you." Mabilis na bumalong ang mga luha sa mga mata nito. "You promised me." Sa paos nitong tinig, halos hindi niya marinig.

"S-sino...si Caleb? H-his father...sino ang...ang kanyang ama?" She could feel her knees giving away; her fast beating heart was deafening her.

"Hindi mo na kailangang malaman pa, Katerina. Bumalik na kayo ni Erina sa Amerika, ako na ang bahala rito."

"Alvaro, he is Alvaro Guerrier's son." Mabilis na agaw ni Erina.

Natutop niya ang bibig. Naging mabuway ang kanyang pagkakatayo. Pakiramdam niya'y sumabog ang kanyang puso. Nagkasunod-sunod sa pagbalong ang kanyang mga luha.

"Katerina!" Naging maagap ang kakambal at dinalo siya. Nakita niya sa mga mata nito ang matinding pag-aalala. "Hindi na kita dapat pinabalik pa. Patawarin mo ako." He was always this caring, protecting and a loving brother. "K-Kuya..." Umiyak siya sa dibdib ng kakambal.

"TIA KATE--" Subalit naudlot sa pagdalo si Erina sa tiyahin dahil iniharang ng ama ang isa nitong braso sa kanya.

"This conversation is over, Erina. Mag-empake ka na't iluluwas kita ng Maynila ngayon din mismo."

Naguguluhan man, pinagtibay niya ang desisyon. Hindi na niya pagdadamutan ang sarili na mahalin. Hindi na rin niya kailangan pa ang kalinga ng kanyang magulang. "When Caleb comes, I am going with him with, or without your blessing. I am leaving for good, Papa."

Iniupo ng ama ang kanyang tiyahin sa mahabang sofa bago ito sumigaw sa may labas ng pintuan. "Lucinda! Iempake mo ang mga gamit ni Erina at luluwas kami ng Maynila ngayon din."

Mabilis siyang kumilos at nilapitan ito. "No! You can't do this to me. Buntis ako, and Caleb is the father of my baby!"

Isang malakas na sampal and dumapo sa kanyang pisngi. Natigalgal siya ngunit ininda niya iyon at muling iniharap ang mukha sa ama. "I will not let you ruin my life again! I hate you. I wish you're not my father!"

"Kung gayon matuwa kang hindi nga ako ang tunay mong ama." Sa matigas nitong sagot. "Mali nga sigurong kinupkop kita. Hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat. Hindi ko matanggap na nasa dugo mo ang isang Guerrier! At ngayon, iyang dinadala mo ay isang kahalangan. Isang malaking kasalanan!"

"Kuya Enrique!" Napatindig na muli ang kanyang tiyahin.

"Patawarin mo ako, Katerina." Yumuko ito, iniiwas ang mga mata sa kapatid.

Ngunit siya, halos hindi makahinga sa narinig, sa nais malaman. "W-what do you mean by that?" Fear enveloped her whole being. The truth that she had been suspecting was finally coming out in the open. She thought she was ready...

"Kuya, anong pinagsasabi mo? Anak mo si Erina, ninyo ni Ate Lucinda." Bumakas sa mukha nito ang takot.

Matiim nitong tinitigan ang kapatid, halo-halong emosyon ang nakapaloob roon—galit, lungkot, pag-aalala. Pagkuwa'y muli itong umiling. "Namatay ang sanggol na unang ipinagbuntis ng aking asawa, Katerina, dalawang linggo matapos mong..." Kumuyom ang mga palad nito, tila ayaw nang magpatuloy pa sa nais sabihin. "Matapos kang magsilang ng wala sa oras."

Napasinghap ang kanyang tiyahin. Umiling-iling, nanginig ang buong katawan nito habang hilam ng luha ang mukha. Pagkuwa'y sa kanya ito tumingin. "H-hindi...hin—hindi." Hinapit nito ang dibdib. "No...it can't be."

"Hindi ko sinabi sa iyo dahil...gusto kong kalimutan mo na lang ang lahat, ang makapamuhay ka ng mapayapa. Kaya kinupkop ko siya, namin ni Lucinda at itinuring na sariling anak. Pero hindi ganito, mali nga sigurong dinampot ko ang iniwanan mo na, kung hindi ko ginawa ay hindi sana mabubuo ang ganitong klase ng kasalanan."

"Why?" in her Tia's hysterical tone. "Why?!" Tumangis ito, halos maupos na parang kandila.

Siya dapat iyon, ang makadama ng ganoong damdamin, ang magwala, matakot, magalit. Wala siyang maapuhap na salita upang ibato sa magkapatid. The corner of lips raised, forcefully smiled. What did she just hear? It was more than she could take. She was not ready for this kind of revelation.

"E-Enriq?" Lumuwang ang pagkakabukas ng pinto, mula roon ay nakatayo ang kanyang ina—hindi, ang akala niyang ina na nagsilang sa kanya. Tumingin ito sa kanya, nagsayaw sa mga mata nito ang kung anumang emosyong naroon.

"I guess that explains everything." She wanted to scream, but instead she felt calm, too calm that it numbed every emotion she should be feeling.

Ngumiti siya...na nauwi sa pagtawa, ngunit kasabay ng kanyang paghalakhak ay ang mga luhang walang ampat sa pagpatak. Gusto pa niyang magtaka kung bakit hindi man lang niya maramdaman ang kirot na dapat niyang maramdaman sa nalaman. What a mess, she thought.

"So, that makes you my mother, huh?" Lingon niya sa kinilalang tiyahin.

Somehow, she wished that she could see a glint of happiness in her beautiful face knowing that they were directly connected to each other but instead, it was horror that she saw.

"S-stop. I don't want to hear a thing..." Sa garalgal nitong tinig. Tinakpan ng mga kamay nito ang mga tainga. Lumarawan ang takot, at may isa pa, isang emosyong hindi niya akalaing makikita mula rito...pandidiri.

Kumuyom ang kanyang mga palad. Isa-isa niyang tinitigan ang kinilalang ama, ina, at tiyahin...at kung paanong ang kanyang buhay ay punong-puno ng kasinungalingan.

"Who... is my father? Don't I have the right to know?" Nilapitan niya ang akalang tiyahin.

"Stop it I said!" Bigla nitong sigaw sa kanya bago nito itinulak ang kakambal at mabilis na lumabas ng silid.

Kumilos din si Enrique, hinila siya sa braso at inilabas ng silid. "Ipadiretso mo ang mga gamit ni Erina sa sasakyan ko, Lucinda." Anito nang lampasan ang asawa nito sa may pintuan.

May sasabihin pa sana si Lucinda ngunit hindi na naituloy dahil sa pagmamadali ni Enrique na mailabas siya ng Villa De Dios.

"M-magandang gabi ho, Sir." Agaw ni Caleb, tumayo mula sa pagkakaupo sa isa sa mga sofa sa maluwang na sala.

Tuwa at ngiti ang unang emosyong naramdaman ni Erina pagkakita sa kasintahan, na agad ding naglaho at napalitan ng kakaibang pakiramdam. At tila nananadya naman ang pagkakataon, nanumbalik sa kanyang isipan ang mga pangalang nakaukit sa dalawang puno sa bukana ng kubo. Mariin siyang napapikit, kaalinsabay ng mga isiping ngayon ay nagkaroon na ng katibayan.

"Erina." Matamis nitong ngiti, may paglalambing sa pagtawag sa kanyang pangalan.

Rumagasa ang dugo sa bawat himaymay ng kanyang ugat, umakyat at sumabog sa kanyang utak. Nakaramdam siya ng hilo. May tila humahalukay sa kanyang sikmura, gusto niyang masuka.

Katulad nang nakita niya sa inakalang tiyahin, nakaramdam din siya ng kaparehong damdamin - pandidiri sa binatang ngayon ay nakatayo sa kanilang harapan at handang hilingin ang kanyang kamay upang siya'y pakasalan.

Natutop niya ang bibig, sumuka ngunit walang lumabas doon. Agad siyang dinaluhan ni Caleb ngunit mas mailap si Enrique at agad na nasa kanyang tabi, marahas na itinulak si Caleb palayo sa kanya.

"Leave at once, Guerrier. Umalis ka na!" Sa nanlilisik nitong mga mata.

Gulat at pagtataka naman ang lumarawan sa mukha ng binata, tumingin sa kanya upang umamot ng saklolo. Ngunit hindi niya maramdamang tulungan ang nobyo—muli siyang sumuka pagkabigkas sa salita, mas lalong humalukay ang kanyang sikmura. She couldn't help but feel dirty, filthy and gross out. Hindi niya alam kung paanong lilinisin ang sarili sa matinding pandidiring nararamdaman para sa sarili.

"E-ERINA?" Naguguluhan pa rin si Caleb, hindi maintindihan ang reaksiyon ng kasintahan. Nakikita niyang tila nahihirapan ito, ngunit batid din niyang tila mas gusto nitong lumayo sa kanya, at nasaktan siya roon.

"Lucinda, ang mga guwardiya, tawagin mo't ilabas ang lalaking ito sa pamamahay ko!" Lumipat ang kanyang paningin sa ama ng kasintahan.

"Sir, kung maari lang ho, naparito ho ako para makausap kayo nang masinsinan tungkol..." Napatingin siya sa kasintahan, nagbabakasakaling matulungan pa rin siya nito sa kanyang pakay sa pagparito, subalit tila hindi siya nito narinig. "Tungkol sa amin ng inyong anak."

"Wala akong dapat marinig, at wala ka ring dapat ipaliwanag. Umalis ka na't huwag nang babalik pa. Sige na bago pa dumating ang aking mga tauhan at kaladkarin kang palabas."

Muli niyang tiningnan ang nobya, nakatayo lang ito roon, iwas ang paningin.

"M-Mr. De Dios, I'm afraid I can't do that. May...may kailangan akong panagutan sa inyong anak at narito ako upang hingin ang inyong basbas." Patuloy pa rin niya kahit sa kalooban ay naroon ang papatinding kaba at takot.

Muli niyang tiningnan ang nobya, humiling na sana ay pansinin siya nito. Erina...look at me, please! Tahimik niyang pagmamakaawa.



A/N:

We are in the middle of the story, this story is taking longer than I expected. I get a few days off so I can write a few updates. Enjoy the read.

Please vote, comment, and share this story if you find it interesting. Though I don't interact much, know that i appreciate all your reads and reactions.

Have a happy holidays!

Love,

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
96.5K 2.4K 52
What will you do if you end up in someone else body?
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...