Luhang pumapatak,
Agos na malakas,
Waring mga pilak
Sa mata'y dumanak,
Irog, tanging hangad
Ang dampi mo't lunas.
Pawiin mong ganap
Ang luha kong hamak,
Bigyan mo ng galak
Pusong naghihirap,
Giliw, pakipunas
Ng balong ng iyak.
Mga Kundiman sa Simbahan ng S...
By LuisMaria0620
WATTY AWARDS 2019 WINNER POETRY CATEGORY Ang aklat na ito ay koleksyon ng dalawampu't walong patulang titik n... More