Let Love Do The Magic [COMPLE...

Oleh LoveBugCarrier

16K 531 130

[FIVE INDIVIDUALS, ONE ISLAND BOOK 2] FANTASY/TEENFICTION/ MYSTERY Is it possible for two strangers to becom... Lebih Banyak

Let Love Do The Magic
Unang Kabanata: The Magic Starts Here
Pangalawang Kabanata: Ngiti Sa Iyong Labi
Pangatlong Kabanata: Sa Kanyang Mga Mata
Ikaapat na Kabanata: Nahuhumaling
Kabanata Lima: Maling Desisyon
Ika-anim na Kabanata: Ngiti Sa Labi
Ikapitong Kabanata: Pipilitin Kita
Ikawalong Kabanata: Pamilya
Ika-siyam na Kabanata: Kaibigan
Ika-sampung Kabanata: Kasama Ka
Ika-labindalawang Kabanata: Recorder
Kabanata Labing-tatlo: Harana
Ikalabingapat na Kabanata: Patibong sa Patibong
Ikalabinganim na Kabanata: Tumingin Sa Aking Mata
Ikalabingpitong Kabanata: Nalilito
Ikalabingsiyam na Kabanata: Sa Kanyang Mga Titig
Ikadalawampung Kabanata: Magkapiling
Ikadalawampu't isang Kabanata: Jacket
Ikadalawampu't dalawang Kabanata: Ang Mangga
Ikadalawampu't tatlong Kabanata: Takipsilim
Ikadalawampu't apat na Kabanata: Silent Sanctuary
Ikadalawampu't Limang Kabanata: Sa Kanyang Mga Bisig
Ikadalawampu't Anim Na Kabanata: Yakap
Ikadalawampu't Pitong Kabanata: Haplos
Ikadalawampu't Walong Kabanata: Bangka
Ikatatlumpong Kabanata: Singsing
Ikatatlumpo't Isang Kabanata: Huling Yakap
Ikatatlumpo't Dalawang Kabanata: Pikit
Ikatatlumpo't Tatlong Kabanata: Liham
Ikatatlumpu't Apat Na Kabanata: Tumakas Tayo
Ikatatlumpu't Limang Kabanata: Una At Huling Sayaw
Ikatatlumpo't Anim Na Kabanata: Pamilyar Ka

Ika-sampung Kabanata: Nahihiya

504 20 1
Oleh LoveBugCarrier

"Carmen, tingin mo tapos na ba sila mag-usap?" tanong ko kay Carmen. Hindi niy ako pinpansin at tuloy-tuloy lang  ang pagbabasa niya ng mga aklat. Nagsusulat din siya ng mga solutions na hindi ko rin maintindihan. Tumingin ako sa kabilang  lamesa at nahuli kong nakatingin si Forbe sa amin. Nag-Hi siya at ngumiti lang ako sa kanya tsaka ko inilayo ang tingin ko. Fine! Kung ayaw akong samahan ni Carmen e ako na lang ang lalabas dito sa canteen na ito at maghahanap kila Kristine at Justin. Tumayo ako sa kinauupuan namin at kinuha ang gamit ko. Naglakad ako papunta sa garden nang biglang sumigaw si Carmen. Napahinto ako napatitig sa kanya.

"Saglit! Sasama ako. Baka kailangan nila ng kausap," ngumiti ako at inakbayan siya at sabay kaming naglakad palabas sa canteen. Iginagala namin ang mga mata namin sa buong garden pero hindi pa rin naman sila makita. Naandito pa kaya sila? Baka naman umalis na sila. Ilang minute na rin ang nakalipas at halos magiisang oras nab aka humanap na sila ng ibang lugar. Doon sa kabilang banda ng lugar na iyon, nakita naming may dalawang tao ang nakaupo sa ilalim ng puno. Hindi kami sigurado kung si Justin at si Kristine ba talaga 'yon. Imposible. Magkayakap kasi silang dalawa at hindi naman 'yon kailan ginawa ni Kristine at Justin. Mas mabuti na lang ata kung lalapitan na lang namin 'yong mga taong 'yon nang malaman kung sila ba talaga iyon.

"It's them," mahinahon na sabi sa akin ni Carmen. Habang papalapit kami nang papalapit, mas namumukhaan naming sila nga 'yon. Nakakahiya naman silangn istorbohin at mukhang kakagaling lang nilang umiyak. Pareho pa silang sumisinghap-singhap at seryoso.

"Excuse me?" mahinahon na approach ni Carmen. Nagulat ako at biglang nagsabi ng ganun itong babaeng ito. Agad napatayo si Justin at Kristine at inayos ang mga sarili nila. Dali-dali nilang pinunasan ang mga luha sa mukha nila at ngumiti na tumingin sa amin.

"Kayo pala 'yan. Sige pala, aalis na kami," napa-facepalm ako sa sinabi ni Carmen. Inistorbo niya lang 'yong moment ng dalawa at plinano pa ngang umalis matapos malaman na sila  nga 'yong 'yon. Kakabasa ng mga libro e nawawala na sa sarili itong taong ito.

"Oh wait! Sorry! I was carried away by my emotion. Ok na kami! Right, Justin?" ngumiti si Justin sa amin at nag-thumbs up. Nag-thumbs up si Kristine sa kanya at nag-up here silang dalawa. So sweet! Bagay talaga itong dalawang ito. Hindi malayo na sila ang magkatuluyan sa huli lalo na at mas lumalalim pa ang nalalaman nila sa isa't-isa. 'Yun daw 'yon, e. Someone wouldn't even bother to share his secrets to you if you are not that important to his/her life.  

"So, ok na? Wala ng problema? I told you Justin. Everything will be ok," sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at inakbayan ako. Humarang naman si Carmen sa gitna namin at nakasimangot na nakatingin sa aming lahat.

"Wait! Why I am not aware with these stuff? Akala ko ba e magkakaibigan tayo dito? Tapos hindi niyo ako sinasabihan! Nakakatampo kayo!" nagtatampo na pagkakasabi ni Carmen. Lahat kami e nakatingin sa kanya nang seryoso at tila hindi pa niya makuha ang dahilan kung bakit wala siyang alam sa mga nangyayare.

"Geez, Carmen! You were busy reading your books and we can't even bother you for a moment 'cause you might devour our whole body and munch us to death!" nalilito ang mukha ni Carmen at hindi pa rin maipinta ang mukha niya. Tinitigan niya kaming lahat atsaka ngumiti at nag-peace sign.

"Omg! Sorry! I was so stoked revieweing for my entrance exam in UP kasi. You know, Diliman ang target," Kinuha ni Kristine ang salamin niya at tinignan ang  sarili niya doon.Inayos niya ang buhok niya atsaka tumingin ule kay Carmen. Itinaas niya ang kilay niya at hinawi ang buhok.

"Carmen, I suggest, get a life girl!" umalis siya sa pwesto namin at naglakad palayo sa garden. Napakamot ng ulo si Carmen at natatawa kami ni Justin na nakatingin sa kanya.

"Wait, I don't get it. I have a life naman and I don't get what she's trying to tell me. Eh? I have a life! I have a life and I love my life. Well, whatever. I enjoy my life," ngumiti at naiinis na tawa ni Carmen. Napapa-facepalm na lang kami ni Justin dahil sa ka-weirdohan nito ni Carmen. Jusko, kailangan na ata niyang magpa-consult ito.

Kinapa-kapa ko ang bulsa ko at hindi ko makapa 'yong salamin ko. Parang nawala ako sa sarili ko at gulat na gulat ako! Shocks! Naiwan ko doon sa lamesa na tinatambayan namin kanina!

"Carmen and Justin! Aalis na ako! Naiwan ko salamin ko sa table kanina! Bye! See you tomorrow! Ingat kayo!" ngumiti si Carmen sa akin at si Justin din. Sabi niya magpapaiwan daw muna siya doon para medyo mahinganan naman siya.

"Wah! Mangifera Indica! I never knew we have this tree here," nanlaki ang mata ni Justin at biglang napatayo sa kinauupuan niya. Nakita kong na-bother masyado siya sa sigaw ni Carmen. Tumakbo ule siya papunta sa pwesto ko at inakbayan ako.

"Wrong decision! Sasama na pala ako sa'yo, Lourdes. Baka ikamatay ko pa ang pag-tambay kasama si Carmen dito. Halika na!" natatawa na sabi ni Justin at hindi man lang kami pinansin ni Carmen at tuluyan na kaming umalis. Binatukan ko nang hindi ganun kalakasan si Justin at natawa kami pareho. Kailangan mas masanay na kaming lahat kay Carmen.

Nagkahiwalay na kaming lahat nang pumasok na si Justin sa review class niya at si Kristine ay sumakay sa kotse niya paalis. Tinitigan ko ang orasan sa relo ko  at alas tres pa lang. Naalala ko, Huwebes pala ngayon at wala kaming theater workshop. Mas maganda sigurong pumunta muna ako ng mall at mag-tingin-tingin saglit ng mga damit doon.

"Lourdes," mahina na sabi ng isang lalaki na nakasandal doon sa pader. Suot-suot niya ang earphone niya at hawak-hawak niya ang bag niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti at napangiti na rin ako sa kanya.

"Forbe, o bakit ka naandito?" pautal-utal na tanong ko sa kanya. Inalis niya ang likuran niya na nakasandal sa pader at naglakad papunta sa akin. Napapaurong ako habang tumitindi ang hawak ko sa palda ko. Napatingin siya sa palda ko na hinahawakan ko at napangisi.

"Bakit mo hinahawakan palda mo?" tanong niya habang nagpipigil ng tawa niya. Ito 'yung unang tanong na itinanong niya sa akin noong nasa isla ako. Tinanong niya kung bakit matindi ang hawak ko sa palda ko at nag-dahilan na lang ako para hindi niya mapansin ang pagtitig ko sa kanya.

"Tense! I mean, wala. Uuwi na ako! Bye," inalisan ko siya at tinalikuran. Hinabol niya ako habang naglalakad ako papalayo sa kanya. Nakayuko lang ako habang mabilis na naglalakad. Hindi ko namalayan na pader pala ang tatamaan ko at hindi pinto kaya naumpog ako at napahiga sa sahigan. Nagtawanan lahat ng tao habang tinitigan nila akong medyo hilo dahil sa  pagkauntog ko. Itinayo ako ni Forbe at doon sila natahimik lahat. Hindi ako makatayo nang maayos. Napalakas ata ang pagkaumpog ko.

"Wait, I'll get my car," tumakbo siya palabas at kinuha ng kotse niya. Nahihiya talaga ako sumakay sa kotse niya lalo na at pinagtitinginan nanaman kami ng mga tao. Pangalawang beses na ito at mukhang namumuro na ako sa kanila talaga. Mamaya ipakulam na nila ako dahil sa akala nila na nilalandi ko itong lalaking ito.

Umandar ang kotse at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Napahawak pa rin ako sa ulo ko at ang isa kong kamay ay nasa palda ko. Naging ugali ko na ata talaga itong paghawak nang mahigpit sa palda ko kapag hindi ako komportable o kinakabahan ako. Matapos ang ilang minuto, huminto ang kotse sa isang mall. Paano niya nalamang dito ako pupunta? Tinanggal niya ang seatbelt niya at binuksan ang pintuan ko. Naramdaman kong dumampi ang katawan niya sa mga binti ko. 'Yung amoy niya e naaamoy ko at naiiwan sa ilong ko. 

Bumaba ako ng kotse at gayundin siya. Nag-suot siya ng salamin at potek, mas lalong na-emphasize ang kagwapuhan niya. Simula pa lang ata nang ibinaba niya ang mga paa niya e tinitigan na ata siya ng mga tao. Gusto kong italukbong ang palda ko sa mukha ko at nahihiya akong kasama siya. Mas lalong mahahalata ang malaking pagkakaiba naming dalawa. Binuksan niya ang mga palad niya at tumingin sa akin. Tinitigan ko lang iyon at hindi ko alam kung ano ba ang gusto niya kasing iparating.

"Let's go," sabi niya sa isang mahinang boses. Anong ibig sabihin nun? 'Yun ba 'yung holding hands while walking na sinasabi ng mga kaibigan kong si Armie at Bella. Hindi ako pamilyar doon at kadalasan ko lang 'yon napapanuod sa TV at walang-wala akong planong gawin iyon. Atsaka, bakit kami mag-hoholding hands? Alam kong makapal ang mukha ko para sabihin ito pero, there is no us. Nang maramdaman niyang mukhang hindi ko gustong hawakan ang mga kamay niya, ikinuyom na lang niya ito. 

Papasok kami ng mall at hindi talaga natatanggal ang tingin sa  amin ng mga tao. Parang ang nakikita at nababasa ko sa mga utak nila ay,"Shocks! Who is she to be with that cool guy?" Dapat talaga noon pa lang e mas napaghandaan ko na 'yung mga bagay na ganito. Lalo na noong nasa isla pa kami, sinabi ko rin sa sarili ko na magiging ganito ang kakahinatnan namin kung sakaling magkikita at magkakasama pa rin kami dito sa islang ito. Kaya nga doon ako nagkaroon ng ideya para hilingin na iwan siya dahil natatakot ako na bigla niya rin akong iiwan kung sakaling makawala kami sa loob ng isla na iyon.

"Where do you want to eat our lunch?" ngiti niyang sabi sa akin habang nakatingin. Na-coconscious ako sa sarili ko at hindi ako makapagdesisyon. Itinuro ko na lang ang Greenwich at doon nga kami dumiretso. Habang nasa counter kami, tinititigan ko siya habang nagbibigay siya ng order namin. Kung hindi ko ito kilala, malamang mapagkakamalan ko talaga itong artista. Para kasing walang kalait-lait sa katawan at walang bahid nang kadungisan. Kaya habulin ng mga babae e dahil maliban sa pagiging inglisero at mayaman talagang may ibubuga sa kahit ano mang labanan.

Nahihiya ako sa mga paghawak niya sa aking balikat, braso at minsan sa baywang. Bigla na lang akong napapaurong at napapailing kasi parang hindi normal sa akin ang ganung bagay. Alam kong nawiwirdohan na siya sa akin at sa aming apat pero hindi kopa rin talaga mai-sinkin sa utak ko itong lahat nang nangyayare. Itong ipinapakita niya sa akin, para kasing napakaimposible na sa sobrang dami ng magagandang babae sa school, ako pa itong sinasamahan niya.

Umupo na kami sa isang table. Sa kabilang table namin ay mga freshmen students na simula pa lang kaninang pagkadating namin ay nakatitig na kay Forbe. Todo ang pag-asikaso sa akin ni Forbe at pati upuan na uupuan ko e siya pa ang naguusog para makaupo ako. Kaya hindi maiiwasan na titigan ako nitong mga babae sa gilid namin dahil sa ipinapakita ni Forbe, akala siguro nila e girlfriend niya ako. Jusko! Please, isipin niyo na lang na Lola ako nitong lalaking ito at mas katanggap-tanggap pa 'yun para sa itsura ko.

"Potek! Ang pogi! Siya 'yung nasa magazine na nakita natin kanina sa bookstore!" nagpipigil ng tili at kilig ang mga babae sa gilid ko. Napapalunok na lang ako at kinakabahan at baka makarinig ako ng isang bagay na hindi ko magustuhan. Mukhang mayayaman sila at nag-aaral sa mamahaling eskwelahan. Iba papanaman ang impression ko sa mga katulad nila. Baka hindi ko magustuhan ang ibibigay nilang comment sa akin. 

Napatingin si Forbe sa kanila at mas lalo pa silang nagharumintado at naghampasan sa isa't-isa. Mas lalo pang nagkagulo ang mga babaeng iyon ng kinawayan sila ni Forbe. Napapa-facepalm na lang ako at pakiramdam ko talaga chaperone lang ako dito. Jusko, Forbe! Bakit kailangan mo pang iparamdam sa akin itong kahihiyan na ito. 

"Teka lang, ha?" sabi niya sa akin. Tumayo siya sa kinauupuan niya at pumunta doon sa mga babaeng estudyante na kanina pa nakatingin sa amin. As usual, niyakap siya, hinalikan sa pisngi at halos magurat-gurat na ang damit niya pati ang braso niya kakahila sa kanya. Ito ang problema sa sikat e, lahat nang ginagawa mo e nakatingin sila sa'yo. Ang masama pa, itong si Forbe, palibhasa gwapo e nakiki-cooperate naman sa panlalandi ng iba. At teka, bakit nagiging bitter ako? Naku, Lourdes! Sunggaban mo na 'yang pizza mo at 'wag mo na siyang pakialaman sa pinaggagawa niya sa buhay niya. Masasaktan ka lang ule. Masasaktan at masasaktan. Uso 'yan at alam mo naman sa sarili mong lagi mong mararanasan 'yan.

.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

505 24 1
Will your love, last for a lifetime?
59.6K 912 55
I am inlove with a boy who loves my best friend, should I fight for love? [completed]
4.8K 636 50
In each other's embrace, you find peace. Is this love, however, sufficient to overcome life's challenges? How can you tell if you made the best choic...
366 101 11
When unexpected love was your greatest fear.................can Love survive even it is a never-ending storm.
Aplikasi Wattpad - Akses fitur eksklusif