The Jerk Next Door

By ScribblerMia

876K 19K 5K

"Tangina. Sa 7 bilyon na tao sa mundo, sa 105 milyon na tao sa Pilipinas, bakit ikaw pa? Bakit sa'yo pa?" © S... More

The Jerk Next Door
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12

Chapter 11

13K 410 115
By ScribblerMia

It was a normal Sunday morning. It was sunny outside, yet wala akong maramdamang excitement for the day. Madalas ay maaga akong nagigising para makipagkwentuhan kay Rafaela at Riley, maggala kasama ang barkada, o 'di kaya naman ay makipaglaro kay Jax at sa aso nito.

I love weekends. While others would spend the weekend with their family, in my case, I spend it with my friends, just them. I rarely stay in the house because I just don't want to be with my so-called 'father.' Sobrang awkward lang namin, and I just don't feel the need to talk to him or bond with him because it's useless. I cannot force myself to do something I loathe. There's no point. At ganoon din siya sa akin. Glad we're on the same page.

Habang nakahilata lang ako sa kama at nakatulala sa dingding na may dalawang butiki na naghahabulan ay may narinig akong mga yabag palapit sa kwarto ko. Hindi ko na kailangan alamin kung sino ito. Yabag pa lang, kilala ko na.

"Anton! Alas-diyes na. Ano? Buhay baboy lang?" Sigaw ni Rafaela sabay bukas sa pinto. He was smiling widely. Halatang bagong paligo lamang ito at fresh na fresh pa sa suot nitong puting t-shirt at black jogger pants.

Inirapan ko ito at binaon ang mukha ko sa unan. "Get lost." Sa totoo lang, tinatamad pa talaga akong bumangon. Hindi naman na ako inaantok, ayoko lang talagang iwan pa ang kama ko.

"Get lost, get lost. Arte mo ha! Samantalang pag ikaw ang manggigising sa akin at manggugulo sa kwarto ko, halos itapon mo lahat ng gamit ko, pati ako!"

"Tinatamad nga ako. Wala akong ganang gumala." It's true, though. Wala talaga akong kagana-ganang gumawa ng kahit ano. Mahaba naman ang tulog ko, pero pakiramdam ko ay pagod pa rin ako. Pagkatapos ng nangyari kahapon, naubos yata nito ang lahat ng enerhiya sa katawan ko.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Rafaela sa gilid ng kama ko. "Ganyan ka. Kapag ikaw ang nagyayaya, kahit ano'ng ginagawa ko, iniiwan ko para lang samahan ka," bakas ang pagtatampo sa boses ni Rafaela.

"Not now. Not really in the mood."

Pinilit nitong alisin ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Tara na kasi. Huwag ka na mag-inarte." Sa wakas ay nagtagumpay itong alisin ang unan sa mukha ko. "Saka wala ka rin naman kasama sa bahay ngayon. Nakasalubong ko si Tito Chris palabas. Pupunta raw siyang San Pablo at mamimili," nakangising sabi ni Rafaela. Naaamoy ko pa ang pabango nito at halos sumakit ang ulo ko sa matapang na amoy.

"Hoy, Rafaela! Ginamit mo na naman ba ang pabango ni Tito Ricky?" I frowned. Napahawak ako sa ilong ko at kulang na lang ay maubo ako sa nasinghot ko.

Mas lalong lumaki ang ngisi nito. "How did you know?"

"Nakamamatay ang amoy bwisit ka. Ang tapang mo maglagay. Nag-amoy alcohol ka." Naupo ako at nag-inat.

"Weh. Inggit ka lang." Ngumuso si Rafaela na halatang na-offend.

"Trying hard ka lang," bulong ko bago sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri.

"Ano? Bangon na? Tara na kasi." Nakasimangot na sabi ni Rafaela.

"Oo na. Kainis," I grunted before slowly getting up.

"Bilisan mong maligo at magbihis ha!" Si Rafaela naman ngayon ang nahiga sa kama ko at binasa ang librong nasa gilid nito—Agatha Christie's And Then There Were None.

Napailing na lang ako sa tinuran nito bago siya tinalikuran.

Humugot ako ng malalim na hininga bago pumasok sa banyo. I am carrying this heavy feeling right now, and I do know the reason. I'm  trying to forget everything that happened yesterday. Rafaela is probably doing the same. He hasn't uttered a single word yet about yesterday, and I'm quite thankful for that. Because in all honesty, I don't know what to say and do.

***

"You have practice today, and you're telling this to me just now?" Nakabusangot kong tanong.

Ngisi lamang ang sinagot sa akin ni Rafaela.

Akala ko ay pupunta lamang kami sa kanilang bahay para maglaro ng playstation, kumain, at manood ng movies. Ito kasi ang madalas naming gawin every weekend. Kaya't laking gulat ko nang makita ko sina Japs, Craig, Bogs, at Rumi sa terrace ng bahay nina Rafaela bitbit ang kani-kanilang instrumento.

Isa-isang tumango at bumati sa akin ang mga ka-miyembro ni Rafaela.

"May performance ba kayo, guys?" Namamanghang tanong ko. I smiled secretly when I saw Craig. Hi, Ex-crush!

"Na-invite kami na magperform sa kabilang school this coming Wednesday night for their Acquiantance Party din. Teacher kasi doon ang Kuya ni Rumi," sagot ni Japs.

"Really? Sa Alaminos National High School?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango si Rumi.

"Ayos ah!" Dalawang taon pa lamang ang banda nina Rafaela. Last year, grumadweyt na ang vocalist at ang drummer ng The Combatants kaya nagpa-audition sina Craig bago magsimula ang school year. Swerte namang natanggap sina Rafaela at Rumi.

Rafaela initially auditioned because I pushed him to join the band, gaya ng pagsali niya sa basketball team. Naging crush ko kasi si Craig ng mga two months. Akala ko ay tatanggi at aayaw din sa huli si Rafaela after ko mawalan ng crush kay Craig. Pero somehow, I felt relieved when I saw how happy he was with the band. Madalas at magiliw siyang magkwento tungkol sa banda nila habang nagniningning ang kanyang mga mata. I always knew that Rafaela loves music. He loves to sing, and he loves to play the guitar and piano. Bata pa lamang kami, mahilig na talaga siya sa musika. Hindi man siya ganoon kagaling academically lalung-lalo na sa Math, pero magaling naman siya sa music and arts. He can even paint and draw.

Natutuwa rin ako na sumali siya sa basketball at banda ngayong school year kasi mayroon siyang mapagkakaabalahan na ibang bagay na sadyang magaling naman siya at kayang-kaya niyang gawin. Ako, gusto ko lang maghabol ng mga lalaking crush ko at suportahan si Rafaela sa club activities niya dahil wala naman akong ibang talent. If reading books is a talent, then I guess that's the only talent I have. Hindi rin naman kasi ako ganoon kagaling magsulat gaya ni Rafaela. Pero kahit ganito, masaya pa rin ako. Hindi man ako biniyayaan ng Diyos ng mga nakakainggit na talento, biniyayaan naman niya ako ng mga mababait at tunay na kaibigan, especially Rafaela na parang kapatid ko na. Kung wala siya, hindi ko alam kung magiging ganito kasaya ang buhay ko.

"O, may practice pala kayo, anak?" Bungad ni Tita Irish pagpasok sa gate. May bitbit itong mga pinamili galing sa palengke.

Si Tita Irish ang kamukha ng bunsong kapatid ni Rafaela. Hindi mahahalata na may edad na ito dahil baby-faced si Tita Irish. Petite ito at mestiza. Matangos ang ilong at medyo singkit ang mga mata.

Sinalubong ni Rafaela si Tita Irish at kinuha mula rito ang mga bitbit. "Yes, Ma. Mamaya pa-prepare ng snacks, please," magiliw at may halong paglalambing na sabi nito.

"Oo naman." Ngumiti si Tita Irish sa aming lahat at sabay-sabay kaming nag-good morning sa kanya.

"Good morning din sa inyo. O, siya, maiwan ko muna kayo diyan at magluluto lang ako. Feel at home kayo ha." Muli itong ngumiti sa amin bago tuluyang pumasok sila ni Rafaela sa loob ng bahay.

Maya-maya rin lang ay lumabas si Rafaela bitbit ang kanyang gitara. "O, guys, doon tayo sa garage." Nginuso ni Rafaela ang malawak nilang garahe. Wala ang nakaparadang sasakyan nila ngayon.

"Nasaan ang car niyo," tanong ko rito.

"Dala ni Papa. Pumunta siya sa Manila. May meeting yata. Sinama si Jax para walang makulit."

Tumango ako at naupo sa terrace habang pinagmamasdan sina Rafaela na sineset-up ang kanilang mga instrumento.

"Ano'ng kakantahin natin," tanong ni Japs kay Craig pagkatapos nilang mag-ayos. Kasalukuyan nilang tinetesting ang mga instrumento.

"Iyon bang kanta ng Safetysuit na lang," segunda ni Bogs.

"Yup. Sinend ko sa inyo ang chords noong isang araw para pag-aralan niyo. Ginawa niyo ba?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong ni Craig.

"Oo naman," sabay na sagot nina Bogs at Japs.

"Kagabi ko lang naaral, busy kasi sa dance club din," sabi ni Rumi.

"Ikaw, Raf?" Tatawa-tawang tanong ni Bogs.

"Ako pa ba?! Syempre noh!" Mayabang na sagot ni Rafaela.

Iiling-iling ako na napapangiti sa tinuran ng aking best friend. I hate to admit this, but I think he's a musical genius. Madali niyang mapag-aralan at mamemorize ang mga notes at lyrics.

"Mic test. 1, 2, 3, pangit si Anton," Rafaela laughed.

Nagtawanan din ang mga kamiyembro nito.

I rolled my eyes. So immature.

"All right then. Let's start," nakangiting sabi ni Craig at nagsimulang tumipa ng gitara.

"Is this the end of the moment
Or just a beautiful unfolding
Of a love that will never be
Or maybe be"

Pumainlang ang malamig na boses ni Rafaela. Pumikit siya at ngumiti, marahil ay ninanamnam ang bawat salita sa liriko.

"Everything that I never thought could happen
Or ever come to pass and
I wonder if maybe, maybe I could be
All you ever dreamed"

I didn't notice that I was bobbing my head to the music. Kahit sino marahil na makarinig sa musikang kanilang tinutugtog ngayon ay mahihipnotismo. I closed my eyes and smiled.

'"Cause you are beautiful inside, so lovely and I
Can't see why I'd do anything without you, you are
And when I'm not with you, I know that it's true
That I'd rather be anywhere but here without you
Anywhere but here"

When I opened my eyes, Rafaela met my gaze. He gave me a gentle smile, like what he always does when I feel sad, or when I cry, or whenever I miss my mother.

All the band members were so into their music. Tila ba sila lamang at ang musika nila ang nasa loob ng isang lugar at walang pakialam sa mundo.

Hindi ko rin namalayan na unti-unti rin akong nahihigop kasama nila.

"Is this the end of the moment
Or just a beautiful unfolding
Of a love that will never be
For you and me"

Nang matapos ang kanta ay hindi agad ako nakahuma. Ramdam ko pa rin ang emosyon na nanggagaling sa kanilang musika. Hindi agad ako nakapagsalita at nakakilos. God! How can they be so goddamn good as if they're not newbies?

Tumikhim si Rafaela kaya bigla akong natauhan mula sa pagkamangha.

Napapalakpak na lang ako bigla. "Bravo! Bravo!" Walang tigil ang sigaw at palakpak ko.

Napangiti naman silang lahat sa tinuran ko, lalung-lalo na si Rafaela na halos umabot sa mga tainga niya ang kanyang ngisi.

I'm so proud of my best friend that I suddenly want to run and hug him. Gaano ba kabilis lumipas ang panahon at hindi ko napansin na ganito na kagaling si Rafaela? I bit my lip and shook my head.

Tila ba nabasa niya ang iniisip ko kaya bigla siyang humagalpak ng tawa at kinindatan ako.
***

"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin natin? Baka mahuli tayo!" Nag-aalalang tanong ni Rafaela sa akin habang palingon-lingon sa paligid. Pinagpapawisan ito ngayon.

"Oo nga! Basta hawakan mong mabuti ang upuan," I hissed.

Kasalukuyan kaming nasa likod ng school para magtangkang tumakas. I suddenly felt like not attending the classes today.

Kaninang umaga sa entrance gate ng school ay nakita ko si Nikos kasama ang kanyang barkada na nakatambay sa labas. Nang makita niya kami at magtangkang bumati, bigla kong nahigit si Rafaela at mabilis naglakad papasok.

Upon seeing Nikos' face, bigla akong nawalan ng ganang pumasok. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa akin. I'm not usually like this. Madali naman akong maka-move on, at hindi ako dumating sa punto na iiwasan ang lalaking naging crush ko kapag hindi ko na siya type or kapag nalaman kong may girlfriend pala ito. However, this time, it felt awkward...and sad. Sobrang naninibago talaga ako sa mga nararamdaman ko ngayon.

"Rafael! Antonina! Kayo na namang dalawa!" Malakas na sigaw ng kung sino.

Sabay kaming napaigtad ni Rafaela. Sa gulat namin parehas, muntik na akong mahulog sa upuan at muntik namang matumba si Rafaela.

Holy fudge!

Dahan-dahan kaming lumingon. Pulang-pulang mukha ni Principal Dimapacali ang bumungad sa amin.

"Sumunod kayo sa akin sa opisina ko! Mamamatay ako ng maaga sa inyong dalawa! Nuknukhan talaga ang pagkapasaway niyo!" Nagkamot pa si Principal Dima sa napapanot niyang ulo.

***

Wala sa sarili kaming lumabas ni Rafaela mula sa opisina ni Principal Dima. Tila nawalan kami ng kaluluwa sa aming mga narinig kung kaya't saglit kaming napaupo sa gilid ng hallway. Hindi ko na alam kung ilang minuto kami sa ganoong pwesto.

"Dead," Rafaela suddenly said. He was obviously frightened.

"Double dead," I nodded in agreement. Gusto kong maiyak dahil hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig.

Tumingin si Rafaela sa akin ng may pag-aakusa at tila biglang bumalik ang diwa nito. He crossed his arms. "Sabi ko na, e. I foresaw this. Nakita ko na ang hinaharap sa bolang kristal. Naramdaman ko na ang mangyayaring kalamidad sa buhay ko. Nagkatotoo ang nakasaad sa propesiya." Humawak si Rafaela sa kanyang ulo at marahas itong kinamot bago huminga ng malalim. "Maglilinis tayo ng buong school, Anton. Hindi lang CR, buong school ang lilinisin natin, Anton," mangiyak-ngiyak na sabi nito.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at napayuko na lamang.

Tinampal ako ni Rafaela sa braso kung kaya't muli kong binalik ang tingin ko rito. "Ikaw kasi, Anton! Ang tigas ng ulo mo," reklamo ni Rafaela. He was frowning and pouting.

I returned his scowl with a little rancor. I know, you jerk! Humugot ako ng malalim na hininga at halos mangiyak-ngiyak na rin. Kahit anong pakiusap at pagmamakaawa namin ay hindi pa rin natinag si Principal Dima.

Alam namin parehas na talagang hindi mapapakali si Principal Dima, and we both knew that we were seriously going to pay for this.

At ngayon nga ay nagsisisi kami ni Rafaela. Sa dinami-dami ng makakahuli sa amin, saktong si Principal Dima pa.

"Kapag minamalas ka nga naman," sabay naming nasambit na may kasamang pag-iling.

Mia's Message: The long wait is over. 😂🎉

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...